Moonlight War (Gazellian Seri...

By VentreCanard

4.9M 341K 135K

Jewella Leticia is not just the Goddess of the Moon, but the new Queen of Parsua Sartorias. *** For Leticia... More

Moonlight War
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
New Story Alert: Incense of the Lotus Flower (Le'Vamuievos Series #1)

Chapter 7

79K 5.6K 1.3K
By VentreCanard

Chapter 7

Pag-abot

Sinubukan kong hawakan muli ang kamay ni Rosh ngunit iniwas niya iyon na tila nais niya akong pasabikin sa sunod na mangyayari.

Tulad nga ng sinabi nina Tobias at Dastan, ang kanilang mga kapangyarihan bilang isang bampira ay walang bisa sa ibaba ng bangin na iyon at kung mayroon man sila ay iyon lamang ay ang kanilang pisikal na lakas.

"Anong klase ang bangin iyon?"

"Doon ipinatatapon ang lahat ng makakasalanang nilalang, kung sila'y nalitisan na ng kaparusahang kamatayan."

Nanlaki ang mga mata ko sa pahayag ni Rosh.

"At bumagsak kayo roon sa inyong murang edad? Paano kayo nakaligtas?" Lalo na't limitado lang ang kanilang kakayahan ng mga oras na iyon.

"Dapat sana'y ako ang siyang dahilan ng aming kaligtasan, ngunit masyadong mapapel si Zen simula nang siya'y bata pa..." umiiling na sabi ni Rosh.

Bahagya akong natahimik. Sa pagsasama namin ni Dastan, hindi man lang kami dumating sa punto na nakapagkwento siya sa akin ng kanyang nakaraan kasama ang kanyang mga kapatid.

Wala sa sarili akong muling tumanaw sa labas at muli akong sinalubong ng libong mga ibon na tila ang musikang dala ng plauta ni Rosh kanina'y nananatili sa kanilang pandinig, dahil maging ang kanilang paglipad ay tila isang sayawin na may iisang galaw sa bawat pagpagaspas ng kanilang mga pakpak.

"Leticia?"

Nang lumingon ako kay Rosh ay nakalahad na ang kanyang kamay sa akin. Tinanggap ko iyon at nang sandaling magdaop ang aming mga palad, mabilis akong nakabalik sa kanilang eksena.

"Sabihin n'yo kung sino ang magsasabi kina Amang Hari ng sitwasyon nating itong apat!" singhal ni Tobias kina Zen at Rosh.

Umiiling lamang si Dastan. Kapwa hawak nina Rosh at Zen ang kanilang ulo dahil sa natanggap nilang batok sa kanilang mga kapatid. Sila'y mga nakaupo sa lupa na parang hindi man lang sila galing sa mataas na pagkakahulog.

Nag-angat ng tingin si Tobias.

"Paano tayo aakyat diyan, Dastan?"

"I don't know."

Sina Rosh at Zen ay nag-angat na rin ng tingin sa taas. Maging ako ay hindi ko na rin makita ang pinanggalingan nila.

"Ang taas pala..." namamanghang sabi ni Rosh. Wala sa sariling napatango si Zen.

"Mataas nga." Matabang na ulit ni Dastan. Tumayo na siya habang tipid na pinapagpagan ang kanyang magandang kasuotan.

Ganoon din ang ginawa nina Tobias at Rosh, si Zen lang ang nanatiling nakatitig sa taas ng bangin at tila hindi pa rin makapaniwala sa taas ng kanilang binagsakan.

"Clean up, Zen." Utos sa kanya ni Dastan.

Sumunod sa kanya si Zen at nagsimula na rin siyang magpagpag ng kanyang kasuotan. "There, at your back..." turo ni Dastan. "On your side too..."

Sina Tobias at Rosh ay nag-uusap na rin ng kanila, pero hindi pa rin natatapos sa paglilinis ng kasuotan ang magkapatid na Gazellian.

Nakailang ikot na si Zen pero patuloy pa rin sa pagturo si Dastan.

"On your elbow..." nakakrus na iyong braso ni Dastan habang nagtatapik na ang isa niyang paa sa pagtitimpi kay Zen. Tila pilit niyang pinipigilan ang sarili niyang lumuhod at siya na mismo ang magtanggal ng dumi sa nakababata niyang kapatid.

"Dastan, why don't you remove it? I can't see it---" naningkit ang mata ni Dastan kay Zen. Alam kong pareho na kami ng iniisip ni Zen.

Nakatalikod si Dastan kina Tobias at Rosh kaya hindi ng mga iyon nakita ang kanyang reaksyon. "Rosh will bully you... quick!" bulong niya.

Natauhan doon si Zen kaya pinilit niyang pagpagan ang sarili niya habang nanunuod lang sa kanya si Dastan.

Ilang beses pang sumulyap si Zen sa magkapatid na Le'Vamuievos habang inaayos ang kanyang sarili.

Kung ikukumpara ang relasyon ng magkakapatid, masasabi kong ibang-iba talaga. Kung si Zen ay nakatatandang kapatid ang tingin kay Dastan, si Rosh ay pinaniniwalaan na pantay lang sila ni Tobias.

Kung sabagay, kambal sila at pareho ang edad, iyon nga lamang ay mas naunang lumaki si Tobias, ngunit hindi man aminin ni Rosh ay maging ang pag-iisip ng kanyang kapatid sa ngayo'y lamang na sa kanya.

Nang matapos si Zen ay kapwa na sila lumingon sa magkapatid na Le'Vamuievos. Dapat ay hahawak si Zen sa laylayan ng damit ni Dastan na siyang parang nakasanayan na niya pero pinigilan niya ang kanyang sarili nang maalala na nasa harap nga pala sila ng mga Le'Vamuievos.

Ngayon ko masasabi na mas malalambing ang magkakapatid na Gazellian.

"Ano na ang plano natin?" tanong ni Tobias kay Dastan.

"Siguro'y may ibang daan..." tipid na lumingon sa ibang direksyon si Dastan. "Sa tingin mo ba'y ang bawat kriminal na itinatapon dito ay mismong kamatayan ang sinasapit?"

Namaywang si Tobias at lumingon din siya sa paligid. "Hindi..."

"We should find an exit. Bago pa tayo maamoy ng mga nilalang na—" hindi na natapos ni Dastan ang kanyang sasabihin nang may malakas ungol ng hindi pamilyar na hayop ang siyang umagaw sa kanilang atensyon.

Kapwa naging alerto sina Dastan at Tobias, sabay lumabas ang kanilang mga pangil at ang kanilang mga mata'y nagningas. Isang paraan ng mga bampira upang parating sa kanilang mga kalaban na sila'y handa sa anumang laban.

Mabilis nilang dinala sina Zen at Rosh sa kanilang mga likuran upang protektahan, ngunit hindi iyon naging dahilan upang ang dalawang munting prinsipe'y matinag. Dahil nang sandaling muling umungol ang misteryosong hayop, ay kapwa rin inilabas nina Zen at Rosh ang kanilang pangil upang lumaban.

Sabay iniharang nina Tobias at Dastan ang kanilang mga braso nang akma nang tatakbo patungo sa misteryosong halimaw ang kanilang mga kapatid.

"Stay still, idiots!" asik ni Tobias sa kanila.

"Zen..." mas nagningas ang mga mata ni Dastan sa kanyang kapatid.

Habang pinagsasabihan nina Tobias at Dastan ang kanilang kapatid, muling umungol ang halimaw na ngayo'y nagkukubli sa anino ng matataas na mga puno.

Nang una'y tanging nagniningas na pulang mga mata ang tanging nakikita mula, ilang minuto itong nakatigil sa madilim na anino at tanging mapangahas na ungol ang nangingibabaw, ngunit nang sandaling nagsimula na itong humakbang at lisanin ang anino'y bigla na lamang akong napasinghap.

Ang hayop ay mas malaki sa kinikilalang mapangahas na embargo ng Parsua Sartorias. Animo'y isa itong kakaibang uri ng leon, may pangil itong apat na sa sobrang laki'y hindi na magawang magkasya sa kanyang bibig, nangingitim ang kanyang makakapal na balahibo, may pilat ang kanyang kanang mata, ang kanyang mga paa'y may mga kukong matatalas at mahaba, at higit sa lahat ay ang laki nitong kalahati ng isang malaking puno.

Hindi lang ako, maging ang magkakapatid ngayo'y kapwa nakatingala sa laki ng halimaw na ngayo'y nanlilisik ang mga mata sa kanila.

Nakita ko kung paano naglandas ang butil ng pawis sa noo ni Dastan at ang kanyang braso'y mas iniharang niya kay Zen. Umawang ang bibig ni Tobias habang ilang beses kumukurap si Rosh.

"I'll try to talk to—" nauutal na sabi ni Rosh na hindi rin niya naituloy.

"It will not work. No vampire gift, Rosh. Hindi ka niya maiintindihan kahit makipagkaibigan ka sa kanya." Umiiling na sabi ni Tobias.

"No... I can translate his language right now."

Kapwa na napatingin sina Tobias at Dastan kay Rosh na ngayo'y nakatitig sa halimaw na umuusok ang ilong.

"It's still working?" tanong ni Zen.

"Dinner." Itinuro niya ang halimaw. "It's obvious. Gusto niya tayong gawing hapunan."

"The fuck, Rosh!" iritadong sabi ni Tobias.

Nang sandaling umungol at tumakbo na patungo sa kanila ang halimaw ay kapwa na binuhat nina Tobias at Dastan sina Zen at Rosh. Magkasalungat na direksyon ang kanilang pinuntahan, dahilan kung bakit saglit na naguluhan ang halimaw kung sinong pares ang susundan.

"There! There! Mas masarap ang mga Gazellian!" sigaw nang sigaw si Rosh sa halimaw.

"Oh god! Shut up, Rosh!" Silang dalawa ni Tobias ang unang hinabol ng halimaw.

Tawa nang tawa si Zen habang nag-aalalang lumingon sa direksyon nila si Dastan.

"This animal is a fool! Hindi niya ako naiintindihan, Tobias." Hindi na sumasagot si Tobias at mas binilisan na niya ang pagtakbo.

Habang si Dastan ay tumigil na sa pagtakbo. Pilit siyang lumingon sa paligid upang makahanap ng bagay na makatutulong sa kanila ngunit tila wala siyang mahanap. Nakita ko kung paano siya mariin na napapikit na parang mawawalan na ng pasensiya.

"We need something—" naagaw ang atensyon ni Dastan nang makita niyang muntik nang madapa si Tobias ngunit muli rin itong nakatakbo ng mabilis.

"Call his attention, Zen."

"But--"

"Just do it!"

Sumunod sa utos ni Dastan si Zen, kumuha siya ng mga bato at sinimulan niyanga batuhin ang halimaw.

"Come here! Come here! Gazellians are healthier!"

Ilang bato ang ginawa ni Zen bago naagaw ang atensyon ng halimaw, nasunod ang kagustuhan ni Dastan, ngayo'y sila naman ang hinahabol ng halimaw.

Habang nasa kanilang magkapatid ang atensyon, sina Tobias at Rosh naman ang nasa sitwasyon ng pag-iisip kung paano aatakihin ang halimaw sa limitado nilang kakayahan.

"Think..."

"Tobias, if this thing is big, we need something bigger." Ani ni Rosh.

"What?"

"We'll never tire this thing, right?"

"There's no—" ngunit ang dapat sasabihin ni Tobias ay natigil nang lumipad ang mga mata niya sa mga malalaking puno na nakapalibot sa kanila.

Napatitig siya sa kapatid niya na nakangisi lang habang pinapanuod na hinahabol ng halimaw ang magkapatid na Gazellian.

"Rosh, you're a genius..."

Ikinumpas ni Rosh ang kanyang kamay. "I know..."

Sumigaw ng malakas si Tobias sa direksyon ni Dastan. "Dastan, we need to use the trees! This is like a circular arena! We can trap it!"

Lumingon si Rosh kay Tobias. "What's the plan?"

"The thing you've mentioned..." kumunot ang noo ni Rosh na parang hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ng kapatid niya.

Isa lang ang ibig sabihin niyon, hindi niya na namamalayan na nagbibigay na siya ng suhestiyon sa kanyang murang edad.

Dahil si Dastan ay likas din matalino, hindi na kailangan ng mahabang paliwanag. Sa bawat paghabol sa kanila ng halimaw ay pagtakbo nila patungo sa bawat punong nakapalibot sa kanila at sa sandaling akala nito'y maabot na sila, agad silang tutungo sa ibang direksyon upang magdiretsyo iyon sa mga puno.

Halinhinan sa ganoong paraan ang magkakapatid, hanggang sa ang bawat punong nakapaligid sa kanila'y mabangga ng halimaw at magkaroon ng lamat.

"Vines... we need vines, Rosh..."

Tumango si Rosh at sumunod sa sinabi ni Tobias. Humiwalay siya at nagtungo sa kagubatan upang kumuha ng mahabang baging, kung nasa kanilang mga kapangyarihan ang magkakapatid ay magiging madali lang ang pakikipaglabang ito, ngunit ang mayroon lang sila ngayo'y talino at lakas.

Ilang minuto bago nakabalik si Rosh. "Kayo ni Zen ang magtali niyan sa mga puno, kami na ang bahala ni Dastan dalhin ang halimaw sa gitna. We will give you the signal."

"Alright!"

Nang tumakbo na si Tobias at agawin muli ang atensyon ng halimaw, si Zen ay agad nang inutusang sumama kay Rosh, sa pagkakataong iyon ay hindi nagtalo ang dalawa at ang tanging ginawa'y tumango sa isa't isa. Hawak nila ang magkabilang dulo ng halamang lubid at mabilis tumakbo ang mga batang bampira upang itali iyon sa bawat puno.

Nang nasa dalawang huling puno na sina Zen at Rosh na ang tanging kanilang gagawin ay pagbuhulin at ihagis ang dulo nito sa kanilang mga kapatid, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Panibagong ungol mula sa halimaw. Isang bagong halimaw na doble ang laki sa halimaw na siyang kinakalaban nina Tobias at Dastan. Kapwa natulala ang mga batang prinsipe at sabay nilang nabitawan ang lubid.

Napasigaw na ako. Ilang beses kong tinawag ang pangalan ni Dastan kahit nakikita kong ang atensyon niya'y nasa dalawang bata na rin. At sa unang pagkakataon ay nakita ko kung paano lubos na natakot si Dastan.

Tila gumuho ang buong mundo niya sa reyalisasyon ng sitwasyon ng kapatid niya.

Kapwa tumakbo na sina Tobias at Dastan sa direksyon nina Rosh at Zen sa kabila ng halimaw na maaaring umatake sa kanila mula sa likuran.

"R-Run!"

"Come here, Rosh!"

Magkasunod na sigaw nina Dastan at Tobias.

Ngunit sobrang natigagal ang dalawang munting prinsipe sa sobrang laki ng halimaw na ang isinigaw ang kanilang mga kapatid ay hindi agad rumehistro sa kanilang mga isipan.

"Rosh!"

"Zen!"

Nagsimulang tumalikod sina Zen at Rosh upang sundin ang kanilang mga kapatid, ang kanilang mga kamay ay nakalahad na sa isa't isa ngunit bakas ang matinding takot sa kanilang mga mata.

Mas Inilahad pa nina Rosh at Zen ang kanilang mga kamay sa kanilang mga kapatid upang humingi ng tulong ngunit huli na ang lahat.

"D-Dastan..."

"Tobias..."

Halos hindi ko maipinta ang hitsura nina Tobias at Dastan habang mabilis na tumatakbo na may mga brasong tuwid na nakalahad at umaasang sila'y may maabutan pa.

"N-No..."

"Zen..."

Sabay nilunok ng buhay ng malaking halimaw ang dalawang munting prinsipe sa harap nina Dastan at Tobias.

At bumuhos ang luha ng dalawang binatang prinsipe.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 87.3K 25
(Yours Series # 4) Marian Eliana Nicolas just wanted to be left alone. She knew that she's not exactly the kindest person-definitely not the first pe...
88K 2.8K 67
TRAVIS ZADEN CORDOVA ( VCS#1 ) Don't fall in love with the Superior. That's the only one forbidden Rule! If you don't want the contract to be void; ...
20.1M 839K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
14.3M 621K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...