The Pampered Girlfriend (GxG)...

KangChul23 által

333K 17.6K 2.4K

Iniwan niya ang sariling buhay na kinagisnan at namuhay sa identity ng ibang tao. She never regretted it beca... Több

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Author's Note
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61: Her Short Side of the Story
Chapter 61: Her Short Side of the Story 2
62: The End of the Old and the Start of the New
New Story!

Chapter 3

7.5K 356 75
KangChul23 által

3:

Matapos manggaling sa RedMoon ay dinala na ni Jax si Rose sa M-Light. Namangha ang babae pagpasok nila sa loob.

Dinala siya ni Jax sa opisina nito. Umupo muna siya sa sofa malapit sa personal na mesa ng lalaki, hinihintay na mahanap nito ang kontrata na papapirmahan sa kanya.

"Ayan," tsaka nakangiting nilapitan siya nito at inabot ang mga papales na hawak.

"Pirmahan mo na para maging opisyal na talent ka ng M-Light."

Inabutan siya nito ng isang ballpen na siyang ginamit niyang pampirma.

"Okay na," sabi naman niya tsaka ibinalik ang ballpen at yung papeles.

"Welcome to M-Light Entertainment, Rose."

"Thanks."

"Why don't we celebrate? Kung okay lang sa iyo ay pwede bang imbitahan kita sa bahay ko?" excited na tanong ni Jax. Balak nitong pagsamahin uli si Rose at si Eira sa iisang lugar.

"Boss parang ang sama naman kung pupunta talaga ako sa bahay niyo. Ang bago-bago ko pero ganyan na agad ang treatment mo sa akin. Tsaka baka may magalit sa akin kapag nagpunta ako doon," nag-aalalang saad ni Rose.

Hindi lingid sa kaalaman niya na maraming fans ang bagong boss niya. Kung gugustuhin nito ay sigurado kaya nitong patumbahin lahat ng mga lalaking artista kung mukha lang ang pag-uusapan. Kaya hindi kataka-taka kung may biglang sumugod sa kanya kapag nalaman na pumunta siya mismo sa bahay ni Jax.Tapos inaalala niya rin na baka may girlfriend ito at malaman nito ang pagpunta niya edi nalagot siya. Ayaw niyang madagdagan ang mga kaaway niya.

"Ano bang masama sa pag-celebrate sa pagkakatanggap mo dito sa M-Light. Tsaka pasasalamat ko na rin iyon sa pagtulong mo sa akin kahapon," paliwanag naman ng lalaki. "Tsaka kung girlfriend ko ang inaalala mo, don't worry wala naman siya dito sa bansa ngayon and if malaman man niya ang pagpunta mo ay sigurado hindi naman iyon magagalit. Hindi makitid ang utak ng girlfriend ko and now that I think about it, baka kapag nagkita kayo ay magkasundo pa kayong dalawa."

Kayong dalawa lang ang kayang i-reject si ate eh so baka magkasing wavelength kayo ng myloves ko.

"Sigurado ka ba diyan, Boss?"

"Oo naman. Alam na alam ng girlfriend ko na loyal ako sa kanya," paninigurado pa ni Jax. Napangiti naman si Rose.

"Kita ko nga, Boss. You really live up to your name Caleb," may bahid ng pang-aasar na sabi ni Rose. Nung una palang talaga ay magaan na ang loob niya kay Jax. Parang barkada niya lang kasi ito umasta. Pero still alam niya naman kung hanggang saan lang siya, she knows na may boundary parin sa pagitan nila lalo na at boss niya ang lalaki.

"Hey!" naasar naman ni Jax. Sumimangot pa siya at isinumpa sa isip niya ang W.I.T.C.H na comics na hilig basahin ng Mom niya noon. Dahil doon kaya siya pinangalanang Caleb at yun ang kinakainis niya dahil he's not a 'dog'. It's okay that dogs are loyal ang faithful but he's more than a dog! Sa guwapo niya?!

"Sige na wag ka ng maasar. Papayag na akong sa bahay mo magcelebrate, Boss."

Agad nawala ang simangot sa mukha ni Jax. Okay na pala siya na tawaging Caleb ng future sister-in law niya kung ang kapalit naman nun ay ang pagpayag nito sa alok niya.




Nakasakay na sila sa kotse ni Jax at papunta na sa bahay nito ng tanungin siya ng lalaki kung ano ang gusto niyang kainin para maka-order ito.

"I can cook if meron kang ingredients. If possible kasi ay iniiwasan ko talagang kumain ng mga fast food," sabi niya.

Napaisip naman sandali ang lalaki. "Meron ata pero kung gusto mo pwede naman tayong dumaan sa malapit na grocery store para makabili ng pagkain na gusto mong lutuin at para sigurado na kumpleto ang lahat kapag nagluto ka na."

"Okay."

At dumaan nga sila sa isang grocery store bago sila tuluyang nakarating sa bahay ni Jax. Pagpasok nila ay dinala na siya kaagad ni Jax sa kusina nito.

Habang naghahanda siya sa lulutuin ay nagpaalam ito na may tatawagan. Tumango lang siya at naging busy uli sa ginagawa.

----

"Ano'ng kailangan mo?" walang ganang tanong ni Eira. Tumawag kasi sa kanya ang kapatid niyang si Jax.

Gabi na kaya ano'ng kailangan nito sa akin?

"Guess who is in my house right now?" dinig niya ang excitement sa boses ng kapatid ng sabihin nito iyon sa kanya. Nainis tuloy siya dahil inistorbo lang siya nito para doon. Malamang andoon ang girlfriend nito at nagmamalaki na naman ito sa kanya. Kasi ito may kasintahan na tapos siya wala pa!

"Wala akong pake kaya ibaba ko n--"

"Wait!"

Hindi niya natuloy ang pagbaba ng tawag dahil sa lakas ng boses nito.

"Rose Santos is in my house right now. Nagluluto siya ng pagkain at gusto sana kitang imbitahan. Panigurado kasi na hindi ka pa nakakakain ngayong gabi dahil for sure nasa harap ka na naman ng tambak-tambak na mga papeles."

Pagbanggit pa lang ni Jax sa pangalan ni Rose ay nagka-interes na kaagad siya sa sasabihin ng kapatid niya. At ng sabihin ni Jax na nagluluto ito ng pagkain ay nagdesisyon na kaagad siya na magpunta sa bahay ng kapatid na katapat lang ng bahay niya. Hindi na niya pinakinggan ang iba pang sinabi ng kapatid.

Tumayo na kaagad siya mula sa pagkakaupo at kumuha ng manipis na blazer at sinuot iyon.

Tumakbo kaagad siya papunta sa bahay ni Jax. At isang ring lang sa doorbell ay bumukas kaagad ang pinto.

Napangisi ng patago si Jax sa nakitang ayos ng ate niya. Naka-bun ang buhok nito at nakasuot pa ito ng salamin, indikasyon na kakagaling lang talaga nito sa pagbabasa ng mga papeles. Nakasuot ito ng puting t-shirt na pinatungan ng itim na blazer na pinaresan naman ng jogging pants nito, nakarolyo pa yung sa kanang binti nito na umabot malapit sa tuhod, tsaka nakasandals lang ito.

Hindi ka naman excited sa pagpunta dito, Ate.

Kitang-kita nga na nagmadali ang ate niya sa pagpunta sa bahay niya. Kinompirma lang nito ang hinala niya na may interes nga ang ate niya kay Rose.

Looks like magiging sister-in law ko talaga si Rose.

"Tara pasok ka, Ate." Tsaka niya ito ginuide papunta sa kusina. Umupo silang dalawa malapit sa counter.

Hindi napansin ni Rose ang pagbalik ni Jax lalo na ang pagdating ni Eira. Nakatalikod kasi ito at busy sa nilulutong mechado.

"Ito na Bo----"

Natigilan si Rose pagharap niya ng counter. Imbes kasi na si Jax lang ang makikita niyang nakaupo malapit doon ay katabi nito ang ate nito na si Quinn Eira.

Nang makabawi siya ay inilapag niya sa harap ng mga ito ang ulam na niluto niya.

"Hindi ko alam na pupunta rin po kayo, Miss Saavedra. Pasensiya na kung ito lang ang niluto ko."

"It's okay."

Napatingin naman si Jax kay Eira. Hindi siya makapaniwala na yun lang sasabihin ng ate niya.

Yun lang yun, Ate? I know you can do better than that!

Dahil na-feel din ni Rose ang awkwardness sa pagitan nila ni Eira ay tumalikod na lang siya uli at nagsandok ng kanin. Pinagsilbihan niya ang magkapatid.



Kahit habang kumakain ay ang tahimik silang tatlo. Tunog lang ng kubyertos ang maririnig.

"Ah! Naalala ko may dala pala akong wine pagbalik ko mula sa France. Kunin ko lang," sabi ni Jax tsaka tumayo at pumunta sa kuwarto nito. Iiwan niya muna ang dalawa para makapag-usap ang mga ito.

Nang makaalis ang lalaki ay mas lalong naging awkward ang atmosphere sa counter.

"Miss Santos," tawag ni Eira sa babaeng kaharap.

"Yes, Miss Saavedra," napaangat ang tingin ni Rose mula sa kinakain papunta kay Eira.

Bakit ganito kami ka-awkward!?

"Do you have a boyfriend?"

Malapit na maibuga ni Rose ang nginunguya dahil sa naging tanong nito. Akala niya kung ano kasi ang sasabihin nito tapos yun pala!

"Auhm...wala. Focus kasi ako sa pagmo-model kaya wala akong time mag-entertain ng mga ganyang bagay," pagsasabi niya ng totoo.

Nakita niyang parang nagliwanag ang mukha nito pero binalewala na lang niya.

"So okay lang if may manligaw sa iyo ngayon?"

Napatayo na sa gulat si Rose. "Ah eh...nauhaw ako bigla...teka lang at iinom muna ako ng tubig."

Naglakad siya papalayo dito at nagpunta sa harap ng refrigarator. Habang tumitingin sa laman nun ay damang-dama niya ang bilis ng tibok ng puso niya. Kaba siguro o gulat lang talaga dahil sa tanong ni Eira.

"Miss Santos?"

Mas lalong kinabahan si Rose. Nataranta na rin siya kaya ng may makitang baso sa loob ng ref na may lamang tubig ay agad niya iyong kinuha at ininom.

"Bakit ang init sa lalamunan nito?" tanong niya at ng inilapit niya sa ilong ang baso ay tsaka niya lang nalaman kung ano ang laman nito.

Shit!

Pinuntahan na siya ni Eira dahil ang tagal na niya sa harap ng ref. Nang pinihit siya nito paharap sa sarili ay naamoy kaagad nito ang malakas na amoy ng alak. Napakunot-noo tuloy ang babae.

"Bakit ka uminom?" may halong galit na tanong nito sa kanya.

"Akala ko kasi tubig," sagot na lang niya tsaka ipinakita ang baso dito.

"Bumalik ka na lang sa upuan mo at ako ng kukuha ng tubig."

Sumunod naman si Rose. At pag-upo niya pa lang ay dumating naman si Jax na may dalang wine. Nang makita nito ang basong nasa harap ni Rose ay agad nitong binuksan ang wine at nilagyan iyon.

"Try mo," alok ni Jax, not knowing na nainom pala ni Rose ang isang baso ng whiskey na tira niya nung isang gabi.

Dahil natamaan na sa alak na ininom ay wala na sa tamang wisyo si Rose ng kunin niya ang baso at inubos ang laman nun ng isang tunggaan.

Kahit si Jax nagulat sa ginawa niya. "Okay ka lang ba?"

Huli na ng makita ni Eira ang ginawa ni Rose dahil naubos na nito ang isang baso ng wine.

Dali-dali siyang lumapit sa dalawa. "Jax ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!"

Napapitlag sa gulat si Jax dahil sa pagtaas ng boses ng ate niya. Nagulat din siya dahil galit ito sa kanya.

"Ate pinainom ko lang naman siya ng wi----"

Natigilan silang dalawa dahil narinig nilang may umiiyak. Napatingin sila kay Rose. Nakayuko na ito at nagpupunas ng luha!

"Teka," tarantang lumapit si Eira kay Rose. "Bakit ka umiiyak?" nag-squat ito ng konti para magpantay sila ng umiiyak na babae.

"Pinapagalitan mo kasi ako, Big Boss."

Napatanga si Eira, si Jax naman napatawa ng mahina.

"Hindi ikaw ang pinapagalitan ko," paliwanag naman kaagad ni Eira. Inayos niya pa ang buhok ni Rose na tumatabing sa mukha nito. Nanlambot ang ekspresyon niya habang ginagawa iyon.

The heck, Ate! Bakit sa akin hindi ka ganyan ka-caring?!

Pero kahit inis si Jax ay natutuwa parin siya sa nangyayari sa harap niya.

"Pero pinagtaasan mo ako ng boses, Big Boss," parang batang giit ni Rose. Namumula na ang mukha niya dahil sa kalasingan. Hindi niya alam na magiging ganoon siya dahil hindi siya umiinom ng alak mula pa noon.

Mas nanlambot si Eira dahil doon. "Hindi nga ikaw. Si Jax ang pinapaga---"

"One."

Hindi natuloy ni Eira ang sasabihin dahil narinig niyang nagbilang si Rose.

"Two."

"Three."

Inangat ni Rose ang tingin at ng makita si Eira na malapit sa kanya ay kumapit kaagad siya sa batok nito at hinalikan ang babae.

Olvasás folytatása

You'll Also Like

162K 10.6K 42
(Please read XERA first. Di nyo to maiintindihan pag di nyo binasa yung XERA muna. Lols.) QUIN CERVANTES Maldita, pero matalino. Galit sa bobo at ta...
6.9M 139K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
57.9K 2.6K 54
(GXG - Second Half) Dumako na sa bagong yugto ng buhay ang mga Alexus ngunit wala pa ring nakakaalam kung anong dahilan nang pagkabuo nito. Patuloy p...
4.7M 192K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy