Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs

1.8K 53 2
By aefanfiction

Minsan napapatanong tayo, unfair nga ba ang buhay?

Minsan walang wala na tayo at kaunti na lang ang natitira pero kinukuha pa.

Life, at what extent can it be cruel? Hanggang saan ka ba magpaparaya?

Bakit minsan parang ang pakiramdam natin tayo na mismo ang sinasakal ng laro ng tadhana?

"HINDI! HINDI TOTOO YAN! SABIHIN MO SA AKIN NA HINDI TOTOO!"

"L-Love, sssssh please!"

"POGS! HINDI TO TOTOO! SABIHIN MO NAMAN SA KANILA OH!"

Hindi gumalaw si Erik. Tinitigan niya lang ako habang nakayakap sa akin. Umiiyak din siya.

Hindi pwedeng mangyari 'to.

Hindi pwedeng pati siya mawala sa akin.

"I'm really sorry for your loss Miss Angeline but we already did our best."

Umiling ako. Bakit? Bakit siya pa?!

"PLEASE, HINDI. POGS YUNG ANAK NATIN!!!" lalong humigpit ang yakap ni Erik sa akin.

Nanginginig na rin siya sa mga naririnig naming dalawa. We can't lose our child, ni hindi man lang nga namin siya nakita.

Bakit naman ganito, bakit nangyari pa?

Hindi ko matanggap, why do You have to take my blessing away too soon?

"We really tried everything but sadly, we lost the baby. Kung hindi namin siya inalis kaagad sa katawan mo, baka pati ikaw nadamay na. I'm sorry Miss Angeline, Sir Erik."

Parang nadurog ang puso ko sa mga narinig ko.

Ang daya mo Lord, bakit ang anak ko pa?!

"Doc please, h-hindi totoo yan! Hindi nawala ang anak ko! Doc!"

My baby.

Wala na ang tanging yaman ko.

"L-Love tumahan ka na please." pag aalo sa akin ni Erik dahil sa walang tigil na pag iyak ko.

Lahat naman ginawa ko, halos ipinaubaya ko na nga ang lahat kahit siya na lang ang natira sa akin, pero bakit pati siya kinuha Mo?

Ang lupit ng tadhana.

I looked at Erik, patuloy din siya sa pag-iyak habang nakayakap sa akin. He's also hurting, ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito sa loob ng ilang taon kaming magkasama.

Pero mas nasasaktan ako. Kumalas ako sa pagkakayakap niya. Ayoko na, wala nang dahilan para magtiis ako sa  kanya.

"KASALANAN MO 'TO! KUNG HINDI DAHIL SAYO, HINDI MAWAWALA ANG ANAK KO!"

Wala akong ibang maramdaman ngayon kundi ang poot.

"Sorry h-hindi ko alam. Ge, kung sinabi mo lang sa ak----"

"HUWAG MO AKONG PANGUNAHAN! BAKIT ERIK, BAKIT PATI ANAK KO HA?!"

Kinuha na nila lahat sa akin. Hindi pa ba sapat na masaya siya sa piling ng iba at ako miserable? Kasalanan niya, wala akong ibang nararamdaman ngayon kundi ang sama ng loob sa kanya, sa kanilang lahat at sa mundo.

"Pareho lang tayong nawalan, bakit ka ganyan?! Anak natin yun Ge."

"HINDI MO AKO NAIINTINDIHAN! KUNG PINABAYAAN MO NA LANG SANA AKO, HINDI MANGYAYARI TO! HINDI SIYA MAWAWALA SA AKIN! HINDI MAWAWALA ANG ANAK KO!" itinulak ko siya palayo sa akin, ayaw kong maramdaman siya, hindi naman totoo ang pag ibig niya, "Bakit mo sila hinayaan? Bakit mo hinayaang kunin nila ang baby ko ha?! Sino ka para magdesisyon para sa akin? Para sa amin ha?"

"Kung hindi nila ginawa yun, mawawala ka rin sa akin. Hindi ko kaya Love, hindi ko kaya kung pati ikaw mawawala."

Dahil sa pagmamahal at tiwala, nawalan nanaman ako. Ganoon ba ako kasamang tao para kunin lahat sa akin ng mga iniingatan ko?

"SANA HINAYAAN MO NA LANG AKO ERIK! SANA HINAYAAN MO NA LANG RIN AKONG MAMATAY! BAKIT MO PA AKO BINUHAY HA?! BAKIT HINAYAAN MONG MAWALA SIYA SA ATIN?!" napahiga na lang ako dahil sa sobrang pag iyak

"Paano kita pababayaan? Angge mahal kita, hindi ko kakayanin kung pati ikaw mawawala pa. Noong oras pa lang na nawalan ka nang malay para na akong mababaliw. How do you expect to just let you die?"

Hindi ko alam kung alin ang mas masakit.

"MAHAL?! HAH! HUWAG NA TAYONG MAGLOKOHAN DITO ERIK KASI KUNG TALAGANG MAHAL MO AKO, HINDI MAWAWALA ANG ANAK NATIN. LUMAYAS KA SA HARAPAN KO! AYOKO SAYO! I HATE YOU!"

"ANGELINE, MAKINIG KA NAMAN SA AKIN MAHAL OH! HUWAG KANG MAGKAGANYAN DAHIL SA BAGAY NA NANGYARI NA. I'M REALLY SORRY!"

"WALA NANG MAGAGAWA YANG SORRY MO! MAIBABALIK MO BA ANG ANAK KO SA PAGHINGI MO NG KAPATAWARAN KO? MAIBABALIK MO BA SIYA SA AKIN HA?!"

"Hindi ko ginusto 'to, tingin mo ba gusto ring mawalan ng anak? Angeline! ANAK KO RIN YUN!"

"PERO HINDI MO ALAM KUNG ANONG MGA PINAGDAANAN KO! ERIK, I LOVED YOU. BINIGAY KO SAYO ANG LAHAT PATI NA ANG BUONG PAGKATAO KO. PERO SINIRA MO AKO! HINAYAAN NA NGA KITA DIBA, ANG GUSTO KO NA LANG AY ANG ANAK KO! I HATE YOU FOR DOING THIS TO ME, BAKIT PATI ANAK KO KAILANGANG MAWALA DAHIL SAYO?! HINDI KITA MAPAPATAWAD! LUMAYAS KA NA!"

"PERO----"

"HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?! ANG SELFISH MO ERIK. AYAW NA KITANG MAKITA! IWANAN MO NA AKO, LUMAYAS KA!"

Sa huling pagkakataon ay pinunasan niya ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

Kitang kita ko ang sakit pero wala nang mas sasakit pa sa nararamdaman ko.

I hate him. He ruined me, he ruined my life.

"Iiwan kita pero sana huwag mong kakalimutan na mahal na mahal kita. Nasasaktan din ako. Ni hindi ko nga nalaman na magkakaanak pala tayo." he bitterly smiled. "Pero sige, siguro nga ito ang tadhana natin. Siguro nga hindi tayo para sa isa't isa. Sana dumating yung araw na mahanap mo ulit yung kapatawaran diyan sa puso mo."

Umiling ako, "Hindi kita mapapatawad kahit kailan. Umalis ka na lang."

Unti unti, tinitigan niya ako.

Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha ko habang humahakbang siya papalayo sa kinaroroonan ko.

I hate him.

Yun lang ang tanging nasa puso ko.

All the faded in just a snap.

Bigla akong natuyo, bigla akong nawala.

Hindi ko alam kung paano na ako ngayon pero sigurado ako na galit lang ang tanging nararamdaman ko.

I can't believe that the man who completed me is also the man who destroyed me.

Ang daya ng Diyos, ni hindi ko man lang nakita ang anak ko. Nawalan ako nang hindi ko man lang natatamasa ang mga bagay na mayroon ako.

Bago lumabas si Erik ng pintuan, muli niya akong tiningnan.

"Mahal pa rin kita, tandaan mo yan." matapos ang mga salitang yun, lumabas na siya ng pintuan.

Doon, unti unti nang umagos muli ang mga luha ko.

WALA NA, WALA NA ANG LAHAT SA AKIN NGAYON.

WALA NA RING SILBI ANG BUHAY KO.

"POGS!" paulit ulit lang na usal ko.

Anak, pasensya na kung hindi kita naalagaan. Pasensya na kung nawala ka na lang nang biglaan.

Hindi ko na yata kaya, siguro mas maputi pa kung pati ako mismo ay mawawala na.

I hate this life.

Ayoko na.

*wakes up*

"POGS!"

SOBRANG BILIS ng tibok ng puso ko.

I'm panting heavily.

Panaginip lang.

Naramdaman ko na lang ang munting mga luha sa gilid ng mga mata ko. Parang totoong totoo kasi ang mga napanaginipan ko.

Pero salamat sa Diyos at hindi naman totoo.

Mabigat ang talukap ng mga mata ko pero pinilit kong dumilat.

Puti.

Wala akong ibang makita kundi ang kisame na kulay puti lamang.

Nasaan ba ako?

"Pagkagising niya, painumin niyo lang siya nang maraming tubig dahil maraming tubig ang nawala sa katawan niya. Pagkatapos noon just let her rest."

"Sige po, Doc. Tatawagin na lang po namin kayo kung sakali."

I can hear a very familiar voice.

A voice that I can never go wrong with. I knew it, alam ko na kung nasaan ako.

I decided to close my eyes for a while dahil para bang nabigla ako sa liwanag na dala ng ilaw na tumatama sa aking mga mata.

"Oh yes, if she'll complain about anything, just tell us para macheck din namin kaagad. But for now, she's doing good. Dala ng stress ang nangyari sa kanya but don't worry, they're both safe. She just needs to rest. We'll be back later."

"Okay, thank you."

Pagkatapos ng pag uusap nila at narinig ko na ang pagsarado ng pintuan ay doon ko lang muling iminulat ang mga mata ko.

"Oh My God! Ten! Gising na si Angge!"

Kasunod ng sigaw na yon ay naramdaman kong tila ba nagkagulo ang lahat ng tao sa loob ng kwarto at lahat ay nagsilapitan sa akin.

"Ge, anak! Okay ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo ha?" tanong ni Mama Bob na nasa kaliwang parte ng kama at hawak ang kamay ko.

"Angie, may masakit ba sayo? May gusto ka bang kainin, sabihin mo lang kay Nanay." sabi naman ni Nanay Litz na nasa kanan ko.

Kumunot lang ang noo ko, teka, bakit ba lahat sila nandito? May reunion ba?

Hindi sila magkandamayaw sa pagtatanong at pagchecheck sa buong katawan ko kung may nararamdaman ba akong hindi maganda. Nakisali pa si Nanay Bianca at Ate Irene na pareho ding natataranta.

Pero, iisa lang hinahanap ko. Ang taong pinakaimportante ngayon ang reaksyon.

I tried searching for him all over the room and there, nakita ko siyang nakatayo sa paanan ng kama ko.

He's looking at me intently kaya doon nagtama ang mga mata naming dalawa.

Unti-unti namang tumahimik ang paligid habang nakatitig lang kami sa isa't isa.

It's as if like, our eyes wanted to speak those words that we've been longing to hear.

Napansin din siguro ng ibang tao sa paligid namin ito dahil ramdam ko rin ang tingin nila sa aming dalawa.

"Uhm, sooo siguro si Tenten na ang bahalang mag asikaso kay Angge. Tara Nay, Mama Bob? Bibigyan muna namin kayo ng oras para makapag usap. Mauna na kami." biglang sabi ni Ate Dhang at doon inakay ang mga nanay namin.

"Ha? Pero teka---" angal pa sana ni Nanay Litz.

Erik sighed, "Sige na Nay, umuwi na muna po kayo. Ako na muna ang magbabantay sa kanya."

"Maaalagaan mo ba siya nang maayos? Baka kasi mag away pa kay---"

"Nay, hindi ko siya papabayaan. Tingin niyo ba gagawin ko pa yun ngayon? Magtiwala kayo sakin."

Halata mang labag sa loob pareho ni Mama Bob at Nanay Litz ay wala na rin silang nagawa kundi ang sumunod.

"Kaya niyo yan, tawagan niyo na lang ako kapag may kailangan kayo." pagtapik pa ni Ate Dhang sa balikat ni Erik bago sila tuluyang umalis.

Nag-agree talaga siya na maiwan kaming dalawa dito?! At bakit?!

Paglabas nilang lahat ng silid ay isinarado naman ni Erik ang pinto. Sobrang tahimik, tanging aircon na lang ngayon ang naririnig ko sa buong kwarto.

Ngayon pa lang ay nilulukob na ako ng matinding takot at kaba.

Ni hindi ko nga alam kung paano sisimulang magpaliwanag sa kanya. Alam kong sa nangyari ngayon ay hindi ko na ito maitatago pa.

Sigurado naman ako na ngayon ay alam niya na ang tungkol sa anak namin.

Nasa isip ko nanaman ang kung paano kung ayaw niya na talaga kaya wala man lang siyang reaksyon ngayon? Ineexpect ko na dapat sana sa oras na 'to ay bigla niya na lang akong yayakapin sa sobrang saya pero parang wala.

Napipilitan lang ba siya? Handa ba ako na mag isa sa responsibilidad na dapat ay kaming dalawa ang magkatuwang at magkasama?

Haaaay ano ba naman kasi 'to, bakit sa ganitong pagkakataon pa?

Natigil naman ako sa pag iisip nang maramdaman kong nakatayo na siya sa gilid ko at may hawak na isang basong tubig.

Inabot ko naman ito at ininom pagkatapos ay nilagyan niya pa ulit ang baso.

"Uminom ka pa, kailangan mo daw yan." sabi nito "May gusto ka bang kainin? Magpapabili ako kay Ate."

Umiling lang ako.

"Hindi ako nagugutom." sabi ko naman

I heard him tsk-ed "Ayan ka nanaman. Ganyan ka din nung nakaraan. Hindi pwedeng hindi. Kailangan mong kumain. Gusto mo ng bulalo? Nilaga? Magpapaluto ako."

"Hindi talaga ako nagugutom Pogs."

"Ikaw hindi nagugutom, pero paano naman si---" natigilan naman siya at bumuntong hininga, "Wala ka ba talagang gustong kainin? Magpapabili ako kasi hindi ako pwedeng umalis dito, hindi kita iiwan, hindi na kita iiwan."

Hindi ko alam kung bakit bahagya akong napangiti sa sinabi niya.

Wow naman Angge nagawa mo pang kiligin sa sitwasyon mo ngayon ha?

Marahan naman muli akong umiling "Okay lang talaga ako Pogs. Mamaya na lang siguro."

Bumuntong hininga lang si Erik at para bang sumuko na sa pangungulit sa akin.

Napapikit naman ako nang wala sa oras. Ang hirap magpanggap na parang walang kahit anong nangyari, sobrang gulo at ang hirap. Bago kami makarating dito ay hindi kami okay, wala na nga kami kung tutuusin.

Napahawak na lang ako sa tiyan ko. 'Nak, okay ka lang ba? Sorry kung nasaktan ka ni Mommy ha?'

Doon ay hindi ko na natiis, gusto kong malaman kung kamusta ang lagay ng anak ko.

"E-Erik." medyo mahina kong sabi at tiningnan siya. Nilingon niya lang habang patuloy na nagbabalat ng mansanas.

"Erik?" patanong niyang ulit sa sinabi ko, "Erik ang tawag mo sa akin? Parang hindi na yata dapat."

I frowned, di ko siya gets. Pogs ba dapat ang itawag mo sa kanya? O ayaw niya na bang tinatawag ko pa siya?

"Huh? Di kita maintindihan. Pogs?" I honestly said.

He just shrugged, "Hindi yun ang ibig kong sabihin."

"Eh ano?"

"Wala, huwag mo nang isipin. Hmmmn bakit ano yun?"

I suddenly felt uneasy. Paano ba dapat ako magtatanong?

"Uhm Erik kasi, yung ano nga pala." nag aalangan kong sabi.

Gusto kong itanong ang tungkol sa anak ko... anak namin. Kung kamusta ba ito at kung ano ang mga nangyari sa akin.

"Yung ano?" he cluelessly asked pero,

"Ah wala, huwag mo na lang ding isipin." sagot ko naman.

Bigla akong kinabahan. Baka may nangyari nang masama sa anak ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag siya ang nawala sa akin.

Magmula kanina ay hindi man lang ito binanggit sa akin samantalang yun ang dahilan kung bakit nandito ako ngayon.

Isa pa ay bakit siya nandito? Hindi ba dapat ngayon ay sinundan niya na si Keia para makausap at makita ito?

Sumakit ang puso ko sa naisip. Bigla kong naalala ang nangyari.

Sinubukan kong tumagilid para tingnan sa bedside table kung nandoon ba ang mga gamit ko pero napabalik din ako kaagad sa pagkakahiga nang biglang humilab ang tiyan ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo!?" nakakunot na noong tanong niya. Para bang nataranta pa siya nang lapitan ako.

"Yung phone ko."

Pero imbes na kuhanin ay tiningnan niya lang ang bag ko na nasa couch dahilan para sundan ko lang din kung saan siya tumingin.

"Bakit, aanhin mo ang cellphone?" sabi naman niya.

Napailing na lang ako, ang dami namang tanong nito.

"Tatawagan ko si Mama Bob. Bakit ba kasi sila umalis eh." sabi ko na lang nang hindi nakatingin sa kanya.

Naiilang kasi talaga ako.

"At bakit naman?"

"Para makaalis ka na." sabi ko, "I mean, pwede ka namang umalis. Kaya ko naman dito mag isa."

Ayaw kong maabala pa siya nang dahil lang sa akin. Hindi niya ako kailangang samahan kung napipilitan lang siya sa sitwasyon namin.

Sila Mama Bob din kasi, iniwanan ako. Ano nang gagawin ko ngayon?

"Bakit naman ako aalis? E kaya nga sila umalis para maiwan ako dito at maalagaan kita." nakakunot pa rin ang noo na sabi niya bago muling bumalik sa pagbabalat ng mga mansanas.

I sighed.

"Erik hindi mo naman kailangang gawin 'to. Sila Mama Bob na ang bahala sa akin." sabi ko na lang.

Masakit isipin pero ang mahalaga naman ay nandyan pa rin sila Mama Bob para sa akin. Matagal bago siya nagsalita.

Hahayaan ko na lang sana siya dahil akala ko ay nainis na siya sa akin pero makaraan ang isang minuto ay nagsalita siya.

"Huwag mo naman akong tanggalan nang karapatan. Kung may kailangan mang gumawa nang lahat nang ito para sayo noon pa, hindi sila yun. Kung may dapat mang sumama sayo mula umpisa palang hanggang ngayon, walang ibang tao na dapat na gumawa nun... ako lang."

Tumingin siya sa akin. "Kaya huwag mo na silang hanapin kasi hindi ka na nila responsibilidad ngayon. Responsibilidad ko na kayo." malamang sabi niya.

Lumapit siya sa akin at ibinaba ang binabalatang mansanas.

"Kung hindi pa nangyari 'to, ni hindi ko pa malalaman. Kung hindi pa yata nangyari 'to, baka hindi ko na namalayan, nawala na pala kayo sa akin." sabi niya.

I was stopped by his words. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Wala ka ba talagang gustong sabihin sa akin, Ge?"

Hindi ako nakapagsalita bagkus ay umiwas lang ako ng tingin.

"Ilang buwan na, halos hindi man lang kita naalagaan. Alam mo bang masakit sa akin yun? Ganoon ka ba kagalit sa akin mahal ko? Aalis ka nang hindi ko man lang nalalaman ang tungkol sa anak natin?"

----FLASHBACK----

Third Person's POV:

📍: EMERGENCY ROOM

Mabilis ang takbo ng oras habang mabilis din ang pagtakbo ng mga gulong ng higaan na sinasabayan niya patungo sa emergency room.

"Love, kaya mo yan please." mahinang usal niya habang nakahawak sa kamay ni Angge na para bang naririnig siya nito.

Erik couldn't help it but to just feel afraid. Ni wala siyang ideya sa mga nangyayari.

'Lord, please don't take her away. Hindi ko po kaya.' Ito lang ang kanina pang tumatakbo sa isipan niya.

"Sorry Sir hanggang dito na lang po kayo." sabi ng nurse nang makarating sila sa tapat ng emergency room.

Wala na siyang nagawa. Nanghihina siyang napaupo sa sahig.

Napatingin siya sa mga kamay niya. Dugo, maraming dugo.

Hindi niya alam kung bakit kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya habang nakatingin sa dugo na nanggaling sa babaeng mahal niya.

Parang nadudurog ang puso niya, ni hindi niya na alam kung ano ang nangyayari.

Huwag ngayon, hindi niya kayang mawalan. Hindi niya kayang si Angeline pa ang kukunin sa kanya.

"NASAAN ang kamag anak ng pasyente?"

Sabay-sabay silang nagtayuan nila Nanay Bianca at Ate Irene na kanina pa rin naghihintay pero nagsalita siya.

"Ako! Ako po ang boyfriend niya!"

"Mr. Erik---Santos?" tanging nasabi ng doktor.

Malamang nga ay kilala siya nito, silang dalawa, kung tutuusin.

Tumango na lamang siya, wala na siyang panahon para magpaliwanag pa, gusto niya nang malaman kung anong nangyari.

"Doc kamusta na po, ano na po ang lagay niya?"

"Stable na ang kalagayan niya. Chineck na namin ang vital signs niya at maayos naman. Yun nga lang, maraming nawalang dugo sa kanya. Malamang ang bleeding ay dahil na rin sa stress. Kaya sa ngayon kailangan pa rin namin siyang obserbahan para masigurong walang problema...

Pero huwag kayong mag alala, your girlfriend and the baby, they are both safe. Nasa maayos na kalagayan na sila."

Napakunot ang noo niya.

Ang mundo, tila tumigil ang pag-ikot para sa kanya. Sa sinabi ng doktor ay bumilis ang tibok ng puso niya.

'your girlfriend and and the baby, they are both safe.'

Narinig niyang umusal ng pasasalamat pareho si Nanay Bianca at Ate Irene samantalang siya ay naguguluhan.

"A-anong ibig niyong sabihin dok?"

Tila naman nagtaka panandalian ang doktor sa sinabi niya pero kaagad itong nakabawi at tinapik siya sa balikat bago umalis.

"Nagising ang pasyente kanina while we are treating her and she's constantly saying your name. Hinahanap ka niya. She even said na kung may masama mang mangyari ay iligtas namin ang bab. Thankfully hindi naman tayo umabot sa ganoon."

"Totoo?" tanging naging sagot ni Erik dahil hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

"I'll get back to you Sir. May mga dapat kayong pirmahan para sa mag-ina niyo. Wait for me." tanging sabi lang nito.

Pero kahit hindi naman sabihin ng doktor ay tila ba alam niya na, parang inaantay lang ng utak niya na mayroong magsabi sa kanya.

Parang nag uulit ulit lang sa isip niya ang mga salitang iyon.

'your girlfriend and and the baby, they are both safe.

'your girlfriend and and the baby, they are both safe.'

the baby

"Nak, Pogs." sabi ni Nanay Bianca. "Ayos ka lang ba?"

Tiningnan niya naman si Nanay Bianca.

"Nay, buntis si Angge." tanging nasabi niya

Tumango si Nanay Bianca kahit na bakas pa rin sa mukha ang pag aalala at bahagyang ngumiti.

Napahilamos na lang siya ng kamay niya sa mukha. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.

Buntis si Angge, magkakaanak na siya, magiging tatay na siya.

Ngayon niya lang narealize ang lahat.

Aalis si Angge, aalis sila.

Muntik nang mawala sa kanya ang mga tao na sobrang mahal at pinakainiingatan niya.

Ano bang ginawa niya?!
-------------------------
"TENTEN!" malakas na sigaw ni Ate Dhang na nagpalingon kay Erik.

"Ten, ano kamusta na si Angge?" biglang tanong naman ng ina na nakasunod din sa kapatid.

Hindi siya kaagad nakapagsalita.

Ang dami pa rin niyang iniisip.

"Oh Nay kalma lang. Ang puso, baka naman ikaw ang maospital niyan." pagpapakalma ni Ate Dhang sa ina.

"Maayos na po siya, inaantay na lang po na mailipat siya ng kwarto pero so far, stable na po ang kondisyon niya." pagsagot naman ni Nanay Bianca na tila ba kalmado na hindi tulad kanina.

"Hay jusko salamat sa Diyos!" sambit ni Nanay Litz at umupo na sa tabi ni Erik.

Mapapansin ni Ate Dhang na malalim ang iniisip ng kanyang kapatid.

"Ayos ka lang?" tanong niya dito at tinapik pa ang likod ni Erik.

Pero imbes na diretsang sumagot ay nagtanong lang din ito. "Bakit kayo nandito, paano niyo nalaman?"

Sa pagkakatanda niya kasi ay hindi niya pa naman tinawagan o tinext ang mga ito.

"Sinabi ni Mark sa amin." sabi ni Ate Dhang pagtukoy sa personal assistant niya na kanina rin ay natataranta, "Papunta na rin dito ngayon sila Mama Bob, sobrang nag aalala sila."

"Hindi mo sinagot ang tanong ko, ayos ka lang ba?"

Wala sa sariling tumango ito at tumingin. "Ate, magiging tatay na ako."

Sa sinabi niya ay bigla siyang niyakap ng ina kaya lalo niya itong nakumpirma.

"Oo Ten, magiging tatay ka na." sabi naman ng kapatid.

Hindi siya makapaniwala, talaga bang nangyayari 'to?

"Sorry Ten, ayaw lang namin kayong pangunahan ni Angge." sabi pa nito.

He sighed "So matagal niyo nang alam? Kailan pa?"

Totoo ba 'to?

"Mula noong sinabi ko sayo na nakita ko siya sa ospital isang buwan na ang nakakaraan. Di'ba tinanong kita noon kung may sakit ba siya? Pagkatapos no'n nagkita ulit kami at doon ko nalaman na buntis siya." sabi naman ni Nanay Litz

All this time alam pala ng pamilya niya, ngayon alam niya na kung bakit palaging bukambibig ng kanyang ina ang dalaga, kung bakit sobra nila ito kung alagaan kahit na hindi sila maayos sa isa't isa.

He sighed again, hindi niya magawang magalit kasi alam niyang kasalanan niya rin kung bakit inilihim ito sa kanya ng minamahal at pati na ng pamilya niya dahil sobrang gulo ng sitwasyon.

Pero kung alam niya lang sana ay hindi na mangyayari ang lahat nang 'to.

Aaminin niya, napagod din siya at inisip niya na rin na bumitaw na pero alam niya sa sarili niya na hindi niya kayang mawala ang babaeng siyang laman palagi ng puso niya.

Noong mga panahon na paulit ulit silang nagtatalo ni Angeline, nakakaramdam siya ng pagod sa paulit ulit din nilang sitwasyon, inaamin niya na nawalan na siya ng pag asa na maghintay pa sa sobrang tagal na ni hindi niya matawag na kanya ang taong mahal niya.

Pero sa huli, alam njya sa sarili niya na kahit sino man ang makilala niya, iisa lang ang babaeng itinitibok ng puso niya.

----END OF FLASHBACK----

(A/N: Si Angge na ulit ang nagsasalita dito, wag malito.)

"HINDI ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa inyo. Sobra akong natakot kasi wala akong magawa."

Nanginginig na ang boses niya habang kinakausap ako.

Halatang takot na takot siya. I wonder how he felt earlier noong hinimatay ako.

"Natakot ako Pogs. Kanina, h-hindi ko alam kung anong gagawin k-ko. T-Tapos, y-yung panaginip ko pa."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung pati ang anak namin ay mawawala pa sa akin.

Baka hindi ko kayanin.

He held my cheeks bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"GE, takot na takot din ako. Sobrang tinakot mo ako, akala ko mawawala ka na sa akin. Ge, hindi ko kaya na wala ka." sabi ni Erik habang nakatingin sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Hindi ko rin kaya na mawala pa siya sa buhay ko.

"Pogs, I'm sorry. I'm really really sorry. Sorry kung pinahirapan kita. Sorry kung hindi ako naging matapang para sa ating dalawa. Pero Pogs, hindi ko kayang mawala ka kasi bahagi ka na ng buhay ko...

Pogs buntis ako."

And there, I finally said it.

Kitang kita ko ang biglang pagbabago ng emosyon ng mga mata ni Erik dahil sa aking sinabi.

Tila ba parang gulat na gulat pa rin siya sa narinig.

Alam kong alam niya na ito pero gusto ko pa ring sabihin sa kanya.

"Y-you're what? Sabihin mo ulit, please Love. I want to hear it from you mahal ko." he said as he cupped my face even tighter.

I can see the pure sincerity in his eyes. Yung mata niya na kagaya ng dati, yung Erik na mahal na mahal ko.

I smiled before speaking again.

"Pogs buntis ako, magiging tatay ka na."

"Buntis ka? Magkakababy na tayo, Ge?"

I nodded

"Yes Love, Daddy Erik." I smiled

"YES!!!" he hugged me tight "Thank you, thank you, thank you! Thank you Lord!!!" pagsigaw niya pa.

I can't help it but to cry because of the happiness that I am feeling right now.

Sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam na makita kung gaano kasaya ang lalaking mahal ko.

Yes, magiging magulang na kaming dalawa.

Magiging tatay na siya.

He's shouting because of too much happiness. Ito yung araw na kay tagal kong inantay.

It's so good seeing the delight on his face.

"Love, magiging mommy at daddy na tayo!" he said nang kumalas sa pagkakayakap sa akin at hinalikan ako nang mabilis sa labi.

Tumango naman ako. "Sorry Love, ang selfish ko. Natakot lang ako noon, ayokong maging hadlang sa kasiyahan mo. A-Akala ko kapag lumayo ako magiging maayos na ang lahat. Pero Pogs, hindi ko kaya na wala ka. Mahal na mahal kita." I said, humihikbi pa rin ako.

"Ssssh tahan na, bakit ka naman matatakot e ikaw lang naman ang kasiyahan ko di'ba? Ni hindi ko nga kaya na tiisin ka. Sorry din Love, sorry kung nasaktan kita. Alam ko ang g*go ko, hinayaan kitang maramdaman na hindi ka sapat. But Love, lagi mong tatandaan na para sa akin, wala nang makakapantay sayo. Sorry kasi binigyan kita ng dahilan para matakot sa kung anuman ang meron tayo. But believe me, I always love you."

"H-Hindi ka nagagalit? Tanggap mo ang anak natin?"

He laughed at little.

"Oo naman, bakit ko hindi tatanggapin e, diba matagal na nating pangarap yan? Lalo tayong wala nang rason para magduda para pagmamahalan nating dalawa. Ibinigay na siya sa atin eh." sabi niya at humawak sa tiyan ko.

Nararamdaman ko ang mga munting paggalaw sa tiyan ko. I'm sure, this little one is also happy to finally meet Erik.

"Ibinigay siya sa atin para iparealize sa atin na wala tayong dapat na ikatakot. Babalik at babalik pa rin tayo sa isa't isa. Ikaw pa rin." sabi ko at hinawakan ang pisngi niya.

"Sobrang saya ko ngayon Love, kung alam mo lang kung paano kumabog ang puso ko kanina noong nalaman ko na buntis ka. Ge, ito ang pinakamagandang regalo sa ating dalawa. Magkakababy na tayo." with that ay hinalikan niya ako sa labi.

"A-Akala ko ayaw mo na, akala ko kasi suko ka na. Love takot na takot ako. Natatakot akong matulad sa akin ang anak ko Pogs, natatakot akong lumaki siya na walang kinalakihang kumpletong pamilya"

"Di'ba sabi ko naman sayo hinding hindi kita susukuan? Siguro napagod ako pero hinding hindi kailanman ako susuko sa pagmamahal ko sayo. Sorry din Ge, sorry kung binitawan kita noong mga panahon kung kailan pinakakailangan mo ang pagmamahal at suporta ko. Pero pangako, mas magiging matibay ako para sayo, para sa inyo." sabi naman niya at muling hinalikan ang mga kamay ko.

Sa kabila nang lahat ang sarap marinig na may taong kahit kailan hindi susuko sa iyo.

"Sorry kung naging matigas ako, kung itinago ko sayo, natatakot lang naman ako, ayaw kitang madamay pa. Ayokong pati ikaw magkaproblema. Ayokong masira ang lahat ng pinaghirapan mo dahil sa akin. Sorry Pogs."

Totoo naman na sa trabaho namin, walang sigurado. Alam ko na isang malaking hamon to para sa buhay na mayroon ako.

"Hindi na mahalaga kung ano man ang problemang haharapin nating dalawa dahil haharapin natin yun nang tayo ang magkasama, okay po ba? Ang importante ngayon ay yung anak natin, ano man ang maging problema sabay nating lalagpasan yun kasi sa atin siyang dalawa."

Tama nga si Erik, alam ko na marami at maraming magtataaas ng kilay dahil hindi naman lahat ay mauunawaan at irerespeto ang desisyon namin, pero ano naman?

Tumango naman ako bilang pag sang ayon. "Magiging tatay ka na Pogs, mahal na mahal kita."

"Hmmmmn ang sarap pakinggan lalo na at galing sayo." sabi niya pa at doon hinalikan niya ako sa noo "Mahal na mahal din kita Ge, mahal ko kayong dalawa." sabay hinaplos ang tyan ko.

"Ganon rin ako. Mahal ko kayong dalawa."

He kissed me again, parang hindi siya nagsasawa.

Pinagdikit niya ang ilong naming dalawa. Nginitian niya ako, haaay, bakit ba ang gwapo niya kahit halatang nastress siya sa mga nangyari?

"Sabi ko naman sayo eh, magaling akong magbasketball. Three points. Home run. Diretso sa tiyan!" kumindat siya at sabay kaming tumawa.

"Siraulo ka! Siguraduhin mo lang na may pambili ka ng gatas at diaper ha!"

"Ay? Kailangan ba nun? Akala ko kasi gagawa lang tayo nang gagawa."

Natawa naman ako. Baliw talaga.

"Ano?! Yan tayo eh, paano na 'to? Ibenta natin yung van mo ha!"

"Biro lang eto naman, walang ganyanan Love. H'wag ang van." sabi niya naman sa akin, "Hmmmn, dapat na rin ba akong mag aral magtimpla ng gatas? Manonood na ako sa YouTube."

I really can't believe this man.

"Opo, talagang dapat lang. Ikaw may gusto nito diba? O ayan sige, maghanda ka."

He smirked, "Sure, basic lang yan sa akin, ang pogi ko kaya. Watch and learn."

Aba, ang yabang ha? Tatagal kaya 'to sa puyatan sa madaling araw?

"Hmmmmn tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin niyang kapogian mo Mr. Santos."

Noon, lumaki ako na walang ibang inisip na importante sa buhay ko kundi ang maging matagumpay sa mga pangarap at sa mga nais kong marating sa buhay. 

Noon akala ko ito lang ang sukatan ng kasiyahan sa buhay ng isang tao pero ngayon napagtanonto ko na kalahati lang pala ito ng kasiyahan na mayroon tayo.

Dahil ang totoo, wala nang mas importante pa sa pagmamahal.

Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari. Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ng mga desisyon namin sa buhay. Erik and I are now on our new stage of our lives at hindi namin nasisigurado kung ano pa ang mga pagdadaanan namin. Pero isa lang ang sigurado ako, hindi na ako mag iisa. Sabay na naming haharapin ang lahat ng problema.

Mas magiging malakas kami nang magkasama hindi lang para sa aming dalawa, kundi pati na rin para sa buhay na siyang aming naging bunga.

Continue Reading

You'll Also Like

74.1K 3.6K 61
"Maaari bang itama ng isang pagkakamali ang dati pang isang mali? Magiging tama ba ang mali kung ang dahilan mo ay pagmamahal?" They broke up two yea...
11.3K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
16.3K 417 14
Any kinds of one shot story that you will witnessπŸ’™πŸ’™ kieflyπŸ’™
535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...