A Tale In Session (City Serie...

By jowybee

1M 40.1K 47.5K

City Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his f... More

A Tale In Session
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
END

Chapter 12

28.6K 1.2K 1.5K
By jowybee

Pagkagising ko, may kumot nang naka-lagay sa ibabaw ko at unan kung saan naka-higa ang ulo ko. Ginala ko ang tingin ko pero wala naman si Claude.

Kinuha ko kaagad yung phone ko para i-chat siya pero nag-message naman siya 1 hour ago na umuwi na daw siya.

"Hoy, kinawawa mo naman si Claude," sabi ni Margaux sa akin habang pababa ng hagdan.

Tumayo ako kaagad ako.

"Naabutan mo si Claude?" tanong ko sa kaniya.

Tumango siya at dumiretso sa kusina kaya sumunod ako sa kanya.

"Nakauwi ako mga 1, tapos tulog siya jan sa sofa kasama ka." She laughed. "Nagising siya nung binuksan ko yung ilaw tapos humingi siya ng kumot tapos umalis na rin siya."

Naalala ko tuloy kagabi nung nandito siya. Nilabas ko kaagad yung phone ko para i-chat siya.

Rafaela Escalde: me is awake

Rafaela Escalde: me is apologizing for last night

Claude Johnson Noestro: me is home

Claude Johnson Noestro: me is saying u has nothing to be sorry for

Napangiti naman ako sa reply niyang wrong grammar. Dumiretso ako sa kwarto ko at pumasok sa banyo para maligo. Nagsuot rin lang ako ng pambahay dahil wala naman akong balak lumabas ngayon. Bumaba ako kaagad at nanuod ng series sa Netflix habang si Margaux ay nagluluto ng breakfast.

Nagchat ulit si Claude na wala daw siyang magawa kaya nagselfie ako para isend 'yon sa kanya.

Rafaela Escalde: me 2 bored na aq isang week tayong walang klase ih

Claude Johnson Noestro: u wanna go to the beach?

Rafaela Escalde: HA wala naman beach dito hmp puro bundok lang

Claude Johnson Noestro: i'll pick you up in an hour

Kunot noo naman akong nag-basa ng message niya, pero nagpalit rin lang ako kaagad. Saktong sakto, pagkahugas ko ng pinagkainan namin ni Margaux ay nagchat na si Claude na nasa labas daw siya.

"Labas muna ako," Paalam ko kay Margaux.

Tinanguan niya lang ako.

"Hi!" I greeted him once I opened the door of his car.

He was wearing a white shirt and black shorts. Naka-black shades din siya. Sobrang simple lang palagi ng suot niya. Hindi mo aakalain na siya yung tipong lalaki na nagpapalit ng sasakyan dahil lang coding.

"You ready?" tanong niya sa akin.

Nag-seatbelt kaagad ako.

"Where are we going ba?"

"La Union," sagot niya sa akin habang nagmamaneho siya.

Tinaasan ko kaagad siya ng kilay. "Totoo?"

Tumango naman siya at nginitian ako. "Ayaw mo?"

"Gusto!" I squealed. "Ang tagal ko nang hindi nakakapuntang San Juan!"

Nilabas ko yung phone ko at pumili ng kanta dahil naka-connect na agad yung phone sa speakers.

"Pipili ako ng pang-roadtrip," sabi ko.

Tumango naman siya at naka-ngisi lang ako habang nagpeplay ang intro ng Stupid Love.

"What the hell is that?" tanong niya sa akin habang sinasabayan ko yung kanta.

"Ang 'yong kilay mapagmataas at laging namimintas! Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas!" I sang while pointing at him.

"What? I never spent your money."

Tawang tawa lang ako habang kinakanta ko yung buong kanta. Nagpigil ng tawa si Claude pero natawa na rin siya nung kinakanta ko na yung last verse ni Nasty Mac.

"Oo na, oo na. Sige na, tama ka naman palagi eh!" I said through the verse, which made Claude laugh even more.

The whole car ride was basically just me bothering Claude while he drove. Kapag may nakikita akong Volkswagen na beetle or kalbo, pinependong ko kaagad siya.

Mabilis lang ang byahe namin papuntang San Juan dahil medyo maaga pa naman at mabilis rin mag-maneho si Claude. Usually, 2 hours ang byahe namin pero kinaya naman ni Claude na 1 hour and 30 minutes lang.

"Where do you wanna go?" tanong niya sa akin.

Nasa Urbiztondo na kami at marami na kaming nadaanan na makakainan.

"Anywhere," sabi ko sa kaniya.

Huminto siya sa harap ng isang gate pagkalagpas namin sa ibang mga restaurants. Bumaba kami ng sasakyan at nakita ko kaagad ang dagat at isang cafe.

Malaki ang ngiti ko pagkapasok namin sa cafe. Chill lang ang vibe niya at onti lang yung mga tao, hindi tulad ng ibang mga kainan dito sa San Juan.

"Welcome to Clean Beach!" bati ng isang babae.

Nginitian ko lamang siya at umupo sa isang upuan doon sa counter habang si Claude naman ay nag-order ng inumin naming dalawa.

Nginisian ko si Claude habang nagsostory ako para sa IG. Sobrang ganda ng araw at hindi ganoon ka-init dito sa cafe.

"You hungry?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at ngumiti sa kaniya.

Sobrang pogi niya talaga! Especially ngayong naka-suot siya ng shades.

"First roadtrip! Say hi." Tutok ko ng camera sa mukha niya.

Ngumiti naman siya at kinuha yung phone niya para picturan ako.

"Sa beach! Gusto ko sa beach!" Hila ko sa kanya.

Nilagay nung babae yung order ni Claude sa isang table at doon ko na rin iniwan yung bag ko.

"Hi vlog, welcome to my guys," sabi ko sa camera ko. "Eto nga po pala ang personal body guard ko, say hi to the camera, babe!"

"What, ading?" He laughed.

Tumingkayad ako para batukan siya pero tumakbo siya kaagad papunta sa dagat habang hawak hawak niya ang shoes niya.

"Wait, my shoes!" sabi ko sa kanya habang tinatanggal yung sapatos ko. Naglakad siya pabalik sa akin at kinuha yung sapatos ko. 

Sayang at wala kaming damit na pamalit sa suot namin kaya hanggang paa lang ang binabad namin sa dagat. Kinulit ko lang siya nang kinulit hanggang sa mainitan na ako sa araw kaya bumalik na rin kami sa cafe.

"I have to go to the bathroom," sambit ko.

"Medyo malayo yung cr nila," he said. "I'll accompany you."

Umiling naman ako at tumayo. "No na. I'll find it."

Nag-lakad lakad ako sa beach para hanapin yung libreng cr kung saan ako pwedeng umihi. Onti lang talaga ang mga tao ngayon dahil bukas pa naman ang simula ng Holy Week. Ginala ko ang mata ko at nakitang marami na rin ang mga nagsusurf sa ganitong oras.

Nang mahanap ko ang isang public bathroom ay lumapit ako kaagad sa babae na nagbabantay doon. Nag-bayad ako ng 5 pesos sa kanya para makapasok sa cr. Ihing ihi na talaga ako!

Hindi ko mapaliwanag ang kaba ko nang makita kong meron na pala ako ngayon. Tatayo ba ako?! Lalabas ulit? Paano kung matagusan na ako?

Out of desperation, kinuha ko kaagad yung cellphone ko para ichat si Claude kahit na hiyang hiya akong humingi ng tulong sa kanya.

Rafaela Escalde: hi

Claude Johnson Noestro: are u okay? did u get lost?

Rafaela Escalde: no im ok im here sa isang public restroom

Rafaela Escalde: can u buy napkin hehe

Rafaela Escalde :-(((

Claude Johnson Noestro: okay

Naka-squat lang ako doon magdamag habang hinihintay si Claude. Grabe. Buti na lang hindi pa gano'n ka-lakas yung flow ko.

"Ading, ihi lang yung binayad mo, ha!" Rinig kong sabi ng ate sa labas.

Napangiwi ako sa sitwasyon ko. Ano ba yan! Praning naman 'tong ate masyado! Hindi naman ako tumatae!

"Raffy?" rinig ko sa labas.

"I'm here!" sigaw ko kaagad.

Nakita ko ang kamay ni Claude sa baba ng pintuan na may hawak na paper bag. Kaya naman pala ang tagal niya! Isang buong pack pa ang binili!

Ano ako, magtitinda ng napkin?!

Lumabas ako kaagad pagkatapos ko mag-flush at mukhang masama pa ang tingin sa akin nung babae. 5 pesos lang naman ang difference ng ihi at poopoo! Atska di naman ako tumae! Kahit amuyin pa niya 'yung banyo!

Kahit alam ko sa sarili kong hindi ako tumae ay binigyan ko pa rin si ate ng lima pang piso. Sabay kami ni Claude na naglakad pabalik ng Clean Beach.

"Pumunta ka pa ata sa 7/11." I laughed. "Isa lang naman kailangan ko!"

"I couldn't find any stores, I panicked," paliwanag niya.

I laughed at the thought of him panicking while buying some pads.

Pagkatapos namin inumin yung order ni Claude ay bumalik na kami sa sasakyan niya. Nagmaneho siya papunta sa isang building at nag-park siya doon.

"You're on your period, right?" tanong niya sa akin.

Tumango ako habang sinusundan siya papasok ng isang restaurant na Bay-bay Seafood & Grill ang naka-lagay sa labas.

"Can we order the seafood feast?" sabi ni Claude sa waiter.

Tumango naman ang waiter. "Good for 2 po sir? Or 4?"

Sumulyap muna si Claude sa akin pero agad niyang binalik ang tingin niya sa waiter.

"Good for 6."

Nanlaki naman ang mata ko kay Claude. "Hoy!"

"What?" Humalukipkip siya. "You're on your period."

"Period, Claude. Hindi pregnant. Alam kong parehas silang P ang simula pero hindi naman ako buntis!"

Nagulat ako nang ilagay ng waiter ang isang malaking puting papel sa dalawang table na pinagsama. Isang buong circle ng kanin ang nilagay doon at sa loob ng circle ay pinuno nila yon ng seafood. It had crabs, shrimps, all kinds of shells, corn, and so much more. Hindi ko ma-describe yung tuwa ko nung nakita ko 'yon!

"Ma'am, sir! Picturan mo namin kayo!" sabi ng isang waiter.

Ngumiti naman kami sa camera nila at nag-simula nang kumain pagkatapos kaming picturan.

"Grabe, favorite ko ang seafood!" I told Claude while we were eating.

Sobrang baboy ko na ata dahil nararamdaman kong may sauce na sa pisngi ko.

Nginitian niya lamang ako at pinunasan yung kamay niya sa tissue. Nilabas niya yung cellphone niya at bigla akong pinicturan.

"This is my favorite picture of you." He chuckled and showed me the picture.

Sobrang taba ng pisngi ko at may sauce sa gilid ng labi ko, pati na rin sa pisngi at ilong.

Kunot noo ko siyang tinignan at sinipa sa ilalim ng mesa. Nagulat ako pagkatapos ng halos isang oras ay naubos naming dalawa yung pagkain na inorder niya.

Pagkabigay ng bill ng isang waiter ay malaki ang ngiti niya sa aming dalawa.

"Grabe kayo ng girlfriend niyo sir, record breaking ata po 'to dito," the waiter said.

Nginitian siya ni Claude at binigay yung bayad.

"Hoy, hati tayo sa bayad," sabi ko kay Claude pagkalabas namin ng restaurant. "Mamaya sa akin mo na ialay yung Stupid Love, eh."

Tinawanan niya lang ako at inakbayan habang naglalakad kami pabalik sa sasakyan niya. Ginulo niya naman ang buhok ko bago niya buksan ang pintuan ng sasakyan para sa akin.

"You can sleep," sabi niya sa akin habang nagmamaneho siya.

Pabalik na kami ng Baguio at palubog na rin ang araw. Sayang at hindi na namin nahintay yung sunset sa beach.

"Ayaw," sabi ko sa kaniya. "Ang sakit ng likod ko."

"Why?" Lumingon kaagad siya sa akin. "Recline mo muna 'yan."

"No, it's because of my period lang. Palaging ganito." Simangot ko.

Mukhang hindi siya mapakali dahil wala siyang magawa para matulungan ako. Nginitian ko siya at tinusok sa pisngi.

"You're cute," sabi ko sa kaniya.

Nakita ko kaagad yung pagiging pula ng mukha niya. Ang bilis naman ng dugo neto!

"Stop," seryoso niyang sabi.

Hindi ko napigilan ang hagikhik ko. It was just one whole day with him, but it already felt like forever. Napangiti ako dahil naaalala ko yung mga araw nung bata pa ako at nagkaka-crush pa lang ako sa kanya. Everything's so different now.

Before, I used to wonder what it felt like to actually be the one to be chosen. What I had with Jaxon was great, yes, but Jaxon was never proud of me like how Claude is now.

Claude is kind, and he takes care of me even when he doesn't have to. He's also probably the most patient guy I've ever met. He's soft and warm. Every time I'm with him, it's like coming home on a cold Baguio Christmas morning.

"You good?" tanong niya sa akin.

Nginitian ko siya.

"Yup. I'm good."

Pagkarating namin sa bahay ay nandoon na ang sasakyan nina Papa sa garahe. Lumingon ako kay Claude bago buksan yung pintuan ng sasakyan niya.

"You wanna stay for dinner?" I asked him. "Nandito na sina Papa."

Lumunok siya pero hindi nag-bago ang reaksyon niya. "Uh..."

"Joke lang! Kabado ka, ha." I laughed.

"I can stay," sabi niya. "Ipaalam ko bang nanliligaw ako?"

Nanliit ang mata ko sa kanya. Hinampas ko kaagad siya sa braso at bumaba ako sa sasakyan. Kinabahan na lang ako dahil hindi siya umalis. Pinatay niya ang makina ng sasakyan at bumaba.

"I'm really full from our meal, though," sabi niya sa akin at nilagpasan ako.

Tumakbo naman ako kaagad para habulin siya papunta sa pintuan namin.

"Ma! Anjan na si Raffy," sigaw ni Margaux galing sa sala pagka-bukas ko ng pintuan.

"Oh, we just ate, anak!" sabi ni Mama at bineso ako. "Yung box ng groceries from S&R nandoon sa kitchen."

"Okay lang, Ma, kumain na rin kami," sabi ko.

Nagulat naman si Mama nang makita niya si Claude sa likod ko.

"Hello, Claude! Pasok ka!" She welcomed him. "Hinatid mo ba 'tong si Rafaela pauwi?"

Nag-mano si Claude kay Mama at ngumiti.

"Napakabait naman nitong binatang 'to!" sabi ni Mama. "Sigurado kayong kumain na kayo? May ulam pa sa ref!"

"Ma, kumain na po talaga kami," sabi ko.

Ako nga busog na busog pa rin hanggang ngayon, paano pa kaya si Claude?

Umupo kaming dalawa ni Claude sa isang sofa sa sala habang si Mama naman ay pinausog si Margaux para makaupo rin siya.

"Kuya Claude! You're back!" sabi ni Paul kay Claude. "Will you teach me na how to drive like how you taught ate Raffy?"

Umupo si Paul sa pagitan namin ni Claude at si Claude naman ay napangiti.

"Sure, big guy," he answered Paul.

"Ikaw ang nagturo kay Raffy na mag-drive?" Rinig ko galing sa likod ko.

Bigla akong kinabahan dahil alam kong boses 'yon ni Papa.

"Um, yes po, Sir." sabi ni Claude kay Papa.

Tumayo si Claude at nag-mano kay Papa. Seryosong seryoso ang mukha ni Papa habang ginagawa 'yon ni Claude.

Bumaling ako kay Margaux na naka-halumbaba lang at nakangisi sa akin. Pinandilatan ko naman siya.

Akala niya naman! Ako nga manliligaw lang meron! Ikaw, boyfriend!

"Pa, manliligaw yan ni Raffy!" Biglang sabi ni Margaux pagkaupo ni Papa sa tabi ni Mama.

Napatingin sa kanya yung dalawa naming magulang.

"Is that true?" tanong sa akin ni Papa.

Nakakunot ang noo niya habang binabalik-balikan rin ng tingin ako at si Claude.

"Opo, Sir," sagot ni Claude para sa akin. "Kung okay lang po."

"What are your intentions?" tanong ni Papa kay Claude.

Kulang na lang magpa-kain ako sa lupa sa kahihiyan. Sana hindi na bumaba si Claude!

"Grabe naman 'yang tanong mo, Felix!" Saway sa kanya ni Mama. "Claude, anak, ano nga ulit ang course mo?"

"Marketing po," Nahihiya siyang ngumiti.

I wish I could hold his hand to make the both of us relax! Nararamdaman ko rin yung kaba niya kahit na mayroon si Paul sa pagitan namin.

"So what are your plans after you graduate?" tanong ni Papa kay Claude.

Napalingon naman ako kay Claude.

Oo nga, 'no? Magtatrabaho ba siya sa Manila? Hindi niya ako sinagot nung tinanong ko 'yun, e.

"Baka po mag-work sa company in Manila, Sir."

"Oh, but I saw Jenny's post last week on facebook! There's a school offering you a basketball scholarship, right? Ateneo?" biglang sabi ni Mama. "Mukhang matagal ka nang hinahabol ng mga universities sa Manila, ah."

Nagulat ako sa sinabi ni Mama.

Mas updated pa ata siya sa buhay ni Claude kesa sa akin?

"Oo, Ma, diba nga dapat doon siya sa Manila magco-college kasi nago-offer rin ang La Salle sa kanya noon ng scholarship," sabi ni Margaux. "Pero nag-SLU siya."

Lumingon ako kay Claude at naka-kagat lang siya sa labi niya. Mukhang kinakabahan dahil maski siya ay hindi niya alam kung ano isasagot niya.

"Uwi na po si Claude, hinahanap na rin po siya nina Tita, eh." sabi ko kina Mama.

Bago pa makapag-salita si Claude ay hinila ko na kaagad siya palabas ng bahay.

Tahimik lang kaming dalawa habang naka-tayo doon sa labas ng gate. Lumingon ako sa kaniya. Nakapamula lang siya at naka-tingin sa baba.

"Ano nga ba plano mo?" I asked him.

"I was supposed to take the scholarship for my 4th year," sagot niya sa akin.

"Para sa UAAP?" I asked him.

Tumango siya. Naalala ko yung offer sa kanya ng La Salle dati. All expenses, even his food, were included in that scholarship.

Hindi ko alam kung bakit parang kinurot ang puso ko. If he's going to Manila next school year, then that means I only have my finals term and short term with him. Wala man lang akong summer break dahil sa kurso ko.

"What do you want ba?" I tried to hold myself together.

What's important now is what he wants.

"I wanna stay," sambit niya. "I want to be in Church and grow in the ministry... and be with you, too."

"Hindi naman ata practical 'yon," sabi ko sa kanya. "This is a great opportunity, Claude. After you graduate, pwede ka pang mag-PBA, diba? Ang daming opportunities sa Manila, and you're choosing to stay in this small city?"

Hindi siya umimik. Narinig ko ang buntong hininga niya habang ang tingin niya lang ay nasa baba.

"Uwi ka na," I told him.

Naka-tayo pa rin siya doon habang nakapamulsa.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. I walked up to him and immediately hugged him. Mukhang gulat naman siya pero nilabas niya yung kamay niya galing sa isang bulsa at niyakap rin ako.

Please don't leave. Gusto kong sabihin sa kaniya.

But that would just be my selfishness speaking.

Pagkauwi niya ay tumakbo ako kaagad sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa lang ay naiiyak na ako. He's not going yet! And I'm not even sure kung pupunta ba talaga siya o hindi.

Nilabas ko na lang yung phone ko para may iba naman akong isipin. Nagulat na lang ako pagkabukas ko ng instagram ko ay nandoon kaagad yung mukha ko sa timeline ko. 'Yun yung picture kong kumakain at may sauce sa pisngi at ilong ko. Pinost 'yon ni Claude at nilagyan ng caption.

Puhon.

Pagdating ng Lunes ay nagplano na kaagad sina Selena na roadtrip naming lima. Sinuggest ko naman ang Dagupan para matahimik na si Vale sa kung saan ba ang best pigar-pigar sa Dagupan.

"Oh, game na ba? Hundred Islands?" sabi ni Lia sa video call.

Mukhang kanina pa siya sa cr doon sa video call namin.

"Hoy, dinadiarrhea ka ba?" tanong ni Selena sa kaniya. "Kanina ka pa nakaupo d'yan sa toilet."

"Yeah, mej!" Ngisi ni Lia. "Amoy niyo ba?"

"Dugyot!" Tawa ni Mage.

"Hoy, Vale, pansinin mo naman kami!" sabi ni Selena. "Sunduin mo na kami bukas, ha! Legit na 'to, Alaminos tayo bukas! Di na drawing!"

"Hoy, kailangan ko pala umuwi kaagad bukas! Wag muna tayo mag-Alaminos!" sabi ni Lia. Rinig namin ang bidet sa background at ang pag-flush niya sa toilet.

"So kakain lang talaga tayo sa Dagupan?" tanong ni Selena.

"That's fine with me! Let's go Bolinao after finals," sabi naman ni Mage.

"Eh paano yung Alaminos?" tanong ni Lia.

"Basta magpi-pigar pigar tayo!" I said. "Tska bangus at hito!"

Kinabukasan, isa isa kaming sinundo ni Vale sa mga bahay namin. Hindi na kami nag-convoy dahil hassle pa 'yon. Hindi ko alam kung bakit bumaba pa si Selena galing sa upuan niya galing sa harap at umupo sa likod nung ako na yung sinundo.

"Yay! Roadtrip!" sabi ni Lia. "Wag muna kayo magpost sa facebook ah! Di ako nag-paalam, eh! Sumbong nanaman ako ng mga kuya ko."

Kinuha ko kaagad yung phone ni Vale na naka-connect sa speakers niya at pumili ng kanta. Inexit ko muna yung Spotify niya at pumunta akong Youtube para masearch ang lagi namin kinakanta.

Tawang tawa na kaagad yung tatlo sa likod nung narinig nilang memorize namin ni Vale maski yung intro ng kantang sinearch ko.

"UNANG ARAW PALANG MINAHAL NA KITA! BAKIT BA GANITO ANG AKING NADAMA?" malakas na kanta namin ni Vale habang si Lia ay nakikikanta rin sa likod.

"Ang jeje niyo talaga forever," sabi ni Mage sa likod. Si Selena naman ay nagvivideo para sa IG story niya.

Kumpara kay Claude, itong si Vale parang kaskasero mag-maneho. Pagdating namin sa Rosario ay tulog na yung tatlo sa likod at kaming dalawa na lang sa harap ang gising. Naka-ngiti lang ako habang inuupdate si Claude na papunta na kaming Dagupan.

"Wow, may pa-selfie." Tawa ni Vale.

Pinalo ko siya sa braso at sinali siya sa picture ko.

"Smile ka for Claude," utos ko.

Nakatingin lang siya sa daan at hindi ako pinansin kaya binelatan ko siya.

"So, Uson Pigar-Pigar?" sabi ko sa kanya.

Umiling kaagad siya.

"I told you, we're going to Galvan," pilit niya.

Humalukipkip lamang ako at naghanap ng ipapatugtog na kanta. Nagulat na lang ako sa mga playlist niya na halos lahat ay galing sa akin.

"Hoy! Spotify ko gamit mo, kupal ka!"

Kinagat niya lang ang labi niya at sumulyap sa akin. "Well, you gave me your password."

"Yeah, 6 months ago!" reklamo ko. "Kaya pala habang nakikinig ako sa Top Hits Philippines kahapon, nagulat ako nandoon rin yung Bakit Nga Ba Mahal Kita!"

Tumawa naman siya kaya agad ko siyang binatukan. Nag-sing along lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa Dagupan dahil hindi naman kami naihi on the way at tulog yung tatlo sa likod.

"Sabi sa'yo, best pigar-pigar ever," Vale smiled.

Kumuha pa ako ng ulam sa plato niya dahil naubos na namin yung mga order namin.

"Ang cute niyo sana, 'no?" Sambit ni Lia. "Sayang, taken na 'tong si Raf!"

"Taken agad?!" angal ko.

"For granted," dagdag naman ni Selena kaya binatukan ko siya.

"No, but seriously, though, I thought the same thing! Akala ko you guys were gonna be boyfriend girlfriend na last year," sabi naman ni Mage.

Tumawa na lang ako at siniko si Vale.

"Rinig mo 'yon?!" I laughed.

Siniko niya lang ulit ako at kinain yung natitira niyang pigar-pigar.

Honestly, I really liked Vale rin nung una! Siyempre, siya lang nakita kong pogi sa kurso namin so sino ba hindi magkakacrush sa kanya? But now, I don't really see him that way anymore. He's more of a big brother to me na.

"Pwede naman," sagot ni Vale.

Lahat naman kami napalingon sa kanya.

Ano pinagsasabi nito?!

Continue Reading

You'll Also Like

4.6M 133K 57
Paris didn't know if it was the liquor in her system that was making her feel turned on by him just staring at her. She watch as He took his drink t...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
37.3K 1.7K 25
Abisinden şiddet gören bi kızın kurtulmak için bulduğu çözümle kendini çekişmeli bi aşkın içinde bulur...
6.4K 226 12
Các chương có lặp lại, xin thông báo mình nhaaaaa (๑>ᴗ<๑) ...