Summer Love

By KwinEater

2.2K 150 6

(Summer Series #2) Senna Guevara, a simple selfless province girl who doesn't care about the wealth of their... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Epilogue

Chapter 4

65 6 0
By KwinEater

Kinaumagahan, wala ng taong naiwan dito sa bahay bukod sa akin. Napatingin ako sa orasan sa sala at malamin na palang magtanghali. Napasarap pala ang tulog ko.

Lumabas ako para pumunta sa kusina at magtimpla ng kape. Matapos ko magtimpla, kinuha ko ang gitara ko sa kwarto at pumunta sa labas ng bahay tapos umupo sa duyan. Nakangiti ako habang ini-strum ang gitara ko.

Hey, I've been walking around the city all day
Just to find you walking away,
Right out from my arms
And you, you always wanna do what you do
And I have to find out the truth who others inlove with you

Mahina kong kanta habang nag-strum pa rin sa gitara ko. Nakatingin lang ako ng deretso sa kalsada na tapat ng bahay namin. Ramdan ko ang katahimikan habang tumutugtog ako.

But I, I don't I go on
I, but I don't have to try
Lord give me a reason why

Gonna know what to do
Gonna find out the truth
Gonna know the see reason why
Gonna go with the flow
Ain't gonna lost control
Cause I know I'm gonna with the fight

Screaming yeah... yeaah... yeaahhh... ohhh..  yeaah...

Pagpapatuloy ko sa kanta. Wala akong pake kung may nakakarinig sa akin, minsan na lang ulit ako tumugtog at kumanta.

"Broken ka ghorl?" bungad na tanong niya sa akin habang nakangisi.

"Kanina pa kayo jan?" tanong ko naman sa kanila na kumportableng nakasandal sa may hamba ng pintuan namin.

"Hindi, kakarating lang namin mga one minute ago" barumbadong sagot naman ni Mae na ikingiti ko na lang habang napapailing sa kanila.

"Ano na naman ba ang ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanila at ibinababa ang gitarang hawak ko at umayos ng upo sa duyan.

"Well, dahil tinakasan mo kami kagabi. Mind you telling us what happenend?" pag-uusisa naman ni Jahnice kaya nagtinginan lang kami ni  Hendrix

"Sabi ko naman sayo Jah, wag mo na isipin yun. Malaki na yan si Senna, pabayaan mo na lang siya" sambit ni Hendrix at inakbayan si Jahnice na halatang namumula ang mga pisnge kaya nginisian ko lang siya.

"Okay fine, di na ako mangungulit." sabay tinaas niya pa ang mga kamay niya hudyat nang pagsuko kaya nagtawanan na lang kami.

"Oh wala na kayong kailangan? pwede na kayong umalis" pagtataboy ko sa kanila.

"Kahit itaboy mo kami, magkikita pa rin tayo. Jan lang nag-rent ng matutuluyan sila Mae at Hendrix" turo naman ni Jahnice sa katapat naming rest house. It's a small type house, good for visitors who wants to relax and escape the city.

"You know what, jan na lang tayo tumambay. May pool din jan, dalhin mo na lang reviewer mo o ano mang gusto mong gawin" sabat naman ni Mae sa amin at nauna nang bumaba papunta sa rest house na nasa tapat lang ng bahay namin.

Naglakad na kami papunta ng rest house. Wala akong dinala kundi extra shirts lang kasi baka maisipan ng mga 'to na mag-swimming lalo na may pool sa rest house.

Nang makapasok kami sa loob, inilapag ko lang ang dala kong extra shirts at naglakad papalapit sa pool at naupo roon habang nilalaro ng mga paa ko ang asul na asul na tubig nito. Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko kaya nginitian ko siya.

"I saw it last night. Hindi sa lahat ng pagkakataon, pagtago ang solusyon Senna. Kilala kita kaya hindi mo ko maloloko, sila Jahnice at Mae for sure nagtataka na ang mga yun" bungad agad naman sa akin ni Hendrix pagkaupo sa tabi ko. Hendrix know me well, lalo na ang sikreto kong pinakatatago.

"I know Drix. Hindi ko pa kayang harapin ngayon. I need more time and now, gusto ko muna mag-focus sa goal ko at yun ay ang naudlot na dream ni Kuya" nakangiti kong sambit sa kanya.

"Why not focus on your dreams?" taka naman niyang tanong sa akin.

"You know the reason and singing is my passion. Anytime pwede kong maabot yun, maraming pwedeng tumulong sa akin pero ako ang may ayaw" simple ko lang na sagot sa kanya.

"It's up to you basta nandito lang ako kapag kailangan mo ko"

"All I want now is peacefulness, kaya mo ibigay? Kahit ilayo mo sa akin yung dalawang iyon" sabay turo ko kanila Jahnice at Mae na nakahiga sa beach bed habang nakababad sa arawan. Mukhang narinig nila ang sinabi ko kaya agad na tumayo at lumapit sa amin.

"Sabi ko naman sayo my dear friend, kung gusto mo nang katahimikan takpan mo yang tenga mo" sabat naman ni Jahnice at umupo na sa tabi ko.

"Walang katahimikan habang nandito kami, minsan na lang tayo magkakasama-sama oh" sabay irap naman ni Mae at nagulat ako ng bigla niya akong sinipa na ikinabagsak ko naman sa pool.

"What the hell, Mae. Nasa katinuan ka ba?" sigaw na tanong ko naman sa kanya at mga siraulo, ang lalakas ng tawa

"Baka sakaling matauhan ka. Ooopss mukhang malabo" at isa isa na nga silang tumalon sa tubig habang tawa nang tawa.

Napapailing na lang ako sa mga kabaliwan ng mga kaibigan ko. Nag-swimming na lang kami magkakasama, may paminsang kwentuhan at paglalaro.

"Okay wait, kukuha ako ng coins tapos ihahagis ko rito. Paramihan ng mga makukuha" sambit naman ni Mae at umalis na nga sa tubig sabay pumasok sa bahay na tinutuluyan nila. Pagbalik niya ay agad na hinagis ang mga coins sa pool.

"Seryoso ka jan Mae? Eh license diver 'tong si Senna kung di mo alam" iritadong sambit naman ni Jahnice na ikinatawa ko na lang. Mae just shrugged her shoulders, jump to the water and started the game.

I'm a licensed diver since I was 16 years old. I enrolled at Junior Open Water course that's suitable for 10-12 years old. Matagal din bago ko nakuha ang certification ko as a licensed scuba diver. I love being in the ocean that's why I entered scuba diving lesson at Lagro De Oro with my brother.

Isa-isa kaming umahon sa tubig habang hawak-hawak ang mhmga coins na mga napanguha namin sa inihagis ni Mae kanina.

"Count it" sambit naman agad ni Mae nang makaahon kaming lahat.

"I got 57 coins" sambit naman agad ni Hendrix pagkatapos niyang bilangin ang mga nakuha niyang coins.

"Mine 30" simpleng sambit ni Mae at tinignan si Jahnice

"ArrggGghhh!! kayo na marunong" iritado niyang sambit sa amin.

"Bakit, ilan ba nakuha mo? I have 89 coins" nakangisi kong sambit sa kanya

"Wala" iritado niyang sambit

"Oh ito piso, bili ka lollipop para hindi ka umiyak" sabay abot ko sa kanya ng piso na ikinatawa naman naming lahat.

"I hate you" sigaw naman niya sa amin habang kami naman ay naglalakad palayo sa pool.

Nag-ayos na agad ako ng sarili ko sa rest room malapit sa pool. Nagbihis na ako ng pamalit ko pagkatapos ay lumabas. Tumambay muna ulit ako sa gilid ng pool. Maghahapon na rin kaya wala na masyadong init.

"Lalim ng iniisip ah, lunod na kami" sarkastikong sambit na naman ni Hendrix ng makalapit sa akin at umupo na naman sa tabi ko

"Manahimik ka jan baka mamaya lunurin talaga kita"

"Try me! I know how to swim even though I'm not a licensed and professional" inirapan ko na lang siya at ikinatahimik na lang naming dalawa.

"What if he show his ass again?" out of nowhere he asked

"Maybe I gonna face him pero wag muna ngayon, darating ang mga Sandoval at busy pa ako sa review" sagot ko naman sa tanong niya.

"Don't worry, email ko sayo mga reviewers when we got home pero mukhang matatagalan kami rito" sagot naman niya sa akin

"Laking gastos, bakit hindi na lang kayo sa bahay namin mag-stay"

"Good idea ghorl. Drix, nakahanda na gamit mo" sagot naman ni Mae. Hindi ko naramdaman pagdating nilang dalawa. Pumasok kami sa bahay na tinutuluyan nila at laking gulat ko na nakaayos na mga gamit nila.

"Hanep! Lakas apog niyo ah." bulalas ko naman

"My dearest friend, thank you" sabay iniwan akong nakatanga sa bahay at naglakad na sila papunta naman sa bahay namin.

Hindi ko talaga alam paano ako nagkaroon ng mga kaibigang ganito. Lagi kong iniisip ano naging problema ko noon at naisipan ko silang gawing kaibigan.

"Kahit hindi mo sabihing mag-stay kami sa bahay niyo, gagawin namin. Dai, ansaket sa bangs ng rent dito" bulalas ni Mae habang hinahatak na ako palabas ng rest house na yun.

Napailing na lang ako sa kanila habang naglalakad na kami papuntang bahay. Mabuti na lang wala pa sila mama at kuya, panigurado ang dami na namang masasabi ng mga yun.

Inayos namin ang mga gamit nila sa kwarto na katabi ng kwarto ko. Si kuya ang umuukupa nun kaso madalas siyang wala kasi busy siya sa trabaho niya. Si mama naman mas gusto naman sa sala lang matulog 

"Ayos na yan, wag na mag-inarte" sabat ko naman nang maiayos na ang mga gamit nila.

"Ikaw Jah, san ka niyan?" baling naman ni Hendrix kay Jahnice nang makalabas ng kwarto

"Baliw, may bahay kami rito. Baba lang sa may mangrove jan" sagot naman ni Jahnice sa kanya. Siya lang din mag-isa sa bahay nila, may binabantayan siyang tourist spot which is the mangrove farm na pag-aari naman nila.

"Oo nga pala, yung farm niyo sino nagbabantay?" tanong ko naman agad. Ang lakas mag-aya may farm nga pala siyang binabantayan

"Wag mo isipin yun, may mga care taker kami roon kaya gora lang ako sa mga gala" natutuwa naman niyang sagot sa amin na ikitango na lang namin.

Kinagabihan, hindi umuwi sila mama at kuya kaya kami lang ang naiwan. Nalaman kong darating ang mga Sandoval sa makalawa kaya walang nakakapasok sa rest house nila. Ilang araw pa lang ako rito parang may isang malaking mangyayari na naman.

Napailing na lang ako at pumasok na sa kwarto ko para magpahinga. Tahimik na rin ang buong bahay, umuwi na rin si Jahnice na hinatid naman ni Hendix. Napabalikwas ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan ng mismong bahay namin kaya maingat akong lumabas ng kwarto.

"Shemay! Kala kung sino" bulalas ko nang makita kung sino ang pumasok ng bahay.

"Sorry natagalan, si Jah kasi" at pakamot siya sa ulo niya na ikinatawa ko naman.

"May gusto kasi yun sayo, ayaw lang aminin" sagot ko naman sa kanya at wala man lang kagulat-gulat sa reaksyon niya

"Alam ko" simple naman niyang sagot habang nakangisi

"Paano?"

"Hindi ako manhid Sens"

"Malapit na talaga yang pangalan ko sa Centavos eh"

"Oh edi ---"

"Oh shut up!" I cut him off and go back to my room.

Makakapanakit talaga ako ng kaibigan eh. Isang bigwas lang para mamahinga na agad.




----

A/N
Win the Fight po ang title ng kanta by Ylona Garcia. Keep reading luvs ♡

Continue Reading

You'll Also Like

168K 8.1K 53
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
51.3K 839 22
. Lando Norris . We all know it; not feeling well, mental problems, dark thinking... We all have to deal with it, but something we don't all have...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
78.9K 3K 37
ᴅɪᴠᴇʀɢᴇɴᴛ; ᴛᴇɴᴅɪɴɢ ᴛᴏ ʙᴇ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴏʀ ᴅᴇᴠᴇʟᴏᴘ ɪɴ ᴅɪꜰꜰᴇʀᴇɴᴛ ᴅɪʀᴇᴄᴛɪᴏɴꜱ.