Owning the Unfaithful (A rebe...

By Amihan2526

19.7K 721 416

WARNING: Mature content | R-18 Anne got married at a young age. Lui is 10 years older than her. But it's not... More

Disclaimer and Author's note
Prologue
Chapter 1 - Simula
Chapter 2 - Unappreciated
Chapter 3 - Caught
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Leave (SPG pero slight lang)
Chapter 6 - Old friend
Chapter 7 - Marupok
Chapter 8 - Lean on
Chapter 9 - Care
Chapter 10 - Companion
Chapter 11 - Park
Chapter 12 - Reunion
Chapter 13 - Left
Chapter 14 - Asking for a divorce
Chapter 15 - Preaching
Chapter 16 - Vacation
Chapter 17 - Anniversary
Chapter 18 - Back
Chapter 19 - Present
Chapter 20 - Again
Chapter 21 - Business as usual
Chapter 22 - Chase
Chapter 23 - Admit it
Chapter 24 - Cold
Chapter 25 - Surprise
Chapter 26 - Plan
Chapter 27 - Anger
Chapter 28 - Pagsisisi
Chapter 29 - Proposal
Chapter 30 - Wedding
Chapter 31 - Ride
Chapter 32 - Changes
Chapter 33 - Tell all
Chapter 34 - Interview
Chapter 35 - Party
Chapter 36 - Soup
Chapter 37 - Mean
Chapter 38 - Papansin
Chapter 39 - Honesty
Chapter 40 - Insult
Chapter 41 - Suko
Chapter 42 - Panakaw
Chapter 43 - Stranded
Chapter 44 - Liar
Chapter 45 - Prove
Chapter 46 - Loss
Epilogue

Chapter 47 - Agreement

483 16 8
By Amihan2526

Kinabukasan ay humarap nga si Clarisse kay Paul kasama ang ama nito at si Ivan. Galit na galit dito si Paul dahil sa sinapit nya. Abot langit naman ang hingi ni Clarisse ng tawad sa kanya.

Humihingi ito ng kondisyon kay Paul para lang maabswelto sa kaso ng tangkang pagpatay sa kanila ni Anne. Pero mariin ang pagtanggi ni Paul.

"Babe, please forgive me. Hindi ko sinasadya na banggain ka. Lasing ako noon at akala ko brake ang naapakan ko. Pero nagkamali ako ng apak. Laking gulat ko din ng madinig ko na bumagsak na kayo ng kabit mo. I'm sorry Paul, sobrang sama lang ng loob ko noon kaya ko nagawa yun." Umiiyak na pagsusumamo ni Clarisse habang nakaluhod sa harapan ng wheelchair ni Paul.

"Hindi ko alam ang pinagsasasabi mo! Wala akong kabit at hindi ko alam kung paano tayo naging mag-asawa. Ang naaalala ko lang, naging classmate kita noon sa law school kaya kita nakilala ngayon. Pero whatever it is napakasama mo para pagtangkaan akong patayin. Alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon ha! Sobrang masakit dahil hindi ko alam kung kailan ako makakalakad uli at kung kailan ko maaalala ang lahat ng nakaraan sa buhay ko. Naiintindihan mo ba kung gaano kasakit yun ha!" Galit at sigaw na sagot ni Paul na lalong nagpaiyak kay Clarisse.

"I'm so sorry, sobra lang kitang minahal. At umasa ako na masusuklian mo yung pagmamahal ko sayo. Sana mapatawad mo ako. Please, ayokong makulong!" Pagmamakaawa pa rin nito.

"Ngayon nagmamakaawa ka na patawarin ka dahil takot kang makulong. Sana naisip mo yan bago mo ako sinagasaan noon. Paano kung hindi ako nabuhay ha. Anong gagawin mo? Tatakasan mo na lang ba ang kasalanan mo ha! Umalis ka sa harapan ko habang nakakapagpigil pa ako! Wala akong asawa na mamamatay tao!" Gigil pa ring taboy nya dito.

Dahil nga galit na galit si Paul ay namagitan na ang ama ni Clarisse. Pinalayo muna nito ang anak kay Paul para iopen ang pabor na hihingin nila. Ganon naman talaga ang ama ni Clarisse laging sinasalo ang kasalanan ng anak.

Sa unang asawa nito ay namagitan din ang ama para kay Clarisse. Pinagtangkaan din kasi ni Clarisse ang ex-husband nito na sagasaan ng kotse dahil din sa kalasingan. Ayaw kasi ni Clarisse makipag-annulment sa asawa nito noon kaya sa sama ng loob ay sinagasaan nito ang asawa. 

Pero walang alam si Paul sa nakaraan na yun ni Clarisse at ex-husband nito. Ang alam lang nya ay hindi na magampanan ni Clarisse ang pagiging may bahay nito dahil nga subsob sa trabaho, at napakaselosa nga nito at nagger. Kay Ivan lang nya nalaman kamakailan ang pagsagasa din ni Clarisse sa ex-husband nito dahil nga sa imbestigasyon kaya naungkat ang dating kaso nito.

"Balae, Paul at Atty. Ivan. Tatapatin ko na kayo. Andito kami dahil gusto naming humingi ng paumanhin at gusto sana naming makipag-areglo sa inyo." Malumanay at nahihiyang panimula ng ama ni Clarisse.

"Areglo po? Naiintindihan nyo po ba ang pabor na hinihingi nyo? Halos patayin na po kami ng anak nyo at yung sinasabi nya na kasama ko. Sa palagay nyo po ba papayag sya na makipag-areglo gayong sabi nina mom at dad pareho kami ng kalagayan ngayon. Maswerte lang yun dahil hindi napilay ang paa." Inis na sagot ni Paul.

"Nakausap ko na ang family Johnson. At ang sabi nila kung ano daw ang desisyon nyo ay sya na ring magiging desisyon nila. Ang mahalaga daw sa kanila ay buhay ang anak nila at ayaw na nilang makigulo pa sa inyong mag-asawa ni Clarisse." Diretsahang sagot ni Atty. Marquez.

"So ibig sabihin hindi nila idedemanda si Clarisse kahit na nalagay sa alanganin ang anak nila? Wow, kakaiba rin ang family na yan ha. Hindi ba nila kayang ipaglaban ang hustisya para sa anak nila? Bakit, magkano ba ang binayad nyo sa pamilyang yun ha?" Sarkastikong pahayag nya. 

Hindi matandaan ni Paul ang sino man sa mga Johnson kaya naman ganon na lamang ito kung magsalita.

"Look bro, we went to their house yesterday and they know na magdedemanda si Clarisse against you and their daughter ng adultery. Sina Mr. and Mrs Johnson lang ang nakausap namin. Yung anak nila naka-out of town. Baka sakali daw na may maalala and they already decided on behalf of their daughter na ayaw na nilang madagdagan pa ang sakit ng ulo ng anak nila." Singit ni Ivan.

"So what do you mean?" Nakakunot ang noo nya, di gusto ang sinabi ng kaibigan.

"Bro wala tayong makukuhang tulong sa kanila about your case against Clarisse. Ayaw din nilang makasuhan ang anak nila. Dahil obviously malakas ang laban ni Clarisse kapag kinasuhan nya kayo. Madaming evidence na hawak si Clarisse against you and Anne." Paliwanag pa nito.

"Anne? Who is Anne? Bro, I don't know that woman, okay. Kaya kung ayaw nilang tumulong, ako na lang ang magkakaso sa Clarisse na yan!" Salubong ang kilay at galit pa ring sagot ni Paul.

"Paul, pipirmahan na ni Clarisse ang annulment nyo at hindi ka na nya kakasuhan ng adultery at yung mistress mo. Pero sa isang kondisyon iuurong mo ang kaso mo sa anak ko. This is win win for you and Clarisse dahil matagal mo ng hinihiling ang annulment sa kanya at wala ka pang adultery case na kakaharapin. Malakas ang laban nya sa pagtataksil mo sa kanya. Kaya kung itutuloy mo ang kaso sa anak ko parehas lang kayong makukulong pati na rin ang mistress mo." Sabad at diretsahan pa ring wika ni Atty. Marquez.

"Anak, palagay ko mas mabuti pang wag mo ng kasuhan si Clarisse. Tama ang mga Johnson, ang importante ligtas na kayo at nakahingi na ng tawad si Clarisse. Tapos makakalaya ka na sa kanya. Matagal mo ng hinihingi kay Clarisse ang kalayaan. At ito na yung pinakahihintay mo anak, magiging malaya na kayo ni Anne." Sabad ng ina ni Paul na tila nakapagpaisip din kay Paul.

Matapos ang mahabang pag-uusap ay pumayag din sa areglo si Paul. Agad din namang pinirmahan ni Clarisse ang annulment paper nila sa harap ng mga magulang ni Paul at ni Ivan. Nangako si Clarisse na hinding-hindi na guguluhin si Paul kailanman. 

Humingi ito ng tawad sa magulang ni Paul lalo na kay Paul. Pero hindi pa rin ibinigay ni Paul ang kapatawaran na hinihingi nito. Parte lamang daw ng agreement ang pakikipag-usap nya dito. Pero ang kapatawaran na hinihingi ni Clarisse ay hindi kasama sa agreement nila.

Mula noon ay hinanap na ni Paul ang bagay na makakapag-paalala kay Anne na palaging binabanggit sa kanya ng parents nya at mga kaibigan. Maging sa social media ay naisipan rin nitong hanapin ang Anne na sinasabi na mistress daw nya.

Nang makita nya ang picture ni Anne sa social media ay wala naman syang naramdaman na kakaiba. Kaya naisip nya na baka isa lang yung Anne sa mga pinaglaruan nya na babae na nakasama lang sa kamalasan nya ng gabing naaksidente sya.

Kaya naman mas itinuon nya ang oras sa pagpapalakas ng katawan upang makalakad sya agad-agad at makabalik na sa dating buhay. Every weekend ay dinadalaw sya ng mga kaibigan nya sa Ilocos. Hindi na muna sya pinabalik ng parents nya sa condo nya sa Manila dahil nga hindi pa sya nakakalakad.

Samantala mula ng malaman ni Anne na divorced na siya sa asawang si Lui ay naging matamlay na ito at palaging umaalis ng bahay. Palagi din syang pumupunta kung saan-saang sulok ng Pilipinas kahit mag-isa lang o may kasama man. Para lang malimutan ang asawa.

Hinahayaan lang sya ng parents nya sa gusto nya. Dahil pwedeng ang pagpunta-punta nya sa kung saan-saan ay makatulong sa pagbabalik ng alaala nya. Madalas din sinasamahan sya ni Lala at Judith sa mga lugar na gusto nyang puntahan. 

Naiintindihan din ng mga anak nya ang kalagayan nya at pag-alis-alis palagi. Alam nila na isang araw ay pipirme din ang mommy nila sa bahay kapag nagsawa na sya at natanggap na ang paghihiwalay ng daddy nila. At tama naman sila ng naisip.

"Mga anak kumusta na kayo? Pasensya na kayo kung wala lagi si mommy. Ayoko kasi maalala ang daddy nyo kaya lagi akong umaalis. Pero promise, simula ngayon palagi na ulit akong andito sa bahay para alagaan kayo. Dahil feeling ko okay na si mommy." Nakangiting wika ni Anne sa tatlong anak habang kayakap ang mga ito sa kama.

"It's okay mommy we understand you. May sakit ka rin kaya gusto din naming gumaling ka na. Sanay na kami mommy na wala si daddy kaya ikaw masanay ka na ulit ha." Sagot ni Yuna sabay yakap ng mahigpit sa ina.

"Salamat mga anak ha. Bunso, sorry kung hindi kita maalala ha. Bigyan mo sana ng time si mommy para alalahanin ang lahat. Sa ngayon pwede bang kwentuhan mo si mommy ng bagay na pwedeng makapagpabalik ng memory nya?" Malambing na baling nito kay Yosef.

Madaming ikinuwento ang tatlong bata kay Anne na masasayang bagay. Kaya naman nabalot ng kasiyahan ang kwarto nya ng oras na yun. Nangako sya sa mga anak na magiging mabuting mommy at daddy sa mga ito kahit pa nag-iisa na sya at walang maalala. Ang hindi alam ni Anne ay matagal na nyang ginagawa ang mga bagay na yun. Super momdad nga siya ng tatlo nyang anak.

Simula nga noon ay nanumbalik na ang dating Anne. Naging active na ulit sya sa kanyang foundation. Kahit na parang apprentice ang pakiramdam nya sa pagpapatakbo ng negosyo nya at ng foundation ay matiyaga nyang inaral muli ito sa simula. 

At dahil nga gamay na nya noon ang negosyo nya at ang charity foundation kaya madali lang nya muling natutunan ang lahat ng bagay na nakasanayan na nya dati bago sya naaksidente. Matiyaga din syang tinuruan ng mga empleyado nya na sa kanya rin naman natuto dati ng napakaraming bagay at kaalaman.

Nagpasya ang parents ni Anne na wag ng ipaalam sa kanya ang tungkol kay Paul. Dahil maguguluhan lamang daw ang anak nila. Lalo na sa kakaisip kung paano nangyari na kasama sya ni Paul na naaksidente.

Samantala inabot ng 10 months bago tuluyang nakalakad si Paul. Laking pasasalamat nya sa parents nya dahil hindi sya sinukuan ng mga ito kahit pa madalas ay mainit ang ulo nya dahil sa sinapit nya at pagkakapilay. Kasabay ng panunumbalik ng mga paa nya at dating lakas ay maswerte din na na-grant na ang annulment nila ni Clarisse kinalaunan. Buti na lang at naging mabilis ang proseso nito kumpara sa iba.

Paminsan-minsan ay sumasagi sa alaala ni Paul si Clarisse. Ngunit hindi kung paano sila nakasal kundi kung gaano sila katindi mag-away noong nagsasama pa sila. Kaya laking pasasalamat nya na na-grant na ang kanilang annulment.

Hindi pa bumabalik ng lubusan ang alaala ni Paul at Anne pero may mangilan-ngilan na silang naaalala ngunit walang kinalaman sa kanilang dalawa. Maliban lang sa pareho silang nananaginip minsan na may kasabay silang magjogging palagi. At kung minsan ay may kasama silang bata sa pagjojogging. Sa panaginip ay palagi silang masaya habang nagjojoging ngunit hindi aninag ang mukha ng kanilang kasama.

Pag humaharap si Anne at Paul sa kanilang doctor ay sinasabi nila ang tungkol sa kanilang mga panaginip. Hindi naman sila nagmamadali na manumbalik agad ang kanilang alaala. Dahil nagagawa pa rin naman nila ang mga dating ginagawa kahit pa may kulang sa kanilang memories. Lagay na ang loob nila pareho na isang araw ay kusa na lamang babalik ang mga alaala na nakalimutan nila.

Masayang-masaya si Paul ng magbalik muli sa condo nya sa Manila. Pinabalik na rin sya sa law firm na kanyang pinagtatrabahuhan. Dahil doon naisipan ng tropa ni Paul na icelebrate ang pagbabalik nya at isasabay nila ang celebration sa birthday ni Ivan na gaganapin sa Sabado.

Inimbita ni Ivan at Judith lahat ng kaibigan nila pati mga anak ng mga ito. Dahil tuwing may okasyon nga lang naman nagkakabonding ang kani-kanilang mga anak. Kaya may sariling handa si Ivan para sa mga bagets at sa matatanda.

Syempre hindi nakalimutan ng mag-asawa na imbitahan si Anne at mga anak nito.

Maagang dumating sina Anne sa bahay nina Judith dahil gusto nyang tulungan ang kaibigan sa pagluluto at pagprepare ng mga food. Pagsapit ng alas tres ay nagdatingan na lahat ng mga kaibigan ng mag-asawa maliban kay Paul. 

May appointment pa raw kasi si Paul sa doctor kaya male-late ng dating. Pinahatid na lamang nito kay Mickey ang anak na si Kyle sa bahay nina Judith.

Dahil nga kumpleto ang barkada ni Ivan. Pinakilala nilang mag-asawa si Anne sa barkada nang hindi pa dumarating si Paul.

Simula kasi ng maaksidente si Anne ay noon lamang uli nya nakita ang buong tropa ni Ivan. Nagkunwari na lamang ang tropa na hindi nila kilala si Anne.

Maya-maya pa ay dumating na si Paul ngunit sya namang pag-alis ni Anne. Nagtungo ito sa loob ng bahay nina Judith upang samahan si Lala na maghiwa ng cake na ipamimigay sa mga bisita.

Habang nakikipag-kwentuhan si Paul sa mga kaibigan ay syang pagdaan ni Yosef. Tumatakbo ito at kahabulan ang anak nyang si Kyle at iba pang mga bata doon.

Sa di sinasadyang pangyayari ay nadapa si Yosef. Kaya naman dalas-dalas sumaklolo si Paul sa bata. Habang itinatayo ni Paul si Yosef ay sya namang pagdating ni Anne para saklolohan din ang natanaw na nadapang anak.

Ngunit bago nakalapit si Anne ay napatitig si Paul sa bata. Napuna agad na kamukha ng anak nyang si Kyle si Yosef at ibig sabihin kamukha din nya si Yosef noong bata pa sya. Mas pogi lang si Yosef sa kanila ni Kyle at mas maputi dahil nga may mix na ito ni Anne.

Pinagmamasdan lamang ng mga kaibigan si Paul at Yosef at inaabangan nila na baka biglang may maalala si Paul dahil nagkaharap na silang mag-ama. Maya-maya pa ay lumapit na si Anne kay Yosef.

"Sweetie, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Anne sa anak.

"Yes mom, tinulungan po ako ni Tito Paul." Sagot ng bata na pinagtaka ni Paul at Anne dahil kilala ito ni Yosef.

"Ah, thank you for helping my son." Nakangiting pasasalamat ni Anne kay Paul. No idea who he is.

"No problem, naghahabulan kasi sila ng anak ko tsaka ng ibang bata. Medyo na-out of control ata itong anak mo." Magalang na sagot ni Paul na nakatitig kay Anne. Pinoproseso sa utak kung saan nakita ang kausap.

Naputol ang usapan ng dalawa sandali dahil nagpaalam na si Yosef na babalik na sa paglalaro.

"Papayagan ka ni mommy but promise me na mag-iingat ka lagi para hindi ka nasasaktan. Tingnan mo si kuya at ate mo hindi sila takbo nang takbo." Paalala ni Anne sa anak habang si Paul naman ay pinagmamasdan lang ang mag-ina.

"Yes po mommy, I'll promise!" Sagot ng bata sabay takbo na naman pabalik sa mga kalaro. Kaya nagkatawanan sila ni Paul. Dahil kasasabi lang na wag takbo nang takbo pero tumakbo din naman agad si Yosef.

"Hayaan mo na siya, ganyan talaga ang mga bata. By the way ang cute ng anak mo. Ilang taon na sya?" Tumatawang wika ni Paul.

"Thank you, he is 6 years old." 

"I see, you know I have a son too. He is 15 years old turning 16 next month. Binata na sya pero kung makipaglaro sa anak mo parang magkaedad lang sila."

"Really, wow he is same age pala ng twins ko. Ayun sila oh kausap ng ibang bata na kaedad din nila." Itinuro nya ang pwesto ng kambal. "Asan ba dyan ang anak mo?" May kuryosidad nyang tanong.

"My son is right there kalaro ng anak mong nadapa kanina. Napansin ko nga parang magkamukha sila. Mas gwapo lang ang anak mo at mas maputi."

"Oo nga noh, pwede silang mapagkamalan na twins." Nakangiting sagot ni Anne na hindi naman masyadong tinuunan ng pansin ang pagkakahawig ni Yosef at Kyle.

Habang nag-uusap si Paul at Anne ay sa kanila lahat nakatutok ang tingin ng mga kaibigan nila maging nina Judith. Nag-aabang sila lahat ng pwedeng mangyari sa dalawa.

"Anyway you look familiar. I just don't know kung saan kita nakita." Pag-iiba ni Paul sa usapan. Kanina pa talaga nito pinoproseso sa isip si Anne.

"You too, you look familiar." Sagot lamang ni Anne pero di maisip kung saan nakita si Paul.

Sandali silang nanahimik tila parehong nag-iisip. Hanggang sa si Paul na ang naunang magsalita.

"I think I know now where did I met you!" Excited na wika ni Paul na inaabangan din ng mga kaibigan nito kung saan sila nagmeet. Umaasa ang mga ito na naaalala na ni Paul si Anne.

"Huh, where is it though?" Kunot noong tanong ni Anne.

"I remember you!" Malakas na wika ni Paul.

"Where nga?" Ulit ni Anne na gustong-gusto ng malaman kung saan sila nagmeet ng kaharap na lalaki.

"Sa campus! Noong high school isa ka sa varsity ng volleyball sa St. Patrick, right?" Excited na sagot ni Paul.

"Oo, when I was high school." Nakangiting sagot ni Anne.

"I got yah! Kumusta ka na? Sabi ko na nga ba ikaw yan e. Alam mo bang crush ka ng lahat ng taga campus noon at isa na ako doon." Pagmamalaki ni Paul.

"Really, I think naalala na rin kita. Wait a minute, let me recall." Maya-maya pa ay naalala na rin ni Anne. "Varsity ka ng basketball sa campus, right?" Biglaang sambit ni Anne na nakangiti kay Paul.

"Oo! By the way, alam mo ba ang pangalan ko?"

"Hindi e, nakikita lang kita sa campus but I really don't know your name. What's your name again?" Sagot ni Anne.

"May name is John Paul Rodriguez nga pala." Sabay abot ng kamay kay Anne.

"May name is Anne, Mary Anne Johnson. Nice to meet you." Nagshake hands ang dalawa na tila bagong magkakilala lang gaya noon sa eroplano na una nilang pagkikita.

"Nice to meet you too! Halika papakilala kita sa mga kaibigan ko." Aya ni Paul.

"Guys, meet my ultimate crush noong high school ako. Si Anne Johnson." Pakilala nito kay Anne sa mga kaibigan na kanina pa silang pinagmamasdan.

"Kilala ko na sila, pinakilala sila ni Ivan sa akin kanina." Wika ni Anne kay Paul.

"Ganon ba? Naku, naunahan na pala ako ng birthday boy. Anyway guys, tutal kilala nyo na pla si Anne. Bakit hindi pa natin simulan ang inuman para sa birthday boy!" Pinagbigyan naman ito ng tropa.

Tumagay lang si Anne ng isa dahil magdadrive pa sya pauwi mamaya.

"Hindi ako pwedeng mag-inom ng madami guys. Kasi malayo pa ang uuwian namin ng mga bata magdadrive pa ako, sorry ha." Paumanhin ni Anne sa tropa.

"It's okay Anne ihahatid na lang kita, saan ka ba nakatira." Hirit agad ni Paul.

"Sa Laguna pa e."

"Ganon ba, malapit lang pala e. Ako na lang ang maghahatid sa inyo." Alok at pagmamagandang loob nito.

"Naku wag na talaga, tsaka parang sumasakit ang ulo ko. Ewan ko ba kung bakit biglang sumakit ang ulo ko. Sandali ha, uupo lang ako." Agad namang inalalayan ni Paul si Anne para makaupo.

"Okay ka lang ba? Gusto mo bang pumasok muna sa loob ng bahay para mas tahimik dun?" Pag-aalala ni Paul.

"Paul, ako na ang bahala kay Anne. Sige na, ituloy mo na ang pag-iinom mo." Sabad ni Judith.

"Okay lang Judith. Tara tulungan na kita akayin si Anne sa loob. Mukhang hindi sanay uminom itong kaibigan mo ah." Giit ni Paul. "Wait, sabi ni Ivan magbest friend daw kayo. Hindi ko nga alam kay Ivan kung bakit hindi nya ako ininvite sa kasal nyo Judith." Pagtataka nito.

Tipid lang naman ang kinuwento ni Judith kay Paul habang naglalakad sila papasok sa bahay. Sinamahan nito si Judith at Anne hanggang sa loob ng bahay pero agad ding iniwan ang magbest friend.

Nag-aalala si Judith sa kaibigan kaya tinawag nito si Lala. Mula kasi ng maoperahan si Anne sa utak ay paminsan-minsan ay pinagsasaktan ito ng ulo. Ang sabi naman ng doctor ay wala naman silang makita na kahit anong problema sa utak ni Anne. Marahil ay epekto lamang daw iyon ng labis na pag-iisip at kagustuhan ni Anne na makaalala agad.

Maya-maya pa ay hiniling ni Anne na humiga muna sa kwarto nina Judith dahil sa sobrang sakit ng ulo. Pero pinainom muna nila ng aspirin si Anne bago natulog. 

Alalang-alala naman si Paul kay Anne kaya hindi rin ito mapakali kahit nakaharap sa inuman kasama ang mga kaibigan. Hindi na rin ito tumatagay at hindi naman sya pinipilit ng mga kaibigan dahil nga alam ng mga ito na hindi pa sya pwedeng magpaka-dami sa alak.

"Ivan matagal nyo na bang kaibigan si Anne?" Tanong ni Paul na nagpatahimik sa mga kaibigan nila.

"Oo bro, pero ang talagang matagal na nyang kaibigan e ang asawa ko. Sa US pa lang mag-bff na sila talaga hanggang sa napangasawa ko si Judith ng dahil kay Anne."

"Ha, paano? Bakit di mo naman naikukwento sa akin si Anne noon?" Kunot noong tanong ni Paul dahil hindi rin nito matandaan si Judith sa isip nya.

"Basta! Sya ang nagreto sa akin kay Judith." Sagot na lamang ni Ivan.

"Iniisip ko lang bro parang may nabanggit ka sa akin noon na pangalan na Anne e. Yung sabi mo na kasama ko na nabangga sa hotel. Medyo hindi ko lang marecall sa utak ko yung itsura nya sa social media nung nagresearch ako." Seryosong sagot ni Paul na pilit inaalala yung sinabi ni Ivan noon at tiningnan nya sa social media. Hindi kasi nya pinagtuunan ng pansin yun noon.

"Ah hindi sya yun bro baka kapangalan lang." Alibi ni Ivan.

"Siguro nga. Pero sayang, pamilyado na sya. Kasi pangarap ko si Anne noong high school ako e, di ko talaga akalain na magkikita uli kami." Panghihinayang ni Paul.

"Di bale bro balita ko divorced na sila ng husband nya kaya may pag-asa ka pa." Sabad ni James.

"Talaga ba, that's a good news! Sana makilala ko pa sya ng lubusan. Sobrang saya ko kanina nang nakita ko sya. Feeling ko ang tagal-tagal na naming magkakilala. Yun pala sya yung crush ko noong high school kaya pala familiar sya sa akin." Masayang sagot ni Paul na tila kinikilig pa.

Samantala habang kasalukuyang nag na-nap si Anne ay nanaginip na naman sya na kasama ang lalaking palagi nyang kasama sa pagjojogging at maya-maya ay pumagitna sa kanila si Yosef. Sobrang saya daw nila na tila isang pamilya. Dahil sa saya ay tila ayaw na ngang magising ni Anne. Pero bigla rin syang nagising dahil sa biglaang pagtunog ng videoke sa may garden ng bahay nina Judith.

Sino ka ba talaga? Bakit palagi ka na lang nasa panaginip ko kasama ang bunso ko? Bulong ni Anne sa isip ng tuluyan ng maimulat ang mga mata.

Umabot din ng isang oras at mahigit ang nap ni Anne. Paggising nya ay wala na ang pananakit ng kanyang ulo. Kasalanan din kasi nya kaya sumakit ang ulo nya. Dahil sa dami ng nakilala nya kanina ay pinilit nya ang utak na mairecall kung naging bahagi na ba ng nakaraan nya ang mga taong iyon.

Naramdaman kasi nya na parang kilala na nya ang mga kaibigan ni Ivan dahil ang sabi nga ni Judith sa kanya ay sya ang rason kaya naging asawa ng best friend nya si Ivan. Pero hindi naman nya matandaan kung paano nya nakilala si Ivan. 

Umiiwas ang mag-asawa kapag tinatanong nya kung paano sila nagkakilala ni Ivan. Basta ang sabi lang ng mga ito ay nakilala nya si Ivan sa Pilipinas which she doesn't even remember how, when and where.

Gusto na nyang makaalala pero wala naman syang maalala. May maalala man sya ay puro tungkol lang naman sa farm at sa foundation nya. At si Paul, bakit hindi nya maipaliwanag kung bakit ang gaan ng loob nya dito. Kung di lang sumakit ang ulo nya kanina ay makikipagkwentuhan pa sana sya dito. 

Tumayo sya sa kama at sinilip sa may garden ang mga anak nya. Kailangan na nilang umuwi kaya bababa na sya para magpaalam kina Judith.

Si Paul naman ay lumilipad ang isip habang nakiki-saya sa mga kaibigan. Pakiramdam nya ay hindi lamang nya sa St. Patrick nakita at nakilala si Anne. Alam nya na ang kabog ng dibdib nya kanina ng masilayan si Anne ay may ibig sabihin. He don't know why, but he wanted to talk to Anne, and have a deep conversation. He wishes he could do it before the end of this day.


Vote and comment are highly appreciated. 


Uuwi na si Anne hindi pa sila nagkakausap ng masinsinan ni Paul. 

Continue Reading

You'll Also Like

213K 3K 28
Chen Marie Ayala is a famous neurosurgeon. Marami ang humahanga sa angking talino at ganda ng dalagang doktor. But despite of her success was her dar...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
2.3M 152K 53
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...