Owning the Unfaithful (A rebe...

By Amihan2526

19.7K 721 416

WARNING: Mature content | R-18 Anne got married at a young age. Lui is 10 years older than her. But it's not... More

Disclaimer and Author's note
Prologue
Chapter 1 - Simula
Chapter 2 - Unappreciated
Chapter 3 - Caught
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Leave (SPG pero slight lang)
Chapter 6 - Old friend
Chapter 7 - Marupok
Chapter 8 - Lean on
Chapter 9 - Care
Chapter 10 - Companion
Chapter 11 - Park
Chapter 12 - Reunion
Chapter 13 - Left
Chapter 14 - Asking for a divorce
Chapter 15 - Preaching
Chapter 16 - Vacation
Chapter 17 - Anniversary
Chapter 18 - Back
Chapter 19 - Present
Chapter 20 - Again
Chapter 21 - Business as usual
Chapter 22 - Chase
Chapter 23 - Admit it
Chapter 24 - Cold
Chapter 25 - Surprise
Chapter 26 - Plan
Chapter 27 - Anger
Chapter 28 - Pagsisisi
Chapter 29 - Proposal
Chapter 30 - Wedding
Chapter 31 - Ride
Chapter 32 - Changes
Chapter 33 - Tell all
Chapter 34 - Interview
Chapter 35 - Party
Chapter 36 - Soup
Chapter 37 - Mean
Chapter 38 - Papansin
Chapter 39 - Honesty
Chapter 40 - Insult
Chapter 41 - Suko
Chapter 42 - Panakaw
Chapter 44 - Liar
Chapter 45 - Prove
Chapter 46 - Loss
Chapter 47 - Agreement
Epilogue

Chapter 43 - Stranded

254 13 20
By Amihan2526

Nagpatuloy pa rin ang relasyon ni Paul at Clarisse. Pero tila sinasadya ng tadhana na palaging magkatagpo ang landas ni Anne at Paul. Madaming beses na di sinasadya na nagkikita sila sa isang lugar. Pero ngiti lang naman ang binibigay ni Anne sa tuwing magkakasalubong sila ng ex.

Hanggang sa isang araw ay may seminar na pinuntahan si Anne sa Tagaytay. Di sya nagsama ng driver dahil mas gusto nya talaga na magdrive mag-isa sa tuwing may pinupuntahan sya. 

Masama ang panahon ng araw na yun pero hindi na-cancel ang nasabing seminar. Hindi naman daw bagyo iyon kundi malakas na ulan lamang na sanhi ng bagyo mula sa ibang bahagi ng Pilipinas. At sabi sa balita ay sa hating gabi pa raw naman bubuhos ang malakas na ulan. Pauwi na sana si Anne sa Laguna mga bandang alas syete ng gabi. Sa kamalasan ay nasa Tagaytay pa lang sya ay bumuhos na ang malakas na ulan. Mali ang balita, damn!

Tuloy-tuloy lang sya sa pagmamaneho hanggang sa di inaasahang pangyayare ay bigla syang may narinig na malakas na pagputok. At tila nahulaan na nya kung bakit dahil biglang gumewang-gewang ang takbo ng kanyang kotse. Kaya naman napabulong na lang sya sa sarili.

Oh my God, bakit naman ngayon ka pa nag-flat, wrong timing ka naman! Ang dilim-dilim pa naman dito tapos ang lakas ng ulan, gosh!! Sabi nya sa isip habang pinapatay ang makina ng sasakyan.

Nag-isip muna sya sandali kung tatawag ba sya ng mekaniko o sya na mismo ang magpapalit ng gulong nya. Hanggang sa napagpasyahan nya na sya na mismo ang magpalit ng gulong. Marunong naman sya at kung tatawag sya ng mekaniko ay baka matagalan pa ang paghihintay nya dahil nga masama ang panahon.

Tinuruan sya ni Lui noon na magkalikot ng makina ng kotse at magpalit ng gulong. Pero very rare na masiraan sya ng kotse at never pa nya naranasan magpalit ng gulong. Dahil driver ng daddy nya ang palaging nagpapalit ng gulong ng kotse nila kapag kailangan ng palitan. At hindi na nito hinihintay na maflatan sya bago magpalit ng gulong. At kapag umaalis sya ng bahay ay sinisiguro muna ni manong na good to go na ang kotse na ginagamit nya. Kaya unexpected na naflatan sya ngayon dahil ininspek nilang mabuti ang kotse nya bago sya umalis kanina.

Sumayi sya sa malakas na ulan. Kinuha nya ang spare tire sa likod ng kotse nya maging emergency light, at mga tools na kailangan para mapalitan ang gulong ng kotse nya. Nagulat sya pagkakita sa gulong dahil sabog ito. Marahil ay may nadaanan sya na matulis o matalas na bagay kaya nabutas at sumabog ang gulong nya. Nagpasalamat na lang sya sa Diyos dahil hindi mabilis ang takbo ng kotse nya kanina. Dahil kung hindi ay malamang naaksidente sya sa gitna ng kadiliman.

Basang-basa na sya pero patuloy lang sya sa pagkalas isa-isa ng mga lug nuts ng gulong nya. Tapos umuulan pa kaya dumudulas ang kamay nya habang hawak ang tools. Nahihirapan sya dahil sobrang hihigpit ng mga lug nuts.

Naka-dress sya ng oras na yun. Pero wala syang pakialam basta ang mahalaga ay makaalis na sya sa lugar na yun dahil tila ilang na lugar iyon. At natatakot sya na baka may mapadaan na masasamang loob doon at pagtripan pa sya.

Habang abalang-abala sya sa pagkalas ng mga lug nuts ng gulong nya ay hindi nya namalayan na may paparating na isang kotse sa likuran nya.

Malayo pa lang ay napansin na agad ng driver ng kotse na yun na may isang babae na napaka-sexy sa suot nitong dress na nagpapalit ng gulong sa gitna ng kadiliman at malakas na ulan. Basang-basa na ang babae at naawa ito dito. 

Kaya naman nag-minor ito ng pagdadrive upang tulungan ang babae. Dinampot nito ang payong nito na nasa back seat upang lapitan ang babae na nag-aayos ng gulong. 

"Miss okay ka lang ba, do you need help?" Pag-aalala ng lalake habang papalapit sa babae na abalang-abala sa pagtanggal ng lug nuts ng gulong. Pero laking gulat nito ng biglang humarap sa kanya ang babae. Nakaluhod ito sa lupa ng mga oras na yun at kakatanggal lang ng isang lug nuts. "Anne!" Gulat na bigkas nito na namimilog ang mga mata.

"Paul! What are you doing here?!" Gulat ding tanong ni Anne sabay tayo habang hawak ang torque wrench. 

Nang narinig kasi nito ang boses ng lalake ay agad nyang hinigpitan ang hawak sa torque wrench para ano't-ano man ang gawin sa kanya ng may-ari ng boses na yun ay maihahampas nya agad dito ang hawak nyang tools. Hindi nya ito nabosesan agad dahil sa lakas ng ulan, hangin at kulog.

"Ikaw ang anong ginagawa dito sa gitna ng kadiliman? Anyway, galing ako sa bahay ni Clarisse hinatid ko sya. Pauwi na sana ako sa Manila. Nakita ko na may nasiraan ng sasakyan na hindi ko naman akalain na ikaw pala. Ano bang nangyari sa kotse mo?" Malakas na sagot ni Paul upang marinig sya ni Anne dahil malakas ang ulan.

"Galing kasi ako sa seminar. Meron ata akong nadaanan na bubog or pako. I don't know, basta naramdaman ko na lang na gumegewang na itong kotse ko. Pagtingin ko sa labas, ayan na sumabog na pala yung gulong." Malakas ding sagot ni Anne kasabay ng buhos ng ulan.

"Ganon ba? Mukha ngang masama ang pagkakasabog ng gulong mo. Di bali dito ka sa gilid ko, payungan mo na lang ako. Ako na ang bahala dyan sa gulong na yan." Sagot ni Paul habang tinitingnan ang sumabog na gulong.

"Hindi na. Kaya ko naman, baka may pupuntahan ka pa e. Sige na, ako na ang bahala dito. Marunong ako nito, tinuruan ako ni Lui noon." Nahihiyang tanggi nya.

"Hindi na, ako na. Hawakan mo na lang itong payong, tingnan mo oh basang-basa ka na tapos ang igsi pa ng suot mo. Buti na lang ako ang naunang dumaan dito. Paano kung iba ang dumaan dito baka nabastos ka na." Giit nito at concern na dugtong sabay abot ng payong kay Anne. 

Di ito nagpapigil kay Anne. Ito na mismo ang kumuha ng kamay ni Anne para ipahawak ang payong nito. Di rin nito napigilan na hagudin ng tingin ang suot ni Anne. Lumabas lalo ang kasexyhan ni Anne dahil nga basa ang dress nya kaya lalo iyong humapit sa katawan nya.

Napatingin na lang si Anne sa suot nya. At tama nga si Paul awkward nga ang suot nya. Tapos nagtututuwad sya habang kinakalas ang mga lug nuts ng gulong nya. Kaya natawa na lang sya sa sarili. At mas lalo pang natawa dahil biglang bumaligtad ang payong ni Paul nang biglang dumaan ang malakas na hangin.

"Omg! Paul your umbrella is upside down!" Tumatawang tili ni Anne habang abalang-abala si Paul sa pagpapalit ng gulong nya.

Nagkatawanan na lang ang dalawa dahil tuluyan na ring nabasa si Paul at tuluyan ng nasira ang payong nito. Nang matapos ng magpalit si Paul ng gulong ng kotse ni Anne ay lubos lubos ang pasasalamat nya dito. Kaya naman gusto nyang bumawi dito bilang pasasalamat.

"Thank you much, Paul. I owe you this time. Let me think how to repay you. I know you don't want money, so I guess let's have a cup of coffee na lang tutal basa na tayo pareho. Masarap uminom ng kape kapag malamig at parang mga basing sisiw, di ba?" Nakangiting pasasalamat at alok nya dito.

"Sure! Meron ditong nadadaanan na coffee shop at may RTW store sa tabi nun. Pwede tayong bumili ng bihisan sa kanila. Wala akong dalang extrang damit sa kotse this time e, ikaw ba?" Masayang sagot nito. Pagkakataon na rin nyang makasama ng matagal si Anne kaya ang saya ng puso nya.

"That's a good idea. I don't have extra clothes too. So, let's go now. Baka magkasakit pa tayo dito, lumalakas na pati ang hangin." Nakangiting sagot nya at yakag.

Bumili muna sila ng damit sa sinasabing store ni Paul at pagkatapos ay nagpalipas ng ulan sa loob ng isang coffee shop. Napakasaya talaga ng puso ni Paul ng oras na yun. Parang bumalik sila sa dati na walang tension sa pagitan, masayang nag-uusap at puno ng pag-ibig. 

Pero hindi lang alam ni Paul kung may pag-ibig din ba at saya na nararamdaman si Anne ng mga oras na yun. Naisip nya na dahil tinulungan nya si Anne kanina kaya baka nagpi-pretend lang ito na masaya at tumatawa sa harap nya.

Lumalalim na ang gabi pero lalong lumalakas ang ulan. Wala namang sinabi sa balita kagabi na may bagyo, ang sabi ay ulan lamang. Pero kamalasan ay bigla-biglang binalita sa TV na nasa loob ng coffee shop na bigla daw lumihis ang bagyo at signal number 3 sa Tagaytay. Kaya naman nagsarado na ang coffee shop na tinatambayan nila dahil alas dose tatama ang bagyo sa lugar. 

Walang choice si Anne at Paul kundi magdrive pabalik ng Manila. Pero palakas nang palakas ang hangin kaya nagdecide si Paul na sabihin kay Anne na huminto sila sa may hotel na madadaanan nila. Humahampas na kasi ang mga puno sa kotse nila habang nagmamaneho at nakikita nila na may ilan ng nabubuwal na mga puno sa paligid dahil sa lakas ng hangin.

Pumayag naman si Anne dahil natatakot na rin sya sa lakas ng hangin. Nang makarating sila sa hotel na kaisa-isa nilang nadaanan ay agad silang nagcheck in. Pero sa kamalasan na naman ay isa na lamang room ang bakante. Kaya no choice si Anne kundi magsama sila ni Paul sa iisang room. Naisip naman nya na hindi na lang sya matutulog, palilipasin lang nya ang bagyo at agad ay uuwi na sya ng Laguna.

Nang nasa loob na sila ng room ay nabalot ng katahimikan ang loob ng kwarto nila. Hindi sila nag-iimikan ni Paul. Kaya naman tinawagan na lang ni Anne ang mommy nya para sabihin na nagpapalipas sya ng bagyo sa isang hotel. 

Si Paul naman ay tinawagan si Clarisse para sabihin din na nasa hotel sya dahil inabot ng bagyo sa daan. Nagtaka si Clarisse kung bakit inabot ng ganong oras si Paul sa daan e bago mag-alas syete ito umalis sa bahay nya kanina. Pero hindi na nagpaliwanag pa si Paul.

"Bakit hindi mo sinabi kay Clarisse na tinulungan mo ako kaya ka inabot ng bagyo sa daan?" Basag ni Anne sa katahimikan.

"Para saan pa, para pagmulan ng away? Isa pa wala naman pakialam yun sa ginagawa ko at sa nangyayari sa akin sa araw-araw. Ewan ko ba kung bakit ganon sya. Kahit kasama ko sya puro trabaho lang ang nasa isip nya." Sagot lamang ni Paul.

"Pero matagal na kayo di ba? Di ba dapat sanay ka na sa kanya?"

"Oo, kaya nga hindi na lang ako nagrereklamo kahit halos wala na syang oras sa akin. How about you and Michael?" Balik nitong tanong.

"Huh?" Kunot noong sagot ni Anne.

"Di ba boyfriend mo si Michael, yung kapatid ni Lucy?"

"Of course not, kaibigan ko lang yun at parang nakababatang kapatid. Hinanapan ko nga ng girlfriend yun. Ayun, balita ko inalok na nya ng kasal yung girlfriend nya."

"Seriously?"

"Ano bang palagay mo sa akin, hindi kayang mabuhay ng walang lalaki sa buhay?" She smirked.

"Hindi nga ba?"

"After I broke up with you and divorced Lui naging happy na ako sa buhay ko kahit mag-isa lang ako. I dedicated my heart and time to my kids at sa pagtulong sa kapwa. Mas natutunan kong pahalagahan at mahalin ang sarili ko. Akala ko noon kailangan ko ng lalaki lagi sa tabi ko pero hindi pala. Dahil wala naman kayong ginawa sa akin kundi saktan lang ako noon." She smiled sweetly.

"Alam mong minahal kita ng sobra-sobra. Ikaw lang ang ayaw maniwala at nang-iiwan sa akin palagi. Pilit kong nilalapit ang sarili ko sayo pero pilit ka namang lumalayo sa akin." Malungkot at mahinahon na pahayag nito.

"Kung mahal mo ako hahayaan mo na lang ako mag-isa."

"Di ba nga ganyan naman ang ginagawa ko. Pinipilit kitang kalimutan pero tadhana na ang naglalapit sa ating dalawa. Hindi mo ba napapansin yun?"

"Wag mo masyadong seryosohin yun. Kasi nagkakataon lang naman na nagkikita tayo palagi, just like today."

"Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. For me may ibig sabihin ang lahat ng ito, alam mo yan."

"Ano ka ba masyado kang assuming, baka gutom ka lang. Tara sa baba meron silang restaurant dito, di ba?" Yakag na lang nya dito.

"Bakit nagugutom ka na ba?"

"Oo naman, kape lang naman ang inimom natin kanina. Tsaka napagod ako sa pagpalit ng gulong kanina. Ang sakit kaya ng kamay ko, nagka-blister tuloy ang palad ko. Buti na nga lang dumating ka. Oi, thank you ulit ha." She genuinely said with dazzling eyes.

"You're welcome again! Patingin nga ako ng blister mo?" Malambing na wika ni Paul.

Iniabot naman ni Anne ang kamay nya kay Paul. Hinipan nito ang blister nya dahil alam nito na masakit yun. Di maiwasan ni Anne na mapatingin kay Paul dahil ang lapit-lapit nito sa kanya. Naalala tuloy nya noong panahon na patago pa ang relasyon nila ni Paul. Talagang ayaw na ayaw nito na nasusugatan siya. Kapag napapaso sya habang nagluluto ay palaging alerto si Paul para mawala agad ang blister nya. 

Pero ng tumatagal na ang hawak at haplos ni Paul sa kamay nya ay agad nyang hinila ang kamay nya kaya naman nagulat si Paul sa ginawa nya.

"Bakit, takot ka ba na baka may gawin ako sayo?" Nakangiti at tuksong tanong ni Paul sa kanya pagkahila nya ng kamay nya.

"Hindi naman, baka kasi ma inlove ka na naman sa akin. Kawawa naman ang girlfriend mo." Biro nya sabay tawa.

"Kahit kailan naman hindi nawala ang pagmamahal ko sayo. Ikaw lang naman ang nawala ang love sa akin bigla."

"Paano mo naman nasabi?"

"Feel ko lang!" Maigsing sagot ni Paul na di na naiwasang tumitig kay Anne.

"O bakit ang sama mo makatingin?" Biro muli nya. Nakakapaso kasi ang tingin ni Paul sa kanya. Is he trying to seduce me? Sabi nya sa isip.

"Wala lang, ang ganda mo kasi! Tsaka na-miss kita." Seryosong sagot nito na may titig pa rin na tila nanghihypnotized at nang-aakit.

"Tigilan mo nga ako! Pag nalaman ng girlfriend mo na kasama mo ako dito, humanda ka na ng isasagot mo sa kanya." Pilosopo nyang sabi at iwas ng tingin dito.

"Paano naman niya malalaman e baka nga tulog na tulog na yun ngayon. Tsaka, alangan namang sumalubong ako sa bagyo. Hindi ko naman pwedeng kalabanin ang kalikasan di ba? Parang nararamdaman ko sayo, ang hirap labanan." Nakangiting hirit nito pero seryoso.

"Okay, if you say so!" Maigsing sagot lang ni Anne. Hindi nya pinansin ang pasaring nito sa kanya at korning hugot.

Sandaling nabalot ng katahimikan ang kabuan ng kwarto nila pagkatapos magsalita ni Anne. Nabasag lang ang katahimikan dahil sabay na nag-ingay ang tyan nila. Kaya naman nagkatawanan na lamang sila at nag-decide ng bumaba upang kumain ng late supper.

Di inaasahan nina Anne napakadaming kumakain sa restaurant ng hotel na tinutuluyan nila ng gabing yun, karamihan sa mga ito ay na-stranded din na gaya nila. May ilang minutes din silang naghintay para makakuha ng bakanteng table. 

Alam na alam pa rin ng dalawa ang paborito ng isa't-isa na kainin. Kaya hindi na sila nagturuan kung anong oorderin. Si Paul na ang umorder ng food ni Anne dahil alam naman nito kung ano ang mga paborito ni Anne.

"Ang dami mo namang inorder, bibitayin na ba tayo?"Biro ni Anne dito.

"Syempre, baka hindi na maulit 'to e. Malay mo bukas galit ka na naman sa akin." Ganting biro ni Paul.

"Alam mo na-miss ko 'to." Sagot nya sabay subo ng paborito nyang mushroom na sa Tagaytay lang matatagpuan.

"Ang alin? Itong kumain na magkasama tayo?"

"Assuming ka rin e noh! Itong pagkain ang na-miss ko, hindi ikaw. Di ba dito lang sa Tagaytay may mga ganitong masasarap na pagkain na gawa sa mushroom? I remembered meron pa nga tayong dinadayo dito noon sa Tagaytay na isang restaurant na puro mushroom ang nasa menu nila even their burgers are made from mushroom, right?"

"Oo, naalala ko nga yun. Ang takaw mo nga noon e!" Tumatawang sagot ni Paul. "Hindi ka na ba pumupunta dito mula ng naghiwalay tayo?"

"Yes, kaya nga kanina nung papunta ako dito muntik na akong maligaw. Buti na lang matalino yung gps tracker ko sa kotse." Nakangiting sagot nya at kwento.

"Sana tinawagan mo ako para sinamahan kita."

"Sira! Ba't naman kita tatawagan kaya ko naman mag-isa."

"Kaya mo mag-isa e magpalit nga lang ng gulong hindi mo magawa. Kita mo nga yang kamay mo puro blister. Tapos ang suot mo pa ang igsi-igsi. Di ka na lang nag-jeans." Pag-aalala ni Paul.

"Di ko naman alam na sasabog ang tire ko e! Kung alam ko e di sana nagjeans na lang ako o di kaya nagsama ako ng driver."

Masayang nagkwentuhan ang dalawa kaya nagtagal pa sila sa loob ng restaurant na yun. Samantala may isang grupo ng magkakaibigan na nakakilala kay Anne na kumakain din sa loob ng nasabing restaurant. At naalala din ng mga ito na minsan ng lumabas si Paul sa TV noong nagbigay ito ng bulaklak kay Anne sa Good morning Philippines. 

Nang nakita ng grupo na parang aalis na sina Anne ay agad lumapit ang mga ito sa kanila upang magpapicture.

Pagkatapos magpapicture sa grupong iyon ay nagbalik na sila ni Paul sa room nila. Nagvolunteer si Paul na sa couch na lamang ito matutulog. Pero sabi ni Anne ay tabi na lang sila, wala namang malisya sa kanya. Pero para kay Paul ay pagkakataon na nya yun para makatabi muli ang babaeng mahal nya. Kaya agad-agad syang pumayag sa kabaitang pinapakita ni Anne ng gabing yun.

"Sana hindi na matapos ang bagyo." Biglaang bigkas ni Paul ng nakahiga na sila ni Anne.

"Sira! Kawawa naman ang mga tao noh! Mabuti ka safe dito, paano naman yung nakatira sa hindi matibay na bahay!"

"E kasi gusto kong makasama ka pa ng matagal. Sobrang na-miss kita Anne, alam mo ba yun. Sana maging tayo na uli." Lakas loob nitong pahayag.

"Pagod lang yan. Sige na matulog ka na." Natatawang sagot nya dito.

Pero pagkasabi nya ng ganon ay agad syang niyakap ng mahigpit ni Paul. Yakap na biglang naghatid ng kuryente kay Anne. Maya-maya pa ay naramdaman nya na hinahaplos na ni Paul ang pisngi nya.

"Paul ano ba, stop it may girlfriend ka!" Saway nya sa ginagawa ni Paul sabay tulak dito.

"Anne please mahal kita at handa akong iwan si Clarisse para sayo."

"Nasisiraan ka na Paul! Nangako ako sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik sayo."

"Tingnan mo ako sa mga mata Anne. Ngayon mo sabihin sa akin na hindi mo na ako mahal."

Tinitigan nga ni Anne sa mga mata si Paul. Pero hindi nya mabigkas ang salitang hindi na nya ito mahal. Kaya naman lakas loob na nilapit ni Paul ang labi nito sa labi nya. Hindi na nito napigilan ang pananabik kay Anne. 

Hindi alam ni Anne kung bakit biglang pumatak ang luha nya ng hinalikan sya ni Paul sa labi. Siguro dahil mahal pa rin nya si Paul at sobra din syang nanabik dito. Damang-dama nya ang init ng halik ni Paul. At nang makita ni Paul na tumutulo ang luha nya ay panandalian itong huminto sa paghalik sa labi nya. Pinahid nito ng hinlalaki nito ang kanyang mga luha sa pisngi.

"I miss you so much Anne. I love you so much!" Bulong ni Paul sabay halik muli sa labi ni Anne at yakap ng mahigpit.

"I miss you so much too, Paul. I'm so sorry!" Lumuluha pa rin na sagot nya dito. "Hindi ko pala kayang pigilan ito. Akala ko kaya kong iwasan ka at kaya kong magkunwari na hindi na kita mahal. Pero ang totoo mahal na mahal pa rin pala kita! Why you are so hard to forget. What did you do to me." Dugtong pa nito sabay talikod kay Paul habang umiiyak. Pilit nyang pinipigilan ang sarili na matukso na naman.

"Mahal na mahal din kita. Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo. Sana subukan nating magsimula muli kasama ng anak natin. I miss you so much, Anne. Please be mine again." Paos nitong sabi sabay yakap kay Anne na nakatalikod sa kanya.

"Alam mong hindi ito tama Paul. May iba ka ng mahal."

"Pero ikaw pa rin ang totoong mahal ko. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. Ito na ang chance natin di ba." Giit nito habang nakayakap pa rin sa kanyang likuran.

"Paul please wag mong hayaan na makasakit tayo ng damdamin ng iba. Alam ko kung gaano kasakit sa pakiramdam ang lokohin at maagawan ng mahal. Kaya sana wag mo ng ipilit ang hindi tama. Ayoko ng ulitin ang kasalanan natin noon. Sinama kita sa pakikipaglaro ng apoy noon at masaya ako na nalampasan na natin yun. Kaya please Paul tama na, matulog ka na lang at kalimutan ang mga napag-usapan natin at nangyari ngayon." Kumbinsi pa rin nya dito. Hindi sya makatingin dito.

"Pero Anne mahal natin ang isa't-isa di ba? Bakit kailangan nating pigilan. Ito na oh binibigyan na tayo ng pagkakataon."

"Oo nga pero mali ito. Malaya na nga ako ngayon pero ikaw hindi ka na malaya. Noong hindi ako malaya itinuloy pa rin natin ang bawal kahit alam nating mali. Pero anong nangyari sa atin? Di ba pareho tayong nakasakit ng iba at nasaktan? Ayoko ng ulitin pa yun Paul. Ikaw din dapat pinipili mo ang tama ngayon. Clarisse doesn't deserve this. Be faithful to her."

"Pero ikaw ang tama para sa akin. Please Anne pagbigyan naman natin ang mga puso natin. Kahit ngayon lang na magkasama tayo, magpakatotoo naman tayo. Ito ang tama na alam ko at nararamdaman ko."

Pagkarinig nun kay Paul ay humarap si Anne dito at tinitigan nya ito sa mga mata. Ang titigan nila ang nagbukas ng pinto para muling tangkain ni Paul na halikan sya sa labi. Hindi na napigilan ni Anne ang damdamin nya. Alam nya sa sarili nya na mali na patulan si Paul dahil may girlfriend na ito. Pero alam din nya sa sarili nya na mahal na mahal pa rin nya ito. Hindi nya alam kung saan lulugar. Parang gusto nyang sisihin ang bagyo at ang gulong nya dahil nagkita pa sila ulit ni Paul.

Umiiyak sya habang patuloy na sinisibasib ng halik ni Paul sa labi. Umiiyak sya hindi dahil sa kasalanan ang ginagawa nila kundi dahil masaya sya na nagpakatotoo sya sa wakas sa sinisigaw ng puso at utak nya. Mahal nya si Paul yan ang totoo, kaya kahit mali ay nagpadala sya at nakipagtalik muli sa lalaking mahal nya. Kahit ngayong gabi lang, sa kanya muna si Paul. 


Votes and comment are highly appreciated.


Gosh, bumigay na ang pusong bato mga besh! Pero ang behave pa rin talaga ni Anne, ayaw talaga magdetalye ng SPG, lol! I salute her for being most behave and generous. Bagay itong magsama at si Sassy, hindi sila mga makwento behind the darkness, hehehe. Anyways, malapit na itong matapos mga besh. Abangan nyo ang The real him.  

Continue Reading

You'll Also Like

1K 365 6
COMPLETE. What does it really mean to love? For most people, this is when you are at your happiest. This is where you share fondest of moments with t...
761K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
118K 1.5K 39
Hindi lahat ng naghihintay, nababalikan. At sana sa panahon na pwede na , ay pwede pa.
3.5K 91 29
How far will you go to satisfy your boss? Tatiana Remedios Santillan is just like a little flower in a small garden. She enjoys her life as an ordina...