Owning the Unfaithful (A rebe...

By Amihan2526

19.5K 721 416

WARNING: Mature content | R-18 Anne got married at a young age. Lui is 10 years older than her. But it's not... More

Disclaimer and Author's note
Prologue
Chapter 1 - Simula
Chapter 2 - Unappreciated
Chapter 3 - Caught
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Leave (SPG pero slight lang)
Chapter 6 - Old friend
Chapter 7 - Marupok
Chapter 8 - Lean on
Chapter 9 - Care
Chapter 10 - Companion
Chapter 11 - Park
Chapter 12 - Reunion
Chapter 13 - Left
Chapter 14 - Asking for a divorce
Chapter 15 - Preaching
Chapter 16 - Vacation
Chapter 17 - Anniversary
Chapter 18 - Back
Chapter 19 - Present
Chapter 20 - Again
Chapter 21 - Business as usual
Chapter 22 - Chase
Chapter 23 - Admit it
Chapter 25 - Surprise
Chapter 26 - Plan
Chapter 27 - Anger
Chapter 28 - Pagsisisi
Chapter 29 - Proposal
Chapter 30 - Wedding
Chapter 31 - Ride
Chapter 32 - Changes
Chapter 33 - Tell all
Chapter 34 - Interview
Chapter 35 - Party
Chapter 36 - Soup
Chapter 37 - Mean
Chapter 38 - Papansin
Chapter 39 - Honesty
Chapter 40 - Insult
Chapter 41 - Suko
Chapter 42 - Panakaw
Chapter 43 - Stranded
Chapter 44 - Liar
Chapter 45 - Prove
Chapter 46 - Loss
Chapter 47 - Agreement
Epilogue

Chapter 24 - Cold

272 14 4
By Amihan2526

Pagkatapos ng bakasyon ni Judith at Anne sa Palawan ay agad silang bumiyahe pabalik ng Manila. Meron mang naging di pagkakaunawan ang magkaibigan ay agad naman nila iyong naayos.

Bagama't tutol si Judith sa ginagawa ng kaibigan ay wala naman syang magagawa dahil hindi na nya sakop ang pakialaman ang buhay at desisyon nito. 

Nakikita ni Judith kung gaano kasaya ang kaibigan nya kapag kasama si Paul at kung gaano nito ka-close ang pamilya at anak ni Paul. Kaya kahit kasalanan ang pagtakpan ang isa pang kasalanan ay pikit-mata na lamang si Judith. Dahil iyon din naman ang payo ng nobyo nyang si Ivan na wag ng makialam sa buhay ni Anne at Paul. Dahil nga may mga sarili na naman daw ang mga itong pag-iisip at alam na ang tama at mali.

Pero ganon pa man ay hindi naman nakakalimot si Judith na payuhan at paalalahanan si Anne sa mga mali nitong gawi. Para kasing nawiwili na si Anne sa company ng mga kaibigan at family ni Paul. Parang nalilimutan na nito na may pamilya itong naghihintay sa ibang bansa.

Madalas pa rin sermonan ni Judith si Anne lalo na ng magdecide ito na sa condo na ni Paul mag-stay habang binubuno nila ang natitira pang mga araw na bakasyon sa Pilipinas.

"Bes hayaan mo na lang ako. Desisyon ko 'to. At tsaka gusto ko lang naman makasama si Paul habang andito pa tayo sa Pilipinas. Two weeks na lang naman yun." Pakiusap ni Anne sa galit na si Judith sa kabilang linya. Ayaw kasi nitong pumayag sa plano nya.

"Bes ano ka ba, naririnig mo ba ang sarili mo? Ano bang feeling mo dalaga ka pa? Hoy Bes para ipaalala ko sayo may asawa ka na at dalawang anak sa US. Kaya wag kang mag-feeling dalaga dyan!" Galit na sermon nito.

"Ah basta, sa ayaw at sa gusto mo magche-check out na ako mamaya sa hotel!" Pagmamatigas nya sabay off sa cellphone.

Hindi na nga napigilan ni Judith si Anne na lumipat sa condo ni Paul. Kaya naman sa inis nito ay hindi na nito kinausap si Anne.

Hanggang sa makauwi na sila ng US ay hindi pa rin sila nagkikibuan. Alam ni Anne na kasalanan nya kaya galit ang best friend nya sa kanya. Wala naman talagang matutuwa sa ginagawa nya. Pero ano bang gagawin nya masaya sya kay Paul.

Nagtataka naman si Lala dahil ng dumalaw si Anne sa kanya sa apartment ay umalis si Judith at nagpaalam bigla na maggo-grocery. Tumagal pa nang tumagal ang pagtatampuhan nilang magbest-friend.

Ganon pa man ay hindi naman nagkukwento ang mga ito kay Lala ng tampuhan nila. Nakakahalata man si Lala pero hindi naman nito ugali na mag-usisa kung hindi ang mga ito ang mauunang mag-open dito. Kaya walang namagitan sa dalawa para magka-ayos. Isa pa ay masisiwalat ang sekreto nila kapag isa sa kanila ay nagsalita kay Lala.

Samantala nagpatuloy pa rin ang pakikipaglaro ni Anne ng apoy kasama si Paul. Nagiging cold na naman sya sa asawa nyang si Lui. At hindi naman manhid si Lui para di mapansin ang pagbabago ng asawa mula ng bumalik ito galing ng Pilipinas.

Kaya ng hindi na ito nakatiis after 1 month ng pagiging cold ni Anne sa kanya. Ay nagtanong na sya kay Judith kung ano ba ang nangyari sa asawa nya sa Pilipinas. Bakit pagbalik nito ay tila wala na namang gana sa kanya.

"Judith ano bang nangyare sa asawa ko sa Pilipinas? Bakit pagbalik nya ang cold na nya sa akin?" Malumanay na tanong ni Lui kay Judith. Katabi nito si Lala habang sabay sabay silang nagkakape sa loob ng office ni Lui dahil katatapos lang ng kanilang meeting.

Sa halip na kape ang lunukin ay napalunok ng laway si Judith dahil hindi nito alam kung ano ang isasagot kay Lui. Kaya naman ng di ito sumasagot ay siniko ito bigla ni Lala na kinagulat nito.

"Ano ka ba bakit tulala ka dyan may tinatanong sayo si Sir Lui!" Pagtataka ni Lala.

"Ha, ah e. Ano nga yung tinatanong nyo Sir?" Kinakabahang tanong ni Judith.

"Sabi ko anong nangyare sa asawa ko sa Pilipinas? Bakit ang cold na naman nya sa akin ngayon. Tapos napapansin ko pa na palagi syang may kausap sa cellphone. Iniisip ko na lang na baka parents nya yun." Muling tanong ni Lui. "May naging problema ba sila ng parents nya or sa business niya?" Dugtong pa nito.

"Ah wala naman Sir, siguro nahohomesick lang yun kaya ganon. Ah nasabi nyo na po ba sa kanya na lilipad kayo papuntang Australia?" Pag-iiba ni Judith sa usapan.

"Sabagay, baka nga." Sang-ayon nito. "Hindi ko pa nga nasasabi sa kanya e. Kasi baka isipin nya na kaya ako pupunta ng Australia e para kay Kate." Nag-aalalang dugtong pa nito.

"Baka naman nalaman na nya na papunta ka dun kaya parang nagiging cold sya sayo." Conclusion ni Lala.

"I don't know pero nagwoworry talaga ako. Ano kaya kung isama ko na lang sila sa Australia kasi magbabakasyon na rin naman ang mga bata sa school." Suhestyon ni Lui.

"Ay alam mo Sir magandang idea yan!" Sang ayon ni Judith dahil naisip nya na mapapalayo ang isip ni Anne kay Paul.

"Teka lang, okay lang ba kayo Dith ni Anne? Kasi napapansin ko parang di na ata kayo nag-uusap kahit tawagan man lang. E dati-arati naman after ng trabaho natin sya ang katawagan mo palagi. Tapos nung dumalaw sya sa atin sa apartment parang napansin ko na hindi kayo nag-usap, umalis ka pa. Samantalang noon daig nyo pa ang mga sawa kung maglingkisan at wala kayong umay magkwentuhan." Pagtataka ni Lala.

"Oo naman Ate, nagkataon lang na kailangan kong maggrocery noong dumalaw sya. Nagtatawagan naman kami minsan 'te." Alibi nito.

"Kinakabahan talaga ako sabihin sa kanya na kailangan kong pumunta ng Australia. Baka kasi ituloy nya ang divorce na gusto nya." Singit na may pag-aalala pa rin ni Lui.

"Malamang!" Biglaang sagot ni Judith pero yun ay dahil naisip nya si Paul at Anne na may lihim na relasyon kaya sya nakasagot ng ganoon. Hindi dahil sa baka di inaasahang pagkikita ni Lui at Kate sa Australia. "Ah I mean tama ka sir! Pero siguro naman maiintindihan ka nun kasi trabaho naman ang ipupunta mo sa Australia. Kaya i-try mo na rin sabihin." Nalilitong dugtong pa nito.

Kinagabihan nga pagdating ni Lui sa bahay ay sinabi na nya kay Anne na kailangan nyang pumunta sa Australia next week para sa bagong branch ng restaurant doon.

Wala namang reaction si Anne sa sinabi ni Lui. Kaya nagtaka si Lui sa asawa nya dahil hindi man lang ito nagtanong o nag-alala sa muli nilang pagkikita ni Kate sa Australia. Samantalang ito ang dahilan kung bakit muntik-muntikan na silang magdivorce noon.

"Love what can you say? Do you want to say something?" Worried na tanong ni Lui dahil hindi nito malaman kung ano ba ang laman ng isip ni Anne. Kung galit ba ito o ano.

"Wala, meron ba akong dapat sabihin?" Sagot ni Anne na nakangiti pa sa asawa.

"Ha, wala naman! Akala ko lang magagalit ka?" Kunot noong sagot ni Lui dahil nagtataka.

"Of course not, trabaho yan kaya sige go lang!"

"Talaga ba love, hindi ka galit?"

"Bakit naman ako magagalit?"

"Di ba andon si Kate. Pero if you want, pwede naman kayong sumama ng kambal tutal bakasyon na naman nila next week." Lakas loob na alok nito.

Nawala sa isip ni Anne na andon nga pala si Kate sa Australia. Pero wala naman syang nararamdaman na selos dahil happy sya sa lihim na relasyon nila ni Paul. 

"Okay lang ako love, trabaho yan kaya alam ko na mag be-behave ka dun. At tsaka andon naman ang asawa ni Kate di ba. So there is no reason for you and Kate to do something na makakapag pahamak sa inyong dalawa." Dugtong pa nya.

"Salamat love! I'll promise wala akong gagawin na ikakagalit mo at ikakasira na naman natin." Malambing na tugon at pangako ni Lui sabay yakap sa asawa.

Kinabukasan ay agad binalita ni Lui kay Judith at Lala ang tungkol sa pagpapaalam nya kay Anne.

"Sigurado ka hindi sya galit or nagselos?" Pagtataka ni Lala.

Wala namang naicomment si Judith dahil alam naman nya kung bakit. Dahil nga may ginagawang kalokohan ang kaibigan nya.

"Bakit daw ayaw nyang sumama sayo sa Australia?" Tanong ni Lala.

"Ayaw daw nya ate e. Okay lang naman daw sila ng mga bata kahit nasa malayo ako. Tsaka 3 months lang naman ako mawawala." Sagot ni Lui.

"Di bale dadalawin na lang namin sila ni Judith habang wala ka." Naisagot na lamang ni Lala.

Nang makaalis si Lui papunta ng Australia ay mas nagkaroon ng madaming time si Anne at Paul magface time lalo na sa gabi kapag tulog na ang mga bata. Mas may time pa nga sya iface time si Paul kesa kay Lui. Madalas nakakalimutan pa nga nyang replayan sa chat ang asawa nya samantalang pagdating kay Paul ay palagi syang agad-agad nagrereply sa mga chat nito.

Nang malaman nga ni Paul na wala si Lui sa US ay nagbalak itong magpaalam sa boss nila na magbakasyon. Pero hindi ito pinayagan dahil may nakabakasyon pa na katrabaho nila.

Pero tila mabait ata ang pagkakataon kay Paul at Anne. Dahil biglaang nagkasakit ang daddy ni Anne. Kaya naman agad-agad lumipad si Anne ng Pilipinas kasama ang kambal ng walang sinasabihan na kahit sino maging si Lui. Dahil na rin yun sa sobrang pag-aalala nya sa kalagayan ng ama nya kaya nakalimot na syang magpaalam sa lahat. Maging si Paul ay di rin nya nasabihan na uuwi sila ng kambal ng Pilipinas.

May tatlong araw tawag nang tawag si Lui sa landline nila sa bahay pero walang sumasagot. Kaya naman si Lala at Judith ang tinawagan nya para sabihin na silipin ang mag-iina nya dahil hindi nya macontact ang mga ito kahit sa Facebook.

"Ha! Anong ibig mong sabihin na hindi mo ma-contact!" Gulat na tanong ni Lala kaya nagulat din si Judith sa reaction ni Lala habang kausap si Lui sa telepono. Kadarating lang ng dalawa sa apartment galing trabaho.

"Tatlong araw ko na silang di nakakausap. Wala namang sumasagot sa landline namin sa bahay. Ate La pwede bang paki-check sila sa bahay? Kinakabahan kasi ako. Ilang araw na akong di mapakali dito." Naiiyak at nag-aalalang pakiusap nito.

Agad namang nagdrive sina Lala para bisitahin sina Anne sa bahay. May susi ang mga ito ng bahay nina Anne kaya dire-diretso lang sila ng pagbubukas ng bahay ng mag-asawa. Masyadong madilim ang bahay kaya medyo kinabahan din ang magkaibigan. Pag turn on nila ng ilaw ay wala naman silang naramdaman na may tao sa loob. 

Kaya inakyat nila ang mga kwarto ng bahay, medyo magulo ang kwarto nina Anne at ng kambal kaya napapa-isip sila. Hanggang naisipan nilang icheck ang wardrobe ng mga ito at natuklasan nila na halos nangangalahati na ang mga damit ng kambal sa wardrobe ganon din ang kay Anne.

Nag-alala si Lala sa nakita pero tila may idea na si Judith kung nasaan si Anne. Malamang ay bumalik ito sa Pilipinas. Agad nilang tinawagan si Lui para sabihin na wala ang mag-iina sa bahay at madaming damit ng mga ito ang nawawala. Nag-panic si Lui dahil wala namang sinabi si Anne na may pupuntahan sila ng kambal.

"Oh my God, nasaan kaya sila!" Pag-aalala ni Lui sa kabilang linya. Hindi mapakali sa pwseto dahil sa pag-aalala sa mag-iina nya.

"Hindi ko rin alam Sir. Pero hindi kaya umuwi sya sa Pilipinas?" Wika ni Lala.

"Hindi ko din alam. Hindi ko rin kasi ma-contact sina mom and dad sa Pilipinas e." Nag-aalala pa ring tugon nito.

Habang magkausap sa cellphone si Lala at Lui ay naisipan ni Judith na tawagan ang boyfriend nya na si Ivan. Alam nya na nasa trabaho si Ivan ng mga oras na yun. Pero susubukan pa rin nya itong makausap.

"Bi napatawag ka? Buti na lang katatapos lang ng meeting namin ng client ko. Kumusta bi, miss na kita!" Lambing ni Ivan sa kabilang linya.

"Bi andyan ba si Paul sa office nyo?" Mabilis na tanong ni Judith. Di pinansin ang lambing ng nobyo.

"Bakit mo naitanong, bi? Ikaw ha nakakapagselos ka!" Kunwaring pagtatampo nito.

"Basta bi! Andyan ba sya?" Kunot ang noo nyang sagot.

"Oo ayun oh may kausap sya na client, bakit ba?" Nginuso pa ang pwesto ni Paul kahit na di nakikita si Judith.

"Si Anne at mga bata nawawala. Hindi ba sya umuwi dyan?" Seryosong tanong nya.

"Ha! How come?" Gulat na sagot ni Ivan. "Ang alam ko hindi sila umuwi dito, bi. Kasi wala namang nababanggit si Paul sa akin. At tsaka after work, sa bar kami nakatambay ng buong week. Kagabi nga worried sya kay Anne kasi hindi din daw sya kino-contact." Dugtong pa ni Ivan na bigla din nag-alala kay Anne.

"Ha? What do you mean hindi rin nya ma-contact?" Pagtataka ni Judith.

"Tatlong araw na daw nya di nakakausap si Anne bi. Naiisip nga nya na baka iniwan na naman sya ni Anne sa ere, teka bakit ba bi?"

"E kasi nga di ba sabi ko nawawala sila ng kambal dito sa bahay. Pinapahanap din sa amin ng asawa nya dahil 3 days ng hindi nya ma-contact yung mag-iina."

"That's odd. Sana naman safe sila, teka tinawagan mo na ba ang parents nya dito sa Pinas?" Tanong nito dahil biglang naisip na baka alam ng parents ni Anne kung nasaan ang mag-iina.

"Hindi din daw ma-contact ni Sir Lui e, hay asan na kaya si bes. Nag- aalala tuloy ako. Magkaaway pa naman kami nun." Buntong hiningang sagot nya. Pero di nya napansin na nasa likod na pala nya si Lala at narinig na magkaaway sila ni Anne. Kaya nagulat ito ng magsalita bigla si Lala.

"Ano kamo magkaaway kayo ni Anne?" Tanong ni Lala na tila nang-uusig.

"Ha, ah e." Putol-putol na sagot ni Judith sabay paalam kay Ivan. "Sige bi tawagan na lang uli kita mamaya ha. I love you!"

Hinarap naman agad nya si Lala na naniningkit ang mga mata.

"Judith uulitin ko. Bakit kayo magkaaway ni Anne? Sinasabi ko na nga ba may alitan kayong dalawa e." Usig ni Lala.

"Wala lang yun ate, away mag-bff lang yun!" Alibi nya.

"Tigilan mo ako Judith ha. Never pa kayo nag-away ng ganyan katagal. Nagkakatampuhan man kayo noon pero kinabukasan okay na ulit kayo. Now tell me, what happened to both of you?" Ulit na tanong nito.

"Wala talaga ate. Away bff lang talaga!" Giit nya.

"Hoy Judith baka gusto mong pati ako maging kaaway mo!" Medyo inis ng tanong nito at babala.

"Ate naman ikaw na nga lang ang ate ko dito e!" Lambing nya.

"And then tell me why!" Wika ni Lala sabay irap sa kanya.

"Mas mabuti pa ate tawagan natin sina tita sa Pilipinas. Malay mo baka andon ang mag-iina." Pag-iiba nya sa usapan.

"Hay naku Judith iniiba mo na naman ang usapan e! Sabihin mo na kasi ang totoo. Baka naman ikaw ang dahilan kaya umalis yung mag-iina ha!"

"Ate naman wala naman akong kinalaman sa pag-alis nila."

Bumalik na at lahat-lahat ang magkaibigan sa apartment nila pero hindi pa rin umamin si Judith sa dahilan ng away nila ni Anne. Kaya naman nagtampo na rin si Lala sa kanya dahil pakiramdam nito ay pinaglilihiman sya ng dalawang kaibigan. 

Gayon pa man ay hinayaan na lang ni Judith na magtampo si Lala. Kesa naman malaman nito ang kalokohan na ginagawa na naman ni Anne.

Samantala sinabi agad ni Ivan kay Paul ang sinabi ni Judith about kay Anne. Nag-alala din agad si Paul at di mapakali. Kaya naman sinubukan nitong tawagan ang parents ni Anne. Nakailang dial sya pero walang sumasagot sa tawag nya maging sa bahay ng mga ito sa farm.

"Bro, can you go with me?" Tanong ni Paul kay Ivan ng di talaga ma-contact ang parents ni Anne.

"Saan bro?" Pagtataka ni Ivan. Nasa loob sila ng office ni Paul.

"Sa farm ng parents ni Anne. Nag-aalala kasi ako. Kahit parents nya di din kasi ma-contact."

Kahit gabi na ay nag-drive nga sina Paul papunta sa farm nina Anne. Pagdating nila doon ay naabutan nila ang katiwala ng parents ni Anne.

"Attorney napadalaw kayo?" Tanong ni Manong Simon ng makilala si Paul habang bumababa ng kotse.

"Ah magandang gabi po Manong Simon. Kasi po nag-aalala ako kay Anne at sa mga bata. Ang sabi po kasi ng mga kaibigan nya sa US wala daw po dun ang mag-iina sa bahay nila. Tapos hindi nila ma-contact sina tita dito." Magalang na kwento nya sa matanda.

"Naku Attorney di mo talaga mako-contact sina Ma'am at Sir. Wala din dyan ang katulong nila. Pero nung isang araw dumating si Ma'am Anne kasama ang kambal." Pagkukwento ni Manong Simon.

Nabunutan naman ng tinik si Paul ng malaman na dumating ang mag-iina doon. "Pero manong bakit po wala sila dyan? Asan po ba sila?" Tanong muli nya dito.

"Nasa Manila kasi sila Attorney. Si Sir Walter kasi inatake sa puso. Pagdating ng mag-iina noong isang araw sumunod na rin sila agad sa Manila kasama yung dalawa nilang kasambahay." Medyo malungkot na balita ni Manong Simon.

"Ganon po ba, saan po kaya sa Manila naka-confine si Tito Walter?"

"Ang alam ko sa St luke's, Attorney. Pero hindi ako sigurado." Kakamot-kamot sa ulo na sagot nito.

"Ganon po ba, salamat po sa information manong. Di bale, dun na lang po muna kami pupunta sa St Luke's, sige po magandang gabi po." Magalang na pasasalamat at paalam nya sa matanda.

Pagdating nina Paul sa St Luke's hospital ay swerte na nakita nila si Anne sa may hallway. Nagulat pa si Anne ng makita ang dalawa.

"Anne, nabalitaan ko ang nangyari kay tito kumusta na sya?" Pag-aalala ni Paul ngunit masaya na nakita na naman si Anne. Kaya hindi nito napigilan na yakapin si Anne dahil sa sobrang pagka-miss dito. "Namiss kita babe, nag-alala kaming lahat sayo." Dugtong pa nito.

Matapos kamustahin nina Paul ang daddy ni Anne ay sumama muna sya sa dalawa para makipagkwentuhan sa katabing coffee shop ng hospital. Tutal ay nagbabantay naman ang mommy nya at isa pang kasambahay sa daddy nya kaya iniwan muna din nya ang kambal sa mga iyon. 

"Paano nyo nalaman na andito kami?" Pagtataka at tanong ni Anne sa dalawa.

"Si Judith kasi tinawagan ako kanina. Nag-aalala kasi sila dahil wala kayo sa bahay nyo. Buti na lang daw pinapunta sila ni Lui sa bahay nyo kasi di ka nga nila macontact. Ito namang si Paul naisip na puntahan ka sa farm. Pagdating namin sa farm nyo, si Manong Simon ang nakapagsabi na andito ang dad mo." Mahabang paliwanag ni Ivan.

"Salamat sa concern nyo. I'm sorry, emergency kasi kaya hindi na ako nakapag-sabi sa inyong lahat kung nasaan ako. Yung phone ko andun pa rin sa hand carry bag ko. Hindi ko na sya naalalang kunin simula ng dumating ako. Kasi dumiretso na agad kami dito sa ospital ng mga bata." Paumanhin ni Anne.

"Babe kelan nyo ba nalaman na may sakit si tito? Pinakaba mo ako ah. Pati asawa mo alalang-alala na daw sa inyo." Curious na singit ni Paul na may kasamang pag-aalala.

"Nang tumawag kasi si Mommy agad-agad akong bumili ng ticket. Buti na lang may flight akong nakuha ng araw na yun. Kaya dalas-dalas na kami ng kambal nag-impake. Kasi ilang oras na lang flight na namin." Paliwanag nya.

"Kaya pala. Pero kumusta na ba si tito?" 

"Okay na sya. Kailangan lang ng ilang araw pang pahinga sa ospital. Inatake kasi sya sa puso. Tapos may high blood pa. Buti na lang nadala agad sya sa ospital nina mommy. Tapos nilipat na lang sya dito sa Manila kinabukasan."

Pag-alis nina Paul at Ivan sa ospital ay nagpaalam na muna si Anne sa mommy nya na pupunta sa farm para kunin ang phone nya at tatawagan na rin nya ang asawa nya at mga kaibigan. Noon lang nya naisip na malamang nga ay alalang-alala na ang mga ito sa kanila. 

Hinatid muna nya ang kambal at mommy nya at isa pang kasambahay sa hotel na tinutuluyan nila. Naiwan sa daddy nya ang isa pa nilang kasambahay upang pumalit sa kanilang magbantay sa gabi.

Pagdating ni Anne sa farm ay drain na drain ang cellphone nya. Kaya nag-charge muna sya at habang inaantay ma-full charge ang cellphone nya ay naligo muna sya at nag-ayos. Maka dalawang oras ay tinawagan na nya ang asawa at sina Lala.

"Love pasensya na biglaan ang pag-uwi namin ng mga bata. Di na ako nakapag-paalam sayo kasi baka maiwan kami ng flight. Tsaka nag-panic na rin ako sa kalagayan ni daddy." Paumanhin nya sa asawa sa kabilang linya.

"It's okay love, atleast ngayon nakahinga na ako ng maluwag. Sobra talaga akong kinabahan sa pag-alis nyo ng walang paalam. Di ko talaga alam ang gagawin ko kung may nangyari sa inyo na masama."

"I'm sorry talaga love, by the way kumusta ka dyan?" Pangangamusta nya dito.

"I'm okay love. Ah sya nga pala love,  kasama ko si Kate dito at yung asawa nya. Tine-train ko sila pati yung newly hired manager nila." Sagot at pag-amin ni Lui in advance para di isipin ni Anne na naglilihim sya.

"Ah ganon ba. Sige love, kailangan ko ng bumalik sa Manila. Kinuha ko lang itong cellphone ko para matawagan kita. Ingat ka dyan lagi, I love you!" Wika lamang ni Anne sabay paalam.

Nagtaka naman si Lui dahil hindi man lang nagselos ang asawa nya. 

Sunod na tinawagan ni Anne ay si Lala at ang huli ay si Judith. Kahit na alam nya na galit ito sa kanya ay tinawagan pa rin nya ito.

"Hello bes, kumusta? Nabanggit sa akin ni Ivan na galing daw kayo sa bahay kanina?" Medyo nahihiyang panimula ni Anne sa kabilang linya dahil baka galit pa rin sa kanya ang bff nya.

"Oo, ikaw ha pinakaba mo ako, bruha ka! Kakainis ka talaga!" Maktol ni Judith.

"Bes sorry na. Bati na tayo, miss na miss na kita talaga!" Lambing nya dito.

"Ano pa nga bang magagawa ko. Alam mo namang love na love kita! Kumusta ka naman dyan? Teka, nasaan ka ba?" Tanong ni Judith na masaya na uli ang boses at tila miss na miss kausap ang kaibigan.

"Andito ako sa Pilipinas. Sinabi ko na kay Ate Lala kung bakit ako biglang nag-disappear."

"Bakit nga ba? Daig pa ang binagyo ng bahay nyo. Akala ko tuloy may dumukot na sa inyo luka-luka ka!"

"Inatake kasi si Daddy sa puso. Kaya napasugod kami ng kambal dito. Sa sobrang taranta ko pati cellphone at iba ko pang important things hindi ko na naalala ng 3 days na asikasuhin. Hanggang sa dumating kanina si Ivan at Paul sa ospital. Nagpunta sila sa farm para alamin kung andon daw ako. Buti na lang nadatnan nila si Manong Simon kaya nalaman nila na andito si daddy sa hospital. Salamat bes sa concern nyo ha." Mahabang paliwanag nya at pasasalamat.

"Wala yun bes, kumusta na si Tito?"

"Okay okay na sya, nagrerecover na lang. May high blood pa sya, kaya nagiging komplikado ang gamutan nya lalo."

"Sensya na bes di ka namin madamayan dyan ha? Anyway, hanggang kailan kayo dyan?"

"Hanggang maging stable siguro si daddy. Nagpaalam naman na ako kay Lui."

"Ganon ba? Bes, kung pwede sana iwasan mo na si Paul. Kahit na malapit na kayo sa isa't isa layuan mo na sya para sa family mo." Pakiusap nito na napabuntong hininga pa.

"Susubukan ko bes." Maigsing sagot lang ni Anne na wala sa loob.

Ngunit gaya nga ng inaasahan. Dahil nasa Manila lang si Anne, naging mas mdalas na naman ang pagkikita nila ni Paul. At mas maluwag pa dahil may nag-aalaga naman sa mga kambal. 

Kung minsan ay kasa-kasama din ni Anne si Paul na dumadalaw sa daddy nya sa ospital. At minsan naman ay kasama din mamasyal nina Anne at ng kambal si Paul. Feeling ni Paul ay belong na sya sa pamilya ni Anne dahil nagiging close sya sa kambal. At sa parents naman ni Anne ay matagal na syang malapit sa mga ito. 

Sana nga ay magkatotoo na ang dasal nya na maging isa na silang pamilya nina Anne. Pero alam nyang napakalabo na matupad ang dasal nya. Gayon pa man ay handa syang maghintay hanggang maging tama ang pagmamahalan nila na nagsimula sa mali. At sana nga ay maging tama pa ang sa kanila ni Anne. Hindi sya bumibitiw dahil alam naman nyang mahal din sya nito.


Vote and comment are highly appreciated.


Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
909K 33.7K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
1.2M 51K 60
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.4M 94.2K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...