Owning the Unfaithful (A rebe...

By Amihan2526

19.5K 721 416

WARNING: Mature content | R-18 Anne got married at a young age. Lui is 10 years older than her. But it's not... More

Disclaimer and Author's note
Prologue
Chapter 1 - Simula
Chapter 2 - Unappreciated
Chapter 3 - Caught
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Leave (SPG pero slight lang)
Chapter 6 - Old friend
Chapter 7 - Marupok
Chapter 8 - Lean on
Chapter 9 - Care
Chapter 10 - Companion
Chapter 12 - Reunion
Chapter 13 - Left
Chapter 14 - Asking for a divorce
Chapter 15 - Preaching
Chapter 16 - Vacation
Chapter 17 - Anniversary
Chapter 18 - Back
Chapter 19 - Present
Chapter 20 - Again
Chapter 21 - Business as usual
Chapter 22 - Chase
Chapter 23 - Admit it
Chapter 24 - Cold
Chapter 25 - Surprise
Chapter 26 - Plan
Chapter 27 - Anger
Chapter 28 - Pagsisisi
Chapter 29 - Proposal
Chapter 30 - Wedding
Chapter 31 - Ride
Chapter 32 - Changes
Chapter 33 - Tell all
Chapter 34 - Interview
Chapter 35 - Party
Chapter 36 - Soup
Chapter 37 - Mean
Chapter 38 - Papansin
Chapter 39 - Honesty
Chapter 40 - Insult
Chapter 41 - Suko
Chapter 42 - Panakaw
Chapter 43 - Stranded
Chapter 44 - Liar
Chapter 45 - Prove
Chapter 46 - Loss
Chapter 47 - Agreement
Epilogue

Chapter 11 - Park

368 11 6
By Amihan2526

"Hi Paul! Sorry, I'm late, ang traffic kasi e!" masayang bati ni Anne pagkakita kay Paul. Agad naman siyang pinaghila ni Paul ng upuan upang paupuin.

"Okay lang, halos kadarating ko lang naman din dito. Inorder ko na yung tinext mo na gusto mo ha," nakangiting sagot naman nito na di inaalis ang titig kay Anne.

"O bakit ganyan ka naman makatingin, may uling ba ako ng tambutso sa mukha ha?" natatawang tanong niya kay Paul na may napakalagkit na titig sa kanya.

"Wala, ito naman di ba pwedeng na-miss lang kita," namumula ang pisngi na sagot nito dahil medyo napahiya sa puna niya.

"Asus! Alin ang namiss mo ha, ako o yung ano!" pagbibiro niya na lalong nagpapula sa mukha ni Paul. Tisoy kasi ito kaya mabilis mamulahan ng mukha at tainga kapag tinutukso ni Anne.

Di rin nito akalain na makakausap na ulit nito ng ganoong kapilya si Anne. Inaasahan nito na magiging cold na si Anne after what happened sa kanila kagabi.

"Ay grabe sya oh! Syempre ikaw!" depensa nito na natatawa dahil hindi na talaga naiilang si Anne kumpara noong wala pang namamagitan sa kanila. Ngayon kung titigan ni Anne si Paul ay puno na ng ningning ang mga mata niya. Nakakatagal na siyang tumingin sa mga mata ni Paul na may kapilyahan.

Naputol ang tawanan nila dahil tinawag na ng staff ng coffee shop ang pangalan nila para sa kanilang order na kape at sandwich. Pero si Paul na lamang ang tumayo upang kunin iyon.

Samantala di inaasahan ni Paul na makikita si Mickey sa loob ng coffee shop na yun. Si Mickey ang agad na bumati kay Paul dahil ito ang unang nakapansin. Di naman nito nakilala agad si Anne dahil nakatalikod siya sa kinatatayuan ni Mickey. Agad lumapit si Mickey sa table nina Paul.

"Hi Paul, kumusta! Hinintay ka ng anak mo noong weekend ah," bungad ni Mickey sabay beso kay Paul.

"Ah pasensya na may pinuntahan kasi ako. Tinawagan ko naman si Kyle. Sabi ko bawi ako next week," paumanhin nito sa ex. Wala na silang bitterness kapag nagkikita. Tanggap na ni Paul na hindi talaga sila para sa isa't isa ni Mickey at si Mickey naman ay ganoon din.

"Next weekend ba? Di ba may reunion tayo nyan?" sagot nito sabay kalas sa pagkakayakap kay Paul at napabaling agad ang tingin kay Anne. "Ay sorry! May date ka pala, nakakaistorbo ba ako?" biglang sambit nito ng mapansin na may kasama si Paul. Nakaramdam tuloy ito bigla ng hiya.

"No... no, it's okay! This is not a date anyway," sabad ni Anne na bahagya lang namang napatingin kay Mickey kaya di rin nakilatis agad ang kausap.

"Wait, parang kilala kita!" mabilis na bulalas ni Mickey ng matitigan si Anne ng ayos.

"Huh?" nagtatakang tanong niya. Kaya napatingin na siya ng tuluyan kay Mickey.

"Anne! Ikaw yan?" gulat na wika nito. "Oh my God, ikaw nga yan!" 

"Bakit mo ako kilala?" nalilitong tanong niya.

"By the way Anne ito nga pala si Mickey, remember? Mickey si Anne, I'm glad you still remember her?" introduce ni Paul sa dalawa.

"Mickey? As in your ex and my ex volleyball team mate?" tanong ni Anne.

"Oo Anne, ako nga yun! Kumusta ka na, grabe ang ganda mo pa rin!" namamanghang sagot ni Mickey. "By the way buti at nagkakilanlan uli kayong dalawa ni Paul," dugtong pa nito.

"Nagkasabay kasi kami ng flight pabalik ng Pinas tapos magkatabi kami ng upuan sa plane kaya yun nagpakilala ako. Buti nga na-remember pa nya yung school natin noon pati ilang tao doon. Kaso di na raw nya maalala ang mga itsura, pero ang mga name natatandaan pa raw nya," sabad ni Paul sa usapan ng dalawa. "Teka ano nga palang ginagawa mo dito, di ba sa Quezon city ka?" tanong pa nito kay Mickey.

"Kasi may tiningnan ako na lot for sale na malapit dito. Kaso di ako umabot. Tapos na pala ang bidding, may nakabili na daw. Kaya ito nag-kape muna ako kasi naman ang traffic pa."

"So you're alone?" nakangiting tanong at singit ni Anne.

"Oo ako lang, busy kasi ang asawa ko. Kaya di na sumama."

"Why don't you join us magkape muna?" alok pa niya.

"Ha, wag na. Okay lang naman ako, dun na lang ako sa kabilang table," tanggi nito.

"Sigurado ka ba? Wala namang problema kung dito ka na lang samin sumabay. Besides, magkakilala naman kayo ni Anne before," sulsol ni Paul.

Pumayag din si Mickey matapos alukin ni Paul. Nahihiya naman ito tanggihan ang dalawa kaya umupo na rin ito sa table ng mga ito. Nagkwentuhan sila at inaya ni Mickey si Anne na umattend sa reunion nila sa Saturday.

"Kakahiya naman. Di naman ako graduate sa school natin noon," nahihiyang sagot ni Anne.

"Ano ka ba, di lang naman ikaw ang di naka-graduate sa school natin noon pero aattend pa rin sila. Just to see and meet our batchmates after so many years."

"Yan nga ang sinasabi ko sa kanya, kasi kino-convince ko talaga siya umattend kaya lang ayaw nya. Kasi nahihiya daw sya dahil nga di sya graduate sa St. Patrick," sabad ni Paul.

"Okay lang yun Anne ano ka ba. Ilang taon ka rin naman nagbigay ng karangalan sa school natin, di ba. Kaya dapat ka rin umattend dun, isa pa dadating din ang mga teachers natin dati at coaches. Naku, matutuwa ang mga yun pag nakita ka pati yung iba pa nating ka-batch na hindi nag-graduate sa campus. Kaya sige na wag mo na kaming tanggihan ni Paul. Isesend ko kay Paul ang invitation mo ha," mahabang litanya ni Mickey para lalo siyang ma-convince.

Pumayag na rin si Anne sa alok ng dalawa dahil next weekend pa naman ang flight niya pabalik ng US. Matapos ang halos tatlong oras nilang kwentuhan ay nagpaalam na rin si Mickey dahil medyo hupa na ang traffic at tinatawagan na rin ito ng asawa nito.

Pagkatapos magbreakfast ay naisipan ni Paul na yayain si Anne sa Baguio at Ilocos. Agad namang pumayag si Anne dahil never pa rin niya napuntahan ang Baguio at Ilocos dahil nga sa visayas region sila palagi o kaya sa mga bandang palawan namamasyal. At mas prefer ng asawa niya ang beach kaysa mountains or any sight seeing lang na pasyalan.

"Sige ba, pero punta lang muna ako sa office ko ha." 

"Samahan na kita tapos i-drop kita sa hotel para kumuha ng things mo. Then babalikan kita in an hour. Because I need to get some of my stuff too," pagmamagandang loob ni Paul.

Pagkagaling sa office ay hinatid muna nito si Anne sa hotel. Iniwan na muna nito siya doon at makalipas nga ang isang oras ay handa na sila pareho sa mahaba nilang byahe. Dumaan muna sila ng store para bumili ng ilang pagkain at maiinom habang nasa byahe. Sobrang fun ng byahe nila, wala silang ginawa kundi magtawanan, magkwentuhan at magkantahan habang nagmamaneho si Paul.

Pero dahil afternoon na nga sila umalis ng Manila. Inabot na sila ng hating gabi bago makarating ng Baguio dahil sa sobrang traffic sa Maynila. Kamalasan pa ay puro fully book na ang mga hotel na nadadaanan nila pagdating sa Baguio. 

"Wag ka na ma-stress dyan. We can wait morning inside your car, ano ka ba?" suhestyon ni Anne dahil kita niya na worried si Paul para sa kanya.

"Ayoko kasi na mahirapan ka dito, gusto ko comfy ang bakasyon mo. Pasensya ka na talaga ha, di ko talaga naisip na mag-book muna ng hotel na tutuluyan natin bago tayo nagbyahe kanina," paumanhin nito na hiyang-hiya talaga.

"Ano ka ba okay lang yan. Di mo naitatanong e sanay ako matulog sa car noong college ako. Kasi nga working student ako. Kaya after ng trabaho ko sa gabi sa car na lang ako natutulog sa may parking lot kung saan ako nagtatrabaho. Para pagkagising ko maliligo na lang ako sa apartment tapos diretso na sa school," pagmamalaki nya dito.

"Totoo ba yan?" di naniniwalang tanong nito dahil nga wala sa itsura ni Anne na naging working student. At isa pa ay may kaya naman ang pamilya niya.

"Oo totoo yun, kasi ayoko na pinapadalahan ako ni Mom and Dad ng panggastos. Tapos that time nagsisimula pa lang naman sila sa farm business. At yun nga gusto kong i-save yung money na binigay nila sa akin for a small business until I tried apartment business," kwento niya habang pareho silang nagpapahinga sa loob ng car. Nag-park sila sa parking lot ng Burnham Park. At nang oras na yun ay may mangilan-ngilan na lang ang naglalakad sa lugar.

"Talaga palang independent woman ka. Samantalang ako all my school life asa talaga ako sa parents ko. Pag minsan pinupuntahan pa ako ni Mom and Dad sa condo ko para ipaglaba ako at ipag-grocery." 

"Pero di ka na naman ganon ngayon di ba?" tumatawang tanong niya. "O wag mo sabihin na isa ka sa samahan ng mga mama's boy?" dugtong pa niya at biro.

"Oi hindi ah! Protective lang talaga sina Mommy at Daddy kaya ayaw nila na nalilipasan ako ng gutom o kaya hindi nakakatutok sa study," depensa nito sabay sundot sa tagiliran ni Anne na tawang-tawa sa pambubully dito. "Bakit ang asawa mo ba kagaya mo rin na independent?" tanong nito.

"Actually yes, at nang makilala ko si Lui wala na ang both parents niya. Kaya sya na rin ang nagpaaral sa dalawa nyang kapatid na mas bata sa kanya. But now they are all married at minsan dinadalaw namin sa Mexico yung bunso nyang kapatid na babae. Tapos yung isa nyang brother sa ibang state naman nakatira," walang prenong kwento niya pero tila tinatamaan na ng antok dahil humihikab na siya habang nagkukwento kay Paul.

"Inaantok ka na ba? May blanket ako dito sa likod, gusto mo ba?" alok agad nito pagkakita na naghihikab na siya.

"No thank you! It's not cold though!" tanggi niya dahil nga sanay sya sa lamig sa US kaya di niya iniinda ang lamig sa Baguio.

"Sige ikaw ang bahala. Pero pag nilamig ka andito lang ang blanket ha o kaya kung gusto mo hug na lang kita," biro nito.

Inabot ng 3:00 am ang kwentuhan ng dalawa sa loob ng kotse. Wala ng katao-tao sa park ng mga oras na yun. Pero may mangilan-ngilan pa namang kotse ng mga turista na naka-park din doon at ang ilan ay nagtayo ng tent sa park. Nasa madilim na location ang kotse nila at walang mga katabing kapwa kotse na naka-park. 

Pumipikit na ang mata ni Anne ngunit napapitlag siya ng maramdaman na hinawakan ni Paul ang kamay niya at hinaplos ang kanyang pisngi. Ngumiti lang siya ng mapansin na nakatitig lang sa kanya si Paul.

"Matulog ka na Attorney," wika niya na hindi maimulat ng ayos ang mga mata dahil sa antok.

Matutulog na sana si Paul habang hawak ang kamay ni Anne ngunit biglang bumuhos ang malakas na ulan. Biglang lumamig, naramdaman iyon ni Anne kaya napilitan siyang gumising para hablutin ang blanket sa likod ng upuan nila. Ngunit di sinasadyang nagkabanggaan ang mukha nila ni Paul. Kukunin din pala ni Paul ang blanket para ikumot sana sa kanya, madilim kasi kaya kakapa-kapa sila pareho.

Naramdaman ni Anne ang init ng hininga ni Paul dahil nagkatapatan ang mukha at labi nila ng bahagya. At naaamoy din nya ang bango ng hininga ni Attorney. Kahit madilim ay halata na may kuryente na nabuhay sa dalawa. Habang sabay nilang hawak ang blanket na akmang hihilahin na sana ay sabay naman nila iyong binitiwan. Agad sinunggaban ni Paul ng halik si Anne. Napakalakas ng buhos ng ulan at napakadilim ng kalangitan.

Dahil sa init na nararamdaman ng dalawa ay hindi nila alintana ang lamig ng panahon.

Malayang pinagkaloob ni Anne ang sarili kay Paul. Sa lakas ng ulan ay walang sinoman ang makakarinig sa ungol niya dahil sa langit na nararamdaman. At sa sikip ng kotse ay di nya akalain na magagawa nila ni Paul mapaligaya ang isa't isa sa kinauupuan niya. 

Unti-unti siyang tinanggalan ni Paul ng saplot sa maliit na upuan na yun at doon ay hinagod nito ang buong katawan niya ng mga halik at haplos na nakakabaliw. Nagpadala na naman siya kay Paul sa ikalawang pagkakataon.

Di nya akalain na magagawang makipagtalik sa isang lalaki na hindi niya karelasyon sa isang public place. Pero dahil sa saya na naibibigay sa kanya ni Paul ay wala na siyang pakialam kung may makakita sa kanila ng mga oras na yun. Ang mahalaga ay maligaya sila at sumasabay ang kanilang kaligayahan sa malakas na buhos ng ulan.

Wala na rin sa isipan niya na married siya at may mga anak. Feeling niya ay kanila lang ni Paul ang mundo ng mga sandaling iyon. Hanggang sa matapos sila sa pagtatalik. Agad naman siyang binihisan ni Paul at kinumutan. Unti-unti na ring tumitila ang ulan. 

Di maintindihan ni Anne pero ang saya niya ngayon. Ngayon lamang niya nagawa ang bagay na ito at di niya maintindihan kung bakit parang di na niya naiisip ang asawa niya. Pero si Paul ang laman ng isip nya. Gusto niyang ulitin muli ang ginawa nila pero nagliliwanag na kaya niyakap na lamang niya si Paul at hinalikan sa labi ng napaka-init at napakapusok.

"Salamat," bulong niya matapos halikan si Paul.

"For what? You don't have to thank me dahil alam mo naman na mahal na mahal kita at paliligayahin kita sa kahit na ano mang paraan. Ako pa nga ang dapat magpasalamat sayo dahil tinanggap mo ako sa buhay mo," sagot nito sabay halik muli sa lips ni Anne.

"Mahal mo ba talaga ako?" tanong niya habang nakatitig kay Paul.

"Oo naman. Handa akong gawin ang lahat mahalin mo lang ako. At handa akong maghintay hanggang maging akin ka ng buong-buo," sinserong sagot nito sabay haplos sa pisngi ni Anne.

Hindi naman sumagot si Anne, bagkus ay hinalikan na lang niya si Paul sa labi. Hindi niya kasi alam ang isasagot dito dahil nga hindi naman siya malayang babae. At isa pa ay nalilito pa sya sa kung anong nararamdaman niya para kay Paul. Basta ang alam lang niya ay napapasaya siya nito at alam niya na malilinawan din siya sa kung anong nararamdaman dito pagbalik niya sa America.

Kahit medyo masama ang loob ni Paul na hindi ito kayang mahalin ni Anne ay hinahayaan lang nito. Dahil ang mahalaga para dito ay mahal nito si Anne at nakikita nito na ngumingiti siya sa piling nito. 

Nang tuluyan ng sumikat ang araw ay lumabas muna ng kotse ang dalawa at naglakad-lakad sa park at saka nghanap ng hotel na matutuluyan nila habang nasa Baguio.

"Sigurado ka ba na okay lang na magkasama tayo sa room? Wala na daw kasing vacant room, nag-iisa na daw ito," paniniguro nito kay Anne ng makapasok na sila sa room ng hotel.

"Oo naman, halika nga dito," wika niya sabay utos kay Paul na tabihan siya sa may couch. "Bakit ba palagi ka na lang nag-aalala sa akin?" dugtong pa niya ng katabi na ito.

"Syempre mahal kita at ayoko na uncomfortable ka sa akin at sa mga ginagawa at pinpuntahan natin. Gusto ko palagi kang masaya." 

"Gusto mo ako maging masaya palagi? Halika dito paligayahin mo uli ako!" biro niya sabay hila kay Paul sa bathroom para maligo.

Sabay naligo ang dalawa at doon ay nangyari na naman ang mainit nilang pagtatalik. Pagkatapos magtalik at maligo ay nagpahinga muna sila tsaka namasyal.

Manghang-mangha si Anne sa lahat ng lugar na pinagdalahan sa kanya ni Paul. Nagpapicture din sila sakay ng kabayo at doon sa suot ang damit na tila isa silang Igorot. Napagkamalan pa silang bagong kasal ng isang matanda na binilihan nila ng souvenir.

"Salamat sa inyomg mag-asawa. Alam nyo bagay na bagay kayong dalawa, mabuti at dito nyo napiling maghoneymoon sa Baguio," wika ng matanda habang ibinabalot ang mga souvenir na pinamili nila.

"Hindi po kami mag-asawa, nay," nakangiting sagot ni Anne sa matandang tindera.

"Ganon ba, abay akala ko ay mag-asawa kayo iha, bagay na bagay kasi kayo at napaka-sweet. Kaya akala ko ay bago kayong kasal," sagot ng matanda na di makapaniwala na hindi pala sila mag-asawa.

"Yaan nyo po nay pag kinasal kami babalik po kami dito ulit," sabad at biro naman ni Paul na nakangiti sa matanda. Siniko naman ito ni Anne at tiningnan sa mata.

Dalawang araw silang nag-stay sa Baguio at sumunod nilang pinasyalan ay Ilocos. Taga Ilocos ang pamilya ni Paul, kaya naman after nito ipasyal si Anne sa mga tourist spot doon ay dinala nito si Anne sa bahay ng parents nito kinagabihan. 

Mga alas otso ng gabi sila nakarating sa bahay nina Paul. Tuwang-tuwa ang mga magulang nito ng makita ang anak nila dahil may ilang buwan na rin nila itong hindi nakikita. Dahil nga nagbakasyon ito sa US.

"Anak buti naman nakadalaw ka rin sa wakas. Bakit di mo kasama ang apo ko?" tanong ng ina ni Paul.

"Pasensya na mom, weekdays kasi. May pasok si Kyle, pero Mom, Dad eto may kasama ako. Si Anne po," masayang sagot ni Paul sabay hila kay Anne dahil nasa likod lang siya nito. Nahihiya sa parents nito.

"Aba napakaganda naman nitong kasama mo Paul anak," puri agad ng ina nito. "Kumusta ka Anne? Kami nga pala ang parents ni Paul," dugtong pa ng mommy ni Paul na si Mrs. Lyda.

"Salamat po, kayo din po ang ganda ganda nyo po. Sa inyo po pala nagmana itong si Attorney," ganting puri niya.

"Ahemm! Alam mo Anne ako talaga ang kamukha nitong anak naming ito," singit ng ama ni Paul na ayaw magpasapaw sa papuri sabay tawa at abot ng kamay kay Anne para makipag-shake hands.

"Mom, dad tigilan nyo na nga itong si Anne. Sige kayo baka hindi na ito bumalik dito sa atin," saway ni Paul sa makulit na mag-asawa.

"Teka nak kumain na ba kayo?" seryoso ng tanong ni Attorney Jun na ama ni Paul.

"Yes dad, kumain na po kami kanina pa. Wag na kayong mag-abala magluto," magalang na sagot nito sa ama.

"Di bale ipaghahanda ko na lang tayo ng meryenda tutal maaga pa naman para matulog. Magkwentuhan muna tayo," sabad ni Lyda na agad sinang-ayunan ni Paul at Anne.

Nagkwentuhan ang apat sa sala. Tila close na close talaga si Paul sa parents nito, wala itong hindi ikinukwento sa parents nito. Para lang silang magkakaibigan na nagkukwentuhan. Napakasaya nilang pamilya. 

Dahil nga napakakwela ng parents ni Paul. Nawala rin agad ang hiya ni Anne sa mga ito, nakipagkwentuhan na din siya sa mga ito. At nalaman niya na bumibisita din pala ang mga ito sa US at paborito ding kainan ang restaurant na pinagtatrabahuhan ng asawa nya at mga kaibigan.

Samantala hindi naman na nagtanong ang parents ni Paul kung ano bang relasyon nila. Dahil ilang babae na rin naman ang nadala ni Paul doon simula ng college ito. Pero mga serious girlfriend lang naman ang nadala ni Paul doon. Hindi na rin tinanong ng parents ni Paul kung saan patutulugin si Anne dahil alam na nila na mas gugustuhin ng anak nila na magkatabi sila ni Anne matulog sa room nito.

Wala namang nangyari sa kanilang dalawa sa bahay ng parents ni Paul dahil napagod talaga sila sa kapapasyal. Kaya nakatulog sila agad-agad matapos mag-usap ng bahagya habang magkayakap sa iisang kama. Tuluyan na talagang nawala sa isip ni Anne si Lui at ang kasalanan nito sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
559K 15.4K 42
Throughout her life, Jayce has devoted herself to always do her best for her parents. She always wants to show and prove to them that she is the daug...
5.2K 191 13
When the marriage of Celeste and her husband Liam is on the rocks she finds her happiness in the arms of Greyson her husband's younger brother which...
23.2K 453 44
(COMPLETED) Is it possible to love so much that it's dangerous? Copyright © 2019 by macaehiato