Owning the Unfaithful (A rebe...

By Amihan2526

19.5K 721 416

WARNING: Mature content | R-18 Anne got married at a young age. Lui is 10 years older than her. But it's not... More

Disclaimer and Author's note
Prologue
Chapter 1 - Simula
Chapter 2 - Unappreciated
Chapter 3 - Caught
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Leave (SPG pero slight lang)
Chapter 6 - Old friend
Chapter 8 - Lean on
Chapter 9 - Care
Chapter 10 - Companion
Chapter 11 - Park
Chapter 12 - Reunion
Chapter 13 - Left
Chapter 14 - Asking for a divorce
Chapter 15 - Preaching
Chapter 16 - Vacation
Chapter 17 - Anniversary
Chapter 18 - Back
Chapter 19 - Present
Chapter 20 - Again
Chapter 21 - Business as usual
Chapter 22 - Chase
Chapter 23 - Admit it
Chapter 24 - Cold
Chapter 25 - Surprise
Chapter 26 - Plan
Chapter 27 - Anger
Chapter 28 - Pagsisisi
Chapter 29 - Proposal
Chapter 30 - Wedding
Chapter 31 - Ride
Chapter 32 - Changes
Chapter 33 - Tell all
Chapter 34 - Interview
Chapter 35 - Party
Chapter 36 - Soup
Chapter 37 - Mean
Chapter 38 - Papansin
Chapter 39 - Honesty
Chapter 40 - Insult
Chapter 41 - Suko
Chapter 42 - Panakaw
Chapter 43 - Stranded
Chapter 44 - Liar
Chapter 45 - Prove
Chapter 46 - Loss
Chapter 47 - Agreement
Epilogue

Chapter 7 - Marupok

516 16 6
By Amihan2526

Isang oras na lang, lalapag na sa wakas ang eroplanong sinasakyan nila sa Manila. 

Pansamantala ay natulog muna muli si Anne. Naubusan na kasi sila ng pag-uusapan kaya iidlip na lang muna siya. Pero binilinan niya si Paul na gisingin siya kapag maglalabasan na ang mga tao sa eroplano mamaya. Inabisuhan niya ito na wag siyang gigisingin ng hindi pa naglalabasan ang mga tao.

Sinamantala na ni Paul ang pagtitig sa mala anghel na mukha ni Anne dahil baka di na sila magkita ulit dalawa. Sa halos 24 hours na kasama at kakwentuhan nito si Anne ay masasabi nitong naging masaya ito at bumalik ang paghanga nito sa kanya na parang gaya noong high school pa sila. 

Hanga ito kay Anne dahil kahit na may dinaramdam sa puso ay nakukuha pa ring maging masaya. Habang nakatitig ito kay Anne ay iniisip nito na sana sila na lang ang nagkatuluyan, sana may chance pa para sa kanila. Pero naisip agad nito na pamilyado ng tao si Anne kaya napaka-impossible na ng iniisip nito.

Hay Anne. Wika ni Paul sa isip sabay buntong hininga ng napaka-lalim.

Habang tinitigan nito si Anne ay nahulog na naman ang blanket na nakabalabad sa kanya at tumambad na naman dito ang malusog niyang dibdib. Napalunok tuloy si Paul ng laway sa nasisilayan.

Bilang isang lalaki ay gusto nitong yakapin ng mahigpit si Anne dahil sa nakikita. Pero dahil sa ginagalang siya nito, kaya kinumutan na lamang siya ulit nito. At sa tagal nilang magkatabi sa eroplano ay naging magalang ito sa kanya the whole time. For Paul, napakasarap talaga kakwentuhan ni Anne, di nga mababakas na may dinaramdam pala siya sa puso.

Nag-landing na ang eroplano sa NAIA. Binuksan na ang pintuan ng eroplano kaya ginising na nito si Anne. Agad namang gumising si Anne at inayos ang mga gamit nya. Nagsuot siya ng jacket at nagsabay na silang lumabas ni Paul. 

Nag-rest room muna siya at nagtoothbrush bago pumila sa immigration check out. Nag-ayos siya ng bahagya. Paglabas niya ng rest room ay laking gulat niya dahil naghihintay pa rin pala sa kanya si Paul sa labas.

"O andito ka pa pala Attorney!" gulat na tanong niya.

"Oo hinintay talaga kita. Nagtoothbrush din ako at naghilamos kasi ang lagkit ko na. Pero mamaya na ako magbibihis sa hotel," wika nito na nakatitig lang kay Anne. Grabe ang ganda pala talaga nito kahit lipstick at powder lang ay lutang lalo ang kagandahan nya.

"O bakit nakatitig ka ng ganyan sa akin may muta ba ako?" natatawang tanong nya kay Paul na titig na titig sa kanya.

"Ah wala... wala!" sagot nito sabay kuha sa backpack ni Anne para bitbitin iyon.

"Thank you!" pasasalamat niya habang naglalakad na sila para pumila sa immigration.

"No worries!" maigsing sagot nito na maganda ang ngiti sa kanya. Pinauna nito si Anne sa pila.

Pagkatapos sa check out ay sinamahan din nito si Anne sa baggage carousel upang kunin ang kanilang luggage. Pinagbuhat nito ng luggage si Anne dahil alam nito na napakabigat ng mga iyon. Naglalakad na sila palabas ng arriving area ng magpaalamanan sa isa't-isa.

"So paano Attorney, see you when I see you na lang! Thanks sa lahat ng help at thanks din sa masarap na kwentuhan sa buong byahe," paalam niya habang tulak ang kanyang cart.

"Ikaw din at ingat ka. Sana magkita ulit tayo," sagot naman ni Paul hanggang sa tuluyan na silang naghiwalay ng daan.

Pumila si Anne sa abangan ng taxi at si Paul naman ay pumunta sa area kung saan naka-park ang grab driver na kakilala nito. Lalabas na sana sina Paul ng parking lot pero pinakiusapan nito ang driver na ibwelta sa may sakayan ng taxi ang sasakyan nito. Worried kasi ito kay Anne na baka luko-lukong taxi driver ang matapatan. 

Laking tuwa nito ng mamataan si Anne na andon pa rin sa sakayan. Tinigil nila ang kotse sa tapat ni Anne. Mabait naman ang grab driver at sinabi na lang ni Paul dito na mag-aadd ng bayad dito para sa cost ni Anne.

"Hey Anne, sakay ka na!" alok ni Paul na nakadungaw sa bintana ng kotse ng grab. Sa unahan ito nakasakay.

"Ha, salamat na lang mag-aantay na lang ako ng taxi!" todo tanggi ni Anne.

Bumaba naman si Paul ng kotse para kunin na ang mga luggage niya. "Halika na baka scammer pa na taxi driver ang matapatan mo dyan, sige ka! Pre, tulungan mo ako dito sa mga luggage nya," baling at hiyaw nito sa grab driver para agad itong madinig, nagsa-sound kasi ito sa loob ng kotse.

"Do you want to eat something? Wala ka bang namimiss kainin na food bago ka namin ihatid sa hotel na tutuluyan mo?" alok ni Paul ng nasa loob na sila ng kotse.

"Actually I'm craving to Mang Inasal chicken!" mabilis na tugon ni Anne.

"Seriously!" natatawang sagot nito. Akala kasi nito ay sosyal na tao si Anne at di kumakain sa fast food.

"Oo seryoso ako, bakit masama bang kumain sa Mang Inasal? Masarap kaya yun, lalo na kapag may maasim na sabaw, di ba kuya?" baling ni Anne sa grab driver.

"Yes ma'am tapos samahan mo pa ng dilaw na oil yung rice mo, naku panalo!" sabad ng driver.

"Pre, itabi muna natin sa Mang Inasal ha. Kain muna tayo." Tumabi nga ito pero tumanggi na sumama sa kanila kumain dahil busog pa daw ito at isa pa ay nasa delikadong lugar sila kaya babantayan na lamang daw nito ang kotse at mga luggage nila.

Di makapaniwala si Paul dahil walang kaarte-arte sa pagkain si Anne. Kaya lalo itong humanga sa kanya. Ang layo niya kay Mickey na napaka-sosyal at di mapapakain sa fast food. Tapos ang rice nyon dalawang kutsara lang ata. Pero si Anne nakadalawang extra rice na.

"Solve ba?" nakangiting tanong ni Paul kay Anne.

"Solve na solve, ito ang namiss ko sa Pinas talaga. Dati kasama ko palagi yung mga jologs kong classmate na kumakain dito sa Mang Inasal, mahilig sila sa rice," kwento niya na biglang na-miss ang dating mga classmate.

"Ang lakas mo sa rice pero ang ganda pa rin ng body mo. Ako di ko kaya maka-dalawa o 3 rice dito," paghanga nito.

"Everyday kasi wala na akong ginawa kundi maglinis ng bahay, tapos nagmomower din ako ng grass at mas prefer ko ang push mower as my exercise, pero nag tetreadmill ako at exercise everyday pagkatapos ko ihatid ang kambal sa school. And I do love jogging too," pagmamalaki niya.

"Kaya pala di ka tumataba."

"Maybe, and by the way thank you dito sa food ha. Yaan mo pag accident uli tayo nagkita ako naman ang taya!"

"Sus ano ka ba maliit na bagay lang yan!" masayang tugon nito na aliw na aliw panoorin si Anne. Di pa rin ito makapaniwala na napaka-cowboy pala niya. Sarap siguro maging asawa o girlfriend nito. Sabi nya pa sa isip habang pinagmamasdan siyang kumakain.

"Di ka ba makapaniwala na nakadami ako ng kain at naubos ko itong chicken?" natatawang tanong niya dahil nakita niyang nakatitig ito sa kanya.

"Oo, ang sarap mo pala kumain, pero ba't sa eroplano kanina ang hina mo naman kumain? Di mo nga nauubos yung mga sini-serve nila," nagtatakang tanong nito.

"E kasi nga antok na antok ako palagi. Tsaka, di naman masarap ang food nila, masarap pa ang luto ko!" sagot nya sabay halakhak pagkasabi na masarap pa ang luto nya. "Alam mo pag ako ang kasama mo tataba ka sa akin kasi kakain tayo nang kakain lagi. Promise, ayokong kasama ang maarte sa pagkain. Gusto kong kasama mga jologs at matatakaw lumapang!" pabirong dugtong pa nya.

"Talaga!" biglaang sagot nito ng marinig yun.

"Hindi joke lang, namiss ko lang siguro ang mga kaibigan ko na masarap kasama sa food trip, kasi ang asawa ko ang tamad kumain, kakainis! Tapos napaka-picky pa nya, mas gusto pa nyang kumain sa restaurant kaysa kainin ang luto ko," malungkot na pahayag nya na biglang nagdamdam na naman sa asawa.

"Swerte nga nya dahil maalaga ka sa kanya, tapos wala ka pang kaarte-arte."

"Siguro para sayo swerte sya, pero for him maybe not. That's why he cheated on me. Anyway, tara na at baka magkaiyakan pa tayo dito. Salamat talaga ulit," yakag na niya dito.

Inihatid na siya nina Paul sa hotel na tutuluyan niya. Ang hotel naman ni Paul ay walking distance lang ang layo doon. Sinamahan muna siya nito na mag-check in at saka siya tuluyang iniwan. Pero laking sisi ni Paul dahil inabot ito ng hiya na kunin ang cellphone number at Facebook ni Anne.

Sa sobrang pagod ni Anne sa mahabang byahe ay nagbabad muna siya sa bath tub at tinawagan ang kanyang kambal at parents niya para ipaalam na safe siyang nakarating ng Pilipinas.

Samantala tatawagan sana niya si Lui sa work nito pero nag-dalawang isip siya dahil naalala na naman niya ang eksenang nakita sa office nito kasama si Kate. Hindi talaga mawala-wala yun sa isip niya kahit anong gawin niya.

Pero bigla rin nyang naisip ang ginawa nilang pagtatalik ng asawa noong gabi bago siya bumiyahe. Di tuloy niya maiwasan ma-imagine na ginagawa ulit nilang mag-asawa iyon. Hanggang sa nakita na lang niya ang sarili niya na tinatawagan si Lui. Di niya alam kung dahil ba sa nai-imagine niya o dahil namimiss talaga niya ang presensya nito.

"Andito na ako," walang ka emo-emosyong wika niya kay Lui sa kabilang linya.

"Thank God you're safe. Palagi kitang naiisip the whole time at pinagdarasal ang safety mo. I miss you, love!" sagot ni Lui na tila sabik na sabik kausap ang asawa.

"Thank you. Sige na maliligo muna ako, I'm so tired!" wika lamang niya sabay turn off na ng cellphone.

Magsasalita pa sana si Lui pero naputol na agad ang linya ni Anne. Napabuntong hininga na lamang ito at biglang lumungkot ang mukha. Gustong-gusto nito ifacetime si Anne dahil gusto nito siyang makita pero nagdadalawang isip ito. 

Pero sa kabila ng pagdadalawang isip ay sinubukan pa rin nitong tawagan ang asawa. Sinagot naman ito ni Anne dahil kasalukuyan lamang naman syang nagpapahinga at nakababad sa bath tub habang nakikinig ng music ng mga oras na yun.

"Hi love! Sorry naistorbo ba kita sa pamamahinga mo?" paumanhin ni Lui  na kitang-kita ang hubad na katawan ng asawa na puno ng bula ng bubble bath. Nasa opisina naman ito ng oras na iyon at walang kasama.

"It's alright, nagpapahinga lang ako, tsaka ang sakit ng katawan ko."

"Bakit love, may sakit ka ba?" pag-aalala nito.

"Wala, kahapon pa ito pagkagising ko before my flight, ang sakit din ng mga legs ko," daing nya.

Dahil doon ay na-gets na agad ni Lui ang ibig sabihin ni Anne kung bakit masakit ang katawan at legs niya. "Sorry love ha, napwersa pala kita tapos bumiyahe ka pa ng matagal." paumanhin nito.

"No worries, itutulog ko lang ito."

"Hindi ka ba nakatulog sa plane?"

"Nakatulog naman pero paputol-putol, at tsaka yung katabi ko napakadaldal. School mate ko pala sya noong high school," pagbabalita niya na tila nagiging comfortable na uli makipag-usap kay Lui.

"Talaga, is it a guy or a girl?" curious nitong tanong.

"A guy!" mabilis nyang sagot. Sa pagkakaalam nya ay wala namang masama kung malaman ng asawa yun tsaka alam nya na hindi naman seloso si Lui.

Ito na nga ba ang kinakatakot ni Lui. Naisip agad nito na baka ma-continue pa ang kwentuhan na yun ng lalaki at ni Anne kaya nagtanong uli ito.

"Is he one of your friends sa Facebook?" tanong ni Lui na may worries.

"Actually no, hindi ko rin nga sya nakilala agad. Sya lang ang nakaalala sa akin na parehas daw kaming player sa school noon, sya sa basketball ako naman sa volleyball," paliwanag niya.

"Is he married?" diretsahang tanong nito.

"No, pero may anak daw sila ng dati naming school mate, hinatid nya ako dito sa hotel kasi wala akong masakyan na taxi. Sya naman may kausap na grab driver, so isinabay na lang nya ako hanggang dito sa hotel," sagot niya pero hindi niya nahalata na medyo nag-aalala na si Lui.

Dahil nga may nagawa si Lui na kasalanan kay Anne. Ngayon ay bumabalik dito ang takot na baka gumanti ang mahal nitong asawa. Lalo pa at nasa Pilipinas si Anne tapos sa eroplano pa lang pala ay may nakapalagayan na agad siya ng loob. At sa isip-isip ni Lui, kahit sino talaga ay alam nitong mahuhulog sa asawa nito. Kaya naiiyak ito sa naiisip at pag-aalala.

"Okay ka lang love?" tanong ni Anne dahil napansin niya na tumahimik si Lui bigla. Pero dahil nabigla si Anne na tawagin ito na love, biglang sumaya uli ang mukha nito.

"Tama ba ang narinig ko, love?" tanong nito na di makapaniwala.

"Saan?" takang tanong niya.

"Na tinawag mo na uli akong love!"

"Wala naman na akong magagawa. Pero hindi ibig sabihin na napatawad na kita mawawala na sa utak ko ang mga ginawa mo. Kaya sorry kung magbabago bigla ang mood ko sayo kapag naaalala ko ang ginawa mo sa akin," babala niya sa asawa sa kabilang linya.

"I understand, sana tuluyan mo na akong mapatawad. Pangako hindi na mauulit yun, at babawi ako pagbalik mo dito. Ako na din ang bahala sa kambal, basta i-enjoy mo lang ang bakasyon mo dyan. Pero sana love wag na wag mo akong kakalimutan." 

"Bakit naman kita kakalimutan?" kunot noong tanong nya.

"Kasi naisip ko na sa laki ng kasalanan ko sayo baka pag may lumapit sayo dyan e makalimutan mo na ako," may lungkot na paliwanag nito.

"Di ah, di naman ako kagaya mo na marupok. Pero ito ang tandaan mo love, oras na inulit mo uli ang kasalanan mo, mag-divorce na lang tayo at magkalimutan! Ii-isang tabi ko talaga ang pagmamahal ko sayo kapag niloko mo ulit ako. I'm warning you!" sagot niya na may diin at pagbabanta.

"Pangako, love! Di na talaga mauulit." Itinaas pa nito ang kanang kamay. "Nagsisisi talaga ako sa mga nagawa ko. I'm so sorry, love. Salamat sa another chance, babawi ako pangako," sinserong dugtong nito.

Gusto pa sana makausap ni Lui ng matagal ang asawa pero kinakatok na ito ni Lala dahil may customers daw na nagko-complain dahil sa tagal ng paghihintay sa available table. Kaya nagpaalam na ito kay Anne.

"Love kinakatok na ako ni Ate Lala, tawagan uli kita bukas, matulog ka na agad pagkatapos mo dyan. I love you so much, love. I miss you, take care always!" malambing na paalam nito na hinalikan pa ang screen ng cellphone na para bang hinalikan sa labi ang asawa sa kabilang linya.

"Okay love, please tell Ate Lala and Judith na I'm safe na nakarating dito at salamat sa paghatid nila sa airport. I love and I miss you too and please behave!" sagot at paalala niya dito tsaka tuluyan ng pinatay ang kanilang komunikasyon.

Kinaumagahan ay maagang nagising si Anne. Nakaramdam siya ng gutom. Tiningnan niya ang oras, 6:00 am na kaya alam nya na available na ang breakfast sa cafeteria ng hotel. Nagbihis lang siya at nag-ayos and then dumiretso na sa cafeteria. 

Pagkatapos kumain ay sumakay siya ng elevator pataas upang tumambay muna sandali sa roof top ng hotel. Kitang-kita kasi ang view ng buong Maynila doon. 

Nasa may rooftop din ang swimming pool ng hotel katabi ang hotel bar kaya may mangilan-ngilan na ring nakatambay sa roof top ng mga oras na yun. Umupo lang siya sa isang bakanteng table at nagmuni-muni habang tinititigan ang kabuuan ng Manila at unti-unting pagsikat ng araw. 

Maganda ang view doon at nakakapawi ng problema ang tanawin lalo na ang sun rise. Kaya naisipin niya na mag-selfie na tila ba isang babae na nakatingin sa kawalan na parang broken hearted. Ipinost nya iyon sa kanyang Facebook. Agad namang pinusuan iyon ng asawa niya at nag-comment ito ng I miss you love, wish I was there.

Di na sana niya irereply ang comment ng asawa pero ayaw naman niyang isipin nito na binabalewala niya ito. At isa pa ay pinatawad na niya ang asawa kagabi. At kahit masakit pa rin ang kasalanan nito sa kanya ay pipilitin niya na kalimutan ang nagawa ni Lui alang-alang sa mga bata at sa pagmamahal niya dito. 

Kaya nag-reply naman si Anne ng Come here, I miss you too at dinugtungan pa niya iyon ng emoji na kiss. Kinilig naman si Lui sa agarang reply ng asawa at nag-comment uli ito ng I love you so much, please always take care.

I love you too, take care of our twins, I miss you so much guys. Reply naman ni Anne sa comment ng asawa.

Di na ulit nagreply si Lui sa comment reply ni Anne, sa halip ay tumawag na lang ito sa kanya. Ang di alam ng mag-asawa ay nag-i-stalk pala si Kate sa Facebook nilang mag-asawa. May fake account din ito na hindi nito tunay na pangalan kundi pangalan ng isa sa mga kaibigan ni Lui kaya naman inapproved iyon ni Lui noong nag-friend request ito dito. Nalaman tuloy ni Kate na nasa Pilipinas pala si Anne. 

Kaya nang day off ni Lui sa restaurant ay namuo sa isipan ni Kate na puntahan si Lui kinabukasan ng gabi sa bahay nito. Alam nito ang bahay nina Lui kaya agaran itong nagmaneho papunta doon.

Tulog na ang twins ng mga oras na yun at si Lui naman ay nanonood ng TV sa salas. Mga bandang alas nuwebe na ng gabi ng marinig ni Lui na may nag-doorbell. Akala nya ay si Judith or Lala ang nagdo-doorbell para kamustahin ang kambal. Laking gulat nya ng mabungaran si Kate sa labas ng pinto pero hindi pa niya nabubuksan ang pinto ng oras na yun. Sinilip lang niya ito sa salamin ng pintuan nila. 

At sa takot na baka may makakita kay Kate sa labas ng bahay niya. Kaya agad-agad din niyang binuksan ang pinto at hinila paloob ng bahay si Kate. Kinausap niya ito ng pabulong dahil baka magising ang kambal.

"Anong ginagawa mo dito! Di ba tapos na tayo!" gigil at pabulong na tanong ni Lui habang pigil-pigil ang braso ni Kate.

"Wala, napadaan lang, na-miss kasi kita. Tsaka nalaman ko na wala ang asawa mo. Baka kasi nalulungkot ka," maarteng sagot nito na tila nang-aakit pa ang tono.

"Nahihibang ka na ba! Nandito ang mga anak ko, malaking gulo ito pag nakita ka nila dito. Kaya umalis ka na, utang na loob!" galit at pabulong pa ring wika niya.

Si Kate ay isang Filipino American din gaya ni Anne at pabalik-balik na rin ito sa Pilipinas. Marunong din itong managalog kahit hindi nito naranasang tumira ng matagal sa Pilipinas. Stepfather ni Kate ang owner ng steak house restaurant na isang White American. Napangasawa nito ang mommy ni Kate na isang Filipina. Divorce sa ama ni Kate ang mommy nito na isa ring half Filipino half American.

Lumaki sa luho si Kate dahil nga may kaya sa buhay ang ama nito at ganon din ang stepfather nito. Kaya naman naibibigay ang luho nito simula bata pa lang. In short ay spoiled brat ito at kinukunsinti ng parents ano mang gustuhin nito at ano mang gawin nito.

Maging ang paghahabol nito kay Lui ay pinakiusap ng parents nito kay Lui na sakyan na lamang daw ang gusto ni Kate. Dahil depress daw ito at baka mag-suicide na naman gaya ng nangyari sa huling relasyon nito sa isang Filipino American citizen din na may pamilya na.

"Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako miss na miss na kita!" malanding tanong nito sabay halik at yakap ng mahigpit kay Lui na tila ba isang taon na hindi nakita si Lui. 

Pero pilit itong inilalayo ni Lui. Kaya lang dahil nga malaking babae si Kate ay hindi nya mapakalas-kalas ito sa kanya habang patuloy syang niyayakap at pinaghahalikan. May kaunting inom ng alak si Kate that time. Ganon din si Lui, umiinom siya habang nanonood ng tv kanina bago dumating si Kate.

Dahil nga marupok si Lui pinatulan nya rin sa huli ang nanggigigil na si Kate kanina pa. Kaya di na niya napigilan ang tukso. At dahil sa dala ng kalibugan at karupukan, tinutulak na pala niya pataas ng kwarto nila ni Anne si Kate habang inaararo ito ng halik. 

Wala na sa katinuan si Lui, di na nya naisip si Anne at ang kambal. At nang gabing iyon ay paulit-ulit gumawa ng kasalan si Lui sa piling ni Kate. Pagod na pagod siya sa paulit-ulit na pakikipagtalik kay Kate. Kaya naman hindi nya napigilan mapapikit at tuluyang makatulog.

Dahil sa sadyang maldita si Kate simula pagkabata pa lang. Ang ginawa nito ay dahan-dahang lumabas ng kwarto upang kunin ang purse at cellphone nito sa couch sa may salas. May maitim itong plano.

Hanggang sa nakabalik ito sa room ay tulog na tulog pa rin si Lui. Kaya sinamantala nito ang chance para makuhanan ng picture ang tulog na si Lui na nakahubad. Pagkatapos ay tinabihan nito si Lui at hinalikan sa labi at pumatong si Kate sa ibabaw niya.

Isinet nito ang timer ng cellphone camera upang mas kuhang-kuha ang ginagawa nila kunwari. Ibat-ibang anggulo ang pinicturan nito at talagang pinakita nito sa picture yung kunwari ay kahalikan nito si Lui. Hagip na hagip pa sa camera ang wedding picture ni Anne at Lui na nakapatong sa side table.

Alas singko na ng umaga ng magising si Lui at Kate. Agad-agad pinauwi ni Lui si Kate dahil baka magising ang kambal. Sumunod naman sa kanya si Kate pero ngingisi-ngisi ito habang papalabas ng bahay. 

Hindi na muna nito isesend ang picture kay Anne. Tsaka na lang nito iyon isesend kapag tinanggihan na naman ito ni Lui. Gustong-gusto talaga nitong sirain ang pagsasama ni Anne at Lui noon pa mang una nitong nalaman na married na si Lui.

Makalipas ang tatlong araw ay malungkot si Lui dahil sobrang miss na miss na nya si Anne. Naiimagine nya na nasa harapan nya ang asawa habang nagkakape sya sa may dining table nila. Kakahatid lang kasi niya sa mga bata at sobrang tahimik sa bahay.

Naisip tuloy nya na ganon pala ang nararamdaman ng mahal nyang si Anne araw-araw pagkakaalis nila ng mga bata. Kaya napabuntong hininga sya sa iniisip hanggang sa naisipan nyang tawagan ang asawa habang nagkakape, may free time pa naman siya bago pumasok sa trabaho.

"Hello love, good morning!" masayang bati niya sa asawa sa kabilang linya sabay higop ng kape.

"Hi love, good morning! Huhulaan ko, nasa table ka at umiinom ng kape 'no!" masayang sagot ni Anne.

"Tama ka dyan love! Hay sobrang miss na miss na kita! Sana umuwi ka na agad, sobrang tahimik dito sa bahay. Namimiss ko na ang paglalambing mo sa umaga at mga ngiti mo sa akin sa tuwing naaabutan mo ako dito sa table after mo ihatid ang twins sa school," malambing nyang sabi.

"Naku di pa ako makakauwi love, ang dami ko pang inaasikaso. Kaka-stress ang mga requirements para dun sa new twin apartment building natin," sagot ni Anne na tila stress na stress nga dahil bumubuntong hininga ito.

"Di ba may mga tao tayo sa opisina para mag-asikaso nyan?" Pagtataka niya na napapaawa sa asawa.

"Oo, kaya lang may mga requirements na ako talaga dapat ang nag-aasikaso at pumipirma."

"Di bale love, malalagpasan mo rin yan, sigurado ako dyan. Ikaw pa e madiskarte ka kaya. Basta wag ka paka-stress dyan ha. Anyway, nadalaw mo na ba sina mom and dad sa farm nila sa Laguna?" curious niyang tanong kay Anne.

"Hindi pa nga e, wala pa kasi yung nirerentahan ko na kotse, bukas pa daw nila maibibigay sa akin. Wala daw kasi silang bakante today na rent a car, ayoko naman gamitin ang car sa opisina kasi manual yun. Alam mo naman ako, mas gamay ko ang automatic. Tsaka ginagamit nina Cindy yun kapag pupuntahan nila ang ibang branch ng apartment sa Batangas, Laguna at Cavite," mahabang sagot nito.

"Ganon ba, love ingat ka lagi sa pagda-drive dyan pag nakuha mo na yung kotse. Pero pag di pa rin nila maprovide yung car, mas okay siguro hiramin mo na lang ang extra car ni Mom and Dad sa farm," paalala at suhestyon niya.

"Okay love, thank you. I love you!" tugon ni Anne na nagpakilig kay Lui.

"I love you more and miss you too!" mabilis na sagot ni Lui.

Pagkatapos mag-usap ng mag-asawa ay biglang may nagdoorbell sa bahay nina Lui. Pagsilip ni Lui ay si Kate na naman iyon. Gaya ng dati galit galitan na naman siya. Pero dahil nga marupok si Lui ay bibigay din siya agad sa pang-aakit ni Kate. Kaya naman bago pumasok sa trabaho ay latang-lata siya dahil pinagod ni Kate. 

Naghiwalay sila ng daan na parang walang nangyare. Ganon uli sila kinabukasan pero tumanggi na si Lui ng mga sumunod pang araw dahil kinakain na sya ng konsensya nya. Feeling kasi niya ay binabastos niya ang bahay nila ni Anne, kaya hindi na niya pinapasok ng bahay si Kate. 

Sa galit ni Kate ay isinend nito ang mga malalaswang larawan nila ni Lui kay Anne.

Nakababad muli sa bathtub si Anne ng matanggap ang mga picture na yun. At mismong Facebook account ni Kate ang ginamit nito na pang-send kay Anne.

Napahagulgol si Anne ng iyak habang tinitingnan ang lahat ng picture na pinadala ni Kate. Kitang-kita nya sa mga larawan na yun ang wedding picture nila ni Lui. 

Sa sama ng loob niya ay naihagis niya ang kanyang cellphone sa kung saan at umiyak na lamang siya nang umiyak. 

Nang napagod na sa pag-iyak ay nag rinse na siya at nag-ayos ng sarili. 

Napagpasyahan niya at sinabi sa sarili na hindi na siya iiyak muli. Hindi na siya magsasayang ng luha para kay Lui. Hindi nya deserve ang masaktan at lokohin ng paulit-ulit. Pinatawad na niya ito pero inulit pa rin nito, and worse ay sa mismong bahay pa nila dinala ng mga hayop ang kababuyan ng mga ito. 

Nasaan ang utak ng asawa nya? Nasaan ang pagmamahal nito sa kanya? Bakit, bakit siya nagagawang lokohin ni Lui? Bakit siya nagagawang ipagpalit nito sa babaeng iyon? Anong meron kay Kate na wala sya? Bakit nawawala sa pag-iisip ang asawa niya at nakakalimutan siya kapag kasama nito si Kate? 

Ano na ba siya para kay Lui? Wala na ba talaga siyang appeal sa asawa niya kaya si Kate na ang mas gusto nito?

Napakadami niyang tanong sa isip niya. Pero hindi niya iyon maibulalas dahil magkalayo sila ngayon ni Lui. 

Pero kaysa pahirapan ang isip niya ay magwawalwal na lang siya sa bar ngayong gabi. Lulunurin niya ang sarili sa alak at ibabaon sa limot ang sakit na nararamdaman sa puso niya. 

May nakita siyang bar na malapit lang sa hotel kaya doon siya nagtungo.

Gaya ng dati, sa may tabi ng bartender siya pumuwesto at nag-inom pero binilin niya sa bartender na kung sakali na malasing siya ay itawag siya nito sa staff ng Pearl hotel at ipasundo sa isa sa staff ng hotel na yun o kaya ay sa isa sa mga tao niya sa opisina niya.

May ilang tauhan siya na maaasahan sa opisina na siyang nag-aasikaso ng mga apartments nila ni Lui at ilang condominium units na kailan lang nila sinimulang iinvest mag-asawa. 

Nakakarami na siya ng inom pero nasa tama pa naman ang kanyang pag-iisip at paningin. Hanggang sa may familiar na lalake na lumapit sa kanya. Hindi pa niya ito napansin agad dahil abala siya sa sunod-sunod na katutungga ng alak. 

Sino ba namang hindi magpapakalunod sa alak sa pinagdadaanan niya. Kahit yata sino mang tao ang makatanggap ng ganoong kalalaswang litrato ay mapapainom ng alak o baka nga lason pa ang iinumin ng iba dahil sa sobrang sama ng loob.

Pero hindi naman siya tanga para magpakamatay at uminom ng lason ng dahil lang sa walang kwenta niyang asawa. Alam niyang lilipas din ang sakit na nararamdaman niya after ng gabing ito. 

Continue Reading

You'll Also Like

965K 22K 36
She was a Princess and Angelo's queen. But everything changed because of that accident. She's not that princess anymore. But Angelo will do everythi...
125K 2.8K 40
Fatima Maurice was too protective sister. Ayaw niyang nasasaktan ang kaniyang kapatid na lalaki kahit pa sabihin nitong lalaki siya ay nasasaktan din...
559K 15.4K 42
Throughout her life, Jayce has devoted herself to always do her best for her parents. She always wants to show and prove to them that she is the daug...
3.4M 94.6K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...