Owning the Unfaithful (A rebe...

By Amihan2526

19.5K 721 416

WARNING: Mature content | R-18 Anne got married at a young age. Lui is 10 years older than her. But it's not... More

Disclaimer and Author's note
Prologue
Chapter 1 - Simula
Chapter 3 - Caught
Chapter 4 - Friends
Chapter 5 - Leave (SPG pero slight lang)
Chapter 6 - Old friend
Chapter 7 - Marupok
Chapter 8 - Lean on
Chapter 9 - Care
Chapter 10 - Companion
Chapter 11 - Park
Chapter 12 - Reunion
Chapter 13 - Left
Chapter 14 - Asking for a divorce
Chapter 15 - Preaching
Chapter 16 - Vacation
Chapter 17 - Anniversary
Chapter 18 - Back
Chapter 19 - Present
Chapter 20 - Again
Chapter 21 - Business as usual
Chapter 22 - Chase
Chapter 23 - Admit it
Chapter 24 - Cold
Chapter 25 - Surprise
Chapter 26 - Plan
Chapter 27 - Anger
Chapter 28 - Pagsisisi
Chapter 29 - Proposal
Chapter 30 - Wedding
Chapter 31 - Ride
Chapter 32 - Changes
Chapter 33 - Tell all
Chapter 34 - Interview
Chapter 35 - Party
Chapter 36 - Soup
Chapter 37 - Mean
Chapter 38 - Papansin
Chapter 39 - Honesty
Chapter 40 - Insult
Chapter 41 - Suko
Chapter 42 - Panakaw
Chapter 43 - Stranded
Chapter 44 - Liar
Chapter 45 - Prove
Chapter 46 - Loss
Chapter 47 - Agreement
Epilogue

Chapter 2 - Unappreciated

526 15 0
By Amihan2526

Pagbalik nya ng bahay ay naligo sya at nagpaganda, tiningnan nya ang sarili sa salamin. Matagal na syang hindi nagsusuot ng sexy na mga damit. Simula ng maging nobyo nya si Lui ay binabawalan na sya nito na magsuot ng maigsi at mga damit na palabas-labas ang cleavage at hapit na hapit sa katawan na dress. Ganoon sya katanga sa pagmamahal sa asawa. Sinusunod nya kung ano man ang gusto nito kahit labag sa kagustuhan nya.

Mahal e, syempre susunod ka di ba?

Kahit may anak na sila walang nagbago sa pangangatawan niya. Buti na lang at sexy pa rin sya gaya noong dalaga pa sya.

Habang nakaharap sya sa salamin ay bigla pa nyang naalala ng makilala nya si Lui 6 years ago sa restaurant na pinagtatrabahuhan nito.

Internship pa lang sya noon. Manager na si Lui sa restaurant ng mga panahon na yun. Habang iniinterview sya ni Lui noon ay napansin nya na titig na titig ito sa kanya kaya medyo naaasiwa sya dito.

"Sir bakit po, may dumi po ba sa mukha ko?" nahihiyang tanong ni Anne sa nag-iinterview na si Lui. Nag-tatagalog si Lui sa iniinterview kapag alam nito na Pinoy ang aplikante para mas magkaintindihan sila at maging comfortable ang applicant nito.

"A-h hindi, wala... wala!" tila nasasamid na sagot ni Lui sa kanya ng mga oras na yun.

"Ah akala ko po may napansin kayo na dumi sa mukha ko or eye booger. Kasi kanina pa po kayo titig na titig sa akin," malakas ang loob na sabi nya na ngingiti-ngiti habang nagsasalita.

Maganda kasi si Anne, tisay, sexy at very simple but oozing with sex appeal. Isa syang half Filipina at half American. Ang tatay nya ang American at nanay nya naman ang Pinay. Pero 14 years old na sya ng makatira sa US kaya magaling pa rin syang magsalita ng Tagalog.

After debut nya ay bumalik na ang parents nya sa Pilipinas. Dahil mas gusto ng Mom and Dad nya ang climate sa Pinas at ang simpleng buhay doon. Kaya noong panahon na yun ay kailangan nya agad makahanap ng trabaho. Hindi naman kasi sila mayaman, average lang ang estado ng buhay nila sa US. Kaya gusto nyang makabawas sa gastusin ng parents nya at tumayo na rin sa sarili nyang mga paa.

Sya pa kasi ang pinapadalahan ng mga ito ng allowance mula sa pension ng mga ito. Kaya nagworking student sya hanggang maka-graduate ng college. Ayaw talaga nya na palagi na lang aasa sa parents nya. Tuition fee lang at pambayad sa apartment ang hiniling nya sa parents nya.

Dahil alam nya na bago pa lang napapaunlad ng mga ito ang nabiling farm sa Pilipinas. Kaya wala pang gaanong income ang mga ito sa naisipang farm business that time. Ibinenta na ng parents nya ang property nila sa US upang makapag simula ng farm sa Pilipinas. 

Nag-agree naman si Anne noon na okay lang sa kanya na mag-rent ng apartment habang nag-aaral sya, tutal ay nag-iisa na lang naman sya sa US. Nagpasya din sya na sa US na tapusin ang kolehiyo kaya nagpaiwan sya sa mga ito.

"Pasensya ka na, nabighani kasi ako sa mga mata mo. Parang ang amo-amo na para bang nahihypnotize ako," nahihiya at magalang na pag-amin ni Lui habang nakangiti sa dalaga.

"Ah ganon po ba?" sagot nya na naaasiwa dahil naisip nya na baka manyakis si Lui.

"Please don't get me wrong," nahihiyang tugon muli nito dahil nahalata na tila naaasiwa si Anne sa inasal nito.

"May itatanong pa po ba kayo sir?" tanong nya. Kasi wala naman itong tinanong sa kanya kundi pangalan lang nya at birthday tsaka saan sya nakatira.

"Ah wala na Ms. Johnson, your hired!" nakangiting sagot nito sabay abot ng kamay upang i-congratulate sya.

"Talaga po sir!" di makapaniwalang sagot nya kahit nawiwirdohan sya kay Lui dahil nga wala naman itong naitanong na iba pa sa kanya.

"Oo naman, kasi andirito naman sa application form mo lahat ng kailangan kong itanong sayo. Kaya makakapagsimula ka na anytime you want. And I hope kapag natapos na ang internship mo, maisip mo pa rin na dito na sa amin ituloy ang career mo," magalang na sagot ni Lui na tila kinukumbinsi na agad si Anne na magpatuloy sa company na yun pagkatapos ng internship niya kahit di pa man nagsisimula ang dalaga sa trabaho.

Naging mabait si Lui sa kanya the whole time hanggang sa niligawan sya nito at naging magkarelasyon sila. After internship and graduation nya ng college ay doon na rin sya sa Steak house restaurant na yun nagtrabaho as admin staff.

Internship pa lang si Anne noon sa restaurant ay nagpaalam na si Lui sa kanya na liligawan sya nito. At dahil nga mabait at masigasig si Lui ay hindi na rin nagpaligoy-ligoy pa si Anne na sagutin ito. After 8 months nilang magkarelasyon ay inalok na agad ni Lui si Anne ng kasal. Pumayag naman sya syempre, mahal e.

Hanggang sa pinag-resign din sya nito sa trabaho dahil pagkakasal nila ay nagdalang tao agad sya. Sa tuwing magbabakasyon naman sila ng Pilipinas noon ay palagi silang masaya at tila ba palaging honeymoon nila kahit pa may kambal na silang anak. Kaya naman masayang-masaya din ang parents ni Anne para sa kanya dahil nakatagpo sya ng kagaya ni Lui na napaka-responsible, maalaga, mapagmahal, napakabait at good provider.

Simula ng maging boyfriend nya si Lui ay nawala na rin sa mga parents nya ang pag-aalala sa kanya dahil may kasama na ang anak nila sa US. Ayaw naman kasi talaga ng parents nya na mamuhay sya mag-isa sa US. Kaya lang ay choice nya yun kaya sinuportahan na lang sya ng parents nya.

Dinadalaw naman sya ng parents nya once or twice a year para alamin ang kalagayan niya. Natigil lang ang pag-byahe ng mga ito palagi papunta ng US ng makapag-asawa na siya. Nagtatawagan na lang sila sa Skype para magkamustahan. 

Pero hindi sinasabi ni Anne sa mga ito ang unti-unting pagbabago ni Lui ngayon dahil hindi naman iyon big issue. At isa pa ay ayaw nyang mag-worry ang parents nya sa kanya. Kaya di na lang nya sinasabi sa mga ito ang problema nya sa asawa.

Habang nakatitig si Anne sa salamin at tinitingnan ang sarili nya ay di nya maiwasan maiyak, dahil ang layo na nya sa dating Anne. Noon kasi ay palagi syang nakapostura at nakasuot ng maiigsi at sexy dress. Pero mula ng mag-asawa sya ay tila ba napabayaan na nya ang sarili nya.

Ang hindi lang nagbago sa kanya ay ang mukha nya at katawan nya. Pero ang pananamit nya ay napakalayo na sa dating Anne. Hindi na rin sya nag-aayos ng sarili dahil lagi syang aligaga sa pag-aasikaso ng mga anak at asawa nya pati ng bahay nila. Doon pa lang ay wala na syang oras para mag-ayos. Isa pa ang katwiran nya ay sino ba naman ang pagpapagandahan nya e may asawa na sya.

Tsaka palagi lang naman syang nasa loob ng bahay. Pagjojogging, paghahatid sa mga bata sa school at paggo-grocery nga lang ang panahon nya para makalabas ng bahay, o kung minsan ay pag kumakain sila ng mga bata sa labas .

Habang umiiyak ay napansin nya sa orasan na malapit na palang lumabas ang kambal nya sa school. Kaya nag-ready na sya para sunduin ang mga ito. Pero nagbihis sya at nag make up muna ng bahagya lang. Sinuot nya ang damit na matagal ng nakaimbak sa ward robe nya. Kasya pa rin naman ang mga ito sa kanya kahit 6 years na ang lumipas.

"Mom, you look so pretty and stunning!" puna ni Yohan sa kanya paglabas na paglabas nito sa entrance ng eskwelahan sabay yakap sa ina.

Napansin din nya na nagtitinginan sa kanya ang mga Daddy's na nag-aabang sa mga anak nila. At naririnig din nya ang mga sinasabing papuri ng mga ito sa kanya. Totoo naman na maganda sya at hindi halata na may anak na. Madalas nga ay napapagkamalan na kapatid lang nya ang kambal kahit wala syang make up at di nagbibihis ng pa-sexy.

"Thank you sweetie!" sagot ni Anne sa papuri ng anak sabay yakap at kiss sa kambal.

Habang naglalakad na sila pasakay ng kotse sa park. Naririnig pa rin nya sa mga tao na nakakakita sa kanya ang magandang papuri ng mga ito sa kanya. Nangingiti na lang sya sa mga chismosa at chismoso sa labas ng eskwelahan at parking lot. Pero chismis naman na maganda at hindi paninirang puri iyon kaya napapangiti na lamang sya habang naglalakad.

"Kids, do you want to go somewhere?" tanong ni Anne sa mga bata habang naglalakad sa parking lot patungo sa kanyang kotse.

"Mom, can we eat at Daddy's work for supper?" request ni Yuna dahil paborito nito ang steak doon

"Hmm, are you sure? Because we can just eat ice cream in the mall instead," wika nya para ilihis ang mga bata dahil ayaw nyang makita si Lui.

"Mom come on! I want to eat there too!" sulsol naman ni Yohan.

Ang di alam ni Anne ay tinatawagan na pala ni Yohan ang daddy nito habang may inaayos sya sa compartment ng kotse nya sa likod.

"Hi Dad, Mommy doesn't want to eat at work but Yuna and I want a steak there. Can you please tell Mom to bring us there?" pakiusap ni Yohan sa daddy nito sa kabilang linya.

"Hey, little man, who told you to use my phone without my permission!" medyo galit na tanong ni Anne ng makita na hawak ng anak ang cellphone nya at dinig na dinig ni Lui na galit siya.

Alam ni Lui masama pa ang loob nya dito kaya napapag-initan din nya ang mga bata.

"I'm sorry Mom, I'm just calling Dad," magalang na paliwanag ng bata.

"I said we will not go there, alright!" giit nya sa dalawa. Kinuha nya sa bata ang cellphone nya at ipinatong sa passenger seat ng pabagsak. Parehas nasa backseat ang kambal.

"But Mom we want to eat supper there," sabay na wika ng kambal na tila naiiyak na. Nakikinig lang si Lui sa kabilang linya dahil hindi pa naka-off ang cellphone ni Anne sa mga oras na yun.

"I can cook supper for you guys okay," malumanay nang sagot ni Anne habang nagmamaneho na palabas sa parking lot ng school.

"But Mom, it's much easier to eat there. We know you are tired and you need to take a rest. Please Mom let's eat there with Daddy. We miss him eating supper with us," pakiusap ng kambal.

Naawa naman si Anne sa mga anak dahil matagal-tagal na rin nga naman nilang hindi nakakasabay kumain ng supper si Lui. Kaya huminto muna sya sa gilid ng kalsada upang tawagan ang asawa at sabihin na ipa-reserve sila ng table at sana kasali din nila ito na kakain tonight kahit na nga working hours pa nito.

Nagulat na lang si Anne dahil naka-on pa pala ang cellphone nya.

Shit, it's still on! Sabi nya sa isip nya. Pagdikit nya sa tainga ng cellphone ay nadinig agad nya ang boses ng asawa.

"Payagan mo na ang mga bata, dumiretso na kayo dito. Sabay-sabay tayong kakain. Please love," pakiusap ni Lui sa kabilang linya.

"Okay!" sagot lamang ni Anne sabay baba na ng cellphone at nagmaneho na diretso sa restaurant.

Nag-abang si Lui sa may entrance ng restaurant. Malayo pa lang ang kotse ni Anne ay tanaw na agad nito.

Pinagbukas nito ng pinto ng kotse si Anne ng nasa parking lot na sila. Nagulat ito sa asawa nito. Ang bango-bango at ang ganda ganda ni Anne. Kahit simple lang ang dress niya ay mapapalingon talaga ang kahit sino sa kanya. 

Pagbaba ni Anne ng kotse ay hindi nya pinapansin si Lui. Dire-diretso lang sya sa pag-alalay sa mga bata palabas ng kotse nya.

"Love ang ganda mo today!" pabulong na puri ni Lui sa asawa habang naglalakad sila papasok ng restaurant. Pero hindi naman ito pinapansin ni Anne.

"Hi Anne, you're so pretty!" nakabungisngis na bungad at bati ni Judith sa kanya.

"Thank you Judith, you too!" sagot naman ni Anne na nakangiti.

"Ah dito nga pala ang table nyo, table for 4!" sabay wika nito na sinamahan pa sila kung nasaan ang table nila.

"Salamat, Judith. Paki-follow up na lang ang order namin ha," wika ni Lui sa kasamahan sa trabaho.

"Okay, sir!" sagot ni Judith sabay talilis.

Si Anne naman ay tahimik lamang sa kinauupuan. Ang mga bata ay busy sa pagko-color ng mga coloring paper na nakapatong sa table nila. Habang nananahimik si Anne ay biglang hinawakan ni Lui ang mga kamay nya kaya napapitlag sya. Malalim kasi ang iniisip nya at minamataan nya kung andon ang anak ng boss ni Lui.

"Love anong problema, bakit gulat na gulat ka?" tanong ni Lui sa kanya.

"Wala, pwede ba wag mo akong kausapin!" mahinang sagot niya na galit pa rin sabay irap ng pa-simple sa asawa.

Maya-maya pa ay nagulat sya dahil lumapit ang anak ng boss ni Lui sa kanila na si Kate. Isa itong Filipino American at kaedad lamang ni Anne. Alam nya na malaki ang gusto nito kay Lui dahil naikukwento ni Judith sa kanya minsan kung anong kaganapan sa restaurant. Malakas talaga ang hinala nya na hindi aksidente yung lipstick sa polo ng asawa nya. Alam nyang hindi nagkakamali ang woman instinct, lagi iyong tama.

"Hi guys, is everything alright here?" nakangiting tanong ni Kate sa kanila.

"Hi Miss Kate!" sabay na sambit ng kambal.

"Hi Yohan and Yuna, it's nice to see you again here!" masayang sagot ni Kate sa kambal.

Si Anne naman ay nakatingin lang dito, walang reaction. Si Lui naman ay nakatingin lang kay Anne dahil alam nito na galit sya dito at sa anak ng boss nila.

Sakto naman na dumating na ang food nila kaya umalis na si Kate at sinabi na lamang na enjoy their meal. As if naman ma-e-enjoy ni Anne ang kinakain nya gayong lumilipad ang utak nya.

Natapos na silang kumain pero wala pa ring imikan ang mag-asawa hanggang sa makauwi na sila ng bahay. Pero si Lui ay nag-overtime pa dahil nga dagsa ang customers sa Steak house kapag gabi.

Pagdating ni Lui ng bahay ng mga 9:00 PM. Nadatnan nito na wala si Anne sa room nila. Sinilip nito ang kambal sa kwarto at nakita nito na katabi ni Yuna si Anne. Ginising sya ni Lui upang lumipat na sa kwarto nila. Sumunod naman sya pero wala pa ring imik.

Ganon kasi si Anne kapag may dinaramdam, hindi talaga sya nagsasalita. Pagkatapos maligo ni Lui ay tinabihan agad nito sa kama si Anne at niyakap ng mahigpit.

Pero tinalikuran lang ito ni Anne. Hindi naman nagpatinag si Lui. Nilambing pa rin nito si Anne at hinalik-halikan sa leeg at balikat habang nakatalikod ang nagtatampong asawa dito.

"Love please talk to me, I'm sorry hindi na mauulit na magpakalasing ako at lumapit kay Kate," pagsusumamo ni Lui sa asawa habang patuloy nilalambing si Anne.

Alam ni Lui na malaki na ang pagdaramdam ng mahal na asawa. At kahit nga pagtatalik bilang mag-asawa ay di na nito magampanan dahil palagi itong pagod sa trabaho. Kaya naman naisip nitong ituloy-tuloy ang paglalambing kay Anne na nauwi rin sa mainit na romansa.

Pakiramdam ni Lui ay ilang taon nitong hindi nakasama si Anne sa mga oras na yun. Na-realized nito na napakatagal na pala nitong hindi ginagawa yun kay Anne. Kaya hinalikan nito ang buong katawan ng asawa mula ulo hanggang paa.

Si Anne naman ay di pumapalag dahil matagal na rin nyang hinihintay gawin ulit ni Lui iyon sa kanya. Para syang uhaw na uhaw sa asawa nya at gutom na gutom. Kaya agad din syang nagpadala sa bawat haplos at halik nito sa kanya.

"I love you, love!" sambit ni Lui habang patuloy na hinihimas at hinahalikan ang buong katawan ni Anne.

Naging mainit ang paglalambingan nilang mag-asawa ng mga oras na yun. Baba at taas ang paghaplos at paghalik ni Lui sa buong katawaan nya. Si Anne naman ay nagiging palaban na rin dahil sobrang na-miss nya ang mga bagay na yun bilang mag-asawa. At kahit may tampo sya dito ay panandalian nya iyong nakalimutan dahil sa pinaparamdam na init sa katawan na binibigay ni Lui sa kanya ngayon.

Aktong huhubarin na sana ni Lui ang night gown ni Anne subalit biglang nag-ring ang cellphone nito. Habang patuloy na pinapaulanan nito ng halik sa tyan si Anne ay unti-unti nitong dinadampot ang cellphone sa side table ng kama upang alamin kung sino ang tumatawag. At kahit ang attention nito ay nasa asawa ng mga oras na yun ay napabalikwas pa rin ito bigla ng makita ang pangalan kung sino ang tumatawag.

"Sandali lang love, I need to take this call. I'm so sorry, just hang in there. I'll continue that after this," pabulong na hingi ng paumanhin ni Lui kay Anne na kitang-kita nito na nagbalik ang asim ng mukha.

Agad kinausap ni Lui sa gilid ng kama ang big boss nito. Sabay dampot ng laptop nito sa may couch. Pag ganon ang scenario ay hindi na umaasa si Anne na babalik pa si Lui sa ginagawa nito kanina. Basta dinampot nito ang laptop ay ibig sabihin ay trabaho ang gagawin nito at aabutin na ito ng halos umaga bago matapos sa ginagawa.

Kaya naman natulog na lamang si Anne at di na hinintay ang asawa. At dahil maliwanag sa kwarto nila, dahil nga may trabaho si Lui sa laptop nito. Kaya doon na lamang sya lumipat sa tabi ni Yuna. Hindi man lang napansin ni Lui na lumabas na sya ng kwarto dahil tutok na tutok ito sa ginagawa sa laptop.

Di nga nagkamali si Anne sa hinala nya, alas tres na natapos si Lui sa ginagawa nito. Pinuntahan muli sya ng asawa sa kwarto ni Yuna pero hindi na sya nagpatinag. Nagtulog-tulugan sya at kunwari ay walang naririnig. Makailang minuto ng kagigising sa kanya ni Lui ay lumabas na rin ito ng kwarto ni Yuna at humalik na lamang sa pisngi nya sabay sabi ng I Love You, I'm sorry!

She felt unappreciated, unloved, unimportant, and unvalued. Lahat naman ay ginagawa nya para sa pamilya nila. Pero bakit ganon, pakiramdam nya ay wala na syang halaga kay Lui. Saying I love you is not enough though. 

Malaki na talaga ang pinagbago ng asawa nya. Halos hindi man lang umabot sa buong 5 years na naging consistent man lang sana ito sa pagpaparamdam sa kanya ng tamang pagmamahal at pag-aalaga. She thinks their marriage has started to get offbeat. Pero alam nya sa sarili nya na hindi sya ang unang nawala sa beat kundi si Lui.

Kinaumagahan pagkahatid ni Anne sa mga bata ay nadatnan muli nyang nagkakape ang asawa, ganon naman palagi ang eksena nila sa umaga. Hindi kasi kumakain ng agahan si Lui, sa restaurant na lamang ito kumakain ng brunch.

"Good morning, love!" nakangiting bati nito pagkakita kay Anne. "Gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita," dugtong pa nito.

"No thank you!" maigsing sagot ni Anne sabay diretso sa laundry room.

Naiwang nagtataka si Lui sa table dahil hindi man lang ito sinulyapan ni Anne sa kinauupuan nito. Kaya ang ginawa ni Lui ay sinundan nito si Anne sa laundry room para suyuin.

"Love wag ka ng magtampo, please!" lambing ni Lui sa asawa na abala sa paglalagay ng mga damit nila sa washer. Niyakap nito at hinalik-halikan sa leeg ang asawa dahil alam nito na doon ang kiliti ni Anne.

"Tigilan mo nga ako, Lui!" pasigaw na wika ni Anne na iniiiwas ang sarili sa nangungulit na asawa.

Wow Lui na ang tawag sa akin ng mahal kong asawa. Sabi ni Lui sa isip. Never nito narinig si Anne na tinawag  ito sa pangalan mula ng naging sila. Kaya alam nito na matindi na talaga ang tampo ni Anne dito.

"Love ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako?" malambing na tanong ni Lui na kumalas na sa pagkakayakap sa galit na asawa.

"Wala! Just leave me alone!" malakas at pagalit na wika ni Anne.

Dahil ayaw ni Lui na masira lalo ang mood at araw ni Anne. Kaya umalis na lamang ito at pumasok sa trabaho. Pero nag-iwan ito ng note sa table at sinabi na

I'm sorry love, babawi ako sayo. I love you so much!

Pagkabasa ng note na yun ay ginusot lang yun ni Anne at itinapon sa basurahan.

Continue Reading

You'll Also Like

295K 8.4K 47
Hanggang saan ang nagagawa mo,pagdating sa pag-ibig? Bakit kapag puso ang pinag-uusapan,nagiging tanga tayo? Minsan ba nagawa mo na din ang murahin a...
126K 2.8K 40
Fatima Maurice was too protective sister. Ayaw niyang nasasaktan ang kaniyang kapatid na lalaki kahit pa sabihin nitong lalaki siya ay nasasaktan din...
62.3K 1.8K 21
..sometimes,the only choices we had is to embrace the reality..
The Widow By Yuri

General Fiction

359K 7.6K 73
When Clara Dela Merced left the Philippines, she left everything behind knowing that it was the right thing to do especially when the father of her c...