Worthless (Published Under MP...

By jonaxx

95.9M 2.3M 1.4M

Maria Georgianne Marfori loved Noah Elizalde more than anything in this world. Ganon din halos lahat ng mga b... More

Worthless
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Epilogue
Notes

Kabanata 43

1.4M 37.4K 25.1K
By jonaxx

Kabanata 43

There Is No One Else

Nakatulugan ko ang pag iisip ng irereply kay Ysmael. Nagising na lang ako nang maingay na tumunog ulit ang aking cellphone. Napamura ako at kinapa ko iyon. Hindi pa nakadilat ay agad nang sinagot.

"Hello?" Narinig ko si Wella sa kabilang linya. Maingay ang kanyang background. Halos ilayo ko ang cellphone ko sa aking tainga dahil sa narinig na ingay.

"Wella? Bakit?" Kinusot ko ang mata ko.

"Ang sabi ni Stan ay pupunta ka raw ng gig nila ngayon. Asan ka na? Malapit nang magsimula."

"Huh?" Napaupo ako sa kama. May sinabi ba akong ganon? Ngayon ba iyong gig nila na inanyayaan ako ni Wella?

"Meg naman... Sige na, ah? Kumpleto kami. Ikaw na lang ang kulang! Please!" Mabilis niya namang pinatay ang tawag dahil nalulunod ang kanyang boses sa ingay sa background.

Tumayo ako at binuksan ang ilaw ng madilim kong kwarto. Tumunog muli ang cellphone ko kaya matalim ko itong tinitigan. Iniisip kong si Wella na naman ang tumatawag at manghihikayat sa pagsama ko ngunit nagkakamali ako. Pangalan ni Everlyse ang naroon.

"What?" Salubong ko.

"What are you doing? Patungo na kami ni Carlos sa inyo. We'll fetch you. Punta tayo sa gig nina Stan. Di mo pa ulit sila naririnig simula nong nabuo sila, diba?" She asked.

Tumikhim ako. "Maliligo pa ako, magbibihis, kakain. Mauna na kayo. Susunod ako. I can drive."

"Oh no... Maghihintay na lang kami sa sala niyo. Wag ka nang magdala ng sasakyan kasi aksaya ka lang ng gas."

"Pero-"

"Bye na. Malapit na kami! Maligo ka na!" Humalik pa siya bago pinutol ang linya.

Umiling ako at dumiretso na lang sa bathroom para makaligo at makapag ayos. Pagkatapos kong suotin ang isang simpleng itim na dress at black wedge ay bumaba na ako sa sala. Inisip kong gumawa na lang ng salad dahil iyon ang madaling kainin. Kailangan kong kumain muna dahil ramdam ko na ang gutom sa aking tiyan.

"Hi, pretty!" Ngiti ni Everlyse dahil naroon na sila ni Carlos sa sala. Nilingon nila akong pareho.

"Gawa muna ako ng salad. Kain tayo?" Yaya ko.

Umiling si Carlos nang tiningnan siya ni Everlyse. "Kakakain lang kasi namin. Alam mo naman, pag nandyan si mommy ay busog kaming lahat."

Tumango ako at nilagay ang matching black purse ko sa mesa bago dumiretso ng kitchen. Kumuha ako ng iilang lettuce, pineapple slices, olive, cheese, dressing at pinaghalu halo na lang. Umupo ako sa counter pagkatapos punahin ni manang ang pagkakatayo ko.

"Hindi ka ba magdidinner ng maayos? May ulam naman akong niluto. Ayain mo rin sina Everlyse at yong boyfriend niya."

"Nagmamadali ako manang, e. Tsaka ito lang muna. Diet ako." Kumindat ako sa kanya at ngumiti.

Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag na si mommy. Huminga ako ng malalim at sinagot. Kinwento ko sa kanya ang pag alis namin ngayon para sa gig nina Stan.

"Alright, Georgianne. And then you tell me if it was a good gig, okay?" Ani mommy.

"Yes, my."

"Anyway, sa bahay ka matulog. I heard nag sleepover ka kina Lyse kagabi. Magtatampo ang bahay natin pag walang among natutulog sa kanya. You know how much I am particular of that."

Umirap ako sa kawalan. "Yes, mom."

Pagkatapos ng iilan pang bilin ay natapos rin ang tawag at natapos na rin ako sa pagkain. Nag toothbrush na lang ako sa common bathroom sa baba at agad nang niyaya ang mag irog na umalis na.

"Hindi ka ba naeexcite?" Tanong ni Everlyse nang nilingon niya ako, nagdadrive si Carlos ng mabilis.

"Hindi naman. Bakit?"

"Oh, Megan... You're their number one fan. This is the original Zeus, finally! Well, siguro nga ay nagbago ang tingin mo sa mga miyembro simula nong nagtampo ka?" Nagtaas ng kilay si Everlyse sa akin.

"I don't know, Lyse. Wala lang. It's just the usual gig." Sabi ko.

"Baka nagsawa na." Sabat ni Carlos.

Nanlaki ang mata ni Everlyse at tumango sa akin. Nagkibit balikat ako at tumingin sa labas. I don't know...

Nang nasa labas na kami ng Cafe kung saan ang gig nina Noah ay hindi na ako nagtaka sa dami ng tao. Hindi talaga nagkamali ang Moon Records sa pagkuha sa kanila. Ang problema na lang nila ngayon ay kung paano na iyong recording. Of course they will still release it. Siguro ay magrerecord sila ng new songs para sa kay Stan.

"Megan!" Sabay yakap ni Wella nang nakita ako. "I missed you!"

"'To naman! Parang ilang taon nang di nagkita, a?" Tawa ko at niyakap na rin ang ibang mga kagrupo.

Kumaway lang si Everlyse sa kabilang table na inuupuan nila ni Carlos. Nilingon ni Wella ang entablado at nakita kong naroon na sina Noah sa stage. Mukhang kanina pa ito nag simula.

Tiningnan kong mabuti si Stan at nakapikit lang siya habang nagsisimula ang kanta. Parang na hi-hypnotize ang mga manonood dahil sa kanyang ginagawa. Sa likod niya ay nakita ko si Noah na seryoso ngunit kagat kagat ang labi habang nag s-strum.

"Am I real?

Do the words I speak before you make feel..."

Kinilabutan ako sa boses ni Stan at sa pagtugtog ng Zeus. Nilingon ko si Joey na seryoso din sa ginagawa at si Warren na may eye contact sa audience ngunit mukhang preoccupied sa pagtugtog.

"That the love I've got for you will see no ending?

Well if you look into my eyes then you should know

That you have nothing here to doubt nothing to fear

And you can lay your questions down cause if you'll hold me

We can fade into the night and you'll know..."

Nag angat ng tingin si Noah sa audience at nakita kong tumigil siya sa mga mata ko. Ngumuso siya at umiling bago binagsak ulit ang ulo sa gitara.

"Upo ka muna, Meg." Lahad ni Thea sa itim na sofa kung saan sila nakaupo.

Umupo na rin ako at pinanood na lang ng tahimik ang kanta nilang iyon.

"I want you to know

The world could lie

And everything may die

Still you shouldn't cry..."

Nang nagpalakpakan ang audience ay para akong nagising sa isang panaginip. May kung ano sa Zeus ngayon. They have never been this connected and soulful before. Is it the song? Or is it the way they performed it?

Huli akong pumalakpak habang tinitingnan ang kasamahan kong maingay at humihiyaw. Tinaas ni Wella ang kanyang kamay. Ang akala ko ay bababa na sila ngunit ikinagulat ko nang may sinabi si Stan tungkol sa isang special guest.

"Si Divine?" Narinig kong sambit ni Mara.

Divine? Oh yes! May pinapasikat nga palang singer sina mommy ngayon. Di hamak na mas sikat siya sa Zeus dahil solo artist siya at mas naunang pumirma ng kontrata kesa sa kanila.

Nilingon nila ang gilid ni Noah kung saan may nakapulang dress na babae at itim na pumps na paakyat sa stage. Humiyaw ang mga taong naroon at namataan ko ang iilang mga babaeng sinisigaw ang kanyang pangalan.

Madaling maghanap ng mga may talento. Ang mahirap ay ang pagkakatanggap sa isang recording company. If you really on your pure talent, maghihintay ka pa ng ilang taon bago ka madiskubre. Para ma diskubre ay kailangan mong ma advertise. I know that. Lumaki ako sa mga prinsipyong iyan. What with the nature of my parents' business and the nature of my major, that's the first thing I learned.

"Si Diva?" Sabi ni Wella, nakatitig sa paakyat na babae.

"Diva." Dagdag ni Thea.

Iyon ang ipinangalan ng Moon Records sa kanya. Ilang ads at music video na ang ginawa para sa kanya. Pinanood ko ang muntikan niya nang pagkakadapa sa stage nang medyo natalisod siya sa taas ng heels.

Mabilis na naglahad ng kamay si Noah. Ngumiti si Divine o Diva sa kanya at tumango naman siya. Nagtawanan ang Zeus at lumapit si Warren at Joey sa kanya para magyakapan at magkamustahan.

"They know each other?" Napatanong ako.

"Ah! Oo. Nong nasa U.S. ka madalas silang nagkakaroon ng gig kasama ang banda ni Diva." Wala sa sariling sinabi ni Wella.

Bumagsak ang tingin ni Noah sa gitara ngunit nakita kong halos mabali ang leeg ni Diva sa kakatingin sa kanya at kakangiti. Nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa pagkapahiya. Dumiretso siya sa tabi ni Stan at inayos ang kanyang pulang dress at buhok sa harap na para bang hiyang hiya siya sa nangyari.

"I'm sorry for that." Awkward siyang tumawa.

Ngumuso ako at nanood lang sa bawat awkward niyang pag harap sa audience. She seriously needs to earn more self confidence. Umiling ako. Dapat ay ipag workshop ito ni mommy.

Inayos niya ulit ang kanyang buhok at ipinakita niya sa harap ang kanyang album. Marami siyang sinabi kung saan iyon mabibili at ilang track ang naroon. Sa huli ay nilingon niya lang si Noah. Tumango si Noah at sinimulan na ang kanta.

"I was alone not long ago

Without a love to call my own.

I was afraid and thought

It wasn't meant for me..." Nauna si Stan, kinakanta iyon habang naglalakad lakad sa stage at ngumingiti sa audience. Pagkatapos ng ilan pang stanza ay sumabay na si Diva.

"I never had somebody I could lean on.

I never had a shoulder I could cry on..."

Pumalakpak at humiyaw na ang audience. Tinapos ang kanta at nag bow na lang si Diva. Mukha siyang nagmamadali at may iilang taga Moon Records akong namataan na sumusundo sa kanya. Maybe this isn't her last gig of the night?

"Magaling si Diva. Malamig ang boses tsaka buo." Tango ni Aubrey.

Nagkwentuhan pa sila ng kung anu-ano tungkol sa kay Diva nang napansin ko ang pagbaba ng Zeus at ang pagsalubong sa kanila ng ilang mga fan girls.

Pinanood ko ang pagtawa ni Stan at ang pagkuha niya sa ilang Sharpie para mapirmahan lang iyong mga dalang poster at kung anu-ano pang items. Mukhang naninibago pa ang ilang fans sa kay Stan. Pinanood ko rin kung paano parang walang nakikita si Noah na fan. Nag aabang at naiintimidate ang fans sa kanya at siya naman ay parang walang nakikitang ganon. Sarap batukan ng supladong Elizalde'ng ito. Kinalabit pa siya ni Joey bago niya pinansin ang nag aabang sa kanya.

Nginitian lang niya at pumirma ng konti bago nilingon ulit ang aming table. Umirap ako sa kawalan at humalukipkip. Should I drink? Nag aabang ang waiter sa gilid ko ngunit hindi ko magawang umorder pagkat naaalala ko na naman iyong nangyari sa huling pag inom ko sa Tilt.

"One shot of Jack Coke." Sabi ko sa waiter bago siya umalis para tugunin ang order ko.

Pagbalik ko ng tingin sa kanila ay nakita ko na papunta na silang apat sa amin. Nakangisi si Stan at agad nilahad ang kanyang braso sa mga kaibigan kong nangingiti at naeexcite na.

"Hi girls!" Pinasadahan niya ng tingin silang lahat. "All drinks on me tonight. Last gig of the week." Kumindat pa si Stan kay Wella.

"Pati ba samin, Stan?" Tumatawang tanong ni Joey.

"Pay your own sa inyo." Tawa naman ni Stan.

"Aw, that's so unfair!" Umupo si Warren sa gitna ni Thea at Mara.

Humagikhik ang dalawa. Nahagip ako ng tingin ni Warren.

"Oh, Meg! Long time no see. Uhmmm..." Napatingin si Warren kay Joey.

Nakatingin na si Joey sa akin. I refused to make it awkward so I smiled. "Hi! Long time no see! Busy kasi ako sa work."

"That's for this month only. Wala na siyang trabaho next month." Sambit ni Noah na nakatayo parin hanggang ngayon kahit na may bakanteng sofa pa naman.

"Ohhh..." Sabay sabay ang tingin sa akin ng mga girls.

"In his dreams." Nagkibit balikat ako. "Hectic ang sched ko. Seryoso kasi ako sa trabaho."

"That's good, Meg. I mean, magandang may trabaho na. Independent." Tango ni Joey.

Habang nagsasalita siya ay naramdaman ko ang pag alis ni Wella sa gilid ko. Lilingunin ko sana ngunit napahaba ang mga salita ni Joey.

"Bakit di ka sa Moon mag trabaho? May slot naman yata para sa iyo don at syempre anak ka ng may-ari!" Nagtataka niyang tanong.

"Gusto ko lang ng..." Napatingin ako sa gilid ko dahil nakaupo na doon si Noah. "...ng... ano... gumawa ng sarili kong pangalan."

Tumango si Joey. "Kayo girls, san kayo nagtatrabaho?" Nilingon niya ang mga babae na agad rumesponde sa tanong.

"Did you save my number?" Bulong ni Noah sa gilid ko.

"Why would I?" Tanong ko nang di siya nililingon.

"Ang sungit mo, miss. Period?" Nanunukso niyang sinabi.

Bumaling ako sa kanya. "Go away, Noah. Why are you even here?"

"It's my gig! Kung hindi mo alam, miss. Syempre, manonood ka. I miss the way you watch me every gig. Parang pinupuri mo ang kagwapuhan ko-"

"What?" Tumatawa na siya sa pagkakairita ko. "Ang kapal mo, Noah! Hindi ko pinupuri ang kagwapuhan mo." Bulong ngunit may diin. "Stop flirting."

Humagalpak pa siya lalo na dahilan kung bakit napapatingin na sila sa amin. "I am not flirting. Kasi kung ginagawa ko iyon ay baka nag away na tayo ngayon."

"Oh shut up." Sabi ko at pumangalumbaba.

Nilapag ng waiter ang Jack Coke na inorder ko. Napanood iyon ni Noah at agad kong kinuha ang glass.

"Sa Cali kami madalas pumupunta ng family ko. Don kami nagbabakasyon. Nandon kasi ang tita namin. You know..." Patuloy na kwento ni Stan.

"I don't like the drunk version of you." Bulong niya.

"You don't have to like anything about me." Umirap ako at mabilis niyang kinuha ang aking inorder. "Noah!" Sigaw ko.

"Kayong dalawa!" Sigaw ni Stan sa iritadong tono dahil nawawala siya sa momentum dahil sa amin ni Noah. "Umalis na nga kayo dito! Don na muna kayo sa kabilang table! Maghanap kayo ng ibang table!"

Napalunok ako. "Si Noah na lang ang paalisin mo, Stan. Siya ang nanggugulo!"

"Umalis na kayo, Meg. Don na kayo kina Everlyse. Kanina pa kayo ah!?" Habang sinasabi iyon ni Stan ay hinatak na ako ni Noah paalis don.

Bago pa ako makapag protesta ay nasa mesa na kami nina Everlyse at Carlos. Malaking sofa at silang dalawa lang ang naroon.

"Oh it's you two..." Natatawa at mukhang lasing na si Everlyse. "Join us!"

"Thanks, Everlyse." Sagot ni Noah at ang kapal ng mukhang umupo sa isang sofa.

Tumingala si Noah sa akin at kumunot ang noo niya sa pagkakatayo ko. Hinila niya ako paupo. "Great!" Sarkastiko kong sinabi.

Nagtawag ako ng waiter para sa isa pang Jack Coke kahit na nakita ko ang pagkakairita at hamon sa mukha ni Noah. Tinarayan ko lang siya at ilang beses na inirapan. Ang galit sa mukha niya habang nakatitig sa akin ay unti unting napapawi at napapalitan ng ngiti.

"Para kang bata." Aniya.

"Wala akong pake." Sabi ko, diretsong nakatingin kay Everlyse at Carlos na nagkukurutan sa gilid.

"I'm sorry." Bulong ni Noah.

Laking gulat ko sa biglaan niyang sinabi kaya nilingon ko siya. Nakatagilid ang ulo niya, mapupungay ang mga mata, ay nakangiti na parang pagod sa akin. I'm sorry for what? Bumagsak ang mata niya sa aking labi. Nanlaki ang mata ko at natigilan.

Tumili si Everlyse na siyang umagaw ng aming atensyon. Hinalikan ni Everlyse si Carlos sa labi. Humalik pabalik si Carlos at nakita kong kinagat niya ang labi ni Everlyse. Hindi ko na naiwasan ang pag face palm. Ano ba naman ito?

Tumayo ng bigla si Noah. Tiningala ko siya. Halos makumpirma ko na iiwan niya ako ng mag isa sa loob ng Cafe nang bigla siyang lumiko patungo sa stage. Nagulat ako kaya sinundan ko siya ng tingin.

Nilapitan niya ang walang taong keyboard at pinindot ang isang key. Napatingin ang mga tao sa kanya. Nilingon ko sina Stan at nakita kong nagtataka din sila.

Inayos ni Noah ang microphone sa harap ng keyboards at nagsimula siya ng isang pamilyar na tugtog. Napaupo ako ng maayos at nalaglag ang panga ko. He's gonna sing in public! He's gonna sing in public!

Sa intro pa lang ng ay parang nawawasak ang puso ko.

"Kailan siya na tutong tumugtog ng keyboard?" Wala sa sarili kong sinabi.

Pinahaba niya ang intro na dahilan kung bakit mas lalo akong namangha. Parang loop ng intro nung particular na kanta.

"The reason why I walked out when I heard you sing this to me, Miss, is because I tried to sing this for you when you left me." Aniya.

Nalaglag ang panga ko at tinakpan ko na lang ito ng aking kamay.

"Damn, memories." Aniya bago sinimulan ang pag kanta.

"Know I haven't slept a week at all

Since you've been gone

And my eyes are kinda tired

From crying all night long

Know I've never been too good at cooking just for one

It's so lonely here without you baby

Come back home..."

Hindi ako makahinga at ang luhang akala koy natuyo na ay nagsimulang namuo sa gilid ng aking mga mata.

"'Cause I'm half crazy

Feelin' sorry for myself

Half crazy

Worried you'd find someone else to love

But baby there is no-one else

Half crazy..."

Continue Reading

You'll Also Like

29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
10.6K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...