Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXIV; Complicated
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER XXVI; Officially

17 28 2
By laymedown_07

-KIANDRA-

Kinabukasan...

Maaga akong nagising dahil nakakahiya nman sa kung sino ngayon ang susundo sa akin.

Niligpit ko na muna ang pinaghigaan ko bago kumuha sa closet ng pang doble ko sa uniform, at dumeretso sa bany ng kwarto ko.

Pagkatapos ng morning routine ko, bumaba na ri ako para mag breakfast. Mamaya na lang ako mag t-toothbrush after kumain.

Ang nakasimangot na Aaron ang bumungad saakin pagkarating ko sa kusina.

Nakakunot noo kong pinagmasdan siya hanggang sa pag-upo ko

Hindi ko alam kung dahil sa binabasa nito sa dyaryo kaya siya nakasimangot, o talagang ganiyan na ang mukha niya.

Problema ng isang 'to?

"Tila ka pinagsakluban ng langit at lupa".

"Don't talk to me. Badtrip ako".

Pinagtaasan ko siya ng isang kilay. "Wow. Gold ka na"?

"..."

"Tsk. Sungit".

Kumain na lang ako ng hinain ni Yaya sa akin na almusal ko, at hindi ko na pinansin pa ang masungit na Aaron.

Siguro, may lahing pusa ang isang ito, kaya ganito ang mukha nito.

"Nga pala. Kinausap ka ni Alexa ngayon"?

"..."

"Huy! Nabingi ka na"?

"..."

Sabi mo huwag kitang kausapin, diba? Masunurin akong bata.

"Nabubuang ako sa inyong mga babae"! Inis nitong ginulo ang buhok niya, sabay tayo.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

"Bakit kasi hindi mo pinapansin". Natatawa-tawang sambit ni Yaya.

"Sabi niya po kasi... 'Don't talk to me'". Ginaya ko pa ang tono niya sa huling sentence ko. Tinawanan lang ako ni Yaya habang napapailing.

Nakailang subo pa lang ako nang marinig namin parehas ni Yaya ang pag busina ng kung kaninong kotse sa labas.

"Ang sundo mo na yata iyon".

"Ang aga naman. Nakakailang subo pa lang ako eh".

"Doon ka na lang sa canteen niyo kumain".

"Mas masarap pa rin po ang luto niyo rito". Nguso ko.

"Ikaw talagang bata ka. Nambola pa". Pinagtawanan lang ako ni Yaya.

"Totoo nga po".

"Oh siya. Hinihintay ka na".

"Bye po. Uwi po ako agad".

"Mag-iingat kayo".

"Umm".

Nag toothbrush na muna ako at umakyat sa kwarto ko para isuot ang uniform ko, 'tsaka lumabas ng bahay.

Bumungad sa akin ang isang napakagwapong nilalang pagkalabas ko ng bahay.

Lakas maka-fairytail~

Nakangiti akong lumapit sa kaniya. "Good morning, Milady".

"Good morning to you too, handsome". We both chuckled. Inalalayan ako nito sa pagsakay sa passenger seat, bago siya dumeretso sa driver's seat.

"Kumain ka na"?

"Ilang subo".

"Bakit ilang subo lang"?

"May gwapo kasing nilalang ang biglang dumating".

"Should I make it up to you"?

"...".

"Tama na ba ang kagwapuhan ko"?

"Lakas". We both laughed.

Pagkarating sa classroom, taka akong napatingin sa upuan ko.

Bakit wala pa si Alexa? May nangyari na naman kaya?

Tahimik akong umupo sa assigned seat ko. Kinuha ko ang phone sa bulsa ng blouse ko at binuksan ito.

"Oh. Bakit nakasimangot ka jan"?

Napatingin ako sa kararating lang na Jicyl. Simula kasi ng bumalik rito ang babaeng ito, nagpatransfer na siya rito. Ayaw na raw niya kasing malayo sa akin.

Mas mukhang jowa ko pa nga ang isang ito, kesa kay Drik.

"Wala pa kasi si Alexa. Usually, siya ang nauuna kaysa sa akin".

"Huwag ka masyadong mag-alala sa isang iyon".

Umupo ito sa tabi ko. "Natural lang na mag-alala ako. Para namang hindi mo kaibigan si Alexa".

"To be honest, I don't like her. Pero malaki na ang babaeng iyon. Kaya na niya sarili niya".

"Good morning class"!

Umayos na kami ng upo. "Good morning, Ma'am".

"Before we proceeed, I want to inform all of you, that Ms. Alexandra Kate Reyes is no longer my student.

Nagkatinginan kami ni Jicyl. "Bakit Ma'am"?

"Nag drop out siya kaninang umaga, Ms. Lunox".

Sa pangalawang pagkakataon, nagkatinginan muli kami ni Jicyl.

Nang mag-uwian na, nagmamadali kami ni Jicyl pumunta sa building ni Drik.

Medyo may kalayuan ang building nila sa building namin, but I badly need to talk to him.

"Drik"! Tawag ko rito nang makita ko siyang nag-aayos na ng gamit niya.

Napatingin ito sa amin at agad na nilapitan kami.

"Why? Something happen"?

"Nag drop out si Alexa kaninang umaga".

"What? Alam na ba ni Aaron"? I shooked my head.

Nagmamadali itong kinuha ang phone sa bulsa ng polo niya. Habang ako, hindi malaman ang gagawin, habang nakakagat sa ibabang labi ko.

Ano bang problema ng mga 'to? Jusko!

"Ano? Kinontact na ba kayo"? Tanong ni Aaron sa aming lahat.

Nandito kami ngayon sa isang cafe malapit sa school namin. Pagkatapos kasi ng mga klase namin, napagkasunduan naming lahat na rito magkita-kita.

Nandito rin ang buong gang mates nila, except kay Ralph. Lately ko lang rin nalaman na may gang pala ang mga ugok na ito. Kung hindi pa maaaksidente si Dan, ay hindi ko pa malalaman. Todo amo naman sila sa akin pagkatapos kong mag amok sa kanilang lahat.

"Wala pa rin". Sagot ko.

"T*ngina naman"!

"Bro, calm down". Pagpapakalma naman ni Kuya Charles kay Aaron.

"Calm down? How can I calm down, kung nawawala ang babaeng mahal ko"? Napangiwi naman ako.

Kadiri. Ang corny mo~

Syempre sa isip ko lang iyan. Baka majombag ako kapag sinabi ko ng malakas.

Sayang ang kagandahan ko. Charot!

"Ano ba kasing nangyari sa inyo at nagkagano'n si Alexa"? Usisa ni Jicyl.

"Nagkasagutan kami sa text. Pumunta ako sa room nila kahapon, pero wala na siya roon. Pero naghintay pa ako ng isang oras. Nagbabakasakaling nag cr lang siya o ano at babalik din doon. Pero nag text siya ng nakauwi na siya. Tapos ayon"...

Sandali itong napabuntong hininga bago nagpatuloy.

"Kinain ako ng overthink ko. Nag sorry siya, pero ako itong si Tanga, sinabi ko na baka kasama niya lang si Ralph sa pag-uwi niya, kaya hindi na niya ako tinext".

"Kaya pala eh". - Dan

"Ang shunga mo sa part na iyon". - Jicyl

"Kung ako si Alexa, nakotongan na kita". - Kuya Charles.

Napapailing na lang ako sa kanila. "Minsan, nanggigigil talaga ako sa mga desisyon mo sa buhay".

"Tapos, all of a sudden, nag text siya ng she think, we need space. I tried to call her many times, pero hindi ko siya ma-contact". Dagdag pa ni Aaron.

"Ay, binlocked". Sinipa ko naman si Jicyl.

Minsan talaga ang bibig ng babaeng ito, hindi mapigilan.

Nakakaloka...

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan.

"Hindi ko alam na nakakakitid pala ng pag-iisip ang pagmamahal na iyan". Out of nowhere na sambit ni Drik. Pasimple ko naman itong sinipa rin, pero ang lalaking ito, matigas lang na nakatitig kay Aaron.

"Ano bang gusto mong iparating"? Maangas na tanong ni Aaron.

Mag-aaway pa yata ang dalawang 'to rito.

"Kaibigan mo rin si Ralph. That's all".

"Wala akong kaibigan na nangtatalo".

"Ito na naman po sila". Parinig ni Kuya Charles sabay paikot ng mga mata niya.

"Drik". Saway ko rito, pero hindi niya ako pinansin.

Okay. Deadma ang beauty ko.

"Tinalo? Walang tinalo si Ralph sa iyo Aaron. No one can control their feelings for someone. Umiwas siya ng may maramdaman siya kay Alexa, and we both knew that".

"So, pinagtatanggol mo sa akin ang Ralph na iyon? Mas kinakampihan mo siya, gano'n ba Lars, ha"?

"Wala akong kinakampihan sa inyo. Ralph tried his best para lang hindi makagulo sa inyong dalawa ni Alexa. Sana maisip mo rin ang sakripisyo ni Ralph. Hindi lang puro ikaw".

"Kung siya rin naman ang ipagtanggol mo, mabuti nang umalis ka na lang sa gang at sa buhay ko".

Napatingin ako kay Drik. Hindi makapaniwalang natawa ito sa sinabi ni Aaron.

"Aaron". Saway ko rito, pero kagaya ni Drik, matigas rin itong nakatitig kay Drik.

Jusko! Nai-stress ako sa layp ko!!

"You know what? I'm done sa pag-intindi jan sa makitid mong utak". Tumayo ito at deretsong lumabas ng cafe.

Sinundan lang siya ng tingin ni Aaron at pagkatapos, ako naman ang tinignan nito.

"What are you waiting for? Sundan mo na ang the one mo. Magsama kayo".

"Wait lang. Bakit parang kasalanan ko pa"? Tanong ko, with matching hawak sa dibdib ko.

Nakakaloka~

"Huwag mong idamay sa init ng ulo mo si Kia, Aaron". Saway ni Jeff sa kaniya.

Thank you Jeff! Ilabyu na~

"Relax bro". Second demotion naman ni Dan.

Mahal ko na kayo guys~

"Ano Kia? Tumayo ka na. Sundan mo na. Kawawa naman. Baka pakiramdam na no'n inapi siya. Magsama kayong dalawa. Ganiyan naman kayong mga babae eh. Mas pinipiling makasama ang mga gusto lang nilang intindihin".

Hindi ko na kaya this! Ang level of annoyance ko, nag 100 na!

"Kung kausapin mo ako, parang ibang babae lang ako at hindi mo ako pinsan ha? Hindi ako mananatili rito kung hindi ko mas piniling intindihin ka, Aaron, pero pinipilit mo akong baguhin ang desisyon ko".

Ilang segundo kaming binalot ng katahimikan bago ako muling nagpatuloy.

"Kung alam ko lang na magiging ganiyan kakitid ang utak mo dahil kay Alexa, sana nung una pa lang, hindi na ako gumawa ng paraan para maging kayo, at sana hindi na lang kita sinuportahan sa kaniya. Mahal kita kung sino ka, but I guess, kailangan ko ring mawala sa buhay mo para gumana ulit 'yang utak mo".

Tumayo ako at umalis sa harapan nila. Lumabas ako ng cafe at nilibot ang paningin ko sa paligid.

Malayo sa paningin nila Aaron, ay nandoon nakapark pa rin ang kotse ni Drik.

Lumapit ako rito at kumatok sa bintana ng Driver's Seat. Napaangat ang tingin nito sa akin.

Tinuro ko naman ang passenger seat. Napatingin ito roon, bago muling ibinalik sa akin ang paningin niya, at tumango.

Pumunta ako sa may passenger seat at binuksan ang pinto.

"I'm sorry". Sambit ni Drik pagkaupo ko.

"For what"?

"For scolding Aaron".

"Bakit ka sa akin nag s-sorry? Hindi naman ako ang nakaaway mo".

"Still, he's your cousin. I know you felt hurt when I scolded him".

"Deserve naman niya, so no worries".

"Still, I'm s-"

"Shh! Tapos na iyon. Kaya okay na, hmm". Inayos ko ang seatbelt. "Saan tayo"?

"Hindi na natin sila hihintayin"?

"Akala ko ba ayaw mong makita si Aaron"?

"Umm".

"So, tara na". Sabay kaming napatawa ng mahina habang napapailing.

Binuhay ni Drik ang makina, pero bago pa niya mapatakbo ang kotse, may kung sino ang nag text sa akin.

Kinuha ko ang phone sa loob ng bulsa ng blouse ko.

Sabay naming binasa ito ni Drik.

From: Alexa ♡
- Hi Kia . Nag stop by lang kami kaya ako nakapag text , pero papunta na ako sa US ulit . I'm sorry kung hindi agad kita na inform . Alam ko kasing pipigilan mo ako eh .

Kailangan ko lang munang hanapin ang sarili ko . Please take care of yourself lalo na si Aaron at Ralph .

I'm sorry . Naging unfair ako sa kanila . Babalik rin ako . Siguro kapag Nakamove on na rin ako kay Aaron at gano'n din silang dalawa ni Ralph para sa akin .

Thank you . . .

-end-

Nagkatinginan kaming dalawa.

Should I tell this to Aaron?

4 months has passed...

"Akin na nga sabi 'yan eh".

"Hayaan mo nga ako. Bakit ka ba nandito ha"?

"Baka bahay ko rin ito, ano"? I sarcastically said. I rolled my eyes nang tignan niya ako ng masama.

"Sipain kita jan eh".

"Sapakin kita jan eh. Tigilan mo na nga 'yan"!

"Ano ba"!

"Kakulit ng lahi mo".

"Magkalahi lang tayo, Kia".

"Che! Ang point rito, tigilan mo na 'yan".

Pabagsak akong umupo sa katapat niyang sofa nang kunin nito ang alak na nasa tabi niya.

Pambihira. Kinuha ko na nga yung hawak niya, yung katabi naman niya ang kinuha. Jusko!

"Pag-aaral at yung the one mo ang intindihin mo. Huwag ako".

"Pwede bang hindi kita intindihin"?

"Umm".

"Pinsan kita. Mahal kita. Ano ba"!

"..."

"Pagbibigyan kitang magpakalasing ngayon. Pero huli na ito. Kapag hindi ka pa umayos, yare ka na sa akin"!

"Tsk". Tinuloy pa rin nito ang pag-inom niya sa bote ng alak niyang hawak.

Ayaw mong maniwala ha! Sige!

"Huwag mong hintaying ako naman ang tuluyang mawala sa iyo, Aaron".

Nakita kong napatigil ito, kaya tumayo na ako para iwan siya sa salas. Napangisi ako pagkatalikod ka.

Sana um-effect ka~

Dumeretso ako sa kwarto ko para kunin ang gitara ko. May usapan kasi kami ni Ralph ngayon.

Ilang buwan na ang lumipas simula nang umalis si Alexa sa bansa. Simula no'n, umakto na si Aaron ng miserable, habang si Ralph naman, nagpatuloy pa rin sa buhay, although, nasaktan siya, dahil siya ang pinakahuling nakaalam ng paglisan ni Alexa.

Sabi ko na lang na lalo lang siyang masasaktan, kung magpapaalam pa sa kaniya si Alexa. Isa pa, iniiwasan niya nga ito, kaya paano pang makakapagpaalam yung isa?

Tuloy pa rin ang Oplan Move on 101 namin ni Ralph. Hindi namin siya iniiwan ni Drik ng nag-iisa lang.

Mahirap na. Baka maging Aaron the second siya, or worst, mabuang nang wala sa oras.

"Haist! Kapagod"! Pabagsak akong naupo sa sofa pagkarating ko sa mala-condominuim na bahay ni Ralph.

"Pagod na pagod ka naman yata"?

Inilapag nito ang juice niyang itinimpla para sa aming dalawa. Nginitian ko siya bago sumimsim sa juice.

"Ang daming ganap sa school. Palibhasa, graduating na kami kaya ayon, nilulubos ng mga prof's namin".

"Parehas na kayo ni Drik". Natatawa-tawang sambit niya. "Oo nga pala. Nasaan na ang lalaking iyon"?

"Nasa school pa. Busy. Iba talaga kapag favorite ng prof". Natawa kami parehas. Napatitig ako sa mukha nito nang may mapansin akong sugat sa labi niya. "Napano ang labi mo"?

Tila kinakabahan naman niya itong hinawakan.

Ano naman kaya ang ipapalusot niya this time?

"A-Ah, ano. Nakagat ko lang kanina. Don't mind this".

"Bakit tila tuwing nakikita ko na lang kayo ni Drik this past few days, lagi na lang kayong may sugat sa iba't-ibang bahagi ng pagm-mukha o katawan niyo"?

"Coincidence lang iyon".

"Really? I know you Ralph. I can say when you are telling the truth, and when you are not".

"Ay, may kukunin nga pala ako".

Pinaningkitan ko ito sandali ng mga mata, bago napapailing na tumango. "Gora lang... I'll wait for you and Drik to tell me what's the problem whenever the both of you are ready". Napansin ko itong panandaliang napatigil bago ako iniwan mag-isa rito sa salas.

Wala naman akong magagawa kung ayaw pa nilang sabihin sa akin.

Hihintayin ko na lang...

Ilang minuto lang ang lumipas, nang bumalik ulit ito. "Hmm". Sabay abot niya ng isang medium size na kulay puting box.

"Ano ito"?

"Box". Sinamaan ko lang siya ng tingin na tinawanan lang niya. Binuksan ko na lang ito.

Minsan talaga nakakabobo kausapin itong si Ralph.

"Hoy!! Saan mo ito nabili"? Parang batang sambit ko.

"Ako mismo nag bake niyan". Nakangiti itong umupo sa tabi ko.

"Naks. Talaga ba"?

"Of course".

"Chef ka na ngayon"? Natatawa-tawang sambit ko. "Sa akin ba ito? Kainin ko na ha"?

"Umm".

Ngayon lang kasi nag bake ang isang ito. Sa tagal ko nang kakilala si Ralph, never ko pa itong nakitang nag bake para sa kung kanino.

"Anong meron at pinag bake mo ako"?

"Wala lang. Thank you gift ko na rin dahil hanggang ngayon, tinutulungan mo pa rin ako makalimutan si Alexa".

"Tsk. Hindi mo naman na kailangan akong pag effortan ng ganito dahil lang doon. Magkaibigan tayo. Given na iyon".

"I still want to do it".

Hindi na lang ako sumagot, at tuluyang inubos ang macaroon na hawak ko.

"Infair. Ang sarap ha".

"Syempre. I made it with love".

"Naks"! Pabiro ko itong siniko na ikinatawa niya lang.

🎶 Bright cold silver moon
Tonight alone in my room
You we're here just yesterday 🎶

Sa kalagitnaan ng tawanan namin ni Ralph, ay may kung sino ang tumawag sa phone ko.

Kinuha ko ito sa harapang bulsa ng guitar bag ko.

"Bakit jan mo nilalagay ang phone mo? Pambihira ka talaga".

Malaking ngiti na lang ang isinagot ko sa kaniya, habang siya napapailing na lang. I chuckled.

"Hello"?

[Kia! Nasa hospital ako ngayon].

Ipinatong ko ang box ng mga macaroons sa center table at umayos ng upo.

"Ha? Teka. Bakit? Anong ginagawa mo jan"?

Napatingin ako kay Ralph nang mapansin kong may isinesenyas siya.

"Loud speaker mo". Bulong niya.

Sinunod ko naman siya.

[Hindi sa akin... Kundi kay... kay Lars].

Natutop ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya napatulala na lang ako.

[Kia]?

Napansin ito ni Ralph, kaya kinuha niya mula sa akin ang phone ko, at siya na ang kumausap sa kabilang linya.

"Text the exact address of that hospital".

[Naka-loudspeaker ba ito]?

"Umm".

[Tatawag ako sa number mo. Huwag mong i-loud speaker].

Hindi ko na alam ang susunod nilang pinag-usapan dahil kinain na agad ako ng pag o-overthink ko.

Is Drik okay? Anong nangyari?

Ilang minuto akong tila sabog dahil sa pilit kong pagpapakalma sa sarili ko, bago ako tumayo.

"Kia".

Sandali lang akong lumingon kay Ralph.

"I'm going with you".

"Okay".

Tinakpan muna ni Ralph ang box na ibinigay niya sa akin, bago tuluyang iwan ito sa ibabaw ng center table.

Lumabas kami sa mala-condominuim niyang bahay at dumeretso sa kotse niya.

"Ako na ang mag d-drive".

Tumango na lang ako, at dumeretso sa may passenger seat.

Hindi ako mapakali buong byahe. "Don't think to much".

"Paanong hindi ako mag-iisip ng kung ano-ano, eh nasa hospital ngayon si Drik"?

"I mean, just relax". Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa.

Halos lagpas kalahating oras rin nang tumigil ang kotse ni Ralph.

"We're here".

Nauna itong bumaba sa akin at nagmamadali akong pinagbuksan ng pinto.

Magmamadali na sana ako sa paglalakad, nang mapansin ko ang paligid.

"Teka. Hindi naman ito hospital ha"?

"..."

"Paano mo nalaman ang lugar na ito"?

Ang White House...

"Let's go"? Sabay lahad niya ng kamay niya. I stood still. "Trust me".

Nagd-dalawang isip man, pero kinuha ko pa rin ang nakalahad na kamay ni Ralph.

Nakangiti itong inalalayan ako papasok ng White House.

Madilim sa loob pagkabukas ni Ralph ng pinto.

"Kuya Charles"? Mahina kong tawag sa kanila.

Napatingin ako kay Ralph nang bitawan niya ang kamay ko, at pumunta sa may gilid ng silid.

Nagulat ako nang isa-isang nag bukas ang maliliit na ilaw sa loob. Sapat na para makita ko ang mga taong nakahilera sa harapan ko, habang may hawak ng tig-iisang piraso ng papel.

May nakasulat na letra ang bawat papel nilang hawak. Napatakip ako ng bibig ko ng mabasa ko ang nakasulat.

'B E M Y G I R L'

Kasabay ng pagtakip ng bibig ko, ay ang paglabas ng taong inaasahan ko sa gitna nila.

Kinabahan ako ng malala tapos isang pakulo lang pala nila iyon!

...[Playing; 'Til I Met You by Angeline Quinto]...

Dahan-dahan itong lumapit sa akin at inabot ang bouquet ng Smeraldo flowers.

Nakangiti ko itong tinanggap. "Nakakainis ka. Akala ko talaga may nangyari nang masama sa iyo". Napakamot naman siya sa likurang bahagi ng ulo niya kaya mahina akong natawa.

"Sorry. I really don't have any idea how will it work when it comes to stuff like this. Si Charles lang talaga ang nag suggest sa akin nito".

"Paano mo nahanap ang mga bulaklak na 'to? Mahirap makahanap ng ganito ha"?

"I have my ways". Sabay kindat. Pabiro kong sinuntok ang braso niya na ikinangiwi niya.

"Umm".

"So..."?

"Umm". Nakangiti akong tumango.

"What umm"?

"I'll be your girl".

Hindi makapaniwalang ngumiti ito. Natatawa ako sa itsura niya, dahil hindi ko alam kung nahihiya ba siya o sadyang hindi niya alam kung anong expression ng mukha ang gagawin niya.

"So, tayo na"?

"Umm".

Masaya ako nitong niyakap. Nagulat pa ako nang bigla niya akong buhatin at sandaling inikot sa ere habang nakayakap siya sa akin.

Parehas kaming nakangiting nakatingin sa mga mata ng isa't-isa pagkalapag nito sa akin.

"Napipi na yung mga bulaklak".

"Thank you for letting me in once again into your life. Araw-araw pa rin kitang liligawan. This time, hindi ko na sasayangin pa ang binigay mo at ng tadhanang pagkakataon sa akin". Marahan nitong hinawakan ang kaliwang pisngi ko gamit ang kanan niyang kamay.

"Makalimot man ang utak ko, pero ang puso ko, lagi kang makikilala at mamahalin. I will do anything to be your first and last".

"I'm going to die".

Unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"Dahil sa tuwing magkasama tayo, tila ako inaatake sa puso sa sobrang bilis ng tibok nito at sa pagiging abnormal ng paghinga ko".

Nakahinga naman ako ng maluwag. "Baliw ka".

"Kia. I'm going to die".

"I love you too, Drik".

And with that, I felt his lips pressed into mine.

I hope everything will be okay sa aming magkakaibigan...

-TO BE CONTINUED-

Continue Reading

You'll Also Like

262K 16.2K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.1M 44.9K 101
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
873K 24K 6
In the fairy tale, there is always a handsome prince clad with his sword that will save you from the evil. He will sweep you off your feet with his m...