The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 3

3.9K 75 5
By Aimeesshh25

JERACE'S POV

Mabilis akong tumakbo at hinabol si Drain na nakalayo na talaga sakin. Hinihingal akong tumabi sa kaniya. Hindi man lang siya lumingon at diretsyo sa unahan ang tingin.

"Sasabay ako ah?"

"May driver ka."

"Wala namang sasakyan. So sa driver ako sasakay?"

Masama siyang tumingin sa'kin. Agad akong ngumiti. "Joke lang. Hehe."

Inilabas ko ang cellphone ko nang tumunog iyon. Nagtext si Mang Fred at papunta na raw siya. Nanlaki ang mga mata ko!

Hindi puwede!

Agad akong nagtipa ng mensahe sa kaniya.

To: Mang Fred.

Hindi na po ako magpapasundo. May lakad po ako at may maghahatid na po sa'kin. Salamat po!

Sinend ko agad iyon. Napatingin ako kay Drain na seryosong naglalakad.

"Parating na raw?" Aniya.

Nagulat ako roon. "Hindi eh. Sobrang sakit ng tiyan niya at hindi niya raw ako masusundo." Pagdadahilan ko.

"Hmm, okay." Tipid na sagot nito. Napangiti ako. Makakasabay ko na siya! Hehe. "Mag-abang ka ng taxi sa labas." Dugtong niya pa na nagpalaglag sa panga ko.

"Ano?! Hindi mo talaga ako pasasakayin sa sasakyan niyo huh?"

"Bawal ka roon."

"Bakit naman?"

"Ayaw ko eh."

Ngumuso ako. Nakababa na kami at tahimik na naglalakad palabas na ng building nila.

"Ang daya mo!" Naalala ko yung Ash. "Pero kapag 'yong babae, payag ka kaagad.'' bulong ko.

"Maganda siya eh." Kibit-balikat niya.

Inis ko siyang nilingon. Nag-iinit ang ulo ko sa sinabi niya! Ano raw yun?

"Maganda rin naman ako!"

Ngumisi siya. "Matangkad siya."

"Ako rin!"

Sumulyap siya sa'kin. "Wala siyang make up. Natural ang ganda."

Sumimangot na talaga ako. Ang sama sa pakiramdam! Buwisit ka, Drain!

"A-Ako rin." Mahinang sabi ko.

"Hindi siya makulit." Nang-aasar na sabi niya.

Halos matawa ako. "Hoy! Makulit 'yng Ash na yun! " Para siyang kiti-kiti.

Tumigil siya at tiningnan ako. Halos maubo ako sa tingin na binigay niya. Nahiya ako sa itsura ko ngayon! Shet! Fresh pa ba ang itsura ko?

Tumaas ang kilay niya na lalo kong ikinahulog. Tinitigan niya pa ako kaya nakagat ko na ang labi ko.

Punyeta! Kinikilig ako!

Ngayon lang niya ako tinitigan ng ganito. Malalim, nang-aakit at gustong mangagat. Napangisi ako sa naisip. Enebe, self! Ang harot!

"A-Ano ba!" Kunyarimg inis na sambit ko.

Nagkibit-balikat lang siya. "Ka-edad ko lang siya."

Napanganga ako. Nagpatuloy siya sa paglalakad na parang walang kung anong sinabi sa'kin. Pagdating sa age, wala talaga akong laban!

Because, I'm young, fresh and beautiful! Joke.

Sumunod ako sa kaniya at hindi pinansin ang kaniyang sinabi.

"Dalawang taon lang naman ang tanda mo sa'kin no!" Sambit ko pa.

"Still, bata ka pa rin."

Ngumisi ako. "Okay. That's why, I'm your baby."

Natigilan siya sa paglalakad at kunot-noong tumingin sa'kin. Ngumiti ako nang malaking-malaki!

"Yes, Drainy?" Pang-aasar ko.

"You're crazy. " Inis na sambit niya at tumalikod sa'kin.

Imbes na mainis din e kinilig pa ako! Ang lakas ng tama ko sa'yo, Drain!

"It's okay! Basta sa'yo lang!" Humagikhik pa ako at sumunod ulit sa kaniya.

Nailing na lang siya at hindi na ako pinansin. Ngingisi-ngisi ako habang katabi ko siya. Tameme ang baby ko oh?

"Alam mo kahit na mas bata ako, hindi naman halata." Pagbabalik ko sa usapan.

Hindi siya nagsalita, ni lumingon man lang. Syempre, asa pa ako 'no?

"Kasi sabi ni Mommy, maganda raw ako at sexy." Nilingon ko siya. Tamad siyang nakikinig sa'kin kaya ngumisi ako. "Bakit kasi late akong pinanganak? Siguro, ginagawa pa lang ako, habang ikaw makulit na agad."

"Shut up. Ang ingay mo." Ngumuso na lang ako. Ang taray mo.

Nakalabas na kami ng gate. Umayos agad ng tayo si Mang Gara nang matanawan kami. Ngumiti ako. Feeling ko, girlfriend ako ni Drain at ihahatid niya ako sa bahay.

"Hi! Mang Gara!" Bati ko sa kaniyang driver na ngumiti din sakin.

"Hello po, Mam Jerace. Sasabay po kayo?"

"Hindi, Mang Gara. Magtataxi siya." Singit ni Drain. Binuksan niya ang pintuan sa likod at sumakay na roon.

Ngumuso ako at tiningnan ang nagtatatakang si Mang Gara. Pilit akong tumawa.

"Nako, nagbibiro lang po 'yon. Sasabay po ako!"

"Ah ayos po 'yan, Mam! Nakakatakot na rin bumyahe ngayon."

"Mang Gara, let's go. May mga gagawin pa ako." Magalang na yaya niya.

Anong gagawin? Makipag video call don sa Ash na 'yon?

Tumango ang driver at minuwestra na pumasok na ako. Ngumiti agad ako at pumasok saka tumabi sa lalaking nakasimangot na.

"Hi, Drain." I whispered.

Hindi niya ako pinansin at lumayo pa sa'kin. Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil ng ngiti. Sinulyapan ko siya at nakatingin na siya sa kaniyang cellphone.

May sakit ba ako? Layo naman ng baby ko.

Dahan-dahan akong umisod palapit sa kaniya. Busy naman siya sa kaniyang cellphone kaya hindi niya napapansin. Pasimple pa akong lumapit. Napangisi ako nang maamoy ang kaniyang pabango na labis na pumupukaw sa pagiging babae ko.

Ay hala, Jerace Marielle! Iba na 'yang naiisip mo ah!

"I know what you're doing. Stop it."

Napatigil ako sa mariing sambit niya noon. Sinulyapan ko siya pero nanatili ang mga mata niya sa cellphone. Napansin ko ang kaniyang braso. Nakayakap ang kaniyang uniform dito. Grabe! Ang daming ugat at malaman ah! Hehe. May naisip ako kaya umaray pa ako.

"Ang sakit kase ng ulo ko." Sambit ko, tila nasasaktan.

Lumingon siya sa'kin, nakakunot ang noo. Hinawakan ko ang ulo ko, pero sa isang maganda at sexy'ng paraan. Bumaling ako sa kaniya, bahagyang nakaawang pa ang mga labi.

"Shaket ng ulo ko.." I pouted my cute lips.

Napaayos siya ng upo at tumaas ang kilay. Umiwas siya ng tingin, kaya napangisi ako. Anong nararamdaman mo, Drain?

He cleared his throat. "Sobra ba ang sakit?"

Tumango ako. Pinipilit na tumingin siya sakin. "Uhm, opo."

Mabilis siyang bumaling. Nairita yata sa pag-opo ko! Lumapit pa ako sa kaniya. Sinandal ko ang ulo ko sa matigas niyang braso. Nakapikit pa ako para mas kapani-paniwala.

"Opo, Drainy. Ang sakit.." bulong ko pa. Rinig ko ang paghinga niya ng malalim. Tila nahihirapan sa pwesto namin.

Shemay! Ang lapit ko sa kaniya.

Dahan-dahan kong inabot ang kamay niya at pinatong doon ang kamay ko. Napangiti ako dahil kinikilig ako. Para ko siyang boyfriend!

"Masakit ang ulo mo?" Tanong niya.

Tumango ako. "Opooo!"

Nagulat ako nang itulak ng kaniyang daliri ang ulo ko at sinandal sa upuan. Inilayo niya pa ako sa kaniya at ngumisi sa'kin.

"Diyan ka sumandal." Sinamaan niya ako ng tingin. "Para-paraan ka talaga. Mas malambot iyan,para marelax ka."

Ngumuso ako. "Ayos lang naman sa'kin kung sa matigas eh."

Nanlaki ang mga mata niya. "Tumigil ka."

Pinanood ko siyang tumingin sa labas at pumikit. Dikit na dikit siya sa gilid na akala mo naman ay mahahawa sa'kin. Ang sungit talaga ng Drainy ko.

Pinagbuksan ako ni Mang Gara ng pinto. Lumabas agad ako at humarap sa kaniya, ngunit napaatras pa ako nang lumabas rin si Drain.

"A-Ah, pasok na po ako. Thank you!"

Ngumiti si Mang Gara. "Wala po 'yon, mam!"

"Mam Jerace!" Kinabahan ako nang makita kong palapit sa amin si Mang Fred. "Buti naman, nakauwi na kayo." Aniya nang makalapit.

"Ayos na ho ba ang pakiramdam niyo?" Mahinahong tanong ni Drain.

Takang nilingon siya ni Mang Fred. Napapikit ako sa kaba. "Ayos naman po ako. Hindi naman masama ang lasa ko."

"Hmm." Tumango si Drain at tumingin sa'kin. Umiwas ako ng tingin. "May LBM daw ho kayo?"

Nananadya talaga itong baby ko eh!

Umiling agad si Mang Fred. "Naku! Wala ho! Katunayan, susunduin ko na sana si Mam Jerace kaya lang nagtext siya at may pupuntahan daw, may maghahatid naman daw sa kaniya. Kaya hula ko, ikaw 'yon. Salamat, sir Drain!" Buong giliw na sinabi niya.

Pinandilatan ko ng mga mata si Mang Fred na nakatingin pa rin kay Drain. Tumikhim si Drain at nakangisi na sa'kin.

"LBM huh?" Pang-aasar niya pa bago tumango kay Mang Fred. "Mauna na ho kami." Paalam nito.

Agad akong tumalikod at hindi na hinintay na makaalis ang sasakyan niya. Jusme! Nakakahiya!

Tiningnan ko si Mang Fred na takang nakatingin sa'kin.

Marami ka ng nalalaman, kailangan mo ng itumba!

Continue Reading

You'll Also Like

912K 31.1K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
68.4K 37 47
R18
4.9M 320K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...