Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 7

1.9K 106 14
By CrabLamb

"Sab."

Napalingon ako kay Kuya Fred nang tawagin niya ako. Kakabigay ko lang ng polio vaccine sa isang nurse.

Hindi ako sumagot sakaniya pero pinarating ko sakaniya na nakikinig ako.

"Alam kong nagtatampo ka rin saakin," panimula niya habang nag-aayos ng mga gamot, "Pero sana maintindihan mo na hindi ako nagsalita dahil sa tingin ko kahit deserve mong malaman ang totoo ay wala akong karapatan."

Bahagya akong napangisi sa narinig ko. Tama naman siya doon, wala nga siyang karapatan magsalita dahil labas siya sa issue ng pamilya namin.

"Alam ko kuya," tipid na sabi ko at umupo sa swivel chair.

"Nagulat rin ang ate mo last year sa totoo lang," napapikit ako dahil nararamdaman ko nang de-depensahan niya si ate.

"Noong narinig kong nag-away kayo ng ate mo, nagpatulong siya saakin na lumapit kay papa. May kilala ang pamilya namin na magaling na psychiatrist sa Maynila. I think makakatulong siya saiyo."

Bumagsak ang dalawang balikat ko sa narinig. Gayundin ang dalawang gilid ng labi ko.

Inikot ko ang swivel chair paharap sakaniya.

"Kuya."

"Hmn?"

"Masakit na marinig na iniisip niyo talagang mayroong problema saakin. Pero sige, dahil opinyon niyo iyon hindi na ako magsasayang ng laway na kumbinsihin kayo na normal ako at ang kinagagalit ko lang ay walang NI ISA sainyo ang nagsabi saakin na binenta ang bahay," krinus ko ang aking braso, "Alam ng lahat na anak ka ng pulitiko. Hindi sikreto iyon."

Bahagya kong itinagilid ang  ulo ko, "Alam ba ni Ate Jane na habang nasa ospital siya ay pinagkakitaan ng tatay mo ang nangyari saakin nung gabing iyon? Pinaghanda pa niya ako ng private interview dahil sa mga atat na journalist na ilimbag ang storya ko. Hindi lang sa buong  lalawigan, kung hindi pati na rin sa Maynila."

Napakurap si Kuya Fred na parang maiiyak siya.

"Hindi ko alam ang bagay na iyon. Bata pa lang ako niyon at walang alam sa pinag gagagawa ni papa,"  hindi makapaniwalang sabi niya.

"Alam kong hindi ka kasing sahol ni tito," tango tangong sinabi ko, "Kapag ang isang tao ay may atraso saakin, hindi ko ugaling mandamay ng iba na walang alam kahit kamag-anak ka pa ng taong iyon. Gusto kita para kay ate dahil nakikita  kong mahal mo talaga siya."

Humigop ako ng sapat na hangin at ipinagpatuloy ang sasabihin ko.

"Ang sabi mo ay hindi mo saakin sinabi dahil alam mong wala kang karapata? Maraming salamat dahil sa ilang segundo ay naramdaman ko ang respeto mo sa pribasiya ng pamilya namin," tango tangong sabi ko, "Sana manatiling ganon."

Hindi nakasagot si kuya pero ramdam kong pumasok sa ko-kote niya ang sinabi ko sapagkat hindi na siya nagsalita pa pataliwas saakin.

Nagpatuloy ako sa trabaho ko kahit walang wala na ako sa mood sa sumunod na dalawang oras. Pakiramdam ko ay taon ang binilang at bigla na lang ako nakaramdam ng labis na pagod.

Napatingin ako sa orasan, tatlong oras pa bago matapos ang shift ko.

Agad naagaw ang atensyon ko nang umilaw ang phone ko. Ugali kong i-silent ang phone ko habang nagta-trabaho kaya hindi ito lumikha ng tunog.

Naintriga ako kung sino iyon kaya agad kong binuksan ang mensahe.


06-01-2005

Ate:

Mag-usap tayo mamaya 


Umikot ang mata ko. Nakarating na siguro sakaniya yung usapan namin ni Kuya Fred kanina.

"Bad day?" 

Awtomatikong napa angat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Gareth. Nanlaki pa ang mga mata ko sa gulat nang makita ko siya sa tapat ng counter. 

Anong ginagawa niya rito?  Ibubuka ko na sana ang bibig ko para itanong nang rumehistro saakin na doktor siya.

"Gareth" ngiting bati ko sakaniya. Hindi pinapahalatang gulat pa rin ako sa presensya niya, "Dito ka na nagta-trabaho?"

Napalingon siya sa paligid.

"Absent si Dr. Oliver, right? I'm here to take over."

"So locum doctor ka," pabulong na konkluda ko sabay tango, "Ang laki siguro ng sweldo mo. Naka-kainggit."

Napangiti si Gareth sa sinabi ko, "Makakapag masteral ka kaya mararanasan mo rin ito."

Napakibit balikat na lamang ako at inasikaso muna ang isang pasyente na bumili ng Bactrim.

"I have to go. It's nice seeing you here, Ms. Isabella," paalam ni Gareth at tumalikod na sa direksyon ng elevator.

"W-wait!" pigil ko rito.

Napatigil siya sa paglalakad at tumagilid upang lingunin ako.

"Libre ka ba mamaya?" tanong ko.

Napataas siya ng dalawang kilay. Tanda na tinatanong ang tunay na pakay ko.

"Well," panimula  ko, "You see, nag-aya ang ate ko na makipag-usap sakaniya mamaya and I'm not in the mood to talk to her so—"

"You want to ditch her," pagtapos ni Gareth sa sasabihin ko.

"Yes," nakangiwing sabi ko. Medyo nakonsensya pa ako na madadamay siya sa kaartehan ko.

Katahimikan...

"Pasensya na," panimula ni Gareth. Napakuyom  ako ng labi dahil alam ko na agad na hindi siya papayag, "It's a no."

Kahit nakaramdam ako ng pagkadismaya ay napatango ako.

"Sorry, marami ka atang gagawin."

"Wala akong gagawin, Ms. Isabella," pag-amin ni Gareth at naglakad muli palapit sa pharmacy. Bahagyang bumuka ang labi ko at pinagmasdan siyang tumigil sa harap ng salamin na nagsisilbing harang sa pagitan namin.

May butas sa salamin na iyon kaya agad pumasok sa pang-amoy ko ang mabango niyang pabango. Malinis, hindi matamis. Ginhawa.

"Ayoko lang na yayayain mo ako lumabas para makatakas," bumaba ang tingin niya sa labi ko. hindi rin iyon nagtagal at bumalik sa mga mata ko, "I'm not your get away driver."

Napasinghap ako sa narinig ko. Pagkaraan ay nag-iwas ako ng tingin dahil sa kahihiyan. Ngayon ko lang na-realize kung gaano nakaka offend yung hiningi ko.

"Sorry, hindi iyon yung ibig kong sabihin." 

Lumawak ang ngiti ni Gareth sa akin.

"It's alright. Apology accepted."

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli.

"This Sunday, libre ka ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatiling  nakatingin  lamang saakin, "Don't worry! About ito sa piano lesson."

Lumuwag ang paghinga ko nang tumango siya, "Yes, I'm glad na in-open up mo."

"Nahanap ko na ang luma kong chord book," sabi ko habang nagkakamot ng pisngi. Hindi ko talaga matagalan ang titig niya, "Tanong ko lang kung alam mo na yung mga basic na chords?"

Hindi ko alam kung bakit naging blanko ang ekspresyon ni Gareth sa tinanong ko.

"I think you'll have to teach me the basic chords as well."

Tumango ako habang binabasa ang labi ko. Pinilit ko hindi mag mukhang nagulat. Sa tono kasi ng pananalita niya ay pinahihirapan niya akong laitin siya.

Nakita kong  tumingin si Gareth sa orasan niya, "I really have to go.  So, I'll see you on Sunday?"

Ngumiti ako kay Gareth at tumango. Tumalikod na muli siya at sa pagkakataong ito ay hindi na ako humabol hanggang sa magsarado ang elevator na pinasukan niya.



NANG humarap ako sa bahay matapos kong i-lock ang gate ay hindi na ako nagulat nang makita ko si ate na naka-krus ang dalawang braso habang nakatingin saakin.

"Sa taas," anyaya niya at nagsimula nang maglakad paakyat.

Malakas akong napabuntong hininga. Mukhang wala na talaga akong takas. Hindi rin pinaunlakan ni Darwin ang imbitasyon ko dahil may trabaho rin siya ngayon. Hindi naman ako sanay gumala mag-isa kaya wala akong magawa kung hindi ang umuwi at harapin si ate.

Baka ito na rin ang sign. Baka nga kailangan kong harapin ang problema imbis na takasan.

Pagka-akyat ko ay agad kong nakita na nakaupo si ate sa loob ng kubo kaya naman  sumunod ako at umupo taliwas sa inu-upuan niya. May lamesa sa pagitan naming dalawa.

"Sinabi saakin ni Fred ang usapan niyo kanina," panimula niya.

Napatango ako, "About sa paghingi mo ng tulong sakanila na ipakonsulta ako sa isang  psychiatrist?"

Matagal na hindi nakasagot si ate, halatang nananantya dahil nagitla siya. Hindi dahil sa nalaman ko ahad ang pakay niya, kung hindi dahil sa  lebel ng sarkasamo sa boses ko.

"Alam mo naman na ginagawa ko ito hindi para saakin," ayan na, nagsi-simula na siya, "Alam nating dalawa na hindi simple ang nangyari saiyo noon. Hindi ko danas pero nakikita ko ang epekto saiyo."

"Kaya gusto mo ako ipatingin?" tanong ko. Tumango lang si Ate Jane bilang sagot.

"May ilan sa alaala mo ang bumabalik na, hindi ba?" napakunot ako ng noo, "Kaya ganito ka na umasta."

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi mo ba napansin na naging agresibo ka simula nang malaman mong binenta ang bahay ni lolo?" 

"Sandali," ani ko at may pagmuwestra pa ng kamay na wag niya ipagpatuloy ang sasabihin niya, "Hindi ba sinabi saiyo ni Kuya Fred? Nagalit ako dahil hindi niyo saakin sinabi na binenta ang bahay ni lolo. Anong parte doon ang hindi niyo maintindihan? Anong parte doon ang hindi MO maintindihan?"

"Alam naming sa loob loob mo na may mas  malalim pang dahilan."

Napasinghap ako. Yung tunog ay may panunuya.

"Hindi simple ang nangyari saiyo," ulit niya sa sinabi niya kanina, "Sobrang malapit ka rin kay lolo kaya  malaki ang epekto ng pagkamatay niya saiy. Nasasaktan kaming pamilya mo kapag nakikita namin na bumabagsak ang balikat mo kapag nasakaniya ang tapika."

Napailing ako,"Anong karapatan ninyong mag konkluda kung anong nararamdaman ko? Bakit? Naranasan mo na bang sumuot sa sapatos na suot ko?"

Napatameme si ate sa sinabi ko. Halatang walang maisip na pang balik.

"Oo, may epekto saakin ang pagkamatay ni lolo. Thank you for stating the obvious, ano po?" tangu-tangong sabi ko habang nanlalaki ang mga mata. Pinipigilan na huwag bumagsak ang mga luha at pumiyok, "Pero naisip niyo ba ang maaaring maging epekto saakin kapag nalaman kong binenta ninyo ang bahay niya? Hindi! Hindi ba? Kasi hindi niyo naman inaasahang malalaman ko."

 Natawa na lang ako at tumingala sa bubong ng kubo.

"Since mukhang hindi sinabi saiyo ni kuya at mukhang mas naging worst pa ang away natin ngayon. Sige sasabihin ko saiyo," halos manginig ako sa galit, "Tutal pinagtutulong tulungan niyo ako."

Napatayo si Ate Jane nang i-kwento ko sakaniya kung paano ako pinagkakitaan ng tatay ni Kuya Fred at kung paano ako pinabayaan ni mama at papa na sagutin ang mga  tanong ng mga journalist dahil pinaniwala sila ng gobernador na mas mabilis makukuha ang hustisya kay lolo kung magsasalita ako.

"Tang ina," mura ni ate habang nagpapalakad lakad ng kaliwa't kanan sa loob ng kubo.

"Hindi mo alam?"

"Hindi!" sigaw ni ate na parang pinagtaksilan siya, "Hindi ko alam na may ganoong nangyari. Hindi saakin sinabi ni Fred iyon. Wala ring sinabi si mama at papa tungkol sa mga pesteng interview na sinasabi mo."

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at blankong tumingin sakaniya.

"Ngayon wag kang magdesisyon para saakin dahil hindi mo alam ang mga pinagdaanan at pinagdadaanan ko. Hindi ko pa natatandaan lahat ng nangyari noong gabing iyon at oo, hindi ko alam kung ano ang magiging epekto niyon sa akin. Pero sana wag kayong umakto na walang kayong kasalanan kung bakit hindi ako stable sa paningin ninyo," pagtatapos ko sa usapan sabay baba ng ikalawang palapag.

Nang buksan ko ang pintuan ng bahay ay bumungad sa akin si papa. Matagal pa kaming nagkatitigan pero mayamaya lang rin ay umakyat na ako sa itaas at padabog na isinarado ang pintuan ng kwarto ko.

Hindi ako nag atubiling palitan ang damit ko. Dumiretso ako sa aking kama at pinagdiskitahan ang katahimikan. Hindi nga lang iyon nagtagal dahil narinig ko ang pagtatalo ni ate at ng mga magulang ko sa ibaba. 

Napapikit na lamang ako at pinalabas sa kabilang tainga ang palitan nila ng mga salita. 

Kalahating oras ang dumaan at narinig ko ang pagbukas at pagbagsak ni ate sa pintuan ng kwarto niya. Magkatabi lang ang kwarto namin at manipis ang dingding. Kaya rinig na rinig ko lalo na at kung tahimik ang kwarto at hindi naka bukas ang aircon.

"Fred," rinig kong sabi niya, wari ko'y magkausap sila sa telepono.

Niriniian ko ang pagkakapikit sa mata ko.

"Totoo ba?" bulong ko sa sarili ko. Hinuhulaan ang mga susunod na sasabihin ni ate.

"Fred, bakit?" tanong ni ate, umiiyak.

Matagal na namayani ang katahimikan sa kabilang kwarto. Mukhang si Kuya Fred ang nagsasalita.

"Fred, buntis ako."

Naimulat ko ang mga mata ng wala sa oras. Napabalikwas pa ako mula sa pagkakahiga at pinagpatuloy ang pakikinig.

"Sige, mag-usap tayo," pag sang-ayon ni ate. Mukhang naipaliwanag na ni Kuya Fred na wala siyang alam sa ginawa ng tatay niya upang pagkakitaan ako.

"Sige, magkita na lang tayo sa park," huling sabi ni ate bago siya lumabas ng kwarto.

"Saan ka pupunta?" boses ni mama iyon mula sa baba.

"Maghahanap ng bagong magulang. Baka may mas matino sa labas," sarkastikang sabi ni ate at pabagsak na isinarado ang front door ng bahay.

Napahilamos ako ng mukha. Ang gulo, ang gulo gulo na ng pamilya namin.

Binuka ko naman ang wallet ko at iniluwa noong ang litrato namin ni Lolo. 

Pinagmasdan ko ang nakangiti niyang mukha. Tila naman nahawa ako at napangiti rin ng hindi ko alam.

"Kung nandito ka siguro ay alam mo ang gagawin."



NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ako ng sunod sunod na katok mula sa front door ng bahay.

Napabangon ako ng bahagya at tinignan ang oras sa cellphone.

"Sinong bibisita ng alasingko ng umaga?" tanong ko sa sarili habang naglalakad papunta sa pintuan ng kwarto ko. Napansin kong kasabay ko si ate sa pagbubukas ng pintuan.

Nagkatinginan kami. Bago ako matulog ay wala pa siya sa bahay kaya medyo gulat ako nang makita ko siya doon.

"Sino ba iyon?"

Napakibit balikat na lamang ako at parehas kaming bumaba ng hagdan. Sinilip muna sa bintana kung sino at laking pagtataka ko nang makita ko ang imbestigador na nangwestyon saakin sa morgue.

"Anong ginagawa nila dito?" tanong ko sa sarili.

"Sino?" tanong ni Ate Jane kasabay ng pagbukas ko ng pintuan.

"Ms. Jane Zarzuela," panimula ng imbestigador. Napalingon naman ako kay ate na tila litong lito rin ang ekspresyon. 

"Iniimbitahan ka naming sumama sa presinto. May mga katanungan kaming kailangan mong sagutin ukol sa pagpatay kay Mr. Fred Salazar."

Natuliro naman ako sa narinig ko.

Ano daw?

Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Ate Jane sa bilis ng pagbabago ng ekspresyon niya.

"Anong..." piyok niyang simula, "Patay? Sino?"

Bumalik ang paningin ko sa mga imbestigador nang magsalita muli ito, "Wala ho tayong magiging problema kung sasama na lang po kayo saamin."

"Anong ginagawa niyo?!" sigaw ni mama. Naka roba lamang ito habang nalapit saamin.

"Kailangan lang po naming dalhin ang anak ninyo sa presinto upang sagutin ang mga katanungan na kailangan niyang sagutin," simpleng sagot ng imbestigador kay mama.

Tuliro naman si Ate Jane na nagpagiya sa mga imbestigador.

"At sa tingin niyo papatayin ng anak ko ang sarili niyang fiance?!" gigil na tanong ni mama sa imbestigador.

Napangiti ng sarkastiko ang imbestigador. Halatang pikunin ito at mas lalong halata na hindi niya gusto si mama simula pa noong nasa Morgue kami.

"Sapat na po bang dahilan na ang anak niyo po ang huling nakausap at nakasama ni Mr. Salazar?"

Hindi nakasagot si mama. Ako naman ay napatingin kay ate na nakayuko lamang. 

Umalis siya kanina para makipagkita kay Kuya Fred. Pero mukha namang maayos sila, hindi ko makita kung anong magiging dahilan ni ate para patayin siya.

"Kung gusto niyo po sumama, sumunod na lang po kayo," pagtatapos ng imbestigador sa usapan.

"Dahan dahan at buntis siya!" sigaw ko sa isang lalaking halatang pinuwersa si ate na pumasok sa sakyan. Hindi ko napigilan ang bibig ko.

Nagkatitigan kami ni Ate Jane at nakikita kong gulat pa rin siya sa balitang natanggap niya. 

Hindi siya ang pumatay. Sigurado ako doon.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7K 263 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
Enigma By Ji

Mystery / Thriller

16.9K 6.5K 44
Revalaun Gio, a young and troubled novelist, returns to writing after a long hiatus. His only intention was to find the story behind a serial killer'...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...