The Unwanted Girlfriend (Unwa...

By Aimeesshh25

223K 3.6K 308

"Drain!" malakas na tawag ko sa gitna ng maraming tao. Hindi siya lumingon at dire-diretso ang lakad. Nakagat... More

The Unwanted Girlfriend
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
EPILOGUE

CHAPTER 2

4.8K 80 3
By Aimeesshh25

JERACE'S POV

Nang lumabas ang panghuling teacher namin sa araw na iyon ay mabilis akong tumayo at binitbit ang bag ngunit napigilan agad ako.

"Nagmamadali ka yata." Si April at nakangisi na agad sakin. " Pupunta ka na naman kay Drain?"

Tinarayan ko siya. "Alam mo naman pala."

Tumawa ang walanghiya kong kaibigan. "Pinapansin ka ba? Ano lumevel-up na ba ang samahan niyo?"

"Kung kaibigan kita, alam mo na ang sagot diyan."

She chuckled. "Oo na. Alam ko nga. Oh sha, sabay na tayo pababa."

Ngumuso ako at pinanood siyang magligpit ng gamit. "Bilisan mo. Baka hindi ko na maabutan."

"Grabe ka! Kaya hindi ka pinapansin noon, natatakot yata sa ginagawa mo."

"Hoy! Binawasan ko na ang pagmamasid sa kaniya 'no. Hindi ko na nga siya nakikita tuwing lunch break e."

Nailing si April bago binitbit ang bag. Nauna akong lumabas sa kaniya at nakasunod naman siya.

"Malamang. Magkaiba tayo ng building at may sarili silang cafeteria roon! At buti naman tinigilan na natin ang pagdayo sa cafeteria nila." Diniinan niya talaga ang salitang "natin".

Totoo ang sinabi niyang pinupuntahan ko si Drain sa building nila. Senior high na siya. Grade 12. Samantalang heto ako, grade 10 pa lang. Malayo iyon ng kaunti ngunit keri naman. Tahimik ko siyang pinapanood tuwing kakain. Minsan nga muntik niya na kaming mahuli at syempre kasama ko lagi si April. Ang supportive kong kaibigan, hehe.

"Lagi tayong nalelate eh. Saka ko na lang ulit siya dadalawin."

Gulat siyang tumingin sakin. "Ay? May kasunod pa?"

"Oo! Miss ko na siya." Ngumuso ako.

"Ay nako, girl! Iba na 'yan ah. Obsessed ka na yata kay Drain."

"Grabe naman! Hindi ah." Inis na tanggi ko.

"Ayaw sa'yo nung tao pero habol ka nang habol. Masarap bang maging aso?" Nang-aasar na aniya.

Tinarayan ko siya at binatukan. Hawak niya ang ulo nang umatras sa'kin.

"Aray naman!"

"Oo! Ang sarap maging aso. Kagatin kita, gusto mo?"

"Nabatukan mo na nga eh! Sama ng ugali nito!" Sigaw niya sa'kin. Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang.

Nakababa na kami. Tiningnan ko ang layo ng building nila mula sa kinatatayuan ko. Lumingon ako kay April na bumubulong-bulong pa rin at masama ang tingin sa'kin.

"Dito na ako. Ingat ka. Text mo ako pag nakauwi ka na." Sambit ko sa kaniya.

Tinarayan pa muna niya ako bago yumakap sa'kin. Natawa ako. "Oo na, ikaw rin! Ingat ka. Babyeee!" Saka siya kumalas ng yakap at tumalikod na.

Nilingon pa niya ako at inikutan ng mga mata. "Gagantihan kita bukas! Akala mo ah!" Sigaw pa niya na ikinatawa ko na lang.

Nang makaalis ang kaibigan ko ay mabilis akong tumakbo papunta sa building nila. Ilang minuto pa bago ako nakarating at umakyat agad kung nasaan ang classroom niya. Hinihingal akong tumigil at pumasok sa isang washroom.

"Ang haggard ko! Geez."

Nilapag ko ang bag ko roon. Naghugas ako ng kamay at hinilamos sa malagkit kong mukha. Pinunasan ko ito ng face towel. Nag-ayos ako at naglagay ng liptint para kumulay ang labi. Sinuklay ko ang nagulo kong buhok saka pinuyod ito. Kunyari na naging ganito ang buhok ko dahil sa pagpunta rito, bahagya ko pa iyong ginulo.

Kunyare hindi nag-ayos! Hehe

Nag-spray ako ng pabango at saka inayos ang gamit. Nagpose pa ako sa salamin bago dali-daling lumabas. Nang malapit na ako sa room nila ay dahan-dahan na ang paglalakad ko.

Kinakabahan ako!

Naiisip ko pa lang yung pinag-usapan at mga sinabi niya sa'kin kaninang umaga, nakakakaba!

Napansin kong wala na ang teacher nila. Nag-aayos na kasi ang iba ng mga gamit. Hinanap ng mga mata ko si Drain. At ayun! Napangiti ako nang makita siyang nakaupo at nag-aayos na rin yata ng bag.

Sino yun?

Nanliit ang mga mata ko nang may lumapit sa kaniya. Isang babae, sexy, maputi, mahaba ang buhok. Fine! Maganda siya.

Mas maganda nga lang ako.

Lumapit ito kay Drain at parang may tinatanong. Nilingon siya nito. Namula ang babae at tinuro ang hawak niyang notebook. Pinanood ko si Drain na magsalita habang nakatingin sila sa notebook.

Aba, kailan pa naging lecturer ang Drainy ko?

Napaismid ako nang mapansing hindi naman nakikinig yung babae at nakatitig lang sa kaniya. Dinikit pa niya ang katawan niya ah?

Naiinis na rin talaga ako sa babaeng iyan eh. Lagi na lang siyang nakadikit kay Drain. Sa tuwing pupunta ako dito ay lagi siyang katabi ni Drain. Hindi ko nga lang alam ang name niya dahil wala naman akong pakialam sa kaniya at ayaw kong malaman ang pangalan niya.

Mukhang matagal pa sila kaya naman lumapit na ako sa may pintuan. Naghiyawan agad ang mga kaklase niyang lalaki. Nahiya naman ako.

"Puwedeng pa-excuse kay Drain?" Sambit ko.

"Sige, Jerace! Sandali lang." Kilala na nila ako, lagi ba naman akong nakabantay dito eh.

Sinilip ko ang loob. Lumapit 'yong lalaki sa kanilang dalawa at may sinabi. Agad na lumingon sa'kin si Drain. Ngumiti ako at kumaway. Kitang-kita ko ang mabigat niyang paghinga. Ngumuso ako.

Ayaw na ayaw sa'kin, baby ah?

Nagtama ang paningin namin nung babae. Tinarayan niya ako bago sumunod kay Drain na papunta na sa'kin. Kahit na nagulat ako sa pagtaray niya ay hindi ko na iyon pinansin.

Come to me, Drainy!

Ngumisi ako sa naisip. Lumabas siya ng room at hinarap ako. Salubong na ang mga kilay niya at tamad siyang nakatingin sa'kin.

Kailan kaya ito sisipagin?

"What are you doing here..again?"

Ngumiti ako. "Sasabay ako sa'yo."

"Saan? Sa kotse?"

Lumaki ang ngiti ko. "Gusto mo akong sumabay pauwi?"

"No! Of course not." Tanggi agad niya.

Natawa ako at naisip na sasabay ako sa kaniya. Ngayon lang naman.

"Sige, sasabay ako. "

Kumunot ang noo niya. "Wala kang driver?"

"Ah! Ano, nagka-LBM si Mang Fred. Hindi niya ako masusundo eh." Of course, I lied.

"Really? Nalaman mo agad?" Nang-aasar na aniya. Nakagat ko ang labi ko. Enebe, baby!

Magsasalita na sana ako nang sumingit lang ang epal sa pag-iibigan namin ni Drain.

"Uuwi ka na, Drain?"

Napaikot ako ng mga mata. Obvious naman!

Tumango si Drain sa kaniya. "Yeah, bukas ko na lang ituturo sa'yo."

Ngumiti ang babae, hindi nakalagpas sa akin ang paghagod niya ng tingin sa akin.

"Puwede rin namang mamaya.." nangunot ang noo ni Drain. Tumawa ang babae. "Video call?"

Nanlaki ang mga mata ko. Anong video call? Bukulan kaya kita?

"Wala silang internet." Singit ko sa kanila. Napatingin sa'kin ang babae at takang tiningnan si Drain.

"It's impossible, girl." Aniya, nang-aasar. Lumingon siya ulit kay Drain. "Ano? Video call?"

"Nasira ang laptop mo diba?" Baling ko kay Drain. Pinapakiusapan na tumanggi siya sa punyetang video call! Huhu.

"Sira? Dala niya ang laptop niya." Inis na sabi ng babae sa akin.

Inis ko rin siyang binalingan. "Bakit ba gusto mong makipag video call sa kaniya?"

Nanlaki ang mga mata niya. Hinawakan agad ako ni Drain at inilayo sa kanilang dalawa.

"Don't mind her." Sambit niya sa babae. Napanguso ako. "Okay. We'll video call later, Ash." Saka siya tumalikod at hindi man lang ako hinintay.

"All right! Sige, Drain! Ingat!" Sigaw pa nitong Ash kuno. Ayaw ko ngang malaman ang name niya eh.

Bumaling siya sa'kin at tinarayan ako. "Inggit ka? Psh! Tigilan mo na ang kasusunod kay Drain. Nakakahiya ka. Ang bata-bata pa ang landi na." Maarteng sambit niya.

Nasaktan ako roon ngunit hindi ko pinakita. Pakialam ko sa kaniya? Tinarayan ko rin siya at mapang-asar ko siyang tiningnan.

"Hindi ako naiingit. Sino ka ba?" Tumaas ang kilay niya.

"I'm Ash."

"I don't care."

"You asked kung sino ako so sumagot ako, bobo."

Napamaang ako. Ako? Bobo?! Paano niya nalaman? Joke.

"Layuan mo si Drain, hindi kayo bagay."

"At ano? Kayo ang bagay? Duh, bata ka pa, girl. Maglaro ka nga muna roon." Tumawa siya at tinalikuran ako.

Tinarayan ko muna bago ako nagsalita. "Oo bagay talaga kami dahil guwapo siya at maganda ako. Eh ikaw? hindi ka bagay sa kaniya kasi pangit ka!" Inis na sigaw ko bago ako tumalikod para habulin si Drain na nakalayo na pala sa akin.

Dinig ko pa ang eksaherada niyang pagsinghap at ang ilang tawanan ng mga kaklase niya roon pero hindi ko na pinansin.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 79.5K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
244K 13.7K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
26.1M 787K 48
Jesusa, a homeless girl in Quiapo, Manila, luckily caught the eyes of Damon Montemayor, a young boy who happens to be from a prestigious family. Her...