I met him in RPW (Complete)

By SuperBlueSpy

2.5K 527 6

(Complete) Hindi mo maquequestion ang totoong nagmamahal. "Mahal na mahal kita Ellah," sabi ni Rence kay Ella... More

I met him in RPW
Chapter 1: Creating RPW
Chapter 2: Mr. Hoodie
Chapter 3: New phone
Chapter 4: Supposedly meet up
Chapter 5: Revelation
Chapter 6: Rooftop
Chapter 7: Sacrifice or selfishness?
Chapter 9: Graduation day
Chapter 10: Curiosity
Chapter 11: Interview
Chapter 12: Kwintas
Chapter 13: The past
Chapter 14: Chatmate
Chapter 15: Memories
Chapter 16: Confrontation
Epilogue
Special chapter (part 1)
Special chapter (part 2)
Special chapter (part 3)
Story behind

Chapter 8: The decision

92 32 0
By SuperBlueSpy

The dicision

Francess' POV

Nandito nga pala kami sa dati kong tambayan at lunch time na ngayon. Actually pwede rin namang dito na namin palipasin ang oras tutal naman wala na rin kaming ginagawa sa room pero may attendance kasi kaya kailangan pa rin naming pumasok sa room.

"Huwag ka ngang mambola diyan," napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Hindi naman ako nambobola ah, ikaw nga ang pinakamagandang babaeng nakilala ko eh," sabi pa niya.

"Asus sinasabi mo lang 'yan kasi nililigawan mo ako," sabi ko naman.

"Hindi 'no. Maganda ka talaga saka nililigawan naman kita kasi mahal kita," sabi niya. "Hays kailan mo ba kasi ako sasagutin?" parang naiinip niyang salaysay.

"Naiinip ka na?" tanong ko.

"Ah syempre naman hindi 'no kahit maghintay pa ako ng walang hanggan sa 'yo ayos lang," napangiti na muli ako sa sinagot niya.

Sana naman maging tama ang disisyon ko ngayon. Sana naman maging tama na ikaw ang pipiliin ko Kris.

Nang narinig namin ang pagtunog ng bell kaya sign iyon na time na.

"Halika na," una siyang tumayo para alayan ako ng kamay at tinanggap ko naman iyon.

Sabay lang kaming naglakad papunta sa room.

"Nandiyan na ang love birds," sabi ng isa naming classmate.

Napangiti lang ako sa sinabi nila at hindi ko sila sinagot. Hanggang sa naupo na ako sa upuan ko.

Konti palang kami hanggang sa padami na ng padami ang mga paparating na classmates namin. Walang dumating na teacher namin gaya ng inaasahan namin dahil graduation na nga namin bukas.

Sabay rin kaming lumabas sa room ni Kris pero may nararamdaman akong kanina pang lunch nakatingin sa 'min pero hindi ko nalang yun inintindi.

"Bye Francess," sabi ni Kris nang pasakay na siya sa kotse niya at pinaharurot na nga ito ng driver niya agad.

At nang makalayo na ang kotse ay dun lang ako nagsimulang maglakad pero 'di ko inaasahang may titigil na kotse rin sa harap ko.

"Boyfriend mo siya pero hindi ka niya hinahatid?" Dahan-dahan niyang binaba ang bintana ng kotse niya sa likod ng driver at bumungad si Rence. Yung nakausap ko sa tambayan ko dati ha? Hindi yung kachat ko ah. Bakit ba kasi sila parehas ng pangalan.

"Hindi pa kami," sagot ko at nagsimula na ulit maglakad pero sinusundan lang ako ng kotse.

"So nanliligaw palang siya? Hindi ganyan ang nanliligaw," sabi niya muli.

"Pwede ba stop following me?" sabi ko.

"Medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nagkakausap ah," sabi muli niya.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang muli ako sa paglalakad ko.

"Naging busy ba kayo ng manliligaw mo?" Napahalukipkip na lang ako at tumigil sa harapan niya.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ko sa kanya.

"Sakay ka na," sabi niya at pinagbuksan na ako ng pinto pero nanatili ako rito nang hindi nagsasalita.

"Francess, sakay ka na, graduation pa naman na, mahirap na," sabi muli niya.

Aba mahirap kaya akong suyuin. Kami nga ni Dani hindi pa rin okay eh dahil mataas ang pride ko at mahirap talaga akong suyuin kahit anong gawin mo.

"Ayaw mo talagang sumakay?"

"Ayaw- ano ba!" Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil binuhat na niya ako papasok sa kotse niya.

"Talaga bang ang tigas ng ulo mo?" tanong niya.

"Pake mo ba," sagot ko lang sa kanya.

"Bakit ba ang sungit mo na ngayon ha? Hindi ka naman ganyan nung una tayong nagkausap ha?" tanong pa niya sa 'kin.

"Hindi ba pwedeng magbago ang tao?"

"Bakit ka nga ba nagbago?" nagtataka pa niyang tanong.

"Ah basta, wala ka na dun," sagot ko muli sa kanya.

"Saan po bahay niyo miss?" tanong ng driver niya.

"Ibaba mo nalang po ako sa kanto kuya," sagot ko.

"Huwag kang titigil sa pagdridrive kuya," sabi niya sa driver. "Sasabihin mo ang bahay niyo o dun ka sa 'min ideretso?" tanong niya kaya napilitan akong sabihin sa kanya kung nasaan ang bahay namin.

"Thanks nalang," sabi ko sa kanya pagkababa ko ng kotse niya.

Humiga na agad ako sa kama ko pagkadating ko sa kwarto. Inopen ko na ang phone ko kasi buong araw ko na itong hindi inoopen.

Hance
Goodmorning princess kahit pinagtatabuyan mo ako patuloy ko pa ring gagawin 'to hindi ako magsasawang batiin ka ng good morning sa umaga at good night sa gabi

Hance
Huwag kang magpapalipas ng gutom. Kumain ka sa tamang oras. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita prinsesa ko

Hayan nanaman ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. Kahit naman pigilin ko pa ang sarili kong huwag umiyak pero 'di ko talaga mapigilan eh.

Nakatitig lang ako sa huling chinat niya nang may narinig akong mga kalampag ng gamit. Kaya inaninag ko kung saan ito galing at sa kwarto pala ni Dani.

Nakita ko siyang naglalagay ng mga damit niya sa maleta. At ang daming iba't-iba pang gamit na nakalapag sa sahig.

"A-ano 'to Dani?" Natigilan siya nang makita ako sa may pintuan ng kwarto niya.

"Lilipat na kami ate," umiwas siya ng tingin habang sinasabi niya iyon.

"A-ano?" 'di makapaniwalang wika ko.

"Yun sana ang sasabihin ko nung mga panahong hindi mo ako pinapansin ate," sabi niya at nagsimula ng timulo ang mga luha niya. "Aalis na kami. Pagkatapos na pagkatapos ng recognition namin bukas," sabi pa niya kaya nilapitan ko siya at hinawakan ang dalawang kamay.

"Dani, sorry kasi hindi kita hinayaang mag-explain. Alam mo namang ganito na ako 'di ba?" nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko.

Naalala ko kasi ang mga alaala namin together. Tapos bigla-bigla siyang aalis?

"Ate, sorry talaga sa nagawa ko sa 'yo," sabi niya na umiiyak na.

"Ngayon binibigyan na kita ng time mag-explain," sabi ko kaya medyo huminahon na si Dani.

"Si kuya Rence ay nakilala ko rin sa RPW. Naging bestfriends kami. Tapos nagpapareto siya sa 'kin eh syempre ikaw na ang una kong naisip dahil wala ka pa namang naging bf saka para na rin maexperience mong magkaroon nun. Kaya pinagawa kita ng RP account para dun kayo magchat at hindi ang totoong account mo para hindi siya mag-take advantage sa 'yo if ever man," pagkwekwento ni Dani sa 'kin. "Syempre nag-cocommunicate pa rin kami kung okay ba na magkachat kayo tapos sabi niya na mabait ka naman tapos naging usapan din namin na what if magmeet-up kayo, so napag-alaman ko rin nung time na yun na taga dito lang siya kaya pwedeng-pwede lang kayong magmeet up at tinanong niya muna sa 'kin kung pwede ba sa 'yo, sabi ko naman oo gusto niya yun kahit hindi pa ako sigurado kung gusto mo at hindi pa kita pinilit noon," mahaba muling paliwanag ni Dani.

Naging tahimik lang ako habang nagkwekwento si Dani kung anong nangyari sa 'kin.

"Pero mahal ka na talaga ni kuya Rence ate, totoong pagmamahal," napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya at hayan nanaman ang luhang nagbabadyang tumulo.

"Hindi ko alam Dani," sabi ko lang.

"Bakit naman hindi mo alam ate? Dahil ba kay kuya Kris? Sasagutin mo na siya bukas 'di ba?" Napatingin agad ako sa kanya nang sabihin niya yun.

Pano niya nalaman ang bagay na yun?

"Ate naman si kuya Rence ang nagmamahal sa 'yo ng totoo," sabi ni Dani.

"Pano ako mamahalin ng taong hindi ko pa nakilala at hindi ko pa nakita?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Yun na nga ate eh. Pano kung mahal ka lang ng taong yun dahil sa panlabas mong anyo? Pano kung mahal ka lang ni kuya Kris dahil sa maganda ka?" tanong pa niya.

"Hindi ganun si Kris, hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya," pagtatanggol ko naman kay Kris kay Dani.

"Pano ate kung hindi ganun ang pagkakakilala mo sa kanya?" tanong pa ni Dani.

"Alam kong hindi ganun si Kris," sabi ko at tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa bed niya. "Dani, kung ipagpipilitan mo pa si Rence sa 'kin walang patutunguhan 'to," sabi ko.

Pero hinawakan lang niya ang isang kamay ko na parang nagmamakaawa siya.

"Ate please bigyan mo siya ng chance patunayan ang sarili niya sa 'yo," sabi niya.

Ganun na ganun din ang sinabi ni mama sa 'kin about kay Rence. Bakit ba lahat kampi kay Rence though gusto naman na nilang sagutin ko si Kris bukas. Araw ng graduation kaya talagang memorable ang monthsary namin pag nagkataon kasi araw yun ng graduation namin.

"Sorry Dani hindi ko magagawa 'yang sinasabi mo," sabi ko at umalis na sa kwarto niya.

Nagmukmok na lang muli ako sa kwarto kahit na bukas na ang big day ko, naming candidate of graduation sabi ko sana.

Napatingin muli ako sa phone ko na nakapatong sa side table ko.

Hance
Happy graduation nga pala sa 'tin

Dun ako nagtaka sa sinabi niya kasi sa pagkakatanda ko 20 ang sinabi niyang age niya pero sa 'tin ang sabi niya.

Hindi ko na siya inintindi ang binaliktad na lang ang phone ko sa side table. Yun bang nasa ibabang parte ang screen nito para hindi ko na siya makitang magchachat pa. Hindi ko rin naman siya kayang iblock. Oo masungit nga akong tao pero hindi ko kayang manakit ng ibang tao para lang sa kagustuhan ko.

Napalingon ako sa pinto ko nang pabukas na ito at binuga si Dani.

"Ate," sabi niya at paupo na ng bed ko.

"Huwag mo ng ipagpilitan pa si Rence, Dani," sabi ko pero hinawakan lang niya ako sa kamay.

"Gusto ko lang sabihin na mamimiss kita ate, at sana maging masaya ka kung ano man ang magiging disisyon mo. Disisyon mo 'yan eh hindi naman namin pwedeng ibahan," sabi ni Dani at nagsimula nanamang tumulo ang kanyang mga luha kaya dahil dun ay niyakap ko siya.

"Dani!!" pag-iyak ko rin sa kanya. "Mamimiss din kita," sabi ko.

Napalingon kami sa may pintuan ko nang nanonood pala sa 'min si mama.

"Hayun nagkaayos din sila," sabi ni mama na nakangiti sa 'ming dalawa.

"Alam mo ba ang tungkol dito ma?" tanong ko kay mama dahilan para maging seryoso siya.

"Ngayon ko lang din nalaman 'nak," sagot niya. "Ngayon lang sinabi ni ate sa 'kin," she's talking about her older sister na mama ni Dani.

"Bakit ngayon mo lang kasi sinabi sa 'kin," umiiyak ko ng sabi sa kanya.

"Eh hindi mo naman kasi ako pinapansin nung nakaraan kaya hindi ko nasabi sa 'yo," sagot ni Dani.

"Natuto ka na 'nak ha? Kung may nagkasala sa 'yo patawarin mo agad malay mo kung may importante pala siyang sasabihin sa 'yo eh 'di hindi na niya nasabi," salaysay ni mama. "Ang hirap mo kasing suyuin eh," sabi pa ni mama.

"Kaya nga tita sobrang hirap," sabi naman ni Dani.

"Basta Dani mag-iingat ka dun ha?" sabi ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

57.4M 1.6M 115
A writer. A weird stranger. A lot of little conversations. An online understanding. Every night. 23:11.
188K 4K 63
Walong taon (8 years) ng naghihintay si Alexies, hindi n'ya alam kung bakit pakiramdam n'ya ay kailangan n'yang maghintay, nararamdaman n'ya na may d...
86.9K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...