Daniela's Escort

By truthandlies_

20.7K 839 275

More

Daniela's Escort: One
Daniela's Escort: Two
Daniela's Escort: Three
Daniela's Escort: Four
Daniela's Escort: Five
Daniela's Escort: Six
Daniela's Escort: Seven
Daniela's Escort: Eight
Daniela's Escort: Nine
Daniela's Escort: Ten
Daniela's Escort: Eleven
Daniela's Escort: Twelve
Daniela's Escort: Thirteen
Daniela's Escort: Fourteen
Daniela's Escort: Sixteen
Daniela's Escort: Seventeen
Daniela's Escort: Eighteen
Daniela's Escort: FINALE

Daniela's Escort: Fifteen

904 42 7
By truthandlies_

Daniela's POV

Habang nagluluto ako ay inayos ko na ang sala. Sasamantalahin ko na habang natutulog pa si Kendy.

Napatingin ako sa pinto ko ng may mag doorbell. Wala naman kasi akong inaasahang pupunta ngayon.

Pagbukas ko nito ay nakita ko si Ken.
Anong ginagawa nya dito?

"Hi" sabi nya. Hindi ko alam yung naramdaman ko pero parang gusto ko syang yakapin.

Hahahahahahahahahahahahahahaha. Not so me, right?
Well, I hate him for making me like this.

"Hi" tipid kong sagot.

"Uhm, gusto lang sana kitang kamustahin?" Ok na ok ako Ken. Ok pa naman. Natawa ako ng mahina.

"Ng gantong oras?" tarantado. Mangangamusta ng gantong oras. Nako, hindi na ko nag e-escort ngayon.

"Yes, if its ok with you." Gusto ko din naman talaga sya makausap. Kahit marinig lang ang boses nya.

Ano ba 'tong nangyayari sakin? Bakit pakiramdam ko kahit anong sabihin nya ay papayag ako? Hay nako.

"Come in." Pinagbigyan ko na. Hindi naman na ko bata para mag inarte pa. Baka iimbitahan ako sa kasal nila ng empleyado ko. Baka kuhanin pa kong sponsor.

Pinaupo ko sya tsaka inabutan ng bottled water. Eh kung sa bottled water lang nandito eh.

"Teka lang ha? Nag luluto kasi ako." tumango naman sya at saka na ko pumunta sa kusina ko.

Hindi ko alam kung anong mga sasabihin ko sa kanya mamaya. Anong mga isasagot ko sa tanong nya.

Hahahaha, hindi naman sya magtatanong tungkol sayo Daniela. Malamang nga ay iimbitahan ka nyan sa kung saang may kinalaman sa kanila ng nobya nya.

Hinugasan ko na muna ang mga kutsara habang hinihintay kong kumulo ang niluluto ko.

Ilalagay ko na sana ang kutsara sa lamesa ng makita kong buhat ni Ken si Kendy.

"Kendy." agad kong kinuha sa kanya si Kendy. Anong karapatan nyang hawakan ang anak ko.

May kung anong umakyak na dugo sa ulo ko.

"Leave!" sabi ko sa kanya. Mukang nagulat si Kendy sa sinabi ko kaya yumuyop ito sa leeg ko.

"Leaveeee!!!" diin ko kay Ken. Nakatingin lang sya sakin. Naririnig kong humihikbi na si Kendy kaya naman tinalikuran ko na si Ken at saka dinala sa kwarto si Kendy.

Narinig ko naman na sumara na ang main door ko.
Napapikit na lang ako.

Pagbukas ng mata ko ay may mga nakatakas na luha. Tinitignan lang ako ni Kendy.

"Im sorry." bulong ko sa kanya. Hinalikan ko sya sa noo. At saka binuhat ulit. Bumalik kami sa kusina at tinapos ko na ang pagluluto ko.

Ang selfish ko ba kung sasabihin kong ayokong makilala sya ni Kendy?

Pero sige, selfish na kung selfish pero hindi ko talaga hahayaan na makilala sya ni Kendy.

Kung ibang babae siguro ang nasa posisyon ko ay malamang pagkakita nila sa anak nila na buhat ng totoong ama ay yayakapin na din ang dalawa.
Mag ii-iyak na parang tanga. Finally, buo na ang pamilya.

Pero wala tayo sa teleserye, naghirap akong mag isa. Kaya lalaki si Kendy ng ako lang din mag isa. Hindi ko kailangan ng kahit ano sa kanya.

If ever na malaman nya ang tungkol kay Kendy, babayaran ko na lang sya. Isang milyon, dalawa, kahit tatlo pa wag lang nya kaming guluhin.

Pinatay ko na muna ang apoy saka bumalik sa kwarto. Ihiniga ko si Kendy at humiga na din ako.

Tahimik akong umiiyak.

Apat na taon, apat na taon akong naging matatag para kay Kendy.  Akala ko nung hinayaan ko syang bigyan ako ng anak ay may makakasama na ko.

Na hindi na ko mag isang kakain, hindi na ko mag isang uuwi, hindi na ko mag isang tatahakin ang bawat araw na darating sa buhay ko.

Ang lakas pa ng loob kong magka-anak kami kasi sabi nya mahal nya ko eh.

Madaming lalaki na ang nagsabing mahal nila ko pero kay Ken ko lang totoong naramdaman yun.

Pero wala, I expect him to fought for me, I expect him na kalabanin yung pride na meron sakin, I expect him na patayin yung apoy na meron ako, pero wala. Wala akong napala.

Akala ko pag mahal ka, ipaglalaban ka.
Hindi pala lahat ng nagmamahal, lumalaban. Yung iba kas naduduwag.

Pero ako nilabanan ko. Nilabanan ko yung sarili ko nung panahong maramdaman kong mahal ko na sya.

Pero uulitin ko, wala. Wala akong napala. Minsan ko lang kakalabanin ang sarili ko, mukang namali pa ko.

Kaya sabi ko sa sarili ko, hindi ko na ulit hahayaang kalabanin ko ang sarili ko. Hindi ko na pipiliting magbago para lang sa isang tao.

The moment he said na mahal nya ko, hinayaan ko yung sarili ko sa kanya. Pero pagkatapos namin, may kung anong nagtutulak sakin para bayaran sya sa ginawa nya. Masisisi nya ba ko? Masisisi nya ba ko kung inisip kong pera lang lahat ng yon?

Pero habang tumatakbo ang oras nung panahong yun, dun ko napatunayan na pera nga lang lahat.

Hinalikan kong muli sa ulo si Kendy.

"Baby, hindi ka kailanman matatapatan ng kahit magkano dito sa mundo, always remember that. Pero if that someone will eventually know about you, I will pay him off. He doesn't deserve you."

"Aaaaaaah" napangiti naman ako ng marinig ko syang sumagot.

"I love you sweetheart, I'll always do."

---

Ken's POV

Wala na kong magawa nung pinaalis nya ko.

Kanina lang ay nakangiti sya sakin pero bakit bigla nya kong pinaalis nung makita nyang hawak ko yung batang yon?

Kendy? Sino kaya sya?

Siguro ay isa lang sa mga bata na nagustuhan nya kaya nasa bahay nya. Parang si Bea dati na lagi nyang gustong hiramin.

Hindi ko man lang nagawang sabihin sa kanya yung mga gusto kong sabihin. May ibang araw pa naman. Ayokong sinasabayan sya pag galit sya.

Paglabas ko ng building nya ay nakita ko si Billie na nakatayo sa labas.

Nakatitig ito sakin.

Anong ginagawa nya rito? May kailangan ba sya kay Daniela?

"Ken..." bigkas nya paglapit ko sa kanya.

Nagulat ako ng may tumulong mga luha sa mata nya.

"Billie, bakit? Anong problema?" tinalikuran nya lang ako saka naglakad. Sinundan ko naman sya dahil baka mamaya ay kung anong mangyari sa kanya. Kaibigan ko pa din sya kaya naman nag aalala pa din ako sakanya.

Huminto sya sa isang bench sa likod ng building na ito. May maliit na garden kasi rito.

Humarap sya sakin at nakikita ko paring tumutulo ang mga luha nya.

"Ken, si Daniela ba?" nagulat ako sa tinanong nya. Hindi sya mukhang galit sa pagtatanong nyang iyon. Muka syang nasasaktan.

Sinundan nya ba ko hanggang dito? Hays.

"Ha?" pagtataka ko. Bakit ba sya nagkakaganito?

Yumuko sya.

"Si Daniela ba yung dahilan ng lahat ng pag iyak mo? Noon at hanggang ngayon?" sabi nya kasabay ng mga hikbi.

"Bakit sya pa, Ken? Bakit sya pa?" tumingala na naman sya sakin.

"Alam mo naman na masasaktan ka lang diba? Hindi basta bastang babae si Daniela. Hindi natin sya kaestado sa buhay. Hindi mo sya kayang abutin. Masyadong mataas ang babaeng yon."

"Hindi ko akalain na sayo pa manggagaling yan. Bakit? Dahil mahirap ako? Kaya bawal ko syang mahalin?"

"So, mahal mo nga sya?"

"Oo. Mahal na mahal ko sya."

Mas lalong tumulo ang mga luha sa mata nya.

"Masama ugali nya, maldita sya, masungit sya, demonyita sya, name it. I dont care. Mahal ko sya sa kung sino at ano sya."

"Kahit hindi ka nya mahal?"

Napayuko ako sa sinabi nya.

"Kahit hindi nya ko mahal. Hindi naman natin mapipilit ang isang taong mahalin tayo eh, pero mas lalong hindi natin mapipigilan ang sarili natin na mahalin sila."

"Bakit hindi mo nasabi sakin na si Daniela pala yung dahilan?"

"Kasi gusto kong protektahan sya. Hindi na dapat malaman ng ibang tao na may escort sya."

"Escort? Escort ka nya?"

"Exclusive Escort."

"Pumayag ka sa ganun Ken? Pumayag kang gamitin ka nya?"

"Sabi ko nga sayo mahal ko sya. Oo nung una aaminin ko trabaho para sakin yon, pero nung tumagal nagiging pagkakataon na sakin yon para iparamdam sa kanya na mahal ko sya."

Umupo na sya sa bench at sinalo ang ulo nya.

"Masyado kong madaming nalaman ngayon. Hindi na kinakaya ng dibdib ko."

"Im sorry." tumabi na ko sa kanya. Inakbayan ko sya para kumalma sya.

"Ken, iba ka pala magmahal no?" sabi nya habang nagpupunas ng luha.

"Kahit wala ng pag asa, patuloy kang kumakapit."

"Grabe ka naman, wala talagang pag asa?"

"Oo syempre may anak na sya eh."

"Anak?" Anak nya si Kendy?

Napabalikwas naman ako sa kinauupuan ko ng makarinig ako na may tumatawag sa phone ko.

Si Bea.

"Ku-yaaaa..." wait si Bea? Nahihirapan na naman ba sya?

Binaba ko ang phone saka tumingin kay Billie.

"Si Bea." napatayo naman kami agad.

"Kuya... na-san kana? nahihira-pan a-kong huminga..."
hindi ko na hinintay na patayin nya ang tawag, agad na kaming pumunta ng kotse ko at pinaandar yon.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4K 121 3
A story of two soulmates meeting at the most unfortunate time. Could they have that love story destiny had written to the stars?
1.4M 34.1K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
2.7K 113 16
Adventure to the new world, and possible harem? [the story will later on have smuts]