Daniela's Escort: Eight

991 43 18
                                    

Daniela's POV

Pagpasok ko sa bar na yun ay hindi na ko nagulat.
Tipikal na maingay. Puro usok.

Sa totoo lang ay ayokong pumupunta sa ganito, kung wala lang akong kailangan sa babaeng yun ay hindi ako pupunta.

Aalukin ko kasi sya ng isang proposal. Sikat kasi ang clothing line ng kapatid nya at kailangan ko ng partner na clothing line sa susunod na fashion launch namin.

Basic, gamitan kami dito.

"Dani." banggit nya palang sa pangalan ko ay naiirita na ko. I am Daniela. Not Dani, not Ella, DANIELA.

Bumeso ko sa kanya at saka pekeng ngumiti. Pakiramdam ko ay kumapit sa mukha ko ang oil ng mukha nya.

"Kamusta? Where's your boyfriend?" oh diba, kadarating ko palang ay ayan na agad ang hinahanap nila.

"Oo nga, asan na ang lucky guy na yan." Kaplastikan din netong isa. Kasing plastick ng dibdib nya.

"Susunod na lang sya, madami pang tinapos e." nakangiti kong sagot at uminom na ng isang shot ng white wine na sinerve sa table namin.

---

Ken's POV

Pagdating ko sa address na binigay ni Daniela ay bahagya akong nagulat. Isa kasi itong bar dito sa Tomas Morato.

Pagkapasok palang ay halos maubo ako sa napakadaming usok na nalalanghap ko.

Hindi ko alam kung mali ba ko ng basa sa address na binigay nya, hindi kasi ang tipo ni Daniela ang pupunta sa ganito kaingay. Ayaw nun ng lugar na maingay.

Pupunta na sana ko sa exit ng makita ng mga mata ko ang isang babae. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Kausap nya ang isang babae habang umiinom.

Nakasuot sya ng denim jacket and denim jeans. Teka, naka bra lang ba sya? Ewan ko kung anong tawag dun pero para na syang bra. At ano pa nga ba, syempre nakaheels na kulay itim.

A/N: Bralette babe. Bralette.

Lumapit na ko sa kanya at bumulong.

"Ma'am" napatingin naman sya sakin pati na rin ang mga kaibigan nya.

Nagulat ako ng bigla nya kong halikan.

"Hi babe." sambit nya.

---

Daniela's POV

Nagulat na lang ako ng may biglang bumulong sakin.

"Ma'am" napatingin ako sa taong yun at bigla ko syang hinalikan.

In fairness, ang gwapo nya ngayon. She's wearing a white polo, blacks slacks and black shoes. Ano bang trabaho ng lalaking 'to at nakaganto pa sya.

"Hi Babe." nakita kong nanlaki ang mga mata nya.

Hinawakan ko naman ang kamay nya. Sana naman makaramdam na sya.

"Everyone, this is Ken. My boyfriend." iniabot naman ng mga plastik na yon ang kamay nila kay Ken.

"Good evening." bati nya sa iba.

Pagkatapos ng batian na yun ay diniscuss ko na ang proposal ko.

Ayoko ng patagalin pa 'to jusko. Di ko na kayang sikmurain ang mga plastik nilang papuri sakin.

Agad namang pumayag si Oily sa gusto ko. Yes, oily. Duh, parang mantika na kasi ang nasa mukha nya. Wala ba tong pambili ng maayos na regimen?

---

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now