Daniela's Escort: Sixteen

988 43 15
                                    

Ken's POV

Pagdating ko sa bahay ay agad akong tumakbo sa kwarto ni Bea. Nakita ko syang walang malay dun. Agad ko naman syang binuhat at tumakbo ako papunta sa kotse.

"Ken, anong nangyayari sa kanya?" tanong ni Billie sakin. Binagsak ko ang pinto ng kotse pagpasok ko rito.

Agad kong pinatakbo ang kotse. Pagdating namin don ay agad ko syang hiniga sa stretcher na sumalubong samin. Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Bea. 

"Bea..." Tawag ko sa kanya.

Kinakabahan ako. Ilang taon ng hindi sinusumpong si Bea ng sakit nya. Bakit ngayon pa? Anong nangyari?

Masyado na naman ba syang natuwa? Masyadong nasaktan?

Napahawak na lang ako sa ulo ko ng ipasok na sya sa loob.

---

"Ken, gusto mo ako na muna dito?" tanong sakin ni Billie.

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Bea. Walong oras na ang nakakalipas pero hindi pa rin sya nagigising.

Hindi ko magawang matulog lalo na't hindi pa sya nagigising.

Sabi ng doktor ay masyado daw syang nahirapan kagabi kaya eto, hindi pa rin sya gumigising.

"Hindi Billie, ayos lang ako. Ikaw ang umuwi na muna. Baka mapagalitan ka na naman sa opisina nyo."

"Mamaya aalis talaga ko. May kakausapin ako mamaya."

Tumango na lang ako.

---

Billie's POV

Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Ken. Bawat silip nya kay Bea ay hindi mawala sa mukha nya ang lungkot.

Sa totoo lang ay may naramdaman akong kung anong sakit mula sa pag uusap namin kagabi.

Sakit na parang sinampal nya ko sa mga bagay na nalaman ko kagabi.

Wala akong ibang nasabi kagabi kundi, kaya pala.

Kaya pala ganun nalang sya malugmok nung mga panahong yun. Ano binusted ba sya ni Daniela? O nilait at pinagsabihan syang itigil nya yung ilusyon nya.
Pero hindi e, pakiramdam ko ay may tinatago sa kanya si Daniela.

Imbis na mainis o magtampo ako kay Ken sa lahat ng nalaman ko kagabi ay mas nangibabaw sakin ang sakit at ang awa na parehas kaming nasa ganitong sitwasyon.

Nagmamahal ng taong hindi kami kayang mahalin pabalik.

Naaawa ako sa kanya dahil kilala ko si Daniela. Sa loob ng apat na taon na nasa kumpanya na ko ay nakita ko kung gaano sya ka-focus sa kung paano palalaguin ang kumpanya nya, mukang mas importante sa kanya ang pera kesa sa taong pwede nyang makasama sa buhay.

Isa pa, si Sir Ivan nga na apat na taon na din syang nililigawan ay hindi nya magawang sagutin e, si Ken pa kaya na escort nya lang.

Hanggang ngayon ay nahihiwagaan pa rin ako sa naging set up nila. Si Ken bilang Escort ni Daniela? Ganun na ba talaga ang buhay ng mayayaman?

Aaminin ko nakaramdam ako ng inis kay Daniela, sya kasi yung mahal nung taong mahal ko pero hindi nya kayang mahalin pabalik.

Pero naisip ko, kailangan kong gumawa ng isang bagay na alam kong magdudulot ng sakit sakin pero magdudulot ng kaligayahan kay Ken.

Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng pinagdaanan ni Ken nung mga panahong hindi na sila nag uusap. Kasi knowing Ken, alam kong hindi nya sasabihin kay Daniela yon.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now