** PL's Note: Dedicated sa kanya. Gusto niyo malaman kung bakit? Hahaha.. Naaa! Gusto ko lang naman.. Hello kay inkpurpleheart.. ^____^V.. ________________________________________________________________________
Chapter 13 Part II
Pagdating namin ni Ryan sa hospital. Yep! Sinamahan niya ako, sabi ko nga baka may pupuntahan siya, kaya lang sabi niya 'wala naman daw'.. =______= Pero nakita ko, kagabi sa side table ng kama niya na may dates na naman siya, puro babae kasi pangalan ng Imimeet-up niya..
Nakaupo lang kami dito sa labas ng Operating Room at naghihintay na may lumabas na Doctor. Kanina padin ako hindi mapakali..
Ryan's Pov
Kanina pa tawag ng tawag si Mommy, paano ba naman kasi naalala ko na nangako nga pala ako na dun na muna ako sa bahay namin sa Ayala uuwi.. Pero anung ginawa ko? Eto kasama ko si Phia na kanina pa hindi mapakali, siguro naman maiintindihan ni Mommy at Daddy kung sasabihin kung nagkaron lang ng Emergency.. Hindi ko naman pwedeng iwanan si Phia dito na ganito ang kondisyon.
Pati ako nag-alala narin sa kanya eh. Psh! Don't get me wrong, nag-aalala ako dahil isang buhay ang nakataya dito.. Hindi na nga namin napag-usapan ni Phia ang nangyari kagabi dahil, halata namang umiiwas siya na pag-usapan namin iyon at isa pa tingin ko naman ay hindi ito ang tamang oras para pag-usapan yon. Katulad nalang kanina.
FLASHBACK
Nakarinig ako ng lagaslas ng tubig mula sa Bathroom.. Nakadapa ako at sumilip sa nakasaradong pinto nito. Hindi ko alam kung baliw na ba ako o sadyang nahihibang na.. Napapangiti ako sa tuwing aalalahanin ang nangyari samin kagabi.
Isa lang ang alam ko sa ngayon, iba si Phia sa lahat.. May something sa kanya na hindi ko pa maintindihan sa ngayon, kagabi kahit masyado kaming nadadala ng mga pangyayari ay hindi padin siya pumayag.. Pumayag na ibigay ang sarili niya.. Natutuwa ako dahil sa isipin na yun.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga, at binuksan ang pinto. Good thing na hindi ito nakasara.. Pumasok ako at hinawi ang plastic na kurtina..
Bakas sa mukha ni Phia ang pagkagulat kaya mabilis niyang kinuha ang towel at itinakip sa hubad niyang katawan.
"R-ryan anung ginagawa mo dito?" Takang tanung niya, bakas padin sa mukha niya ang pagkagulat. Ngumiti lang ako at niyakap siya..
"Bilisan mo! Sasamahan kita sa hospital." Bulong ko sa kanya, at saka hinalikan siya sa noo, sa ilong, napapikit pa siya ng halikan ko siya sa labi..It was just a smack, ayoko pa man na bitawan agad siya, kaya lang kailangan na naming magmadali.
Lumabas nako don, at baka mamaya hindi na ako makapagpigil may magawa pako.. Pagkatapos ni Phia na mag-shower, ako naman ang naligo, paglabas ko bihis na siya.
"Phia." Tawag ko sa kanya, ng makita kung kinakagat niya ang kuko, nakita ko kasing paikot-ikot siya sa buong kwarto, at bakas sa mukha ang lungkot.. I feel bad for that! Tumigil siya sa kakalakad at humarap sakin na may luha sa mga mata. "Phia yung nangyari nga pala...." Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng napaupo siya sa kama at tinakpan ang palad ng kamay.
"R-ryan nag-aalala ako kay Mama.." Umiiyak padin siya. Gusto ko man pag-usapan namin ang nangyari kagabi, kaya lang mukang hindi pa ito ang tamang oras.. "*sobs* Sana maging successful ang operation ni Mama." Iyak padin siya ng iyak.. Parang nararamdaman ko din tuloy yung sakit na nararamdaman niya. Nilapitan ko siya kahit na medyo basa basa pako at nakatowel lang. "Kasalanan niya to!!" Madiin niya sabi, inakbayan ko na payakap si Phia at ibinaon ang mukha niya sa dibdib ko habang iyak padin siya ng iyak. Hindi ko man malaman kung sinong tinutukoy niya sa sinasabi niyang kasalanan niya to! Ang mahalaga mapagaan ko ang loob niya.
"Wag kang mag-alala, makakasurvive ang Mama mo dito!" Bulong ko.
END OF FLASHBACK
Iyak padin siya ng iyak habang nakabaon ang mukha niya sa palad niya.. Nandito na kami ngayon sa Chapel ng Hospital.
Nanghihina naman ako kapag nakikita ko siyang umiiyak at isa pa, wala akong lakas para tumayo dito sa kinauupuan ko at I-comfort siya.. Shit! Bakit ba hindi ko alam kung paano mag-comfort.
I'm not good in this!
Baka mamaya kung anu pa ang mangyari at maipayo ko.. Hindi naman ako magaling sa mga ganon.. Pinagmamasdan ko siya dito mula sa likuran niya, tulala lang siyang nakatingin sa harap pero may mga luhang tumutulo sa mata niya.
♫Riiiiiiiiiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiiiing!
Kinuha ko mula sa bulsa ng jacket ko ang phone ko. Lumayo na muna ako ng kaunti kay Phia at sinagot ang tawag, naihilamos ko pa ang palad sa muka.
"Hello mom...ha? Ahhhh opo.....Mom nagkaron lang po ng emergency....opo opo..Nandito po ako sa hospital...ha? Mom hindi ako ang nasa Hospital...opo opo...mom diko siya pedeng iwan dito! Sige napo...tsk!" Naihilamos kung muli ang palad sa muka ko. "Mom wag na kayong magtampo.....si dad po ba?....tsk bukas na bukas bibisitahin ko kayo dyan.....what??? pero....kakauwi niyo lang kahapon??? ok po...sige mukang importante naman at kailangan talagang umuwi kayo...ok lang sakin...I love you.."
Phia's Pov
Pinunasan ko ang mga luhang kanina pa kumakawala sa mata ko atsaka tumayo.. Paglingon ko sa likod ko, wala nasi Ryan. Nasaan naman kaya ang lalaking yon..
Inilibot ko ang mata ko.. At nakita ko siya na may kausap sa phone..
"sige mukang importante naman at kailangan talagang umuwi kayo...ok lang sakin...I love you.." Tanging narinig ko mula sa usapan nila ng kung sino man iyon.. Ibinulsa na niya ang cellphone atsaka napaharap sakin, nagulat pa siya ng lumingon ako, kaya mabilis ko ding iniiwas ang tingin ko.. "Ok ka lang ba?" Tanung niya atsaka hinawakan ang ilalim ng baba ko upang muling iharap sa kanya..
Hindi ko siya sinagot.. Iniiwas ko ang mukha ko sa pagkakahawak niya at lumabas na ng chapel..
'I Love You.'
'I Love You.'
'I Love You.'
Habang naglalakad ako sa pasilyo ng hospital, papunta sa labas ng Operating Room, paulit ulit na nagf'flashback sa isipan ko ang mga huling sinabi niya..
May girlfriend ba siya?
Paano yung nangyari kagabi?
Ryan's Pov
Ang tagal naming naghihintay ng resulta ng operation ng Mama ni Phia.. Kanina pa kami tulala dito at hindi nag-uusap, hindi manlang siya umiimik sakin.
"Phia." Tawag ko sa kanya, napapanisan na kasi ako ng laway dito. Hindi siya lumingon o kumibo manlang. Tulala padin siya.. Tatahimik na nga lang siguro ako, masyado siguro siyang kinakabahan sa mga nangyayari sa loob..
After 2 hours may lumabas naring Doctor mula sa loob, kaya naman napatayo agad kaming dalwa..
"Doc kamusta po ang Mama ko?" Tanung niya dun sa doctor. Malungkot at nakayuko ang doctor samin.. Nanlalambot naman na napahawak si Phia sa bibig para magpigil ng iyak.
"Doc... ano po?" Inalalayan ko si Phia dahil alam kung nanghihina na naman siya.. Tumunghay ang doctor samin at huminga ng malalim bago magsalita.
"The operation....was successful! Pwede niyo na siyang puntahan mamaya lang pag nailipat na siya sa isang kwarto." Nakangiting pahayag ng doctor. Sarap upakan, ok naman pala, kailangan pasuspense pa..
"T-talaga po?" Muling nabuhayan ng loob si Phia at nakangiting humarap sakin.. "N-narinig mo ba yun Ryan? Ok nasi Mama." Napangiti ako ng maluwag dahil sa naging reaction niya.. at mabilis na pagyakap sakin.
"It's good to hear that!" Sabi ko habang himas himas ang likod niya na nakayakap sakin.
*****
"Ma oh.." Kanina pa pinapakain ni Phia ang Mama niya ng ubas. Kitang kita sa mukha ni Phia ang saya dahil sa naging magandang balita.
Pwede kona kayang i-open at pag-usapan namin ang nangyari kagabi?
"Uy anung iniisip mo jan?" Biglang tanung sakin ni Phia.
"H-ha?" Napanganga ako dahil sa biglaang tanung niya. >.> eh siya kasi iniisip ko ih "Ah wala wala." Pilit na pilit kung sabi.. Tumawa lang si Phia at ngumiti.. >///< bakit ganon? Ngumiti lang siya at tumawa parang gusto kung pag-ulit ulitin na makita at marinig.
"Iho salamat." Pagpapasalamat ng Mama ni Phia sakin.. Pinakilala na kasi ako ng Phia sa Mama niya..
"Walang anuman po." Sabi ko..
"Dahil sayo........nabigyan ulit ako ng pangalawang pagkakataon na makabawi sa anak ko." Punong puno ng lungkot niyang sabi..Nakangiti naman na napatingin sakin si Phia.
♫ Riiiiiiiiing Riiiiiiiiiiiing!
Napakunot ang noo ko ng magring ang phone ko..
"Ahmm. Excuse lang po." Sabi ko, para sagutin ang tawag. Si mommy na naman kasi, gusto kasi nila akong makita ngayon kahit sumaglit manlang daw ako sa bahay dahil pabalik na ulit sila sa business nila sa Spain. Nagkaroon daw kasi ng problema, kaya mapipilitan silang bumalik. Ganyan sila ka-workaholic.
Phia's Pov
Paglabas ni Ryan sa room nato, hinawakan agad ni Mama ang kamay ko.
"Nobyo mo ba ang binatang yon?" Tanung ni Mama na may malisyosang ngiti. Feeling ko tuloy bigla akong namula.
"Ma naman!" Reklamo ko aba eh hindi naman, kakasabi ko nga lang kanina na kaibigan eh.. Unfortunately, we're just fucking friends.
"Bagay kayo alam mo ba yon!?" May nakakalokong ngiti padin sa mukha ni Mama.
"Ma!" Sabi ko gamit ang aking warning tone kaya naman napatawa ulit si Mama, namagitan samin ni Mama ang katahimikan hanggang sa maalala ko ang bagay na siyang naging dahilan ng lahat ng to!
"Ma," Tumingin sakin si Mama.. "Siya ba si Papa?" Napayuko ako dahil don, gusto ko kasi makasiguro na yun nga ang Papa ko. Nawala ang ngiti ni Mama dahil sa tanung ko at hinaplos ang pisngi ko.. Ano ba yan, umiinit na naman ang gilid ng mata ko.
"Anak...patawarin mo ako!" Sabi ni Mama, naluluha narin si Mama habang hinahaplos ang mukha ko.. "Pero...."
"Ah sorry po!" Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin sana ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ryan. "Sige po lalabas na muna ako.." Sabi niya, napansin niya sigurong dibdiban ang usapan namin ni Mama..
Pagkalabas ni Ryan. Hinarap kung muli si Mama na umiiyak na naman..
"Ma..."
"Anak pwede bang wag na natin siyang pag-usapan." Napaiwas ng tingin si Mama, hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ayaw na niyang pag-usapan ito, igagalang ko ang sinabi ni Mama dahil yun din naman ang gusto ko. At hindi ako interesado sa Papa ko. "Gusto ko ng tuparin ang paulit-ulit kung ipinapangako sayo na......kakalimutan siya." Napasinghot si Mama.. Ngumiti ako at niyakap si Mama..
"Aasahan ko yan Ma.." Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sa mata ko habang nakayakap kay Mama..
________________________________________________________________________
Karugtong ng Chapter 13.. Part II napo ito. Anyway highway, nagtataka ba kayo kung bakit ang bilis kung mag-update? Simple lang hanggat wala pa kaming pasok, sinusulit kona, kaya by next week maging Slow UD na..Dahil start of hell months na.. BACK TO SCHOOL nako ahaha.. Pero doncha worry dahil gagawa at gagawa ako ng paraan para makasingit ng pang-UD sana nga lang maganda ang maging Schedule ko this sem *cross fingers*