✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

Por NoxVociferans

104K 8.2K 545

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... Más

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 67

1.4K 113 12
Por NoxVociferans

Sixteen years ago, Macky wished he can meet his parents.

Ayon sa mga kwento ni Mother Theresa sa kanya, isang linggo pa lang siya noong iniwan siya dito sa bahay-ampunan ng kanyang ama. Namatay raw sa panganganak ang kanyang ina, samantalang ang kanyang tatay naman ay "hindi kayang buhayin" ang sanggol na si Macky. Of course, Macky believed whatever she told her and at a very young age, he understood. Baka nga kapos sa pera ang kanyang ama, kaya niya piniling iwanan sa Genesis ang kanyang anak. Gustuhin mang magalit ni Macky, hindi niya ito magawa.

Inisiip na lang niyang iniwan siya dito ng kanyang tatay para sa kanyang ikabubuti.

Pero hindi pa rin niya maiwasang umasa na sana balang-araw, babalikan siya nito.

Parents don't abandon their kids, right?

"Hoy! Nakatulala ka na naman diyan."

Napalingon si Macky nang mapansing tumabi sa kanya si Kathlene. She was a couple of years younger than he is, but they were the best of friends nonetheless. That bright smile on her innocent face made his mood a little lighter. Still, the curosity was slowly killing him...

"Hindi mo ba namimiss ang tunay mong mga magulang, Kathlene?"

Kumunot ang noo ni Kathlene sa biglaang tanong nito. Maya-maya pa, umiling ito nang may malungkot na ngiti sa mga labi.

"Paano mo naman mami-miss ang mga taong hindi mo naman kilala, Macky? Hindi ko na sila iniisip. Ang mahalaga, masaya ako dito sa Genesis.."

Macky averted his eyes away from her. Ano pa bang aasahan niya? Of course, Kathlene won't understand him. Wala naman talagang nakakaunawa sa kanya. Sa pitong taon niyang pamamalagi dito sa bahay-ampunan, kahit pa subukan niyang maging kuntento sa piling ng mga kanyang mga "kapatid", kay Kathlene, at sa kanyang "mama" Theresa, hindi pa rin niya maiwasang maramdamang may kulang pa rin sa kanyang puso. Is it a sin to want to know your parents?

Oo nga pala. Kathlene was just a baby when she was found inside a trash can, kaya hindi na nakakapagtaka kung wala talagang pakialam si Kathlene sa kanyang mga magulang. Both of them are despicable. Pero sa kaso ni Macky, ramdam niyang mabuting tao ang kanyang tunay na ama.

"Nasaan si Terry?"

Kathlene smiled at the mention of his dog's name, "Nasa playgrounds. Nakikipaglaro kina Patricia.. nainip na yata kakahintay sa'yo." Mahina siyang natawa.

Dahil dito, binitiwan na ni Macky ang lapis na kanina niya pa hawak sa kanyang kaliwang kamay at bumaling sa papel sa kanyang harapan. Napangiwi siya nang makitang bali-baliktad na naman ang pagkakaayos ng mga letra. 'Mama will be disappointed in me again..' Hindi tulad ng ibang mga bata, hindi pa rin niya naaayos ang kanyang pagsulat, lalo na kapag nagiging emosyunal siya. He hated it. He hated himself. Paano siya magugustuhan ng kanyang tatay kung hindi siya maayos magsulat?

Napabuntong-hininga na lang si Macky at pinuntahan ang alagang aso.

"Arf! Arf!"

"Terry!"

Agad siyang dinambahan ng aso na naging dahilan para matumba sila sa damuhan. Mahinang natawa si Macky. If it's any consolation, his pet dog makes him feel a little less lonely. "Gusto mo bang maglakad-lakad? Alis muna tayo dito. Pero shh ka lang ha? Mapapagalitan tayo ni mama kapag nalaman niyang umalis na naman tayo ng ampunan."

"Arf! Arf!"

The wag of his tail was the only response he needed.

Noong araw na 'yon, mabilis silang pumuslit papalabas ng gate. Madalas nila itong gawin lalo na tuwing maaalala ni Macky ang kanyang ama. Atleast a walk inside the forest takes his mind off the things he doesn't want to remember.

Ngunit hindi pa man sila nakakalayo, biglang humarurot papunta sa kanila ang isang puting Sedan. Dahil dito, kamuntikan nang masagasaan si Terry kung hindi lang siya itinulak papalayo ni Macky. The seven-year-old boy groaned in pain as he felt his knees scrape against a rock. Sinamaan niya ng tingin ang lalaking lumabas ng sasakyan.

The man who wore a suit looked like he was in his late thirties. Kuminang sa sikat ng araw ang ginto nitong relo. Pormal na pormal itong tingnan at mukhang karespe-respeto kung hindi lang sana ito nakasimangot sa kanya.

"Sa susunod, tumabi ka naman bata! My reputation will be at stake if those fuckers found out I ran over a stupid kid. Tsk! Kung 'yang aso mo lang sana ang nakaharang, wala akong pakialam kahit pa masagasaan ko iyan." Galit nitong sabi sa kanya na ikinabigla ni Macky. Matapang niyang hinarap ang lalaki at hindi natinag sa matatalim nitong mga mata. He immediately despised him.

"Pasensya na po dahil nakaharang kami.. pero wag mo naman po sana bastusin si Terry. M-Mahalaga sa'kin ang asong ito!"

Pagak na natawa ang lalaki. "Hindi ka ba tinuruan ng mabuting asal sa bahay-ampunan, bata? Hindi ba naituro sa'yo ng uugod-ugod na madre na 'yon na hindi ka dapat sumasagot sa mga nakakatanda sa'yo? The more reason why I should stop funding his place. They started raising ill-mannered kids like you."

Bago pa man maipagtanggol ni Macky ang sarili niya, biglang tumunog ang telepono ng lalaki. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.

"Oo.. nandito na ako sa Genesis..."

Hindi na inintindi ni Macky ang sinasabi nito. Nakatuon na ang kanyang atensyon sa wallet ng lalaki na aksidenteng nahulog kanina nang kunin nito ang kanyang cellphone. Dala ng pagmamadali nito, hindi na niya napansing naiwan niya. Agad lang siyang nagpatuloy sa pagmamaneho.

'I hate him.'

Pero sa kabila nito, pinulot niya pa rin ang wallet. Agad niyang napansin ang perang nakasilid dito. May ilan ring credit cards. Binasa ni Macky ang nakasulat sa isang ID. "Atty. Lemuel San Andres?" Kaya pala mayabang ito. Umismid ang bata at akmang isasara na sana ang wallet nang makita ang isang larawan doon.

It was a family picture.

Kasama ni Atty. Lemuel ang kanyang asawa at anak. From the looks of it, the boy in the picture looked just about his age. Mestiso ito at halatang nagmula sa mayamang angkan.

Hindi niya maiwasang mainggit.

'Mabuti pa siya, kasama ang kanyang mga magulang.'

Gustuhin man niyang itapon ang wallet na ito, alam niyang madidismaya si Mother Theresa sa kanya. Palagi nitong ipinaalala kina Macky na kahit gaano pa kalupit ang mundo, kailangan nila itong harapin nang may mabuting puso. Huminga nang malalim ang bata at sinenyasan ang aso.

"Tara na, Terry.. kailangan pa natin itong isauli."

Nang makabalik na sila sa Genesis, agad na nakita ni Macky ang nakaparadang kotse ng abogado. 'Ano naman kaya ang gagawin niya dito?' Nagkibit-balikat na lang ang bata at tinahak ang landas ng opisina ni Mother Theresa. Madalas, dito niya pinapapunta ang mga bisita para makapag-usap sila nang pribado. Macky smiled when he saw the door slightly ajar.

But his smile instantly vanished when he heard the argument.

"P-Pero Mr. San Andres, m-mahihirapan kaming tustusan ang p-pangangailangan ng orphanage kung---"

"Wala na akong magagawa."

Nakasilip lang roon si Macky. Nakita niyang halos magmakaawa na ang madre. Bakas sa kanyang mga mata ang pagiging problemado nito. This was the first time he had seen Mother Theresa look so helpless and stressed.

"Yung mga bata, sir.."

"Wala akong pakialam sa ibang mga bata kahit pa mamatay sila sa gutom. Hindi ko na problema 'yan." Huminga ito nang malalim na para bang pinapakalma ang sarili, "Look, I do apologize for the inconvenience, but I am left with no choice, Mother Theresa.. ititigil ko na ang pagbibigay ng sustento dito sa orphanage. I'll take care of the papers as soon as possible."

Nanghihina na lang tumango ang madre.

Ilang sandali pa, nagsalita muli ang lalaki. "Babalik ako dito sa May 12."

"S-Sige po.."

Nang matapos ang kanilang pag-uusap, hindi agad nakakilos si Macky. Saka lang niya namalayang nakatayo pa rin siya sa tapat ng pinto nang bumukas ito. Muli, tumalim na naman ang mga mata ng abogado sa kanya. Napalunok si Macky at kinakabahang inabot ang wallet nito. He locked his gaze with the man before him. 'He's Satan,' he concluded when he took his wallet and walked out of the orpahange that day.

Ilang buwan ang lumipas, lalong naging mahirap ang sitwasyon nila sa orphanage. Hindi man niya ito ipinapahalata, alam ni Macky na palagi nang namomorblema ang madre sa kakainin nila araw-araw. Hindi nakatulong na patuloy pa rin silang tumatanggap ng mga batang naulila rin sa kanilang mga magulang. At some point, they weren't even eating healthy foods anymore. Hindi na napalitan ang kanilang mga lumang damit at lalong wala na silang perang pambili ng mga gamot. Some kids died. Maging ang ilang volunteers, tumigil na rin.

The local government was having a hard time sustaining them financially, and the donations from private individuals stopped.

No one cared for Genesis orphanage anymore.

And then, the 12th of May came.

Ang ika-walong kaarawan ni Macky.

Pero kasabay nito, dumating ang isang hindi inaasahang bisita. Dumating si Atty. Lemuel San Andres na may bitbit na cake. The flame of the birthday candle reflected in his eyes. Noong una ay nagulahan silang dalawa, ngunit nang pormal na silang ipinakilala ni Mother Theresa sa isa't isa, tila ba gumuho ang mundo ni Macky.

"Macky, siya si Atty. Lemuel San Andres.. siya ang tatay mo."

Noong una ay hindi pa maiproseso ng kanyang utak ang narinig. The man who caused the orphanage so much pain. The man who caused so much trouble and yelled at him months ago. The person he despises so much...

Is his own father.

'A-Akala ko mabuti siyang tao?' Hindi niya ito inaasahan, at mukhang maging ang abogado ay ngayon lang napagtanto ang koneksyon nilang dalawa. At ngayong naiisip ito ni Macky, para bang nasayang ang ilang taon ng pagtatanggol niya sa lalaking ito dahil wala siyang makitang dahilan kung bakit siya nito iniwan. His father is fucking rich! Why the heck would he abandon him? Buong buhay niya, pinaniwalaan ni Macky ang gawa-gawa niyang rason na baka walang kapasidad na bumuhay ng anak ang kanyang ama kaya siya iniwan sa Genesis.

But it turns out, he had all the capability to raise a family.

To raise "another" family.

Naalala niya ulit ang family picture na nakita niya sa wallet ng abogado.

Hindi na niya napigilan ang mga luhang dumausdos sa kanyang mga pisngi.

"A-Anak, hindi ko alam---"

"Matagal ka nang nawalan ng karapatan na tawagin akong anak!"

Tinabig niya ang cake na naging dahilan para mantsahan nito ang malinis na linoleum. Kasabay nito, namatay ang apoy ng kandila at naiwang nakatulala sina Atty. San Andres at Mother Theresa.

Macky ran up to his room and locked himself inside. Hinayaan niya ang sariling umiyak at umasang mawawala ang sakit. Noon, gusto niyang makilala ang kanyang magulang.. pero ngayon, pinagsisisihan na niya ito. For eight years, he convinced himself that his father was a role model---a hero. But what happens when you find out that that "hero" turns out to be one of the bad guys?

'I hate him.. I hate his job, I hate his wife, I hate his son...'

Paano niya naaatim na mamuhay nang maginhawa habang halos mamatay na ang kanyang anak sa gutom at pangungulila?

Damn this.

"Arf! Arf!"

Nag-angat ng mga mata si Macky. Noon niya lang napansin ang presensiya ni Terry sa loob ng kanyang silid. Wala na itong pakialam kahit pa noong tabihan siya nito at sinubukang patahanin. Macky was eight years old and overly sensitive. He felt like his emotions leaked out of him until there was nothing left in his chest.

Noong mga sandaling iyon, bumalik sa kanyang alaala ang apoy sa kanyang birthday candle.

'I wonder what it's like to burn a living thing?'

Dumako ang mga mata niya kay Terry.

That was the turning point of his insanity.

Buong maghapon siyang hindi lumabas ng kanyang silid kahit pa nakailang tawag sa kanya sina Mother Theresa. Hinintay na lang niyang sumuko ang mga ito. Kinagabihan,  kumuha siya ng lubid at posporo sa kusina at hinanap ang gasera. The smell of gas made him smile as he led his dog towards the forest. Hindi na niya alam kung anong ginagawa niya. Wala na siyang pakialam.

He's do anything to lessen the pain and to sate his curiosity.

Kaya sa gitna ng madilim na kagubatan, pinukpok niya ng malaking bato ang ulo ng kanyang aso. Terry immediately fell to the ground, moaning in pain. Blood seeped out of his wound as the dog stared at him. Pero sa bigat ng nararamdaman ni Macky, ang mukha ni Atty. San Andres ang nakikita niyang kakahandusay sa lupa. Dala ng galit, itinali niya ang mga paa ng aso at binushan ng gas ang katawan nito. Soon, he struck the match and watched the flame devour his dog.

Mahinang umalulong si Terry habang sinusunog siya ng kanyang amo.

Samantala, natulalang nakaupo sa isang gilid si Macky, pinapanood ang pagkasunog ng kanyang balahibo at laman. The smell intoxicated him, but the fire piqued his interest. No, it fascinated him..

'Makakaramdam din kaya ako ng sakit kapag nilamon din ako ng apoy?'

Malungkot siyang napangiti. Because he felt empty, it wouldn't hurt to do a little experiment, right? Huminga nang malalim ang bata at marahang nilapitan ang apoy. At sa isang iglap, sinubukan niyang sunugin ang kanyang sarili. His shoulders caught the flames first and he immediately yelled in pain. Agad siyang lumayo at takot na pinagmasdan ang pasong kanyang natamo.

The fire burnt his skin and it stung with every movement he made.

Nanginginig ang kanyang kalamnan sa sakit at hapdi nito. Pero sa kabila ng lahat, mahinang natawa si Macky.

Atleast now, he knows he can still feel.

'These burnt marks will haunt me until I die..'

"Hindi ka dapat naglalaro ng apoy, bata."

Napapitlag si Macky nang marinig ang boses ng isang estranghero. Nang lingunin niya ito, napansin niya ang bulto ng isang lalaking naninigarilyo sa di-kalayuan. The man's eyes reflected malice as he stared at him.

"S-Sino ka naman?"

"Me? I'm just an arsonist.." dumako ang mga mata ng lalaki sa nasusunog na bangkay ng aso at sumipol. A smirk on his face, "Nice work.. pero binabalaan kita bata, sa oras na kaibiganin mo ang apoy para gumawa ng kasamaan, hindi mo na mababawi ang kaluluwa mo. Your soul and your fucking morality will be devoured by the flames."

Lihim na napangiti si Macky.

Noong gabing iyon ng kanyang kaarawan, nakilala niya ang kriminal at arsonist na si Arnold Cabrera. Magmula noon, malimit na niya itong nakakasalubong sa kagubatan at paminsan-minsan, tinuturuan siya nito ng mga "technique" para magmukhaing aksidente ang isang sunog, paggamit ng gasolina bilang accelerant, at iba pa.

One year later, during Macky's 9th birthday, Cabrera formally adopted him.

But little did he know that Macky was bound to use his teachings against him

One more year later, during Macky's 10th birthday, he burned his apartment and hide behind the identity of the dead boy, Terrence Hidalgo.

At that time, Macky doesn't care.

He just wanted to make Lemuel San Andres' life miserable, and perhaps, he'll someday have the chance to kill his son---Macky's half-brother---Lelouch too.

Ilang taon na ang lumipas, pero hindi pa rin nawawala ang nagliliyab na galit at inggit sa puso niya.

*

Pinagmasdan ni Nico ang senaryo sa kanilang harapan. 'Yup, he's definitely a lunatic.' Napabuntong-hininga na lang ang detective nang makitang nasasaktan na ang madre dahil sa pagkakasakal sa kanya ng arsonist. The barel of the gun was still pressed against her temple.

"Halang na talaga ang bituka mo kung kaya mo nang saktan ang madreng nag-aruga sa'yo mula noong sanggol ka." Nico flately stated in an attempt to knock some sense into him. Sa kabila nito, hindi na siya nagulat nang pagak na natawa ang Robinhood Arsonist at walang-emosyong tumitig sa kanila.

"Nakadepende iyon sa magiging desisyon niyo. Try to stop me and this old hag will die, detectives.. hindi niyo naman siguro gugustuhing may mamatay na naman dahil sa kapabayaan niyo?"

At sa isang iglap, itinapat ni Macky ang baril sa kalapit na lampara.

BANG!

Walang mintis itong tinamaan ng bala na naging sanhi para sumiklab ang apoy sa kalapit nitong mga tuyong dahon. Hindi sila makakilos nang mabilis na kumalat ang apoy sa sahig ng kagubatan. 'Damn Sherlock! Now we even have a forest fire to stop.'

Sino bang nagsabing madaling maging detective?!

"Kung hindi niyo ibababa ang mga baril niyo, pare-pareho tayong mamamatay dito! HAHAHAHAHA!"

"M-Macky...anak.. tumigil ka na.." nanghihinang sabi ni Mother Theresa na malapit nang maluha, "Hindi ka masamang tao.. hindi kita pinalaking ganito. M-May takot ka sa Diyos, mabuti kang bata.. tama na, anak."

"SHUT THE FUCK UP! MATAGAL NANG NAMATAY ANG INOSENTENG MACKY NA LUMAKI SA AMPUNANG IYON! MATAGAL NANG PINATAY NG REYALIDAD ANG BATANG IYON!"

The Robinhood Arsonist returned the gun to the old woman's temple, forcing her to shut her mouth. Sa paglipas ng oras, lalong namamayani ang usok sa kanilang paligid.

"Ano nang gagawin niyo, detectives?"

From the corner of his eye, Nova stared at him. Tila ba tinatanong nito kung ano ang gagawin nila.

But the depths of Nico's eyes already gave her an answer.

In that critical moment, their minds were in sync---a connection formed from both their experience and friendship.

Sa kabila ng mapanganib na sitwasyon, kalmadong naglakad papalapit si Detective Nico Yukishito. Seryoso niyang hinawakan ang kanyang kanang pulsuan na agad na sinundan ng mata ni Robinhood Arsonist. An animalistic growl escaped his mouth. Ilang sandali pa, itinutok na nito sa noo ni Nico ang baril.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang gamitin ulit 'yang gadget mo, detective?!"

In a split second, Nico pulled back the sleeves of his jacket with a sarcastic smirk on his face. Nanlaki ang mga mata ng arsonist. Ngayon niya lang napansing wala roon ang gadget na nagpapakawala ng fireball.

"Over here, you asshole!"

Napalingon si Macky sa direksyon ng babaeng detective. Huli na nang mapansin nitong nakatutok na pala sa kanya ang fireball shooter. With one click of a button, a small fireball was aimed at his face. Napasigaw sa pagkabigla si Macky na naging dahilan para lumuwag ang hawak niya kay Mother Theresa. Sapat na ito para mabilis na makakawala ang madre at lumayo kay Macky.

Nico moved faster and sent a roundhouse kick to the arsonist's side. Sa lakas ng impact ng sipa, nabitiwan nito ang baril.

Mahinang napamura ang kriminal at sinubukan siyang suntukin sa panga. Maliksing umilag si Nico at sinangga ang kanyang mga atake.

Nico's detective Rule #3: Timing is important, especially when dealing with a crazy arsonist. It can easily change everything.

'Now!'

Sa kabila ng mga atake ng arsonist, kalkuladong nailagan ni Nico ang mga ito. Nang sapat na ang distansya niya, he curled his fingers and quickly drove a pheonix punch to the pressure point in his neck. Dahil ito, agad na napadaing sakit si Macky at nahinto sa kanyang mga atake. The Robinhood Arsonist was stunned and rendered vulnerable as he dropped to his knees.

Ngumisi si Nico.

"As much as I hate to admit this, pero mukhang kailangan kong pasalamatan si Uncle X dahil sa sapilitang pagtuturo niya sa'kin ng martial arts noon. I never knew his lesson on pressure points will come in handy."

Kinuha ni Nico ang posas sa kanyang bulsa at pinosasan ang Robinhood Arsonist. Agad silang nilapitan ni Rizee at ng iba pang mga pulis na kanina pa nakaabang. They were on stand-by, following Nico's instructions. Nilinaw sa kanila ng detective na hindi sila kikilos hangga't wala siyang sinasabi. They're here just in case things get a little too "out-of-hand", of course.

Nico watched as the police dragged the criminal up his feet. Nang malapitan ni Rizee ang kasintahan, wala itong inaksayang panahon at sinuntok ang mukha nito. Nico chuckled when he heard Macky's nose crack. All the while, Rizee's fierce blue eyes glared at him.

"Break na tayo."

At ngayong nahuli na nila ang arsonist, kailangan na nilang kaharapin ang huli nilang kalaban ngayong gabi---ang kumakalat na apoy sa kagubatan.

Detective Nico and Detective Nova immediately evacuated the area and watched as the Eastwood Fire Department responded. Katulad ng Eastwood Police, kanina pa nakabantay ang isang fire truck sa di-kalayuan kung sakali mang kailanganin nila ng backup. Dealing with an arsonist, Rizee suggested the idea to let them tag along.

Sa huli, aminado naman silang hindi kasama sa kanilang training ang pag-apula ng mga sunog.

But things getting even more complicated..

'Hindi na tumatalab ang ginagamit nilang tubig at kemikal.' Detective Nico Yukishito observed.

Hindi magtatagal, at lalo silang mahihirapan kontrolin ang forest fire.

The flames will soon devour the forest.

Ilang sandali pa, nilapitan sila ng team leader ng mga bumbero. Nakita agad ni Nico ang pag-aalala sa ekspresyon nito. Bahagya pa itong sumulyap sa kanyang mga kasamahan at napabuntong-hininga. Urgency was crystal clear in his face. "Nabawasan ang mga kemikal na ginagamit namin kanina nang patayin namin ang apoy sa hukay na ginawa ni Terrence. Tumawag na kami ng backup para dito, pero baka lalong lumaki ang apoy bago pa man sila makarating dito.."

"Back burning."

Napalingon sila kay Nova nang bigla itong magsalita.

Napangiti naman si Nico nang maalala ang tungkol doon. The information is swimming inside his head again, "Of course! Fight fire with fire... May propane torch ba kayong dala?"

"Meron! S-Sandali, kukunin ko.." At tumakbo pabalik ng fire truck ang bumbero.

Kailangan ng apoy ang tatlong bagay para mabuhay ito: isang fuel, oxygen, at ang heat source. Kapag tinanggalan mo ito ng isa sa tatlong 'yan, mamamatay ang apoy.

Ngayon, sa kaso ng isang forest fire, madalas ginagawa ang proseso "back burning" para kontrolin ang sunog.

Para mapigilang kumalat ang isang apoy, lumilikha ng isa pang apoy---ang "controlled burn" kung tawagin.

Ito ang apoy na kokontrol at papatay sa naunang apoy.

Nangyayari ang "back burning" kapag nauunang lamunin ng apoy ng controlled burn ang mga posibleng maging fuel ng naunang apoy... sa kasong ito, ang mga damo, halaman, at iba pang bagay sa kagubatan na posibleng madaanan ng isang apoy ay ang "fuel" nito. Kapag inubos na ng controlled burn ang fuel, mawawalan ng susunugin ang naunang apoy.

Uunahan nila ito.

In simple words, the controlled burn will steal the fuel of the uncontrolled fire, eventually stopping it.

At para makalikha ng isa pang apoy (controlled burn) ang mga bumbero, gumagamit sila ng tinatawag nating "propane torch".

Thus, fire versus fire.

In this case, kailangan nilang gumawa ng isa pang apoy na kokontra at pipigil sa apoy na pinasimulan kanina ng Robinhood Arsonist.

"Detective Yukishito! W-We have a problem...naubos na pala ang laman ng tangke ng propane torch namin." Bumalik ang natatarantang bumbero na dala ang propane torch.

Napasimangot si Nico.

Beside him, he can feel Nova's nervousness. "Gosh! Paano naman tayo gagawa ng apoy nito? Matatagalan kung mano-manong gagamit ng posporo.. we need to make a fire barrier!" But as Nova tucked her pink hair behind her ear, Nova followed her movement. His eyes were focused on the device still on her left wrist.

Ang Pyroshooter.

Ngumisi si Nico sa ideya. Kalmado niyang binalingan ang bumbero.

"Pwede na siguro ang fireballs, 'di ba?"

They both stared at him as if he were crazy.

Walang imik namang ibinalik sa kanya ni Nova ang Pyroshooter at ang maliit nitong remote. Inilabas ni Nico ang bag ng cotton balls (dahil paniguradong marami-raming fireballs ang kailangan nila), hinubad ang kanyang jacket, at nauna nang naglakad papalapit sa nasusunog na kagubatan. He slightly tilted his head to them when he spoke, his silhouette against the scourching flames.

"Bilisan na natin. Hopefully, the café will still be open by the time we're finished here."

Right then, Eastwood's greatest detective smirked boyishly, flashing them his dimples.

---

Seguir leyendo

También te gustarán

3.6K 725 53
"I am a Dreamcaster." "But you don't have any dreams?" "Does it matter?" He challenged. She glared back. "It does." After his mentor's retirement, tu...
56.1M 990K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
18.1K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
218K 12.7K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...