✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

Від NoxVociferans

104K 8.2K 545

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... Більше

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 52
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 64

1.1K 103 2
Від NoxVociferans

"Nasisiraan ka na talaga ng bait kung inaakala mong hahayaan kitang galawin ako. I'd rather fucking die, you bastard!"

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga na lang si Nova at marahang napailing, "Noong gabing sinigawan kita, nalaman mo kaagad na ka-partner ko si Nico, kahit pa hindi ko ito binanggit sa'yo. I should've known you've been spying on us... I should've known you were the Robinhood Arsonist... Terrence Hidalgo."

Lalong lumawak ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Terrence nang makitang sumiklab ang galit sa mga mata ng detective. He chuckled darkly and stood up. Nakatuon pa rin ang kanyang atensyon kay Nova.

"You've had your chance, detective. Binigyan ko kayo ng pagkakataong manalo sa laro natin, pero sinayang niyo lang. Hindi niyo nailigtas ang nauna kong mga biktima, at sapat na sa'king malaman na guguluhin kayo ng mga konsensiya niyo hanggang sa inyong huling hininga. I thought you and your arrogant partner were up for the challenge, but you just wasted my fucking time," marahang umiling ang bumbero na para bang hindi makapaniwala. "Nakakadisayamang isipin na nakasalalay sa inyo ang kaligtasan ng Eastwood..."

Mukhang nagsayang lang siya ng pagod sa mga ito. Sa ilang buwang pagtatrabaho sa Eastwood Fire Department ni Terrence, naging saksi siya sa mga trahedyang nagaganap sa bayan. Habang tumatagal, mas lalong nagiging mapanganib ang bayang ito para sa lahat---lalo na sa mga bata. Although the orphanage is somewhat "isolated" from these horrors, alam ni Terrence na hindi magtatagal at kakaharapin ng mga batang naninirahan doon ang malamig na reyalidad sa labas ng mga bakod.

Naranasan na niya ito.

'When you get out of that orphanage, you realize that the world is not a playground for the innocent.'

Kung may isang bagay mang pinagsisisihan ang Robinhood Arsonist, iyon ay ang paglabas niya sa mga gate ng kanilang orphanage noong araw na iyon. That was the day his childhood was taken away from him. Ang araw na nakilala niya ang taong iyon...

It's disturbing how a mere truth can take away his innocence, like how a thief can steal gold from a rich man's pocket.

"Hindi na natin mababago ang nakaraan. Maitatama na lang natin ang kasalukuyan.." isang mapait na ngiti ang pumunit sa labi ni Terrence bago niya binalingan ang abogado. Naikuyom na lang niya ang kanyang mga kamao at hinayaang tangayin siya ng galit at pagkasabik para marinig ang mga sigaw ng abogadong ito habang sinusunog ang kanyang laman. The flames of hell will devour Atty. Lelouch San Andres' body and Terrence will savor every second of it.

Oras na para tapusin na niya ito.

Dahan-dahan niyang nilapitan ang binata. Agad siyang sinalubong ng matatalim nitong tingin. 'I can't wait to watch his eyes pop out of his eye sockets,' the arsonist mused and brutally grabbed his feet and dragged him towards the edge of the pit.

Nang maramdaman niya ang pagpupumiglas nito, pagak na natawa si Terrence.

Sa kadiliman ng campsite at sa layo nito sa kabihasnan, walang makakarinig ng kanyang mga sigaw, walang makakakita sa krimeng magaganap, at lalong walang makikialam sa impyernong nilikha niya. They should be grateful Terrence is merciful enough to burn them alive and exert effort on this shit.

He inhaled the addicting smell of gasoline. Ilang sandali pa, kinuha na niya ang kahon ng posporo sa kanyang bulsa.

Walang buhay niyang pinagmasdan ang munting apoy na sumiklab sa hawak niyang palito ng posporo. Nakakatuwang isipin na sapat na ang maliit na apoy na ito para buksan ang lagusan ng impyerno---para tapusin ang buhay ng kinikilala nilang abogado. The flame was enough to illuminate his dark and empty eyes, giving an eerie glow to his features.

It flickered for a few minutes, before the Robinhood Arsonist threw it into the pit of hell he created. Kasabay ng pagsiklab ang apoy, sumiklab na naman ang galit sa puso ng arsonist. Pagkatapos ng mahigit isang dekada, maaalis na rin ang bigat sa kanyang dibdib. Sa wakas, makakalaya na rin si Terrence sa mapait niyang reyalidad.

"Say hi to Satan for me, attorney. He misses you..."

Still, Lelouch's eyes harbored no fear. 'Nagtatapang-tapangan pa rin? Bullshit.'

Hindi na niya napigilan ang sarili. Galit na pinagsisisipa ni Terrence ang abogado, paulit-ulit hanggang sa mamilipit na ito sa sakit. Sa di-kalayuan, tahimik na pinagmasdan ni Nova ang paghihirap ng dating kasintahan. Lalong lumawak ang mapanganib na ngiti sa mga labi ni Terrence at kinaladkad papalapit sa kanyang impyerno ang binata.

"After I'm done with you, I'll have fun with your girlfriend.. walang-awa ko siyang gagahasain, katulad ng ginawa ko noon kay Janella."

Napansin niyang namutla ang abogado nang marinig ito.

'Tingnan na lang natin kung kaya mo pang maging matapang kapag nakaharap mo na ang kamatayan..'

Ihahagis na niya sa hukay si Lelouch, ngunit bago pa man siya angkinin ng apoy, malakas na napamura si Terrence nang maramdaman ang pagtama ng isang fireball sa kanyang kamay. "TANGINA!" Dahil dito, nabitiwan niya si Lelouch na nanghihinang bumagsak sa lupa.

Nang lingunin ng Robinhood Arsonist ang pinagmulan ng fireball, agad siyang nanlata nang makitang kalmadong nakasandal sa isang puno si Detective Nico Yukishito.

'P-Paanong...?'

He lowered his arm that had a small back device strapped to his wrist. Soon, an arrogant smirk graced the detective's lips as he glared at him. When he saw the burnt marks on Terrence's shoulders, he knew they caught their criminal.

"Quite foolish of you, Terrence Hidalgo.. or should I call you 'Macky'?"

Fuck.

*

Nang marinig ni Detective Briannova Carlos ang boses ni Nico, agad siyang kumawala sa lubid na nakatali sa kanyang mga kamay. Pasimple niyang ibinalik sa kanyang bulsa ang cutter na kanina niya pa ginagamit sa pagkalas nito. While Terrence was distracted, she immediately took advantage of the situation.

'Gosh! Why do I always find myself entangled in his wicked plans?'

Well, that doesn't matter now. Kailangan niyang gawin ang parte niya sa kanilang plano.

Save Lelouch.

Maingat niyang kinuha ang nataling tela sa kanyang baywang. Natatakpan ito ng maluwag niyang blouse kaya madali niya itong naitago sa arsonist. She covered herself with the invisibility cloak and crawled towards the attorney.

Hanggang ngayon, namimilipit pa rin sa sakit si Lelouch dahil sa pagkakasipa sa kanya ng arsonist. Hinihingal pa ito at bakas sa mukha nitong nahihirapan na siya. Agad na nakaramdam ng awa si Nova para sa dating kasintahan. Ano bang ginawa niya para magalit sa kanya ang Robinhood Arsonist?

'Hang in there, attorney.'

Nang marating na niya ang pwesto ni Lelouch, kinuha niya muli ang cutter at sinimulan nang kalasin ang mga lubid nito. Lelouch weakly eyed her in a daze. He managed a forced smile on his lips.

"Alam mong ako ang isusunod ng arsonist.. kaya ka nakipagkita sa'kin kanina." Bulong nito.

Marahang tumango si Nova. Nagpapasalamat na lang siya't tuluyan nang naibaling ni Terrence ang kanyang atensyon kay Nico. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakita niyang sumesenyas sa kanila si Rizee na nagtatago sa likod ng mga halaman. Katulad ng napag-usapan nila, may kasama itong ilang armadong pulis at medic.

Umaayon ang lahat sa kanilang mga plano.

Kahapon, nang mapagtagpi-tagpi nila ang mga detalye ng kaso at ang tungkol sa stalker ni Lelouch nitong mga nakaraang linggo, napagtanto nila Nova na ang district attorney ang susunod na biktima ng Robinhood Arsonist. At dahil kailangan nilang i-"expose" ang katauhan ng kriminal, they decided to take the risk.

"Pero paano nalaman ni Nico ang lokasyon natin?"

She smirked, "We used the tracking device. Kanina pa ito nakatago sa bulsa ko."

Sinadya niyang madamay. Para sa kaligtasan ni Lelouch at para mahuli ang arsonist, Nova agreed to put herself in danger.

Nang maalis na ni Nova ang mga lubid sa kamay ni Lelouch, she started cutting through the rope on his feet. Ilang sandali pa, tuluyan nang nakakawala ang abogado. Gamit ang invisibility cloak, mabilis niya itong  itinaklob sa kanilang dalawa. Nang mga sandaling iyon, bumaling sa direksyon nila si Terrence.

Anger and confusion flared in his eyes.

"NASAAN SILA?!"

Nova smirked. 'He couldn't see us. Damn, I need to get myself one of these!'

Nang hindi ito napapansin ng kriminal, dahan-dahan silang gumapang papunta sa kinaroroonan nina Rizee. Agad na nilapitan ng medic ang binata nang makita ang kalagayan nito. Nang dumako ang mga mata ni Nova sa district officer, napansin niyang nakabantay pa rin ito sa direksyon nina Nico at Terrence. In the glow of the flames the arsonist created, Nova can see the pain in Rizee's eyes.

Hindi man nito ipinapahalata, pero alam niyang nasasaktan pa rin ito sa katotohahang ang boyfriend niya ang kriminal sa likod ng maskara ng Robinhood Arsonist.

Ang katotohanang ginamit lang siya ni Terrence para bantayan ang kilos nila.

Nova wanted to comfort her, but she knows it wouldn't do any good. Sa ngayon, nakasalalay sa mga estratehiya ni Nico ang katapusan ng kasong ito.

They needed to trust him.

---

Продовжити читання

Вам також сподобається

18.1K 2K 25
Read at your own risk. --- Bookcover credits to @KristelJinPorazo
82.6M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
Project LOKI ② Від akosiibarra

Детективи / Трилер

6.9M 347K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
✔ 03 | Point Of Exposure Від NoxVociferans

Детективи / Трилер

44K 4.5K 69
"Kailangan natin siyang pigilan bago pa ubusin ng virus ang populasyon ng Eastwood!" This time around, Detective Nico Yukishito and Detective Brianno...