Why Does it Matter?

By Menggguy

26.2K 1.3K 203

Halaga? Arya always believes in a quote "Everything does matter" and that's how she lives her life as she inc... More

Prologue
Chapter 1: Matter
Chapter 2: DNU not DNA
Chapter 3: Law of Conservation of Mass
Chapter 4: Gravity
Chapter 5: Carbon
Chapter 6: Origin
Chapter 7: Concentration
Chapter 8: Catalyst
Chapter 9: Balancing Equations
Chapter 11: Repulsion
Chapter 12: Collide
Chapter 13: Solution
Chapter 14: Pressure
Chapter 15: Boiling Point
Chapter 16: Melting Point
Chapter 17: Freezing Point
Chapter 18: System
Chapter 19: Heat Capacity
Chapter 20: Specific Heat
Chapter 21: Neutral Charges
Chapter 22: Non Polar and Polar
Chapter 23: Cohesive Force
Chapter 24: Fusion
Chapter 25: Force
Chapter 26: Reversible
Chapter 27: Sollubility
Chapter 28: Stabilize
Chapter 29: Bond
Chapter 30: Chemistry
Epilogue
Author's Note

Chapter 10: Chemical Reaction

607 46 2
By Menggguy

"Hoy! Busangot ka na naman diyan."

Simimangot ako ng makita ang tagumpay sa ngiti niya habang bumabalik sa pwesto ko sa gilid ng court. Gusto ko sanang umiwas ng tingin dahil ayaw kong suminghap lalo pa sa suot niya ngayon. Their fit uniform accentuated her body more, sobrang fit sa kanya na bawat kurba ng katawan niya ay naka-angkla doon. Kung hindi ako napapalunok, minsan ay gusto ko lamang umiwas ng tingin dahil hindi ko namamalayan kung saan napupunta ang mata ko. Meron 'din naman ako niya! Hindi lang ganun kalaki!

The players are now busy calming themselves. Si Ven, in her green uniform, ay tumabi na dito sa gilid ko, agad naman akong umusod para hindi kami masyadong magdikit, napatingin ako sa hita niya ng ayusin niya ang kneepads niya. Her legs are not exposed kahit pa sobrang ikli ng cycling shorts ng uniform nila dahil covered with compression tights pa rin ang mga binti nila.

"Pagnanalo kami, pagluluto mo ko." Ngiting-ngiting sabi niya, inirapan ko naman siya at akmang hahampasin ng clipboard ko kaya sinalag naman niya iyon. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa habang inaasar ako.

"Lagi na kitang pinagluluto! Mahiya ka naman! Bayad-bayad din!" Sita ko sa kanya kaya naman tinaasan niya lang ako ng kilay. Nilingon ko si Coach Rem dahil kausap na niya ngayon kasama ang kalaban na team nila Ven ang mga presiding referee ng laban.

Months have passed so quickly ng hindi ko namamalayan, and the season has officially start. Nagulat na lang din ako na eto na ang unang laban nila, alam ko lang kung hindi madalas ay laging present si Ven sa bahay ko para makikain at makigulo sa mga gawain ko, minsan ay nagpapaturo about sa mga ka-team mates niya at minsan ginagawa niya pa kong human research machine dahil halos lahat yata ng kailangan niya sa iilang units niya ay kinukuha niya sa data na pinapagawa sa akin ni Coach. Oo, halos lagi kaming magkasama.

May mga pagkakataon na natutulala lang talaga ako sa kanya, kapag ngumingiti siya o kaya ay masyadong naka-focus sa pinapanuod namin sa Netflix na napapanguso pa siya minsan. Hindi ko akalain na sobrang maninibago ako bigla pero habang andyan siya, ang sarap damhin ng pagbabagaong nararamdaman ko habang tumatagal na nakakasama ko siya.

"Alam ko namang sapat na nakikita mo ko araw-araw." Mayabang pa na sabi niya kaya inirapan ko naman siya.

"Hoy! Arya! I-goodluck mo naman ako!" Natatawang sabi ni Kim kaya naman natawa ako sa kanya. Minsan naiilang ako sa kanila dahil walang habas nilang sinasabi sa akin na type at crush ako ng iilan sa kanila pero madalas ay nasasanay na lang din ako. They are so fun to be with, ang iba sa kanila ay likas na madaldal talaga, ung iba clingy pa minsan.

"Goodluck! I know kaya niyo 'yan." Sabi ko kaya naman sumuntok sa ere si Kim na akala mo nanalo na sila dahil sa bati ko. Nagulat naman ako when Dwayne suddenly hug me. Ang liit-liit niya kaya halos hanggang balikat ko lang siya. She's such a tiny treasure to the team.

"Arya! Kinakabahan ako!" Sabi niya at nag-pout pa. Natawa naman ako as I gently caress her tightly ponytail hair, ang medyo kulot niyang buhok ay sumasabog dahil sa pagkakatali. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin at sumiksik sa dibdib ko. This is what I mean by clingy. Si Dwayne talaga ang pinaka makulit sa kanila.

"Hey! Tama na 'yan!" Sita ni Ven sa kanya na sinamaan naman ng tingin ni Dwayne, inirapan lang niya itong maliit na nakayakap sa akin at pilit inaalis ang yakap ni Dwayne sa akin.

"Selosa mo naman Cap! Jowain mo muna!" I feel like my pupil dilated dahil sa sinabi ni Dwayne. Kinagat ko ang pangibabang labi ko upang pigilan ang pagsinghap. Hinatak naman siya ni Ven mula sa uniform niya kaya naman nakawala na ako sa mahigpit niyang mga yakap.

"Manahimik ka, liit." Madiin naman na sabi ni Ven kaya dinilaan lang siya ni Dwayne na parang nang-aasar pa at tumakbo na paalis. Hindi na yata natapos ang mga araw na kasama ko sila ng hindi nila ako inaasar kay Ven, minsan naasiwa ako pero mas madalas ko lamang pinagsasawalang bahala kahit pa minsan halos magwala na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Cap! Si Bea andito!" Tili naman ni Lily. Agad kaming napalingon ni Ven sa kanya at isang babaeng naka-color blue na shirt na may simbolo ng Falcon ang lumapit, nakacycling shorts lang din siya at namumukhaan kong siya ung isa sa outside hitter ng game bago ang game nina Ven ngayon. She's has the same height as I and Ven, sobrang kurbado din ng katawan niya dahil sa training at sobrang ganda niya, doll eyes, pointy nose, plump limps.

Lumapit si Ven sa kanya at halos lumuwa ang mata ko ng dere-deretsong dinampian niya ng halik si Ven sa labi. Pakiramdam ko tumigil ang mundo at hindi ako nakahinga dahil sa nakita. A slight pain on my chest rose ng lumipat ang tingin sa akin ni Ven na gulat na gulat din sa ginawa ng babae sa harapan niya.

Agad akong napabalik sa reyalidad ng magtama ang mga mata naming at nauna na akong nag-iwas ng tingin. The girl in the blue shirt looks at me at agad din akong tinaasan ng kilay. Gusto kong tanggalin ang magaganda niyang pilik-mata na kitang-kita ko mula dito sa sobrang inis.

"Bi! You can't do that here." Seryosong sabi niya doon sa babae. Her ponytailed hair is shiny long jet black hair ay bagsak na bagsak sa likod niya. Even in loose shirt, kitang-kita ang curves niya.

"yeah, yeah! Whatever Iys. Sabi kasi sayo ligawan mo na ako, or else." She said hastily to Ven. Ako ang napairap sa sinabi niya. Why is she so blunt? Hindi ba siya nahihiya?

"Cap?! Kelan mo ba liligawan si Bea?!" Asar naman sa kanya ni Lily. Pakiramdam ko napalunok at sa sinabi niya kaya dumeretso ang tingin ko sa mismong court na gagamitin nila.

"Ha?! Liligawan?! Teka! Akala ko ba si—" Naputol ang sinasabi ni Tim ng takpan ni Kierra ang bibig niya, sabay silang tumingin sa akin. Napailing naman si Mina dahil sa nangyayari. Hindi ko alam pero pakiramdam ko hindi dapat ako nandito, na hindi naman dapat talaga ako andito. Nakita ko ang iilang tingin na ibinigay ng players sa akin at agad silang nag-si iwas ng tingin na mas lalong nagpalubog sa puso ko. And suddenly, I feel like I don't belong there, napayuko ako at pilit na nilulunok ang bawat ideya na pumapasok sa utak ko.

"I'm just here to say good luck to you. Alam kong kayang-kaya niyo yang kalaban niyo." The girl said at hindi na ko nag-abalang tumitig sa kanila at pinuntuhan na ang mga recording camera na nakaset up na dito. Agad ko na silang inayos at nilagay sa proper setting habang hinahayaan na kumalma ang sistema ko. Tahimik lamang akong humihinga ng malalim.

"A-ah, Bea. Thank you." Hindi ko alam pero may parte sa akin ang lumubog ng marinig ang sagot niya. Pakiramdam ko maling makaramdam ako ng ganto pero hindi ko mapigilan. Her voice is hesitant in a way pero ano naman, maybe that's the girl na nililigawan niya and such, ano bang pake ko doon?!

"If you win this game, date tayo after." And with that, dahan-dahan akong napa-ayos ng tayo habang tumitingin kay Ven na nakatalikod na sa pwesto ko. Hindi ko alam pero may parte sa akin na humihiling na humarap siya at tignan ako, but she didn't, tutok na tutok lang siya doon sa babae sa harap niya. Magsama sila!

"Just go, Bea. I'll talk to you later." Saad ni Ven at doon ko nakumpirma na mali ngang makaramdam ng ganto para sa kanya. I feel like my oxytocin level has drop dahil sa pagtingin ko sa kanya. Napatingin sa akin ang babae at agaran niya akong tinitigan ng mata sa mata.

"I'll wait for you then." Masigla netong balik kay Ven at dumampi pa ulit ng halik sa pisnge ni Ven. Napatingin ako sa paligid at mukhang ang ibang fans ay napatitig na sa kanila at kumukuha pa ng pictures. Agad akong bumalik sa benches at kinuha ang clipboard ko. Tahimik akong dumaan sa gilid nina Ven at noong babae at lumabas ng venue.

Mabilis kong sinalubong ang mga taong halos lahat ay naka-green at excited na mapanood ang susunod na laban habang ako ay gustong-gusto na makalabas doon. When I reach the outside of the entrance, pakiramdam ko ay hingal na hingal ko. Napasinghap at napahawak pa ko sa dibdib ko ng maramdaman ang kirot doon.

Nadisappoint ako sa reaksyon na ibinigay sa aking ng players pero I know I don't have the rights to feel like this. Ano nga bang mali sa kanila? I'm never into sports kaya wala akong kaalam-alam kung sino ba yung plastic na Barbie doll na 'yon. Maybe they are a link or ship or something! Ano nga bang pake ko?!

Narinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa backpocket ng pantalon ko kaya agad ko naman iyong sinagot.

"Girl! Saan ka! Andito kami ni Monique sa may Starbucks sa may gilid ng entrance!" Annica said over the line, napabuntong hininga muna ako bago tuluyang sumagot sa kanya.

"Kakalabas ko lang, sige punta na ko diyan." I said at agad na pinatay na ang tawag. Napatitig ako sa isang opaque na glass wall sa harap ko. I'm wearing a ripped jean, a green crop shirt at white sneaker. Walang-wala doon sa babae kanina. Iwinaksi ko naman kaagad ang naisip na insecurity dahil wala akong panahon para doon.

Nang makarating ako sa Starbucks, inabot sa akin ni Monique ang large Java Chip na in-order niya para sa akin.

"Bakit hindi pa kayo napasok?" Tanong ko at umiling naman si Monique kaya naman tumingin ako kay Annica.

"The stupid bastard, nag-aaral sa kalaban na school." Sa sinabi ni Annica, I immediately look at Monique na nainom ng kape niya ngunit nakatingin lamang sa labas.

"Bullshit. Nakita niya kayo?" Tanong ko. Umiling naman si Annica at napabuntong-hininga din, bakas sa mukha niya angpag-aalala habang lumipat ang tingin kay Monique.

"Ayaw ko ng manood Arya." Sa sinabi ni Monique ay tinignan ko naman siya. Her face looks paler than usual kaya nag-alala na talaga ako sa kanya. Annica is looking intently at her too. Tumango naman ako sa kanya and try to smile a little. Hinawakan ko naman ang kamay niya to assure her na it's okay.

"Halika na Monique, iuuwi na kita. I'll stay with you for a while. Ikaw naman Arya, alam kong kailangan mo ng bumalik doon." Annica said at binigyan ako ng makabuluhang ngiti. Agad ko naman siyang inirapan dahil sa sinabi niya.

"Arya, you need to tell us soon, okay." Sa sinabi ni Monique ay sobrang naguluhan na ako. Hindi ko naintindihan ang ibig nilang sabihin kaya agad ko silang binigyan ng mukhang hindi naiintindihan ang sinasabi nila. Mahina lamang silang natawa.

"C'mon, ihahatid ko na kayo. Ginagawan niyo na naman ako ng issue, eh." I said at tumayo na. They both stand up to as we head to the parking lot papuntang kotse ni Annica. Nahirapan pa kami dahil sobrang daming tao ang dumadagsa sa arena na kung hindi naka dilaw ay naka green naman.

"Drive safe, okay. Text niyo ko pag nasa bahay na kayo." I said at agad naman akong inirapan ni Annica kaya hinila ko naman ung buhok niya.

"Oo na, nay!" Sigaw niya bago pumasok sa driver seat's ng kotse niya. I look at Monique at niyakap muna siya ng mahigpit.

"You'll be fine. I know." I said at nginitian siya. I know she will be, malakas na tao si Monqieu at hindi siya magpapahatak muli sa sakit na dinanas niya. So all I could give her is my encouragement dahil alam ko siya lang ang makaktulong sa sarili niya.

"Thank you, Arya. I hope you'll be fine too." She meaningfully said to me kaya naman naguguluhan ko siyang tinignan.

"You'll figure it out, Arya. So please, tanggap ka namin whatever your decisions are." She said bago pumasok ng tuluyan sa kotse. Tuluyan na kong napa-irap sa sinabi niya.

"Pumasok ka na doon bago pa kita hatakin pabalik sa arena." Pang-aasar ko kaya agad-agad naman siyang pumasok sa loob kaya naman natatawa ko siyang tinignan. Nang maisara niya ang pinto ng kotse, I wave from the outside ng imaniobra na ni Annica ang kotse paalis.

I feel my phone buzz on my back pocket kaya agad ko iyong kinuha at nakita ang isang notification sa Instagram.

IyssaV: where are you? The game is starting?

That's the content of the message. Pakiramdam ko may sumilay na init sa puso ko sa message niya pero napabuntong hininga naman agad ako ng maalala ang bwisit na plastic na Barbie doll na iyon.

Naglakad na ako pabalik ng arena pero dumaan muna sa isang kainan sa loob para bumili ng pizza na walang pinya at tanging meat lang ang laman, meat's lover. Bumili na din ako ng dalawang Gatorade na blue at agad na ring pumila para magbayad sa counter.

Minsan ni hindi ko namamalayan ang reaksyon ko sa mga bagay na ginagawa ni Ven, for the past weeks present niya lang sa pang-araw araw na buhay ko na may point na hinahanap-hanap ko na ang presensya niya.

My reactions are absurd, minsan bumibilis ng kusa ang puso ko, minsan napapalunok na lang ako at natataranta kapag papalapit siya, even just the touch of our skins, I feel like my endocrine system will shower awholesome amount of hormones to my body. It's an imbalance between my equilibrium of living na wala siya, pakiramdam ko hindi na ko sanay na hindi ko nakikita ung mga mata niya sa isang araw and I'm quite positive that this feeling is not good!

"Miss, bibilhin mo ba 'yan?" Napatingin ako sa clerk sa counter ng bigla siyang magsalita at doon ko lang na-realize na ako na pala ang magbabayad.

"Sorry." I said at dali-daling ibinababa ang mga bibilhin ko. The clerk immediately punches my purchases and told me the total price na binayaran ko rin naman agad.

Nang makuha ang pinamili, naglakad na ko pabalik sa loob ng arena, I immediately find my way back to the court side. Nakita kong si Coach Rem na nakatayo at tutok na tutok na sa game. I look about para makita ang scoreboard at nagulat ng makitang 18-9 ang score at lamang ang kalaban nila. I immediately look at the starting players at mukhang lahat sila ay pikon base sa mga mukha nila.

"Arya! Anong problema ni Iyssa Veriane!? Ano ba yan?! Siya ang captain! Huwag niya akong pakitaan ng ganyang performance! Ibabangko ko siya!" Sigaw ni coach kaya naman napatingin sa amin ang iilang players, agad kong tinignan si Ven. And I can't believe my eyes when I saw her in a bore state. Gusto ko siya lapitan at pingutin paalis sa court gamit ang nguso niya!

The girls in the court find me in the corner with Coach Rem na hindi ko nasagot dahil sa gulat sa resulta ng first set. Dwayne looks at me in na parang nagmamakaawa na tulungan ko siya. Mina is serving the ball now, maayos ang serve at mukhang target niya ang corners ng court pero agad iyong nakita ng kalaban at maayos parin ang receive sa bola. Nakita kong nag-abang ang setter para i-set ang bola at nag-back set nga ito papunta sa isang outside hitter. Pumwesto sina Kierra at Sydnney para i-block pero nakalusot ang bola at bumagsak. Point ng kalaban! Agad kong tinignan kung sino ang tumatao sa area na yon and saw Ven na hindi man lang gumagalaw!

Tumawag si Coach ng time-out at nagmamartsa si Kim at Dwayne pabalik, bakas ang disappointment sa mukha ni Mina at Sydnney.

"Ano ba 'yan Cap!" Sigaw ni Kierra, kaya naman napatingin din ako kay Ven na diretso nang nakatingin sa akin. She's not even sweating! Mukhang hindi siya naglalaro ng buo sa court! Kahit pa mukhang hindi pagod inabot ko ang Gatorade na binili ko kanina. Gulat na gulat niya akong tinignan bago dahan-dahang inabot ang Gatorade na hawak ko. Binuksan niya iyon at sinimulang inumin na mayroong maliit na ngiti sa labi.

"Ano ba naman Veriane! Ano?! Tamad?! Hindi porke first game ito. Gaganyan na tayo! Team ayos! Paano tayo aabante kung hindi natin sisimulan! Huwag tayong mapressure! Huwag niyong dibdibin! Veriane kapag hindi mo pa inayos yan! Tatanggalin kita ng buong game!" Singhal ni Coach. Tumawa naman si Ven at tinaas ang Gatorade na halos ubos na niya ngayon.

"Girls, clear reception muna. Kim, bigay ng magandang set sa mga bukas, pwesto agad sa block kapag nakitang aattake ang kalaban!" She said na mukhang ikinagulat ng lahat. Pakiramdam ko kumalma na ang sistema ko.

"Let's go girls! Bleed green!" sigaw nila at bumalik na sa court ng pumito ang referee sensya na tapos na ang time-out. Agad na pumwesto ang bawat isa sa kanila.

Nasa service area na ung magse-serve para sa kabilang team at napakaganda ng pagkakaserve niya noon, ngunit maganda ring na-receive ni Dwayne, nakita ni Kim na okay for set ang bola kaya hindi ko inaasahang i-back set niya iyon kay Mina na agad nabasa si Kim at nakabwelo para pumalo na hindi inaasahan ng kabilang team kaya naman hindi nila nadepensahan at bumagsak sa floor nila ang bola! Napa-apir si Coach at Tim sa ganda ng team play nila.

Pumunta ako sa malapit na camera sa service area para tignan ang pagkakakuha noon. I look at Kim na nginitian at kinindatan muna ako habang napwesto sa service area.

"Hey!" Rinig kong sigaw ni Ven kaya napatingin kami ni Kim sa kanya, agad lang siyang tinawanan ni Kim at nag-serve. Akala ko mago-outside ang serve niya pero pasok sa right edge corner ng court ng kabilang team kaya isa iyon service ace. Umamba ng apir si Kim kaya agad ko naman iyon in-apiran.

"Kim tatanggalin kita sa team!" Sigaw ni Ven na nakatalikod sa amin at handang-handa na ang posisyon.

Magandang nai-serve ni Kim ang bola at sa gitna naman niya iyon direkta, hindi magandang na-receive iyon ng libero ng kabilang team kaya regalo nilang ibinalik sa side naming ang bola, narecieve naman ni Sydnney ng maganda iyon, nagulat na lang ako ng out of nowhere pinalo iyon ni Ven, we all thought na isang cross court hit iyon peron parallel sa kanya ang tira kahit pa sa kabilang side naka-anggulo ang katawan niya at walang nakakuha n'un kaya bumagsak sa floor ng kalaban at another score. 18-11, tatlong sunod-sunod na puntos. Mukhang nabuhayan na ang girls sa nangyari at maganda na ang performance nila. Tumingin si Ven sa gawi ko kaya binigyan ko naman siya ng maliit na ngiti, she instantly smirks at me at umamba na para sa isang spike na nakadagdag na naman puntos namin.

Natapos ang game sa loob lamang ng three sets, 21-25, 15-25, 14-25. Masayang-masaya ang mga girls sa nangyari sa laban at nagka-ayaan pa ng inuman. Mabilis kong iniligpit ang mga recording camera matapos kong i-save ang mga iyon.

"Captain kasi pang-urat eh! Kung maka-react jowa?!" Banat ni Dwayne na pabirong sinapak si Ven. Napatingin naman siya sa akin kaya umiwas agad ako ng tingin.

"Paano Coach! Nataranta kanina nung hindi makita si Arya!" Sumbong ni Tim kaya nagtawanan naman sila, pakiramdam ko namula ang pisnge ko dahil sa sinabi ni Tim kaya tumalikod ako sa kanila at kunwari inaayos pa rin ang camera.

"Oh, baka ipa-frame mo yang bote ng Gatorade, ah! Akin na nga yan! Arya next game gusto ko din neto!" Sigaw naman ni Kim kaya naki-agaw din si Kierra sa kanya at tawa na sila ng tawa ng pilit nilang inaagaw ang bote ng Gatorade na wala ng laman kay Ven na walang ibang ginawa kundi ambahan sila, nilagay din niya sa duffel bag niya ang bote para hindi na nila makuha.

"Huwag mo namang ipagkait sa amin si Arya! Jowain mo muna! Girlfriend mo na ba?" I instantly look at Ven when Dwayne try to use it again on us, she just shows me a smirk. Sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman kong parang may kung ano sa tiyan ko sa paraan ng pagtitig niya.

"Girlfriend? Sinong girlfriend ni Iyssa?" Natahimik silang lahat sa tanong na iyon galling doon sa plastic na Barbie kanina na bigla na lamang sumulpot dito. Hindi ko napigilang suminghap ng lumapit siya kay Ven at inangkla ang mga braso dito. Natahimik naman ang mga players at pati si Coach Rem ay napatitig sa akin dahil sa awkward na scenario.

Dali-dali kong isinukbit ang mga bag ng camera sa balikat ko at walang paalam na umalis sa harapan nila. Hindi ko kinaya ang atmosphere na binibigay nila sa amin! Wala naman kaming something pero ang bigat! Ang bigat-bigat sa loob!

Sinubukan kong ipagpag ang dibdib ko ng maramdamang bumigat iyon, dama ko ang pagpintig ng puso ko hindi sa tuwa kundi sa inis at sa gulong-gulo na damdamin na meron ako. Paulit-ulit kong hinahampas ang dibdib ko habang humihinga ng malalim, hindi ko alam kung sakit o baka may komplikasyon na ko sa paghinga! I don't know! Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin! I don't even know why I'm acting up dahil lang sa nangyari! Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko!

Napatigil na lamang ako ng may pwersahang humatak sa palapulsuhan ko at guston kong maduwal ng makitang si Ven 'yon. She's trying to catch her breath while looking at me intently kaya naman agad kong binawi ang palapulsuhan ko at nagsimula na namang maglakad ng mabilis.

"Hey! Yanna! Ano ba!" She hissed at hinawakan na naman ako para pigilan na iwinasik ko na ng pwersahan. I feel my breathing become abnormal, naghuhumerentado din ang mga daga sa dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Tinignan ko siya at bakas ng pagkainis at pagkalito ang mukha niya. I feel my stomach crumple in an unfamiliar feeling like insects are fonding inside it!

"Bumalik ka na roon!" Hindi ko na rin makontrol ang boses ko at narinig na lamang na tumaas iyon ng bitawan ko ang mga salita ko. I feel like I swallowed poison inside of me after that words escape my throat.

"Bakit ako babalik doon?" Para akong natanga sa tanong niya sa akin. I look at her in disbelief! Kahit ako hindi rumerehistro sa akin ng tama ang lahat ng nangyayari!

"bumalik ka na doon, inaantay ka nila." I said at tumalikod na pero muli niya lang ulit akong iniharap sa kanya.

"Why? Why are you acting? Yanna, anong problema?!" matama niya akong tinitigan habang tinatanong iyon. That's the problem! Hindi ko alam! Hindi ko alam ang problema! Ang sakit-sakit ng puso ko! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko! At hindi ko alam kung bakit!

"Bumalik ka na doon, inaantay ka na ng date mo." Those word came out like a toxic substance out of me, feeling ko napaso ang dila ko sa sinabi ko. Napapikit ako ng ma-realize kung gaano ka walang hiya ang sinabi ko. Agad akong tumalikod at dali-daling naglakad paalis pero naabutan niya na naman ako this time gripping me full force at iniharap sa kanya.

"You're jealous." She stated, napapikit ako sa sinabi niya. Gusto kong takpan ang tenga ko sa narinig ko mula sa bibig niya. No! I can't be! Hindi pwede! Why would I be?!

"A-ano bang sinasabi mo! Bumalik ka na doon!" I hissed at kinagat ang dila ng mag-stutter pa ako! I can't believe this!

"Bakit ka nagseselos?" she asks in pure amusement na mas lalong nagpa-inis sa akin! I look at her in disbelief! She's unbelievable! Natutuwa ba siya sa sinasabi ko?

"Bakit ako magseselos sayo? Why would I?!" Sigaw ko sa kanya na mas lalong nagpalaki sa ngiti niya. Nagulat ako hilahin niya pako palapit sa kanya, my heart instantly jumps out of nowhere, agad akong napatyanod sa lakas ng pagkakahila niya at muntik na kong bumangga sa katawan niya.

"Bakit ka nga ba magseselos?" tanong niya sa mapang-asar na tono kaya naman pinilit kong lumayo sa kanya dahil amoy na amoy ko ang body prespirant niya, hindi man lang naglaho kahit napagpawisan na!

"Hindi ako nagseselos! Hibang ka ba?! Kahit bumalik ka pa doon, magsama kayo! Magdate kayo! Go! I don't care! Wala akong pake sa inyo ng plastic na Barbie doll na 'yon! Punyeta!" I bursted out in so much frustration pero imbis na mainis ang mukha niya sa akin, she still looks amuse in me. Pungay na pungay ang mga matang nakatitig sa akin na hindi ko alam kung bakit pinapapalambot noon ang mga tuhod ko.

"You always looks so adorable. I like you, Yanna. I'm attracted to you, I need you to stabilize me. So quit getting jealous, because I'm all yours."

And with that, I think I finally melt.

Continue Reading

You'll Also Like

Thorns Of Juliet By ㅤ

General Fiction

30.7K 1.4K 28
thorns are buried deeply in her bones.
2.3K 177 26
Can a damaged soul love again? Could you mend the shattered crystals inside my heart? Could you find the misplaced pieces inside my brain? They say...
2.7K 203 21
Maevene thought her life after her first break up will get back on track. Well, she's wrong. Instead, things just got more and more confusing. It all...
99K 3.9K 46
Veronica Laudel Silvano aka Roni is inlove with the bestfriend of her brother. She's popular at marami ang nagkakagusto sa kanya. But she's a lesbian...