Why Does it Matter?

By Menggguy

26.4K 1.3K 203

Halaga? Arya always believes in a quote "Everything does matter" and that's how she lives her life as she inc... More

Prologue
Chapter 1: Matter
Chapter 2: DNU not DNA
Chapter 3: Law of Conservation of Mass
Chapter 4: Gravity
Chapter 5: Carbon
Chapter 6: Origin
Chapter 8: Catalyst
Chapter 9: Balancing Equations
Chapter 10: Chemical Reaction
Chapter 11: Repulsion
Chapter 12: Collide
Chapter 13: Solution
Chapter 14: Pressure
Chapter 15: Boiling Point
Chapter 16: Melting Point
Chapter 17: Freezing Point
Chapter 18: System
Chapter 19: Heat Capacity
Chapter 20: Specific Heat
Chapter 21: Neutral Charges
Chapter 22: Non Polar and Polar
Chapter 23: Cohesive Force
Chapter 24: Fusion
Chapter 25: Force
Chapter 26: Reversible
Chapter 27: Sollubility
Chapter 28: Stabilize
Chapter 29: Bond
Chapter 30: Chemistry
Epilogue
Author's Note

Chapter 7: Concentration

730 43 3
By Menggguy

"Here." She said kaya agad akong napatitig sa maganda niyang kamay na nilalahad sa akin ang isang papel, her calloused hands look so engross in her training and sport.

"Ah, ano to?" Mahina kong tanong, her stares are so warm and cold at the same time, mainit ang bawat titig dahil direkta lamang itong nakatingin sa akin while cold because it doesn't portray any emotions in it.

"Schedule of the team, Coach said it earlier. Ginagawa ko lang." She simply said, pwede naman niya i-email sa aking or even message me on my facebook account, akala ko ganun ang gagawin niya.

"Ah, o-okay. Sige." I just said dahil naghuhumerentado ang puso ko habang nagtatagal ang tingin niya sa akin. I look at her but she was just looking plainly at me.

"Please, advise me kung anong oras ka darating sa practices so I could lend a hand on you." She said kaya tumango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya, but her face is stoic and straight kaya agad kong binawi ang ngiti ko.

"Okay, sige. Pero pa-pano?" I asked out of nowhere. Hindi ko kasi alam kung active ba siya sa social media, or if she has one dahil sikat siya, though I feel dumb by the question. 

"I'll just add you on your Instagram, do you have one?" She asks kaya naman tumango ako, hindi ko alam kung saan ba ko namemesmerize, sa mata niya na kusang inaakit ang mga mata ko o ang swabe niyang mga labi habang nagsasalita. Wait? What?!

"Me-meron." I said stuttering kaya natawa naman si Annica sa akin, agad naman siyang kinurot ni Monique.

"Okay." She said at pahapyaw pang tinignan ang nasa table ko, agad naman akong nahiya ng makita niya ang iilang drawings, binalik niya ang malalim niyang tingin sa akin at tumango bago nagsimula ng maglakad palayo sa amin, sinusundan ko pa ng tingin ang likod niya hanggang mawala iyon sa paningin ko.

"Please, Monique. Remind our friend na straight siya." Natatawang turan ni Annica kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, Monique even let out a small chuckle dahil sa sinabi ni Annica.

"Huwag kang mag-alala, ipapaalala ko, Nica." Dagdag pa ni Monique kaya pati siya ay inirapan ko. Sabay pa silang natawa dahil sa sinabi ni Monique kaya napanguso naman ako. 

"Kulang na lang tumulo ang laway mo sa pagtitig mo kay Iyssa." Annica said at napahampas pa sa lamesa dahil sa sobrang tuwa. Akmang hahampasin ko siya kaya't umlilag naman siya.

"Hindi! Loko ka! Nagulat lang ako, pwede naman kasi niyang i-message sa akin." I said at tinignan ang isang light blue na memo sa harapan ko, her writings are all capitalized, thin and precise strokes, ang ganda naman ng sulat neto.

"Oh, huwag assumera, Iyssa Veriane Montevedra iyon, te." Annica hissed, popping my almost done imaginary bubble in my head. Baka malisyosa lang talaga ako, though I'm really guilty na napapatitig ako sa kanya but still. 

"Hindi naman siya lesbian diba?" Tanong naman ni Monique, agad namang nagkibit-balikat si Annica.

"She's too beautiful, sayang naman. But she's a tough one, so may possibilities, lalo pa't a lot of girls in the varsity are into lesbianism." Annica explains kaya naman napatitig ako sa kanya. Wow, if I'am going to look at her, hindi siya mukhang lesbian, ang ganda nga naman kasi niya, but Annica is right. The possibilities.

"There's a rumor na she has thing for girls, pero sobrang into volleyball daw kasi siya so wala siyang panahon with such things, may mga kwento rin na she's attracted to guys, so it's never sure." Saad naman ni Monique, Annica give her a point of that kaya napairap naman ako, I didn't know they are both into gossips.

"Kaya kung ako sayo, Arya. Mag-iingat ako, andaming tahong ang aaligid sayo." And Annica burst into a morbid laugh once again dahil sa pang-aasar niya. I just look at the pathway na nilakaran ni Veriane kanina and look again at the paper that she handed not a few moments ago.

Nang makauwi ako galing school, pakiramdam ko hindi pa exhausted ang katawan ko sa nangyari sa buong araw, aside from hindi naman fully-loaded ang schedule ko today, wala rin akong masyadong ginawa sa iilang units kong may klase. I look at my wall clock at nakitang it's almost past five noon pa lang. So I decided to go the gym instead. Siguro naman mapapagod na ko sa iilang cardio-workouts para lang mag-subside din ang caffeine sa sistema ko.

I immediately change into my common gym clothes at agad na ring bumaba sa gym ng condo, good thing there are only a few people na gumagamit ng gym kaya hindi ko kailangan mailang masyado.

I started my thing with the treadmill first, I try to increase my pace when I get bored by the speed hanggang sa maramdaman ko na ang tagaktak na pawis na tumutulo sa akin. I continue to run on pace of the treadmill, dama ang bawat hinga na nilalabas ko at ang bawat butil ng pawis na namumuo sa iilang parte ng katawan ko. And for the last time, itinaas ko pa ang speed ng threadmill and try my best to keep up with it. I try to control my breathing pattern to contain the intake of air dahil na rin sa energy na inilalabas ko to make it up to the treadmill. Nagpagpasyahan kong ibaba na ang speed ng treadmill, habang habol-habol pa ang hininga ko. I try wiping some sweat in my forehead pero napalitan din iyon ng mga bagong butil ng pawis.

"Now, I know kung bakit gusto kang kunin ni Coach." Halos mapatalon ako paalis ng treadmill when I heard that deep feminine voice. Napatingin ako sa kanya when she finally appears infront of me, agad akong nawala ng ilang sandali sa mga mata niya kaya naman huminga ako ng malalim at pumikit.

"Nakakagulat ka naman." I hissed at her at pilit pinakalma ang puso ko ng makita ang isang maliit na ngiti galing sa mga labi niya. Jusko, bakit ganun siya kaganda sa isang simpleng ngiti pa lamang.

"You have a good composure, sa pagtakbo mo palang halata agad na centralized mo ang balance mo. You know your body weights and how to handle them. That's a good hint for a player." She said at tinignan ako mula ulo hanggang paa, I feel embarrassed na makitang bakat na ang pawis ko sa shirt na suot ko.

"Dito ka rin pala naggi-gym." I just said as an excuse para bumalik ang tingin niya sa akin and not minding my sweat on, nakakahiya at nakaka-conscious na matitigan niya dahil ang bibigat ng bawat titig niya.

"Yup, my unit ako dito. "She said, ngayon ko lamang napansin na medyo pawis na din pala siya, mukhang katatapos niya lang din sa work-out niya. Basa na ang iilang hibla ng buhok niyang naka-loose bun ngayon, may iilan pang pawis na natulo sa noo niya pababa pisnge na hindi nakatakas sa mga mata ko.

"Same here." I just said at bahagya pang ngumiti sa kanya ng taasan niya ko ng kilay. 

"Dito ka rin pala nakatira, so do you regularly work-out?" She asks kaya medyo naasiwa ako sa tanong niya. I'm really not the sporty type.

"I actually don't, gusto ko lang iworn-out ang kape sa sistema ko." I said kaya naman napataas siya ulit ng kilay sa sinabi ko.

"Coffee is bad for the health." She simply said kaya agad naman akong napanguso, alam ko naman yun. Caffeine in coffee, can cause a lot of serious problems, specifically hyperventilation or the common palpitation. Too much pressure on the blood vessels are not a good move for the blood circulations.

"Sorry, caffeine-driven here." I said at medyo tinaas pa ang kamay, nakita kong napatango naman siya at napangisi. I grab my water bottle pati na rin ang face towel na dala ko.

"I should better get going, see you around." I said, nagulat ako ng iabot niya sa akin ang isang bote na may lamang inumin.

"Try to avoid, coffee. You might want to try this." She said kaya naman napatingin ako sa Gatorade na iniabot niya sa akin, dahan-dahan ko naman itong tinanggap.

"Thanks" I said at napatitig sa kanya, agad niya akong tinanguan at tipid na nginitian. Agad naman siyang tumango at naglakad na paalis, kaya wala na rin akong ibang nagawa kundi titigan ang bulto niyang papalayo na din sa akin.




Maaaga akong pumasok ngayon, wala pa yatang ala-siete ng umaga ay andito na ako sa campus. Monique requested na magkita kami ng ganto kaaga dahil may schedule siya ng seve o'clock na first subject niya, wala naman din akong karapatang umangal dahil ako ang nanghihiram ng camera niya. A-attend din ako ng morning training ng volleyball team ngayon dahil mamaya pa namang 11 am ang una kong subject, so I decided to try to break-down the points that I'll be focusing to lalo pa sa training nila.

"Sorry, medyo late. Si Aisha kasi, kinuha ko pa sa kanya ung memory card tsaka tripod. Here." Monique said at medyo hinihingal pa, kunuha ko naman ang dalawang camera sa kanya pati na rin ang tripod na dala-dala niya.

"Okay, thank you Monique ah. Wala kasing matinong memory card 'tong isa kong camera pera dinala ko padin naman." I explain kaya agad naman siyang tumango sa sinabi ko.

"Just please be careful with these, etong isa I promise na ipapamana ko kay Therese." She said kaya ngumiti naman ako, agad ko naman siyang tinanguan.

"Okay, I'll get going na, may first sub na ko. Bye!" she hissed at nagmamadaling lumakad na papunta sa department building nila.

I immediately get my phone and open my Instagram account, I saw some new posts from some of my few friends and some notifications, nag-scroll ako doon para makita kung sino ang nag-follow sa akin, I stop when I see her Instagram name. Agad kong itong ni-click and bumungad sa akin gang profile niya sa Instagram.

Her icon is a stolen shot, she's wearing a red sweater at ang laki ng tawa niya, hindi siya mukhang masungit doon, I saw na she already followed my account. Pinindot ko naman ag message button, she's active almost just a few minutes ago.

YannaGL: I'll attend your practice today :)

I type and hit send, parang medyo na conscious at nagsisi pa ako sa smiley emoji na sinama ko doon. I turn-off my phone at nagsimula ng maglakad papunta sa court na training grounds nila, wala pang tao sa loob kaya nilapag ko ang mga gamit ko sa medyo mataas na benches para hindi matamaan mamaya kapag nagstart na ang training nila.

Pagkalapag ko ng bag ko, agad kong sinimulan ang pagse-set up ng camera sa tripod, nilagay ko ang isang camera, up-close the court, samantalang ang isa nilagay ko sa elevated area ng benches kung saan kuhang-kuha ang buong court sa anggulo.

Agad kong kinuha ang phone ko ng mag-vibrate to, when I open it up nakita ko ang isang notification from Instagram kaya agad ko naman itong ni-click.

IyssaV: I'll be going to the court now. See you.

Agad naman akong napabusangot ng makita ko ulit ang smiley emoji na sinned ko, parang ang out of context talaga. Hindi na lang ako nagreply dahil papunta na naman pala siya dito. Siguro paalis na ng bahay nila. I immediately look at the whole court at nakitang naready na ang iilang gamit for the rotational routine and warm up nila. May iilang bola na rin ang roon.

I look at my outfit today kaya naman natuwa ako ng makitang hindi awkward gumalaw sa sweat pants na suot ko at crop top. Nilapitan ko naman ang iilang mga bola at kumuha ng isa.

I try to dribble the ball and serve it in the service line, maganda naman ang bagsak noon sa center court sa kabila, kumuha ako ulit ng isa at sinubukan ulit mag-serve pero laking gulat ko ng bumalik ang pola dahil may nagrecieve sa kabilang court, hindi ko namalayan na bumagsak na ang bola dahil napatitig ako sa tao sa kabilang court.

The girl in their official jersey last year and a short cycling shorts, dala-dala ang duffel bag niya. Agad niyang binaba sa gilid ang duffel bag niya kaya naman nanigas ako ng kinuha niya ang bolang una kong na-serve kanina. She nods at me like asking me to play kaya naman naramdaman kong pumintig ang puso ko dahil sa kaunting kabang naramdaman.

I position myself to be ready to receive her serve, and when she finally hits the ball, I got a good reception at it kaya narecieve koi to ng maayos, agad naman niyang pinalo ang bola pabalik sa akin kaya I try to dig it when it reaches my side of the court, napataas ang talbog ng bola kaya mahina niya lamang itong pinalo papunta sa akin, I immediately caught it behind the net and so I toss it off back to her na agad niyang nahuli at tinoss din pabalik sa akin, hindi ko na habol ang bola dahil sa kabilang side eto ng net pumunta.

She smirks at me kaya naman sinimangutan ko siya. Agad kong ibinalik sa kanya ang bola dahil siya ang naka-iscore, agad akong pumusisyon sa gitna and when she finally serve the ball agad kong nakuha ang reception ng pagbagsak neto kaya walang kahirap-hirap ko itong narecieve, nakita kong bumwelo siya papunta sa bola so I prepare myself to dig dahil mukhang sa back court niya patatamain ang bola, she's aiming it right base sa angle ng hand-wrist niya kaya agad akong nag-back run papunta sa right side and immediately dig her hard spike, na-caught off guard siya dahil sa defense ko kaya akmang ito-toss niya na yung bola so I run near the net and try to block her at hindi lumusot ang bola so she let it go with an off speed ball na agad kong binalik sa kanya with a one-hand set, pero dahil nakita niya na maganda ang reception ng bola, she immediately do a spike at bumagsak naman iyon sa back court ng side ko.

Sinenyasan niya ako ng two-points gamit ang index at middle finger niya as a symbol. When I toss the ball back to her, nagulat ako ng bigla niya itong inispike kaya't hindi ako reading i-receive yun.

"Ah!" I hissed ng tumama sa braso ko ang malakas niyang spike kaya naman agad akong napa-upo dahil na-out of balance na din dahil sa impact. I saw her jog towards me at inilalayan ako.

"Hindi pa ko ready!" I said at sinamaan siya ng tingin, mahina naman siyang natawa dahil sa sinabi ko, and for a moment I felt so mesmerize by the way she laughs at me.

"Masakit ba?" She asks, nakita kong medyo namula lang ang parte ng braso ko na natamaan ng spike niya.

"Bigay na bigay, eh." Mahina kong bulong at ngumuso kaya naman mahina niyang pinisil ang braso ko at mahina akong napa-aray. She looks at me for a moment.

"Halika sa bleachers." She said kaya naman inalalayan niya kong tumayo, may impact lang talaga yung hawak niya este ung palo niya kaya namumula ang kamay ko, dala na rin siguro ng maputi kong balat, sobrang kitang-kita ang pamumula. She assisted me sa isang bleachers at tinakbo ang duffel bag niya. Binuksan niya ito ng mailapag sa tabi ko and she immediately show me a blue Gatorade.

"Here" I look weirdly at her ng iabot niya sa akin ang Gatorade, nakita ko naman na inirapan niya ako dahil hindi ko naman talaga siya maintindihan. 

"Tsk." She hissed kaya naman binawi niya ang Gatorade at umupo sa tabi ko, I feel like I froze a bit ng maramdamang nagdikit ang mga braso naming. She immediately held out my arm at pinatong doon ang malamig pang Gatorade.

"Para hindi magpasa." She said at titig na titig sa braso ko habang dahan-dahang iniikot pa ang Gatorade doon. She looks so engrous on try to mend my arm.

"Thank you, Veriane." I said kaya agad naman siyang tumingin sa akin, nakuha niyang ngumuso saglit ngunit binawi din at tumitig ulit sa braso ko at pinagpatuloy ang pag-ikot ng Gratorade sa braso ko.

"The way you pronounce my name, ugly." She said kaya naman agad ko siyang tinaasan ng kilay.

"Paano ba dapat? Ganun i-pronounce ni Coach kahapon." I denfese kaya naman nakita kong inirapan niya ulit ako.

"Parehas kayong mali." She said kaya naman agad ko siyang kinalabit at nakita kong masama niya akong tinignan.

"So, how do you pronounce it properly?" I ask kaya naman tinitigan niya ako ng masinsin, and I felt a little thump of my chest dahil sa seryoso niyang mga titig.

"Vereyn" She said at tumitig na ulit sa aking braso at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Ver-yeyn." I said at agad naman niya akong inirapan at hindi na lamang nagsalita ulit. Napanguso naman ako.

"Sige, Ven na lang. I'll call you Ven." I said at pilit na sinilip siya dahil napatigil naman siya sa ginagawa niya.

"Bahala ka sa buhay mo." She said and continue doing the thing on my arm, pakiramdam ko ang init ng bawat dampi ng daliri niya sa braso ko. Mas lalo talaga siyang maganda kapag malapitan.

"Hoy, Iyssa! Diskarte ka ah!" Nagulat naman ako ng makitang nagsipasok na ang mga ka-team mates niya. Tinignan naman niya ng masama yung sumigaw na binigyan lang siya ng peace sign.

Tumayo na naman si Ven at mahinang hinagis sa akin ang bote ng Gatorade kaya naman sinali ko yon agad. Nagkumpol na ang mga players at hindi tinigilan sa pang-aasar sa team.

"Mina, oh si Iyssa. Kaya pala hindi nagpaparamdam sayo, sa iba gusto magparamdam." Agad akong napatingin doon sa likod ng naka-number 3 na jersey na nilingon ako pagkatapos sabihin yun ng isang team mate nila.

"Kierra! Inaagawan ka, bagal mo kasi eh." Agad naman siyang binatukan nung Kierra yung pinaka maliit na nagsalita. Hiyang-hiya naman akong nilingon noon Kierra kaya tipid ko siyang nginitian.

"Magsitigil na kayo. Dwayne, pakilatag na ng ladder. Warm-up na tayo, rotational routine tsaka basic routine tayo. Go, move!" Umangal pa ang iba nakakarating lang nila pero training agad.

Tumayo na ko at bumalik sa mga gamit ko. Kinuha ko doon ang clip board ko at tinignan ang listahan ng mga kailangan kong makita at i-observe with them kahit today. Nakita kong papalapit sa akin si Ven kaya ibinaba ko muna ang clipboard na hawak ko.

"If you need anything, just call me. Pero darating na naman si Coach any moment. May kailangan ka ba as of now?" She asks softly, gusto ko sana siyang titigan pero nakadama na ko ng hiya.

"Gusto ko lang makita yung main line-up, para matutukan ko lang sila." I said at kumuha ng ballpen para maisulat ng maayos ang mga pangalan nila.

"Si Mina, number 3, middle blocker, middle attacker at most time of need pero dahil matangkad, very efficient and effective sa blocking." She said as I immediately take notes of those.

"Kim, number 9, setter, the best of her kind. Pero minsan open spiker siya, hindi lang halata." She continues kaya naman napatingin ako kay Kim, she's one of those loud girls na nang-aasar kay Ven kanina.

"Jayce, number 10, outside hitter, pero minsan partner ni Mina for blocking dahil matangkad din." Napatango-tango naman ako dahil sa sinabi niya. I remember Jayce because of her strong features, agad pansin din siya minsan kapag nagbloblock niya yung bola.

"Sydnney, number 18, opposite hitter. She's good at reception din, madalas siya ang swerte by keeping the ball alive inside the court." She said at napatitig ako saglit sa labi niya pero agad ding ibinalik iyon sa papel. I bit my lip to refrain myself from pouting.

"Another opposite hitter, number 27, si Lily. Minsan kasama sya sa starting line-up pero mas madalas mag-sub. She's a good reader of the game kaya mas gusto niyang inaaral muna ang galaw ng kalaban." She said kaya napatingin naman ako doon sa isang babaeng really short hair na katulad ng kay Mina, actually a lot of them are in their short hairs.

"With our libero, their's Dwayne, number 19." She said at tinignan ko naman ang pinakamaliit at kulot nilang libero. She's really jolly to look at to.

"Thinker, outside hitter, number 15. Most likely pang sub kay Sydnney kapag napipikon na, she's a sophomore too." I look at Thinker at nakitang batch mate ko nga siya. I even have a same class with her.

"And to end that up, me. Veriane, open spiker, number 8 and unfortunately team captain." She said at umirap pa na parang ayaw na ayaw sa posisyon niya.

"Okay, so ung iba, under development pa. Since a lot of seniors graduated last year?" I said na ikinatango naman niya.

"So if you need something, sabihan mo lang ako." She said kaya naman I just nod obediently to her, nagpaalam na siya na pupunta na para makasama sa warm up nila.

Their training is so hard for a non-player like me. Grabe, jumping jacks at jogging palang yata mahihimatay na ko, with those burpees and some of those squatras, baka hindi na talaga ako makatayo. They even have the ladder routines and those rotational routines. Some occasional ball drills and some basic hardening exercise for their whole body.

Masasabi ko na enough na ung lower-body exercise nila and some of their upper exercise, pero base on their stats and some reviews on them last year, kulang pa sila sa core strengthening lalo pa't rookies ang iba, so I'll suggest that to Coach Rem.

Tinignan ko si Venn a sobrang concentrated sa pag-assist sa team mates niya sa buong round ng drills and routines nila. She's a higher concentration of her own kind, the kind that is so pure and is not even actuated by other, buong-buo ang personality and identity sa field na pinasok niya, siguro kaya rin she's a perfect pick as a team captain, she serves as a catalyst to the reaction of the team, they are more enhanced and her team mates are very dependent on her, lalo pa't she's the one reminding everyone where to go, what to do and how to do it properly, tamang-tama. Highly concentrated person it is.

Nagbalik naman ako sa mga pasimpleng encounter naming mula kahapon hanggang kanina, I feel like my surface area has decreases dahil kung halos asan ako ay ang laki ng chance na andoon din siya and accidentally bump to each other's shoulder. Our world's volume makes it smaller ng malaman kong nasa iisang condo lang ang units naming, what a coincident it is.

Ang masarap lang panoorin sa kanila ay ang hindi mapigilang pagtingin ni Ven sa kinalalagyan ko na parang binabantayan ako.

Wait?

What?!

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 720 30
Sani Tuazon, an outcast average student who fell in love with the multi-talented, smart and popular girl in their campus-totally her opposite. After...
2.6K 216 23
To want something that's impossible to become yours seems exciting, not until you trip and fall, and you leave yourself with nothing but a bleeding h...
21.4K 1.2K 56
"Picture karma as a celestial DJ, spinning the records of our actions. The beats we create, whether harmonious or discordant, echo back to shape the...
Hideous By --

Teen Fiction

62.4K 3.8K 45
Kish is ostracized in school because of her ugly and goofy appearance. It's not like she's being bullied, because you can't bullied the bully. With a...