Ang Misis Kong Astig!

Por Sweetmagnolia

15.5M 320K 46.2K

The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additio... Más

Ang Misis Kong Astig!
Prologue
[1] Stage Mother
[2] Concealed Image
[3] Power House
[4] A Wife's View
[5] The First Lady
[6]The Insecure Husband
[7] Picnic Panic
[8] Talk Dirty
[9] Smile Over Bitterness
[10] Roses and Lipstick
[11] The Credit Card
[13] Hotel Invasion
[14] His Companion
[15] Silence Means Wrong
[16] The Rebirth of A Gangster
[17] Fear Awaits You
[18] The Need To Be Mean
[19] Messing With The Wrong Husband
[20] Face Your Enemy
[21] Stand By You
[22] Fate Intervention
[23] The Other Men
[24] Negotation
[25] Bring Back The Harmony
[26] Someone Like Her
[27] Forsaken Danger
[28] My Supermom & My Hero
[29] The Huge Exposure
[30] Desperate 'House' Wife
[31] Husband's Takeover
[32] Bloody Guilt
[33] The Abducted
[34] On One's Knees
[35] It's Just Her Personality
[36] Operation Plan B
[37] Of Love And Other Reasons (1)
[37] Of Love And Other Reasons (2)
[38] Happiness Is A Choice
[39] The Greatest Gift of All (Final)
EPILOGUE

[12] An Ex-Agent's Game Plan

336K 6.5K 753
Por Sweetmagnolia

                           

                                        ****

"Madam Kap! Napasyal kayo,"  saludo ng pulis na nasa entrada ng headquarters.

"Oh hi SP01 Reyes! Kumusta?" bati ni Alex sabay kumpas sa kamay upang ipahiwatig na hindi na kailangang sumaludo ng kausap.

"Wala po si hepe dito may meeting ho sa labas," ika ng pulis.

"Hindi naman siya ang ipinunta ko dito. Nandito ba si SPO2 Balatbat? Hindi kasi sumasagot sa tawag ko."

Napakunot ng noo ang pulis. Nagtataka ito kung bakit kailangan pang bisitahin mismo ng dating opisyal si Balatbat para lamang makausap.

"Nandiyan po sa loob. Mukhang hindi kayo busy ngayon Madam Kap ah at meron pa kayong oras na bisitahin si SPO2."

"Hindi lang naman siya ang binibisita ko rito. Siyempre kasama na rin pati kayong lahat," nakangiting pahayag ni Alex. "Sige tuloy na ako sa loob."

Pagpasok ni Alex sa mismong tanggapan ay tumambad sa kanya ang mga abalang pulis. May kanya-kanyang ginagawa ang lahat kung kaya't walang nakapansin sa pagdating niya. Mayroong nagtatalong dalawang mamang lasing na nakaharang sa dadaanan niya. Hirap ditong umawat ang nakatokang naglilista ng reklamo. Sa tuwing bumubungad sa kaniya ang ganitong mga eksena parang ang pakiramdam niya'y parte pa rin siya ng headquarters.

Ngingiti-ngiting tumuloy siya sa paglalakad subalit nahirapan siyang dumiretso sa mismong loob ng opisina dahil sa mga lasing. Nagkakataong nahaharangan ng mga ito ang bawat pag-iwas niya ng hakbang. Susuray-suray ang mga ito habang nagpapalitan ng maanghang na mga salitang hirap namang intindihin. Ilang ulit siyang gumilid pero sadyang di pa rin siya makadaan.

Unti-unti siyang napikon. Walang pasabing pinagumpog niya ang ulo ng dalawang lalaki. "Hmp! Ito ang dapat sa inyo para tumuwid yang mga utak niyo! Tirik na tirik pa ang araw lango na kayo sa alak!"

"Aray! Shino kang babae ka?!" duro sa kanya ng isa.

"Bakit aangal ka? Hindi na ako pulis kaya di hindi niyo na ako pwedeng ireklamo ng police brutality," ngingisi-ngising tugon niya. "Alis kayo diyan. Hahara-hara kayo sa daan. Magsiupo lang kayo!" Pinaghiwalay niya ang dalawa at dumaan sa gitna ng mga ito.

Noon lamang napansin ng mga pulis ang pagdating niya halos sabay-sabay ang mga itong tumayo at sumaludo.

"MADAM KAP!" masayang bati ng lahat.

Sumagot ng simpleng tango't ngiti si Alex.

"Oh akala koh bah shabi niya di siya pulis!" ani ng isang lasing.

"Hayys, bakit niyo kinatatamaran patahimikin ang mga pasaway na ito? Di ba kayo naiistorbo?" komento ni Alex habang tinitingnan mula ulo hanggang paa ang mga lasing.

"Immune na kami Kap!" tawa ng tagasulat ng reklamo.

"Madam Kap napadalaw kayo? May kailangan ba kayo kay hepe?"

"Wala." Tiningnan ni Alex ang mesa ni Balatbat subalit wala dun ang nasabing pulis. "Nasan si SPO2 Balatbat?"

"Nasa meeting room may pinag-uusapan sila tungkol sa hawak nilang kaso," sagot ng isang pulis na siyang nakapwesto sa dati niyang mesa nung siya'y nagdesisyong maging tagatanggap na lamang ng reklamo't mga blotter.

Nakita niyang may isang mangkong ng mixed nuts sa lamesa nito. Lumapit siya at walang paalam na dumakot saka walang kahinhin-hinhing itinaktak ang pagkain sa bunganga. Iginala niya ang mga mata sa paligid at naupo sa bakanteng mesa ni Melchor habang nguyang-nguya. Dinampot niya ang diyaryong nakapatong dito. Kinabig niya ang isang bakanteng silya at ipinatong ang mga paa.

Napapailing habang tinitingnan ng mga pulis ang komportable't tahimik na nagbabasang babae. Di lubos maisip ng lahat na isa itong maybahay ng isang bilyonaryo. Nakasuot lamang ito ng checkered long sleeve polo, kupas na pantalon at low cut sneakers. Tanging relos lamang ang aksesorya sa katawan. Ang mga kilos at asta nito sa tuwing bumibisita sa headquarters, aakalain mong isa pa rin ito sa mga awtoridad.

"Kanina pa ba yang meeting nila?" tanong ni Alex nang hindi inaalis ang mga mata sa pagbabasa.

"Mga isang oras na ho. Malapit na hong matapos yun."

Nag-ingay ulit ang mga lasing at muling naagaw ng mga ito ang atensiyon ni Alex. Napakunot ng noo ang babae. "Ganyan na ba kayo kabait dito? Hinahayaan niyong may mga pasaway sa harap niyo o kinatatamaran niyo lang awatin?" puna niya sa mga bagitong pulis habang pairap na tinitingnan ang mga nakaupo lamang sa mesa.

"Naku hindi ho Madam Kap!" Mabilis na tumayo ang nasa katabing mesa niya. "Hindi pa lang tapos si SPO1 Dela Rosa sa paggawa sa report ng kaso ng dalawang yan!" katwiran nito.

Lumapit ito sa isang lasing at walang pagdadalawang-isip na pinosasan ang lalaki. Tumayo rin ang isa pang pulis at pinosasan din ang isa pang lasing. Pagkuway itinulak ng mga ito ang mga maiingay at makukulit na mama patungong selda.

"Diyan muna kayo hangga't hindi kayo nahuhulasan!" sigaw ng nakaupo sa tabi ng mesa ni Balatbat.

Napailing siya habang pinanonood ang pagpasok sa selda ng dalawang lasing. "Tsk, tsk, tsk...umuulan pa rin ng mga pasaway dito sa Pilipinas. Hay kailan kaya matatahimik itong bansa natin," napapabuntong-hiningang komento niya.

"Kap bakit di niyo isinama ang astigin niyong anak? Ang saya ng headquarters pag nandito yun. Kulang na nga lang eh siya na ang humarap sa mga nagpapablotter sa sobrang pagkausisera. Manang-mana talaga sa inyo," pabirong sabi ng tagatala ng blotter.

"Pinagbawalan na ako ng asawa ko na isama dito. Ang daldal kasi pagdating sa bahay ayun narinig ng Daddy niya na kung anu-anong mga bayolenteng bagay ang nakikita dito." 

"Mukhang sa pagpupulis din ang punta nung anak niyo Kap ah," komento ng isa pang pulis.

"Hinding-hindi mangyayari yan! Magkamatayan na!" salubong ang mga kilay na sagot ni Alex sabay lapag ng diyaryo sa mesa.

Nagtawanan ang lahat. "Iba talaga pag nanay. Takot na takot magalusan ang anak pero paano yan tila nasalo ng anak niyo ang lahat ng tapang niyo."

Nagseryoso si Alex at nakataas ang isang kilay na hinarap ang mga nagtatawanang pulis. Ang pinakaayaw niyang naririnig ay yung komentong nagsasabing lalaking katulad niya si Cassandra. Napansin ng mga pulis ang pagpormal ng hilatsa ng kanyang mukha kaya't mabilis na naglaho ang ngiti ng mga ito. Ilan dito'y napatikhim muna bago nanahimik at saka bumalik sa mga ginagawa.

"Mukhang nabobore yata kayo sa mga panahong ito. Ang dami niyong napapansin eh. Wala bang exciting na kaso sa ngayon?" ngisi niya.

"Meron kaya lang halos napupunta naman lagi kay Inspector Aldovar," pahayag ni SPO1 Dela Rosa.

"Siyempre naman siya ang pinakamabango sa headquarters natin ngayon! Kaya bumalik ka na dito Madam Kap para lalong magiging astig ang reputasyon ng headquarters natin!" ani ng nasa katabing mesa.

"Oo ba! Basta ikaw ang mag-alaga sa anak ko at magpaliwanag sa asawa ko," sagot niya ng kunway may matamis na ngiti.

"Whoah! SPO1 Santiago  kakalabanin mo ba si Mr. Monteverde baka bukas na bukas ay mawalan ka na ng tsapa," asar ng isang pulis.

"Kunwari lang naman," napapalunok na paglinaw ng nagsuhestiyong pulis.

"Oh tapos na pala sina SPO2 Balatbat!"

Napalingon si Alex sa hagdanan at nakita niyang magkasabay na bumababa sina Balatbat at Inspector Aldovar.

"Madam Kap!" abot tengang ngiti at namimilog ang mga matang tawag sa kanya ng hinihintay na pulis.

Lumapit siya sa dalawang bumababa ng hagdan. "Busy ka pa ba? May pag-uusapan lang tayo," salubong niya kay Melchor.

"Wala na! I'm free as a bird basta ikaw ang may kailangan Madam Kap!"

"Hi Ma'am Alex!" bati ni Inspector Aldovar habang nakangiti't nakatingin sa mukha ng bumibisitang babae.

"Oh hi inspector!" nakangiting ganting bati ni Alex.

Biglang naalarma si Melchor sa batian ng dalawa. Pasimpleng inilayo niya ang dating kasamahan sa gwapong binata.

"Inspector narinig niyo naman di ba na ako ang binibisita niya hehe...kaya distansiya muna kayo ng kaunti ha," pabirong hirit niya.

Tinawanan lamang ng inspektor ang komedyanteng pulis. " Sige Ma'am Alex I'll go to my office now. Good to see you here. Sana mapadalas ang pagdalaw niyo dito."

"Hindi na siya dadalaw dito dahil bukas na bukas din may restraining order ng lalabas!" ani Melchor.

"Restraining order?" magkasabay na sambit nina Alex at Brandon.

"Restraining order mula kay Sir Blake hehe...Alam mo na kumbaga sa nakapaskil na reminder 'bawal lumapit ang gwapo'..."

Binatukan ni Alex ang palabirong pulis. "Hmp! Huwag mong bigyan ng pangit na imahe ang asawa ko! Hindi madumi ang isip nun at lalong hindi yun seloso!" pagdepensa ni Alex sa mister habang ngiting-ngiting nakatingin kay Brandon.

"Oo nga. Hindi nga! Waaaalang....walang bahid man lang ng pagkaseloso sa katawan!"ubod ng diin at napapapikit pang bigkas ni Balatbat ngunit pagkuway bigla itong napasimangot. "Teka nga Madam Kap, bakit niyo ako binatukan? Pati ba naman dito sa headquarters hindi niyo ako nirerespeto?"

"May reklamo ka?!" sabay abot ni Alex sa kanyang magkadikit na mga kamay. "O ayan posasan mo ako't ikulong!"

"Ikaw naman Madam Kap hindi na mabiro. Ano bang pag-uusapan natin?"

"Pwede ka bang lumabas ngayon?" Tiningnan ni Alex si Brandon. " Inpector pahiram muna kay SPO2 ha?" 

"Go ahead," malugod na sagot ng binata saka ito naglakad patungo sa sariling opisina.

"Ayan ah nasaksihan niyong lahat. Pinuntahan pa talaga ako dito ng aking ex para lamang yayaing mag-date!" pagmamayabang sa lahat ni Melchor.

"Ikaw na talaga SPO2 ang mahigpit na karibal ng isang Blake Monteverde!" komento ng isa sabay tawanan ng mga nakarinig.

Dinala ni Alex si Melchor sa isang coffee shop malapit sa headquarters. 

"Ano bang sasabihin niyo? Mukhang importanteng-importante ha para puntahan niyo pa ako," nakadekuwatrong wika ng pulis habang palinga-linga sa paligid na halatang nagmamalaki dahil may kasama siyang magandang babae.

Humalukipkip si Alex at naniningkit ang mga matang tiningnan ang kausap. "Tatanungin muna kita. Anong mas matimbang sayo, ang panunuhol ni Blake o ang pinagsamahan natin?"

Napalunok si Melchor sa walang prenong pagtatanong ng babae. Ininom niya ng diretso ang isang basong tubig sa harapan niya. Matindi pa rin talaga ang pang-amoy ng kausap.

"Depende sa scope ng pag-uusapan natin. Baka pwede namang huwag akong mamili. Sayang din yung allowance ko mula kay Sir Blake," ngingiti-ngiting sagot niya sabay ilag nang akmang babatukan na naman siya ng babae. "Oh-Oh! Ang bigat talaga ng kamay niyo! Bakit di na lang kayo bumalik sa pagpupulis ng mapakinabangan niyo ulit yan!"

Iningusan ni Alex ang hirap magseryosong kausap. "Akala mo hindi ko alam na nakikipagsabwatan ka kay Blake  ha. Pinagkakaperahan mo yang pagkaseloso ng asawa ko! Naku pag nalaman-laman kong nag-iimbento ka ng kuwento para may maireport lang, humanda ka sa akin!"

Unti-unting kinabahan si Balatbat. "K-Kaya ba gusto mo akong kausapin dahil diyan? Madam Kap naman alam mo namang hindi ko magagawa sayo yan! Wala akong iniimbentong kuwento...Hindi ko lang talaga matanggihan si Sir Blake...T-Tsaka isa pa gusto ko rin talaga kayong bantayan dahil wala rin akong tiwala sa kamandag ng Inspector Aldovar na yun!"

"Tchhh..." ismid at irap ni Alex sa kaharap ngunit sa loob-loob nama'y natatawa lamang sa sabwatan ng dalawa. "Hindi yan ang gusto kong pag-usapan natin," biglang pagseseryoso niya.

"Huh? Kung ganun, ano?" takang wika ni Balatbat sabay biglang nagliwanag ang mukha nang malamang absuwelto siya.

Iniabot ni Alex ang isang papel. 

"Ano to?... P-Pan Pacific Manila Hotel? Tsaka ano tong nakasulat na petsa?" litong wika ng lalaki.

Kalmadong humigop ng kape si Alex. "Tulungan mo akong makakuha ng record ng CCTV ng hotel nung mismong petsa na yan," kaswal na sabi niya.

Nakakanganga't hindi makapagsalitang tumitig si Balatbat sa kausap.

"Nalasing si Blake sa araw na yan at ginamit ang credit card niya diyan sa hotel," simpleng paliwanag ni Alex sa nagtatanong na mukha ng kaharap.

"Whoah!" Napapalo si Melchor sa mesa. " Eto na nga ba ang sinasabi ko kung bakit ayaw kong mag-asawa ng  pulis! Nakakatakot magloko!"

Nagtagpo ang mga kilay ni Alex. "Sinong nagloloko? Hindi ako niloloko ni Blake?!" madiing depensa niya.

Mas lalong nagtaka si Balatbat. "K-Kung ganun bakit kailangan mo pa ang CCTV ng hotel na to?"

"Masama ang kutob ko. Alam mo naman yang mister ko may kakaibang sakit pag nalalasing. Nakakalimutan lahat. Naniniwala akong wala siyang intensiyong lokohin ako dahil kung meron man di ko na kailangang gawin to. Sa mga mata pa lang at galaw ng asawa ko, basa ko na. May tiwala ako kay Blake pero wala akong tiwala sa mga taong maaring magsamantala sa kalasingan niya kaya gusto kong makasiguradong walang darating na problema," seryosong pahayag ng babae.

"Eh mas matindi ka pala bumakod diyan sa asawa mo. Kung si Sir Blake kinukutsaba lang akong ilayo ka dun sa gwapong bagitong pulis na yun, ikaw may secret investigation pa! Ano bang nangyayari sa inyong dalawa ngayon? Nawawalan na ba kayo ng tiwala sa isa't isa? Ang gulo niyo pareho!" napapakamot sa ulong sabi ng pulis.

Napikon si Alex sa komento ng kausap. "Aba't loko to ah! Sinong walang tiwala? Kasasabi ko lang na may tiwala ako sa asawa ko! Gusto ko lang makasigurado na hindi darating ang araw na bigla na lang may susulpot sa opisina ni Blake at ibablackmail ang asawa ko!" Umirap siya. "Eh pano kung isa sa mga babae dun sa karaoke ay sinamantala ang kalasingan niya," usal niya sa sarili.

"Wow!" Di makapaniwalang sambit ni Balatbat habang napapailing. "Kung meron mang nanamantala diyan sa pinakamamahal mong asawa, ngayon pa lang ay ipagnonobena ko na ang kapalaran niya. Kawawang babae."

"Kaya nga tulungan mo akong makasiguradong wala nga! Hindi ako matatahimik hangga't wala akong nakikitang pruweba!"

Napangiwi ang pulis at muling napakamot sa ulo. "Eh ang hirap naman nitong pinapagawa niyo. Sa tingin niyo ganun-ganun na lang kadali kumuha ng CCTV record ng isang malaking hotel. Tsaka bawal yan, invasion of privacy yan."

"Kung madali yan sa tingin mo kakailanganin ko pa ang tulong mo?" sarkastikong komento ni Alex. "Kung may tsapa lang ako, ako na ang gagawa ng paraan kaso wala eh. Ang kaya ko lang gawin ngayon ay mag-isip ng sitwasyon kung papaano ka makapunta sa CCTV station nila." Nag-isip siya ng ilang saglit at ipinitik ang mga daliri nang kunway may naisip na mas magandang ideya. "Ahh... alam ko na! Kay Inspector Aldovar na lang kaya ako magpatulong sa tingin ko hindi ako tatanggihan nun!"

Napagitla si Melchor sa kinauupuan. Agad-agad itong umayos ng upo. "Ako na! Ako na! Haist sige na susubukan ko na huwag ka lang humingi ng tulong sa Aldovar na yun!"

"Huwag mong subukan. Gawin mo," matigas na salita ni Alex habang pinandidilatan ang kausap. "Saka huwag na huwag mong sasabihin kay Blake ang tungkol dito!"

"Hays...Oo na! Oo na!...Ang hirap naman dito oh kung sino na yung humihingi ng pabor siya pa ang matapang.." anas ng SPO2.

"May sinasabi ka?" nakataas ang kilay na sabi ni Alex.

Tumikhim ang pulis at ngumiti. "Wala Madam Kap... Sabi ko tamang-tama itong pinapagawa niyo sa akin, dagdag training din ito sa pagiging secret agent ko. Tatanggihan ko pa ba kung ang magsusupervise sa akin ay isang magaling na dating agent na gaya niyo," sabay lagok ulit nito ng tubig.

                                                -----

"I heard that you visited the headquarters," seryosong salita ni Blake sa misis habang nasa hapag kainan at naghahapunan.

Binitawan ni Alex ang kubyertos at napatingin sa ibang direksiyon. "Haist! Ang kati talaga ng dila ng Melchor na yun," nagpipigil ng panggigigil na bulong niya sa sarili.

Napasimangot si Cassandra sa narinig. "Mom you went to the headquarters?! Bakit di niyo ako isinama?!" nanghihinayang na ika nito.

"Mabilis lang naman ako anak. Tsaka you have a class," katwiran ni Alex.

"Sayang naman. Sana nakakita na naman ako ng magugulong tao," anas ng bata habang sumusubo.

"Magulong tao?" kunot noong wika ni Blake sa anak.

"Criminals," diretsong paglinaw ni Cassandra.

Muntik nang mabilaukan si Blake. Agad siyang napatingin sa asawa. "See what she's learning from there?"

"Alam ko kaya nga hindi ko na isinasama yan," pabulong na sagot ni Alex.

"Didn't I tell you not to visit the headquarters for the meantime?" 

Iningusan ni Alex ang mister. "Tumigil ka na nga diyan hon sa mga diskarte mo. Iniiwas mo ako dun sa tao eh lagi ko namang nakikita yun sa school ng anak mo."

"Kanino mo siya iniiwas Daddy?" sabat ng bata.

"Ah-eh... sa monster dun sa headquarters nila," tanging naisip na sagot ng ama.

"Oh I thought iniiwas niyo siya kay Mr. Handsome police officer yun pala kay Tito Melchor," kibit balikat  na sabi ni Cassandra.

Bahagyang naubo si Alex at pinigilan ang sarili na matawa sa komento ng bata. "Pag monster si Tito Melchor kaagad?"

"Well.... basta siya naisip ko eh.."katwiran ng bata.

"Anak bakit ba lagi mo na lang inaaway yang Tito Melchor?" tanong ni Alex.

Umikot ang mga mata ni Cassandra. "Hindi ko siya inaaway. He's the one who always teases me. And now he's starting to tease Dominic too."

"Cassie stop butting in sa pag-uusap ng Mommy at Daddy," saway ni Blake.

"Okay po," mahina't napapayukong wika ng bata at saka nito itinuloy ang pagkain.

"Hon, my secretary made an appointment to a new gynecologist this coming Saturday. Make sure to clear your schedule," ani Blake.

"Yes honey," walang pagtutol na sagot ni Alex.

"What's a gynecologist?" di nakatiis na namang tanong ng bata.

"Ikaw na magpaliwanag tutal ikaw naman ang nag brought up niyan," may tonong pang-aasar na sabi ni Alex sa mister.

Tumikhim muna si Blake bago harapin ang anak. "Gynecologist is a doctor who take cares of a Mommy in order to have a new baby," napipilitang paliwanag nito.

Namilog ang mga mata ng bata. "Are you finally giving me a brother now?" sabik na wika nito.

"Hmm kailangan ba talaga brother?" tanong ng ama.

Sumagot ng sunud-sunod na tango si Cassandra. "You like a son too Dad, right?"

"Yeah I do. But whether it's a boy or girl, I will still be very happy."

"Hays, tumigil na nga kayong mag-ama. Iisipin ng makakarinig sa inyo ay buntis na ako," komento ni Alex.

"But Mom kelan ba talaga ako magkakaroon ng brother?" inip na wika ni Cassandra.

"Sweetie do you really really want to have a little sibling already?" ngingiti-ngiting sabi ni Blake.

"Yes Dad."

"Then starting today, you should sleep in your room already."

"But why?" biglang problemadong sabi ni Cassandra.

"Magsisipag ng magtanim ang Daddy," mahinang-mahinang sambit ng lalaki habang nakatingin ng pilyo sa misis.

"Blake!" Pinandilatan ni Alex ang asawa. "Nasa harap tayo ng pagkain!" 

"But your daughter said she wants a brother already. I have no heart to decline such special request, wifey," nanunukso ika ni Blake habang nang-aakit na sumusubo at tinititigan ang asawa.

"Tssss..." nakangiwi ngunit natatawang tugon ni Alex sa nang-aasar na mister. "Ah oo nga pala Hon! Meron ka bang natatanggap na kakaibang tawag o text lately?"nakamulagat na pag-iba niya sa usapan.

"No," takang sagot ni Blake. "But what do you mean by kakaiba?"

"Yung tipong nanakot, nambablack mail...ganun!"

"Why would I receive such call or messages?"

Napaisip ng ilang saglit si Alex. "Ahh kasi narinig ko sa headquarters na uso daw yan ngayon. Bagong style daw yan ng mga sindikato sa pamimressure ng mga mayayamang negosyante!"

Walang reaksiyong napatingin si Blake sa misis na halatang hindi nito makuha ang tinutumbok ng asawa.

"Ah-eh di bale na lang hon!" ngiti ni Alex sabay lagay ng ulam sa plato ng mister. "Kumain ka pa oh...Ikaw anak gusto mo pa ba?" biglang nagmamaang-maangang pag-aasikaso niya sa mag-ama.

Seguir leyendo

También te gustarán

33.3M 406K 49
The less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story.
3M 67.4K 58
Tucker Fanton's story with a bit of Trav Cai's. The playboy slash cool slash heartthrob will be dumped and challenged by a not so attractive girl fro...
35K 320 2
Mariposa Series Book 1 The story of Malaya Angelica Cole, the youngest among the three members of Mariposa. Malaya as her name depicts, a wild, out o...
1.9M 76.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.