[31] Husband's Takeover

328K 6.6K 884
                                    

           

                                                          ****

Bumisita si Blake sa headquarters upang personal na kausapin ng masinsinan si James. Galing na siya sa NBI at nakipag-ugnayan na tungkol sa kalagayan ng seguridad ng kanyang asawa. Buhat nang malagay sa panganib ang mag-ina wala na siyang higit na pinagkaabalahan kundi bigyan ng aksiyon ang mga bagay na bumabagabag sa kanyang dibdib.

"I'm hiring private investigators. NBI agreed to my offer of coordination. Now it's time to ask the approval of your jurisdiction," seryosong pahayag niya sa hepe.

Naiiling na bumuntong hininga si James. "Kailangan mo ba talagang gawin ito? Kaya ko namang patutukan ang imbestigasyon sa sindikato."

"Hinding-hindi ako mapapakali hangga't hindi nabubuwag ang sindikatong iyan. I'm willing to spend any amount for the investigations. I'm offering you private funds para masuportuhan din ang team niyo. I learned na malaking grupo ang nakabangga ng asawa ko. At malakas ang pakiramdam ko na anumang oras ay pwede nilang balikan si Alex... and I'm sure you're aware of that probability too James," determinadong pahayag ni Blake.

Hindi nakaimik si James. Tama ang kinatatakutan ni Blake lalo pa't kapatid ng lider ng grupo ang napatay ni Aldovar. Di rin masama ang alok nitong tulong at koordinasyon subalit ang higit na inirerekonsidera niya ay ang magiging reaksiyon ng dating kasamahan.

"But do you think Alex will stay out of it kapag nalaman niyang may nangyayaring imbestigasyon? If this would be the case, you're piquing more the aggressiveness of your wife," komento ng opisyal.

Tumango si Blake. "Yeah I know that possibility but I'm doing my best to tame my wife right now. Gusto kong makipagtulungan sa inyo para mabuwag na ang grupo the soonest possible, hangga't kaya ko pang kontrolin si Alex and stay her out of it."

Tinitikis ni Blake ang lahat ng paglalambing ng asawa para mapanindigan ang kagustuhang pansamantalang mailihis ang atensiyon nito sa ibang bagay maliban sa pagbawi sa naging kasalanan. Matapos nitong makabangga ang mga kidnappers,agad siyang nagpaimbestiga. Nang madiskubreng isa palang malaking sindikato ang nakalaban ng misis, naamoy niya agad ang mga panganib na maaring naghihintay sa asawa.

Mas lalo niyang dapat higpitan ang seguridad ng kanyang pamilya. Lalong-lalo na si Alex. Dapat ay mabuwag na ang sindikato bago pa man magising ang kuryosidad ng babae.

"You know my wife very well. Kapag nalaman niyang may nakaambang na panganib, siya na mismo ang lalapit dito at hindi na kusang hihintayin pang dumating ito. Kaya kailangan ko siyang unahan," dagdag paliwanag niya.

Hindi pa rin kumbinsidong bumuntong-hininga si James. "I understand your points. But I'm not very comfortable teaming up with private investigators."

"Cmon James. I'm not hiring an ordinary guys," tatawa-tawang wika ni Blake. "I've done this before. These guys did something big in saving Alex and I at alam mo yan. The only difference is that this time I'm coordinating with the authorities."

Nanatiling walang imik ang hepe. Hinimas nito ang baba at ilang saglit na nag-isip ng malalim.

Ang Misis Kong Astig!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon