Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 6

2.2K 110 16
By CrabLamb

Naitaas ko ang dalawang kilay ko sa sinabi ni Gareth.

"Ano naman iyon?" tanong ko rito sabay ayos ng tayo. Nakayuko kasi ako dahil sa attempt kong buhatin ang basket.

Matagal na hindi nakasagot si Gareth. Mayamaya lang din ay ibinaba niya ang basket na buhat niya pabalik sa sahig.

"I want you to teach me how to play piano."

Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya. Napatingin pa ako sa grand piano na nasa kwartong pinanggalingan ko.

"I thought marunong ka?" balik ko ng tingin sakaniya.

Tinapunan niya muna ako ng tingin sabay lingon sa grand piano.

"I tried self taught," simple nitong sagot sabay balik ng tingin sa akin, "Well. It's hopeless. But I really want to play one for my mother."

Naikuyom ko naman ang labi ko, "Oh, that's very thoughtful. I think matutuwa siya. Kailan ba siya pupunta?"

Saglit na katahimikan.

"Never," untag ni Gareth at binuhat muli ang basket, "She's buried, six feet underground."

Bahagyang bumagsak ang panga ko.

"Oh," tanging nasabi ko habang pinapanood siyang bumaba ng hagdan.

Napatingin ako sa isang basket na naiwan at sa sewing machine. Sinubukan kong buhatin ang sewing machine at laking pasasalamat ko na sakto lamang ang bigat nito para mabuhat ko.

Napaisip naman ako sa hiningi niyang tulong. Pauunlakan ko ba? Hindi ako ganoon ka- confident sa kapasidad ko magturo eh. Pero hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba? Mukha namang fast learner si Gareth.

Handa na sana akong umapak sa ikatlong hakbang pababa sa hagdan nang humakbang paakyat si Gareth at aakmang kukunin mula sa akin ang sewing machine.

"No. Kaya ko na," sabi ko at nilihis  ang sewing machine palayo sakaniya, "Kunin mo na lang yung pangalawang basket. I can handle this."

Tumango si Gareth bilang sagot. Humarap ako sa kanang bahagi upang bigyan siya ng daan. Hindi kasi ganoon kalawak ang hagdan. Dagdag pa na medyo mahaba ang dala ko kaya kailangan kong gumilid.

Naramdaman kong dumaan siya sa likuran ko. Nagkaroon ng ilang segundo na nagdikit ang likod ko at ang katawan niya. Medyo nagtaka pa ako dahil sigurado akong nakaramdam ako ng paghigop ng hangin.

Narinig ko ang mga yabag ni Gareth paakyat. Ako naman ay nagpatuloy sa pagbaba ng hagdan palabas ng bahay.

Inamoy niya ba ako?

Pagkalapag ko ng sewing machine sa likod ng pick up ay agad kong inamoy ang sarili ko. Madaliang ligo lang ang ginawa ko kanina dahil nga sa late akong nagising. Sobrang nakaka holy shit kung nagdikit kami ng ganoon tapos ang baho ko pala.

Tila nabawasan ako ng tinik nang mapagtantong maayos pa ang amoy ko. Medyo faded na ang fruity cologne na pabango ko pero may namamayani pa rin namang polbo. Baka naman hindi niya talaga ako inamoy? Magkadikit kami at normal ang huminga kung maliit ang espasyo. Parang naman ngayon lang ako nakakita ng taong humihinga, hindi ba? 

Hindi nagtagal ay sumunod si Gareth at inilapag na ang huling basket sa likod ng pick up. Ako naman ay hinanay ko ng maayos ang mga ito at itinali upang hindi magalaw kapag aandar na.  Pagkaraan ay isinarado ko ang pintuan at nagpagpag ng kamay.

"Phew, natapos rin," ani ko at pumameywang. Akala mo naman ang daming binuhat, daming alam.

Bumaling ako kay Gareth, "Oo nga pala. Tungkol kanina. I'm sorry about your mom."

Nang tumingin sa akin si Gareth at hindi kumuda ng kahit na anong responde ay iminuwestra ko ang aking kamay at dinugtungan ang paghingi ko ng pasensya.

"Siya ba iyong portrait sa harapan ng hagdan mo? She's very beautiful. Nakuha mo yung pagka brown ng mata niya at yung..." sumenyas naman ako ng pa-zigzag sa harapan ng labi ko, sinundan iyon ni Gareth ng tingin, "Manipis na labi."

Naitaas ni Gareth ang dalawang kilay niya sa  narinig.

"Complimenting me to get away with murder aren't we? Ms. Isabella?"

"I'm talking about your mother anyway," kibit balikat kong sabi, "But you are a good looking man, I'll give you that."

"Ahuh..."

"But you are not my type ha," habol ko dahil baka ma-misunderstand niya.

Napatawa si Gareth sa sinabi ko, "Dahil ba sampung taon ang tanda ko saiyo?"

Nanlaki naman ang mga mata ko at napaalis ng dalawang kamay sa baywang.

"You are 35?!" hindi  makapaniwalang tanong ko at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa, "I mean... Yes, alam kong mas matanda ka sa akin. But I never thought na wala ka na sa kalendaryo?"

"Does that mean I look younger?" mas lalong lumawak ang ngiti niya.

"Akala ko nag ra-range ka from twenty-seven to thirty," sabi ko at may pag muwestra pa ng kamay.

Napailing lang siya. 

"But the question is," bigla kong tinignan si Gareth. Tinuro ko siya at pinag singkitan ng mata, "How did you know that we are ten years apart? Meaning lang noon ay alam mo ang actual age ko."

"Inaakusahan mo na ba akong stalker?" tanong nito saakin. Gumilid naman ang nguso ko. Sa reaksyon naman ni Gareth ay halatang inaasar niya lang ako, ibig sabihin ay hindi niya ginawa iyon.

Binaba ko ang pagkakaduro ko sakaniya at malakas na napabuntong hininga, "Let me guess, noong gabing iyon ay tumawag saiyo ang mama ko. Saying sorry kasi I'm just a 25 year old NBSB young woman na posibleng mentally disabled."

Napatawa ng bahagya si Gareth sa sinabi ko.

"You know your mother well."

So, totoo ngang sinabi ni mama na posibleng mentally disabled ako?

Hindi ako makapaniwalang napasinghap na may tunog ng panunuya. Naalala ko tuloy ang pagtatalo namin ni ate noong Miyerkules, wala itong maisagot saakin noong inakusahan ko sila na hindi normal ang tingin nila saakin.

Mukhang nakuha ko na ang sagot.

"Ms. Isabella?" kuha ni Gareth sa atensyon ko. Napatingin naman ako sa kaniya, "Ayos ka lang ba?"

"Yes."

"Are you sure?" itinagilid niya ang ulo niya,"Mukha kang papatay."

Imbis na sagutin siya ay tinanong ko siya.

"Sa tingin mo ba totoo?"

"Na?"

"Na mentally disabled ako?" May pait sa panlasa ko habang sinasabi ang mga katagang iyon, "May mga nangyari noong bata pa ako na sa tingin nila mama at papa ay nakaapekto sa akin ng sobra... So..."

Matagal niya akong tinitigan.

Napailing ako,"Don't worry, I will not judge you kung sabihin mo mang oo." 

Nagkatitigan pa kami ni Gareth ng ilang minuto. Sinubukan ko siyang basahin sa pamamagitan ng pagtitig sa bawat galaw ng mukha niya o ng kahit na anong kampay ng kamay niya pero wala akong makita. 

Iyon ay dahil hindi naman siya gumagalaw. Ang galaw rin ng mga mata niya ay hindi ko mabasa. Pero sa tingin ko ay pinag-iisipan niya ng mabuti ang tamang sagot sa tanong ko at masasabi kong hindi siya magpapaligoy ligoy kapag sinimulan na niya.

"Sa tingin ko ay wala akong karapatang sagutin iyan," sa wakas ay bumuka na rin ang bibig niya, "Physician ako Ms. Isabella, hindi isang psychiatrist."

Exactly! Anong karapatan nila mama na husgahan ako?

"So, walang mali saakin?" tanong ko habang nakatingin sa sapatos niya.

"Sa nakikita ko naman ay wala," sabi nito, "Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo noon, pero I think you are not that kind of person na  magpapakain sa nakaraan. This is not a diagnosis though."

Tumango ako bilang pag sang-ayon sakaniya, "Thank you. I appreciate that. But about sa, kind of person na magpapakain sa nakaraan? Uhm, hindi tayo sure."

Nagtawanan kami ng bahagya.

"Well, I'm not going to ask any further. It's not my business anyway. That's your privacy."

"At sa tingin ko alam ko na ang unang kantang ituturo ko sa piano lesson natin," ngiting untag ko. Hindi ko naman inantay ang sagot niya at tumalikod na para pumunta sa driver sit.

"Does that mean pumapayag ka sa offer ko?" tanong ni Gareth saakin pagkabukas ko ng pintuan ng driver sit.

"Hmn, babayaran mo ba ako?"

"If you are going to use it para ipangdagdag sa  ipon mo para makapag masteral ka. Sure," sagot nito saakin na ikinatawa ko ng malakas.

"I really like you," wala sa sariling sabi ko, "Sa tingin ko kailangan ko nang umalis. Mag-aayos ka pa para sa dadaluhan mong seminar, right?"

Napatango si Gareth sa tanong ko. Hindi nagtagal ay sumakay na ako ng driver sit at nagsimulang mag drive palayo. 

Nakita kong nag wave siya sa side mirror at pumasok sa loob ng bahay niya. Kasabay ng una kong pagliko ay ang pagbugha ng malalim na hininga na hindi ko namamalayang pinipigilan ko pala.



"HIMALA yata na ikaw ang unang nagyaya ngayon?"

Nairolyo ko ang mata ko sa sinabi ni Darwin. Nag-aya kasi akong mag gala matapos namin ilagay sa kwarto ko iyong mga basket na kinuha ko sa bahay ni Gareth. Nakita ako nila mama at papa pero hindi ko sila pinansin.

Iyon din ang dahilan ko kung bakit gusto ko mag gala. Sa tingin ko kapag nag tagal ako sa bahay ay mamamatay ako ng maaga.

"Isipin mo na lang na tomboy ako at ayokong magladlad sa bahay," sarkastikang sabi ko, pinatatamaan ang eksaktong sitwasyon niya.

"Bastos na babae. Parang naman maniniwala ako na tibo ka ano?" ani nito. Hindi inaalis ang paningin sa daan, "Saan mo pala dinala itong pick up ko? Tsaka saan mo ba nakuha  iyong mga mabibigat na basket kanina?"

Naitukod ko ang siko ko sa may bintana at pinagmasdan ang mga shop na nilalampasan namin.

"Sa bahay ng lolo ko."

Sa pagkakataong ito ay napatingin na saakin si Darwin. May halong pag-aalala sa mukha.

"Kumusta? Ayos ka lang ba?" tanong ni Darwin at ibinalik sa daan ang tingin.

"I'm fine," sabi ko, "Ang hindi okay saakin ay sinekreto saakin na binenta yung bahay."

Napakunot ang noo ni Darwin sa narinig.

"Hah? Kailan pa?"

"Graduation natin. Noong oras na nasa kwarto mo ako at kinukulutan," tamad na sagot ko, "Noong gabing uminom tayo sa bahay, may asong nakatakas na lumapit saakin after niyo umalis. Yung amo ay nakipag-usap saakin ng kaunti hanggang umeksena si mama na may dalang pulutan kasi akala niya ay nandoon pa kayo. Then nag-usap sila na parang matagal na silang magkakilala."

Mukha namang nabasa na ni Darwin ang mga sumunod na nangyari pero pinili ko pa ring ituloy ang kwento, "Then nadulas yung lalaki kung may balak pa kaming kunin yung ibang gamit sa bahay ni lolo kasi may napulot pa siyang tira tira."

"At iyon ang dahilan mo kung bakit tayo mag gagala ngayon?" konkluda ni Darwin na tila napagtagpi-tagpi niya agad lahat. Napatango na lamang ako, mabuti at hindi mabagal umunawa si Darwin.

Matagal namutawi ang katahimikan sa buong sasakyan. Nagpatuloy ako sa panonood sa labas ng bintana habang si Darwin naman ay nakapokus sa pagmamaneho.

"Hindi ka galit doon sa bagong may ari?" 

"Bakit naman ako magagalit sakaniya?" natatawang tanong ko, "Hindi nga niya alam na hindi ko alam na binenta iyong bahay. Isa pa ay nakita ko naman na alaga niya ang bahay. Sapat na sa akin yoon."

Napansin ko namang medyo naintriga si Darwin.

"Gwapo?" 

Paikot ang matang tumingin ako sakaniya.

Dinuro ko siya, "Yan, diyaan ka magaling."

"Ay? May pamilya?" dismayadong gatong pa niya.

"Wala!" agad na sagot ko. Naalala ko tuloy yung usapan namin patungkol sa edad ni Gareth kanina, "Kahit nasa edad na si Gareth, sa tingin ko nga ay wala pa siyang girlfriend."

Nakita ko namang kumunot ang noo ni Darwin, "Lagard?"

"Oo, kilala mo siya?" 

"Hindi gaano. Alam ko lang isa siya sa kinuwestyon nila papa noong nakaraang linggo," sabi ni Darwin at bahagya pang tumingin sa akin, "Siya iyong doktor na nagsulat ng reseta na kinuha nung nanloob sa pharmacy na pinapasukan mo."

Ramdam ko na gumuhit sa mukha ko ang pagkagulat, "Talaga?"

Tumango si Darwin, "Oo. Ang alam ko ay pasyente niya yung asawa nung nanloob."

Biglang sumagi sa isip ko iyong mga gamot na nakalista sa reseta. Nakaramdam naman ako ng bahagyang kalungkutan. Kung ganoon ay para sa asawa niya ang mga gamot na iyon?

"May ovarian cancer yung babae?" tanong ko kay Darwin.

"Hindi ko sure kung ovarian, pero alam kong cancer iyon," tango tangong sagot ni Darwin, "Narinig ko rin kay papa na hirap sa buhay ang mag-asawang iyon at maraming pinagka-kautangan. Hindi rin nakatulong ang pagkahilig nung lalaki sa droga."

Kung gayon ay tama ako, nakasailalim sa masamang droga ang lalaking iyon nang nilooban niya ang pharmacy namin.

Pero hindi ko maiwasan na hindi maawa sa klase ng buhay na mayroon sila. May dahilan ang lalaking iyon upang looban kami at para iyon sa asawa niya dahil alam niyang wala silang pera. Kahit pa pinatay nito ang gwardya namin, hindi ko rin matanggap na pinatay siya. 

Bawat buhay ay importante. Hindi ko malaman kung paano naaatim ng ibang tao ang mabuhay nang kinikitil ng konsensya.

O baka naman ay dahil may mga tao talagang walang konsensya.

"Kumusta ang asawa?" hindi ko naiwasang tanungin.

"Ang alam ko nasa Maynila. Doon sila nakatira," tuloy ni Darwin sa pagku-kwento niya.

Napakunot ang noo ko, "Kung doon sila nakatira... Bakit yung pharmacy dito ang nilooban niya?"

"Dito lumaki yung lalaki," paliwanag ni Darwin, "Ang alam ko umuwi siya sa bahay ng magulang niya dito noong nakaraang buwan. Ang sabi ay lagi daw lasing."

"Last month lang din ba nila nalaman na may cancer ang babae?"

"Oo, iyon yung pinaniniwalaang dahilan kung bakit siya umuwi dito," tango tangong sabi ni Darwin.

"Nahuli na ba yung pumatay?" 

Napahinga si Darwin ng malalim at umiling, "Marami daw kaaway iyong lalaki kaya maraming posibilidad. Pero narinig kong nakikipagtalo si papa sa telepono kagabi. Alam mo naman, labanan ng deductions at kung ano-ano pa."

Naintriga nanaman ako, "Anong sabi?"

"Hindi ko rin alam. Ang alam ko lang ay matapos niyang ibaba yung telepono ay ito sinabi niya," napa ehem naman si Darwin at kumunot ang noo na tila ga-gayahin ang kaniyang ama, "Akala mo naman kung sinong marami nang karanasan!" sabi ni Darwin, matipuno ang kaniyang boses.

Napatawa ako ng pagak dahil sa peformance niya at nai-imahe ko si Tito Gaston na sabihin iyon, "Paano pano? Ulitin mo nga!"

Binelatan lang niya ako.

"Isa sa mga mas batang investigator?" iling iling na panghu-hula ko.

Napakibit ng balikat si Darwin, "Hindi ako sure pero mukhang ganoon na nga. Alam mo naman kung gaano kainit ang dugo ni papa sa mga taong naamoy niyang mas may punto kaysa sakaniya."

Napatango ako bilang pag sang-ayon.

Mayamaya lamang ay humanap siya ng magandang pwesto upang pag parkingan. Nang makakita ay pinatay niya ang makina at naglatag kami banig sa likuran ng pick up niya. 

Imbis na isipin pa ang mga nangyari nitong nakaraang linggo ay mas pinili ko na lang mag pasalamat dahil  maganda ang pwestong nakuha namin upang mapanood ang Let the Love Begin sa malaking screen na open space dito sa parke.

Kakalimutan ko na lang muna ang lahat at mag re-relax.



KASWAL na isinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at binuksan ang ilaw.

Inilabas ko ang wallet ko at pinatong ito sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama ko. Nagsimulan na rin akong mag alis ng relo at sapatos. Pagkatapos ay dumiretso sa banyo upang maligo at magpalit ng pantulog.

Nang makalabas sa banyo ay napatingin ako sa dalawang basket na kinuha ko mula sa bahay ni Gareth. Hindi ko pa iyon binubuksan o sinilip man lang.

Ilang minuto pa akong nagmuni muni at binuksan ang aircon. Habang tamad na tamad na naglalakad papunta sa kama ay siyang hila ko sa isang basket kasama ko.

"Hmn," ngiti kong sambit nang agad na bumungad saakin ang mga sutla. Ang iba rito ay sunog pero kahit kaunti ay hindi nabawasan ang kintab nito. 

Hindi naman naiwasan ng kamay ko na haplusin ang mga ito. Naalala ko pa kung paano magningning ang mga mata ko kada makakakita ako ng mga pinagtatagpi-tagping tela. Sobra sobrang satispaksyon ang nararamdaman ko.

Makalipas ng ilang minuto ay isinarado ko na ulit ang basket at napatingin sa sewing machine. Tanda ko pa kung paano mag gupit at mag sukat si lolo habang nalikha siya ng manika, posible kayang makagawa ako ng sarili ko?

Napatingin ako sa isa pang basket at hinila ito palapit sa akin. Nagbabaka sakaling mga materyales rin ang naroon.

Ngunit iba ang bumungad saakin. Ang totoo niyan ay nawala pa ang ngiti ko nang mapagtanto ko na iyon ang mismong basket kung saan ako itinago ni lolo. Paano ko nalaman? Iyon ay dahil ito lang ang tanging basket ni lolo na magka-kasya ang pitong taong gulang na bata.

May iilang tela at limpak na sinulid akong nakita sa loob. Nagulat rin ako na may ilang larawan pa namin ni lolo ang naisalba kahit pa ang iba rito ay nasira dahil sa sunog.

Bigla namang sumagi sa isip ko iyon nangloob sa bahay ni lolo noong gabing iyon. Tinitigan nito ang mga litrato sa aking tokador at kumuha ng isa. Hindi ko nga lang alam kung anong eksaktong larawan. Sa tingin ko ay di ko na rin malalaman dahil nasunog na rin ang tokador na iyon.

Napahinga ako ng malalim at ibabalik na sana ang mga inalis ko nang may mapansin ako.

Agad na gumuhit ang blankong ekspresyon sa mukha ko nang makita ko ang manikang yakap yakap ko noong isinilid ako rito ni lolo. 

Hindi ako pwedeng magkamali.

Upang makasigurado pa ay piniga ko ang manika upang tignan kung naroon pa ang pinapapindot saakin ni lolo kapag nasa panganib ako. Halos manigas ako nang mayroon ngang laman ang manika.

Agad akong naghanap ng gunting upang gupitin ang ulunan ng manika. Inalis ang mga laman nitong bulak hanggang sa makuha ang matigas na bagay na nakapaloob dito.

Itim ito na hugis parisukat, nakita ko rin ang pindutan na pinindot ko noon at isang maliit na maliit na pulang ilaw.

May mga imahe namang pumasok sa utak ko habang nakatitig ako dito.


Madilim at malabo pa rin ang mga boses na naririnig ko.

Naramdaman kong nagbukas ang basket na kinatataguan ko. Nagsimula namang magwala ang loob ko nang isa isang inaalis ang mga magagaang bagay na nakatakloob sa akin pero hindi ako makagalaw dahil sa sobrang hilo.

Hindi nagtagal ay may mga kamay na nag-angat sa akin palabas ng basket.

Binuhat niya ako upang tumapat ang mukha ko sa mukha niya, pero masyadong malabo at madilim upang makita ko ang itura niya. 

"Lolo..." 

Hindi siya sumagot.

Sa halip ay ibinaba niya ang pagkakabuhat sa akin at ginawaran ako ng isang halik sa buhok.


Nagitla ako nang mabitawan ko ang parisukat na bagay at bumagsak ito sa sahig. Agad ko itong kinuha at tinignan kung nasira, ngunit kahit naman hindi ito bumagsak ay hindi na ito gagana.

Napahinga ako ng malalim at inilagay ito sa drawer na nakakabit sa lamesa sa tabi ng kama ko. Agad kong inayos muli ang laman ng basket dahil bigla ako nakaramdam ng labis na kapaguran.

Matapos patayin ang ilaw ay tahimik akong humiga sa gitna ng dilim. Lihim na pinagmamasdan ang mahinang kumpas ng aking asul na kurtina.

Kung totoo man ang mga imaheng nakita ko. Sana hindi iyon maging gatilyo para bangungutin ako ngayong gabi.

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 519 103
"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she...
2.7K 263 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
43.6K 1.9K 25
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
Enigma By Ji

Mystery / Thriller

16.9K 6.5K 44
Revalaun Gio, a young and troubled novelist, returns to writing after a long hiatus. His only intention was to find the story behind a serial killer'...