Daniela's Escort

By truthandlies_

21.1K 858 275

More

Daniela's Escort: One
Daniela's Escort: Two
Daniela's Escort: Three
Daniela's Escort: Four
Daniela's Escort: Five
Daniela's Escort: Six
Daniela's Escort: Eight
Daniela's Escort: Nine
Daniela's Escort: Ten
Daniela's Escort: Eleven
Daniela's Escort: Twelve
Daniela's Escort: Thirteen
Daniela's Escort: Fourteen
Daniela's Escort: Fifteen
Daniela's Escort: Sixteen
Daniela's Escort: Seventeen
Daniela's Escort: Eighteen
Daniela's Escort: FINALE

Daniela's Escort: Seven

935 40 16
By truthandlies_

Daniela's POV

Napatingin ako sa table ko kung saan ko iniwan ang iba sa mga trabaho ko.

"Who give you the rights to touch my things?" bulong ko sa kanya.

"Nilinis lang namin, pero wag kang mag aalala hindi ko ginalaw yan. Inayos ko lang."

"Alam mo bang mas naguguluhan ako pag maayos. Kabisado ko na lahat kung san nakalagay e." irita kong sabi.

Napatingin naman ako kay Bea na nililinis ang cabinet sa ilalim ng TV ko.

Nako, kung wala lang talaga dito si Bea ay napalayas ko na 'tong lalaking 'to.

"Bea, come here. Anong gusto mo for lunch?" tanong ko sa kanya.

"Ininit na po namin ni Kuya yung tira po natin kagabi. Madami pa po kasi eh." bigla ko namang binaling ang tingin ko sa lamesa. Naka-prepare na nga don ang lahat.

Pagkatapos nila maglinis ay sabay sabay na kaming kumain. Kitang kita ko kay Ken kung paano nya asikasuhin ang kapatid nya. Mukang mahal na mahal nya talaga ito.

"Ate Crush, mamaya po uuwi na kami ha. Maraming salamat po talaga." napangiti naman ako sa sinabi ni Bea.

"You're welcome" nakangiting sagot ko rin.

Pagkatapos namin kumain ay nilinis na ni Ken lahat. Hindi naman kasi ako kasing sipag nya pagdating sa ganung bagay.

Inilibot ko ang mga mata ko sa condo ko. Grabe, napakalinis na talaga. 

Makalipas ang isang oras ay kinailangan ng umalis nila Bea.

Nandito na kami sa pinto ko ng muling yumakap si Bea.

"Ate crush, thank you kay Choy." Choy? Bakit choy?

"Bakit Choy?"

"Ay hehehe. Kilala nyo pa ba si Ate Rita at Kuya Ken? Yun po kasi tawag nila sa isa't isa. Chow at Choy. Sabi ko po kasi pag nagkaron ako ng aso, ipapangalan ko po ay Chow at Choy. Pero dito na lang po sa bigay nyo ni Kuya."

"Sino si Ate Rita? "

"Rita Iringan po."

"Oh, the artist."

"Kilala nyo po sya?"

"Yeah, nakasama ko na sya sa isang launch."

"Launch" sabi ni Bea habang umiirap pa. Pinisil ko naman ang pisngi nya, napaka cute ng pag gaya nya sakin.

"Sige na Bea, I will see you soon ha?" sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok nya.

Nagulat naman ako ng ikiss nya ko sa pisngi at itinapat ang pisngi nya sakin.

Binigyan ko naman sya ng madiing kiss. Nakakagigil.

Bigla naman syang tumingin sa kuya nya. Ngumiti naman ito at kinuha na ang kamay ni Bea.

"Maraming salamat Ma'am." Tumango na ko at saka sinundan sila ng tingin habang papalabas ng pintuan ko.

Pagsara ko nun ay nag asikaso na din ako. Uuwi ako sa bahay ko dahil may mga trabaho pa kong kailangang tapusin.

---

Monday.

Dalawang linggo na simula nung nilinis itong condo ko. Mukang nabalik ko na naman sa dating itsura nito.

Inilagay ko ang lapis sa gilid ng tenga ko. Isang design na naman ang natapos ko. Nakakagalak na naman ng puso.

Pagtingin ko sa orasan ko ay 6:30 na ng umaga. Hindi na naman pala ko natulog. Ganto talaga ko eh, lalo na pag nasimulan ko ng magkaron ng design sa isip ko.

Masaya akong tumayo at nag inat. Nakakabuhay din talaga ng dugo pag alam mong may kinahinatnan ang weekend mo.

Papasok na sana ko sa banyo ko ng makita ang isang panyo. Ito yung panyo na nilagay ko sa likod ni Bea.

Namiss ko naman sya bigla.

Dalawang linggo na din simula nung huli naming session ni Ken. Naging busy din kasi ako sa trabaho at uuwi lang ako para matulog tapos balik na ulit sa kumpanya.

Sanay naman sya na ganito ang sessions namin. Minsan nga ay wala pa sa loob ng isang buwan. Nakakasawa din kasi kung aaraw arawin ko. Baka yumaman na sya sakin.

---

Pagpasok ko sa kumpanya ko, lahat ng madaanan ko ay nag G-good morning sakin. Tinatanguan ko naman sila. Mabuti nalang at maganda ang araw ko ngayon.

Pagpasok ko ng elevator ay may nakasabay akong dalawang lalaki. Nagulat ako ng hindi sila bumati sakin. Siguro ay hindi nila ko nakilala.

I am wearing my denim outfits now and a black stiletto. Im also wearing my shades, kaya siguro hindi nila ko napansin.

Hinayaan ko na, wala ako sa mood ngayon.

"Grabe no? Balita ko si Ma'am Daniela, tomboy daw?"
pagsisimula nung isa. Di parin pala namamatay ang issue na ito, nung nakaraan ang issue, ay kabit ako, tapos ngayon naman nabuhay na naman yung tomboy daw ako.

Mga tao nga naman. Iisipin nalang lahat ng maiisip.

"Kaya siguro wala pa syang nilalantad na boyfriend, girlfriend pala ang meron." Biglang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

Hindi naman malaking kasalanan sa mundo kung wala akong boyfriend ah. Eh sa kung inuuna ko ang kumpanya ko kesa mag aksaya ng oras sa lalaking alam kong pera lang ang uubusin sakin.

"Hahahaha kawawa naman sya." napangiti naman ako sa sinabi nya.

Kahit kailan hindi naging kawawa ang isang taong walang nobyo.

May nobyo ka nga wala ka namang pera, sinong mas kawawa satin.

Bago ko lumabas ng elevator ay tinanggal ko ang shades ko saka humarap sa kanila. Muka namang nabuhusan sila ng mainit na tubig ng makita nila ko.

"Hahahahahaha, chismis talaga? Ganto kaaga?" tanong ko sa kanila.

"Mr. Bersales, nasan na yung report na pinapapasa ko sayo?"

"Ma'am, 12pm pa po ang deadline non diba po?" nanginginig nyang tanong sakin.

"May oras kang makipag chismisan dito so Im expecting na tapos na yun. 10 minutes, in my office." sabi ko saka tuluyang lumabas sa elevator na yun.

Sinong may sabing kawawa ako? Nakakatawa. Lahat naman pwede kong makuha. Lahat pera na ang katumbas.

Pagpasok ko sa opisina ay may nakita kong babaeng nakaupo dun.

Agad naman syang tumayo ng makita ako.

"Good morning po Ma'am. I am Billie Lopez, the new team leader of Designer Team A."

Sya na pala yung ipinalit sa sinisante ko last 2 weeks.

"Nasan yung 100 sketches mo?" tanong ko sa kanya pag upo ko.

Iniabot nya sakin ang isang folder. Bawat lipat ko ng pahina ay nag eexplain sya.

"Yan po yung design ng kauna unahang heels na nakita ko nung pumunta ko ng Italy. Medyo silky at may balat po ng snake sa bandang unahan. Yan naman po sa Cambodia ko po yan nakita, sobrang malakas po kasi yung impact nya sakin kasi ---"

"Billie, right?" Tiningnan ko sya ng diretso sa mata. Nakita ko namang napalunok sya.

"Yes Ma'am."

"Get out, you're too loud. Kung gusto mo pang tumagal dito bawasan mo kadaldalan mo." saka binato ang drafts nya sa kanya.

Masyadong maingay. Masyadong mayabang. Alam ko naman kung saang bansa nagsimula ang mga ganung designs, hindi nya ko kailangang pakitaan ng gilas.

"Sorry po Ma'am." sumenyas na lang ako na lumabas na muna. Baka unang araw nya palang ay masisante ko na sya.

---

Nakatanggap naman ako ng email mula sa isang kaibigan ko nung college.

Should I consider her as a friend? Uhm, no thanks.

"Hi Daniela, I wanted to invite you later. Opening ng bar ko mamaya baka pwede ka? Madaming batchmates natin ang pupunta. I hope you can find time later. See you.

Here's the address : ************ ******* ***** "

Napairap naman ako agad. Gagamitin na naman ako for promotions.

Sanay na sanay na kong iniimbitahan ako para sa sarili nilang benefits.

Pero nung huling pumunta ko sa isang pa warm blessing ng school ng isa sa mga batchmate ko, wala silang hinanap kundi asawa o nobyo ko.

Nakakasawang sumagot ng paulit ulit.

Napakuha naman ako ng stick ng sigarilyo ng may maisip ako.

---

Ken's POV

"Alright everyone, that's it for today. Class dismissed."
sabi ko sa klase. Unti unti naman silang lumabas. Naiwan nalang sila Justine at Clark.

Para ko na ding tropa ang mga 'to eh.

"Sir, may lakad ka ba mamaya? 11th ave tayo." sabi nya sakin habang inaayos yung zipper ng bag nya.

(11th ave for PARES)

"May pasok ako mamaya sa gym e, alam nyo naman." Umupo sila sa harap ng table ko. Nililigpit ko naman ang mga ginamit kong papel kanina.

"Subsob sa trabaho wala namang jowa. Hahahaha kaya di ka nakakahanap ng jowa sir e." tinawanan ko lang si Clark.

Nagulat naman ako ng tumunog ang phone ko.

Nakita nilang may pangalan yon. "Coffee Sched"
Ngumiti sila ng mapanukso ng sagutin ko iyon.

"Later, 9pm. 50 thousand for this night." nagulat naman ako sa offer nya. Grabe, ano na naman kayang trabaho ko mamaya.

Bigla nalang akong napangiti ng wala sa oras. Nababaliw na ata ako.

"I'll send to you the address, text asap if you wont come." rinig ko na namang sabi nya.

"I'll come." sabi ko nalang at in-end na ang call.

Nagtawanan naman ng malakas sina Clark at Justine.

"Mga loko kayo, sige na una nako. Didiretso pa ko ng gym." sinakbit ko na yung bag ko sa gilid ko.

"Sir ikaw ha. Iba yung ngiti mo sa Coffee Sched nayan."

"Mga letse kayo, bahala kayo dyan. Sabi ko naman kasi sa inyo, may girlfriend ako." ngumiti nalang ako bago ako tuluyang lumabas ng computer laboratory nayun.

"Ano kayang trabaho ko mamaya."

Sa totoo lang ay namiss ko sya. Hindi yung ginagawa namin pero mismong sya.

Medyo natagalan bago nya ko kinontact ulit kaya medyo naeexcite ako sa ipapagawa nya mamaya.

"Daniela, bakit mo ginagawa sakin 'to." bulong ko sa sarili ko. Napailing nalang ako habang naglalakad sa hallway ng school na ito.

Tinext ko na lang din muna si Lola Baby na gagabihin ako ngayon.

Sumakay na ko ng bus patungo sa Timog. Hindi ko alam nararamdaman ko pero gusto ko na agad mag alas nwebe ng gabi.

Naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko. Tiningnan ko iyon.

Napangiti na naman ako ng makitang si Daniela iyon. Sinend nya na ang address kung san ako pupunta mamaya.

Continue Reading

You'll Also Like

12.3K 247 21
A KarJack story wherein John (papajackson)- the most famous varsity player in their campus who had a huge admiration to a girl named Klariz (gandang...
8.7K 116 23
"Nidal, that's impossible." "Nothings impossible, Y/n."
2.7K 77 9
-Ненавижу, ненавижу. Чертов П.О.Р.О.К, я отомщу... Все будет от лица Евы Когда мне и моему лучшему другу было по 12 лет. Нас забрал П.О.Р.О.К, из Нью...
205K 5.8K 52
My feelings for you will never change Just know my feelings are true. Just remember this one thing I will always love you.