The Indecent Obsession

By greatfairy

2.5M 77.4K 16.6K

El Amor De Bustamante Series: Book 1 THE INDECENT OBSESSION Losing her memories from an accident, Hannah's h... More

Author's Note
Teaser
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35

CHAPTER 32

54.9K 1.5K 135
By greatfairy

DAVID'S

"DAMN IT! May tama ka, Strike!" Martin exclaimed exasperatedly.

I winced when I felt something hit my waist. My eyes searched for the culprit. Ngumisi and putanginang Villalon habang nakaluhod sa harap ng mga tauhan ko. Mabilis siyang sinipa ni Martin kaya nabitiwan niya ang hawak na baril.

"P-pasensya na, Boss."

I stared at one of my men. Kung hindi ba naman tatanga-tanga, hindi sana naagaw ni Villalon ang hawak niyang baril. I gripped my shirt and held my waist to stop my wound from bleeding.

One of them was about to approach me but I gestured my hand to stop him.

"Putangina mo, Villalon!" I grimaced. He spit beside him. Duguan na ang kanyang mukha sa kaka-torture ng mga tauhan ko.

"Mas putangina ka, Bustamante! Umaasa ka lang sa mga tauhan mo. Kung gusto mo akong patayin, patayin mo na ako! Huwag mo na akong pahirapan!"

My bloody anger immersed. I've been aching to kill this fcker but I don't want to stain my hand with his fcking dirty blood. Kung hindi lang siya ama ng anak ng asawa ko ay ako na mismo ang pupugot ng kanyang ulo.

"Dream on, Villalon! I will never give you the leverage to die that easy. You deserve a slow but painful death. Pahihirapan kita hanggang sa sumuko ka nang huminga." Kinasa ko ang hawak kong baril at itinutok sa kanya.

"Hayop ka! Sa oras na makatakas ako rito, magtago ka na dahil ako mismo ang magbabaon ng huling pako sa kabaong mo!" He tried to get up but Martin hit him with another kick in the stomach. Sumuka siya ng dugo.

"That is if you can still escape, but I doubt it." I grinned at him.

"Putangina mo!"

"At kung makakatakas ka man, wala ka nang babalikan, Villalon. Ang mga tauhan mo ay nagkikitkit na ng rehas sa mga oras na ito. At ang mga itinatago mong droga, nasa NBI na lahat. And oh, by the way, ako rin pala ang nagpasunog ng mansyon mo sa Batangas."

His eyes went wide upon hearing what I just said. Kung iisipin kulang pa iyon sa ginawa niya---nila sa babaeng mahal ko. Ilang taon ko ring pinaghirapan na makaharap sila. I was powerless before that I worked hard to gain enough wealth and connections. I witnessed how my woman's life turned miserable for several years and that was my impulse to avenge her. At wala akong pinagsisisihan na pinasok ko ang iba't ibang underground businesses para lang makadaupang palad ang walang hiyang Villalon na 'to. Finally, nahuli ko rin siya.

"Isa kang trayidor! Pagbabayaran mo lahat ng ginagawa mong ito sa 'kin! Magkikita rin tayo sa impyerno!"

Lumitid ang kanyang mga ugat sa leeg habang pilit na kumakawala sa pagkakahawak ng mga tauhan ko. Hanggang ngayon wala pa rin siyang kaide-ideya kung bakit ko siya ginawang business partner saka tinrayidor. I pretended to be a drug dealer to capture him.

"If that will happen, sisingilin pa rin kita kahit saang lugar tayo mapunta. Pero sisiguraduhin kong mauuna kang makarating doon."

"Hayop ka! Wala akong kasalanan sa 'yo! Bakit mo ito ginagawa?!"

Muli siyang dumura. I grimaced. I will never give him a hint about Hannah. Hahayaan kong isipin niya na wala na siya. Para hindi na siya makagawa ng paraan para makaganti. Dadalhin niya hanggang kamatayan ang pag-iisip.

"I have installed surveillance cameras in your house without you knowing it, Villalon. And I knew you were involved in several underground businesses. And don't be surprised if I betrayed you. Hindi ba gano'n din ang ginagawa mo sa mga ka-transactions mo? Inunahan lang kita bago mo pa ako mapatay."

I gave him an idiotic smile. Hindi matatapos ang gabing ito nang hindi siya naliligo sa sarili niyang dugo.

"Strike, we need to bring you to the hospital. Baka maubusan ka ng dugo."

I ignored Martin's statement. I held my gun tightly while my left hand was on my waist. I aimed at Villalon.

"Magaling ka magtago sa batas, Villalon. Magaling kang magmanipula ng mga tao para makuha ang mga gusto mo. Mga bagay na kayang-kaya ko ring gawin. Ang pinagkaiba lang natin ay alam ko kung ano at sino ang kalaban ko. Kinikilala ko ang lahat ng kaibigan at kalaban ko para hindi ako maisahan katulad ng ginawa ko sa 'yo."

His jaw clenched and I've seen how his face turned darker. Only if I could kill this dumbass, I would more than satisfied. He spat another batch of blood. That was a nice view. Natutuwa akong makitang sumusuka siya ng dugo.

"Namnamin mo na ang tagumpay mo ngayon, Bustamante, dahil sinisigurado ko sa 'yo, oras na makatakas ako ay uubusin ko lahat ng lahi mo. Tama ka, masyado akong naging kampante dahil hindi kita kinilala; pero nakakasiguro ka ba? Tutal hawak mo naman ako ngayon, bakit hindi mo ipakilala ang sarili mo sa akin? Pati na rin ang babaeng ikinikubli mo sa Negros?"

I felt like the air I breathed suddenly left my lungs when he said that. I gritted my teeth in anger.

"Wala akong ibang ipapakilala sa 'yo kundi ang init ng mga bala mula sa baril ko! Kaya ikamusta mo na lang ako kay Satanas," I said before pulling the trigger.

"Aaahhh!"

I nodded at Martin, gesturing him to drag Villalon upward. I made sure I hit his major muscle in his thigh. Nang sa gano'n ay hindi na siya makalakad pa nang tuwid.

"Hayop ka, Bustamante!"

"Sa ating dalawa ikaw ang mas hayop. Kulang pa 'yan kung tutuusin. Don't you fucking dare to say her name dahil ako mismo ang maghahatid sa 'yo sa impyerno!"

"Bakit hindi mo na gawin ngayon? Duwag ka, Bustamante! Pagsisisihan mo ang ginawa mong ito sa 'kin---aaahhh! Dahil kahit hindi man kita mapatay, may magdidiin naman sa 'yo sa kulungan! Aaahhh!"

Muli kong kinalabit ang gatilyo para matamaan ang kaliwa niyang hita. I made sure the three bullets hit the same spot. The deeper, the painful.

"You wish, Villalon! You wish!"

"Putangina! Pakawalan n'yo ako! Aaahhh!"

"Dalhin n'yo na 'yan sa presinto!"

Tumalima sila at hinawakan ito sa magkabilang braso. Hindi na siya makalakad dahil duguan na ang kanyang mga hita. Napahawak ako sa aking tagiliran. I felt like I'm about to pass out. Marami nang dugo ang nawawala sa akin.

I watched my men dragging Villalon out of the room. Dito sana gagawin ang transaksyon ng droga pero naglagay siya ng mga patibong sa paligid para patayin ako at makuha ang lahat ng daa kong pera.

"Mamatay ka na!"

I fired another shot when he was about to shoot me. Tangina, ang bilis mang-agaw ng baril sa mga tauhan ko.

"Huwag kayong tatanga-tanga!" Martin yelled!

Humandusay sa lupa si Villalon. Duguan. Agad na nilapitan iyon ni Martin at kinuha ang baril. Binato ko sa kanya ang posas.

"Tangina, dapat kanina ko pa 'yan pinaposasan."

"May pulso pa siya. Pero kapag hindi pa ito nadala sa ospital, mamamatay siya." Si Martin.

My breathing hitched. "Dalhin n'yo na 'yan."

"Ako na ang magdadala sa kanya para sigurado, maiiwan ang dalawa dito para ipag-drive ka pa-ospital."

Damn it. Hindi ako puwedeng umuwi ng Negros na ganito. Magtataka at matatakot si Hannah.

"I can bring myself to the hospital. Sigraduhin ninyong hindi makakatakas 'yan."

They all nodded at me.

"And one more thing, what happened here will remain here. Walang isa sa inyo ang magsasalita kahit ano'ng mangyari."

"Makakaasa ka, Strike."

Tinanguan ko si Martin. I know I can trust him. Kaya nga siya ang isinama ko sa operasyon na 'to.

Nang makalabas na sila nang tuluyan ay kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tinawagan ang taong pinakapinagkakatiwalaan ko.

"What a surprise to receive a ring from you, Strike."

Napailing ako. Madalang pa sa panganganak ng kalabaw ko siya tinatawagan. I always go on my own. Hindi ako humihingi ng tulong sa iba dahil ayaw mas gusto kong ako gagawa ng mga bagay na may kinalaman sa paghihiganti ko para kay Hannah.

"I need your help. Code 5." sabi ko. Marahas akong huminga nang malalim nang maramdaman ko ang sakit.

"Fuck! I'm on my way."

Naglakad ako palabas habang sapo ang aking tagiliran. I also turned the GPS on so he could track my location. Code 5 means one of us has been shot or in great danger. At kinakailangan ng medical attention sa lalong madaling panahon.

Wala pang trenta minutos ay dumating na siya. Malapit na malapit na akong mawalan ng ulirat dahil sa lalim ng sugat ko.

"Maaasahan talaga kita, Montreal." I grinned triumphantly.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang pa. Napamura siya nang malutong.

"Tangina, Strike! Hindi ka basta-basta nagpapatama ng baril. What the hell did you do this time?"

Tumawa ako. "Dalhin mo na muna ako sa ospital para maikuwento ko sa 'yo."

"Kaya mo bang mang-backride? Mas mapabilis tayong makarating ng ospital kung motor ang gagamitin natin. Ipapakuha ko na lang ang sasakyan mo rito."

"Kaya ko pa."

Ibinigay ko sa kanya ang hawak kong baril bago sumampa sa kanyang likod.

-------

"ILANG ARAW pa ako mananatili rito?"

I woke up in the same bed since last week. Damn it! Nasira na ang pangako ko kay Hannah na babalik ako kaagad ng Negros. I'm already missing her, a lot.

"Bukas puwede ka nang lumabas. Pero kailangan mo pa ring magpahinga para humilom ang tahi mo."

Shit! Hindi ako maaaring magtagal dito. Magtataka si Hannah. Tiyak na tinatanong na niya ngayon ang mga tauhan ko.

"Kumusta ang kalat?"

Napaangat ako ng tingin nang matigilan si Montreal. Isa siya sa mga kasamahan ko sa NBI. Madalas ay nagtutulungan kami sa mga misyong inaatang sa amin. He's one of the best Intelligence Analysts.

"You really have to brace yourself, Strike. Wala na si Villalon. Tatlong araw lang siyang nagtagal sa ospital at namatay rin. Nagkaroon din ng blood clot sa utak niya dulot ng pagpalo. And I know you have something to do with his death."

Natuwa ako nang malamang namatay siya. He deserved it anyway. Pero may parte sa aking nanghihinayang dahil iba ang plano ko noon sa kanya. I wanted him to suffer until his last breath.

"Nauna siyang tumutok, inunahan ko lang siya."

"Still, you will be grounded for conflict of interest. I knew who Villalon was. Alam kong sukdulan ang galit mo sa kanya."

That rendered me silent. Tama si Montreal. Kaya ako pumasok ng NBI dahil pinalakas ko ang connection ko at para na rin may access ako sa mga records ng illegal drug lords.

"Gaano ka kasigurado na walang may nakaalam sa personal mong kaugnayan sa kanya? And besides, you have to surrender your gun."

"Matagal na tayong magkaibigan, Montreal. Alam nating pareho ang pinagdaanan ng isa't isa. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, hahayaan mo bang mabuhay ang taong lumapastangan sa babaeng mahal mo?"

My question might have triggered his emotion. Kumuyom ang kanyang kamao.

"Damn it! Masuwerte si Villalon at gano'n lang ang pinagdaanan niya sa 'yo."

Napangiti ako. Iisa lang talaga ang hilatsa ng aming bituka. I knew what a Theo Montreal can do. He is a beast.

"I know I can count on you, Montreal. Kung saka-sakali man."

Bumuntonghininga siya at umiling. "For the sake of our brotherhood."

We shook our hands. Alam kong hindi niya hahayaan na makulong ako.

"And one more thing, Montreal. I knew about your connection to Levi Achilles Micaller, ang fiancée ng kapatid ni Hannah."

"What about him?" Kumunot ang noo niya.

"He's been investigating about Hannah's rapists. Pero ayaw kong malaman ni isa sa kanila na dinispatsa ko na ang mga hayop na 'yon. Ayaw kong maungkat ang pangyayari."

He nodded. "You know how I work, Strike. I do not mix my job with family matters. My mouth will be zipped."

Sapat na ang narinig kong iyon.

------

LUMIPAS ang mahigit dalawang buwan ng pananatili ko sa Maynila. I constantly ask Mang Ramon and Ismael about Hannah's situation. Madalas ay tinitingnan ko na lamang siya sa CCTV footage. I really missed her so much.

"Kailan ka ba uuwi rito, Senyorito? Halos araw-araw ay tinatanong kami ni Senyorita, Hannah." Si Mang Ramon.

"Just give me another week, Mang Ramon. Nami-miss ko na rin ang asawa ko."

"Sige, Senyorito. Kami na ang bahala kay Senyorita. Dinoble na rin namin ang security rito sa hacienda gaya ng ibinilin mo noong umalis ka."

"Good."

Ibinaba ko ang tawag at tiningnan ang peklat ko sa tagiliran. Halata pa rin ito pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan pa kailangan kong magtagal dito. Pero kailangan ko na talagang makauwi.

I opened my phone and checked the CCTV footage. Tiningnan ko sa kuwarto namin ngunit wala siya roon.

Sinunod kong tingnan ang veranda ngunit wala ring bakas niya. Pati sa banyo ay wala rin.

Baka bumaba siya.

I checked each of the cameras. Wala siya sa sala, sa dining at sa kusina. Wala rin sa garden.

I was about to call Mang Ramon again when my eyes landed on the 10th camera.

Sa library.

My eyes went wide when she pushed one of the shelves leading to the secret room.

"What are you doing, wife?"

My heartbeat paced when her face suddenly zoomed in. Sa isang iglap lang ay namatay ang kamera.

Damn! Nakita niya. She destroyed it.

Agad kong pinatay ang cellphone ko at nagmamadaling nagbihis. Kailangan ko nang makauwi ng Negros sa lalong madaling panahon. Pero kailangan ko munang kitain ang isnag mahalagang tao.

I used my Ducati. Mas mapabilis akong makakarating sa kinaruronan niya kapag ito ang gagamitin ko.

Wala pang kinse minutos ay narating ko na ang eskuwelahan niya. I sent him a short message.

Sumandal ako sa motor ko habang hinihintay siyang lumabas.

"Did you bring it?" I asked when he finally showed up.

May kinuha siyang brown envelop sa loob ng kanyang backpack.

"Buti pumayag si Ate Heaven at Kuya Levi na magpakuha ng extra copy. Pinasuot ko rin ng ibang wedding gown si ate gaya ng sinabi mo."

I tapped his shoulders. "Good job, kiddo. Maaasahan talaga kita."

Ngumiti siya pabalik. "Walang anuman, Kuya David. Basta ba makikita ko na si Ate Hannah. Nangako ka sa akin na iuuwi mo siya sa amin."

"Soon, Hans. Huwag kang mainip. Malapit na siyang umuwi sa inyo."

His face lit up. We've known each other for several months now. Ipinaliwanag ko sa kanya nang mabuti kung bakit kinakailangan kong dalhin ang ina niya sa Negros.

"Excited na akong makita siya at mayakap."

Ginulo ko ang kanyang buhok. "I'm pretty sure she will be happy to see you as well."

Wala ring naaalala tungkol sa kanila ang asawa ko kaya ayaw ko munang magkagulo ang lahat.

"Salamat dito." Itinaas ko ang ibinigay niyang envelop. Sinilip ko ang laman niyon.

He nodded. "Ano ba ang gagawin mo sa wedding pictures nina Ate Heaven?"

"You'll find out soon, kiddo. Mag-aral ka nang mabuti para matuwa sa 'yo ang ate mo."

I wore my helmet back. Inilagay ko muna sa compartment ang envelop bago pinaandar ang motor.

Hannah will be surprised to see our own wedding pictures.

©GREATFAIRY

Continue Reading

You'll Also Like

5.3M 120K 39
He's an ex-military billionaire. She's a wild party girl. With just one glance, she fell for those cold eyes and mysterious personality. She's a drea...
3M 78.9K 37
Ayaw mong mag-asawa pero gusto mo ng anak. Galit ka sa mga lalaki pero ayaw mong tumandang mag-isa. Anong pwedeng solusyon sa ganyang problema? A. Hu...
8.6K 88 1
Perseus Samael Suarez -- VIP Start: November 27, 2023
7.7M 228K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...