Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 5

2.7K 123 8
By CrabLamb

Nang imulat ko ang mga mata ko ay isang pamilyar na kisame ang bumungad saakin.

Pamilyar— pero hindi ito ang kisame ng kwarto ko.

Nasaan ako? 

Napakurap muli ako sa tanong. Hindi ko nga ba alam ang sagot? 

Pinilit kong umupo sa kinahihigaan at nagmasid sa paligid habang nagkukusot ng mga mata. Malambot at maingay na kama—pang-dalawahang tao. Mabulaklak na kumot at kupas na kobre. Ang kurtina sa hindi kalayuan ay may pamilyar na bilugang burda, perpektong pinapasilay ang ilang sinag ng umaga.

Bakit ako nandito? 

Iginilid ko ang dalawa binti at sumuot sa pares ng tsinelas na gawa at regalo saakin ni lolo para sa ikalima kong kaarawan. Matapos ay dinala ko ang sarili sa luma at maingay na pintuan.

Napatigil si lolo sa paghahanda ng pagkain nang marinig akong lumabas ng kwarto. Dalian akong napangiti nang makita ang pulang apron na niregalo ko sakaniya noong kaarawan niya. 

Ngayon ko lang napagtanto na maliit sakaniya iyon, pero sinuot niya pa rin.

"Kain na," ngiting anyaya niya sabay gayak saakin paupo sa hapag kainan.

Lumawak ang ngiti ko at hinawakan ang kutsilyo. Dinawdaw sa kesong si lolo pa mismo ang nagtunaw at pinang palaman sa mainit na pandesal.

"Sabi ng mama at papa mo ay naayos na ang pakiramdam ng ate mo," sabi ni lolo habang nagpapalaman ng sariling tinapay.

Bumagal ang pag nguya ko. Naramdaman ko kasi ang kalungkutan sa boses niya. Sa oras na umayos ang lahat at nakabawi na sa pera sila mama at papa ay paniguradong kukunin na nila ako.

Mag-isa na lang si lolo sa buhay. Si lola ay isang dekada nang patay. Wala ring maayos na komunikasyon si papa at lolo dahil buong buhay ni papa ay si lola lang ang naging kaagapay niya. 

Isa pang dahilan na nakikita ko ay sa Maynila nagtrabaho si lolo noong kabataan ni papa. Kaya wala siya sa tabi nito bilang isang ama.

"Bakit hindi ka na lang sumama saamin lolo?" tanong ko nang hindi tumitingin sakaniya, "Malaki naman ang house namin, isa pa malapit lang naman ang bahay namin dito."

"Hindi kayang iwan ni lolo ang lola."

Iimik pa sana ako upang sabihin na matagal na itong pumanaw ngunit, napadako ang tingin ko sa tokador sakaniyang likuran. Doon nakalagay ang jar kung nasaan ang abo ni lola at ang ibang litrato nito.

Ipinatong ko ang tinapay sa ibabaw ng pinggan ko at uminom ng tubig. 

"Ikwento mo nga ulit kung paano kayo nagkakilala," kahit pa kabisado ko na ang talambuhay ni lolo ay iba ang kislap ng mata niya kapag nagpapakwento ako.

Napangiti si lolo sa sinabi ko. Tila naman lumuwag ang aking hininga dahil nawala kahit papaano ang lungkot sa mga mata niya.

"Hindi ka ba nagsasawa sa kwento namin ng lola mo?" agad akong umiling sa tinanong niya. Napatawa na lamang siya ng malalim at kinuha ang salamin sa tabi ng pinggan niya, "Oh siya sige, kunin mo ang notebook ni lolo sa kwarto at ikukwento ko ulit saiyo."

Excited akong tumalon pababa ng upuan at pumasok sa loob ng kwarto. Hinanap ko ito sa ibabaw ng tokador pero nang bigo akong makita doon ay tumalon ako sa kama— pinanghalukay ang payat kong braso sa ilalim ng unan at nang may mahagip ay galak kong hinugot ito.

Napakunot ako ng noo nang imbis na kwaderno ay litrato ang nakuha ko. 

Sa litrato ay si lolo, kakaunti pa ang kulubot sa mukha kaya agad kong napagtanto na bata bata pa siya rito. Katabi niya ay isang hindi pamilyar na batang lalaki na hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko.

Sumingkit ang mga mata ko habang pilit na minumukhaan ang batang lalaki. 

Pagkaraan ay nakaramdam ako ng kakaibang lungkot. 

"Ang gwapo pala ni papa noong bata?" puri ko sa sarili kong ama, mukha rin itong anak mayaman sa suot nito.

Ang kwento pa naman ni papa ay hilig rin siyang ipasok sa santacruzan noon. Baka isa ito sa mga pagkakataong iyon gayong kalimitang maliliit na batang lalaki ang laging kapartner ng mga reyna.

"Isabella!" agad kong naibalik ang litrato sa ilalim ng unan nang marinig kong tawagin ako ni lolo. 

"Halika na rito! Nandito pala ang journal ko," sabi nito mula sa kusina. 

Iginaya ko ang sarili ko upang bumaba sa kama at tumakbo papuntang pintuan.

Malawak pa ang ngiti kong binuksan iyon ngunit ganoon na lamang iyon napunit nang makita ko ang isang lalaki na nakaitim— naka leather na gloves at naka suot ng puting maskara na tatlong maliliit na butas lamang ang disenyo.

Agad akong napaatras. Mula umaga ay biglang nalipat ang oras ng gabi na parang naglipat ka lamang ng pahina sa libro.  Hindi ko matukoy kung nakatitig ito saakin dahil nakayuko ito at isa lang ang wari kong butas na sakto sa mata niya.

Agad kong hinawakan ang likod ng pintuan at pabagsak na sinarado ang pintuan. Huli na nang manlaban siya dahil una kong ginawa ay i-lock ang pintuan at ang pangdobleng kandado nito.

Agad akong lumingon sa kwarto at mula sa malaking salamin ay nakita ang batang bersyon ko. Nakapuyod pataas ang buhok at suot ang paboritong bestida na gawa ni lolo. 

Anong... Bumalik ba ako sa nakaraan?

Panaginip ba ito? 

O alaala?

Muntikan akong mapasigaw nang isang malakas na kalabog ang ginawa ng nasa kabilang parte ng pintuan— pinipilit makapasok sa loob ng kwarto.

Agad kong kinuha ang manika na nasa ibabaw ng kama at nagtago sa ilalim nito. Paulit ulit na pinipindot ang matigas na bagay na nasa loob ng manika dahil ang utos ni lolo ay pindutin ko raw iyon kung palagay ko ay nasa panganib ako.

Hindi rin nagtagal ay kaswal na bumukas ang pintuan ng kwarto. Tumalsik pa sa sahig ang pangalawang kandado dahil sa pwersa. Hindi ko kinurap ang aking mata at idinikit ang ulo ng manika sa aking labi para maibsan ang takot.

Sinundan ko ng tingin ang makintab na sapatos at pinakinggan ang nakakakilabot nitong yabag na maririnig sa buong kwarto. 

Napansin kong bahagya itong humarap sa tokador kung saan nakadikit ang litrato ng pamilya ko at ang litrato namin ni lolo. Nakarinig pa ako ng mahinang punit, tanda na kumuha ito ng isang litrato.

Masakit akong napalunok.

Katahimikan... Ilang segundo? Ilang minuto? Oras? Hindi ko alam. Pero parang taon ang bilang.

Halos malaglag ang puso ko sa bituka nang tumalon ito at pagbagsak niya sa lupa ay nakadapa na siya. Ang ulo ay nakaharap sa ilalim ng kama.

Malakas akong napasigaw kasabay ng pag gapang ko paalis sa ilalim ng kama. Nakabukas ang pintuan ng kwarto kaya mabilis akong nakatakbo. Halos maiwan ko pa ang kaluluwa ko nang mabilis itong kumilos patayo at sinubukang hablutin ang braso ko.

Una kong nakita pagkalabas ng kwarto ay ang pintuan palabas, agad ko itong tinakbo at pinilit na ikutin ang doorknob pero bigo ako dahil may nakaharang sa kabilang parte nito. 

Wala na akong oras para humanap ng bintana dahil may humablot sa aking buhok at malakas akong hinagis— dahilan para mabitawan ko ang manika at tumama ang ulo sa matigas na bagay na hindi ko mawari kung lamesa o aparador.

Ininda ko ang sakit habang sinusubukang gumapang, ngunit bago pa man ako makalayo ay may humawak na agad sa binti ko at hinila ako pabalik.

"Mama! Papa! Lolo!" sigaw ko, kahit malabo na ang paningin ko ay pinilit kong humawak sa mga bagay bagay upang hindi ako mahila. Nagsimula sa carpet ng sala hanggang sa kumapit ang kuko ko sa kahoy at lumikha ng nakakangilong ingay.

"Papa!" sigaw ko— ginagamit ang natitira kong lakas, "Ate! Tulong!"

Nararamdaman ko ang pagdudugo ng mga daliri ko mula sa pagkakakayod nito sa sahig. Mayamaya ay nakarinig ako ng pagbukas ng pintuan at naramdaman ko ang paggapang ng malamig na hangin sa katawan ko.

"LOLO!" iyak na pagsusumamo ko. Nakaramdam pa ako ng isang malutong na sampal dahil sa iyak ko. Mahapdi dahil leather at masyadong malakas kaya mas lalo akong nahilo.

Kahit pa naikot na ang mundo ko ay di nakawala sa pandinig ko ang pagkabasag ng isang bagay, naramdaman ko rin ang makalyong kamay na humaplos sa pisngi ko at hindi rin kalauna'y ginaya ang ulo ko at binuhat ako.

"Isabella," bulong ni lolo habang nakahawak sa parte ng ulo ko kung saan makirot.

Naramdaman kong tumakbo siya dala dala ako at dumiretso sa kung saan. Palagay ko kung saan siya lumusot papasok pero natigilan siya nang may pumutok na baril.

Dama ko ang paghihingalo niya base sa lakas ng tibok ng puso niya. Gayundin sa lakas ng hininga at panginginig niya habang yapos ako. 

Gusto ko siyang tignan, gusto kong malaman kung natamaan siya ng putok na iyon. Pero wala akong lakas.

"Putang ina," mahinang mura ni lolo at lumihis ng daan. Sa tono noon ay nasira ang plano niya. 

Nakarinig pa ako ng ilang ingay at napansin kong medyo agresibo ang galaw ni lolo. Minsan nahahawi niya ako na tila mabibitawan ako pero kapag nakabawi ay humihigpit ang pagkakaakap niya saakin.

Ilang minutong ganoon ang nararamdaman kong galaw ni lolo hanggang sa makarinig ako ng isang iyak na tila ba hayop na nasaktan.

Mayamaya'y imbis na isa ay naging dalawa ang kamay na yumakap saakin.

Bigo na mabuksan ang pintuan at may harang na bakal ang mga binatana, nadinig ko ang pagmumura ni lolo at  lumihis muli ito ng daan. 

Hindi kalauna'y nadinig ko ang mga yapak niya paakyat ng hagdan, binuksan ang isang kwarto na hindi ko na mawari kung saan at sinarado ang pintuan.

"Tulong!" sigaw nito sa bintana ng kwarto.

Paulit ulit niyang sinigaw ang mga katagang iyon. Narinig ko pang tinawagan ni lolo si papa sa telepono.

"Fernan, nilooban  kami. May sugat si Isabella," sabi ni lolo, "Putang ina Fernan, huwag mo ako sisihin! Wala itong kinalaman saakin! Hindi porket marami akong nakaaway— putangina!"

Mayamaya lang rin ay dahan dahan niya akong inilapag at binalot ng tela ang aking ulo. Hinigpitan niya ito upang tumigil ang paglabas ng dugo. 

Pinilit kong dumilat at kumurap, ang tanging nasilayan ko lang ay ang pagbubuhol niya ng dalawang tela.

Nang matapos ay hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at tinitigan ako ng mata sa mata. 

"Isabella, itatago kita sa basket habang pinapalayo ko ang nangloob saatin. Kahit na anong ingay ang marinig mo, HUWAG... na huwag kang lalabas."

Parang nasa ulap ang paningin ko pero agad iyong rumehistro sa utak ko. Hindi na rin niya ako inintay na makasagot at binuhat na ako patago sa loob ng basket. Pinayakap niya rin saakin ang manikang nabitawan ko kanina at pinayuko.

May telang itinaklob sa aking ulunan at naramdaman kong may magagaang bagay pang inilagay sa ibabaw bago isara ang basket. 

Napakurap ako habang nakatulala sa mukha ng manika ko. Ang mga sumunod na pangyayari ay ang mga bagay na gusto kong malaman noon pa.

Alam ko, alam kong may malay ako noong mga oras na iyon. Narinig ko iyon lahat, baka ito na ang pagkakataon na maalala ko ang lahat.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang malakas na bumukas ang pintuan ng kwarto.



NAPADILAT ako nang marinig ko ang tunog ng cellphone ko.

Napaawang ako ng labi at napakuyom ng dalawa kamao sa kobre kama nang mapagtantong naputol ang panaginip ko.

Kailangan sakto sa pinaka sukdulan ng pangyayaring iyon?

Unti unti kong naramdaman ang malamig at tagaktak kong pawis kahit na nakabukas ang aircon. Sa inis ko ay hinayaan kong lumipas ang ilang minuto at i-nignora ang kung ang istorbong tumatawag saakin.

Mayamaya ay napahilamos ako at tinignan kung sino ang tumatawag.

Imbis na tumawag pabalik ay binuksan ko na lamang ang laman ng messages ko.


05-29-2005

Darwin:

Girl! Nasa baba na ako ng bahay niyo, akala ko ba hi-hiramin mo ang pick up ko? 


Nakatatlong kurap pa ako bago manlaki ang mga mata ko. Agad akong napatingin sa orasan at sumuntok sa isip ko na sabado ngayon.

"Putang ina."



"AKALA ko ay hindi ka na da-dating," kaswal na bungad sa akin ni Gareth habang pinapanood akong bumaba sa loob ng driver sit.

"Sorry! Napasarap ang tulog," depensa ko sa sarili habang hinahabol ang aking hininga, "Pasensya na talaga, hindi na mauulit."

"Mauulit pa ba ito, Ms. Isabella?" ngiting  tanong saakin ni Gareth. Natigilan ako sa paghabol ng aking hininga, ayokong mag expect na ang ibig niyang sabihin ay kung magkikita pa kami.

"Mabigat ba yung dalawang basket?" pag-iiba ko ng tapika at pumunta sa likod ng pick up para ibaba ang pintuan. Pilit na iniiwasan ang naka-kaintimidate na tingin ni Gareth.

"Sa laki ng braso mo, sa tingin ko ay hindi mo kakayanin," pang-aasar nito. 

Napa pameywang ako at humarap sakaniya upang magreklamo ngunit, nauna na siyang maglakad papasok.

Naikuyom ko ang mga labi ko at napakibit balikat. Iyon ang humor niya, pagbigyan.

Agad naagaw ang atensyon ko sa kabuuan ng bahay. Hindi ganoon nagbago ang itura nito, palagay ko ay binago lamang ang mga materyales dahil nasunog. Mapuno pa rin at imbis na puro alikabok ay napalitan ito ng mga damo. May mga nakatira na rin sa paligid, hindi katulad dati na parang si lolo lamang ang nakatira sa parteng ito ng barangay.

Napansin ko rin na mayroong maliit na greenhouse sa tabi ng bahay. Gusto ko sanang pumasok kaso agad kong naalala na hindi iyon ang pinunta ko dito.

"Ms. Isabella?"  

Napatingin ako kay Gareth na nasa may pintuan na, bukas na ito at inaantay na lamang akong pumasok.

Ngunit imbis na pumasok ay bumaba ang tingin ko sa sahig ng veranda— kung saan ako natagpuang nakahiga ng mga pulis at ng mga magulang ko. Walang malay, may tela sa ulo, habang ang bahay ay nasusunog.

Alam ko dapat ang nangyari. Naalala ko dapat kung paano ako napunta sa parteng ito ng bahay. Hindi lang ako dapat nasa loob ng basket ng mga manika, hindi dapat doon nagtapos ang istorya.

Umangat ang tingin ko kay Gareth na masugid na naghi-hintay sa akin na makapasok, "Sabi ko na nga ba at malinis ka."

Napataas siya ng dalawang kilay. Hindi iyon pinansin at nag-alis ng sapatos, "Kulang na lang ay kumintab ang sahig sa sobrang linis."

Napangisi si Gareth. Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"Nasaan na ang mga basket?" tanong ko, "Para makapag ayos ka na, baka mahuli ka pa sa seminar dahil saakin. Late na ako ng isang oras."

"Nasa taas," ani niya sabay talikod. Humakbang naman ako upang sundan siya.

Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang mamangha sa disenyo ng bahay. Halos wala talaga itong pinagkaiba kay lolo noon. Kung nasaan ang sala noong nakatira pa ako rito ay naroon pa rin, kung nasaan ang kusina ay naroon lang din. Iba nga lang ang mga gamit at imbis na family pictures ang nasa dingding ay puro portrait ng mga art.

Napadako naman ang tingin ko sa isang lamesa kung saan naroon dati ang litrato ni lola at ang jar ng abo nito. Napalitan na ito ngayon ng mga maliliit na sculptures na palagay ko ay puro mamahalin.

Nakarating kami sa ikalawang palapag habang iniimahe ko kung gaano kabilis ang mga  hakbang ni lolo habang buhat buhat niya ako. Muntikan pa akong mapasinghap nang mapagtantong maging ang ikalawang palapag ay wala gaanong pinagbago ayon sa istraktura.

Napalunok ako nang tumigil si Gareth sa isang pintuan. Iyon lamang ang tanging kwarto na may bintana sa ikalawang palapag kaya sigurado akong doon tumakbo si lolo. Hindi ko akalain na dito rin ita-tambak ng bagong may ari ang mga naiwang gamit.

Hindi ko akalain na may mga gamit pang natira kahit na inapula ng sunog ang karamihan sa gamit ni lolo noon. Kaya naman pinipilit kong alalahanin ang mga bagay na nakalimutan ko upang mabigyan na ng kasagutan ang libo libong mga tanong na taon taong nadadagdagan.

"Saan mo nakita ang mga basket na iyan?" tanong ko kay Gareth na nagpresintang magbuhat ng mga  basket. Nasa dulong parte kasi ito ng bodega niya at may mga nakaharang na ibang bagay kaya kailangang buhatin.

"Sa attic," tipid na sagot nito, "Gagawin ko sanang opisina ang attic. Nagulat na lang ako nang may mga gamit pa roon."

Napatango ako. Marahil ay isa ang mga ito sa mga naisalba. Pinarenovate ng mga magulang ko ang bahay ni lolo ang alam ko. Tsaka siguro nila tinambak ang mga naisalba sa attic dahil wala silang lakas ng loob upang iuwi iyon dahil saakin.

Napatingin ako sa aking kaliwa. Siguro ang pagkakaiba lang ng bahay na ito kumpara noon ay ang kwarto sa kaliwa. Naroon kasi ang makinarya at mga tela ni lolo noong dito pa ako nakatira. Ngayong iba na ang may ari ay isang grand piano na ang nakalagi roon.

Sa labis na interes at paghanga ko sa piano ay nilapitan ko ito. Napansin ko ring may nakabukas na piano chord book sa harapan ng tiles. 

Agad akong napangiti at napaupo sa upuan nang makita ang title ng kanta na nasa pahina.

Paborito ni lolo ang kantang ito. Nag piano lessons rin ako noong 14 ako kaya maalam ako.

Nagsimula akong pumindot ng mga tiles habang nakatingin sa chord book. Noong una ay pinapakiramdaman ko pa ang sarili ko kung tanda pa rin ng mga daliri ko ang mga natutunan ko. Nang mapagtantong naroon pa rin ay tsaka ako nag tuloy tuloy. 


"Naalala mo ba ang kwento ko saiyo? Kung paano kami nagkakilala ng lola mo?"

Napagilid ako ng ulo sa tanong niya.

"Nakayakap siya sa tupa, habang nakatutok ang baril ko sa tupang iyon. Hindi siya gumalaw kahit na anong sigaw kong bitawan niya ang tupa. Ilang oras kaming ganoon. Sinisigawan ang isa't isa. Hanggang nga sa ako mismo ang sumuko para ibaba ang baril."


Napadilat ako at napatigil sa pagtugtog— napakunot ang noo at napatingin sa chord book. 

Muntikan akong mapasigaw nang mahagip ng mata ko si Gareth na nakatayo sa gilid ng kwarto. Pirming nakatayo na parang kaya niyang hindi gumalaw ng ilang araw.

"Maryosep," sabi ko habang nakahawak sa dibdib.

"Pasensya na," nauutal kong habol sabay lingon sa nakalabas na mga basket, "Nailabas mo na pala."

Agad akong tumayo palayo sa piano at nilapitan ang dalawang basket. Nang subukan kong buhatin ang isa ay hindi man lang ito umangat sa sahig.

Nahagip ng gilid ng mata ko si Gareth. Binuhat nito ang isang basket at napangiwi ako nang ginawa niya iyon ng walang kahirap hirap.

Bago siya bumaba ng hagdan ay natigilan siya. Napataas tuloy ako ng kilay dahil kanina ko pa dama na may gusto siyang sabihin.

Tila naman nag dilang anghel ako dahil humarap muli siya saakin.

"I want to propose something," panimula niya, "Would you agree?"

Continue Reading

You'll Also Like

5.5K 519 103
"Memoria" spin-off An epistolary set in a time with no social media Set in 1976, a lonely rich girl bored with her life is in for a surprise when she...
91.7K 2.5K 34
Majestic Five (2) Out of curiosity, Yasha Rodriguez became involve with Devon Au the man who have an issue about being abusive and violent towards hi...
10.1K 731 14
C O M P L E T E D WARNING: Extreme misogyny, sex trafficking, graphic content, disturbing pictures, murder, violence, vulgar words
101K 3.9K 55
A hundred nights. A hundred women. A hundred sins. Lust is bullshit. Lust is a bastard. Lust is the demon prince who is now using me as his puppet to...