Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya

1K 39 5
By aefanfiction

"HAAAY isang araw nanaman ang natapos natin Gege! Whooo! Thank You Lord!"

Humiyaw si Yenggay sabay akbay sa akin habang naglalakad kami sa hallway pabalik sa dressing room.

Kakatapos lang ng ASAP namin at ito nga, pauwi na rin kami.

"Kaya nga eh, sa wakas makakapagpahinga na." medyo mahinang sagot ko naman at humigop sa strawberry juice na ipinagawa ko kanina kay Ate Irene.

Oo, stawberry juice bakit ba?

Huminto naman bigla si Yenggay sa paglalakad kaya nagtaka ako. Tinitigan niya ako habang nakakunot ang noo.

"Ano bang lasa niyan? Kailan ka pa nahilig sa strawberry?" sabi niya at tiningnan ang juice na iniinom ko "Alam mo Gege ikaw ha, naninibago ako sayo. Bakit parang may mali yata ha?" parang takang taka na sabi niya.

"H-Ha? Bakit? W-Wala naman ah." sagot ko na lang.

Kinakabahan kasi ako sa paraan ng pagtatanong niya. Hindi naman kasi alam ni Yenggay at hindi ko yun masasabi sa kanya.

Nakakunot pa rin ang noo niyang sinipat ako. "Kasi, parang may iba talaga sayo Ge. Hmmmn."

Naiilang ako sa ginagawa niyang pagtitig sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"A-Ano ba, ikaw kung anu ano nanamang sinasabi mo. Tumigil ka nga!" sagot ko na lang.

Pero hindi pa rin siya nagpaawat.

"Hindi talaga eh. Kilala kita Ge, hindi ka ganyan. Palagi kang parang pagod na pagod kahit na wala ka namang ginagawa. Palagi kang inaantok. Ang sensitive mo rin."

"A-ah talaga ba?" simpleng sagot ko na lang.

Sorry Yenggay :(

"Oo, alam mo kung hindi nga lang kita kilala baka isipin ko na buntis ka eh."

*coughs*

Ano daw?

"Oh ano? Hala siya, dahan dahan kasi sa paghigop Ge. Hindi naman kita hihingian! Nakakaloka ka ha!" sabo nito at hinagod pa ang likod ko.

Nakakaloka rin kasi siya.

Nasamid ako sa iniinom kong strawberry juice dahil sa biglang sinabi niya.

Hindi na lang ako umimik at umiling na lang. Hindi ko kinaya. Buti na lang nga ay hindi lumabas sa ilong ko ang iniinom ko.

Pinigilan ko na lang ang sarili ko na hindi na magpaliwanag. Atleast hindi ako nagsinungaling.

Pagpasok ko ng dressing room ay napansin ko na nakangiti lahat ng glam team ko habang nakatingin sa akin pati ang na ang glam team ni Yenggay maliban na lang kay Nanay Bianca.

"O bakit? Parang ang saya niyo naman yata?"

Pagkatapat ko mismo sa may upuan ko ay doon ko nakita ang isang bouquet ng bulaklak na may kasama pang isang box ng tsokolate.

Doon ay nagsimula na silang mag iritan at tuksuhin ako.

"Ayieee ang haba talaga ng hair abot hanggang North Pole!"

"Talagang pursigido yan sayo si business man, mamshie. Go for it na kasi."

Napailing na lang ako at nagkatinginan na lang kami ni Yenggay nang biglang sumingit si Nanay Bianca

"Pangatlong linggo na yan na palagi siyang nagpapadala sayo dito nak. Dapat siguro kausapin mo na yan si Marionn, hindi pwedeng umasa pa rin siya sayo hanggang ngayon." sabi ni Nanay Bianca.

I sighed. Tama siya.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin tumitigil si Marionn sa pagpaparamdam sa akin.

Magmula noong nagkita kami sa mall at sinundo ako ni Erik ay ilang beses ko na rin siyang kinausap na kung pwede tumigil na siya sa panliligaw sa akin dahil alam ko naman na hanggang ngayon ay ito pa rin ang pakay niya.

He keeps on sending me chocolates and stuff. Minsan nga ay siya pa ang naghahatid.

May mga pagkakataon nga na tumatanggi akong kunin ang mga binibigay niya pero ipinababalik niya lang din sa akin.

I know that he can feel that I love Erik so much pero sinabi niya na handa siyang saluhin ako kapag nasaktan ako ni Erik na malamang ay siyang rason kung bakit siya ngayon todo sa pagpaparamdam sa akin.

Napailing na lang talaga ako sa naiisip ko. Minsan talaga makulit siya.

Sinabi ko na rin sa kanya noon na huwag na siyang magpapadala ng bulaklak dito sa mga trabaho ko pero matigas ang ulo niyo.

E paano ba naman kasi, noong huling beses na nagpadala siya ng bulaklak ay nagkaroon pa ako ng problema.

----FLASHBACK----

Papasok pa lang ako ng dressing room ay sinalubong na kaagad ako ng stylist ko na biglang lumabas galing sa silid.

"Angge! Surprise!"

Kumunot ang noo ko.

May bitbit siyang isang bouquet ng red roses

"Kanino nanaman galing yan?" tanong ko kahit na parang alam ko na rin naman ang sagot.

Bakit ba kasi ang kulit niya? Nakakaloka naman.

"Ayun sa gwapo mong manliligaw na si Papi Marionn ulit syempre." sagot nito na animo'y kilig na kilig pa.

I simply rolled my eyes.

"Aanhin ko nanaman yan?" tanong ko naman sa kanya.

Hindi ko naman kasi kailangan ng mga bulaklak. Hindi na ako bata na madadala pa sa mga paganyan ganyang istilo

"Isahog ko sa sinigang mamsh, baka pwede." biro naman niya kaya sinamaa ko siya ng tingin. "Char lang eto naman ang moody. Pero iba ka mamshie ah, balak ka yatang ipagpatayo ng sarili mong flowershop nun ni business man." sabi naman niya.

"Ayoko ng flowershop, ang gusto ko garden." sabi ko na lang at lalagpasan ko na sana siya para pumasok sa pintuan nang matanaw ko na nakatayo si Erik malapit sa likuran na parang kanina pa nakikinig sa amin.

Nang makita niya na tinitigan ko siya ay kaagad siyang umiwas ng tingin at padabog na pumasok sa kabilang dressing room.

Luh, anong problema nun?
---------------------------
"SALAMAT po talaga sa pagsama sa akin ngayon Nay ha? Di ko naman po akalain na seryoso talaga kayo ngayon na sasamahan niyo ako."

Nakangiting sabi ko kay Nanay Litz bago ko sinimulan nang ayusin ang mga hawak kong gamit.

"Naku ito namang batang 'to oh parang lagi na lang bago. Walang anuman, syempre sino pa bang mag aalaga sayo kundi kami rin diba?"

Alam ko, kaya nga sobrang swerte ko.

Pasado alas nuwebe na ng gabi at ngayon ay pauwi pa lang kami sa bahay dahil dumaan pa kami sa doktor para muling magpacheck up pagkatapos ng trabaho ko.

Ngayon ay sinamahan ako ni Mommy Litz na magpacheck up. Kanina ay nagulat na lamang ako nang magtext siya sa akin at sinabing sasama siya. Hindi naman ito alam ni Erik, tumakas pa nga daw siya sa bahay nila.

Talagang pinaninindigan nila ang sinabi nila sa akin noon na hindi nila ako pababayaan kahit na ano ang mangyari.

Sobrang swerte ko sa pamilyang 'to.

Maya maya lang ay nasa tapat na rin kami ng bahay ko.

"Oh paano Nay, dito na po ako. Sigurado po ba kayo na ayaw niyo nang tumuloy sa loob? Tara ho magjuice muna tayo." magalang na sabi ko naman.

"Hindi na anak. Alam mo namang tumakas lang ako sa bahay diba? Paniguradong hinahanap na ako ni Tenten ngayon dahil nandoon na yum sa bahay. Sa susunod na lang at nang makausap ko rin ang iyong Mama Bob." sabi naman nito

Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"Salamat po ulit Nay ha? Mag iingat po kayo sa pag uwi." sabi ko naman at bumeso na sa kanya bago bumaba ma ng kotse at kaagad naman na itong umalis na.

Pagkapasok ko pa lang ng gate ay gulat na gulat ako sa naabutan ko.

"Anong nangyari? Anong meron dito?!"

Napakamot na lang sa ulo si Kuya Noy, driver ni Erik.

"Eh, sorry Ma'am. Napag utusan lang po ako ni Sir Erik na dalhin ang lahat nang ito." pagkasabi niya noon ay hindi na ako nakaimik kaagad dahil tulala pa rin ako hanggang ngayon dahil sa nakikita ko.

Paano ba naman kasi na hindi ako magugulat e inabutan ko lang naman ang iba't ibang klase ng bulaklak ang nasa garahe namin. Halos punuin na nito ang kalahati ng paradahan namin ng sasakyan.

Pero ang nakakaloka dito, yung mga bulaklak na ibinigay,

LAHAT NASA PASO.

Ano nanaman kayang pumasok sa isip niya at ginawa niya ito?

Hinilot ko na lang ang sentido ko sa sobrang stress. Naalala ko bigla yung kaninang nakita ko siyang nakatingin sa amin, doon ay para bang naintindihan ko na.

"Ano namang pumasok sa isip ni Erik ha, Kuya Noy?" hindi makapaniwalang tanong ko pa sa driver ni Erik na nakatayo lang sa gilid.

"Hindi ko rin nga alam Ma'am eh. Basta ang tanging narinig ko lang na sinabi niya lang kanina habang namimili kami ng mga bulaklak...

'Gusto pala ng bulaklak eh, edi bigyan natin ng bulaklak. Yung tumutubo at may kasama pang lupa.'

Tapos Ma'am, ito lang ang ipinabibigay niya sayo."

Iniabot niya sa akin ang isang maliit na papel. Tiningnan ko naman ang sulat na kilalang kilala ko kung sino ang gumawa.

"WHAT'S MINE STAYS MINE, REMEMBER THAT."-Santos

Napabuntong hininga na lang ulit ako. Kahit kailan ka talaga Erik Santos!

"At saan ko naman ngayon ilalagay yang mga yan ha? Haaay sakit talaga sa ulo kahit kailan!" sabi ko pa.

Bigla namang tumawa si Kuya Noy dahil sa sinabi ko kaya nilingon ko ulit siya.

"Balak yata kayong pagawan ng garden ni Sir, Ma'am Angge. Ayaw mo ba nun Ma'am, atleast yung mga bulaklak na ibinigay niya parang pagmamahal diba? Nagtatagal at yumayabong sa paglipas ng panahon."

I just looked at him with disbelief bago muling napabuntong hininga. Talagang gumatong pa sa kalokohan ng amo niya.

----END OF FLASHBACK----

Napailing na lang ako sa naalala ko.

Minsan talaga hindi ko rin maintindihan ang takbo ng isip niya. Kaya ayun ngayon, sobrang dami naming bulaklak sa gilid ng swimming pool.

Pwede na akong maging supplier sa Dangwa sa Undas at Valentine's Day.
------------------------
NAGLALAKAD na ako sa parking lot ngayon dahil pauwi na ako.

Nauna na sa sasakyan sila Ate Irene at si Kuya Boy dahil binitbit nila ang mga gamit namin habang ako naman ay dumaan lang saglit sa CR.

Maglalakad na sana ako patungo sa van namin na nasa hindi na kalayuan nang may isang tao na bigla na lang humarang sa dinadaanan ko.

Agad kong iniangat ang mukha ko upang makita kung sino ang biglang nangharang sa akin.

Kusang kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Uhm, hi?" bati niya.

"Oh, Marionn." kaswal na sabi ko naman "Uhm anong ginagawa mo dito?" diretsong tanong ko.

Oo, si Marionn nga.

Para naman siyang nahiya sa biglang pagtatanong ko.

Napahawak siya sa batok niya na para bang nagpapakita ito ng uneasiness.

E kasi naman, bakit bigla bigla na lang siyang sumusulpot mula sa kung saan saan diba?

"Sinusundo ka, hindi mo ba nabasa yung note na nasa bulaklak na ipinadala ko?" mahinahong sabi nito.

Palagi naman siyang ganyan, mahinahon at masaya siya palagi. He is really a good person.

Marami ding nagtatanong sa akin kung bakit hindi ko magawang mapagbigyan si Marionn tutal naman daw ay gwapo, mabait at mayaman ito. Nanggaling sa disenteng pamilya at masipag sa buhay.

He is actually a good catch.

Pero kagaya nga ng dati, iisa lang naman talaga ang dahilan and I think, he is too good for me.

I sighed while still looking at him with a smile.

"Marionn naman, diba napag usapan na natin 'to?" diretso ko na ulit na sabi.

I already told him a million times to stop giving his time and attention to me.

Kasi alam ko naman na kahit kailan hindi pwedeng maging kami.

Lalo na ngayon.

Bumuntong hininga naman siya bago simpleng ngumiti

"Alam ko yun. Pero Angge, gusto ko pa ring subukan. Alam ko kung gaano kahirap ang sitwasyon mo ngayon. I just thought na baka you need someone to accompany you? Tsaka isa pa, ihahatid lang naman kita pauwi wala namang masama doon diba?"

Mula noong lumabas ang balita tungkol kay Erik at Kei, mas lalo siyang naging pursigido sa akin.

Naiintindihan ko naman na he sees the situation as something na sobrang sakit para sa akin and I need someone to run to pero hindi ko makita ang sarili ko na tatakbo papunta sa isang tao na hindi man magsalita ay alam kong hindi ko kayang bigyan pabalik nang kahit na ano na higit pa sa pagkakaibigan.

"Oo naman Marionn walang mali doon at gusto kitang pasalamatan kasi nandiyan ka para sa akin. Pero Marionn, maayos lang ako, Ayokong magpakita ng hindi pagrespeto sa iyo pero sana maintindihan mo na mas gusto ko na mag isa ngayon. Ayokong mandamay pa ng ibang tao." I said

Hindi niya ako maiintindihan dahil wala naman siyang alam at hindi ko rin naman sasabihin ang malalim kong dahilan.

"Wala naman akong hinihingi na kapalit galing sayo. Gusto ko lang gawin, gusto lang kitang protektahan at alagaan... kahit na alam kong hindi ako."

Tila naman napayuko siya sa sinabi ko kaya muli akong nagsalita.

"I know, maganda ang intensyon mo. Kaya nga ayaw kitang lokohin at pagmukhaing tanga kasi Marionn, mabuti kang tao. Sana huwag mong ubusin ang oras mo sa paghahabol sa puso ko."

He heaved a sigh bago ako tiningnan.

I can see a bittersweet smile on his face.

"Hanggang ngayon, sarado ka pa rin para sa kahit na sino. Sobrang tagal na niyan ah, kahit na ano talagang gawin ko hindi ko siya maaagawan ng pwesto diyan sa puso mo. Ang swerte ni Erik." he bitterly smiled "Dahil pa rin ba sa kanya Ge? Matagal na kayo, tama ba? Unofficial since 2012?"

Hindi na ako nagulat sa mga sinabi niya tungkol sa amin ni Erik at hindi ko na rin itatanong kung paano niya pa nalaman.

Napayuko ako bago marahang tumango. There's no reason to deny, I guess.

He laughed

"Finally, inamin mo rin. Kahit hindi man sa media, atleast sa akin inamin mo. Bakit niyo pa ba kasi idinedeny? Ito lang naman ang inaantay ko eh, yung sabihin mo na meron talagang namamagitan sa inyo."

I looked at him, I can see the sadness in his eyes as he sighed again.

"Hindi kasi ganoon kadali yun Marionn. Kung alam mo lang kung gaano kahirap." sabi ko naman.

He shrugged, "'E, ano pa nga ba, wala naman talaga akong laban umpisa pa lang kasi talo na agad hindi pa man nagsisimula. Ni hindi mo nga ako napapasok dyan sa puso mo eh, palaging "Ah Sarado""

I pouted, "Marionn naman."

Dahil sa ginawa ko ay malakas siyang tumawa at ginulo ang buhok ko.

"Hindi, biro lang. Kahit di mo naman sabihin, alam ko naman kung gaano mo siya kamahal. Nakikita ko yan sa mga mata mo, yun yung bagay na hindi ko nakikita sa tuwing kaharap mo ako. Iba eh, pagdating kay Erik, iba ka talaga. Pero Ge, seryoso... mahal kita."

Bahagya akong napahinto dahil sa sinabi niya.

Tama ba ako ng narinig?

This was the first time that he told me that he really loves me.

Kung tutuusin, masarap sanang malaman na may nagmamahal sayo. Kung iba lang sana ang sitwasyon, siguro natuwa na ako.

"H-Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo." pagtatapat ko naman.

Paano mo naman sasagutin ang isang klase ng salita na ang dapat na katumbas lang lagi ay ang sarili niya mismo?

He smiled and patted my shoulders.

"Ayos lang, naiintindihan ko."

"Marionn I am really sorry. Sorry kung hindi ko kayang ibalik yung pagmamahal na ibinibigay mo. I saw how good you are pero sorry kung nagkulang ako sa pagttry na mas kilalanin ka pa."

Siguro nga nagkulang din ako. Hindi ko siya nabigyan ng pagkakataon para mas mapatunayan ang sarili niya na deserve niya ako.

Pero wala naman tayong magagawa. Afterall, this man is reay too good for me.

"Ssssh, hindi mo kailangang magsorry. Kasi diba ikaw na rin ang nagsabi noon na kapag nagbibigay tayo, hindi dapat tayo humihingi ng kahit na anong kapalit. Yung makita kang masaya Ge, yun lang sapat na sakin. I want you to be with the man na hinding hindi ka bibitawan kahit gaano pa kahirap ang sitwasyon niyong dalawa. Kaya Ge, ang wish ko ay ang mapabuti ka."

Napakunot naman ang noo ko, "Mapabuti talaga? Wow ang lalim non ah."

Tumango naman siya, "Oo, mapabuti ka, yun ang gusto ko. Ayokong iwish lang na maging masaya ka, ang gusto ko ay yung nasa mabuting kamay ka. Kasi hindi lahat ng nakakapagpasaya sayo ay mabuti para sayo. Pero lahat ng makakabuti para sayo ay pwede kang pasayahin, diba?"

I can't help it but to just stare at him. Sobra talaga akong humahanga sa kanya. He's indeed a good man.

"Oh, napatitig ka na? Baka mainlove ka sakin bigla ha?" biglang sabi niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagalpak na ako ng tawa.

Malakas din talaga ang bilib niya sa sarili niya.

"Alam mo, minsan talaga parang ewan ka. Ang taas ng self confidence mo. Kaya nako, dapat talaga maghanap ka na ng majojowa para hindi lang puros hangin ang meron ka." sabi ko naman

"'E paano ko nga gagawin yun kung yung gusto kong maging jowa ay ayaw sa akin magpajowa?"

I stared at him intently kaya humalkhak siya bago muling nagsalita "Oh biro lang, ikaw naman. Pinapatawa lang kita. Ang lungkot mo kasi these past few days eh. Diba sabi ko naman sayo hindi ka maganda kapag nakasimangot ka?"

"Wow ah, nahiya naman ako sayo, ang gwapo mo kamukha mo si Leonardo DiCaprio 'no?" Tumawa kaming dalawa. "Pero seryoso Marionn, You don't deserve to be an option. Mabait kang tao eh. Alam mo ba na ideal man ka? Darating din yung time na ibibigay din sayo ni Lord yung tamang tao, yung tamang babae na makakasama mo sa mga pangarap mo. Marionn, you deserve someone better."

"Yung linya mo, ang lakas makateleserye. So ano, basted na ba ako sa lagay na yan?" He laughed at napahawak siya sa batok.

"Hindi sa gano---"

"Huwag mo nang sabihin pero parang ganon na nga hahaha hay sige, basta lagi mong tatandaan na lagi akong nandito para sayo ha? Kahit bilang kaibigan mo. Kapag sinaktan ka niya, nandito pa rin ako. Handang saluhin ka, pero syempre magdadala ako ng kumot tapos magtatawag ng mga kasama para masalo kita. Mabigat ka kasi eh, di ko kaya nang ako lang mag isa."

Tumawa naman ulit ako. Talagang nagagawa niya pa ring magbiro kahit na seryoso ang usapan namin. "Salamat Marionn. Salamat talaga."

"So, friends pa rin tayo ha? Wag mo kong iaunfriend sa fb magtatampo talaga ako nyan. Wag feeling famous kahit artista ka."

"Oo naman syempre, friends. sabi ko gusto mo i-tag pa kita sa mga memes para lang maramdaman mo na friends tayo?"

"Sige ha sabi mo yan. Magrereact ka rin lagi sa mga MyDay ko ha?" he joke. "Pero Ge, can I request one more thing bago ko iaccept ang friend request mo?

Kumunot ang noo ko "Sure, ano yun?"

He smiled bitterly.

"Can I... hug you for one last time?"

I was quite shocked sa sinabi niya pero I tried to act cool kahit literal na nanlamig din ako.

Nakita kong nalungkot siya nang nakita niya akong nag alinlangan.

"Pero kung ayaw mo naman at hindi ka komportable ayos lang din naman kung hindi---"

"No no no, hindi sige okay lang." pagdedesisyon ko.

Okay lang naman 'to diba?

Bigla namang lumiwanag ang mukha nya sa sinabi ko.

This will be a farewell and a friendly hug, wala namang masama.

Alam ko naman kasi ngayon na hindi na talaga kami pwede.

Kung maging pwede man, baka sa second life na lang naming dalawa.

This man deserves to have a girl who's I love yous for him are for real. Yung babaeng hindi lang siya option.

Kaagad siyang lumapit sa akin and then, he hugged me so tight and so I hugged him back.

Bumulong siya,

"Thank you Angge, thank you for being a part of my life. I hope that you will be happy and you will always be safe. Hanggang kaya ko poprotektahan pa rin kita. Sana malayo ka sa mga taong walang ginawa kundi saktan lang ang puso mo. Pinapalaya na kita. Pero gusto kong malaman mo Angge,

na mahal na mahal kita."

"GAGO KA!"

*BOOGSSSSHHHH*

"OH MY GOD! MARIONN!"

Sobrang bilis ng mga pangyayari. In just a blink after his last word, humiwalay si Marionn sa pagkakayakap sa akin.

Hindi dahil sa bumitaw siya kundi dahil bigla na lang siyang tumumba sa malamig na sahig.

"G*GO KA! ANONG GINAGAWA MO HA?! HAYOP KA! PAPATAYIN KITANG GAGO KA!"

Biglang nanlamig buong katawan ko nang unti unti nang nagsisink in sa utak ko ang nangyayari.

Tila ba nagyelo ako sa boses at pigurang nasa harap ko ngayon.

"ERIK!" malakas na sigaw ko nang akmang muli niyang susugurin si Marionn na nakahiga sa sahig.

Kaagad ko siyang hinawakan para awatin pero hindi ko na siya napigilan nang muli niyang sinapak si Marionn sa mukha.

Parang walang wala lang ako kung ikukumpara sa lakas niya.

"ERIK TAMA NA! PLEASE!" malakas na sigaw ko habang hindi ko alam kung paano siya aawatin habang kitang kita ko sa mga mata niya ang matinding galit.

Nilingon niya naman ako. Kahit sa akin ay matalim din ang mga tingin niya.

"ANO, IPAGTANGGOL MO SA AKIN YANG LALAKI NA YAN HA?" sabi niya at susugurin muli sana nya si Marionn

Umiling ako, "Erik wag ka namang ganyan! Tumigil ka na, wala siyang ginagawang masama!"

Pinipigilan kong umiyak dahil alam ko na hindi ito ang tamang oras para pangunahan ako ng emosyon ko pero alam kong naramdaman niya ang takot ko.

"ANONG WALA? ANG TAGAL KO NANG NAGTITIMPI SA LALAKING YAN! KITANG KITA KO KUNG PAANO KA NIYA NIYAKAP! HINDI AKO BULAG ANGELINE!"

Sasagot na sana ako nang biglang narinig kong mahinang tumawa si Marionn na ngayon ay duguan na ang pisngi at labi.

"Talaga ba? Hindi ka nga ba bulag? 'E kung gano'n, bakit hindi mo makita ang halaga niya? Kung ayaw mo siyang mawala sayo bakit nagpapakag*go ka? Bakit pinapabayaan mo siya? Wala kang kwenta."

"T*NGINA KA PALA TALAGA EH!"

Todo ang pag awat ko sa nagwawalang si Erik na parang lalo pang nagalit dahil sa sinabi ni Marionn.

"Sige suntukin mo ako, bitawan mo siya Angge, ipakita mo kung gaano ka katapang. Pero pre, hindi mababago ng suntok na yan ang katotohanan. Suntukin mo ako kung yan ang tingin mong makakapagpagaan ng loob mo pero Erik, ito ang sinasabi ko sayo, sa oras na bitawan mo siya nandito ako para sumalo. At sa oras na mangyari yun, hinding hindi ko na siya ibabalik sayo."

Sandali lang na tumahimik si Erik pero imbes na tumigil ay parang lalong nanggigil si Erik dahil sa mga binitawang salita ni Marionn.

Alam kong hindi siya papayag na hindi ito muling mapatamaan ng suntok sa mukha kahit pa anong gawin kong hila sa kanya.

Kwinelyuhan niya pa ito.

"Sinong nagsabi sayo na bibitawan ko siya? Papatayin muna kita bago mo siya makuha. Tarantado ka, ang lakas ng loob mong hawakan siya!"

Nararamdaman ko rin na parang unti unting sumasakit ang tiyan ko kaya alam kong hindi ko na siya kayang pigilan dahil kinakabahan na rin ako.

Hindi pwedeng sa ganitong pagkakataon pa.

Gusto kong sumigaw nang malakas para marinig ako nila Ate Irene na nasa malayo pang parte ng parking lot pero nanghihina na ako sa pag awat kay Erik.

Kaya naman, wala na akong ibang naiisip na paraan para pakalmahin siya.

"Erik tama na please! Pakinggan mo naman ako Love oh! Please." pagkasabi ko noon ay kusa na akong bumitiw sa kanya dahil hindi ko na kaya at sinapo ko na ang tiyan ko dahil unti-unti nang tumitindi ang pagsakit nito.

Anak, please huwag muna ngayon.

Mabuti na lamang ay ibinaling na rin sa akin ni Erik ang atensyon niya.

The moment he heard me calling him Love ay biglang nagbago ang emosyon niya.

I heavily sighed.

Ngayon, panahon na para malaman niya anuman ang maging reaksyon niya.

This may not be the best time to say it pero it's now or never.

"Erik please tigilan na natin 'to, ayoko na nang gulo, Pogs b-----"

"OH MY GOD ANONG NANGYAYARI DITO?!?"

Hindi pa man natatapos ang dapat sanang sasabihin ko ay bigla namang dumating si Ate Cynthia.

"ANGGE?!? ANONG NANGYAYARI?!" natatarantang sabi ni Ate Cynthia habang nakatingin kay Marionn na nakahandusay pa rin sa lapag. "ERIK?! OH MY GOD, WHAT YOU HAVE DONE?! AYOS KA LANG BA?" tanong niya pa kay Marionn.

Pero naputol din nang kaagad niya namang hinila din si Erik.

"ERIK ANO BANG GINAGAWA MO? WALA KA NA BA TALAGA SA SARILI HA?! SISIRAIN MO ANG CAREER MO DAHIL SA MGA PADALOS DALOS MO! HAAAY! ANGGE, SORRY BUT WE HAVE TO GO FOR NOW. IKAW NA MUNANG BAHALA SA KANYA" sabi ni Ate Cynthia pagtukoy kay Marionn.

Naguguluhan naman ako. Anong nangyayari, saan sila pupunta?

"A-Ate Cynch, bakit? Anong nangyari?" garalgal na tanong ko habang pinipigilan ko pa ring ipahalata ang pagsakit ng tiyan ko.

"Ge, si Kei naaksidente. Car accident." sabi nito.

Para namang natahimik ako sa narinig ko. Pero parang mas may matinding tanong ako sa isip ko na ayaw ko mang maging madamot ay kinukwestyon.

"We really have to go there Angge, I am really sorry. Hinahanap daw kasi nang paulit ulit ni Kei si Erik, ayaw daw magdala sa operating room hanggat hindi niya nakikita si Erik. Kaya bilisan mo na Erik, kukunin ko na ang sasakyan sumunod ka na ha?"

Wala akong ibang masabi. Nasagot na ang tanong ko.

Tiningnan ko naman si Erik, kapansin pansin na nagbago ang emosyon ng mga mata niya.

Tila ba inaantay niya na magsalita ako.

Gusto kong matawa, gusto kong itanong kung bakit kailangan na ngayon pa.

Kahit ngayon lang gusto kong maging madamot.

Naghahalo na ang sakit ng puso ko at ng tiyan ko ngayon.

Kailangan siya ni Keia? Kailangan ko rin siya.

Paano naman ako?

"E paano kung ayaw ko?"

Hindi ko rin alam kung anong pumasok sa isip ko at kung bakit ganoon kaagad ang sinabi ko. Tiningnan ko si Erik nang diretso sa mata. "Paano kung sabihin kong dito ka lang? Uunahin mo pa ba siya kaysa sa akin?"

Call me selfish, but I really want him to stay.

I want him to make me feel na ako pa rin ang pinipili niya kahit pa alam kong sobrang laking kasalanan na maging madamot kung buhay na ng iba ang pinag uusapan.

Pero sagad na ako.

Masama ba na kahit minsan hilingin ko na makuha kung ano yung talagang gusto ko?

Na kahit minsan hindi ako magpadikta sa kung ano ang sinasabi ng buhay na mayroon ako?

He was about to speak nang bigla muling sumigaw nang malakas si Ate Cynthia mula sa hindi kalayuan.

"Erik tara na! Hahayaan mo na lang ba si Kei doon ha?" malakas na sigaw nito sa kanya.

I heard him sighed so loud bago napahilamos ng kamay sa mukha bago ako hinawakan sa pisngi.

Na para bang gagawa siya ng desisyon na buong buhay niyang pagsisisihan.

And I guess, I was right.

"I'm sorry, kailangan niya ako ngayon. Babalik ako Love, babalik ako. Pangako." sabi niya at hinalikan ang noo ko

And that's it.

Game over.

This will be the last time na gusto kong maging selfish but sadly, he chose not to stay.

Sobrang durog na durog ang puso ko. Hindi ko akalain na talagang mas pipiliin niya ang babaeng yun kaysa sa akin.

Alam kong sobrang selfish ko sa oras na 'to pero sadyang hindi na kaya ng puso ko.

From now on, hahayaan ko na siya. Mula ngayon, binibitawan ko na siya.

I forced to give him a smile.

Yung ngiti na alam kong alam naming pareho na hindi totoo pero ibibigay ko pa rin sa ngalan ng ilang taon naming nabuo.

"Alam ko. Kailangan ka niya, kaya ngayon...

pinapalaya na kita." I said.

Mabilis naman siyang umiling at hinawakan ako sa pisngi.

I can see how afraid he is right now.

Ni hindi ko magawang tingnan ang kanyang mga mata.

"Ge, hindi yun ang ibig sabihin ko. Babalik naman ako diba? Please no." he's almost crying.

He's scared. We both are.

But I, was scarred at the same time.

Tiningnan ko ang kwintas na suot ko.

I removed it and then I took his hand at inilagay 'to doon bago ko isinarado ang palad niya.

"Ginagawa ko 'to para sa atin."

"Hindi, ginagawa mo lang 'to dahil galit ka! Ganoon na lang ba yun? Ganoon na lang ba sayo yung ilang taon? Please, don't leave me."

Don't leave me.

Yan yung mga salitang palagi niyang sinasabi sa akin.

I won't leave him.

He will leave me, he will leave us.

Isa 'to sa mga pinakamasakit na desisyon na gagawin ko sa buong buhay pero alam kong ito ang mas makakabuting gawin.

"Hindi ako aalis Erik, ikaw ang kailangang umalis kasi may naghihintay sayo." I bitterly smiled again. "Pero bago ka umalis, pwede bang hayaan mo akong tapusin muna yung dapat sasabihin ko sayo kanina?" sabi ko nang nakangiti pa rin kahit na ang totoo ay gustong gusto ko nang umiyak sa harapan niya.

But no, I promised to myself na iiyak lang ako sa harap ng isang lalaki sa harap din mismo ng altar... sa araw kung kailan kami ikakasal.

Pero hindi ko alam kung mangyayari pa ba ang araw na yun.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. I swallowed hard bago ako muling ngumiti at nagsalita.

I chose to utter my farewell for him before I could not make it anymore. Baka sa huli ay umurong nanaman ako. Baka sa huli, maging madamot nanaman ako sa kanya.

I want him to live his life and to leave our life.

I want him to continue his dreams, the dreams which he had made for himself with me by his side.

I want him to chase those battles but sadly, without me in his life.

"Erik tigilan na natin to. Pogs,
-
-
-
-
-
-
-
-
-
b-binibitawan na kita. Malaya ka na."

Continue Reading

You'll Also Like

26.5K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong πŸ₯΄
16.3K 417 14
Any kinds of one shot story that you will witnessπŸ’™πŸ’™ kieflyπŸ’™
21.6K 1.2K 85
Bawal paasa dito.....
11K 93 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...