Secrets Beyond the Stars

Af aefanfiction

60.6K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... Mere

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos

934 42 0
Af aefanfiction

SABADO ngayon at ngayon ang balik ko sa ospital para sa regular na check up ko.

Mag isa lang ako dahil na rin wala akong trabaho.

At bilang wala naman akong gagawin mamaya ay napagdesisyunan ko na ayain si Yenggay para naman makapagbonding kami matapos ang check up ko.

Miss na miss na rin kasi namin ang isa't isa. Nung huli kasi naming pag uusap, nag iyakan pa kaming dalawa kamusta naman yun diba?

Palabas na ako ng ospital at naglalakad na ako sa hallway habang kausap ko si Mama Bob sa telepono.

"Opo Ma, maayos naman po. Ang sabi naman ng doktor okay pa naman daw na tuluy-tuloy ang trababo basta alalay lang nang kaunti." masayang sabi ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

God knows how excited my Mom is na makita ang apo niya.

Naaalala ko pa yung mga panahon na walang ibang bukambibig si Mama kundi ang bigyan ko na siya ng apo dahil hindi na daw siya bumabata.

Ngayon, wala naman siyang ibang iniisip kundi ang kung paano niya aalagaan ang anak ko katulad ng pag aalaga niya sa akin.

Sobrang swerte ko. Excited na rin akong makita si Mama na karga ang apo niya.

"Hmmn ayun medyo sumasakit yung likod ko. Pero kaya pa naman Ma, dadaan lang ako saglit doon sa bahay ni Yenggay. Alam mo naman, baka magtampo na din kasi yun."

Ang tagal ko na nga ring hindi nakakakwentuhan nang matagal si Yenggay. Si Kaze naman kasi ay busy dahil busy sa ibang trabaho niya at si Ate Kyla, busy naman sa pamilya.

"Opo, sige na Ma, babye na. Uuwi rin ako agad pagkatapos. I love you Ma."

Pagkababa ko ng tawag ay kaagad ko namang itinext si Yenggay.

To: Yenggay
Yengyeng, papunta na ako. Baka naman gusto mong magluto.😎😆

Aba syempre baka naman magpunta ako doon tapos talaga palang wala man lang makakain.

Maya maya lang ay nagreply naman siya.

From: Yenggay
Ang aga naman Ge! Di pa nga ako nakakaligo! Ano bang gusto mong kainin ha?

To: Yenggay
Aga ka diyan, 10am na kaya. Hmmn kahit ano, basta luto mo.❤❤❤😍😍

Yes namaaan.

Pero ang totoo ay gusto ko talaga ng fries ngayon. Bibili nga ako mamaya bago ako pumunta sa kanila.

From: Yenggay
Hmmmn gusto mo ba ng ginisang Keia? Parang masarap yun Gege. 🤔😇

Muntik naman akong madapa nang mabasa ko ang text niya. Siraulo talaga.

Tsaka pwede ba, hindi ako kumakain ng ahas.

Ay joke.

To: Yenggay
Baliw ka! Ayaw ko baka sumakit pa ang tiyan ko.

Kawawa naman ang baby ko, baka malason pa.

From: Yenggay
Aw okay. Sige na, pinaliguan ko pa kasi yung mga pusa namin. O siya sige na, maliligo muna ako loka ka.

Natawa na lang ako sa text niya.

Habang naglalakad ako ay inililigpit ko ang mga hawak kong gamit dahil magmamaneho pa ako.

Hindi na ako nagpasama kay Kuya Boy dahil nga may lakad pa ako pagkatapos nito. Isa pa ay kaya ko pa naman talaga.

Akmang ilalagay ko na sa bag ko ang cellphone na hawak ko nang aksidente namang may nakabangaan ako.

"Aaay sorry po, pasensya na talaga!" hinging paumanhin ko sa babae na nakabanggaan ko. Nakakahiya, bakit ba kasi hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko?

Natatarantang pinulot ko ang mga nalaglag niyang hawak.

Mga brochures at check up form para sa Optalmologist.

Agad din naman niya akong tinulungang damputin ang nagkalat na litrato na nalaglag ko nang magkabanggaan kami.

Nang makuha na nito ang lahat ay tumayo na ito.

"Naku pasensya na rin iha, hindi ko sinasad---"

Pero tila nanlamig ang buong sistema ko nang magkatapat ang paningin namin ng babaeng nakabangaan ko.

"Angge?" may gulat na reaksyon na sabi nito.

Hindi naman na ako nakapagsalita. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko habang gulat na gulat at kinakabahan pa ring nakatitig sa babaeng kilalang kilala ko na ngayon ay nasa harap ko.

Parang akong binuhusan ng malamig na tubig lalo na nang bumaba ang tingin nito nang mapagtanto kung ano ang dapat na iaabot niya sa akin kanina.

Ultrasound pictures.
----------------------------
THIRD PERSON'S POV:
(A/N: Pakwento ulit tayo hahahahaha)

Pagpasok pa lang ni Erik ng kusina alam na alam niya na agad kung ano ang ginagawa ng nanay niya.

Medyo maganda ang mood niya ngayon dahil sa hindi niya malamang dahilan.

Mas lalo naman siyang napangiti nang makita ang nakangiti niyang Nanay.

He smiled when he saw his mother happily humming while facing the cooking stove.

Obviously, nag eenjoy ito sa ginagawa niya.

Kaagad siyang lumapit dito para magmano at magbeso.

"Wow Nay ang sarap naman niyang niluluto mo." puri niya pa rito pero tanging ngiti lang ang isinagot nito sa kanya at muli nang bumalik sa pagluluto.

Snob?

Pero mas nagtaka naman siya nang makita ang niluluto ng kanyang ina.

Napatingin siya sa labas ng bintana sa hindi kalayuan. Mainit ang panahon.

Bulalo talaga?

"Nay naman, bakit naman nagluto ka ng bulalo e ang init-init?" puna niya naman rito.

Sa pagkakaalam niya nga ay halos 37 degrees ang temperatura ngayon sa Maynila. Kung wala lang sigurong aircon sa loob ng bahay ay baka halos para rin silang nasa oven.

"E bakit ba nangingialam ka, e sa ito ang gusto ng ipinagluluto ko."

"Ipinagluluto?" takang tugon niya sa ina.

"Hindi naman 'to para sa inyo." medyo masungit na sabi ng ina.

Kumunot ang noo niya sa lalong pagtataka.

Hindi para sa kanila?

"Ha? Kung ganoon para kanino pala yan? May iba ka na bang pamilya Nay?"

Pero imbes na sumagot ay ngumiti lamang ang kanyang ina dahil sa biglaang naalala

----FLASHBACK-----

(A/N: Angge's POV ulit to, huwag maguluhan)

Nandito kami ngayon sa isa sa mga
restaurant na paborito kong kainan sa may banda UP Town Center.

Pero ewan ko ba, kahit na paborito kong kumain dito ay parang ngayon ay hindi ako makakakain sa sobrang kaba.

Napatingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko na abala sa pamimili ng makakain sa menu.

Sobrang tahimik. Parang walang gustong kahit sino na magsalita.

Hanggang ngayon nanlalamig pa rin ang kamay ko promise, kahit hawakan niyo pa.

God, tulungan Niyo ako dito sa pinasok ko.

"Ikaw Angge, anong gusto mo?" pagkuha niya ng atensyon ko at sandaling tumingin sa akin bago bumaling muli sa menu

Doon ay kahit hindi naman nakakagulat ang pagkakasabi niya ay parang nagitla pa rin ako.

"Ahm kahit ano po... Nay." tanging nasabi ko

Napansin niya siguro na parang tensyonado ako dahil mga ilang segundo niya rin akong tiningnan bago muling nagsalita sa waiter.

Tensyonado naman talaga ako.

Sa totoo lang halo halong emosyon na ang nararamdaman ko ngayon.

At bakit hindi, kaharap ko lang naman ngayon ang nanay ng ama ng anak ko.

At sa sitwasyon ko ngayon mukhang hindi mabuti yun.

Bigla namang napukaw ang atensyon ko nang marinig kong muling tumunog ang telepono ko sa ikalimang pagkakataon.

*Calling Yenggay*

Ano ba Yenggay, kumalma ka muna diyan, yung puso ko oh!

Kanina pa kasi paulit ulit na tumatawag at nagtetext si Yenggay at hinahanap kung nasaan na daw ba ako.

Hindi ko naman ito masagot dahil kasama ko na si Nanay Litz. Ipinatay ko muli ito at this time ay ipinatay ko na ang mismong telepono ko at inilagay sa bag.

"Sino yung tumatawag?" hindi na napigilang hindi magtanong ni Nanay Litz.

"Ah si Yenggay po Nay. Nangako po kasi ako sa kaniya na pupunta ako ngayon para bisitahin siya sa bahay nila."

"Mag isa ka lang na pumunta ng ospital. Mag isa ka lang ding pupunta kanila Yeng? Wala kang driver?"

"Ah opo. Kaya ko naman po Nay."

Syempre malay mo concerned siya sa akin diba? Assuming lang.

Tumango naman ito "Ayos lang ba talaga nandito ka ngayon? Hindi ba nakakaabala ako sayo?"

Bahagya naman akong ngumiti sa kanya.

"Wala naman pong problema 'nay, ayos lang po maiintindihan naman po ni Yenggay yun." sagot ko.

Tumango naman siya nang marahan at tinitigan ako.

"Mabuti kasi hindi din talaga ako papayag na hindi kita makakausap ngayon."

Doon sa huling linyang binitawan niya ay kinabahan na ako. Ito na nga.

Bigla akong napaayos ng upo. As in, alam niyo yung kapag sa classroom kapag sinabi ng teacher niyo na "Sit properly"? Ganon.

Okay, kalma Ge.

"Ayos ka lang ba? Wala naman bang masakit sayo?" tanong nito sa akin makaraan ang ilang segundo.

Napansin yata niya na bigla akong kinabahan. Feeling ko nasa guidance office nanaman ako ngayon.

"Ah opo maayos naman po ako." ngumiti pa ako. Oh please heart, makisama ka.

Actually merong masakit, yung puso ko mismo.

"Nagpacheck up ka?"

"Yes po. Pang apat na check-up ko na po kanina." magalang kong sagot.

Tumango naman siya at parang sinipat ako kung talaga bang ayos lang ako.

"Anong sabi ng doktor? Kamusta naman daw ang apo ko?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa huling sinabi niya.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o kabahan pa rin dahil sa sinabi niya.

Apo.

Wala, alam niya na nga agad at sigurado talaga siya na apo niya ang bata.

Sabihin ko kaya sa kanila na hindi si Erik ang ama para makaganti man lang ako sa tatay ng batang 'to? Joke lang.

"Hmmmn. Ayun po, healthy naman daw po si baby. Medyo pinag iingat lang ako sa mabibigat na trabaho at sa stress para hindi magkaroon ng problema. 10 weeks na rin po siya." sabi ko naman at humawak ako sa tiyan ko.

Hindi pa naman siya gaanong halata kaya pwede pa akong magtrabaho. Pero alam kong sa pagtagal ay kailangan ko nang umalis pansamantala para na rin sa anak ko.

"Tama yan kaya dapat talagang bawasan mo muna ang trabaho. Kung pwede nga ay huwag mo munang tanggapin ang ibang events na nasa malayo para hindi ka napapagod. Nagvivitamins ka ba?" tanong pa muli nito na para bang sinisipat talaga ako.

"Opo, mula po kasi noong una kong check up binigyan na po ako ng vitamins kaya iniinom ko na rin po."

This time ay tumango lamang siya at tinitigan ako.

Bakit ang tagal naman yata dumating nung inorder namin? Nagugutom na kaya ako.

Sobra yung kaba ko sa mga oras na ito. Mga ilang segundo din muli bago siya nagsalita.

"Alam ko na ang sagot pero itatanong ko pa rin... alam na ba ni Tenten ang tungkol sa bata?"

I sighed bago ako umiling.

Parang isa yata yun sa mga tanong na kayhirap para sa akin na sagutin, "Hindi na po ako nagkaroon ng pagkakataon na sabihin sa kanya kaagad. Sorry Nay, sorry kung itinago ko sainyo."

Kung maayos lang sana ang lahat ay hindi ko naman talaga gagawin ang lahat nang 'to.

"Yun ang dapat mong sasabihin noong huling beses kang pumunta sa bahay tama ba?"

Yumuko ako, "Opo, pasensya na rin po talaga Nay kung hindi naging maayos ang nangyari noong araw na yun sa amin ni Erik. Alam ko pong pati kayo nadamay. Sorry po talaga."

"Naiintindihan ko, alam ko na hindi madali sayo na ayusin ang lahat. Ngayon alam ko na din ang dahilan."

Kahit naman hindi niya na sabihin ay naiintindihan ko ang tinutukoy niya. Kaya nanatili na lang akong nakayuko.

"Sa totoo lang unang kita ko pa lang sayo sa ospital naramdaman ko na mayroong kakaibang nangyayari na dapat kong malaman sa inyo ni Tenten."

Nag angat naman ako ng mukha sa sinabi niya. "Po? Nakita niyo ako?"

Tumango ito "Oo, noong nakaraan."

At doon ikwinento nito sa akin yung araw na una niya akong nakita sa ospital at naalala ko na rin naman.

"Ah ganoon ba 'nay." tanging nasabi ko at napapahawak na lamang ako sa batok ko.

Sa jacket pa lang na suot ko noong araw na yun malamang talaga ay maaalala niya ako.

Hay Angge.

E kasi naman namimiss ko na talaga siya kaya isinuot ko yung jacket na yun para kahit papaano ay maramdaman ko na kasama ko siya.

"Oo, kaya naman talagang hindi na ako natahimik kakaisip sa iyo noon. Nahiya naman akong itext ka dahil baka ayaw mong magsabi sa akin. Inisip ko kasi na baka may sakit ka. Nag alala din ako dahil anak na rin kita eh."

Lumambot naman ang puso ko sa sinabi niya.

She cares for me. Lahat sila.

"Pasensya na po talaga Nay. Sa nangyayari kasi sa amin ni Erik hindi ko po talaga alam kung paano sasabihin sa inyo, lalo na sa kanya. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari Nay. Ayokong pati ang anak ko madamay pa."

Wala naman nang dahilan pa para hindi ko sabihin ang mga ikinatatakot ko. Afterall, they deserve to know kung bakit ko ginagawa ang lahat nang 'to.

"Ayos lang. Naiintindihan ko naman. Pero ngayon anong plano mo? Diyan sa bata? Hindi naman ako papayag na hindi yan malaman ng anak ko. Bukod sa dahil apo ko yan ay responsibilidad ka niya, namin. Kung tutuusin nga ay dapat magpakasal na---"

Mabilis akong naalarma sa sinabi niya.

"Ah 'nay, hindi po. Hindi po muna." Kaagad na pagpigil ko sa sinabi niya.

Alam ko na rin kasi na ganoon ang magiging reaksyon ng mga ito at sasabihin kasi ganoon din ang paulit ulit na sinasabi ni Nanay Susan na gustong gusto nang sugurin si Erik matagal na.

Natatakot talaga ako sa tuwing napag uusapan ang kasal.

"At bakit naman hindi? Wala na ba kayo ng anak ko? Hindi niyo na ba mahal ang isa't isa? Kahit na ganoon at kahit na ano pa ang problema niyo hindi pwedeng hindi kayo magpakasal dahil magkakaanak na kayo. Alam niyong dalawa na yan ang dapat niyong gawin kahit na anong mangyari. Ayokong lumaki ang apo ko sa magulong buhay."

"Hindi po totoo yan. Mahal na mahal ko po ang anak niyo. Pero 'nay, hindi pa po talaga pwede." mahinang sabi ko. Sobrang sakit. Hindi ko pwedeng sabihin ang dahilan.

Bukod kasi sa problema namin ni Erik ay iniisip ko rin ang trabaho ko. Ang kontrata na pinirmahan ko. Hindi pwedeng basta basta na lang mawala ang lahat sa akin. Ayokong pati si Erik ay madamay sa oras na nagkaproblema ako sa trabaho ko.

"Dahil ba kay Keia?" biglang sabi muli ni Mommmy Litz pagkatapos ay bumuntong hininga ito. "Angge, kilala ko ang anak ko. Anuman ang nangyayari sa pagitan nilang dalawa, sigurado ako na hindi ka niya basta basta ipagpapalit. Ikaw ba susuko ka na lang din? E tingnan mo nga, magkakaanak na kayo, Ngayon ka pa ba susuko sa pagmamahalan niyong dalawa kung kailan nagbunga na? Kung mahal mo siya, anong pumipigil sayo?"

Pinilit ko na lamang na ngumiti "Sa ngayon Nay hindi ko pa po masasabi sa inyo pero balang araw maiintindihan niyo rin po ako. Pero Nay sigurado ako na mahal na mahal na mahal ko ang anak niyo. At Nay, kahit sa anong paraan pa man yan, gusto ko siyang maging masaya."

"At ikaw ang kasiyahan niya..."

She then held my hand

"Sige, nirerespeto ko ang desisyon mo. Kung hindi ka pa handa sa mga bagay bagay, naiintindihan kita. Hindi muna ako mangingialam sa kung ano ang mga plano mo. Hindi kita papangunahan sa kung paano mo sasabihin sa kanya. Alam ko na sinusubok lang kayo para malaman kung kayo talaga ang para sa isa't isa. Basta anuman ang maging desisyon niyo, isipin niyo na hindi na yun para sa inyo kundi para sa buhay na binuo niyo. Ngayon, isa lang ang hiling ko, alagaan mo ang sarili mo ha? Pwede ba yun Angge?" tanong nito.

Nakangiti akong tumango habang pinipigilan ko ang pag iyak ko. "Opo, 'nay, pangako yan. Salamat po kasi naiintindihan niyo ako. Pasensya na talaga kung mas pinili kong hindi kaagad sabihin sa inyo."

Ngumiti ito bago tumayo para yakapin ako.

"Ikaw talagang bata ka oh. Alam mo naman na mahal na mahal ka namin eh. Naku, magiging lola nanaman ako. Excited na akong makita kung gaano magiging kasaya si Tenten kapag nalaman niya na magiging tatay na siya. Panigurado, tuwang tuwa yun."

Sobrang sarap naman sa puso ng nararamdaman ko ngayon.

Ako rin, excited na.

----END OF FLASHBACK----

*3rd Person's POV*
(A/N: Pabago bago ako no hahaha ganon talaga, parang AngErik lang din, magulo.)

Nagtaka naman si Erik sa ikinikilos ng nanay niya. Bigla na lang kasi itong ngumiti na para bang may naalala.

Maya maya ay kumuha na ito ng lalagyan bago siya titingnan, "May trabaho ka ngayon?" tanong nito sa kanya

"Opo 'nay kakain lang sana ako bago umalis." sabi naman niya

Uupo siya sa lamesa dahil akala niya ay ipaghahanda na siya nito ng pagkain dahil nagtanong na ito. Ganoon kasi ito palagi.

Sige na, kahit mainit, kakain sya ng bulalo tutal namiss niya rin ito.

Ito kasi ang paboritong kainin at lutuin ni...

Hay

Pero ang akala niya na ipaghahanda siya ng pagkain ay hindi pala. Tumango lamang ito bago muling nag aabala sa paglilipat ng niluto nito sa isang malaking Tupperware.

Napapakunot ang noo niya para kanino ba yun at talagang mas inuna pa niya ang ihanda yun bago pakainin ang sarili niyang anak?

"'Nay, akala ko naman ipaghahanda mo na ako ng pagkain. Para kanino ba kasi yan----"

Pero napatigil siya sa pagsasalita nang tila hindi siya pinansin ng ina at bigla na lang itong sumigaw.

"Dhang halika na dito, ihatid mo na itong iniluto ko!"

Lalo siyang nagtaka, sino ba kasi ang hahatiran ng ate niya?

"Opo nandito na Nay! Masyadong nagmamadali ah." humahangos na tugon nito "Oh nasaan na ang special delivery?"

"Ito, ibigay mo 'to sa kanya ha? Ingatan mo baka matapon. Sabihin mo kumain siyang mabuti dahil niluto ko yan. Dalhin mo rin itong mga prutas para makain niya. Bilisan mo na at baka lumamig pa iyan."

"Okay sige noted, mother. Ginawa mo pa akong grab food hay nako talaga." Umiling ito at paalis na sana ng kusina na dala ang bulalo nang pigilin ito ni Erik.

"Oy teka teka ano bang nangyayari ha? Para kanino ba yang ihahatid mo ha?"

Nagkatinginan naman ang mag ina bago sabay na nagsalita

"Sa mahal mo/Kay Angge."

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

95.7K 3.4K 56
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
38.7K 1.2K 36
Could ex lovers become ex-tra ordinary friends?
535K 11.9K 47
Paano ba maiinlove ang isang babaeng ubod ng sungit at ipinaglihi sa sama ng loob at galit sa isang tagilid ang pagkalalaki? Would it be possible? Cr...
12.3K 705 19
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...