Not a Fairy Tale at All

Autorstwa chaylenexandra

619 14 3

Story of an orphan girl--well she's really not an orphan. She just lives in the orphanage. Story of an immat... Więcej

Chapter 1 - No Consideration
Chapter 2 - Bessprenn
Chapter 3 - Asungot sa Bangungot
Chapter 4 - Starting a Fight
Chapter 5 - Desperado
Chapter 7 - Leaving
Chapter 8 - Before You Go
Chapter 9 - Friends
Chapter 10 - Bye Bye
Chapter 11 - Here
Chapter 12 - Again
Chapter 13 - What Now?
Chapter 14 - Happy
Chapter 15 - Cry
Chapter 16 - Hell-o

Chapter 6 - Christmas Miracle

32 0 0
Autorstwa chaylenexandra

“Reality or Dreaming?”

[Candy]

Sobrang galit ako na gusto ko lang gawin ay umiyak.

Buang talaga si Alexander Olivares.

Tapusin ko nalang kaya buhay ko?

Wag… sayang. Sa kanya nalang kaya?

Wag…sayang din. Sabi nila sister bad ang pumatay.

Kung pwede lang takasan ang lahat ng ito. Kaso lang araw-araw ko siyang kasama. At may 4 months to go pa bago ako mag-expect na hindi kami classmate. Wait—I don’t have to expect! Pwede naman akong bumalik sa dati kong school! I miss Clarisse at yung mga laro namin  na subunutan! ^_^

Tumakbo ako papunta kay Sister Gregoria.

“Sister! Sister! May hihingin po ako sa inyo! Please pumayag kayo!” Nagtatalon na sabi ko.

“Dahan-dahan lang iha. Ano ba yung gusto mo?”

“Pabalikin niyo po ako sa dati kong paaralan.” Napa nga-nga si sister.

“Iha, iyang hinihingi mo. Sayang naman. Hindi madali ang makapasok sa paaralang pinapasukan mo ngayon. Tanging matatalino lamang ang nandyan—at mayayaman.”

“Pero Sister—”

“Give me a reason why I should allow you.” Umupo ako sa chair sa may front desk.

“There is this guy. We keep on fighting with each other—”

“At…gusto mo siyang takasan. Candy, ilang beses ko bang sinasabi sayo, walang problema na malulutas kung pilit kang tumatakas. Tulad nalang noong kay Clarisse.”

“So you’re saying if I will be okay with him, you’ll let me go back to my old school?!” Nakangiti kong sabi.

“Sige.” Bigla akong tumayo at niyakap si Sister. Wala akong pake kung may table na pumapagitna sa amin.

So all I need to do now is be good with Xander for 4 months. TIIS.

[Chrystal]

“Hey friend! Malapit na birthday mo! Ano gusto mo regalo?” Tanong ko kay friendship Ram.

“Closeness wag na. Atsaka di ka dapat nagtatanong kung ano ang gusto ko gusto mo talaga ng magandang regalo para sa akin. Kasi pag ginawa mo yun para ikaw na rin ang bumili ng gusto ko at parang pera lang ang binigay mo. So ang mas mabuti pa. Kung gusto mo talaga magbigay, yung hindi binili, binili man o gawa basta sa tingin at sa isip mo mabuti yun para sa bibigyan mo.”

“Opo sir friend!” sinaluduhan ko siya.

December na. Malamig ang simoy ng hangin. Kay saya ng bawat damdamin. Ang tibok ng puso sa dibdib. Para bang hulog na ng langit. Lalala lala. I don’t know what’s next na.

Ganito parin kami, iniwasan parin namin mga tunay namin best-friend. I mean, best-friend ko narin si Ram pero yung iniiwasan namin yung mga nauna naming best-friend.

Gulat nalang ako ng dumaan sa harap namin si Candy at may malaking ngiti sa mukha.

“Good morning Ram and Chrystal!” Umupo siya sa harap namin.

“What happened?” Tanong ni Ram.

“Wala. Bakit? Anong problema?”

“Your…” Itinura ko ang mukha ko at ginawang example. Pinakita sa sakanya kung anong itsura niya ngayon.

“Am I not allowed to wear this?” Turo niya sa ngumingiti niyang labi.

“No, but is unusual. I never saw you smile.”

“You never saw because you never look.” Ayon umalis na naman. Nagkatinginan nalang kami ni Ram at nagkibitbalikat.

“Hoy! Yung isang yun! Kung wala lang tayo sa library! Kanina pa kita sinigawan.” Pahabol ko kay Candy.

Tumingin ako kay Ram. “Araw-araw ko kaya nakikita mukha non! Ni isang beses di pa yun ngumiti!”

“Ikaw naman, pano ka naka sisigurado? Tuwing kasama niya pamilya niya, di ba siya ngumingiti?” Tanong ni Ram. Napahinto ako…

“Maybe just once… They’re the reason why she doesn’t smile…” Bulong ko sa sarili ko.

“Ha? Anong pinagsasabi mo?”

“Wala…”

I need to know what’s the reason that made that curve on her face pop-out.

“Friend, sabay muna tayo kanila mayang lunch.” Tiningnan ko si Ram sa mga mata niya.

Tinitigan muna niya ako bago sumagot. “You wanna know the reason of that smile; don’t you?”

I smiled and nooded.

“Okay… na miss ko narin yung dalawa kasabay. Lalo na si Alex.”

[Alexander]

December. Anong meron sa December?

Sa December merong Christmas were I get to eat lavish food and get presents that I really don’t need.

“Good morning Chloe! Good morning Nathan!” Ingay naman niyan. Sino ba yan? Sumilip ako sa gilid ng libro. Nanlaki mata ko sa nakita ko. A smiling and hyper Candy. Anung nakain? O walang kain?

Huminto siya sa harap ko. Ibinaba ko ang libro. Ngumiti siya and slightly tilted her head to the left. Ahh! Sadako! Ngumingiti nga lang.

“Okay class; your project for the 4th grading period is by pair. Dapat pagbalik niyo galing Christmas break ay may partner na kayo.” Great. Hindi ako pinapansin ni Ram. Ayaw ko ding makipartner sa iba. Si Chrystal naman baka imbes siya ang kasama ko si Nips ang pag-usapan namin. Si Nips—na… kaya ko tong mag-isa.

Inspired yata tong katabi ko. Feel na feel ko ngayon na may katabi ako. Hindi tulad nung dati; nagpaparticipate na siya ngayon, maybuhay, laging nakangiti.

“Form your line by column!” Sabay kaming tumayo. Nasikmuraan ako ng siko niya. Sinasad niya yata to eh.

“Sorry Alex.” Nagsorry at ngumiti. Anong tawag niya sa akin? Umiiwas yata siya sa gulo. Hindi niya ako tinawag sa pangalan na madalas pagmulan ng away namin. Well, hindi siya makakaiwas dahil ako ang magsisimula.

Sinidya ko siyang sikohin. Hindi niya ito pinansin. Siniko ko ulit siya. Nginitian lang ako. Siniko ko ulit. Sa pangatlong pagkakataon mas malakas ang pagsiko ko sa kanya na natumba siya sa tao sa likod. “Ok lang Alex; pasensya na at masikip lugar natin. Oy kunting irug naman diyan daw o. Nasisikipan si Alex.” Kalma niyang sabi at nakangiti. Nagsorry siya sa tao sa likod.

Himala ngayong lunch at sabay kaming apat. Awkward ngalang at nagpapansinan silang tatlo at ako naiwang di makapagsalita. Ibinagsak ko ang binabasa kong libro sa lamesa. Nakuha ko ang atensyon nilang tatlo at ako’y nagwalk out.

Galing nung babaeng yun. Kinuha niya best-friend ko. Ngayon may dalawang best-friend na siya samantalang ako wala.

Ganun kami the whole two weeks.

Buti nalang at Christmas break na. Maybe this is the meaning of December for me this year. Getting away of stress just for a week.

December 24 12:00 p.m

Nakailaw ang bawat tahanan. May mga bata na nangangaroling. Nandito ako sa labas ng aming bahay. Nakaupo sa side walk. Ikinumpara ko ang bahay namin sa ibang mga bahay. Amin lang ang wala gaanong parol na nakasabit o Christmas lights.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Muntik na akong mapasigaw. Si Candy ang katabi ko.

“Ang ganda ng mga parol no?” Nakitingin siya sa mga parol na nakasabit sa mga streetlights.

“Ngayon ka lang nakakita?” Nang-asar naman ako.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko. Siguro para mang-asar na naman.

“Nakaupo katabi ka.” Imm. Nagsisimula naman siyang mang-asar.

Wala na siyang ibang ginawa kundi tingan ang kalangitan at ang mga parol. Parang bata na namamangha sa kanyang mga nakikita.

Ang tahimik niya; di ako komportable. I did break the ice. “So where is the spoiled brat from?” I asked referring the spoiled brat as her.

“Ako ba ang tinutukoy mo?” Imbes mang asar o mamilosopo o kung ano pa; umo-o nalang ako.

“Ganun ba talaga tingin mo sa akin? Galing sa mayamang angkan? Spoiled?” Nakaharap na siya sa akin.

“Well, the way you act, my answer is yes.”

“No, I’m not! I’m sorry if you thought so.” Sabi niya at ngumiti. “Hindi pinapayagan nila sister na maging spoiled kam—” Huminto siya. At ano yun? Sisters?

“I’m sorry. Can you please explain the ‘sister’ part. Sister ba yun na kapatid na babae o mga madre?” Curious ko na tanong.

“Mga madre.”

“Lumaki ka sa orphanage? I’m sorry; kung ayaw mong pag-usapan, pwede naman h-hindi.” I was stuttering.

“Hindi okay lang. Oo lumaki ako sa orphanage pero hindi ako ulila. Iniwan ako ng mama ko dun. Nung sampung taong gulang palang ako.” Nanginginig ang kanyang boses. Tinitigan ko siya. I underestimated her. Ang tapang niya pala.

“Pareho lang pala tayo. I also have a bad memory when I was 10. Sampung taong gulang palang ako ng maghiwalay mga magulang namin ng kapatid ko na walong taong gulang palang ng nangyari yun.” Tinapik niya balikat ko at ngumiti.

“Nahirapan akong ipaintindi sa kapatid ko ang sitwasyon.” I was looking down, she held my chin up. She made me face her. Now we’re looking eyes to eyes.

“You’re strong. Kaya ka ba di nakikipagkaibigan sa iba? Kasi natatakot ka na paging pareha mo mga magulang mo?” Tanong ni Candy.

Tumango lang ako.        

“Dapat di ka matakot. Laging nandyan si Ram para sayo simula pa nong mga bata pa kayo.” How did she know?

“Hindi ko childhood best friend si Ram.” I lied.

“Sus wag ka na magsinungaling. Nagkwento sa akin si Ram. Kinwentuhan pa nga niya ako tungkol doon sa 4th grade crush mo!” The heck. Walang hiya yung lalakeng yun. Kailan pa sila nag-uusap?

“Anong crush?” I don’t remember any…

“Yung hinabol mo classmate mo kasi sasabihin niya daw sa crush mo na crush mo siya. Habang naghahabulan kayo nadapa ka raw!” Tumawa siya ng tumawa.

“Hindi ko napansin ang bato sa daan ko!” Maganda yung crush ko non pero hindi ko yun mahal, hanggang sa pang labas na anyo lang yun.

“Ano kayang itsura mo nong nadapa ka?!” Tawa parin siya ng tawa. She got a soft laugh that made me stare at her.

“Bakit? May dumi ba sa mukha ko? Bakit ka ganyan makatitig?” Hinawak-hawakan niya mukha niya.

“Wala…”Ibinaba ko ang kamay niya.

Pumasok si Alice, sister ko sa bahay namin. Galing siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Ang galing din ng kapatid ko no? Christmas na Christmas naglalakwatsa pa.

Tiningnan ni Alice si Candy.

"Hi ate ako nga pala si Alice." Inaabot niya kamay niya kay Candy para makipagshake-hands.

"Hello! Ako naman si Candy!" Nakangiting sabi ni Candy. Akala niya naman kung gano ka bata ng kapatid ko. Eh years lang ang agwat namin niyan.

"Merry Christmas ate!" Bati ni Alice. Pumasok na siya sa bahay.

“Sige na. Alis na ako. Baka nakaka-abala na ako.”

“Hoy, kain ka muna. Baka wala pang nakahanda don sa inyo.” Ewan at bakit ko yun nasabi.

“Sila sister pa! Tsaka, mas marami pa kaming handa kaysa sa inyo no. Baka ikaw gusto mo makikain sa amin.” She made a playful smile.

Biglang dumating si Chrystal. “Oy, Candy  nandyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap.—Alex! Merry Christmas. Wag ka mag-alala 1 week nalang at babalik na tayo sa school.” Ngumiti ng nakaloko at hinila na si Candy.

Ang huling bagay na nakita ko kay Candy ay isang ngiti sa kanyang labi. Para sa aking ba yun o sa parol, o baka para sa bahay namin o baka naman sa poste ng ilaw.

“Kuya, girlfriend mo yun?!” Sabi ni Alice na nakasilip sa net door.

“Anong girlfriend—”

“Pa! Si kuya maygirlfriend—” Tumakbo ako papunta sa kanya at tinakpan bunganga niya.

Bumibisita si twice a week. Mga tita at tito namin ang nagbabantay sa amin simula nong mag abroad si mama.

After that night, I think I know why it’s called December.  Because its ‘Tisember’ or This I remember.    

December

This I Remember

=

Tisember

Dis I Remember

December  

It’s the month were you remember all worth to be remembered stuff. And I guess the conversation between Nips and me will remain Tisember.

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

47.5K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
138K 2.9K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...