Runes of the Rare

By MisterUseGeek

381K 7.2K 953

Mayhem abounds when a legion of powered heroes stepped up to defend Earth from a cosmic slayer hellbent to pu... More

Runes of the Rare
Kenzo | Let Me Explain
Prologue: Seven Runes
01 ○ Rune of Light
02 ○ Under Attack
03 ○ Dogs in the City
04 ○ Vampire's Lair
06 ○ The Furies
07 ○ New Recruits
08 ○ Mess and Madness
09 ○ Pink and Blue

05 ○ Rune of Psyche

10.5K 547 81
By MisterUseGeek

WRAGNALL
Rune of Psyche

Gathrozi, Ghorozu: Realm of Elves

Sa kanlurang pusod ng Ghorozu kung saan namamalagi ang mga espiritu ng kalikasan ay may isang mailap ngunit pambihirang nayon ang matatagpuan.

Ang Gathrozi ay mumunting tribong pinamumugaran ng mga engkantong may kakayahang manipulahin ang mapagpalang elemento ng kalikasan.

Doon ako isinilang. Iyon ang tahanan ko. Ang nayong yumari sa katauhan ko.

Ang kabuuan nito ay protektado ng sagradong pananggalang na maging ang kagila-gilalas na mga higante ay mahihirapang puksain at pasukin.

Ayon sa mga babaylan ay ipinagpala raw ang tribo namin lalo't kumpara sa mga tubong-sentro ay 'di hamak na mas malapit kami sa mga espiritung kaibigan ng mga bathala. Ang mga silakbo at panalangin raw namin ay mas agaran nilang mauulinigan.

Sa labing-siyam na taong pananahan ko sa aming tribo ay buong kaluluwa akong nanalig sa paniniwalang iyon.

Ngunit nang sandaling lusubin kami ng mananakop na Devian, ang mataimtim kong pananalangin sa mga bathala ay hindi man lamang nagbigay-daan upang bumuhos ang anumang tulong.

Makapangyarihan ang aming tribo, maraming makapagpapatunay niyon.

Gayunpaman ay 'di ko lubos akalaing maging ang malayang elemento ng kalikasan ay posible pa ring supilin.

Walang babaylan ang nakahula na ang daan-daang engkanto ay kaya pa lang daigin ng isa lamang banyaga.

Sa pagdating ni Zyghore ay walang ni isang engkanto ang nakapaghanda.

Karamihan sa mga kasamahan ko ay kaniyang pinuwersa, pinugutan, at sinunugan ng balay. Bata, matanda, lumaban man o sumuko na, ay hindi niya biniyayaan ng anumang awa.

Hanggang mula sa lupon ay ako na lamang ang natira laban sa kaniya.

"Your bravery is misplaced, little one."

Tuyo na ang aking lalagukan, pawisan ang noo, at nanlalamig ang kalamnan.

Ilang sugat na rin ang nagpapahina sa aking katawan. Gayunpaman ay pinili kong tumayo mula sa pagkakaluhod at ipagpatuloy ang aming sagupaan.

"Dalawa lamang ang pamimilian mo. Tumungo sa sentro at magtapat ng krimen mo o mamatay ngayon dito."

Kahit kumikirot na ang tagiliran sa labis na paggamit ng aking mahika ay nagawa ko pa ring itapat ang mga braso ko sa direksiyon ni Zyghore.

"Elves have always been stubborn. That's why I despise your race. Now watch what I do if I am displeased."

"Tumupok ka pa ng isang halaman sa kagubatang ito at magkakabasagan talaga tayo ng bungo rito," banta ko.

Kumislap ang setrong hawak niya at ilang sandali lamang ay lumilok siya ng isang portal kung saan ilang mga batong nanggaling sa kalawakan ang nagsilabasan at sa akin ay nagliparan.

Sa aking mahinang paghinga, sa ere ay kaagad lumutang ang aking mga paa.

Pinakatitigan ko ang pagbulusok ng mga bato. Napangisi ako nang bigla silang huminto bago pa man dumikit sa balat ko. Ginawa kong diyamante na nag-anyong sibat ang mga bato bago ko iyon iminuwestra pabalik kay Zyghore.

Bagama't hindi inaasahan ang naging atake ko ay nagawa niyang iwasan ang mga iyon. Bilang ganti ay ipinunla niya sa damo ang kan'yang setro saka bumuo ng mga gabundok na bolang yari sa putik at mga yamang-lupa.

Walang pag-aatubiling ibinato niya iyon patungo sa akin. Sa kaniyang labi ay may ngiting tila ba siya'y nanalo na.

Lumalim lamang ang pagkakangisi ko. Marahang ikinumpas ko naman ang kamay ko sa ere. Ilang saglit pa ay nagbago ang hugis ng bolang putik.

Nag-anyong trono, tinuyo at pinatigas ang sarili nito. Mula sa pagkalalutang sa ere ay banayad akong umupo rito.

Walang oras na nais sayangin, habang nakaupo ay ipinadyak ko ang aking paa sa lupa. Nagdulot iyon ng bitak na kaagad namang naglandas patungo kay Zyghore, dahilan upang halos mawalan siya ng balanse at matumba.

Ngunit mabilis niya ring nasalo ang sarili. Mula sa trono ay hinigit ako ng puwersa niya papalapit. Bago pa ako makaisip ng taktika ay nakapulupot na ang kamay niya sa aking lalagukan.

Hindi nga ako kasing husay ng mga babaylan pagdating sa panggagamot ngunit madali sa aking maramdaman ang silakbot ng laman ng sinuman.

At kung ibabase sa agresibong hanging dumadaloy sa baga ni Zyghore ay batid kong sinagad ko na ang pasensiya niya.

Dala ang pagkamuhi ay ginitgit niya ako sa kalapit na puno. Hindi pa siya nakuntento at iwinasiwas ako sa ere, ilang sanga pa ang sumugat sa akin.

Habang nasa ere ay hinuli niya akong muli saka buong puwersang dinikdik sa lupa. Humulma iyon ng bitak saka bahagyang pagguho ng kagubatan.

Bagama't nagmistulan siyang anino gayong nasa likuran niya ang araw ay mabilis siyang naglandas pababa sa aking puwesto. Gigil niyang sinapak ang mukha ko bago itinapak ang paa sa aking leeg, ibinabaon ako sa lupa.

Marahil ay nagtagumpay na siyang mailibing ako nang buhay kung hindi lang kami nakarinig ng isang ugong.

"Pabayaan mo ang paslit at ako ang harapin mo," rinig kong tinig sa likod.

May indayog ng galak sa mga mata ni Zyghore bago niya ako hinambalos at itinapon sa kalapit na punong-kahoy.

Sa kabila ng kirot at hapdi ay nagawa kong bumangon kaagad at hagilapin ang may-ari ng boses. At doon ay muli kong namataan ang isang matandang lalaking kailanma'y 'di ko malilimutan.

"If it isn't Razul," anas ni Zyghore, "the elder keeper of the . . . Rune of Psyche."

"Husto na, Zyghore," bulalas naman ni Apo Razul. "Dito na nagtatapos ang kalapastanganan mo. Wala ng buhay ang tutupukin mo. Binabawi ko na ang talas ng isipan mo, inaagaw ang kakayahan mong magpakalat ng gulo."

Luntiang liwanag ang bumabalot sa mga mata ni Apo Razul nang usalin niya ang mga katagang iyon. May bigat at kakaibang lamig sa kaniyang tinig.

Napaatras si Zyghore saka napasapo sa kaniyang ulo, tila siya ay natutuliro.

"What are you doing to me? Stop it!"

Ngunit nagmistulang binge ang mga tainga ni Apo Razul sa pakiusap niya.

"Inuutusan kitang . . . huminto na sa paghinga. Ngayon din ay mamatay ka."

Ilang saglit pa ay napasapo ang dayo sa kaniyang dibdib, tila kinakapa ang kaniyang baga. Hanggang sa bigla na lang siyang namilipit at namutla na animo'y nahihirapan siyang huminga.

"N-No . . . no, stop. Don't do t-this!"

Tuluyang napaluhod si Zyghore, ang ulo ay nakayuko. Hanggang sa muling kumislap ang setrong tangan niya.

Kasabay niyon ay ang nahihibang na pagtawa at pagbangon niya sa lupa.

Naagaw naman ni Apo Razul ang aking atensiyon nang bigla siyang mapahawak sa kaniyang baga, tila lumipat ang sumpa lalo pa't siya na ngayon ang kinakapos sa paghinga.

"Your curse is channeled through space, and it is I, who holds power over space," nangingising sambit ni Zyghore. "I did not requite your curse. I am merely manipulating space and allowing it to flow through your body."

Tuluyan nang sumadsad sa lupa si Apo Razul, bagay na ikinagiliw ni Zyghore.

"I thought you're the smartest among us. Even with the rune, I outwit you."

Nagtagis ang bagang ko nang itapat ni Zyghore ang setro niya kay Apo Razul.

"Give it to me. I deserve it."

Hindi ko na siya hinayaang gumawa pa ng anumang atake. Tinahak ko ang direksiyon ni Apo Razul saka ko siya tinangay at nagpadala sa hangin.

Habang nasa alapaap ay tila nagbalik na ang normal na pagdaloy ng hangin sa kaniyang baga. Marahil dahil ay wala na siya sa espasyo niya kanina.

"Ibaba mo ako, Wragnall."

"Po?" Nangunot ang kilay ko. "Apo, kailangan na nating makaalis dito!"

"Hindi," mabilis niyang tugon sa 'kin, matikas ang boses. "Kapalaran ko na ito. Hindi mo na mapipigilan pa ito."

Kapalaran ko na ring mabuhay nang mag-isa magmula nang mapaslang sa digmaan ang aking mga magulang.

Ngunit ginawa ni Apo Razul ang lahat upang pigilan iyon. Kinupkop niya ako. Pinakain, binihisan, inalagaan, at tinuruan ng lahat ng nalalaman niya.

Bagama't salat sa relasyong dugo ang dumidikta, iniligtas ako ni Apo Razul.

Kung kaya't mamatay man ako ay pangangalagaan ko ang buhay niya.

"Isa kayong magiting na mandirigma. Lumakas ako dahil sa mga turo ninyo. Ngunit . . . sa paglipas ng panahon ay naging marupok na po ang mga buto ni'yo. Hindi ni'yo na kayang lumaban pa. Pakiusap, Apo. Tumakas na tayo."

"Magtigil ka, Wragnall! H'wag kang padadala sa aking katandaan lalo't magulang man ay kaya ko pa ring sagupain ang sinuman. Marahil ay nakalilimutan mong hawak ko ang karunungang nakadaig na sa ilang mga bathala. Ikaw ang humayo at isalba ang sarili mo. Babalikan ko si Zyghore. Marapat lang na pagbayarin ko siya."

"Kayo na mismo ang nagwika na tiyak na delubyo ang maghahari sa sandaling mapasakamay ng mga baluktot ang karunungang iyan. Kung iniisip ninyong isakripisyo ang inyong buhay ay mawawalan ng saysay ang panahong iginugol ninyo sa pagbabantay riyan. Kung para kayo sa pagbabago, daluhan ninyo ako sa paghayo. Batid ninyong wala kayong magagawa kung mapapaslang kayo rito. Sapat na ang bilang ng mga nasawi sa araw na ito. Halika na, Apo."

"Sa mga namutawi sa iyong labi ay pinatunayan mo lamang sa aking wasto ang naging desisyon kong kupkupin ka. Malayo ka na sa iyaking paslit na nais nang wakasan ang buhay niya. At mas malayo pa ang mararating mo, Wragnall. H'wag kang tumigil dahil sa akin. Ako ay h'wag mo nang lingunin. Humayo ka nang matulin."

Nangingilid man ang mga luha ay tinanaw ko ang kawalang tinatahak naming dalawa. Marahil ay kaya ko ngang humayo mag-isa. Ngunit tiyak kong hindi ko naman iyon ikasisiya.

Husto na ang aking mga nailuha.

Hindi na ako muling magluluksa.

"Hindi ba't nangako akong ibibili pa kita ng bagong sandalyas na pamalit sa luma mo?" Pinigil ko ang luhang nagbabadyang pumatak. "Naipon ko na po ang sapat na salapi para doon. Tumakas na tayo upang mabilhan na kita ng sandalyas nang sa gayon ay hindi na sumakit pa ang iyong paa."

"Wragnall . . ." Bakas man ang pagod ay nakuha niya pang ngumiti sa akin.

Na tila biro lamang ang lahat ng ito sa kaniya. Na tila ba hindi kamatayan ang naghihintay sa kaniya sa sandaling tahakin niya ang landas pabalik.

"Mahal kita, Apo," halos ibulong ko iyon sa hangin ngunit sigurado akong narinig niya. "H'wag mo 'kong iwan."

Tutugon na sana siya nang biglang tamaan kami ng malakas na liwanag, dahilan upang maantala ang aming paglipad at bumagsak kami sa lupa.

Matapos tumama sa lupa ay bahagya pa akong umangat saka sumadsad ulit. Mabilis kumalat ang kirot sa aking balat at kalamnan. Mahapdi na tila ba napulbos ang aking kasukasuan.

Ngunit hindi ito ang panahon upang huminto. Walang lugar ang pagsuko.

Prenteng lumapat sa lupa ang mga paa ni Zyghore. Mayroon nga iyong tangang kakaibang bigat at panganib.

"I now travel at the speed of light."

Ginamit ko ang kalapit na puno upang tulungan ang aking sariling makatayo.

Matapos niyon ay kaagad ko namang dinaluhan si Apo Razul na bagama't may bangas sa iba't ibang parte ng katawan ay nakatayo na rin ngayon.

Sabay naming hinarap si Zyghore.

Nakangisi siya, naaaliw sa amin.

"Magtungo ka sa mundo ng mga tao. Hanapin mo roon si Yvalora. Siya lamang ang makatutulong sa iyo."

May pagtataka kong nilingon si Apo Razul nang magsalita siya sa aking isipan. Ano ang pinaplano niya?

"You cannot outrun me, Razul."

"Alam kong hindi ko kaya," sagot naman ng katabi kong matanda na bumaling sa akin, "pero kaya niya."

Sa pagkumpas ng kamay ni Apo Razul ay naramdaman ko ang rumaragasang enerhiyang bumalot sa aking katawan.

Pansamantalang humawi ang ulap, nagmistulang bintana sa kalawakan.

Bago pa man ako higupin ng luntiang liwanag paalis ng aking daigdig ay namataan ko ang banayad na ngiti sa labi ni Apo Razul bago siya saksakin ni Zyghore at tuluyang pugutan ng ulo.

Nagawang nakawin ni Zyghore ang kapangyarihan ni Apo Razul na ilang milenyo na niyang pinangangalagaan.

"Mahal din kita, Wragnall."

Ninais ko namang pumalahaw ngunit sa pagtakas ko ay tumakas na rin ang aking tinig. Wala akong nagawa kung hindi ang magpasakop sa liwanag at hayaan itong dalhin ako sa kung saan.

Alapaap, bituin, bulalakaw, planeta, at kadiliman. Lahat ng iyon ay aking nalampasan. Itiniklop ko ang mata.

Ninamnam ko ang paggaan ng aking timbang, ang pagbagal ng paghinga ko, at ang panlalamig ng aking kalamnan.

Dumiin lamang ang aking pagkakapikit nang tumama ang aking likod sa ilang hindi mawaring materyales hanggang sa nadama ko na ang paglagapak muli ng katawan ko sa puti at basang batsa.

Sa muling pagdilat ng aking mga mata ay agad tumambad sa akin ang gulat at litong wangis ng isang pambihirang binibining may kulay rosas na buhok.

"Parating na si Zyghore!" hiyaw ko.

***

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...