A Tale In Session (City Serie...

By jowybee

1M 40.3K 47.6K

City Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his f... More

A Tale In Session
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
END

Chapter 4

32.2K 1.4K 1.5K
By jowybee

Agad akong tumakbo sa banyo nang makita ang orasan sa tabi ko. Late na ako!

"Anong ginagawa mo?" Kunot noong tanong ni Margaux sa akin pagkalabas ko ng banyo.

Hindi pa siya nakaka-ligo at umiinom siya ng kape.

"Late na ako!" Sabi ko habang tinatanggal ang towel sa buhok ko.

"Tanga mo, walang klase ngayon." Tawa niya. "I think you had too much to drink last night. Inom ka pa, ah."

Nanliit ang mga mata ko. Oo pala! Ngayon lang kami walang Saturday classes kaya naka-hinga ako nang maayos. Napa-awang ang labi ko nang maalala ang mga nangyari kagabi na muntik ko nang sirain 'yong sasakyan ni Jaxon!

"Paano ako naka-uwi?" tanong ko sa kanya.

Ngumisi naman siya at binigay sa akin ang baso niya na mayroong kape.

"You fell asleep in Claude's car." Bahagyang tawa niya. "He called me at almost midnight asking me to meet him sa labas ng gate. Bagsak ka kagabi!"

Nanlaki ang mga mata ko nang maalala 'yung sumunod na pangyayari matapos ko hindi mahanap ang susi sa bulsa ko.

Nakakahiya!

Napasapo ako sa noo ko habang umiiling naman si Margaux.

"Nakakahiya ka." She laughed.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Alam ko! Kung ano ano sinabi ko kay Claude kagabi! Wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kanya, ever. Mabuti hindi parehas ang campus namin. Hindi na rin ako manunuod ng laro nila!

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita ang mga messages nina Vale, Selena, Lia, at Mage na nag-aalala kung nasaan ako. Mukhang cinontact rin nila si Margaux dahil ang pinaka-huling nag-message sa akin ay si Vale at sinabihan niya akong mag-pahinga na.

"Lapit na ng Session in Bloom! Magsisidatingan nanaman mga turista," sabi ni Mama habang naghahain ng pagkain sa lamesa. "Rafaela, anong oras ka nanaman naka-uwi kagabi?"

Umismid naman si Margaux sa tabi ko kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

"Ouch, ate!" reklamo ni Paul sa tabi ko.

Siya pala na-sipa ko!

"Uh... maaga naman, Ma. Siguro pagka-tulog niyo kararating ko rin lang." Ngiti ko sa kanya.

Margaux started making faces before drinking from her cup.

"Kailan mo kukunin lisensya mo?" tanong ni Papa sa akin.

Ngumuso ako dahil hindi pa talaga ako sigurado kung kailan ako pupuntang LTO.

Hello?! Hindi naman kasi ako marunong mag-drive talaga! Kunwari lang marunong ako para mahiram ko naman yung sasakyan!

"Hmm kung may time na 'ko, Pa," Ngisi at tango ko sa kanya.

Pagkatapos namin kumain ay humiga muna ako sa sofa at nag-scroll sa facebook para naman matuwa muna ako bago ko i-lunod ang sarili ko sa readings.

Nagulat na lang ako nung lumabas ang pangalan ni Claude sa notifications ko. Nag-send siya ng picture ng Modess na napkin sa akin.

Claude Johnson Noestro: The heck is this?

Rafaela Escalde: Meron ka bang mens ngayon hehe maganda yung with wings para di nadidislocate hihi

Claude Johnson Noestro: Dude this is yours from last night. I think you dropped it.

Bigla akong tumigil sa katatawa ko nang mabasa ko 'yon. Hala?!

Rafaela Escalde: Ay sakin ba yan hehe baka naman sa kapatid mo

Sinusubukan ko lang mag-reply nang maayos pero hiyang hiya na talaga ako!

Claude Johnson Noestro: My sister's 5

Ngumiwi ako sa sarili ko.

Oo nga pala. Alam ko 'yon! Si Sophia, kafa-five niya palang nung new year! Hindi lumusot palusot ko, ah.

Claude Johnson Noestro: Anyway I can give it to you later. You left your wallet here, too.

Rafaela Escalde: Ang effort naman luh

Claude Johnson Noestro: I'm dropping off my mom at Puregold later I can easily drop by your house to give you your stuff

Claude Johnson Noestro: I still remember what you told me last night haha

Sobrang bilis ng hinga ko dahil nagpapanic na ako nang sobra! Bwisit na alak 'to! Never again! Sinusumpa ako na talaga ang alak!

Rafaela Escalde: Ha hehe di ko maalala eh tska di ako yung nagsasalita kagabi sinaniban ako skl ko lang

Claude Johnson Noestro: Okay whatever floats your boat

Claude Johnson Noestro: I'll be there in an hour

Ngumisi naman ako. Gusto kong i-reply, crush mo lang ako eh, kaso wag na. Mamaya isumbat niya nanaman yung mga sinabi ko kagabi!

Mabuti na lang at nakaligo na ako at mukhang fresh na fresh ako. Naglagay ako ng kaonting lip tint at blush on para mukhang natural blush lang. Nag-palit na rin ako ng mas magandang pambahay na damit dahil naka-Olaf na hoodie lang ako at leggings. Nag-suot ako ng white na hoodie galing sa H&M. Hindi ko na pinalitan ang leggings ko at ginamit ko na lang yung uggs ko na kulay white.

Siyempre, nakakahiya na nga ako kagabi, dapat bawiin ko naman ngayon.

Nang mag-chat si Claude na nasa labas na siya ay tumakbo ako labas ng bahay at binuksan yung gate. Binuksan ko yung pintuan ng sasakyan niya at kinuha yung napkin at wallet ko sa front seat. Naka-on pa rin yung aircon niya kahit na hindi naman ganon ka-init sa labas.

Saktong weather lang naman. The sun is out so it's nice.

"Thanks!" Sabi ko.

Tumango siya at nilagay niya ang kamay niya sa manibela. Pinagmasdan ko siya bago ko isarado yung pinto. He's wearing a plain white hoodie and plain gray jogger pants. Hindi ko makita kung anong shoes ang suot niya pero panigurado mamahalin nanaman.

"Uy! Matchy naman tayo ng hoodie. Galing 'yan sa H&M 'no?" Ngisi ko.

Wala pa ngang kami, couple hoodie na kaagad kami! Hay ang sweet talaga kinikilig ako.

Bago pa siya makasagot ay biglang nag-bukas ulit ang gate namin at lumabas si Margaux. Nagulat siya nang makita si Claude.

"Kaya naman pala nagpaganda ka kanina," sabi niya habang nakalagay ang isang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Hi, Claude."

He bit his lower lip to stop himself from laughing kaya naman napa-irap ako.

Grabe! Nilaglag kaagad ako ng kapatid ko! bruhang 'to! Walang kwenta!

"May pupuntahan rin lang ako," sabi ko.

"Weh? Sabi mo magpapractice ka mag-drive?" sagot ni Margaux sa akin. Lumingon siya sa loob ng sasakyan at tinignan si Claude.

"Gusto mo turuan 'tong kapatid ko?" tanong ni Margaux sa kanya.

Umiling kaagad ako. "Nope! I can learn by myself."

"Automatic lang naman ang alam mong i-drive! Para kang naglalaro sa Quantum!" sabi niya sa akin. "Claude, kung turuan mo 'to, sagot ko na first date niyo."

Umismid si Claude. "Date? Not happening."

Ay, gusto niya ata siya mag-bayad sa first date namin! Eh paano ba 'yan? Gusto ko hati kami sa bill.

Humalakhak si Margaux sa tabi ko. "Ang harsh mo naman, Claude! Kapatid ko rin 'to, ah! Para naman maka-move on na 'to!"

Tinulak ko siya at sinara yung pintuan ng sasakyan ni Claude. Kumaway ako at sinensyasan siya na umalis na. Umiling lamang siya at nagmaneho na paalis.

"Yang bunganga mo, pasmado!" Sinabunutan ko si Margaux. "Hindi nga ako interesado kay Claude!"

Hindi talaga ako interesado. Kasi interesadong interesado ako. Hihi.

Lumipas ang buong weekend na lunod ako sa readings kaya pag-dating ng sumusunod na linggo ay handang handa na ako sa mga lessons. Ayoko nang mag-cram ulit. This time, I'm really taking Vale's advice.

Mabilis na lumipas ang isang linggo dahil nagulat na lang ako pag-dating ng Thursday na pinag-uusapan nanaman nina Selena ang mga nangyari last week.

Nung hinatid pala ako ni Claude ay uuwi na rin sana si Vale kaso hinintay niya muna yung mga kaibigan namin.

Nagulat na lang ako nang malamang nahalikan na pala ni Selena si Ezra!

"Ang bilis mo naman!" Sabi ko kay Selena. "Kadiri 'to!"

"Hoy, hindi naman malala! Isang kiss lang 'yon kasi dinare kami!" Depensa niya. "'Di ko na siya trip. Nahalikan na, eh."

Tumawa ako at umiling. "Hay nako. Paano ka magkaka-boyfriend niyan?"

"I gotta go pick Lia up in Bakakeng. She's having some car trouble," paalam ni Vale sa akin.

Sasama kaya ako? Para naman makita ko si bebe kong si Claude. Feeling ko ang tagal ko na siyang hindi nakikita, e. Baka miss na miss na ako no'n! Paano kaya siya nakaka-survive na wala ako?! Char.

"Sama ako!" Ngiti ko.

Nagulat naman si Selena sa biglang asta ko.

"Tignan mo, mas maharot ka pa kesa sa akin!" Batok niya sa akin. "Kung sasama ka, sasama rin ako!"

Sa huli, sumama rin lang kaming dalawa kay Vale papuntang Bakakeng. Magsi-six na rin ng gabi kaya medyo na-traffic kami sa Marcos Highway. Pagkarating namin sa Mary Heights campus ay nandoon pa rin si Lia sa loob ng sasakyan niya, nagti-twitter.

"Hoy, naka-ilang tweets ka na, bakit hindi ka na lang humingi ng tulong sa guard?" tanong ni Selena kay Lia.

"Duh! Nakakahiya kaya!" sabi niya naman.

Vale tried to start the car but it wouldn't work so he opened the hood. Lumingon lingon ako sa paligid ko para pagmasdan ulit ang campus ng SAMCIS... at tignan na rin kung meron ba si Claude.

Hindi naman sa gusto ko siyang makita! Medyo gusto lang! Siyempre, lubus-lubusin ko na ang bisita ko dito sa campus nila.

Dahil malikot ang mata ko, ang dami kong nakikitang mga mukha pero dinadaanan lang yun ng mata ko kasi hindi ko naman nakikita mukha ni Claude.

Ang hirap naman neto! Punta kaya ako sa basketball court nila?

Nagulat na lang ako nang may makita akong lalaki na malapit sa flag pole at may hawak hawak na rose.

Wow.

"Unbelievable," I muttered.

Inangat ni Vale ang ulo niya at tinignan ako.

"Why? What's wrong?"

Umiling ako at humalukipkip.

Tinignan niya yung direksyon na tinitignan ko at napa-tayo siya nang makita rin si Jaxon na ngayon ay naka-yakap kay Ela.

Of course. Tourism si Ela. This is her campus.

"Isn't it amazing?" tanong ko kay Vale.

"Amazing," sagot naman ni Selena.

"Hoy! Ano tinitignan niyo?" Labas ni Lia sa ulo niya galing sa sasakyan niya.

"How'd he even get in? He's from UB. Akala ko ba strikto yung mga guard dito?" Vale scoffed and started to work on Lia's car again.

"Try mo na, Lia," sabi ni Vale.

Malaki ang ngiti ni Lia nung nag-start ito.

Iba talaga 'tong si Vale! Kahit saan, marunong. Sa lovelife lang ata hindi.

"Si Raf ba 'yun? Raf!" Tawag sa akin ng isang lalaki.

Apat sila at nagka-basketball attire rin. Kinawayan ko si Franco pero nagulat ako nung lumapit sila. Binati rin ako ni Hanz at Lance. Si Claude lang ang tahimik at nagcecellphone sa kanila.

"Ginagawa niyo dito?" tanong ni Franco.

"Tinulungan kasi ni Vale si Lia. Sinamahan namin." Turo ko sa sasakyan ni Lia. Pasimple akong bumaling kay Claude pero yung atensyon niya lang ay nasa phone niya.

Tinignan ni Franco si Claude at ngumiti sa akin. "May kinwento si Margaux, ah!"

Umiling ako. "Wag ka maniniwala sa jowa mong 'yon!"

Tumawa naman siya at tinulak si Claude. "Bro, hatid mo na!"

"Who?" tanong ni Claude kay Franco.

"Wag na! May sasakyan naman si Vale at Lia," tanggi ko. "Para naman na siyang Grab driver ko."

"Arte naman neto! Chance mo na nga 'yan, eh." Siko sa akin ni Selena.

Lia nodded in agreement with Selena.

"Ay, actually, sakto lang! Kasi may pupuntahan pa kami sa ano... sa sobrang layo!" sabi ni Lia.

"Ha? Saan?" tanong naman ni Vale.

"Sa Batanes, Vale." Nanlaki ang mga mata ni Selena sa kanya. "Sino kaya maghahatid dito kay Raf?"

"I can drive you home," sabi ni Vale at naglakad patungo sa sasakyan niya.

"Hindi na, Vale! Dito lang bahay niyo sa Bakakeng, eh!" sabi ni Selena sa kanya. "Hmm! Sino kaya?!"

Tinitignan ko ang mukha ni Franco at mukhang tuwang tuwa pa siya, habang si Claude naman ay mukhang naiinip nang umalis.

"Fine, I'll drive you home," sabi ni Claude habang nakapamulsa.

"Yun!" Ngisi ni Franco.

"Wag na, magtataxi na ako," sabi ko at kinuha na rin ang bag ko galing sa sasakyan ni Vale.

"Ihatid na nga kita." Kamot ni Vale sa likod ng ulo niya.

"I don't mind," sabi ni Claude.

"Si Claude na mag-hatid, Vale! Para makauwi ka na rin. Malapit na lang dito bahay niyo, e!" sabi ni Lia sa kanya. Tumango si Claude kay Vale at naglakad patungo sa sasakyan niya.

Naka-tingin pa rin si Vale sa akin, siguro ay nagtataka kung bakit ihahatid nanaman ako ni Claude.

Nag-kibit balikat na lang ako sa kanya at kumaway sa kanya.

"Yun, oh! Ingat kayo!" sabi ni Franco habang naglalakad sila paalis.

Medyo nahihiya akong pumasok sa sasakyan ni Claude. Pang-ilang hatid niya na 'to sa akin! Grabe, weekly routine, ganun? Makapal mukha ko pero may hiya rin naman ako.

"Okay lang talaga sa akin na mag-taxi," paalala ko sa kanya.

Nag-buntong hininga na lamang siya at stinart yung kotse.

"Franco already knows that I'm taking you home. If I let you grab a cab and something bad happens to you-"

"Oo na!" Singhal ko.

Nabobother na ako! Para talaga siyang Kuya mag-salita! Ading daw tingin sa akin?! Eh kung i-manong ko kaya siya? Anong mararamdaman niya? Baka maramdaman niyang taxi driver siya!

Tahimik ako hanggang sa maka-rating kami sa Marcos. Sobrang traffic na ngayon kaya dumaan na lang siya sa kaliwa, para dadaan nalang siya sa Suello para makarating sa Quezon Hill.

Malalaki talaga mga bahay dito sa Suello Village. Bihira lang ako makadaan dito pero kitang kita ko naman na maraming mga mayayaman na nakatira dito.

"Dito kayo nakatira sa Suello, diba?" sabi ko sa kanya.

Tumango siya at binilisan ang takbo ng sasakyan.

"H-hoy! Sandali lang naman! Kaskasero ka ba?!" tanong ko sa kaniya.

Binagalan niya ng onti 'yung takbo kaya medyo huminahon na rin ako.

"You better start learning soon. Tourists are coming to the city and it's gonna be harder for you to practice driving in town," sabi niya.

Lumingon ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Naka-baba ang mga bintana kaya nahahanginan ang buhok at mukha niya.

Para siyang panaginip, hayup na 'yan. Sobrang gwapo.

"Edi turuan mo ako ngayon," sabi ko.

Nagulat naman ako nang i-gilid niya ang sasakyan at tinigil ito. Lumabas siya ng sasakyan at binuksan yung pintuan ng side ko.

"H-hoy! Joke lang!" sabi ko sa kanya bago niya pa buksan yung pinto. "Masisira ko 'tong sasakyan mo!"

"No, you won't," sabi niya.

Aba! Hindi man lang siya takot?!

Lumabas ako ng sasakyan na kabadong kabado. Umupo ako sa driver's seat at nag-seatbelt.

Sobrang kabado talaga ako! Bwisit na 'to! Bakit niya ba kasi sineseryoso mga sinasabi ko?! Mahina talaga joking comprehension skills niya.

"Step on the clutch," utos niya sa akin.

Malalim ang tapak ko sa clutch habang ang kanang paa ko naka-tapak sa brake.

"Stop stepping on the brake," sabi niya.

Wala man lang siyang reakson! Naka-upo lang siya!

Tinanggal ko ang paa ko sa brake at hinigpitan ang kapit sa manibela. "Ayoko na!"

"How will you learn?" tanong niya sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin at pinatay ang makina. Lumabas kaagad ako at nag-halukipkip.

"Next time mo na ako turuan!" sabi ko sa kanya.

He started laughing and got out of the car, as well.

"You can do it." He shrugged. "It's not that hard."

Sumimangot ako.

Aside from the annoying fact that he's teaching me how to drive, seeing him with his background got me appreciating hisface even more. Sobrang ganda pala dito sa Suello! Puro bundok at unti-unting sumisindi yung mga city lights ng Baguio.

"Wow," sabi ko sabay ngiti. "Ang ganda pala dito."

Tumingin siya sa likod niya ngunit nag-lakad din lang siya patungo sa akin para maka-upo na siya sa driver's seat.

"Crazy. You see the same thing everyday," sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Panira naman ng mood! Bumalik ako sa passenger seat at nag-seatbelt para naman makauwi na rin ako. Turo turo pa kasi siya, ayan tuloy natagalan kami.

"What was Margaux talking about last week?" tanong niya bigla habang nagmamaneho siya.

"Huh?" tanong ko.

Ano ulit 'yon? Yung nag-ayos ako para sa kanya?

Umiling siya at tumahimik.

Hmp! Okay! Edi wag mong sabihin. Secret secret ka pa jan. Kapag kinasal tayo, sasabihin mo rin lang yan sa akin!

"Bakit kaya wala ka pang girlfriend?" tanong ko sa kaniya.

Tinaasan niya naman ako ng kilay. "What makes you think I don't have a girlfriend?"

Nanlaki mga mata ko. Hinahatid hatid niya ako, tapos may girlfriend pala siya?! Masyado kong binigyan ng malisya yung hatid, pero whatever! Wala rin naman na-mention si Margaux!

"Kidding," sabi niya.

Kumunot ang noo ko.

Funny ba yon? Joke na yon?

"God's timing," sabi niya ulit.

Nagulat naman ako nang sabihin niya 'yon. Literal na gulat. Hindi ko lang pinakita sa mukha ko. Marami kasing mga nagkakagusto sa kanya, ever since High School! Isa lang ang kilala kong ex niya, eh. Ang dami niyang options, kaya nakakagulat na he's choosing to stay single.

"Hoy, pang-ilang hatid mo na 'to sa akin," sabi ko sa kanya bago isara ang pintuan ng sasakyan niya. "Treat kita if ever na may free time ka! Alam kong hihindi ka so 'di ko na hihintayin sagot mo. Bye!"

Kinabukasan ay tuwang tuwa kami kay Mage dahil nag-aaral siya sa Cafe Luis. Bihira kami kumain dito pero palagi lang talaga kaming nakiki-wifi kaya nandito kami ngayon. Pagka-connect ko ng wifi ay binuksan ko kaagad ang messenger para maichat si Claude.

Rafaela Escalde: SOOOOOO kelan kita ittreat? What food do ya like ba

"Super near na yung prelims!" sabi ni Mage sa amin. "Why aren't you guys reviewing?! Sobrang madugo kaya ng course niyo!"

"Next next week pa naman!" Sabi ni Selena. "Kopya na lang ako kay Vale."

Umiling naman ako at tumawa. Malaki ang ngiti ko nang makita na nag-chat ulit si Claude sa akin.

Nako, mukhang naaattach na rin ata siya! Charot.

Claude Johnson Noestro: Idk

Ngumuso ako. Bwisit naman 'to! Ang hirap kausap!

Claude Johnson Noestro: I'm here at main now though

Siyempre hindi ko ipapakita kina Selena na kinikilig ako kahit na sa totoo lang eh gusto ko na manapak sa kilig!

Rafaela Noestro: Ows?! Saan? Nandito ako sa Cafe Luis.

Claude Johnson Noestro: Main gate. I was just about to leave.

"Una na ako!" paalam ko sa kanila. "Wag na kayong iinom ah!"

"San ka?" tanong ni Vale sa akin.

"Sa tabi tabi. Hehe! Ciao!" Yakap ko sa ulo ni Vale.

Kumaway na ako sa kanilang lahat at tumakbo ako papuntang main gate. Muntik pa ako madapa sa stairs na pababa galing sa lobby.

Nang matagpuan ko si Claude ay pinitik ko ang tenga niya. Halatang nabigla siya pero nawala rin ang reaksyon niya nang makita ako.

"I was gonna go," sabi niya. "Why'd you come here?"

"Wait... lang..." I tried to catch my breath. "Para akong... nag... marathon... para lang... sa'yo!"

"I didn't ask you to come. You don't have to treat me."

"Sabi ko nga!" Irap ko. "Tara! Libre kita sa bonabil."

Bago pa siya maka-tanggi ay hinila ko na kaagad ang braso niya para tumawid. Kilig na kilig naman ako kasi ang daming nakakakita sa amin na magkasama! Malaki ang ngisi ko habang siya naman ay wala pa ring ekspresyon ang mukha.

"Ano ginawa mo dito sa main?" tanong ko sa kanya.

"I gave something to Ezra," tipid niyang sagot.

Tumango naman ako habang hinihila pa rin siya patungo sa bonabil. Paboritong kainan ko talaga yun this month kasi ang sarap ng pagkain nila! Pero ang dami kasi laging tao.

Wala na siyang sinabi hanggang sa makarating kami doon. Kumuha kaagad ako ng table dahil mahirap pa naman kumuha ng table dito.

"Order ka ng Shish!" sabi ko sa kanya.

Napa-kamot siya sa ulo niya pero pumunta pa rin siya ng counter. Pagkabalik niya, may hawak na siyang number at ilang coins. Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko pala nabigay yung bayad sa kanya! Edi parang siya rin lang nanlibre!

"Wait! Eto bayad!" sabi ko at nilabas ang wallet ko.

Umiling siya. "It's fine."

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. "First date natin, dapat hati tayo!"

"This is not a date," agad niyang sabi. "This is a kidnapping."

"OA! Edi sumbong mo 'ko sa pulis!" sabi ko sa kanya. "Baka puso mo na-kidnap ko. 'Yon isumbong mo!"

Ngumiti siya nang onti kaya naman mas lalo akong nagwapuhan sa itsura niya ngayon. Naka-navy blue t-shirt siya at black jeans. Sobrang simple lang lagi ng pormahan niya pero ang gwapo talaga.

Magkikwento na sana ako sa kanya para hindi naman awkward pero nagulat ako nang makakita ulit ako ng isang mukhang hindi ka-nais nais.

"Nandito nanaman 'yun!" bulong ko.

Maliit lang 'tong Bonabil kaya natatakot akong makita ako ni Jaxon. Mas lalo akong nagulat nang makita na sumunod sa kanya ay si Ela.

Pambihira naman. Dito pa talaga sila magdedate?!

"Who?" he asked.

"Wag kang titingin sa likod mo," bulong ko ulit.

Pero tumingin pa rin siya! Halatang halata pa!

Napasapo ako sa noo nang tumingin siya sa likod niya.

Binalik niya ang tingin niya sakin at sumandal siya sa mesa. "That guy? Isn't he the owner of the Civic you almost keyed?"

Umirap ako. "Oo."

"I'm guessing he's the guy Margaux was referring to last week," sabi niya. "Seriously though? Mendez?"

"Huh? Kilala mo?" tanong ko sa kanya.

Tumango siya at uminom sa tubig niya.

"Basketball," sagot niya.

Ah! Oo nga pala.

Nakatingin lang ako kay Jaxon ngunit aagd kong nilipat ang tingin ko pagkatingin niya sa akin. Nahuli na ata ako!

"Pst," tawag ko kay Claude. "Landiin mo ako, dali. Painggitin natin ex ko."

"No."

Binelatan ko siya at sinipa siya sa ilalim ng mesa. Wala ka talagang cooperation! Buti hindi ka naze-zero sa groupworks mo!

"Babe," bulong ko.

Kumunot ang noo niya.

"What, ading?" he replied.

Hala, ang dugyot. Ading eh 'no!

"Bwisit ka," sabi ko sa kanya.

"Why do you even want to make him jealous? Are you insecure of his girlfriend?" tanong niya sa akin.

Sumimangot ako.

Sa totoo lang, mabait kasi si Ela! Maganda, matangkad. Kaya nga siya Tourism! Pero hindi naman ako sobrang naiinsecure!

"Medyo!" sagot ko kay Claude.

Tinignan niya lang ako nang ilang segundo.

Ano nanaman kaya iniisip neto?

"You shouldn't be."

Continue Reading

You'll Also Like

370K 9.7K 24
❝Fear makes the wolf bigger than he is❞ Darren Johnson will never understand why her only parent decided to move to a small town that is known for it...
613K 2.3K 63
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
61.1K 242 5
𝘈𝘯𝘥 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘰𝘯𝘦 𝘐 𝘤𝘢𝘭𝘭 𝘮𝘺 𝘣𝘢𝘣𝘺 𝘨𝘪𝘳𝘭 𝘊𝘩𝘢𝘯𝘦𝘭, 𝘊𝘩𝘢𝘯𝘦𝘭,𝘊𝘩𝘢𝘯𝘦𝘭 𝘵𝘰 𝘮𝘺 𝘧𝘢𝘷𝘰𝘳𝘪𝘵𝘦 𝘨𝘪𝘳𝘭 �...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...