Daniela's Escort

By truthandlies_

20.8K 839 275

More

Daniela's Escort: Two
Daniela's Escort: Three
Daniela's Escort: Four
Daniela's Escort: Five
Daniela's Escort: Six
Daniela's Escort: Seven
Daniela's Escort: Eight
Daniela's Escort: Nine
Daniela's Escort: Ten
Daniela's Escort: Eleven
Daniela's Escort: Twelve
Daniela's Escort: Thirteen
Daniela's Escort: Fourteen
Daniela's Escort: Fifteen
Daniela's Escort: Sixteen
Daniela's Escort: Seventeen
Daniela's Escort: Eighteen
Daniela's Escort: FINALE

Daniela's Escort: One

2.1K 42 15
By truthandlies_

"ANO?" sigaw ni Daniela sa isang empleyado nya.

"Ma'am uuli-" hindi na nya pinatapos magsalita ang empleyadong yun at binato sa harap nito ang mga papel na punong puno ng drafts.

"WAG NA!" napahawak na si Daniela sa sentido nya dahil sa irita sa empleyadong iyon.

Pinulot na lang ng empleyado ang mga tinapon ni Daniela. Halos mangiyak ngiyak ito. Pinagpaguran nya kasi ang mga iyon at hindi inaasahan na hindi ito magugustuhan ni Daniela.

Tumayo ito at tumingin kay Daniela.

"Ma'am, sorry po." titig lang din ang inilaban ni Daniela.

"Get out of my office." mahinahong sabi ni Daniela tsaka may kinuhang folder sa gilid ng table nya.

"Ma'am" nanginginig na ang boses ng empleyado, alam nya na kasi kung anong mangyayari sa kanya pagkatapos nito.

"Lalabas ka? o lalabas ka?" patuloy lang sa pagpirma si Daniela.

Tumutulo lang ang luha ng empleyado at nananatiling nakatayo sa harap nya.

"YOU'RE FIRED." sigaw ni Daniela. Napuno na sya ng husto dahil sa hindi pagsunod ng empleyado. Eto yung ayaw na ayaw nya eh, yung kinakalaban kung ano man ang sinasabi nya.

Basang basa na ang mga papel na hawak ng empleyadong yon dahil sa mga bumabagsak na luha non.

"Eto na lang po ang meron ako Ma'am, parang awa nyo na po. Wag nyo po ako sesantihin. Kailangan ko po ang trabahong ito." nakayukong sabi ng empleyado.

Tumayo lang si Daniela at kumuha ng stick ng sigarilyo. Humarap sya sa malaking salamin sa kanyang opisina. Tanaw rito ang buong Makati.

Pagbuga nya ng usok ay huminga sya ng malalim.

"Kasalanan ko ba kung basura yang gawa mo?" pabulong nyang sabi habang nakatingin pa din sa malaking salamin.

Napapairap na lang sya habang patuloy na bumubulong.

"Hindi ko naman siguro kasalanan kung pinaghirapan mo yan at hindi ko nagustuhan, para san pa't pinakita mo sakin yan tapos hindi mo tatanggapin ang sinabi ko."

Pagtalikod nya ay nakatingin na sa kanya ang empleyado.

"Bakit ba ang yabang yabang mo?" pabalang na sagot nito. Tinitigan lang sya ni Daniela.

"Baka nakakalimutan mong nasa kumpanya kita?"

"Mayaman ka nga pero ubod ka ng yabang. Ano bang pinagmamalaki mo? Itong kumpanya mo?"

"Hahahahaha." sarkastik na tawa ni Daniela at itinapon na ang sigarilyo sa garbage bin nya.

Lumapit sya sa empleyado at tiningnan ito mula ulo hanggang paa.

"Eh, ikaw? Anong pinagmamalaki mo?" sabay ngiwi sa empleyado.

Tumalikod na si Daniela sa kanya at bumalik sa upuan.

Nagdial ito ng mga numero sa telepono.

"Nicole, paki-tawag naman ang guards. Pakisabi may tao akong ipapakaladkad palabas ng opisina ko."

Binaba nya na yun at saka kinuha ang bag nya sa gilid na upuan. Binuksan nya ang wallet doon saka kinuha ang lamang cash non. Binilang ni Daniela iyon at umabot ito ng P37,000. Tumayo na sya ulit at iniabot sa empleyado ang lahat ng perang yun.

"Oh ayan, sobra pa yan sa huling sahod mo. Lumabas ka na at ayaw na kitang makita dito. Wala ka pang isang taon dito pero grabe ka na umattitude. Tsaka ka na magmasama ng ugali pag maayos ka ng gumawa ng reports. Now, leave!!!" sigaw nya at tuluyan ng lumabas ng opisina nya ang empleyado.

Ang aga aga pero badtrip na badtrip na sya.

"Bakit ba ang daming bobo ngayon." inis na bulong nya tsaka tumutok na sa mga drafts na sisimulan nya palang. Kailagan nya ng makapag design ngayon para sa upcoming lauch nila this summer.

---

Daniela's POV

Nakatitig lang ako sa salamin dito sa opisina ko. Gusto ko na munang irelax ang sarili ko. Alas nuwebe na ng gabi pero hindi ko pa gustong umuwi. Kakatapos ko lang gawin ang mga drafts kanina.

Ng dahil sa maagang pansisisante ko kanina ay nakagawa na naman ako ng isang design na ikinagalak ko ng sobra. Habang ginagawa ko ang design na yun ay parang nilalabas ko na din ang galit ko sa empleyadong yun.

Hindi naman ito ang unang beses na may kumalaban sakin. Ilan ilan na din ang nagsabi sakin na mayabang ako. Walang awa. Walang konsiderasyon.

Pero wala naman akong pake.

Hindi ko kailangang i-justify sa kanila ang sarili ko. I dont owe them anything. Sino ba sila? Eh empleyado ko lang naman sila.

Sila 'tong nagkukumahog makapasok sa kumpanyang 'to tapos ako pa aartehan nila.

Humarap na ulit ako sa table ko. Bago ko ibalik ang tuon sa laptop ko ay tumingin muna ko sa paligid ko.

Napakaganda talaga nila. Kitang kita ko mula dito sa upuan ko ang halos dalawang daang heels na nakapalibot sakin.

Ang bunga ng paghihirap ko. Ang bunga ng lahat ng pagod at pagtitiis ko.

Dapat ko lang naman silang ipagmalaki dahil ako naman ang nagkandamatay mag isip at i-sketch ang mga ito.

Kinuha ko ang phone ko saka may itinext.

"At my condo. 1am" Message sent.

Hindi ko muna gustong umuwi sa bahay ko ngayon. Sa condo muna ko uuwi ngayon.

Kailangan ko sya ngayon.

Mag aalas dose na din ng gabi ng matapos ako sa nga ginagawa ko. Kinuha ko na ang bag ko at inilabas ang susi ng kotse. Bago ko patayin ang ilaw ng opisina ko ay nagtapon muna ko ng isang tingin sa mga sapatos ko.

Pagbaba ko sa elevator ko ay agad kong pinindot ang basement.  Pagdating ko sa parking lot ay nakatanggap ako ng text.

"I'm here." napairap naman ako sa text nyang yon. Napaka aga pa. Madaling madali naman ata sya masyado.

Pumasok na ko ng kotse at pinaandar na iyon. Pagdating ko sa condo ko ay may nakasalubong akong isang babae.

Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. Siguro'y nagtataka sya kung bakit kauuwi ko lang at ganito pa ang suot ko.

I'm wearing my white long sleeves, black slacks, and a platform heels. This one is a pump with thick soles at least 4 inches in height.

"Good evening. Taga dito ka?" tanong nya sakin. Nananadya ba sya o talagang boba 'to? Ako nga alam kong taga rito sya e.

"Yea." sabi ko ng hindi humaharap sa kanya. Iniintay ko lang na magbukas ang elevator para makaakyat na sa unit ko.

"Anong work mo? Gabi na ah." Sabay titig ulit sa kabuuan ko.

"It's none of your business." Sabi ko sa kanya ng hindi parin humaharap. Ka-hipokritahan.

Narinig ko syang bumuntong hininga bago pa ko pumasok ng elevator. Kitang kita ko naman yung mukha nya bago magsara ang pinto ng elevator.

Bakit ba napakadaming hipokrita ngayon? Kaplastikan.
Hindi na lang mabuhay ng hindi nangengealam. Hindi ba talaga kayang mabuhay ng walang inuusisa.

Dumiretso na ko sa unit ko. Pagpasok ko palang dun ay nakita ko na sya. Nakatalikod sya mula sa pinto ko.

Agad kong binaba ang bag ko at unti unting binuksan ang long sleeves ko.

Naramdaman nya siguro ang pagsara ko ng pintuan kaya humarap na rin sya sakin.

Seryoso lang syang nakatingin sakin habang ginagawa ko yun. Bago pa ko makalapit sa kanya ay nahubad ko na ang long sleeves ko.

Paglapit ko sa kanya ay hinila nya na ang bewang ko at hinalikan na ko. Binaba nya na ang hawak nyang wine glass sa side table ko. Halos magbalibagan kami sa pader ng dahil sa init na nararamdaman namin ngayon.

Tinanggal ko na ang polo shirt nya at unti unti na nyang nahuhubad ang lahat ng damit ko.

Ng tatanggalin nya na ang heels ko ay agad akong tumigil. Ako na ang nagtanggal nito at baka ibato nya pa katulad ng ginawa nya sa slacks ko.

Pagkatapos kong tanggalin ang heels ko ay binuhat nya na ko papasok sa kwarto ko. Patuloy lang sya sa ginagawa nya. Nagsimula sa leeg ko papunta sa dibdib ko. Para bang kinakabisado nya bawat parte ng katawan ko.

"Daniela." narinig kong bulong nya bago nya gawin ang trabaho nya.

---

Pagkatapos namin ay agad akong nag CR. Niliguan ko ang katawan ko at maiging nilinis ito.

Paglabas ko ay nakasandal pa rin sya sa kama ko.

"Oh bakit nandyan ka pa?" Tanong ko sa kanya. Mukang gusto pang umisa ng gagong to, pero ayoko na. Pagod na ko. Tama na sakin yung isa. Pakiramdam ko ay nalabas ko naman na lahat ng stress ko ngayong araw.

Ay oo nga pala.

Kinuha ko ang wallet ko sa bag ko at saka kumuha ng thirty thousand doon.

"Eto na. Dalian mo na, alis na." sabi ko sa kanya. Kinuha naman nya yon at lumapit sakin. Akmang hahalikan nya ko pero umatras ako. Sino sya para halikan ako. Tapos na kami sa session namin kaya wala na syang karapatang halikan pa ko.

"Sinong may sabi sayong pwede mo kong halikan?" tanong ko sa kanya at wala naman syang nagawa dun. Nagbihis na sya at inayos muna ang kama ko.

May pag ayos pang nalalaman.

"Ken, paki-lock na lang ang pinto paglabas mo." sabi ko sa kanya bago pa makalabas.

"Thank you, Ma'am." sambit nya bago tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Inayos ko na muna ang buhok ko at pinapatuyo ito. Ayokong matulog ng basa ang buhok.

I usually do this pag nasstress ako sa araw ko. Tini-text ko sya pag kailangan ko sya.

Madumi ba? Hindi. Dahil isang lalaki lang naman ang binabayaran ko para mapaligaya ko.

Alam ko namang safe ako sa kanya dahil bukod sa gumagamit kami ng contraceptives ay pina-imbestigahan ko na din ang lalaking yon. Hindi naman ako magbabayad ng isang maduming lalaki.

Sinigurado kong malinis syang lalaki bago pa man sya dumapo sa katawan ko.

Ken Steven Angeles Chan, my exclusive escort.

Continue Reading

You'll Also Like

11.3K 125 23
after the drone war trigger recruits new team of LRSSG. they encounter a raven that made a portal sucked in strider team & awacs long caster to anoth...
34.3K 97 1
I met her and unlike the others, she didnt judge me for who i am My world is black and white and she gave me the colors of the rainbow started: Jun...
3.7M 294K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...
1.3M 69.9K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...