Not So Boy Next Door (COMPLET...

By aril_daine

3.4M 76.1K 6.6K

If you think you've heard my story before trust me-- you haven't. -Jade Louise Cruz More

Not So Boy Next Door
Chapter 1: So freaking wrong!
Chapter 2: Maybe
Chapter 3: Dyosa
Chapter 4: I won't go chasing
Chapter 5: Chess Master
Chapter 6: Feeling Superhero
Chapter 7: Seriously?
Chapter 8: Weakness
Chapter 9: Good Old Days
Chapter 10: Love is...
Chapter 11: I hate her
Chapter 12: Help me
Chapter 13: Bwisit ka talaga!
Chapter 14: Tsismosa
Chapter 15: Goodnight
Chapter 16: ...
Chapter 17: Weird
Chapter 18: I waited for nothing
Chapter 19: 'Kay
Chapter 20: Pain Pain Go Away?
Chapter 21: Buti nga!
Chapter 22: Drunk
Chapter 23: Ten
Chapter 24: Meanie
Chapter 25: Bwisit
Chapter 26: Broken Rule
Chapter 27: Valid or void?
Chapter 28: Midnight Phone Call
Chapter 29: Ewan! Ewan!
Chapter 30: You're Annoying
Chapter 31: D and his Game
Chapter 32: That was so embarrassing!
Chapter 33: Hormones
Chapter 35: Only one
Chapter 36: Clingy
Chapter 37: Happy birthday to me
Chapter 38: Thief
Chapter 39: Stop
Chapter 40: Baliw
Chapter 41: Damn Medicine
Chapter 42: Suhol
Chapter 43: Amazing
Chapter 44: Katahimikan
CHAPTER 44 Part 2: Bun in the Oven
CHAPTER 45: FLASHBACK
CHAPTER 46
Chapter 47: Party
Chapter 48: Assuming
CHAPTER 49: Fine!
CHAPTER 50: END

Chapter 34: 2 seconds

47.5K 1.3K 92
By aril_daine

Chapter 34: 2 seconds

 

Ang sabi ko sakanya kanina ay ihatid ako. Hindi ko naman sinabi sakanyang mag-stay sila dito at ubusin ang laman ng ref namin at manood ng basketball sa sala.

Nakahalukipkip akong nakatingin sakanilang dalawa pero tila hindi nila ako napapansin at kain lang nang kain habnag tutok na tutok sa pinapanood. Hawak-hawak ni Kit ang chip at si D naman ay nakayakap sa unan.

“Go home.”

“Sshh! Nanonood pa kami.” Ngayon ko lang napansin na hindi nanaman pala matino ang damit niya. Suot niya yung pang-mayor niyang damit! Bakit ko ba siya gusto? Gee! Walang matinong explanation kung bakit. “Huwag mo akong titigan, Jeling. Naiilang ako.”

“As if naman. Kit, kwentuhan mo nga ako kung bakit ang wirdo mong pinsan ay wirdo pa rin hanggang ngayon?”

“Wirdo naman talaga ‘yan ate. Bakit ba kasi siya? Ang dami namang iba dyan. Mas wirdo tuloy lalo ngayon. Maraming babae ‘yan. Sa school palang lagi ng nakaaligid sakanya yung si Ms. Leonna.”

“Saka yung ex niyang si Pauline.” Dagdag ko naman.

“Bakit alam mo ‘yun? Diba dapat hindi niya sinasabi sayo kasi baka magselos ka?”

“Hindi naman ako nagseselos. Kahit magsama pa sila ng ilang araw kung gusto nila.”

“Bakit niyo ba ako pinag-uusapan? Nananahimik ako dito, e.” Reklamo nito sabay agaw ng chip kay Kit.

“That’s the point. Manahimik ka nalang dyan.” Sabi ko bago muling bumaling kay Kit. “So Kit, anong kukuhanin mong course?”

“Baka ECE. Alam mo bang dapat yun ang course ni kuya Carding? Nagpasaway kasi.”

“Tsk. Uuwi na ako.” Tumayo na si D na halatang naasar sa pagkamadaldal ni Kit. I don’t get him.

Tumayo na rin naman si Kit para sundan si D. “Ate alis na kami.” Paalam pa niya saakin.

Weird. Ang weird ni D.

Kinabukasan parang tense na tense ang mga tao sa faculty. Lahat sila ay seryoso at wala ni isang nagsasalita sakanila.

“Anong meron?” Tanong ko kay Leonna dahil mukhang wala naman balak sabihin saakin ng co-teachers ko ang detalye. Tahimik lang silang ginagawa ang mga trabaho nila.

“It’s about Kit and Carding.”

“Bakit anong nangyari?” Kahapon lang ay kasama ko pa sila. Wala namang problema sakanilang dalawa.

“Ewan. Pero feeling ko masususpend si Kit.”

“But he’s a good kid.” Nang marating ko ang table ko ay inilapag ko na doon ang mga gamit ko. Umupo naman sa tabi ko si Leonna.

“Well apparently he’s not that good.”

“Don’t say that. Mabait si Kit, Leo.”

Hinanda ko na ang materials ko bago lumabas ng faculty. Papunta na nga sana ako sa first class ko nang makasalubong ko si D. Halata sa mukha niya na wala siyang ganang makipag-usap. Galit din ang nakikita ko ngayon sa mukha niya.

“D.” Huminto ito sa harap ko. “Bakit ka pinatawag? May problema ba?”

Huminga siya nang malalim at nagkamot ng ulo. “Mamaya nalang tayo mag-usap.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay iniwan na niya ako. Pinanood ko nalang siyang maglakad palayo saakin. Apat na salita lang ang sinabi niya pero hindi ko alam kung ano ba ‘tong nararamdaman ko. Feeling ko biglang bumigat ang dibdib ko.

Tinawagan ko si Miyuki nang matapos na ang klase. Naka-leave naman siya ngayon kaya ayos lang na tawagan siya.

“Ayaw ka niyang kausapin?”

“I don’t know. But I’m upset. Lagi niya akong siniset aside kapag namromroblema siya.” Wala akong karanasan sa boyfriends maliban kay Jake. God! I hate to admit it but I don’t know anything about relationship! “Ayos naman kami kahapon. Well, maliban sa medyo moody kaming dalawa but we’re fine naman. Ang hirap lang kasi na wala naman saamin yung nagcreate ng problem?”

“You’re thinking too much JL.”

“I am?”

“Baka. Bago palang naman yung relasyon niyo at medyo nangangapa ka pa. Ganun din siya.”

“He didn’t even court me. Iniisip ko tuloy na baka dahil agreement lang ang lahat. He’s stupid! I think I’m gonna go out tonight.”

“Relax JL. Huwag mo ng dagdagan yung stressed niya.”

“Thanks Miyuki. Bye.” Pagkatapos ko siyang tawagan ay si Cole naman ang tinawagan ko. I can’t go out with Leonna. Sasakalin lang niya ako kapag nalaman niyang namromroblema ako sa taong gustong-gusto niya.

Nagkita kami ni Cole sa isang restaurant para kumain. Actually, we’re done eating. Kumakain nalang kami ng desserts at pinapakinggan niya ako sa mga reklamo ko sa buhay, kay Damian to be exact.

“Can you believe that? Naiinis ako sakanya.” Reklamo ko kay Cole.

“Pero sabi niya kakausapin ka niya”

“He didn’t. Nakita niya ako bago ako umuwi pero wala siyang sinabi saakin. Kahit nga bye wala siyang sinabi.” Kasalukuyan kong hinaharass ang fork dahil ayaw kong may masayang sa cake na kinakain ko.

“That’s distracting JL.”

“Ang alin?”

“The way you eat your cake.” Sagot nito bago tumingin sa ibang direksyon. Marahil ay nailing siyang sabihin iyon. Fine. Table manners ko nga naman.

“Sorry. Anyway, ganyan ba kayong mga lalaki? Ayaw isali ang girlfriend sa problema? Selfish niyo rin, e.”

“Stressed lang siguro ‘yun. O kaya gumaganti kasi sinusungitan mo katulad ng sinabi mo kahapon.”

“But he won’t do that. Mababaw.” Bakit ko ba siya pinagtatanggol? “Imbes na makatulong ka ginugulo mo naman ang isipan ko.”

“Mabait ‘yang si Carding. Intindihin mo nalang kung ganyan siya ngayon. Ang tingin ko kasi may trust issue siya.”

“Paano mo nasabi? Noong nakaraan lang naman kayo nagkita.”

“hmm.” Umupo siya ng maayos at tinitigan ako sa mata. “Magkaibigan kami noong college.” Katulad niya ay umayos din ako ng upo. Hindi ko gets.

“Pero noong---“

“Tuwing nagkikita kami, hindi kami nagpapansinan. Nagkukunwari kaming hindi magkakilala kaya kahit gusto ko siyang kausapin wala rin akong magawa. Galit siya saakin JL. Baka nga kapag nalaman niyang nakipagkita ka saakin, baka magalit siya sayo.”

“Magalit siya o hindi, wala na akong pakialam. Anyway, thanks sa pakikinig saakin.”

“Uuwi ka na? Ihahatid na kita.”

“Edi kapag nalaman niyang inihatid mo pa ako edi mas lalo pa siyang magalit sayo.”

“Sabi mo wala kang pakialam.” Nakangiti nitong kumento.

“But seriously, thanks.” Nginitian ko siya at nagpaalam na ako sakanya ng tuluyan. Hindi ko pa rin talaga maintindihan kung anong problema ni D sa buhay. Daig pa niya ang pagiging moody ko.

Nasa labas na ako ng restaurant nang makita ko si D. Nakayukom ang palad niya at nakatingin saakin. Galit nga siya. Kitang-kita kasi mula dito sa labas ang mga tao sa loob. Gee.

Pagkatapos niya akong i-exclude kanina sa problema niya, ngayon ganito siya saakin?

Nagdirediretso lang ako papunta sa taxi lane.

“Jade. Dala ko yung sasakyan ko.” Alam kong sinusubukan niyang maging malumanay ang boses niya sa kabila ng pagkainis na nakita ko sa mukha niya. Alam kong inaamo lang niya ako dahil alam niyang iba ang ugali ko. “Look, I’m sorry.”

“Bakit ka nagsosorry?” Humarap na ako sakanya. “Where’s your car?”

“Yung kanina. Hindi naman gaanong malaki yung problema kaya hindi ko na sinabi sayo.” Eksplika nito habang papunta kami kung saan naka-park ang sasakyan niya.

He’s wearing his faded jeans and brown t-shirt. Why does he have to be so sexy when I’m mad?

Walang nagsalita saamin hanggang maihatid niya ako sa bahay. Nung lumabas ako sa sasakyan niya ay lumabas rin ito para sundan ako.

Nakapatay na ang mga ilaw kaya alam kong tulog na sina lola at Hazel.

Pumasok ako sa loob ng bahay at sumunod siya hanggang sa loobng kwarto ko.

“D, you’re not allowed here.”

“Kailan pa?”

“Gee! Nagsorry ka na, okay na.”

“Pero hindi mo sinabi saakin na magkikita kayo ni Cole.” Lumapit siya saakin na dahilan naman ng pag-atras ko.

“D.”

“What? Kung tatanungin mo ako kung anong nangyari kaninang umaga, it’s no big deal. Suspended ako sa trabaho ng ilang araw dahil akala nila binigay ko kay Kit ang mga sagot sa exam noong nakaraan. Pathetic, right? Bakit ko naman yun gagawin? Tanga ba ako para ibigay yung mga sagot? See, hindi naman malala. Kit’s fine dahil kailangan pa niyang patunayan na hindi siya nagcheat. Now tell me, bakit mo kasama si Cole?” Habang nagpapaliwanag siya ay hindi ko namalayan na nakasandal na ako sa pader at ang mga kamay nito ay nakalapat din dito.

“It’s nothing.”

“You’re smiling at him and it’s nothing?”

“Bawal na bang ngumiti ngayon? D naman. Mag-aaway ba talaga tayo dahil dito? Oo, tinawagan ko si Cole kasi asar na asar ako sayo kanina pero alam ko bang galit ka sakanya? Hindi. At kahit sinabi niyang galit ka sakanya, hindi ko tinanong kung bakit. Hindi mo nga sinasabi saakin na kaibigan mo pala siya noong college kayo. So please, don’t talk to me like that.” Nakayuko kong sabi sakanya. He’s pinning me on the wall and I don’t have the strength to push him away. He’s too strong and sexy and... strong! He’s accusing me na para bang may ginawa akong masama kasama si Cole but here I am! Pinagnanasahan pa siya! Gee JL!

“Why?” I shiver when he asked. He’s too sexy to resist. “Am I not good enough for you?”

“T-that’s not it.”

“Then why?”

“Get off me.” But instead, he leaned his warm heated body against mine, trapping me even more.

He lowered his head and I felt his breath, warm and uneven on my neck. “I’m jealous Jade. I’m fcking jealous.”

“Really?” Mahina kong tanong sakanya, almost smiling.

“Did you do that on purpose?”

“No.” Umiling ako dahil hindi ko naman sinadya iyon. Pero hindi ko mapigilan ang mga ngiti ko ngayon. He’s jealous and I know that he can’t see me smiling, not when I’m not looking at him. “Hindi ko nga alam kung bakit ka nandoon.” Kinagat ko ang mga labi ko para muling pigilan ang mga ngiti ko at para naman makatingin na ako sakanya. Compose yourself JL.

“Pumunta ako dito pero wala ka. Sinabi saakin ni lola na lumabas ka.” Ngayon naman nakangiti na siya saakin. Gee.

“Stop smiling D. We’re fighting, remember?”

“I don’t feel like fighting anymore. Can I have a hug instead?” How can I resist that grin?

“No.” Bakit hindi ka nalang nag-yes? God! Kapag umayaw siya ay baka wala na akong chance! He smells so good tonight pa naman!

“Nahalikan na nga kita tapos bawal ang yakap?” Feeling ko ay biglang nag-init ang mukha ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang mukha ni Mariano nang makita niya kaming dalawa. Gulat na gulat siya sa nakita niya kaya kaagad kong naitulak si D.

So what if hindi dumating si Mariano? Anyway JL, harapin mo ang present! He’s driving me insane!

“F-fine, just 2 seconds.” Agad niya akong niyakap nang sumagot ako. Hindi lang 2 seconds basta hindi ko alam kung gaano katagal. We’re both weird and we’re in a relationship that can be wrecked easily, a relationship that doesn’t have a strong foundation.

We’re really one of the weirdest couple. Do I really like him or maybe I’m already falling hard for him?

“May I sleep beside you?”

“No. Just go home for tonight, D.” But then, I found myself hugging him back.

***

A/N: ewan magulo nasa utak ko! hahahahaa! may group pala NSBND. Nasa gilid ang link. O kaya na-ishare naman yata ni fafa cards sa FB :))))

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 49.5K 72
Published Under Pop Fiction | Paperback available for PHP195 in bookstores nationwide. (Completed // UNEDITED) Si Jake Flynn ay isa sa pinakatanyag n...
1.9M 92.3K 163
This diary belongs to Ylona Maria Ibarra, the quiet island girl.
3.1M 78.1K 100
Ang diary ng isang NBSB...
13.3K 1.2K 27
Masayang nagsusulat si Venny sa Wattpad. Everything was going well for her hanggang sa nilamon siya ng inggit at ninais na maging sikat na manunulat...