Love and Lost (On Going - Und...

By laymedown_07

1.9K 1K 337

Kiandra Kyle Lunox, is a 19 years old girl college student. She is a type of girl na hindi marunong magseryos... More

Letter/Liham
"PRO-LOGUE"
● CHARACTERS ●
Author note;
CHAPTER I: First Day
CHAPTER II; Lars Jandrik Montallana
CHAPTER III; Officially meet
CHAPTER IV; Duet
CHAPTER V; Accidentally Kiss
CHAPTER VI; Untold feeling
CHAPTER VII; Bracelet
CHAPTER VIII; Unexpected Duet
CHAPTER IX; Necklace
CHAPTER X; Hoodlum
CHAPTER XI; Old friend
CHAPTER XII; Strange Feeling
CHAPTER XIII; Debut
CHAPTER XIV; Aminan feelings
CHAPTER XV; Courting
CHAPTER XVI; Past
CHAPTER XVII; Start of Something New
Appreciation Note.
CHAPTER XVIII; Complacent
CHAPTER XIV; Something's Wrong
CHAPTER XX; Love of a Friend (Daniel)
CHAPTER XXI; Black Gang
CHAPTER XXII; Please help me move on (Ralph)
CHAPTER XXIII; Oplan Move On 101 (Ralph)
CHAPTER XXV; Decision between Friendship and Love (Alexa)
CHAPTER XXVI; Officially
CHAPTER XXVII; Letting Go
CHAPTER XXVIII; Barista
CHAPTER XXIX; Misunderstanding
CHAPTER XXX; LQ
CHAPTER XXXI; Jealousy
CHAPTER XXXII; Paranoid
CHAPTER XXXIII; I Hate It
CHAPTER XXXIV; I Missed You
CHAPTER XXXV; Supposed to be a Date
CHAPTER XXXVI; Unknown Number
CHAPTER XXXVII; Time
CHAPTER XXXVIII; Beach

CHAPTER XXIV; Complicated

30 28 2
By laymedown_07

-KIANDRA-

"Bakit mo ba kasi pinulot yung bubog? Tapos ngayon iiyak-iyak ka jan. Tss".

Nandito kami ngayon sa likod ng bar. Sa may bandang puno. Naka-upo lang kami rito habang ako, nililinis ang nabubog ni Ralph na hintuturo. Medyo malaki rin kasi ang hiwa.

"Hindi naman ako umiiyak dahil jan sa sugat ko". Patuloy sa pag iyak ni Ralph na sambit habang nakatitig siya sa ginagawa ko. Binalutan ko ang sugat niya ng band aid.

"Eh kung hindi jan, dahil saan ha? Wag ka munang kumilos sa bar mo dahil malaki-laki 'yang hiwa sa daliri mo. Baka lumala pa 'yan at ma-impeksyon ka pa".

"Duh. Alam mo naman kung dahil saan kaya ako umiiyak".

Inis akong nakangiwing tinignan siya. "Pakiramdam ko, nagkaroon agad ako ng anak nang wala sa oras".

He chuckled. "Pero... Thank you Kia".

"Para saan"?

"Para rito. For helping me to move on. For always cheering me up. Sorry ha? Sorry kung yung oras mo imbis na kay Lars na lang, sa akin pa napupunta". Sabay yuko niya. "Aray naman"! Marahan nitong hinimas ang likuran ng ulo niyang binatukan ko, at tila maamong asong tumingin sa akin.

"Siraulo ka! Para saan pa at naging magkaibigan tayo kung papabayaan kita? Besides"... Napatingin ako sa langit at napangiti. "Alam kong naiintindihan niya 'yon. Magkakaiigan kaya tayong tatlo".

"Thank you for the both of you". Napatingin ako sa kaniya. Kinuha niya ang kaha ng sigarilyo niya at nag sindi. Pagka sindi niya, inalok niya ako ng isang stick, at syempre, kumuha naman ako. "Ang swerte ko at nakilala ko kayong dalawa". Napangiti ako.

"Swerte rin kami sa iyo".

Napangiti siya habang napapailing. "Now I know why you both fall for each other"

"Hey". Napatingin ako sa bagong dating na Drik. Hinalikan niya ako sa pisnge. Inalok siya ni Ralph ng yosi at katulad ko, kumuha rin siya. Kahit naman mayayaman kami may pagka kuripot din kami minsan syempre.

"Oh? Bakit ka lumabas"? Tanong ko.

"Wala lang. Ayaw mo bang nandito ako"?

"No! I loved to. I mean, anong nangyri sa loob at lumabas ka"?

"Nothing. Na bored na ako sa loob eh. So I followed you guys". Nginitian ko na lang siya. "How are you? It's not like, you're obvious earlier". Tumawa pa ito ng mapang-asar. Sinamaan ko siya ng tingin.

Nakuha pang mang-asar, eh broken na nga 'tong isa.

"I'm just kidding". Napailing na lang ako.

Pambihira talaga!

"Nga pala, nasaan na sila ngayon"? Tanong ko.

Si Ralph, tahimik lang. Dapat magsama sila ni Mark. Parehas na tahimik lang.

"I dont know. The last thing I knew, tulala silang lahat pagkatapos ng eksena niyo".

Ilang minuto rin kami binalot ng katahimikan bago ito binasag ni Ralph. "Tara na sa loob? Inom tayo. Libre ko"!

"Hindi ko alam kung dapat ko na bang gustuhin na lagi kang broken"? Sabay tawa niya ulit. Pinalo ko siya sa balikat niya.

"Baliw ka".

"Crazy for you". Sabay wink. Putek! "You're blushing"!

"Ang lakas ng trip mo ngayon ha"

"Hoy, hoy, hoy! 'Wag kayo sa harapan ko maglandian! Pambihira! Bitter ako ngayon pwede ba"! Sabay irap. Kahit papaano pala may pagka baklang side pa rin ang isang 'to.

"Gusto mo hanap kitang chicks ngayon"?

"No. Na trauma na ako sa mga chicks na 'yan. Balik ako sa mga may mga hotdogs". Sabay silang dalawang natawa.

Natutuwa ako na kahit papaano, bumabalik pa rin yung dating Ralph na kilala ko... Nami

"Ano? Magtatawanan na lang kayo jan dalawa o iinom tayo"? Epal ako eh.

"Arat na"!

-ALEXA-

"Makiramdam ka sa mga taong nakapaligid sa'yo. Malay mo, baka may nasasaktan ka na pala, hindi mopa alam".

Tinignan niya muna kami parehas ni Aaron, bago siya tuluyang umalis.

Anong ibig niyang sabihin doon? Kahit kailan talaga pa mysterious effect pa itong si Lars. Tss.

"Tss. Asshole. Tara na Love".

"Saan tayo pupunta"? Sabay hila niya sa akin kung saan. Samantalang yung ibang kaibigan namin ay iniwan niya roon sa bar counter.

"Sa VIP room. Mag-inom na lang tayo. Besides we're here to have fun".

"Paano sila? Yung iba pa nating friends"?

"Dont mind them. Susunod din sila sa atin mamaya".

Pagkarating namin sa VIP room, ay agad na um-order si Aaron ng alak. Good for six persons. "Yung trending niyong alak ngayon ang ibigay mo sa amin". Dagdag pa niya.

"Okay sir". Lumabas na ito ng kwarto pagkatapos.

Ano kayang nangyayari kay Ralph? Usually, hindi siya gano'n kumilos eh. Ang weird niya this past few days.

"Anong iniisip mo"? Sabay hawak ni Aaron sa kamay ko. "Kanina ka pa kasi tahimik simula ng eksenang 'yon".

"Wala naman. Nag-aalala lang ako kay Ralph. Ang weird niya kasi this past few days. Usually hindi naman kasi siya gano'n kung kumilos eh".

"Pansin ko rin 'yon. Close sila ni Kia, pero hindi ipagpapalit ni Kia na makasama si Lars kesa kay Ralph. Pero-". Bago pa man niya matapos ang sasabihin niya ay pinutol ko na ito.

"Pero kasi ngayon feeling mo iba na? May something na"?

"Yeah? Kasi imbis na si Lars ang laging sumusundo sa kaniya sa bahay, ay laging si Ralph na. Kung hindi silang dalawa, silang tatlo naman nila Lars. Minsan ko na nga lang makita si Lars at Kia na silang dalawa lang ang magkasama eh. Laging kasama si Ralph".

"And ang weird pa nung sinabi ni Lars sa iyo kanina". Napabuntong hininga ako.

Kung may problema man silang tatlo sa aming dalawa ni Aaron, bakit hindi nila kami komprontahin at ginaganito nila kami ng trato, na akala mo wala kaming pinagsamahang lima.

"Dont mind them. Katulad ng sinabi ko kanina, we're here to have fun". Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nginitian ako. Napangiti na lang din ako.

Sa mga ganitong sitwasyon mabilis manghina ang loob ko. Paano na lang kaya kung wala si Aaron sa tabi ko? Ano na lang kaya ang mangyayari sa akin sa mga ganitong pangyayari? Nung magkalayo kaming dalawa, hindi ko pa naranasan ang bagay na 'to.

"Hoy, hoy, hoy! Ang daya niyo. Iniwan niyo kami sa counter at nagsosolo kayong dalawa ng inom dito"?! Nagulat ako sa bagong pasok na si Jeff. Kasunod niya sila Dan, George at Charles.

"Oo nga! Ang dadaya niyo"! Paggatong naman ni Charles.

Isa-isa silang umupo sa tabi namin ni Aaron. Sakto namang dumating ang mga alak na inorder ni Aaron. Si Charles naman, kumuha sa sigarilyo ni Aaron na kakalapag niya lang ngayon sa table.

"Hoy! Uso magpaalam"! Paghihimutok ni Aaron. Natawa na lang ako sa kanila. Hindi niya pinansin ang sinabi ni Aaron.

"Hoy ugok! Ano yung eksena niyo ni Lars kanina ha"? Seryosong sambit ni Charles habang subo-subo niya yung sigarilyong kinuha niya kay Aaron at sinisindihan ito.

"Tss. Hindi ko alam sa gagong 'yon". Sabay shot ni Aaron sa alak niya.

"Alam mo pre"... Humits muna si Charles sa yosi niya bago ito nagpatuloy. "Tingin ko lang ha? Lars has a point".

"What do you mean"? Kunot noong tanong ni Aaron.

"I think so too". -George

"Yeah". -Dan

"I thinks so three". -Jeff.

"Eto pre, hindi ko alam kung pansin mo ha". Humits muna ulit si Charles sa yosi niya.

"Can you please get straight to the point"? Mataray kong sambit.

Ang daming pa suspends effect.

"Okay. Easy". Mahina itong natawa at himits ulit sa yosi bago nagpatuloy. "Ayon nga. Pansin ko lang na simula nung nalaman ni Ralph na kayo na, naging ganiyan na yung trato niya sa inyong dalawa".

Pansin ko na rin 'yon. Pero ngayon ko lang unti-unting na s-sink in sa utak ko at natatanggap sa sarili ko ang ibig sabihin ng mga nangyayari dahil sa sinabi ni Charles.

"Kung hindi lang bakla ang pagkakakilala natin kay Ralph, maniniwala ako sa iniisip ko ngayon eh". Sabay kuha ni George ng alak at tawa.

"Yeah me too". -Jeff.

"Walanghiya pre! Kanina ka pa english ng english! Maawa ka naman sa ilong ko"! Pagmamaktol ni Dan. Pinagtawanan lang siya ni Jeff. "Teka. Ano bang iniisip niyong dalawa kay Ralph ngayon"?

Hindi kaya...

"Na nagseselos siya". Sabay na sabi in chorus ni Jeff at George.

And it hits me. Napailing ako. Hindi. Hindi pwede.

Assuming mo Alexa ha? I murmured.

Napatingin ako kay Aaron. Nakatulala lang siya. Paano nga kaya? Paano nga kaya kung totoo ang naiisip naming lahat ngayon? Ano nga ba ang gagawin ko?

Pinilit na lang namin alisin 'yon sa mga isip namin at nag enjoy. Pagka-ubos ng unang order ni Aaron na mga alak, ay nag order pa ulit siya.

"Hoy pre! Ang daya mo"! Inagaw kasi ni Jeff ang alak na hawak ni George.

"Maghinay-hinay ka lang pre. Wag tayo masyadong magpakalasing". Si jeff 'yan.

"At bakit aber?! Akin na nga 'yan"! Aagawin na sana ni George yung alak niya kaso tinaas ni Jeff ang braso niya.

"Tignan mo kasi ang mga kasama natin pre. Marami nang na-iinom. Walang mag mamaneho sa atin pauwi kapag nalasing tayong lahat".

"Sabagay. May point ka nam-- Hoy gago! Akala ko ba maghinay-hinay ha"? Ininom din kasi ni Jeff yung kinuha niyang alak kay George. Natawa na lang ulit ako.

"Oh! Tumigil na kayong dalawa jan"! Awat naman ni Charles. Siya lagi ang dakilang taga awat sa aming lahat.

"Oo nga! Ang iingay niyo"! Singit naman ni Aaron.

"Naging bar pa 'to kung hindi kami mag-iingay"? Pagpoprotesta naman ni Jeff. Si Dan? Ayon. Busy sa pag kanta.

"Excuse me guys. Rest room lang ako". Paalam ko.

"Samahan na kita"? Concern na tanong ni Aaron.

"No. I can handle it. Sandali lang ako". Nginitian ko na lang siya at ganun din ang ginawa niya sa akin.

Pagkarating ko sa rest room, ay agad akong pumasok sa isa sa mga cubicle roon at ginawa ang pakay. Marami-rami na rin kasi kaming naiinom eh.

Pagkatapos kong umihi, nag hugas na ako ng kamay. Napatingin ako sa salamin. Naalala ko ulit yung kanina. Paano nga kaya? Ano nga kaya ang gagawin ko kung malaman kong totoo 'yon?  Sinong pipiliin ko?

Kapag si Aaron kasi ang pinili ko, iiwasan na ako ng tuluyan ni Ralph. Masisira ang pagkakaibigan naming dalawa ng dahil lang doon.

Kung ang friendship naman namin ni Ralph ang pipiliin ko, si Aaron naman na mahal ko ang mawawala sa akin at hindi ko kakayanin 'yon. Lalo na ngayon na mag kasama na kami at may natatawag na akong 'kami'.

"Haissst!!! Nababaliw ka na Alexa"! Sabay gulo ko ng buhok ko habang umiiling. Bago ako lumabas ay nag hilamos na muna ako para pampagising. Isinuklay ko rin ang mga daliri ko sa nagulo kong buhok.

Nang malapit na ako sa may VIP room kung nasaan kami kanina, ay biglang lumabas si Ralph sa katabing VIP room lang din namin.

Ralph...

"Ralph". Tinignan niya lang ako at aalis na sana nang hawakan ko ang braso niya. "Wait"!

"What"? Cold niyang sabi.

Nakakainis na siya!

"Bakit ka ba nagkakaganiyan!? Ano bang problema mo!? May nagawa ba ako sa iyo ha!? Sabihin mo! Deretsahin mo ako hindi yung tinatrato mo ako, kami ni Aaron ng ganiyan na akala mo wala tayong pinagsamahang tatlo! Bakit hindi ka na lang maging masaya sa amin"? Inis kong bulyaw sa kaniya. Napaka duwag niya!

"Bakit Alexa? Kapag sinabi ko ba ang dahilan ko, masusuklian mo ba 'yon? May magagawa ba 'yon? Hindi, at wala naman diba? Mahihirapan ka lang kung sasabihin ko...

At ayokong mahirapan ka. Masaya ako para sa inyo. Really. Pero bigyan mo pa ako ng panahon para mawala ito".

Napatahimik ako...

Para bang nag slow motion yung pag tanggal niya sa kamay kong nakahawak sa braso niya, bago siya tuluyang umalis.

Napatulala ako...

Nakatingin lang ako sa likuran niyang unti-unting lumalayo sa kinaroroonan ko.

Bakit ganito? Parang nakaramdam ako ng kakaibang sakit?

Nagulat na lang ako ng biglang may humawak sa braso ko. Napatingin ako sa kamay niya. "Hey. Are you okay"?

Hindi ako makapag salita. Bakit ang lakas ng impact ng sinabi ni Ralph sa akin? Anong ibig niyang sabihin?

"Love"? Natauhan ako ng hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"H-ha"?

"Sabi ko, okay ka lang ba"?

"H-ha? A-ah. Yeah. I'm okay. Anong ginagawa mo rito sa labas"?

"Ang tagal mo kasi eh. Susundan na sana kita, kaso nakita na nga kita rito sa may pinto na nakatayo lang".

"Ah. S-sorry. Lets go? Pasok na tayo". Nginitian ko si Aaron at nagpatiuna siyang naglakad pabalik ng room. Napahilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko, bago sumunod sa kaniya.

Hanggang pag-uwi at bago ako matulog, ay iniisip ko pa in ang mga sinabi niya.

Nahihilo na ako sa antok dulot ng alak kanina, pero hindi ko pa rin makuhang makatulog

"Bakit Alexa? Kapag sinabi ko ba yung dahilan ko, masusuklian mo ba 'yon? May magagawa ba 'yon? Hindi, at wala naman diba? Mahihirapan ka lang kung sasabihin ko...

At ayokong mahirapan ka. Masaya ako para sa inyo. Really. Pero bigyan mo pa ako ng panahon para mawala ito".

Paulit-ulit na nagpa-play na parang sirang plaka sa utak ko ang sinabi niya kanina.

Napabuntong hininga ako. Paano ba 'to?

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa may side table, kaya agad ko itong kinuha.

*1 message received*

From: Lars
-Still up?

-end-

Anong meron at tinext ako ngayon neto ng ganitong oras?

To: Lars
-Yup . Why ?

-end-

Ilalapag ko na sana yung phone ko sa side table ng muli itong mag vibrate.

From: Lars
-Kapag pinapili kita? Sinong pipiliin mo? Ralph or Aaron?

-end-

Ano naman kayang pumasok sa utak nito?

To: Lars
-Saan naman galing 'yang tanong mo ? Baliw ka .

-end-

From: Lars
-Just answer my question.

-end-

Napa-isip ako. Sino nga ba ang pipiliin ko? I heavily sighed. Ganda problems, jusko.

To: Lars
-The truth is... I dont know. Parehas silang importante sa akin kaya naguguluhan ako kung sinong pipiliin ko sa kanila. Bakit ba ?

-end-

From: Lars
-Nothing. I just want you to know, na kung sino sa kanila ang pipiliin mo, nandito lang kami ni Kia para sa iyo. Sa inyong tatlo.

-end-

To: Lars
-Can you give me some advice? Atsaka saan ba nanggagaling 'yang mga tinetext mo ?

-end-

From: Lars
-Alam natin parehas kung saan nanggagaling ang mga tinetext ko. Hindi ka naman gano'n ka manhid, hindi ba Alexa?

-end-

To: Lars
-Yeah .  So can you give me some advice ? Tingin mo ? Sinong dapat mong piliin ?

-end-

From: Lars
-Ikaw lang ang makakasagot ng tanong mo. Kahit naman sino ang piliin mo sa kanilang dalawa, alam nating parehas na may masasaktan at masasaktan kang isa sa kanila. Pag isipan mong mabuti kung anong gagawin mong desisyon. Sundin mo ang puso mo.

Good night, Alexa.

-end-

To: Lars
-Good night . Thank you Lars .

-end-

May point siya. Pero naguguluhan pa rin ako. Napatingin ako sa ceiling ng kwarto ko at tumitig doon. Pipikit na sana ako ng maramdaman ko uling mag vibrate ang phone ko sa may tyan ko.

From Lars:
-Whatever your decision is, you need to accept the consequences na kapalit no'n.

-end-

Bakit ang complicated ng buhay?

Ang pag-ibig talaga parang lason. Nakakamatay sa hindi mo malamang sakit.

-TO BE CONTINUED-

Sorry for another madramang chapter. 😁 Hope you enjoy this though.


L I K E, C O M M E N T AND S H A R E !! 🖤

- Laymedown_07 💚

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.6K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
999K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
32.2K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...