Tossed Coin

By peachxvision

222K 6.1K 5.3K

Toss. Flip. Drop. More

Chapter 1: Heads
Chapter 2: Fast Forward
Chapter 3: Press Rewind
Chapter 4: Play
Chapter 5: Square
Chapter 7: Circle
Chapter 8: Game Over
Chapter 9: Night Sky
Chapter 10: Contradiction
Chapter 11: Static
Chapter 12: Skates
Chapter 13: Two Things
Chapter 14: Beside
Chapter 15: Waiting in Vain
Chapter 16: A Broken Promise
Chapter 17: Invitation
Chapter 18: Middle
Chapter 19: Speed Up
Chapter 20: Mister Independent
Chapter 21: Blind
Chapter 22: Doubts
Chapter 23: First
Chapter 24: Girl Talk
Chapter 25: Going Back
Chapter 26: Fireworks
Chapter 27: All I Could Do
Chapter 28: Moving On
Chapter 29: The Story of a Swan
Chapter 30: Till the Rain Stops
Chapter 31: Twinkle
Chapter 32: Stabbed
Chapter 33: The Silence That Speaks
Chapter 34: I Hate This Chapter
Chapter 35: His Return
Chapter 36: Guess Who's Back
Chapter 37: Intersection
Chapter 38: The Story Behind the Story
Chapter 39: Clearly
Chapter 40: Toss, Flip, Drop
Chapter 41: White Light
Chapter 42: "Tossed" Is Past Tense
Chapter 43: Tails

Chapter 6: Squiggle

2K 112 97
By peachxvision

No'ng susunod na linggo, hindi nagpakita si Jet sa tambayan.

Napaisip tuloy ako kung ako ang dahilan. Pero ayaw ko naman mag-assume, 'di ba? Feeling ko naman iniiwasan niya ako dahil do'n sa awkward moment namin sa playground. Ang feeler ko talaga. Pero pa'no kung iyon nga tapos wala akong ginawa para magkaayos kami?

Naging malungkot ang mga araw na 'yon. Oo, hinahanap-hanap ko siya kasi hindi ako sanay. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang tanga. Siguro nakokonsensiya ako. Tama, nakokonsensiya lang ako.

Hay, ewan.

Nag-text ako kay Jet tuwing magkakayayaan kami ni Anya na kumain sa McDo. Pero 'di siya nagre-reply. Nagaalala na nga ako. Paano kung may dengue na pala siya? O baka mamaya naaksidente pala siya tapos walang nakaaalam sa 'min?

"Uuuuuy," tukso ni Anya nang makita niya akong nakatingin sa huling text ko kay Jet sa sent messages. "Nag-aalala na, o."

"Masama bang mag-alala sa kaibigan?"

"Asus! Kaibigan daw. Puntahan mo na kaya?"

"'Di ko alam bahay niya—"

"Pero siya alam niya bahay mo?"

"Ikaw rin naman, e."

"Natural, nakapunta na ako sa inyo. At nakapunta ka na sa 'min."

"Hindi naman niya sinasabi kung saan siya nakatira kahit sabay kami umuuwi."

"Ang dami mong dahilan. Bahala ka. Sinasabi ko sa 'yo . . . May mga taong akala mo 'di mo gusto makuha, tapos sila rin pala 'yong gusto mo talaga makuha sa bandang huli. Minsan 'yong gustong makuha ng iba, sinusuka naman ng isa, kaya sinusuka rin siya ng gusto niyang makuha."

"Ang gulo mo."

"Parang ikaw."

"Ikaw na ang love adviser na walang love life."

"Akala mo lang kasi wala akong love life. Underground kasi ako."

"Underground, ano? Ano 'yan, banda?" natatawa kong sinabi. "So meaning, mayro'n ka na talaga?"

Ngumiti lang siya sa 'kin. Pero kahit anong pilit ko, ayaw niyang magsabi kung mayro'n nga. Sabagay, ako nga, hindi ko masabi na si Sef at Gab ay iisa. Ano naman kung may mga bagay na hindi masabi si Anya sa 'kin, 'di ba? Hindi naman niya responsibilidad sabihin sa 'kin lahat, at wala rin akong karapatang ipilit sa kanya na magsabi.

Napagdesisyunan naming pumunta ni Anya sa Sunken Garden para maglakad-lakad. Napunta kami sa isang usapan kung saan nabanggit niya ang pangalan ni Jet. Napabuntonghininga ako. "Asan na kaya 'yon?"

"'Di ko alam, actually," sagot niya.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa kanya, ha, Anya?" biro ko kahit alam ko naman na baka ako ang dahilan kung bakit nagsimulang umiwas si Jet.

"Teka, bakit ako ang nasali sa usapan?"

"Feel na feel ko talaga, e. May gusto 'yon sa 'yo."

"Alam mo, kung aamin man siya, sasagutin ko 'yon. Agad-agad."

Nagulat ako sa sinabi niya kasi never pa niyang sinabing may sasagutin siyang lalaki. Kahit nga 'yong pinakakyut na lalaki sa kabilang org e napaligaw niya sa kanya pero walang epek. Si Jet lang pala ang makakasira ng sinumpaan niyang "After college na ako magbo-boyfriend" promise sa sarili niya.

"Ang problema," dagdag ni Anya, "may iba siyang gusto. To be more correct, hindi naman siya ang uri ng taong umaamin. Kaya siguro siya cute para sa 'kin. Halatang torpe."

"Ako magsasabi kay Jet!" napasigaw ako dahil sa kilig. "OMG, OMG! Kinikilig ako!"

"Hoy, teka, 'di ko talaga siya crush as in super crush, okay? I mean, sa lahat ng lalaki, siya 'yong pinaka-type ko. Alam mo bang . . . 'wag na nga."

"Hala, parang tanga! May sasabihin tapos . . . parang ano naman, e. Ano 'yooon!"

Natatawa si Anya dahil sa pagwawala ko. "Wala, wala. 'Wag mo na pansinin."

"Sige na, please, BFF?" Alam kong kaiisip ko lang na hindi niya dapat sabihin lahat, pero ayaw ko kasi kapag may sasabihin na tapos biglang uurong. Haha!

"Ganyan ka naman, e. Tinatawag mo lang akong BFF kapag may kailangan ka."

"Hala! Fine, 'wag na—"

"Joke lang! Hindi na 'to mabiro. Fine. Kasi . . ." Tumingin muna siya sa paligid bago niya tinuloy. "Naaalala mo no'ng umalis ka? 'Yong huli nating kita kay Jet?"

Iyon 'yong nagkita kami ni Gab . . . at nakalimutan ko na kikitain ko nga pala si Jet sa playground.

"Mga halos eight thirty 'yon . . ."

Eight thirty? Halos pagkatapos lang na pumunta si Jet sa bahay namin. "O, anong mayro'n?"

"Nagtext kasi ako sa kanya. Well, actually, dapat sa 'yo rin. Kaso naunang nasend 'yong kanya, e, piso na lang pala 'yong load ko at hindi ako unli."

"Tapos?"

"Inaway kasi ako ni Mama dahil nabasag ko 'yong baso sa bahay. E, kauuwi ko lang galing boarding house no'n tapos papagalitan agad ako."

"Ano ba 'yon . . . parang baso lang."

"Pero kasalanan ko naman talaga."

Siguro kung ako ang nasa sapatos ni Anya tapos pinagalitan ako dahil lang sa isang nabasag na baso, baka nag-away na kami ni Mama. Pero perpekto siya, e. I mean, alam ko namang walang perpekto sa mundo, pero siya na ang pinakamalapit do'n. Basta nasa kanya na lahat—maganda, mayaman, talented, mabait, matalino. Consistent ba namang dean's lister at scholar pa. Hindi ko masabing opposites kami. Mabait naman ako nang kaunti, matalino rin nang kaunti,. Nakapasa naman ako rito sa university na 'to. May kaya naman. Kahit papa'no e may talent. Mukha namang papasa ako sa sarili kong standards ng ganda. Kumbaga, a little bit of Anya.

'Di ko nga alam kung pa'no kami naging magkaibigan nito. E, ako pa naman 'yong tipong asal-bata at madaldal no'ng high school, tapos siya may finesse, mapili sa mga salita. Hindi ko naman akalain na magiging kaibigan kami nang matagal matapos namin maging classmates—at seatmates pa—no'ng second year.

"Ang bait mo talaga, ano?"

"So wala akong maiyakan. Tinatawagan kita sa bahay n'yo, pero wala ka pa raw do'n."

"Nando'n na ko ng eight thirty!"

"Mga seven siguro 'yon. Basta mga gano'ng oras."

"A, wala pa nga ako."

"Nag-text ako kay Jet." Tapos pinakita niya sa 'kin 'yong sent messages niya.


Anya: Hay. Nagkamali na naman ako. Can I call? :-(


"Dapat sa inyong dalawa 'yan, kaya parang general 'yong text ko. E, alam mo namang 'di ako matelebabad, 'di ba?"

"True."

"Tapos nagulat ako nang nag-text siya. Ito . . ." Pinakita niya 'yong inbox niya.


Jet: Tatawagan kita. Malungkot din ako ngayon eh. Ayos lang ba? ;-)


"Alam mo, no'ng tinext niya sa 'kin 'yan," sabi niya, "'di ko alam kung bakit ako kinilig."

'Di ko naman alam kung bakit bumigat ang dibdib ko. Siguro dahil umalis si Jet sa bahay nang malungkot. Baka ako nga ang dahilan no'n? Malamang! Nakalimutan ko ba naman umuwi nang maaga para kausapin siya. Siguro . . . siguro ako nga ang dahilan.

"Nang tinawagan niya ko, ayun. Usap-usap. Siyempre umiyak na naman ako. Tapos maya-maya, bigla niyang sinabi na nasa tapat daw siya ng bahay. Tapos . . . si Jet pala. Isipin mo kung anong oras na 'yon! Tapos galing pa siya sa kanila, ibig sabihin. Grabe the effort! Sinong hindi kikiligin do'n?"

Sobrang laki ng ngiti ni Anya. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang gano'n na parang in love. Matagal naman na naming kilala si Jet, halos isang taon na din. Pero ngayon ko lang nalaman 'tong side ni Anya.

"Nagulat ako," pagpapatuloy niya. "Tapos binigyan niya 'ko ng chocolate . . . ng dalawang pack ng Hershey's chocolate."

'Di ko alam kung bakit may kumikirot sa loob ko. May Hershey's chocolate din naman siyang binigay sa 'kin. Ano naman kung dalawa ang binigay niya?

"Ayan na, Anya," sabi ko. "Nagpaparamdam na siya! Sabi ko sa 'yo, e. Ikaw talaga."

"Sabi niya, napadaan lang daw talaga siya. E, parang ako, ang layo ng bahay niya sa bahay ko tapos napadaan lang siya? Whatcha think?"

"True."

"Concerned lang daw siya. E, sabi niya hindi daw niya naibigay ng kumpleto do'n sa bibigyan niya ng chocolate, sa 'kin na lang daw. Ako raw 'yong mas may kailangan."

T-teka, so . . . akin talaga dapat 'yon?

"E, parang ako . . . sino naman 'yong pagbibigyan niya? May alam ka bang nililigawan ni Jet?"

"Wala," mabilis kong sagot. "Baka friend lang."

Bumalik na kami sa college namin pagkatapos. Si Jet pa rin ang nasa isip ko. Gusto ko mag-sorry, pero tatanggapin naman kaya niya 'yon.

Pagkadating namin sa tambayan, nando'n na si Jet. Nagulat ako at napangiti.

"Uy, Jet—"

"Jet!" nananakbong sigaw ni Anya. "Sobrang salamat talaga! Anong nangyari? Ba't di ka nagpapakikita?" Umupo sa tabi ni Jet si Anya. Tumabi naman ako kay Anya dahil natatakot ako na baka may sama ng loob pa rin si Jet.

"Ngayon ka lang namin ulit nakita. May dalawang absent ka na sa EDFD 116." Iyon 'yong education major kung saan makakaklase kami.

"Pumapasok ako, pero hindi rito."

"Bakit?"

"Exam ko sa Math 54 at Physics 71 ko no'ng nakaraan. Ginagawa kong aral mode 'yong oras ng EDFD."

Advanced ako ng isang math sa kanya. Pareho kami ng physics subjects, pero 'di magkasabay ng sched. Si Anya, English major naman kaya sa educ majors lang kami nagiging magkaklase.

"Pasama naman sa Blessings," aya ni Anya. "May ipapa-photocopy lang ako."

"Sakto, may ipapa-photocopy rin ako," sagot naman ni Jet.

"Cherry, gusto mo sumama?"

Tumingin ako kay Jet para lang maramdaman ko kung okay lang ba, pero tumalikod agad siya. "Hindi, dito na lang ako."

Pinagmasdan ko silang umalis na dalawa. May kumikirot talaga sa loob ko. Nakakainis. Ba't hindi niya 'ko pinapansin? Gano'n ba kalaki ang nagawa kong kasalanan? Anong problema niya?

Inisip ko 'yon hanggang sa bumalik sila. Nagkunwari pa nga akong natutulog. Nakikinig lang ako ng taimtim sa pinaguusapan nila tungkol sa mga nangyari no'ng mga nakaraang araw. Hindi rin naman niya kinuwento ang tungkol sa pagdalaw niya sa 'kin sa bahay.

Gusto ko na lang maiyak. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. 'Yong alam kong may sama ng loob ang isang tao sa 'kin kahit na parang hindi naman gano'n ka-big deal. I mean, totoo naman, 'di ba? Bakit big deal sa kanya na hindi ako nakapunta ng saktong alas singko ng hapon? Bakit hindi na lang siya nag-text? O tumawag? Sabi naman niya, 'yong Leithold lang ang pakay niya. Bakit kung hindi niya ako pansinin ngayon, parang may mas mabigat na bagay akong ginawa?

Bumigat ang puso ko. Pumunta ako sa banyo para do'n na lang pumalo ng pader o umiyak o magwala. Tapos nagulat ako nang nakita ko si Gab sa lobby na sobrang ikinatalon ng puso ko.

Tumakbo ako papunta sa kanya. 'Yong ngiti palang niya nang nakita niya ako, gusto ko na lang himatayin sa kilig. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Hinahanap kita," sagot niya. Hinahanap daw niya ko! Yes, kung ano mang maganda ang nagawa ko ngayong araw, thank you, universe!

Tapos may inabot siya sa aking isang box ng Red Ribbon cake. "Wow! Para sa'n 'to? 'Di ko pa birthday!"

Natawa siya. "Alam ko. May nagsabi sa 'kin na ibili raw kita ng cake, so bumili ako. Basta kainin mo na lang, okay?"

May nagsabi? "Sino?"

"Secret." Tumingin siya sa paligid bago sinabing, "Gala ulit tayo mamaya."

At bakit ako tatanggi? Kailangan ko rin ng ibang iisipin.

Pero bakit na naman niya ako yayayain? Napapadalas, ha! Hindi kaya, may gusto rin siya sa 'kin? Chos! Kinikilig ako kapag mutual nga. Ito na ba ang katuparan ng aking mga pangarap? Hahaha!

"Oy!" sigaw niya, parang may tinitingnan sa likuran ko. "Jet! Anya!" Nakita ko silang dalawa na naglalakad. Papunta siguro silang canteen.

"Uy, Gab!" Napatingin si Anya sa cake na dala ko. "Uy, ano 'yan? Kayong dalawa, ha! May something ba kayo? Cherry, ha! 'Di mo sinasabi sa 'kin."

"A-Anya!" Nawiwirdohan ako dahil sa iba na ako tinutukso ni Anya ngayon, hindi na kay Jet. Nakakapanibago lang. Tapos nakatayo lang si Jet, walang imik.

Nakita kong tumingin si Gab kay Jet. "'Tol, ayan ha—"

Pero nagsalita agad si Jet nang hindi pa natatapos 'yong sinasabi niya. "Gab, pahiram ng notes mo sa chem."

"Baliw. Wala akong chem."

"Ay, w-wala ba? Buwisit ka talaga." Tapos bigla na lang siyang tumakbo papunta kay Gab at sinakal. May sinasabi siya, pero hindi ko naman naririnig.

Ang labo. Parang sira 'tong si Jet. Wala rin naman siyang chem, kaya ba't siya nanghihiram ng notes sa chem?

"Sige, punta na kaming canteen," sabi ni Anya.

Nagtutulakan nang pabiro sina Jet at Gab bago bumalik si Gab papunta sa puwesto ko. Habang ako, nakatingin na lang sa kanilang dalawa.

At dahil wala naman na akong klase, sumama na ako kay Gab. Hawak-hawak ang Red Ribbon cake, kinuha ko 'yong bag sa tambayan tapos umalis na kami. Kahit papa'no, masaya ako dahil kasama ko si Gab. Pero hindi pa rin ako mapakali dahil hindi pa rin ako pinapansin ni Jet.

Nag-usap at kumain lang naman kami nang nakarating kaming McDo. Pinilit kong mag-isip ng topic para hindi kami maubusan. Iyon nga lang, nasa isip ko pa rin kung galit pa rin sa 'kin si Jet. Ngayon lang kasi 'to nangyari.

"Chi, nakikinig ka ba?" bigla niyang tanong. Nagulintang ako dahil matagal na pala akong nakatingin sa kawalan. "Ba't parang kanina ka pa tulala? May problema ba?"

"S-sorry."

"Naiisip mo na naman ba si Ian?"

Ito talagang si Gab. Siguro kaya ko siya nagustuhan. May concern kasi siya para sa 'kin. Ngumiti lang ako. Ayaw ko namang malaman niya na hindi ako mapakali dahil galit sa 'kin 'yong kapatid niya, 'di ba?

At dahil nga nabanggit niya si Kuya Ian, bigla ko tuloy siyang naalala. Naisip ko, Pa'no kung buhay pa siya ngayon? Siya sw iguro 'yong kasama ko ngayon sa McDo habang kumakain.

Naiiyak na naman ako.

"Minsan nga ayaw ko na isipin si Kuya Ian, e. Naiiyak lang kasi talaga ako."

"Nandito naman ako."

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan 'yong pisngi ko tapos pinunasan niya. Kumuha siya ng tissue tapos binigay sa 'kin. Ano ba 'to? Para kaming . . . kami.

At hindi pa do'n natapos. Tumayo siya at pumunta siya sa counter. Sinilip ko kung anong bibilhin niya. Napangiti ako nang may dala na siyang chocolate sundae.

"Baliw ka talaga," komento ko.

"O, ayan, kain na."

Napaluha ako lalo kasi . . . para talaga siyang si Kuya Ian. Sweet at lagi akong inaalala. Pero hindi tulad ng kay Kuya Ian, alam kong may gusto ako kay Gab.

Tumahimik kami pareho. Siguro dahil wala na kaming masabi. Kinakain ko na lang 'yong sundae na bigay niya sa 'kin. Pagkatingin ko sa kanya, nakatingin na siya sa kin. Gusto kong sabihin, 'Wag mo ko titigan. Natutunaw ako. Baka nga mas mauna pa akong matunaw kaysa sa ice cream.

"Bakit?" tanong ko.

"Ang cute mo talaga. Para kang bata." Ginulo niya ang buhok ko. Kahit nagulo talaga, napangiti ako. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko dahil sa isang hawak niya lang.

Nang umalis na kami sa McDo at maghihiwalay na kami, ginawa niya ulit 'yon. Ang hilig niya guluhin ang buhok ko. Hindi pa man din ako mahilig magsuklay. Haha. 'Di ko naman masabing "tama na" dahil gusto ko naman. Kung puwede nga, ayaw ko na matapos 'tong gabing 'to.

Nagpasalamat ako sa libre pati sa cake. Pero kinurot niya ako. "Kanina ko pa gusto sabihin. Si Jet ang nagbigay, hindi ako. 'Wag mo na lang sabihin na sinabi ko na, okay?" Ngumiti siya. Ayan na naman 'yong mahikal niyang ngiti.

"Ingat ka," huli niyang sinabi bago sumakay sa jeep.

May ngiti sa labi akong naglalakad sa may tulay, hawak-hawak ang cake. Pero unti-unti rin nawala ang ngiti ko. Parang may kulang. May kulang talaga. Marami akong tanong ngayon sa isip ko. Bakit ako bibigyan ni Jet ng cake? Peace offering ba niya 'to? E, bakit hindi niya ako kinakausap? Para ba sabihin niyang gusto niya ako? Pero mukha namang hindi dahil pinuntahan nga niya si Anya kahit magkalayo 'yong mga bahay nila—iyon ang tunay na effort.

Ang hirap talaga kapain ng isang natural na sweet na tao.

Si Anya . . . may gusto kaya 'yon kay Jet? Siguro. At kung mayro'n . . . magiging masaya ako para sa kanya dahil unang beses niya magkakagusto kung nagkataon.

Si Gab . . . may gusto kaya siya sa 'kin? Bumalik ang ngiti ko nang tinanong ko 'yon sa sarili ko.

Pero may isa pa akong tanong na 'di ko masagot dahil sadyang magulo: Ano ba talagang nararamdaman ko?

Continue Reading

You'll Also Like

123K 9.7K 113
❝ Agawin ang mic sa stage at kumanta ng Halik by Aegis? #DrunkMomo won't back down! . . . SHET?! ❞ Y Chronicles Universe #KNMSD2 of Kabulastugan Bo...
1.2M 54K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
1.7M 78.6K 43
No plot twists or whirlwind romance like in the books. Such is the fate of a side character like Mimi, who neither has a face, body, brains nor backg...
3.4K 160 121
Who could have thought that a simple debut party can change someone's life forever? Avianna Muñoz, a 20 year old college student who was always unlu...