Dress and Bones ✔ (Zodiac Pr...

By CrabLamb

82.6K 3.5K 519

[THE WATTYS 2021 WINNER] [COMPLETED] In the secluded part of Canlubang Laguna, a game where a clueless lamb... More

Note
Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Denouement
Writer's note

Chapter 3

3.3K 152 6
By CrabLamb

Krus ang dalawang braso ko habang inaaalis ang puting tela na nakatakip sa bangkay ng estranghero na lumantad sa talahiban.

Napakuyom ako ng labi sa lumantad saakin. Ang pagkakaiba lang ng itura niya kumpara noong isang araw ay nakahubad na ito at syempre, buhay.

Hindi ko naiwasang pagmasdan ang naka-kadisturbong marka sa dalawang gilid ng labi niya paakyat sa pisngi. Yoong mga buong braso at binti niya rin ay nangingitim, kung mayroon mang bukas na sugat ay magkahalong pula at dilaw na ang kulay nito. 

Tinitigan ko ng maigi ang nangingitim niyang mga braso. Wari ko'y kung hahawakan ko ay wala akong mararamdamang buong buto.

"Siya ba iyong lalaki na sinasabi ninyo ng kasamahan mo?" tanong saakin ng isang Imbestigador na hindi ko mawari kung nakita ko na.

Nag-iwas ako ng tingin at ibinaling ang direksyon ng aking ulo kay mama na marahang hinagod ang aking braso. Alam niyang hindi ko na kayang tignan pa ang itura ng bangkay.

"Opo, siya iyon."

Sinenyasan ng Imbestigador ang isang nagta-trabaho dito sa morgue na takpan muli ang bangkay.

"Pinatay siya ilang oras matapos niyang pagnakawan ang Pharmacy."

Hindi ako nag-untag ng kahit na anong sagot dahil wala naman akong maisasagot. Halata namang may pumatay  dito.

"Tinanong na namin si Ms. Stella patungkol dito, ang sabi niya ay siya ang pinakuha ng taong ito ng mga gamot na nakasulat dito," ani ng imbestigador at pinakita sa akin ang papel na dala dala ng estranghero na nasa plastik na ngayon, "Anong ginagawa mo noong panahong kumukuha ang kasamahan mo ng gamot?"

Sasagot na sana ako nang humigpit ang yakap sa akin ni mama.

"Hindi niyo pa ba siya tinanong kahapon patungkol dito? Bakit kailangan niyo pa ulitin?" iritableng sabi ni mama.

Tamad namang tumitig ang imbestigador sakaniya, "Tinanong ho namin ang anak ninyo patungkol sa pagnanakaw sa Pharmacy kahapon. Ang tinatanong ho namin ngayon ay ukol sa pagkamatay ng taong ito."

"Bakit ninyo kailangang kwestyunin ang anak ko? Labas na siya dapat dito, hindi ba?!"

"Ma," pigil ko rito, tumingin naman sa akin si mama at sinabi ko sa pamamagitan ng titig na ayos lang saakin ang kwestyunin.

"Ha!" padabog na nasabi na lang ni mama sabay krus ng dalawang braso.

Malalim ang buntong hininga na pinakawalan ko at sinagot ang tanong ng imbestigador, "Nagstay lang po ako sa counter. Hostage ako ng mga oras na iyon habang kinukuha ni Stella yoong mga gamot."

Tumango tango ang imbestigador habang nagsusulat sa maliit niyang kwaderno.

"Habang kayo lang nitong estranghero sa counter, wala ka bang napansin? Mag-isa lang ba siya o may kasama siya sa labas?"

"Sa totoo lang nakatingin din ako sa labas kasi nagbabakasakali akong may dadaan, pero walang dumaan. Wala rin akong napansin na kasama niya at mag-isa lang siyang nangloob."

Humabol ako nang bigla akong may maalala, "Ah! Napansin ko lang na habang nakatutok yung baril saakin. Nanginginig siya tapos namumula iyong mga mata niya," tumitig muli ako sa nakataklob nang bangkay ng estranghero, "Palagay ko nakasailalim siya sa masamang droga."

Napatingin saakin ang imbestigador sa sinabi ko,  "May sinabi ba siya saiyo?"

Umiling ako, "Mukhang pakay niya lang talaga kunin ang mga gamot."

Napatigil naman siya sa pagsusulat at binasa ang mga gamot na nakalagay sa papel na dala ng estranghero, "Maaari mo bang sabihin kung para saan ang mga gamot na ito?" 

Tumango naman ako at inabot ito. Transparent ang lalagyan kaya madali kong nabasa ang nakalagay rito ng hindi inaalis sa plastic ang papel.

"Kung hindi po ako nagkakamali ay ito yoong mga medication para sa mga may ovarian cancer," sagot ko habang hindi ko pa tapos basahin ang buong papel. Hindi kasi ako nabigyan ng pagkakataon na makita ito, si Stella lang.

Iniharap ko ang papel sakaniya, "Masasabi ko rin pong tunay na reseta ito ng doktor."

Kumunot ang noo ng imbestigador, "Paano mo nasabi?"

Tinuro ko ang bandang punit at basang parte ng papel.

"Kahit po malabo, hindi mahirap maunawaan na nakalagi roon yoong pangalan ng clinic o ospital ng doktor na pinag ko-konsultahan ng pasyente," dumantay naman ang hintuturo ko sa penmanship, "Isa pa ho ay normal na ganiyan ang handwritting ng mga doktor, mahirap po sa isang normal na tao na gayahin ang ganiyang uri ng pagsusulat."

Tumango tango ang imbestigador at tinago muli ang plastic, "Sa tingin ko sapat na ang mga impormasyong nakuha ko. Maraming salamat sa kooperasyon mo, Ms. Isabella. Kung sakali man na may itatanong pa kami, sana paunlakan mo ulit."

Tumango tango na lamang ako bilang  sagot. Matapos noon ay umalis na kami ng morgue at umuwi ni mama.



NGUMITI ako sa doktor na kumuha ng pangbakuna bago nito lisanin ang harap ko.

Napaupo ako sa swivel chair at inikot ito ng kaliwa kanan na tila mababawasan niyon ang pagod na nararamdaman ko.

"Ospital ka pa ha," asar saakin ni Kuya Fred.

Napakibit balikat ako, "Atleast dito mas ramdam ko ang trabaho ko."

Napakibit balikat rin siya at inayos ang mga bagong dating na gamot. Magi-isang linggo na ang nakalipas matapos ang insidenteng iyon, tatlong araw akong nasa bahay at binebaby ni mama.

Si Kuya Fred ay isang pharmacist din sa isang ospital malapit sa bahay. Kahit na ine-expect ko nang paguran dahil iba ang proseso sa loob ng ospital kaysa sa free-standing ay mas pipiliin ko naman iyon kaysa marinig ang pag-iinarte ng mama ko maghapon. Isa pa ay hindi ako makapirmi ng walang ginagawa, kung wala akong kayod ay wala akong magiging ipon pang pa masteral.

"Anong oras ang out mo?" tanong sa akin ni kuya mula sa likod.

Bahagya naman akong lumingon, "Alasingko. Ayaw na ako pag night shiftin ni mama at papa."

Natawa naman si kuya sa sinabi ko.

"Oo nga pala, hindi ba nag date kami ng ate mo kagabi?" bahagi niya, umikot naman ang mata ko.

"Oh? Anong gagawin ko?" sarkastikang tanong ko.

Matagal na hindi sumagot si kuya.

"Hindi mo pa ba alam?" taka nitong tanong sa akin.

Inikot ko naman ang swivel chair paharap sakaniya, "Bakit? Anong meron?"

"Engage na kami."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko, napatayo pa nga ako, "Weh? Hindi ko alam! Binigyan mo ba siya ng singsing?"

"May nag po-propose ba ng walang singsing?"

"Oo?" hindi siguradong sabi ko habang iniisa isa ang mga palabas na nag po-propose sa gitna ng gyera, "Basta! Tulog na ako nang makauwi siya kagabi kaya di ako naka chika."

Kinindatan lang ako ni Kuya Fred at nagpatuloy sa trabaho niya, a-angal pa sana ako kaso nga lang may pasyenteng bibili ng gamot.

Sa makatuwid ay hindi na kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag kwentuhan muli dahil hindi rin nagtagal ay natapos na ang shift niya, kagabi pa kasi siya narito.

Habang mag-isa sa pharmacy ng ospital ay hindi ko naman naiwasang mag-isip.

Bentesingko na ako pero never pa ako nagka boyfriend. Hindi naman sa naghahangad ako dahil mas priority ko ang makapag masteral at maging doktor pero ano kayang pakiramdam noong hinahatid sundo ka sa trabaho o kaya binibigyan ng bulaklak tuwing monthsary or valentines day?

Napanguso ako,  hindi ako ganoon ka desperada dahil sa mga naririnig ko kay mama at ate. Ang sabi ni mama ay masaya daw lalo na kung maibibigay lahat ng gusto mo. Ang sabi naman ni ate ay hindi importante kung naibibigay lahat ng gusto, ang importante ay may matututunan ka sa taong iyon. Kasama na roon ang sakit ng ulo at saya kapag nakita mo na ang the one.

Napaismid ako, normal bang may kasamang sakit ng ulo?

"Hepatitis B vaccine," sabi ni Shaun, isang nurse.

Agad ko namang kinuha ang pang bakuna. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na siyang sanhi ng paglitaw ng dalawang malalim na dimples niya bago umalis.

Kinikilig naman ako habang nagre-record sa system ng kinuha niyang pang bakuna. Napagtanto ko na mas attracted ako sa mga lalaking mas bata sa akin. Hindi naman sobrang bata, siguro yoong mga isa o hanggang tatlong taon ang bata sa akin. 

Naalala ko pa nga noong labing tatlong taong gulang pa lang ako? Na-inlove ako sa isang sampung taong gulang na kalaro, kaso nga lang ay kay ate siya may gusto at hindi rin nagtagal ay umalis siya ng Canlubang.

Hanggang doon lang, oo, hanggang paghanga lang ako. Hindi rin kasi ako ganoon ka-lantad kung may gusto akong lalaki at hindi iyon nakatulong para magkaroon ako ng nobyo. Kaya naman mas itinuon ko na lang ang pansin at lahat ng oras ko sa pag-aaral. Jusmiyo, kahit nga yata noong college ay wala akong nakalandian!

Ilang oras pa ang dumaan hanggang sa mag alasingko na ng hindi ko napapansin. Natapos na ang shift ko at dumating na rin ang papalit sa akin kaya naman ginaya ko na ang sarili ko upang makauwi.

Habang inilalagay ang lahat ng gamit ko sa aking bag ay nakatanggap ako ng text mula kay Darwin.


05-23-2005

Darwin:

Tapos ka na sa shift mo? Nasa labas ako ng ospital.


Napakunot ako ng noo ko at hindi ito nireplyan.

Maliwanag pa nang makalabas ako ng ospital. Agad hinanap ng mata ko si Darwin at pinilit kong hindi matawa dahil naka itim itong polo at naka dark blue na pantalon ngayon, ang buhok niya ay nakagel paitaas na animo'y dinilaan ng kalabaw.

Well, bagay naman sakaniya.

"Mukhang nagtagal ang pag stay ni tito ah?" biro ko rito habang palapit sakaniya. Inikutan niya lamang ako ng mata.

Pinag krus nito ang mga braso niya, "Huwag mong simulan."

"Hm?" ngisi ngising sabi ko na lalo niyang ikinaismid.

"So, bakit mo ako sinusundo?" tanong ko habang ginagaya ang pag ku-krus niya ng braso, "Magpapanggap ba ako na hinahatid sundo mong girlfriend?"

"Kung gagawin ko iyon ay hindi ikaw ang pipiliin ko kuntsabahin!" singhal niya. Minsan na kasi niya akong ininsulto na hindi ako magaling umarte.

Inilabas niya ang phone niya na tila may tine-text, "Inuman daw magka-kaklase, mini reunion. Sama ka?"

Napanguso ako sa sinabi niya,"Hindi pwede, sa nangyari last week ay hindi ako papayagan nila mama at papa."

"Luh teh? 2005 na! Ilang taon ka na ulit?"

 "25?"

"Oh diba? Hindi 15!" sabi nito at itinago sa bulsa niya ang phone, "Ihahatid kita pauwi, sumama ka lang. Ayokong rin kasing umuwi gawa ni papa!"

Napakamot ako ng pisngi, "Sorry, hindi talaga pwede."

"Malapit  lang rin naman yung club! Isa pa ay dedo na yung guy na nanloob sa Pharmacy," katwiran pa ni Darwin at hinimas himas pa ang braso ko, "Ako kakausap kay tita, hindi ako matatanggihan noon!"

Napakamot ako ng ulo at umiling iling, "Promise, kahit ikaw pa magpaalam. Parang hindi mo kilala si mama."

"Hindi yan! Tawagan mo dali. Ako kakausap."  

Mga ilang minuto pa niya ako kinulit hanggang sa sumuko ako at inabot sakaniya ang cellphone ko.

"Yan! Promise papayagan ka noon!" paninigurado nito saakin habang hinahanap sa contacts ko  si mama.

Kumuyom ang bibig ko at tinitigan lang siya hanggang sa sagutin ni mama ang tawag.

"Hello? Tita! Si Darwin po ito!  Opo magkasama kami ngayon ni Sab," bungad nito.

 Napa krus muli ako ng dalawang braso sa kaba habang nakikinig.

"Eh tita, nagkayayaan po kasi yung batch namin nung college. Balak po sanang mag inuman dito lang malapit, sasama ko sana si Sabel."

Napanguso si Darwin mayamaya. Natawa naman ako dahil alam ko na sagot ni mama. Sabi ko na at hindi papayag si mama eh.

"Sige na tita! Ihahatid ko pa si Sabel pauwi, si-siguraduhin kong fresh at virgin pa ang junakis mo pagkauwi."

Napangiwi ako sa narinig ko. Nahampas ko pa ang braso ni Darwin at napadaing siya ng kaunti ngunit nanatiling naka pokus ang pansin niya sa kausap.

Habang patagal ng patagal ay pakunot ng pakunot ang noo ni Darwin, ako naman ay nagsimula nang i-tap ang sapatos ko. Ayaw na lang kasi sumuko nitong baklang ito.

"Sige na tita! Wala kasi ak— Oh Tito!"

"Hoy!"  agad naman akong naalerto nang si papa na ang kausap ni Darwin. Inutusan ko si Darwin na ibigay na saakin ang cellphone pero hinawi lang ako nito.

"Po?" may halo namang pag-aalangan sa boses ni Darwin. Napatigil ako sa paghablot nang napatingin sa gawi ko si bakla.

"Sige po, subukan kong yayain."

Mas lalong lumalim naman ang pagka-kakunot ng noo ko sa sinabi niya. Wag niya sabihing pumayag si papa?

"Sige po, salamat po,"  paalam ni Darwin at pinatay na ang tawag.

"Anong sabi? Bakit biglang si papa ang naging kausap mo?" 

Ngisi lamang napakibit balikat si Darwin at kinuha muli ang phone niya. Tinignan ko naman iyon pero iniwas niya. Ang huli ko lang nakita ay nilalagay niya sa se-sendan niya ang mga pangalan ng ka-batchmates namin.

"Payag si tito sa inuman, sa isang kundisyon," sabi ni Darwin habang nagtitipa sa kaniyang cellphone.

"Anong  kundisyon?"



"OH ito pa oh."

"Yes! Na miss ko ito!" hiyaw ni Sandro nang ilapag ni mama sa lamesa namin ang niluto niyang sisig.

Inilapit ko ang alak sa dibdib ko at bumulong kay Darwin, "Paano mo sila nakumbinsi na dito sa bahay na lang mag inuman?"

Narito kami ngayon sa itaas ng bahay. May kubo rito at dito kami kasalukuyang nag-iinuman. Kasama pa namin si papa noong una, ngunit nakakaisang bote pa lang ay bumaba na agad ito.

Nakitawa na muna si Darwin bago luminga sa akin.

"Gaga, syempre ano pa ang babalik balikan nila dito?" nguso ni Darwin sa sisig na inihanda ni mama, "Kinakatay pa lang tayo sa thesis, kahit mga di mo ka group ay dito nago-overnight."

Napanguso ako nang chineersan ni Darwin ang baso ko, "Mahirap magkaroon ng kaibigan na strict ang parents, pero kung libre naman ang alak at ang pulutan. Bayad ka na sa utang mong gala sa amin."

Lumayo ako sa tainga ni Darwin at nakipagkwentuhan sa ibang kaklase ko noong college. Ilan sakanila ay kakakasal lang at ilan sakanila ay nagbabalak na lumuwas ng Maynila upang doon magtrabaho. Ang kambal naman na si Sandro at Andeng ay nag  babalak mag abroad dahil naroon ang papa nila.

"Sa sobrang kulang ko sa tulog talaga noong panahong iyon, ang sagot ko sa tanong ni sir ay Ascaris vaginalis," kwento ni Lenard.

Naibalik ko ang iniinom ko sa baso at natawa sa sinabi ni Lenard, "Tanda ko yon!"

"Ano? Grabe tanda niyo pa iyon? Wala na nga ako matandaan sa parasitology natin," kunot noong sabi ni Daisy habang sumusubo ng sisig.

Inilapag ko ang baso ko sa lamesa, "Ascaris lumbricoides talaga ang sagot dapat, ang sagot ni Lenard ay Ascaris vaginalis."

"Ahhh!" pag-alala ni Darwin at tinapon kay Lenard ang kaunting alak na nasa baso niya, "Palibhasa kasi mahilig sa vagina nung college!"

Napuno ng tawanan ang kubo at nagpatuloy pa ang asaran sa sumunod na dalawang oras. 

Alauna na ng madaling araw nang tumahimik ang lahat. Hindi rin nagtagal ay isa isa na silang umuwi. Hindi naman ganoon kalayo ang mga bahay ng mga ito dahil maliit lamang nga ang barangay namin. Si Darwin ay sa kabilang kanto nga lang nakatira.

Pungay ang aking mga mata habang nakasandal sa gate ng bahay.

"Sure kayong ayaw niyo mag overnight?" tanong ko sakanila.

"Wag na, nakakahiya kila tita. Isa pa sabi ko rin kay Lany na uuwi ako," ani ni Lenard, yoong iba naman ay nagsabi rin ng kani-kaniyang dahilan.

Tango na lamang ang naigawad ko at kumaway sakanila bilang pag papaalam. Pinanood ko naman ang mga bulto nila bago pumasok muli sa loob.

Ngunit ilo-lock ko pa lang ang gate ay biglang may lumapit na aso sa akin.

"Aw," tanging nasabi ko, dala na rin siguro ng kalasingan ay hindi ko ininda kung nangangagat ang aso. Tinuruan ako ni Lolo noon kung paano sila amuhin, kaso hindi ko alam kung tama pa ang naaalala ko.

Dahan dahan kong sinubukang masahehin ang batok at ang balikat nito, noong hindi ito gumawa ng angil o galaw upang mangagat ay napaupo pa ako sa sahig at bahagya itong pinanggigigilan.

"Hi," ani ko sa pamamagitan ng pang batang boses. Napansin kong may collar siya sa leeg at may tali ito na mahaba. Mukhang nakatakas.

Napalinga naman ako sa paligid upang hanapin ang amo nito, hindi naman na ako nahirapan dahil sa may isang bultong lumitaw mula sa kadiliman ng daan.

Noong una ay hindi ko maanino ang itura niya dahil walang street light sa tapat namin. Pero  nang sumilay na ang liwanag ng ilaw ng garahe namin sa mukha niya ay napataas ako ng dalawang kilay.

"Thank you, kanina ko pa siya hinahabol."

Isang pamilyar na ginintuang buhok at mala disyertong kulay ng mata. 

Ahuh?

Continue Reading

You'll Also Like

164K 4.7K 12
Black Blade Series #1 Kay Leon Felizardo umiikot ang mundo ni Summer Aguirre. She is and always will be a self proclaimed Leon's girl. Palagi siyang...
2.7K 263 38
Set in the 1990s, 19-year-old outgoing beauty, Tin Escalante, has always had the most cliché dream ever--to live a better life. Growing up unprivileg...
1.1M 35.5K 78
SIGNED STORY UNDER DREAME Hi! I'm Katy Astrid. Born crazy, always will be. (Stand-alone story)
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...