To Meet In The Middle (Meet S...

By imwonderfullylost

165K 6.4K 5.6K

I am Clementine. This is my story. And this may or may not be about love. More

Introduction
1. Not So Bad At All
2. Of Fireworks And Changes
3. Battle of the Couch Potatoes
4. Three Shots And An Orange Juice
5. Rants And A Worrier
6. Improvements and Changes
7. At All Times. Yeah, At All Times
8. The Boy Who Cried Mommy
9. Birthdays, Booze, and Bracelet
10. Support System
11. The Best Team
12. Luciano, The Legit Korean
13. Everything I Wanted And More
14. The One With An Unexpected Guest
15. He Came Through
16. We Couldn't Have It All
17. Such A Heavenly Way To Die
18. I'm Never Signing Up
19. What I Can't Remember
20. The Right Choice
21. A Hard Life
22. You're Killing Me
23. You're Killing Me (2)
24. Something Great
25. But I Didn't
26. Hide And Seek
27. The One With The Smudged Wedding Date
28. Adore You
29. To Be With You
30. Of Thank You Lists and Traditions
31. The List of Our Things
32. Suck It And See
33. Fight Or Flight
34. Confession On Valentines Day
36. What's Worth Keeping
37. The Lucky One
38. My Day One
39. I'm Not Going Anywhere
40. All Romantic Movies Suck
41. Tale of The Soldier and His Shelter
42. It's Not A One-way Thing
43. Taking A Step Back
44. The One With The Pause
45. In Another's Point Of View
46. His Side Of The Story
47. Everything's Easier
48. Of Dreams And Fears
49. To Meet In The Middle
Epilogue
Author's Note
SC 1. I Told You That It's Normal
SC 2. 10 PM Or Bye
SC 3. The Biggest Dorks On Earth
SC 4. Who's Blaming Who
SC 5. Not Much of a Babie
SC 6. My Girl
SC 6. The One where Jason is the Suspect
SC 7. Clem and Phil
A Year with Luke and Clem #1YearTMITMwp
SC 8. Who Took Luke to Prom?
SC 9. The Unfortunate Biking Incident
SC 10. Welcome Home
SC 11. The Ultimate Test to Luke's Patience
SC 12. L and C
SC 13.
SC 14. Babie and Ma
SC 15. The One with Ollie
SC 16. The One with the Anniversary

35. Tag, You're It

2.3K 82 105
By imwonderfullylost

"What?"

Hindi ko na talaga napigilan ang sarili at kinailangan ko nang makausap ang tatlong ito. Kanina pa nila ako dini-distract... No. Kanina pa ako nadi-distract ng lahat. Hindi ko lang pinapansin dahil kailangan kong paghandaan pa ang final meeting ko with Sir Ben earlier before our presentation next, next week.

Nung una ay hindi ko pa binigyan ng pansin knowing that I can too paranoid at times pero ang weird na kasi eh. Matapos ang meeting ni Sir Ben ay nakipag-meet naman ako with my group mates sa isang bakanteng classroom. Saglit lang naman yun, pinagusapan lang namin ang paghahati ng report at nag-rehearse din kami nun. Even my groupmates were acting weird, from time to time ay nahuhuli ko lang silang nakatitig sa akin. Tinubuan ba ako ng pangalawang ulo? Seriously, what's wrong?

Akala ko ay hanggang dun lang matatapos but after our group meeting, June magically appeared and told me na samahan daw muna siya sa org office nila dahil may gagawin siyang report. Dahil maaga pa naman para umuwi ay sinamahan ko nalang din siya. But what's even weirder is naabutan ko sina Raven at Claus sa loob ng office. I know it shouldn't be weird since org president ang best seatmate ever ko, but the problem is pagkarating namin dun ay mukhang may hinihintay sila... Or hinihintay nila kami to be exact.

Hindi ko nalang sila pinansin at naupo nalang sa tabi ni Claus habang abala ang dalawang org leaders sa pagd-discuss. Okay na sana eh, kaso kanina pa sila nagnanakaw ng sulyap sa akin.

"Seriously what's wrong? Don't tell me na wala kasi kanina ko pa napapansin." I groaned, a bit irritated by the things that are happening.

Inosente naman akong nginitian ni Claus. "Wala akong alam diyan, sabay lang talaga kami ni Rave na uuwi." He gestured his boyfriend that is now giving me a blank stare. "I'm just working here. Wag kang ano diyan."

"Okay! Fine!" Sabay-sabay naman kaming napatingin sa best friend ko. "Ako ang may gustong sabihin sayo." She even pouted.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Hindi lang naman ako ang curious dito eh. I bet that the whole department wants to know as well... Kung hindi lang talaga na-suspend yung confession page ay malamang dun ito ngayon mapapagusapan e---"

"GET TO THE POINT, JUNIPHER." I hissed.

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Claus dito sa tabi ko dahil sa gulat which proves his innocence but still, I'm irritated. Buong araw ko lang itong kinikimkim because I want to get things done.

"Usap-usapan yung date niyo ni Luke." Si Raven na ang sumagot para sa kaibigan ko. Mukha naman itong walang pake at may tinitipa pa sa laptop niya.

Agad naman akong napanganga dahil dun. "What? It's been three days! Anong problema niyong lahat---"

"We're just curious, you know." Mahinang tugon ni June at mukhang nagpapaawa pa. If only she wasn't my best friend ay paniniwalaan ko itong acting niya but I know her so well so, no, hindi ako magpapadala dito.

"About what?" Mahinahon ko nang tanong.

I admit. Ang OA nung pagsigaw ko kanina but I'm just really tired and stressed tas dumagdag pa itong mga unnecessary na titig nila from time to time. It's definitely not helping at all.

Mukhang nakapag-relax na naman ang buong grupo dahil sa paghinahon ng boses ko. Claus leaned back on the couch, Raven unbuttoned the first two buttons of his school uniform while June leaned both of her arms on the table.

"So what happened during your date, huh?" Ngising-ngisi pa siya habang nagtatanong, I even saw the couple's curious looks pero inilingan ko lang ito.

As much as I love my best friend ay ayokong pag-usapan ito openly. My Valentines day was pretty special, as much as possible nga ay gusto kong sarilihin nalang ang alaalang iyon. Open naman akong ikwento but not like this, not in such an open space. Kahit na mukhang wala naman talagang pake sina Raven at Claus kung ikwento ko ay ayoko parin na dito. I just gave her a look saying mamaya na sa dorm and she only nodded.

Mabuti naman at madaling paintindihin ang babaeng ito.

After June's meeting with Raven ay sinabon na nga ako ng tuluyan nito. Ni hindi na nga nakapaghintay at talagang inatake na ako ng napakaraming tanong kahit naglalakad palang kami pauwi sa apartment complex. May kasali pa siyang hampas at kurot para sa akin nung kinwento kong dinala nga ako ni Luke sa mountain peak resort. May reklamo pa siyang Ang daya! Tayo yung unang may gustong pumunta dun eh, kasalanan ko bang wala kaming masakyan papunta dun? Though I promised her na pupunta na talaga kami dun after this school year, sa susunod na namin pro-problemahin ang transpo. And of course I also told her about me telling the truth to Luke about Garett. Kinakabahan pa nga ako dun kasi hindi ko alam kung anong ire-react ni June.

She was with me while I was stuck in that nightmare. Kung hindi dahil sakaniya ay malamang mas malala pa ang mga pinagdaanan ko. Hindi ko alam kung saan pa ako pupulutin kung hindi dahil kay June. She might act like it was nothing and most of the time make it as our inside joke but we both shared the same pain about the experience. I lost myself while she lost her best friend.

Akala ko ay tatanungin niya ako kung bakit ko basta-basta nalang na kinwento iyon kay Luke. Even my family had no idea of what really happened, ang alam lang nila ay nagka-boyfriend ako pero naghiwalay din kami. It was a really sensitive topic that's why I was shocked when she just smiled at me.

"Pinagkakatiwalaan mo talaga si Luke, ano?"

I nodded. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso niya.

"Alam mo nung una ay dinadaan ko pa sa biro yung kung anong meron sa inyong dalawa ni Luke. Let's face it, naging mailap ka sa lalaki after what happened kaya ang laking surpresa lang din sa akin kung paano kayo naging ganun kalapit ni Lu---"

"June." I gave her a warning look. "He's just my friend."

Mabilis naman siyang tumango dun. "Oo. Naiintindihan ko na ngayon. But there's still something special between the two of you that I just can't point out."

"What do you mean?"

"Hmm. Paano ko ba sasabihin 'to--- you know the concept of soulmates, right?"

"Are you saying that Luke is my soulmate? What the--"

"Teka nga! Patapusin mo ako, nakakainis 'to." She murmured while slightly hitting my arm. Bahagya naman akong natawa dun. "Okay. Proceed."

"It's like the both of you share the same soul. Hindi niyo na kailangang mag-usap, hindi niyo na kailangang magpaliwanag. You just know... Kung anong iniisip ng isa't-isa, kung anong kailangan, kung anong nararamdaman. You and Luke share that kind of connection, Clem."

I sighed inwardly.

Tama ba si June?

The idea never really crossed my mind because I never really overthink about Luke and I's friendship (I overthink a lot about the things that come with it but never with our friendship). I have always been firm on my stand that him and I are just friends kaya nga gulong-gulo ako kung bakit kami ini-issue, but now that she actually said it... It kind of made sense why.

Kasi kung anong meron kaming dalawa ay hindi ordinaryong pagkakaibigan lang. We shared a bond, a bond that I wasn't even aware of, if my best friend didn't point it out.

"Remember that time na kinailangan mong umuwi because of your mom's engagement? Wala kang pinagsabihan nun pero bumiyahe si Luke papunta sa inyo because he knew that you'll be needing someone to lean on. Here's another one, the joy you felt when you found out that you'll be attending his convention. Tuwang-tuwa ka nun kasi alam mong mapapakalma mo siya kahit hindi naman niya sinasabing kinakabahan siya. It's like the both of you are moving in sync para magsaluhan, wala nang kailangang mang-utos sa inyong dalawa. Instincts niyo nalang towards each other ang pinapairal niyo."

Is Luke really my soulmate?

Kasi kung oo, everything made sense. Why I always feel so safe around him... Why I always feel like I'm myself when I'm with him... Why I never let my self be drowned by own thoughts no matter how much I overthinked minutes before meeting him... because he's my safety blanket. The person that understands even without me having to explain it to him.

Ilang beses ko na itong naiisip.

Luke keeps me sane. Because he keeps my balance, and I do the same to him.

***

Nasa pinakadulong parte ako ng library at pinag-aaralan ang presentation namin bukas. At maglolokohan lang tayo dito kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan, kulang na nga lang ay dumugo ang labi ko sa kakakagat at maihi on the spot dahil sa kaka-overthink. I can even feel my heart trying to escape my chest because it was pounding so fast.

I lightly slapped my cheek as I tried to focus again on my laptop. Kanina pa umuwi ang mga kasamahan ko, wala na namang problema sakanila. Na-assess ko na naman sila isa-isa nung tinatanong ko sila ng mga possible questions na itatanong ni Sir Ben sa amin. Magga-gabi narin pero hindi parin ako umuuwi, siguro isa (or dalawa) pang pasada before I call it a day.

Hindi ko na talaga alam ha. Pero desperadong-desperado na talaga akong makuha ang exemption sa IS kasi wala na akong panahon para pag-aralan pa iyon, and besides binuhos ko na ang time, effort at energy ko sa presentation na ito. This better be worth it.

Raven was nowhere to be found when I finally decided to take a water break. Kanina ay naka-duty pa ito pero baka nakauwi na din iyon dahil magga-gabi na nga at may shift pa siya sa bar. Mabuti pa yung isang yun, matagal nang prepared. Nang papalapit ako sa pwesto ko ay agad na napakunot ang noo nang makitang may nakaupo sa tapat ng upuan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakaniya habang paupo ako.

Luke just looked at me with his wide grin. Kagaya ko ay naka-school uniform din ito, nakasandal lang siya sa upuan. Bakit pa siya andito eh tapos na ang exams nila? Ang mga pumapasok nalang na seniors ay iyong may hahabulin pang extension duties at revisions sa theses nila. And he's definitely not that type of student, so seeing him here right now feels so weird.

"May meeting kasama si Ms. Sofia for the conventi--"

"Kailan nga ulit iyon? May date na ba? Saan ba gaganapin?"

He pursed his lips as he leaned on the table. Mukhang sinisilip niya ang binabasa kong notes. "Wala pang final date but probably after board exam pa. Sa venue naman, hindi ko pa alam. Wala pang announcement eh."

"Ah okay. So ano nang ginagawa mo dito?"

"I just answered---"

"Dito sa library Luke. Dito sa mesa ko." I rolled my eyes at him.

Ever since June told me about her thoughts about Luke and I being soulmates ay wala man lang akong naramdamang pagpaparamdam galing kay Luke. Pero hindi na ako nagtaka nun, malamang ay abala na siya dahil papalapit na papalapit na nga ang graduation niya. Mabuti nalang at bilang kambal-tuko ni Luke ay panay ang send ni Jason ng mga updates sa amin sa ganap ng buhay nilang dalawa. Para daw informed kaming buhay pa silang dalawa. Isa pa yun eh, bugbog na bugbog sa graveyard shifts kaya di na ako nagtaka na dun na siya halos tumira sa condo ni Luke dahil sobrang layo nung bahay nila.

I never really opened the soulmates things to anyone, not even June who presented it. Wala lang. I don't feel like I have to share it with Luke. Parang ang weird namang pambungad yung Uy did you know that we're soulmates? Crazy right? Edi parang mga tanga lang din. So sinarili ko nalang.

"Ah!" Medyo napatalon pa ako sa kinauupuan ko nang bigla-bigla lang itong sumigaw. Mabilis ko siyang hinampas dahil dito. "Nasa library tayo." I hissed.

Agad namang ginapangan ng hiya ang mukha niya habang tumatango. Masiyado din ata siyang nadala sa damdamin eh.

Pinanood ko lang siya habang nagbubukas ng phone. "Anong gmail mo?"

"Bakit? Anong gagawin mo du---"

"Just tell me, okay?"

I just murmured as I gave him my gmail account. Tawang-tawa lang naman ito habang pinapanood akong tinatype iyon sa gmail app ng phone niya

"Ano bang gagawin mo diyan ha? Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, what are you doing here---"

"Jesus, Clem!" He murmured. "Check your gmail. Yan ang pinunta ko dito." Nakasimangot niya pang saad.

Matagal ko pa siyang tiningnan bago binaling ang atensyon sa laptop na naka-connect sa school wifi. I quickly opened my gmail. Nakita ko ngang may sinend si Luke dito.

From: lukemarianojr@gmail.com
To: cvrivera@gmail.com
Subject: (no subject)

Attached file/s: Grad_Photos_MarianoLD_MT1.jpeg, Grad_Photos_MarianoLD_MT2.jpeg, Grad_Photos_MarianoLD_MT3.jpeg

"Oh my god..." Agad kong inangat ang tingin sakaniya matapos malaman ang nilalaman ng pinadala niya. He just looked at me with the same smile as mine. He looked so happy!

"Oh my god... Oh my god... Luciano! Ga-graduate ka na talaga, I feel like a proud mom."

"Tingnan mo na. Para ma-bash mo na ako." Tawa niya pa.

Ang pangit talaga ng humor! Nakakainis! Ang ganda-ganda na ng mood eh. Pero hindi na ako nagreklamo pa bilang abot-langit ang sayang nararamdaman ko for him. Halos manginig nga ang mga kamay ko habang binubuksan ang file.

Shit.

Matagal ko nang sinasabing maganda talaga ang rehistro niya sa camera. Inaasahan ko na ring magiging maganda ang mga kuha niya nung namimili pa kami ng barong pero... Shit.

Sobrang baba lang ng expectations ko para sa mga litratong nakikita ko.

Hindi ko alam kung bakit pero ako yung kinikilig para sakaniya. Ang gwapo ni Luke habang suot-suot ang toga niya. Holy shit! And he's using his very cute smile that made him look more of a babie. Okay ang soft lang nung babie, but ang gwapo niya talaga dito. And yung shot niya habang naka-barong? I know na binibiro ko lang siya na ililibing pero mukhang ako ang paglalamayan ngayon, kung sa kanina ay yung cute smile niya ang gamit dito ay yung... I don't know? Charming? Fuck! Why am I even trying to describe when I'm bad at it? Basta gwapo parin siya. Ayan nalang.

And lastly is his creative shot, kinailangan ko pang takpan ang bibig ko nung pagka-swipe ko dahil pinipigilan ko talaga ang excitement. He was dressed as a Thomas Shelby. The character from Peaky Blinders. He even had a cigarette in hand to look more like that character! I know, so not him but... Oh my god, Luciano Mariano Jr.

Nagkatinginan lang kaming dalawa, nakikita kong nag-aabang din siya ng reaksyon galing sakin habang nakangisi. This brute! How can he be so chill with this when I'm actually freaking out right now. Ako yung kinikilig for him!

"Oh my god Luke!" Pasigaw na bulong ko. Tanging tawa lang naman ang sinagot niya sakin. "You looked so good here! Ang cute mo lalo na sa creative shot, you babie!" I tried to speak while also trying to hold a squeal.

Hindi ko maintindihan ang itsura niya he looked so amused and cringed at the same time but he just laughed with it.

"I'm so proud of you! Nakakainis ka, feeling ko ako yung nagpalaki sayo kahit mas matanda ka---"

"Hey..."

I laughed. "But seriously. I'm so proud of you."

Matapos kong ma-appreciate ang mga litrato ni Luke, na hindi niya kinaya pa kaya nilubayan niya muna ako para kausapin ang isang prof na napapadpad sa lib ay bumalik na rin naman ako sa pag-aaral. Nang mag-alas otso na ay kusa nang bumigay ang katawan ko.

AYOKO NA! PAGOD NA AKO!

Itutulog ko nalang ang lahat ng ito, ipagdarasal ko nalang ang kinalabasan bukas. I already did my part. Hindi ko na pipilitin ang sarili ko bilang alam ko naman kung hanggang saan lang ang kakayanan ko.

Unti-unti na akong nagliligpit ng gamit nang bigla na namang lumitaw si Luke sa gilid ko. Oh. Akala ko umuwi na 'tong isang 'to, isang oras din siyang nawala.

"Oh. May naiwan ka?" I asked while wearing my bag.

He gave me an odd look before shaking his head. "Dinner?"

"Huh?" I stared at him as I yawned, agad naman akong nagtakip ng bibig nang makitang nakangisi ito.

"Kain tayo."

"Ah." I nodded as I walked with him. My god. Pagod na pagod na nga ako na sobrang disoriented ko na. Konting-konti nalang talaga ay babagsak na ang mga mata ko, ramdam na ramdam ko na.

"Bukas na ba presentation niyo? Okay ka na naman diba?"

"Okay naman siguro. Napag-aralan ko na din naman lahat, ilang beses na rin. Pati yung mga groupmates ko... Nakapag-rehearse na kami ng presentation pati nagtanungan na rin ng possible questions. Feeling ko handa na ako."

"Oo naman. Pinaghirapan mo yan eh. You'll do good, Clem."

I smiled at that. Alam niya talaga ang sasabihin para pagaanin ang loob ko.

So he's really my soulmate, huh?

I actually find that thing beautiful. Soulmate. A feeling of deep or natural affinity. One who knows you, accepts you, and believes in you.

It doesn't have to be inclined romantically. What's important about it is the connection... The bond.

Ganun lang ka-simple. Isn't it just beautiful?

"Do you know that you're my soulmate?"

Sa kakaisip ko ay hindi ko man lang namalayang nasabi ko na pala ang naiisip.

Pareho kaming naglalakad patungong gate 2 nang huminto si Luke, agad niya akong hinarap habang ako ay naguguluhan pa.

"W-What?"

My eyes widened at that. Confirmed ngang napalakas ang boses ko kanina.

I chuckled. So much for saying that I'd rather keep it to myself.

"I just think that you're my soulmate." Ngisi ko habang patuloy lang sa paglalakad. It actually took him seconds to keep up kaya nilingon ko siya. He still looked dazed or whatever but I just shrugged it off.

Tahimik lang kaming dalawa habang papasok sa restobar ni Sir Alex. Ito nalang kasi ang natitirang bakante sa mga kainan malapit sa gate 2. I eyed the bar counter and saw that Raven was already there, wearing his apron while serving drinks. Nasa likuran din ng counter si Claus kasama ang tatay nito, so I assumed that he's also learning to take over their business. Hindi ko nalang muna sila pinansin at agad na naghanap ng mauupuan.

Luke and I settled on the farthest booth.

Nakuha na nung isang babaeng server ang mga orders namin pero hindi niya parin ako kinakausap.

"HOY!" I called him. Saka lang siya natauhan, he blinked several times before opening his mouth pero wala din namang sinabi.

I hissed.

"May problema ka ba? Anong iniisip mo at hindi ka nagsasalita? Are you sure that you're fine? Okay ka pa naman kanina ah. What ha-- oh. Is this because of the soulmate thing that I said?" Unti-unting lumiliit ang boses ko habang pinapanood siya unti-unting gapangan ng hiya.

So it's really about it, huh?

"Sinasabi ko lang naman kung anong opinyon ko. I just think that you're my soulmate but you don't have to think of me as the same way if hindi ka kumportab---"

"Teka nga lang. Nag-iisip pa ako." He cut me off while still staring at me. Mas lalo lang na sumama ang itsura ko dahil sa tingin niyang iyon. It was as if he was looking at something so... complicated.

Maya-maya pa ay huminga na ito ng malalim. I just raised an eyebrow. "Parang tanga Luciano." I murmured.

He just laughed at that. "Okay game na. You think that I'm your soulmate... Why?"

I pursed my lips as I stared at the glass of water in front of me, pinaglalaruan ko lang yung mga droplet ng tubig na namumuo sa surface nito gamit ng daliri. "I know that it sounds crazy---"

"No. It isn't, I think you're making sense right now. I just wanna know why."

"Fine. Actually si June ang may pakana nito. She interrogated me about our date... You know the stuff that all of these people wanna know about us---"

"Ano?" Tawa niya. "What are these stuff that all they wanna know about?"

I just gave him a blank stare. He's kidding, right? Hindi ba siya aware sa mga issues na kumakalat sa aming dalawa? Ganito na ba talaga ka-oblivious si Luke sa mga bagay na nangyayari sa paligid niya o sadyang naging abala lang talaga ito. Matagal din siyang nawala sa campus.

I sighed at that. "In case you didn't know... A few, no, a lot of students assummed that we are a thing." Hindi ko alam kung bakit pero hirap na hirap ang dila ko habang binibigkas ang mga salitang iyon.

He looked taken aback by it. Tumaas pa ang isang kilay niya habang bahagyang nakabukas ang bibig. "A-A thing? Like... You and I?" At talagang tinuro niya pa kaming dalawa habang tinatanong iyon.

I chuckled softly as I nodded. "Yes Luke. That thing. Parang mga tanga lang diba?"

Nang hindi siya nagsalita ay nagpatuloy lang ako.

"So ayun nga, June wanted to know what happened on our date because of the things---"

"Didn't it bother you that people make those kind of assumptions about us?"

Muling naputol ang kwento ko dahil sa tanong ni Luke. Tiningnan ko lang naman ito, at ganun parin naman siya... sporting his usual amused look. I gave him a stare saying what but he just gestured me to answer it.

"Okay ito. Walang halong biro ha, more on naiinis ako kesa sa nababahala. Kasi bakit kailangan pa nilang lagyan ng meaning ang mga bagay na wala naman talagang meaning? Bakit kailangan pa nila tayong pakialaman eh buhay din natin ito. I don't get why they have to make a fuss about it. Ang laking istorbo lang..."

"Hmm. So naiinis ka dahil pinaguusapan tayo?"

"Malamang! Bakit? Ikaw ba, hindi? Sabagay, wala ka namang pake eh... Well, I don't care either but compared to me, you are very oblivious so hindi mo rin iyon mapapansin---"

"What?" Tawa niya. "Ako, Clem? Oblivious?" Parang hindi pa ito makapaniwala kaya agad ko siyang binigyan ng seryosong tingin. "Are you seriously laughing right now? Ikaw ang pinaka-oblivious na taong kilala ko, Mr. Mariano!"

"So I'm oblivious... And you're not?" Hindi parin mawala ang aliw sa mukha niya dahilan para masipa ko ang binti niya sa ilalim ng mesa. He gave me a warning look but it didn't bother me.

"Obviously." I rolled my eyes at him.

"Damn..." He bit his lip to supress a laughter. "Asan na nga ba tayo? Napapalayo na ako eh. Patawa ka tala---"

"At ako pa talaga ha?"

"Okay. Fine! Awat na." He chuckled. "So... Back to the topic, naiinis ka dahil pinaguusapan tayo?"

Dahil nagseryoso na ako mukha niya ay kumalma na rin ako. "Oo. But more on dahil pinapakialaman nila ang buhay ng may buhay. Hindi tayo artista para gawan ng issue Luke."

The corner of his mouth twitched at that. "Pero hindi ka inis sa fact na sa akin ka ina-associate?"

"What do you mean by that?"

"You know..." He took a deep breath bago hinilamos ang kamay sa mukha. "Are you or are you not mad that people are assuming that you are dating me?"

Come to think of it, I never really think of it that way. I was too focused on the fact na pinaguusapan kami, pinapakialaman kami, at ginagawan kami ng issue na hindi nag-sink in sa akin ang laman ng mga iyon. People are assuming that Luke and I are dating, I am aware of that... Sa halos araw-araw ba namang pangaasar ni Raven ay halos na umay na ako dun. Natuto narin akong mapagod na depensahan ang sarili at ipaliwanag na magkaibigan nga lang kami. Kasi kahit anong gawin kong pagpalaliwanag ay gagawan at gagawan parin naman kami ng kwento.

I hate the gossips. That's all.

But do I hate the fact that I'm being associated with Luke? Well,

"Not really." Sagot ko sakaniya. He raised a brow at that dahilan para ismiran ko ito. "I just find it weird, like why on Earth did they think of that? Actually ilang beses ko nang gustong pagusapan ito with you but I never really had the right timing, I'm actually glad that you brought this up."

I looked at him and his face remained the same... As if studying me.

"This has been going on for a long time already?" Tanong niya sa akin.

"For months, actually. But I kinda get where they're coming from. Kahit nung hindi pa kita nakikilala ay marami na namang mga babaeng nili-link sayo..." Natawa pa ako dahil pareho lang kaming mukhang naasiwa dun. "Even Lilith, remember? But this one's different because it's been going on for months already. Is it because we're always hanging out?"

He shrugged. Mukhang malalim na naman ang iniisip. "So you think that it's stupid?"

"What's stupid?"

"You know... You and I, dating."

Ilang beses ko nang sinasabi na hindi ko nga boyfriend si Luke. Magkaibigan lang kami. Hindi niya ako magugustuhan. Mandiri nga kayo. Halos nasaulo ko na nga ang sasabihin eh pero iba pala pag kay Luke na mismo ako magpapaliwanag.

"It's not stupid. I'm not that harsh Luciano." I made a face. "I just find it funny. Like why the hell would they assume that? Mukha ba tayong attracted sa isa't-isa? I mean there's nothing wrong with dating you... Pero ako? Ako talaga of all people?" I scoffed.

I saw blinked for several times. "There's nothing wrong with dating me?" Tanong niya ulit. Nakakainis na ha! Dapat yung soulmates thing lang ang pinaguusapan namin but look where we are now.

"Bakit? May mali ba sayo?"

"Wala naman..." He answered in a low voice while continuously brushing his hair.

Dumating nalang ang orders namin at nagkatinginan kami ni Raven na binigyan pa ako ng nangaasar na tingin ay mukha paring problemado si Luke. Seriously?

"Ano bang problema mo?"

"Wala naman..." He sighed. "Pero eto, Clem ha... Ipagpalagay natin na may dine-date na ako. Anong iisipin mo?"

He stared straight into my eyes na nakaramdam akong ng pressure para agad na sagutin ito.

What if he started dating? Hmm. Ano nga ba ang mararamdaman ko?

"Mahirap pang isipin ngayon kasi nakilala naman kita na single ka eh. So I really don't know kung ano ka as a boyfriend..." I rolled my eyes as I said the last word.

It feels like Luke Mariano and boyfriend can never be referred as one. So weird.

Mukhang natawa din siya sa reaksyon ko pero nagpatuloy lang ako. "But I've known you as a friend... A great friend actually, so if ganun ka na bilang kaibigan, what more as a boyfriend? Basta make sure lang na sa tamang babae ka mapupunta kasi may pagka-oblivious ka nga, madali kang i-take advantage, i-take for granted. Ayoko ding masaktan ang kaibigan ko no..."

Iniisip ko lang ang thought na maiiwan na naman si Luke dahil sa maling bababeng pinili niya ay nalulungkot na ako for him. It's hard to choose between the person you love and the dreams that you want to achieve. The least that he deserves is someone that can understand and support him as he continue to pursue his goals. Hindi naman niya kasi kailangang baguhin ang pansariling mga plano just because of love... Napaka-unfair sa part niya nun. Buong buhay niyang pinaghirapan ang lahat ng iyon.

"Don't worry Clem. I am taking my time. Hindi ko pa iniisip yan." He gave me an assuring smile. And I don't know why pero napangiti din ako dun.

Para akong napanatag.

"That's right. You don't have to rush into things. Hello? You're Luciano Mariano Jr. hindi ka mawawalan ng options..."

"I'm not considering other options though." He raised a brow.

My mouth was left opened. What does he mean by that?

Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Luke ay ito ang unang beses niyang nagbigay ng hints about his... I don't know? Dating life?

"May nililigawan ka ba---"

"Wala!" His laughter roared inside the whole place na pati yung mga customers sa kabilang table ay napapatingin sa gawi namin. Jesus...

"Wala Clem. What I mean is I'm not considering. Abala nga ako diba?"

I just answered with a pout as I mixed my tuna sisig with my rice.

"Seryoso nga." Tawa niya pa habang nagsisimula na ring kumain. "Don't worry, kung may liligawan din naman ako ay ikaw yung unang makakaalam."

I looked at him while chewing. "Oh? Bakit ako? There's Jason, your best friend. Sina Tita Mills.. Si Lilith---"

"Because you're my soulmate?" He let out a small laugh dahilan para mairapan ko ito. "Seryoso nga ako Clementine! And besides, as soulmates ay makakaramdam ka naman kung anong nararamdaman ko kahit hindi ko pa sabihin diba?"

I pursed my lips even more.

Ang pagkakaalam ko talaga ay pagod na pagod ako kanina eh! Pero mukhang nawala ang antok ko dahil sa mga pinagusapan namin.

"Oh. Since bumalik na tayo sa dapat nating pinaguusapan ay dudugtungan ko na. I mean, yes, that's mainly the reason why I considered you as my soulmate. Hindi ko na kailangang magsabi pero lagi kang andiyan, nakikiramdam... Handa akong alalayan. Alam mo yun? Hindi na natin kailangang magusap pa, we just know... I find it beautiful." I couldn't help but smile.

"Because?"

"I just find the whole thing beautiful because finally it made sense to me... Kung bakit siguro tayo pinaguusapan, ginagawan ng issue ng mga tao... Kahit hindi nila tayo naiintindihan. Tayo lang, Luke... Tayo lang yung nakakaalam kung anong meron tayo, kung anong pinagsasaluhan natin. Because we're soulmates, and soulmates don't have to be involved with love... love because it's not just about that... It's so much more than that. It's about the connection that we felt with each other. It's about being safe and vulnerable without having the fear of being judged because we already know... We already understand each other."

Akala ko ay hindi ako nagme-make sense kasi abala lang ako sa paglalaro ng pagkain ko habang nagsasalita pero nang iniangat ko ang tingin sakaniya at nakitang nakatitig lang siya sa akin ng seryoso habang pinapakita ang ngiting hindi ko parin mawari ay nakaramdam ako ng ginahawa. Judging by his looks ay mukhang napaabot ko naman ang punto ko sakaniya.

"I guess you're right. You really are my soulmate." Banayad niyang salita habang pinaglalaruan ang tinidor. Tipid naman akong ngumiti. "We should actually thank June. Siya yung may pakana nitong lahat. Thankfully ay naintindihan ko na, starting from now ay magiging unbothered na ako sa mga sabi-sabi ng iba, napaka-laking abala lang eh." I laughed. "Kasalanan talaga 'to ng mga admirers mo---"

"Oh bakit ako ang binibigyan mo ng ganyang tingin? I didn't do anything Clem. Sila lang ang gumagawa ng mga mapaguusapan."

My lips twisted before sighing. "Dibale na nga, malapit ka na namang grumaduate. Lulubayan na din tayo ng mga ganito, makaka-move on din yang mga yan sayo. Ganyan na nga sila maka-react na magkaibigan lang tayo, what more kung magka-girlfriend ka na? Oh my god!"

He just chuckled before eating his meal.

"Buhay ko ito Clem. Wala naman silang hawak. I never asked for their attention."

I couldn't help but agree. Labas nga si Luke sa lahat ng ito, nakakatawa nga lang dahil mukhang utang pa ni Luke ang private life niya dahil sa mga taong humahanga sakanila. As much as I understand where they're coming from, mababaw paring dahilan yun para sa akin. It'll never change my mind.

"So okay lang tayo?" Tanong niya.

"What do you mean?"

"You know... Na pinaguusapan? Na iniisip nilang---"

"Iniisip nilang tayo? Oo naman." I chuckled. "Kasi hindi naman totoo. Kapag magpapaliwanag naman ay sasabihin lang na defensive. Ugh. Nakakapagod ka ding ipagtanggol minsan, Luciano ha. Hindi ko alam kung bakit ako ang hirap na hirap eh dalawa naman tayong ini-issue."

"Maybe because I'm oblivious... And you're not?"

Sinamaan ko lang naman siya ng tingin pero mas lalo lang itong natawa. "So we're actually cool, right?"

"Of course, Luke... At all times."

He nodded. "At all times."

***

Kinabukasan ay halos malagutan na ako ng hininga at matae dahil sa kaba, dumagdag pa yung fact na pang-huling klase ko ang IS ngayong araw kaya kailangan kong magpigil sa tatlong naunang mga klase. I need to act calm but I just can't. Kahit ang pagtimpla ng kape ay hindi ko magawa dahil sa nginig ng kamay.

"Ano ba yang ginagawa mo ha? Akin na nga!" Mabilis na inagaw ni Lils ang kutsara sa akin para siya ang magpatuloy sa paghalo ng kape ko.

Sinimangutan ko lang naman siya habang si Ely ay tahimik lang kaming pinapanood, sabay kaming tatlong kumakain ng agahan. Wala na namang pasok si Lilith at naghihintay nalang ng release ng candidates for graduation, habang si Ely ay ganun parin.

Wala man silang sinasabi sa akin pero hindi naman kasi ako bingi. Narinig ko ang pagtatalo nilang dalawa kagabi. Apparently, Lils was offered to work for Ely's firm after graduating but she declined. Si Ely naman ay pinipilit na wala siyang kinalaman dun pero nagdududa talaga si Lils na kagagawan iyon ng boyfriend. Ang concern lang naman ni Lils ay ayaw niyang mag-trabaho dun dahil baka isipin ng iba ay tine-take advantage niya ang opportunity bilang boyfriend niya ang boss. Ang kay Ely din naman, she was offered with the job because she was suited for it. Nakita ng kumpanya ang efficiency ni Lils during her internship. Walang kinalaman ang personal nilang relationship dun but Lilith remained firm.

"Ngayon na ba ang presentation mo? You look like hell!"

"Lilith---" singit ni Ely.

I just groaned as I took a bite of my scrambled egg.

"What?! I'm just saying. You can't look like that if you're delivering a report. Nakatulog ka ba kagabi?"

Huminga akong malalim bago sila tiningnan gamit ang blankong ekspresyon. I didn't get enough sleep last night, I feel like I overdid it... That I overworked myself.

I promised myself yesterday na matutulog na ako. Na hindi ko na iisipin ang report. Pero pagkapasok nang pagkapasok ko sa kwarto ay agad ko na namang binuksan ang laptop at ginawan ng minor revisions ang parte ko. I also sent it the my groupmates and as expected ay nagalit na naman sila sa akin dahil sa pagbabagong ginawa pero hindi ko na sila pinakinggan pa at pinag-aralan muli ang gawa. So ang ending ay alas tres ako nakatulog kagabi, dumagdag pa sa stress ko ang pagtatalo nung dalawa sa kabilang kwarto kaya ayun. Walang tulog na Clem.

Dahil punong-puno ng pag-aalala si Lils for me ay inutusan niya si Ely na ihatid ako sa campus, tatanggi na sana ako bilang sanay naman akong maglakad but she insisted and Ely being the good boyfriend that he is ay sumunod lang naman kay Lilith.

"Don't put a lot of pressure on yourself Clem. It's just a report..." Tiningnan ko naman si Ely habang nagbabasa ako ng notes ko sa passenger seat.

He really reminds me of my Kuya. Or maybe because he's actually friends with him. Kahit papaano ay naiibsan ko ang lungkot sa tuwing namimiss ko ang kapatid dahil nagkaroon naman ako ng instant na Ate at Kuya sa katauhan nina Lils at Ely kaya hindi ko talaga binabalewala ang mga sinasabi nila.

"Ito ang una kong major presentation as a group leader. Ayoko lang na ma-disappoint yung Prof na nagbigay sa akin ng tiwala in the first place."

"The fact na pinagkatiwalaan ka nung Prof mo para gawing group leader is already a big thing. It already proved that you're worthy. Ikaw na nga ang may sabing first time mo pa, hindi lahat ay magaganda ang kinalabasan ng unang subok kaya nga may mga kasunod pa. Wag mo masiyadong pahirapan yang sarili mo."

Is it wrong to say na tama nga si Ely at ang tanga-tanga ko? Aware naman ako ang na OA nung ginawa kong last minute-changes pero kasi nap-pressure talaga ako sa kung anong kinalalabasan ng report namin. Kami lang yung grupong hindi dean's lister ang ginawang leader.

"You know what... You're right." I sighed. "Dapat hindi ko na ginawang complicated yung mga bagay-bagay. Thank you Ely."

"'Lang problema." He laughed. "Napaka-baliktad niyo nga ng Kuya mo. Napaka-chill niyang tao nung college kami, kami pa tinatawanan nun pag nag-aaral kami."

Hindi ko na mapigilang sabayan siya sa pagtawa. That is so Kuya Sol!

"Malamang eh matalino naman yun eh---"

"Bakit? Ikaw hindi ba? Maraming kinukwento si Lilith sakin tungkol sa pag-aaral mo."

I just made a face at that made him laugh. Kahit papaano ay napagaan niya nga ang loob ko. Mabuti nalang ay na-save ko pa yung original presentation namin, iyon nalang ulit ang ip-present namin. Hihingi din ako ng tawad sa mga kagrupo ko (I know, character development) pero ako kasi yung may mali this time that's why I'll own up my mistakes.

"Anyway, okay lang ba kayo ni Lils? Hindi ko sinasadyang makisawsaw pero kasi sa iisang bahay lang tayo nakatira---"

"Okay lang. Sorry nga pala kagabi kung nakaistorbo kami sayo." Gusto ko sanang sabihin na ilang beses na nila akong naistorbo at hindi lang dahil sa pagtatalo nila but I think that it's very unnecessary. Seryosong-seryoso yung usapan Clem! Jesus!

"Pero okay na kami. Naiintindihan ko naman siya, we both know Lilith. She has a mind of her own, hindi yun papayag na pagsabihan siya. Hindi ko naman intention na ikulong siya sa kumpanya namin, I'm just saying that we saw how great she was as an intern that's why we think that she fits well with our company. Pero ini-insist niya kasi na natanggap niya yung offer dahil sakin." He chuckled. "Without knowing that it's all her. All I did was to agree because I know my girl's capabilities. She's an exceptional worker. Pero kung saan niya gustong mag-trabaho ay susuportahan ko naman siya eh."

I couldn't help but smile at that. Kahit na ang iksi lang ng pagpapaliwanag ni Ely ay naramdaman ko ang pagmamahal niya para kay Lilith. Alam namin pareho kung gaano ka hirap i-handle ang isang Lilian Theresa Da Rosa but he was patient enough to understand her and her decisions kahit taliwas ang mga ito sa nauna na niyang plano. And that's just pure love.

They really are lucky enough to find such love in this mad world. I really wish them well. I hope na mas lalo pa silang magtagal.

***

Kulang nalang ay pugutan ako ng ulo ng mga kagrupo dahil sa biglaan ko na namang pagbabago ng isip pero wala na din naman silang magawa bilang ako ang leader at mas kabisado nga namin yung naunang presentation. As much as I wanna talk back to them ay pilit ko talagang pinapaatras ang dila kasi ako yung nagkamali. Pero kasi nakakainis din yung mga pananalita nila... Lalo na nung mga babae!

But overall, kahit na pinaghalong kaba, naiihi, nasusuka at natataeng naramdaman ko while waiting for our turn to present ay nairaos ko din ang araw na iyon. Our group got the lowest mark among the others but it was enough to make the exam exemption for the whole class. Hindi ko alam kung good mood lang ba si Sir Ben o talagang napabilib nga namin siya. What I learned from my experience is that I don't have to put a lot of pressure on myself as I try to prove my worth. Hindi ko nga alam kung bakit yan parin ang bagsak ko kahit ilang beses na akong pinapaalala ng mundo na Clem umayos ka, wag mong pilitin ang sarili mo. Sapat na ang kung saan lang abot ng makakaya mo. I've been pressured my whole life kaya kahit na sabihin nating nawala na yung pressure na pinatong ni Mama sakin ay nanatili parin yung pan-sarili kong expectations na minsan ay hindi ko maabot.

I already told myself that I'll work on it. At heto parin ako, araw-araw ay natututo. No one said that it'll be easy for me but at least I'm trying and every day I am willing to work on myself.

You're doing good, Clementine!

Bilang sobrang tuwa ko nga sa exemption ay talagang tinakbo ko pa si June nang magkaabutan kami sa fifth floor ng building the day after. Kagaya ko ay exempted din ito sa lahat ng major and even a few of her minor subjects kaya ngayon ay tine-take nalang namin ang mga laboratory exams.

"Nakapag-review ka ba?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang lab gown na nakasabit sa braso niya. Pansin kong tinitingnan niya kung may hawak-hawak ba akong notes pero tanging ballpen at lab gown lang ang dala ko.

"Tapos na ako. Kagabi." Mahina kong tawa.

Hindi pa naman ako gaanong nagbabago. Ayoko paring nagre-review on the spot lalo na pag minutes before the exam nalang. Gusto ko ng payapang buhay habang naghahanda sa pagsusulit!

My best friend just chuckled as she nodded her head. Kitang-kita ko ang kaba sa mukha niya but I know that she'll do good, there's no doubt na mame-maintain niya ang class standing niya dahil sa effort na binuhos niya this sem. Hindi biro ang mga ginawa niya mula sa pagiging officer hanggang sa reviews for NMAT.

"Anong gagawin mo mamaya?"

Wala na naman akong class after lab exams pero balak ko talaga ay magpahinga nalang sa apartment. The past few weeks was very exhausting, hindi ko nga alam kung paano ko kinayanang mairaos ang lahat ng iyon eh kaya ang gusto ko nalang ay ang matulog ng napakahaba tas magigising para manood ng movies. Vacant day ko naman bukas eh!

"Matutulog." I groaned. "Hindi ko alam kung kailan yung huli kong payapang tulog June. Nakakamiss din palang magpa-petiks petiks lang."

Dahil sa biro ko ay nakuha pa niya akong mahampas sa bewang pero nauwi rin naman kami sa tawanan. "Baliw talaga... Edi hindi ka makakasama mamaya?"

I nodded.

Jason invited me for a movie night in Luke's place tonight. I still find it funny, na si Jason ang nag-o-organize ng gatherings sa hindi din naman niya bahay. Pero wala din kasi naman yang arte si Luke eh, sasabayan ka lang din naman niyan sa trip mo kaya nga sobrang nagc-compliment ang ugali nilang magb-best friends.

Sadly though, I already turned down Jas' invitation through text. Pinaliwanag ko naman sakaniya na gusto kong magpahinga lang muna at mukhang naintindihan din naman niya yun, nagpadala pa nga iyon ng napaka-habang motivational quote bilang pampakalma. Hay nako, Jason Andres.

Nagtataka tuloy ako kung anong pinagkakaabalahan ni Luke ngayong kagaya ng roommate ko ay naghihintay nalang ito ng list of candidates for graduation. Si Lilith kasi ay abala sa pagsama sa Mama niya sa pottery classes, paminsan-minsan din ay pagala-gala lang ito sa mall but most of the time ay naaabutan ko lang siya sa couch ko habang kandong-kandong si Cosmo at nanonood ng Real Housewives of Beverly Hills. I bet ay naglalaro ng video games lang iyong si Luciano knowing na andun sakaniya nakatira si Jas. Paminsan-minsan naman ay nagte-text din ito sa akin o tumatawag pero hinahayaan niya din akong mapag-isa lalo na pag sinasabi kong nag-aaral ako.

I kinda miss the time kung saan nagkakatagpo-tagpo pa yung mga sched naming lima pero naiintindihan ko naman. We all have our priorities and as long as hindi naman kami nawawalan ng communication with each other then we're all good. May pinaplano na namang gala after Luke's graduation eh, iyon nalang ang nilu-look forward ko.

I slept for a few good hours when I got home, sa sobrang pagod ay bumagsak na pala ako sa kama nang hindi man lang nakakapagbihis pa. Yung parang ang katawan ko na mismo yung bumigay sa lahat ng pagpupumilit na ginawa ko sa sarili sa nakalipas na mga linggo. That's why when I woke up it was already late in the evening. I checked my phone for updates from my roommates and as expected ay flooded ako ng mga pictures and messages from June and Lilith na humabol din pala sa family home ni Luke. Nag-iinuman pa nga ata sila dahil hindi ko na naman maintindihan ang pinagsasabi ng kaibigan ko.

Though I received a few decent texts from Jason and Ely.

From: Jason A
June told me na nagpapahinga ka ngayon. Just text if gusto mong humabol. Susunduin ka namin ni Luke. Ingat masungit na Dora! 🤣

From: Ely V
Clem late kaming makakauwi. May sobrang ulam sa ref, initin mo yun. Wag ka raw kumain ng canned goods.

Tiningnan ko lang si Cosmo na kakapasok lang sa kwarto ko. The brute purred before jumping on my bed and settling on my stomach, I just hissed at him. "Magpapalambing ka ngayon kasi alam mong ako ang magpapakain sayo."

Hindi lang naman ako pinansin ng itim na pusa. Inirapan ko nalang ito bago makapagtipa ng reply sa mga kaibigan. Matapos nun ay kinarga ko na rin si Cosmo at dinala sa labas para pakainin bago ako dumiretso sa banyo para makaligo.

It was a long shower, ni hindi ko man lang namalayang kahit ang pagligo ay hindi ko na nasusulit these past few days. Masiyado ko nga atang binilisan ang takbo ng mga bagay-bagay na umabot na ako sa puntong kahit ang mga maliliit na bagay na kagaya nalang nito ay nakakapagpagaan na ng loob ko. I really did exhaust myself. Mabuti nalang ay natauhan.

Luke was really right when he said na masiyadong mabilis ang takbo ng panahon. I don't have to make it move even faster kasi ako lang yung matatalo once that I realized that I'm almost running out of time.

I'm already in my brother's old shirt and cotton shorts while drying my short hair on the floor in front of my mirror when my phone rang. Dali-dali ko naman itong inabot sa ibabaw ng kama, Luke was calling me.

"Hello?" Sagot ko.

"Hi." His voice was already a bit low and raspy. Mukhang naparami na naman ang ininom nila tonight. I really doubt na makakauwi pa dito sina Lilith.

"Okay ka lang diyan?"

"Oo naman." Sagot ko bago sinabit ang towel sa likuran ng pinto. "Napatawag ka?"

"Hindi raw makakauwi sila Lilith. She's too drunk, ayaw humiwalay kay June---"

"Okay lang. I already expected that." I heard him chuckle for the other line. "Are you sure? Because I can pick you up para dito ka na rin matulog---"

Tumawa nalang ako to cut him off. Heto na naman tayo sa pagtrato sa akin bilang bata. Hay nako.

"I'm old enough to look after myself Luke. And besides mukhang nakainom ka rin naman eh, it's not safe for you to drive."

"I'm sober, Clemen---"

"Kahit na. Gabi na oh, delikado yung daan. Okay lang talaga ako dito, wag na kayong mag-alala. And besides I'm not home alone..." I laughed as I looked at Cosmo getting comfortable at the end of my bed. Hindi ko talaga alam kung bakit nanlalambing ito sakin eh sa pagkakaalam ko ay mortal enemies kami.

"Sinong kasama mo? Si Raven ba---"

"Oh my god Luke!" Malakas akong napatawa. Narinig ko pa ang malalim niyang paghinga sa kabilang linya. "Seriously? Si Raven na naman? May issue ka ba towards the guy? Alam ko namang suplado yun but I don't think ay magkaaway kayo---"

"Hindi kami magkaaway Clem." Mahinahon na niyang tugon.

I chuckled. "Hindi kita ma-gets Luciano. Parang tanga lang talaga. And what I mean is Cosmo, I'm not alone because I'm with Lilith's cat."

"Oh..."

Napairap nalang ako bago humiga sa kama. "Yes oh. So spare Raven, okay? He's my friend... Why do you always have to mention his name every time?"

Akala niya ay di ko napapansin na lagi niyang tinatanong kung inaya na ba ako ni Raven para sa isang date nung araw na inaya din niya ako. Parang tanga lang, ba't naman ako aayain ni Raven eh may Claus yun? Wala pa kami sa ganung point ng friendship namin no.

"Fine, sorry..." He murmured. I can already imagine him pouting and frowning. God help this babie!

"Oh. Okay na ako dito. Hindi ka pa ba matutulog? Anong oras na oh?"

"Naglilinis pa ako ng kalat dito." Mahina niyang sagot. Now that he mentioned it ay may naririnig nga akong mga ingay sa background, probably him throwing away some bags of chips. "Yan nalang ba lagi ang role mo tuwing may inuman? Nasan ba si Jason?"

"Nasa taas, inaalalayan si June kanina pa suka nang suka eh."

I groaned. Knowing June ay malamang nagtatapang-tapangan na naman yun at pilit pang uminom kahit na alam na niyang lasing na siya. Mabuti nalang talaga at andun si Jas kasi kahit ako ay hindi kayang mag-alaga sakaniya pag napapasobra na ito ng inom.

"Si Lilith? Okay na?"

"Hmm. Natutulog na ata sila ni Ely sa guest room."

I nodded. "Okay. Patapos ka na rin ba diyan? Matulog ka na. May lakad ka ba bukas? Pupunta ka bang school?"

"Yup. Kukunin ko tickets ko eh."

"Tickets for? Graduation? May list na ba? Bakit parang wala naman akong nabalitaan kanina."

"No. Next next week pa raw yung release sabay sa finals niyo." Mahina niyang tawa. "Tickets for grad ball yung kukunin ko."

I didn't know na may graduation ball this year, cancelled kasi yun nung time nina Jason kasi nagkaproblema between the admins and the graduating batch kaya imbes na magkaroon ng kasiyahan ay ginugol nalang ang panahon para makapagpasa pa ang ibang seniors sa mga requirements and theses nila para makahabol sa graduation.

"Natuloy na pala ngayon? Wala palang gaanong problema sa batch niyo eh."

"Tuloy na naman pero sa department lang, ayaw i-approve nung admins yung sa buong batch. May hinahabol pa kasi yung ibang departments eh."

I rolled my eyes at that. "Ang epal din paminsan-minsan ng admin, no?" He laughed from the other line. "Uh huh. Kaya nga inis na inis si Lilith sakin."

I laughed with him. Knowing Lils ay baka gusto din nun ng bonggang party before her graduation.

"So kailan yung ball niyo? Saan ihe-held?"

"Sa Beaumont, after ng final exams niyo."

"Oh. Nice. Sana yung samin ay matuloy din, hindi na nga ako naka-experience ng prom tas wala pang grad ba---"

"You never experienced prom?!"

I sighed at his reaction. Expected na kasi eh, every time na kinikwento ko kahit sino na wala kaming prom nung high school ay hindi rin sila makapaniwala. I know. It sucks, I missed one of the most memorable thing a high school student could ever have.

"Oo nga. Strict kasi yung mga sisters sa amin. Masiyadong conservative kaya ayun, wala kaming prom."

"Seryoso ba yan? Anong klaseng paaralan ang walang prom?"

"Yung school namin Luke." I groaned making him laugh. "That sucks..."

"I know pero natanggap ko na din naman, hindi na ako bitter. It's just prom."

"Kahit na."

"Ano pang gusto mo? Bumalik ako ng high school para maka-experience pa nun?"

"No. Jesus, woman..."

Napangisi lang naman ako dahil dun. Matapos ang mahabang katahimikan ay muli na naman siyang nagsalita. "Why don't you come with me instead?"

"Saan?" Kunot noo kong tanong.

"Sa ball."

Literal akong napanganga dahil sa sinabi nito. Nahihibang na ba siya? Graduation ball yun, malamang ay mga seniors ng department ang dadalo dun. Nakakahiya kung makikisiksik pa ako. And besides, hindi na naman ko ganun ka bitter sa kawalan ko ng prom experience. Hindi yun ganun kahalaga.

"Clem..." Muli niyang tawag sa kabilang linya. "No. Nakakahiya at mga graduating students ang dadalo dun."

"You can go as my date then."

Date na naman? Masiyado na nga atang namimihasa itong si Luke sakin eh.

"Wag na. Nakakahiya, mag-aantay nalang ako nung amin---"

"What if cancelled na naman yung inyo? There's a possibility Clem. Alam mo naman kung paano mag-isip ang mga admins ng school."

BAKIT KA GANYAN?

"Kailan nga ulit yan?" I sighed.

Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa niya. Hindi na ako magtaka kung nakangiting tagumpay ito. Kilalang-kilala ko na yun, hindi yun nagpapatalo.

"Next next week. Saturday."

"Do I have to wear a gown? Kasi kung oo, wag nalang. Wala ako sa mood para maghanap pa in such a short notice---"

"You don't have to if you don't want to. 80's Hollywood yung theme. I don't think ball gowns were a huge thing back then---"

"1980s? Really?" Hindi ko na naman napigilan ang excitement sa boses ko. "Yup."

"Hmm. Sige, pag-iisipan ko."

Muli ko na namang narinig ang mahina niyang tawa sa kabilang linya.

"Okay. Just ring me up, I'm willing to take you as my date."

Pinag-iisipan ko pa kasi kung kakayanin pa ng sched ko ang sumama sakaniya sa Sabado. Wala na din naman akong gaanong dapat pag-aralan dahil minor subjects nalang ang kailangan kong i-take, so it means ay hindi ako gaanong mapapagod after my final exams. But still, I'm really tired na feeling ko ay ilang araw lang akong magkukulong sa kwarto para magpahinga.

As much as my mind wants to go kung yung pagod at katamaran ko naman ang mananalo ay wala na akong magagawa.

"Pero hindi ba nakakahiya na junior ako tas makikihalo ako sainyo---"

"You're my date. It doesn't matter."

I pouted. "Fine. Pag-iisipan ko nga."

"Of course." Tawa niya. "Matulog ka na."

Tiningnan ko ang orasan sa side table at napagtantong mag-aalas dose na naman pala. It's getting late already.

"Okay. Night."

"Mhmm. Night."

xx
Hello. Wish that you're all doing well right now. Happy reading and stay safe!

Follow me on twitter. I tweet about stuff hahaha @writtenbyvam
And the Spotify playlist:

Love, Vam

Continue Reading

You'll Also Like

991K 31.5K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
45.6K 1.3K 102
Gavril Blaire Sevilla
3.2K 212 29
Art will always give Sean Divino a life purpose. Suffering from a terminal illness, he has the determination to follow his passion in painting. Now a...
1M 35K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.