A Tale In Session (City Serie...

By jowybee

1M 40.1K 47.5K

City Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his f... More

A Tale In Session
BEGINNING
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
END

Chapter 3

38.4K 1.3K 1.6K
By jowybee

Hindi ko alam kung ako lang ba, pero parang pabilis nang pabilis ang araw. Parang nung kailan lang, Sunday palang tapos ngayon, Thursday na kaagad. Palapit na rin nang palapit ang February. Last week na ng January ngayon kaya wala kaming klase sa Saturday dahil opening ng Panagbenga.

"Tara sa covered court, may tune up game ang Navi at Cardinals para sa BBEAL," aya ni Selena habang ako ay nagbabasa ng notes dito sa fountain.

Si Vale naman ay nakatuon lang ang pansin sa ML. Minsan, hindi ko na rin talaga alam kung paano nakaka-pasa si Vale dahil panay ang online games niya kapag kasama namin siya! Pero matataas naman mga grades niya, kaya hindi na rin kami nagrereklamo.

Ngumiti ako dahil ka-laro ko lang siya kanina, bago kami makarating dito.

Hindi pa kaya 'yan titigil?

"Assist naman o," bulong niya. Halata na sa mukha niya na naiinis siya sa mga kasama niya.

"Covered court na!" Tayo ni Selena.

Umiling ako kaagad.

May quiz pa kami sa Public Health bukas at ayokong ibagsak 'yon. Nagbibigay daw ng line of 6 si Sir Andrei. Bakit ba puro terror na profs ang binibigay nila sa mga unang blocks?

"Nandoon crush mo, bahala ka." Nguso ni Selena.

Nawala ang mata ko sa handout ko at bigla akong napatingin kay Selena. "Oo, nandito sina Claude! Maharot ka!"

Nandito nanaman siya? Parang napapadalas naman ata ang pag-dalaw nila dito sa main campus? Crush talaga ako no'n!

"Tara!" Ngisi ko.

This time, it was Vale who shook his head.

"Pass. Manunuod lang kayo ng basketball players doon, eh."

"That means maraming mga babaeng uhaw sa lalaki! Malay mo nandoon na si Misis Right!" Alog ni Selena sa braso niya.

"Hindi uhaw sa lalaki si Misis Right," sabi niya habang pinipindot pa rin ang phone niya.

Humalukipkip si Selena at nagbuntong hininga. She's probably thinking of ways to get Vale to come with us. Ako, alam kong hindi rin 'yan sasama.

Vale never liked watching basketball dito sa school. Mas gusto niyang naglalaro ng 2K sa play station niya o nanunuod ng mismong NBA kesa manuod sa mga laro dito sa university.

"Vale, yung turtle sa fountain oh, nandito." Ngisi ni Selena.

Agad namang tumayo si Vale at tinago ang phone niya. Mabilis siyang nag-lakad patungo sa lobby habang kami ni Selena ay sumunod sa kanya.

"Uwi na ako," paalam niya sa amin pagkarating namin samay Chapel.

Mas lalong sumimangot si Selena dahil sa sinabi ng kaibigan namin.

Tumingin naman si Vale sa akin at binigay ang wallet ko na kanina niya pa hawak. "Brawl mamaya."

Tumango na lang ako sa kanya at niyakap siya. Ginulo niya buhok ko at bahagyang binatukan si Selena.

"Aray ko naman!" angal ni Selena. "Uwi ka na nga! LQ tayo! Mamamatay na ako sa lungkot sa away natin na 'to!"

"Sa dami mong boyfriend, I think you'll live." Vale chuckled.

Bumelat muna si Selena sa kanya bago ako hilain patungo sa covered court.

Hindi ko alam kung bakit ako naeexcite. First time ko atang makikita na naglalaro ng basketball si Claude after ilang years. Nung una ko naman siyang nakita sa Bakakeng, naka-jersey lang siya pero di ko siya napanuod na mag-laro. The last time I saw him play basketball was probably at their house nung grade 9 pa lang kami at bumisita kami sa bahay nila dahil ginawa namin ni Ezra ang group project doon.

"Bakit hindi sila sa gym?" tanong ko kay Selena.

Nagkibit balikat siya. "Ginagamit ata ng faculty. Yung show thingy nila doon."

Sa labas palang ng covered court, marami nang mga taong nandoon. Rinig na rinig 'yung pito galing sa loob.

Wow, akala ko ba tune-up game lang 'to?

Sa hindi ko malamang paraan, nasiksik naman ako ni Selena hanggang sa harap ng basketball court. Maski sa volleyball court ang daming mga taong nanunuod kaya sarado 'yun. Grabe! Ang lala naman ata? Eh hindi nakakapasok ang ibang students dito sa campus kung walang ID, pero ang dami kong nakikitang mga estudyante dito. Siguro 70% galing sa SLU, at yung iba ay galing sa UB.

"Oh crap, sorry," biglang bulong ni Selena. "I forgot!"

Kumunot ang noo ko.

Ano nanaman pinagsasabi nito?

She started biting her nails while her eyes were following a certain player on the court. Parang bumalik yung kilig, kaba, at sakit sa dibdib ko.

"Sorry, Raf! Hindi ko talaga naisip. Tara na nga," sabi niya sabay hila sa braso ko.

Pinigilan ko naman 'yon.

"Okay lang. Dito na tayo." Nakahalumbaba ako habang pinapanood yung game nila.

3rd quarter na at sobrang dikit ng laban. Magaling naman talaga mag-laro si Claude. He's got a nice build. Hindi siya super muscles like body builder extreme tabata body, but he's got an athlete's build which is nice.

Jaxon is probably the same height as Claude, halos same rin sila ng build. Only difference is, si Claude, mas maputi kay Jaxon, and they both have very different facial features.. pero parehas naman na gwapo!

Hay! Feeling ko tuloy nasa love triangle ako kahit na hindi naman ako crush ni Claude at may ibang gusto si Jaxon! Kunwari na lang mahaba hair ko.

"Uy,  kita mo yung number 2? Crush ko 'yun! Si Noestro!" Hagikhik ng isang babae sa likod ko.

"Crush ko yung isang teammate nila, si Hanz! Grabe, kapag ata galing SAMCIS, requirement na matangkad at gwapo?!" sagot naman ng isa.

"Oo 'no, hanz-ome siya," sabi pa ng isang babaeng kasama nila.

"Ay witty ka doon!"

"Corny!"

"Sa UB, ang pinaka-gwapo talaga si Marx!"

"Uy, hindi ah! Si Jaxon pinaka-pogi, aminin niyo!"

Pinipigilan ko na lang ang tawa ko habang si Selena naman ay halatang nakikinig rin sa usapan ng mga babae sa likod namin.

Kaya pala ang daming nanonood! Mga mahaharot! Buti nalang ako hindi tulad nila.

Char!

Pagdating ng 4th quarter ay nagpahinga na si Claude kaya naman pumasok na si Ezra.

Halimaw talaga 'tong dalawang magkapatid. Kaya kilalang kilala sila sa Baguio, eh. High school pa lang kasi, kinukuha na silang mag-laro sa iba't ibang universities. Naalala ko noong grade 10 kami ni Ezra, kinwento niya sa akin na dapat daw sa Manila mag-aaral si Claude dahil nago-offer ang La Salle ng scholarship para sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya tinanggihan.

Pero okay na rin. Kung tinanggap niya 'yon edi hindi ko na siya natawag na babe tapos hindi siya maiinlove sa akin nang ganito, diba?!

"Hoy, nakatitig ka naman sa ex mo." Siko sa akin ni Selena.

Agad niyang tinakpan ang mata ko gamit ang palad niya pero tinanggal ko agad 'yun.

"Hindi ako naka-titig sa kanya!" depensa ko. "Siya nakatitig sa akin. Char!"

Bigla niya naman akong sinabunutan. "Mas malala ka pa kesa sa amin ni Lylia combined! Kami, malandi lang. Ikaw malandi at marupok. Isama mo na rin ang tanga."

"Ang harsh mo naman." Simangot ko.

"Wala akong pake. Kailangan mo talaga ng harsh! Si Vale, mabait pa sa'yo, e. Pinagsasabihan ka lang. Pero kahit anong advice niya naman sa'yo, nirereplyan mo pa rin!" singhal niya. "Isipin mo, nag-settle kang ganun lang?!"

Ngumuso ako.

Ayoko talagang binabalik ang past. Pero mahirap rin naman kasi nandito si Jaxon sa harap kong naglalaro ng basketball.

Nagulat na lang ako nung patapos na yung laro ay dikit pa rin ang laban. Bago tumayo si Claude ay nagkatinginan kami dahil saktong yung bench nila ay katapat namin. Nung tumingin siya, biglang nagsi-tilian ang mga babae sa likod ko.

Mga feeling! Ako tinitignan niyan!

Pumasok si Claude kaya ang galing ng mga assist ni Ezra sa kanya.

Iba talaga 'tong magkapatid. Parang halos buong buhay nila, pinapractice na nila yung mga moves nila sa basketball court.

"Sana all, Noestro," sabi ni Selena sa tabi ko. "Sa'yo na yung kuya. Akin nalang si Ezra. Lord! Kung naririnig Niyo po ako ngayon! Sana po maging kami ng crush ko! Pero kung hindi... sana siya talaga!"

Natapos ang laro nila at nanalo ang SLU. Close game siya, though. Nang matapos yun ay ang dami nang babae ang nagpapa-picture sa mga ibang players. Medyo nagulat rin ako. Hindi naman sila artista! Picture picture pa kayo d'yan, eh ang liit liit lang naman ng Baguio, madali lang 'yan hanapin sa Bakakeng!

Pero sana may picture rin kami ng bebe ko, hays.

Lumabas na agad kami ng covered court para hindi kami madamay sa rambulan ng babae doon sa loob. May ibang mga lalaki rin na paalis na ng covered court at halatang nandoon lang talaga para manood ng tune up game nila.

"Paano ka uuwi?" tanong ni Selena sa akin.

Nagkibit balikat ako.

Madilim na rin kasi kaya pinagiisipan ko kung magtataxi ba ako o magji-jeep. Baka mag-jeep na lang ako.

"Magjijeep nalang ako," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pababa ng hagdan ng main gate.

"Ha? May jeep pa ba kayo ng gantong oras?" tanong niya sa akin.

"Ewan. Bibili pa ako ng syringe kasi kukunan ko si Margaux ng dugo mamaya. Yung Terumo sana."

"Wow, magpapractice ka na for Phlebotomy? Meron ata sa Circle? Pero medyo mahal compared sa ibang brand," sabi niya. "Pero mas mahal ko siya."

Ngumiwi naman ako at binatukan siya.

Nagpaalam na rin siya pagka-para niya ng taxi kaya tumawid na ako para pumuntang Circle pero dumaan muna ako sa 7/11 para bumili ng tubig.

"What are you still doing in school?" Rinig ko ang pamilyar na boses ng isang lalaki na nag-bukas ng isang ref at kumuha ng gatorade.

Lumingon ako sa kanya at nakitang nakapag-palit naman na siya.

Bakit niya tinatanong? Ano ko ba siya?!

"Wala lang," sagot ko sa kanya.

Kinuha ko yung tubig ko at nag-lakad papunta sa counter.

Kumuha na rin ako ng 3-in-1 sachet ng coffee na nandoon sa counter para magising naman ako mamaya kapag magrereview ako. Ibabalik ko na sana 'yon nang maalala kong bawal pala ako sa kape, pero nahihiya na akong ibalik.

"You sure about that?" tanong ni Jax habang binabayaran ko yung pinamili ko.

Sa totoo lang, pinipigilan ko iyak ko! Alam niya pa rin ang mga bawal sa akin gaya ng coffee. Bakit ba kasi siya nandito?!

Ano ba pake mo? Gusto kong isumbat. Wala naman nang tayo.

Pero wala akong imik. Lumabas ako agad para hindi na ako maiyak.

Ang hirap naman neto, ang liit liit ng Baguio. It's inevitable to see him! Everywhere I go, sobrang laki ng chance na magkita kami.

"I'll give you a ride, Raf," sabi niya pagkalabas niya.

Halos magkasunod lang kaming dalawa. Hindi ko napigilan ang buntong hininga ko.

"No."

"Wala ka nang masasakyan na jeep. It's almost 8:30," dagdag niya.

Mas lalo tuloy akong naiiyak dahil naaalala ko nung hinahatid niya pa ako.

Bakit alam niya pa rin hanggang ngayon kung anong oras kami nauubusan ng jeep? Bakit siya may pake? Bakit pa ba niya ako ihahatid?

Nago-overthink nanaman ako! Hayop na Jaxon 'to!

"Hatid na kita, okay lang?" tanong niya ulit.

This time, the concern was evident in his eyes. Totoo nga sabi ni Selena kanina. Marupok na nga ako, tanga pa.

Ayokong pumayag. Pero miss na miss ko na talaga siya. Pero hindi ako pwedeng pumayag!

Wala akong imik, but he took  my paper bag from 7/11 and started walking towards Mcdo kasi doon ata siya nag-park.

Dala dala niya ngayon ang itim na Civic niya. Sobrang gulo na ng utak ko ngayon.

Bakit ba ako sumusunod? Bakit ba ako nasasaktan? Eh ihahatid lang naman niya ako. Wala namang ibig sabihin 'to, eh.. diba?

Pagkasakay ko sa front seat niya ay nakita ko kaagad ang isang hoodie na kulay pink at halatang hindi kasya sa kanya.

"Sorry, naiwan ni Ela kanina nung hinatid ko siya," paliwanag niya habang nilalagay niya ito sa likod.

Bakit ba ako sumama?! Para saktan ang sarili ko lalo?!

Pagka-on ko ng data ko ay nakita ko kaagad ang isang message ni Claude sa messenger sa notifications ko. Gusto ko sanang kiniligin kaso medyo busy pa ako sa pagiging heartbroken kaya hindi ko muna ito binuksan. Binaba ko phone ko habang si Jaxon ay naka-focus sa pagmamaneho niya.

"Kamusta ka naman?" tanong niya sa akin.

Ako? Kamusta ako? Ano sa tingin mo?

"Okay lang naman ata," sagot ko sa tanong niya.

"Bakit ata?" tanong niya ulit.

Nagkibit balikat na lang ako.

As if you really care.

"Hey," tawag niya sa akin. "You doing okay? Honestly."

"Mahabang kwento," tipid kong sagot.

Ayoko na talaga siyang kausapin. Pakiramdam ko kasi malapit na akong humagulgol.

"Okay lang," sabi niya. "Magtitiis ako."

Gusto ko siyang sampalin! Tiis tiis ka d'yan! Ayan! D'yan ka lang magaling! Kaya ako nahawa sa'yo, eh. Tiniis kong second choice mo lang ako. Hayup ka.

"Minahal mo ba talaga ako?" tanong ko sa kanya.

Obviously, he was taken aback by my question. But I just have to know how he did everything. Kung paano niya nagawang maka-move on sa akin nang ganun ganun lang.

"Alam mo naman na yung sagot d'yan."

"No, actually." I scoffed. "I don't know."

Hindi ko talaga alam. Kasi pakiramdam ko hindi ang sagot niya d'yan.

Mas matagal naman sila ni Ela, they were together ever since their Junior High days. I only met him nung Senior High na kami.

Tahimik kaming dalawa hanggang sa mapansin kong lumiko siya papuntang Insular at hindi dumiretso sa Naguilian. Kikwestyunin ko na sana siya, pero pumasok siya bigla sa drive-thru ng McDo at nag-order siya ng 2 pc McSpicy, sundae, at fries.

Ang epal naman. Pwede naman siyang bumili ng pagkain niya after niya ako ihatid!

Binigay niya yung paper bag ng McDo sa akin pagkatapos niya ito bayaran.

Unbelievable! Ipapahawak niya pa talaga?!

"That's for you," mahina niyang sabi at nagsimulang mag-drive ulit.

This time, dinire-diretso na niya hanggang sa makarating kami sa Quezon Hill at huminto kami sa tapat ng bahay.

"I don't need this food." I kept my pride up.

Nagbuntong hininga naman siya.

"Kain ka na. Maospital ka nanaman, e. Hindi nanaman kita mabibisita."

Mabuti nalang at hindi ako nakatingin sa kanya dahil sobrang ipon na ng luha ko sa mata. Pakiramdam ko isang kurap nalang ay bubuhos na sila.

Binuksan ko kaagad ang pintuan ng sasakyan niya at lumabas.

"Raf..." tawag niya sa akin.

Pinunasan ko muna yung mata ko bago ako tumingin sa kanya. "The answer's yes. It was always yes."

Sinara ko na ang pintuan ng sasakyan at binuksan yung gate namin.

Sobrang inis na inis ako. Hindi ko pa alam kung kanino ako mas naiinis. Kay Jaxon ba o sa akin? 

Kinain ko rin lang yung order niya sa McDo kasi paborito ko naman 'yun.

Grabe, feeling ko pwede na ako mag-star sa commercial ng McDo.

Scene: babaeng umiiyak habang kumakain ng McSpicy at nagbabasa ng handouts.

Pagkatapos ko mag-shower ay napahiga na lang ako. Ang dami ko pang babasahin. May quiz pa kami sa Public Health bukas! Pambihira naman.

Tinignan ko saglit 'yong messenger ko para icheck kung may kailangan bang itulong sa mga group activities namin. Nagulat ako nang makita ulit ang pangalan ni Claude.

Oo nga pala! Hindi ko nabasa message niya kanina.

Claude Johnson Noestro removed a message.

Claude Johnson Noestro: That was Ezra.

Nainis tuloy ko. Hindi ko man lang nabasa! Sinave ko nga yung kilig na yun for later, eh, tapos babawiin niya?!

Rafaela Escalde: Pft sige lam ko namang crush mo ko

Claude Johnson Noestro: ???

Rafaela Escalde: Hihi late na oh wala bang magagalit sa akin jan dahil hindi pa ako tulog

Seen.

Ngumiti ako at binaba ang cellphone ko. Kahit na sinuplado ako ni Claude sa messenger, at least gumaan naman ang loob ko kahit papano.

Kinabukasan, sobra sobra ang pag-cram ko sa sasakyan dahil hindi ako nakapag-basa nang maayos kagabi. Hindi na ako nag-suklay after maligo at hindi na rin ako naglagay ng kahit ano sa mukha ko.

Takot talaga kaming lahat kay Sir Andrei! Si Vale lang ata ang hindi takot sa kanya kasi nasasagot ni Vale lahat ng tanong ni Sir kapag recitation at matataas ang scores niya sa quizzes ni Sir. Eh grabe naman kasi magpa-quiz si Sir, powerpoint quiz ang nais! Tapos sobrang bilis pa ng orasan niya, nagsusulat palang ako ng sagot sa number 1, nasa number 3 na agad siya!

"You're cramming again," sabi ni Vale pagkapasok ko sa classroom.

Naka-airpods siya at hoodie ngayon. As usual, chill lang siya. Hindi ko nga alam kung may photographic memory ba 'to o sobrang talino lang talaga.

Hindi ko na siya sinagot kasi sobrang nagpapanic na ako. May dalawang pages pa akong hindi namememorize at alam kong kay Sir Andrei, verbatim na verbatim ang tanong at sagot na meron sa quiz at meron sa handout dapat.

Binigyan ako ng fudgee bar ni Vale nang walang imik. Inangat ko yung ulo ko para tignan siya pero nakatuon na ang pansin niya sa airpods niyang binabalik niya sa case. Hindi ko na napigilan ang luha ko. Niyakap ko ang braso niya at humagulgol ako.

Naiinis talaga ako! Kung hindi sana ako sumama kay Jaxon edi hindi ako nag-overthink tapos hindi ako umiyak tapos nakapag-basa ako nang maayos! Inis na inis na talaga ako sa sarili ko.

Halatang medyo gulat si Vale pero hinayaan niya lang akong umiyak.

Mabuti at wala pa yung ibang mga kaklase namin. Nakakahiya naman mag-breakdown sa harap ng halos 50 students, diba?

"Breathe," sabi ni Vale sa akin.

Umupo ako nang matuwid at huminga. He patted my head and placed my handouts inside my bag.

"Stop cramming. You'll ace this quiz," he assured me.

Sumandal ako sa kaniya at niyakap ulit ang braso niya.

"Omg, you look sick," Ngiwi ni Selena sa akin pagka-upo niya sa tabi ko. "Walang ka-kulay kulay yung labi mo! Punta ka namin sa clinic?"

Umiling ako at nag-punas ng mata.

Pagkatapos ng Public Health, medyo chill na yung mga sumunod na subjects kaya nakapag-ayos na rin ako ng sarili ko. Once we got dismissed, tinatanong na kaagad ni Selena kung saan kami pupunta mamayang gabi. A lot of students are going to be out drinking tonight so malamang gustong lumabas nina Selena.

"Sama ka ba? Sunduin ko si Val," tanong ni Vale sa akin.

Tumango ako para naman may kasama siyang pabalik sa town. Si Selena ay nagpaalam muna kasi magpapalit pa daw siya ng suot kaya uuwi daw muna siya. Imeet nalang daw namin siya sa inuman mamaya.

"Hi Valir!" Ngiti ko sa batang kapatid ni Vale na ngayon ay naka-upo na sa likod. "Anong grade mo na ulit?"

"Grade four!" sagot niya habang nilalaro yung strap ng bag niya.

Sobrang kahawig niya talaga si Vale! Para siyang mas bata na carbon copy.

Hinayaan ko si Valir na pumili ng mga kanta papuntang Bakakeng. Bumaba naman siya ng sasakyan pagkatapos niyang magpaalam sa aming dalawa.

"Cute ng kapatid mo," I said.

Napakunot naman ang noo ni Vale.

"Cougar," he told me.

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya.

"Kadiri ka, cougar agad?!" Tawa ko. "Di ko naman type! At mas lalong hindi kita type! Mangilabot ka nga!"

Natawa na rin tuloy siya sa sinabi niya.

Medyo traffic pa ang Marcos Highway dahil magra-rush hour na kaya medyo natagalan ang pagpunta namin sa The Camp. Sobrang traffic rin sa Leonard Wood Road kaya natagalan talaga kami.

"Mas nauna pa ako sa inyo!" angal ni Lia sa aming dalawa. "Parehas lang naman tayo ng pinanggalingan!"

"Traffic, e," paliwanag ko.

Nakita ko ang mga beer na inorder nila at si Mage ay mukhang namumula na. Kahinaan niya talaga ang alak, pero g naman siya kapag may nagiimbita! Hindi ko rin alam kung bakit, pero namumula siya palagi kapag umiinom siya ng beer. Sana hindi allergic reaction.

Tumingin ako sa paligid at mukhang marami-rami ang mga SLU students na nagpe-pregame muna bago pumunta sa club mamaya. Sa taas lang kasi ang Ampersand kaya marami-rami na rin sila dito.

"Ang daming SEA dito!" sigaw ni Selena. "Sana makita ko crush ko!"

"Dude.. no to SEA!" sigaw pabalik ni Mage.

Sa aming magkakaibigan, siya talaga ang pinaka-conyo. "SEA guys are ghosters!"

"Oo nga," rinig ko galing sa tabi ko. Nagulat ako nang makita ko si Ezra.

Napatingin na rin ako kay Selena na nakahalumbaba na ngayon at ang tingin kay Ezra ay parang Prince Charming galing sa isang Disney movie.

"Right, Ez?!" sabi ni Mage. "At least you're not denying yung mga faults ng mga ka-lahi mo!"

Nagulat si Selena nang makitang kilala rin ni Mage si Ezra. Sa pagkaka-alam ko, naglalaro si Ezra noon sa Brent Cup kaya magkakilala sila ni Mage. Hindi kasi kami same ng school ni Ezra na pinasukan noong nag-Senior High na kami.

Pinitik ni Ezra ang ulo ko. "Kita mo message ni Kuya sa'yo kagabi?"

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya. "Huh? Anong message?"

Mukhang gulat siya sa tanong ko. Kanina, handang handa na siyang mang-asar, eh.

"Yung tinatanong kung nasaan ka," he said. "Di mo nabasa yun?"

Umiling ako. "But he did remove a message. Sabi niya ikaw daw yun."

Nanlaki ang mga mata niya. "Di ko nga alam passcode non, e! Siya 'yun! Tinanong niya kasi kung may masasakyan ka pa daw ba ng ganong oras kasi nakita ka daw niyang nanuod nung game."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Crush na crush talaga ako no'n!

Gusto ko iassume na concerned siya, pero wag na lang! Takot lang talaga siya na baka magalit si Margaux kay Franco kung may mangyari sa akin, lalo na at nakita niya ako doon sa game nila. He's a good tropa to his friends.

Wow, for the first time, di ako assuming!

Inimbita ni Mage si Ezra na umupo sa table namin kaya tuwang tuwa naman si Selena.

Nung una, ayaw pa talaga pumayag ni Ezra dahil kasama niya rin ang mga kaibigan niya pero bigla namang nanlibre ng alak si Selena kaya umupo na rin siya sa tabi ko.

Hindi nag-tagal ay nag-simula na rin si Lia sa mga drinking games niya. Sinuggest niya kaagad ang King's Cup at handang handa talaga siya dahil may braha siyang dala.

"Two, you!" Turo ni Mage sa akin nang mabunot niya ang 2 of hearts.

Umiling ako kaagad.

"KJ!" sabi ni Lia.

"Ayaw mo?" tanong ni Ezra sa akin.

I scrunched my nose and shook my head once again.

Nag-kibit balikat siya.

"Saluhin ko nalang," sabi niya sabay kuha sa shot glass na sinalinan ni Mage.

"Gusto ko rin masalo." Nguso ni Selena.

Hindi ko napigilan ang tawa ko kasi halatang halata na type niya talaga si Ezra! Hindi man lang siya magpa-hard to get!

Parami nang parami ang mga kakilala namin na pumapasok sa inuman habang tumatagal. Well, expected naman na 'yon since very seldom lang mawalan ng Saturday classes, malamang ay maraming dadayo sa mga inuman ngayong Friday.

"Pupunta si Claude dito?" tanong ko bigla kay Ezra.

Mukhang gulat siya sa tanong ko.

"Si Kuya? Nope. Never! 'Yun pa!" He chuckled.

Mas nagulat naman ako sa sagot niya. Never daw? Eh last week nakita ko lang siya sa labas ng BASMNT, ah?

I was thinking of mentioning it, but something else caught my eye. Kilalang kilala ko ang plate number ng sasakyan ni Jaxon, kaya nagulat ako nang i-park niya ito sa labas.

"Parang pamilyar 'yung Civic na 'yun," Vale stated while looking at the same direction that I was looking at.

Hindi naman umiinom si Jaxon, hindi rin umiinom si Ela.

Bakit kaya siya nandito?

Dumiretso siya sa loob ng The Camp at umakyat ata sa hagdan. The only thing up there is Ampersand, Hardin, Anytime Fitness, and.. I don't know. Imposibleng pupunta siyang Ampersand dahil hindi naman siya yung tipong pumaparty. Mas lalong hindi naman siya pupunta sa Anytime Fitness ng ganitong oras. Sa pagkaka-alam ko, sa Coyeesan ang gym niya.

Nagulat ako nang makita ko siya sa labas at sumunod si Ela.

Saan naman siya galing?

Nang makita ni Vale na ang tagal kong nakatitig sa labas ay pinitik niya ang noo ko.

"I think there's someone's 18th birthday sa Hardin," sabi ni Vale. "My friend from SEA invited me nung Monday."

Tumango ako.

Hindi ko nanaman alam kung bakit ganito ako ka-affected. Bakit ba parang mushroom 'yang si Jax?! Kung saan saan kasi sumusulpot!

Nagulat ako nang pumasok silang dalawa dito sa Here at bumati ng ibang mga kaibigan nila. Hindi ko na alam kung ano nararamdaman ko, kung inis ba o galit o sakit.

"King!" Selena exclaimed once Ezra showed the card he chose.

Kinuha ko kaagad ang baso na pinaghaluan nila ng kung ano-anong alak at ininom ito hanggang maubos.

"Hey," ani Vale habang sinusubukang kunin yung baso, but he's too late because it was already finished. "That's too much."

"I'm fine!" malakas kong sabi.

"Hoy, baka wala pa tayo sa taas, gumagapang ka na ah," sabi ni Selena.

Umiling ako at kinuha yung alak na nasa kamay ni Selena.

"You only live once." I laughed and drank straight from the bottle.

"Uy, Raf, okay ka lang?" Ezra chuckled. "Matibay naman pala 'to."

"Why are you doing this?" bulong ni Vale sa akin. "Is it because of that douche? We can go."

Umiling ako at tinakpan 'yung bibig niya. "Vale, loosen up!"

"Huy, pigilan mo," sabi ni Selena kay Vale.

Napa-kamot naman si Vale sa ulo niya. Ang bilis ko agad naramdaman ang alak sa sistema ko dahil pagka-tayo ko ay bigla akong nahilo. Vale and Ezra immediately grabbed my arms to help me stand up.

"I'm fine! I'm just going to the bathroom!" I giggled.

"Samahan na kita," sabi ni Lia.

Umiling ako at tinakpan ang labi niya gamit ang index finger ko.

"Nooooooo!" Ngisi ko. "You stay here and make landi! I'm so proud of you."

Natawa naman silang dalawa ni Mage. "Okay, mom."

Bago pa ako makarating sa banyo ay may matangkad akong nabangga. Naka-white shirt lang siya with a v-line and black shorts. Sobrang simple lang ng damit niya pero mukha siyang mamahalin na tao dahil sa apple watch, shoes, at kutis. Kutis pang-mayaman! Siya kaya mahalin ko? Char!

Inangat ko ang ulo ko para makita kung sino ang nabangga ko. Tumaas naman ang kilay ko sa kanya nang makita ko ang mukha niya.

"Why do you keep bumping into me?" suplado niyang tanong.

Huh! Feeling!

"Akala ko ba sabi ng kapatid mo never kang pupunta dito?" I tried to mock Ezra's voice sa word na never.

"You smell like alcohol," sabi niya.

Kumapit ako sa braso niya dahil pakiramdam ko ay tutumba na ako kung wala akong paghahawakan.

"40% or 70%?" tanong ko.

I slightly laughed at my own joke habang siya naman ay kumunot lang ang noo.

Bago pa siya maka-sagot ay narinig ko kaagad ang tawanan ng ilang mga babae sa bandang kaliwa ko. Naka-tayo lang si Ela doon dahil mukhang paalis na rin silang dalawa ni Jaxon at mukhang nangangamusta lang sa mga kaibigan nila.

Alam ko namang match made in the universe or whatever 'yang dalawang 'yan. Ela was a good influence daw on Jax because she 'changed' him kuno. Playboy daw kasi 'yang si Jax noon, and now stick to one na lang daw siya. Hah! Maniwala.

"Cheater!" sigaw ko.

Gusto ko siyang sampal-sampalin! Mabait naman si Ela kaya si Jaxon lang ang sasampalin ko.

Nagulat si Claude sa biglang sinabi ko dahil sobrang lapit ko lang sa kanya.

"What?" he asked.

"Sasampalin ko 'yang lalaking 'yan! Wait, on second thought... I'll just key his car!" sabi ko sabay takbo palabas ng bar.

Pagkarating ko sa tapat ng sasakyan niya ay napa-hawak muna ako sa railing dahil nahihilo na talaga ako. Sinubukan kong hanapin ang susi ng bahay na palaging nasa bulsa ko pero hindi ko nahanap.

Nag-squat ako sa tabi ng pintuan ng civic at sinubukang kuskusin gamit ang kuko ko. Bakit ang hirap?! Ang glossy naman!

"Let's go," rinig kong salita ng isang lalaki.

Siya nanaman?!

"Ayaw." Halukipkip ko.

Nag-malalim na buntong hininga siya at binuhat ako na parang sako.

Aba?! Ano tingin niya sa akin, bigas?!

"Hoy! Ibaba mo ako!" I punched his butt. "Claude, ibaba mo ako!"

"Where the hell are your friends?" tanong niya sa akin.

"Susukaan kita," sabi ko sa kanya.

Agad niya naman akong binaba pero nasa tapat na kami ng isang sasakyan na tumunog dahil inunlock niya. Iba nanaman 'to sa sasakyan na gamit niya last week.

"Vomit," utos niya sabay turo sa tabi kung saan merong mga halaman. "Just please don't vomit in my car."

"Joke lang, never ako nagsusuka," sabi ko. "Bakit ba ako papasok sa sasakyan mo?! Ano ba kita?! Crush lang naman kita!"

Kumunot ang noo niya at binuksan niya ang pintuan ng sasakyan na sinasandalan ko ngayon.

"Hatid na kita."

Bumelat ako sa kanya pero pumasok rin lang ako sa loob.

Ang bango ng sasakyan niya ulit! Parang bagong bago.

"Pwede na kita maging Grab driver," sabi ko sa kaniya habang binubuksan ang glove compartment.

"I'm just giving you a ride because your sister's my friend, and I basically saw you grow up." He buckled his seatbelt. "You're like an ading."

Kumunot ang noo ko.

Ading?!

"Kadiri ka naman! Hindi nga kita kinu-kuya, ading pa rin tingin mo sa akin?! Eh kung mag-momol tayo edi iniisip mo ka-momol mo isang bata?! Kadiri!"

Umismid siya habang inaatras ang sasakyan niya palabas ng parking. "Who said I'd ever kiss you?"

Inirapan ko siya sabay halukipkip.

You never know, Noestro. You never know.

Continue Reading

You'll Also Like

38.3K 2.9K 18
A short story about my beloved Arshi.. Little intense.. Nafrat Paas Ane na de..Mohabbat dur Jana na de..
601K 7.4K 31
The bad boy's life changes when he suddenly becomes the teacher's baby...
110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
2.3K 184 13
"𝐢𝐟 𝐢 𝐝𝐫𝐨𝐰𝐧 𝐚𝐧𝐝 𝐝𝐨𝐧'𝐭 𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐛𝐚𝐜𝐤? 𝐰𝐡𝐨'𝐬 𝐠𝐨𝐧𝐧𝐚 𝐤𝐧𝐨𝐰? 𝐦𝐚𝐲𝐛𝐞...