Meet The MONDRAGON BOYS

By ItscathyTan

4.3K 205 52

STORY NG ISANG WEIRD AT NAKAKATAKOT NA BABAE NA LAGING NAPAG KAKAMALANG MULTO KASAMA ANG APAT NA GWAPO PERO M... More

Prologue
Chapter 1: Lady in Black
Chapter 2: New School
Chapter 3: Mag nanakaw
Chapter 4: Backstairs
Chapter 5: Scary Zoey
Chapter 6: SHUT UP
Chapter 7: Kill me now +__+
Chapter 8: 10,000 Just for Zoey Raven Wakefield BANGS and PICTURE?!!
Chapter 9: Blue and I?
Chapter 10: Her Past
Chapter 10.5: Her Past PART II
Chapter 11: Wanna die
Chapter 12: The New Transferee
Chapter 13: Im his nurse >___<
Chapter 14: Meredith's Birthday Party
Chapter 15: Sabi ko na nga ba!
Chapter 16: Girlfriend? O__O
Chapter 17: I'm dead -__-
Chapter 18: Day Hell!
Chapter 19: You stole my First kiss
Chapter 20: School Fest. Part I
Chapter 23: Whats wrong with you?
Chapter 21: School Festival Part II
Chapter 22: Just the Two of us
Chapter 24: A Dare
Chapter 26: Freak and I

Chapter 25: Jealous Russel

35 1 6
By ItscathyTan

Chapter 25: Jealous Russel

Zoey PoV

"Tigilan na nga natin 'to!" Biglang tumayo si Russel bago ako tinignan ng masama.

Aba sya na nga itong bigla akong hinampas sa noo eh! Tapos sya pa titingin ng masama? Dukutin ko mata nya!

"Napaka-KJ talaga ng pinsan nyong yun ano?" Meredith.

Tumayo na din ako kaya napatingin sila sakin. "Mauna na din ako sa inyo" sabay sabay naman nila ako tinanguhan kaya umalis na ko para makapag pahinga na rin.

Naalipungatan ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Agad akong bumaba para pumunta sa kusina patay lahat ng ilaw hindi na ko nag abalang buksan pa. Dumaretso ako sa Ref at tinignan kung anong pwedeng kainin.

"Wala bang ready to eat?" Napakamot ako ng makita ang laman ng Ref. Wala kasing pwedeng initin o buksan na lang para makain lahat lulutuin pa.

Nakakita naman ako ng instant noodles na may nakalagay na pangalan ni Russel. Tumaas ang kilay ko bago ngumiti.

"Eto na nga lang"

Binuksan ko ang ilaw sa kusina at nag simula ng mag painit napatingin ako sa orasan 2am palang.

Nakaupo ako at nakayuko sa mesa habang nag hihintay kumulo ang tubig ng biglang may sumigaw.

"AAAAAH! M-MAY MULTO!" Sigaw neto sa gulat ko nadampot ko ang mangkok na nasa harap ko at naibato ko iyon sa kanya.

"Aray ko" agad ko syang nilapitan ng makitang si Blue iyon.

Anak naman ng tokwa kasi makasigaw. Nagulat ako. Nakita kong may tumulomg dugo sa ulo nya kaya nataranta ako lalo.

"Hala, sorry. Sandali..."

Pinaupo ko sya bago sinumulan linisin ang sugat nya. Tumama kasi sa ulo nya yung mangkok, actually hindi babasagin yun yung bungo nya ata ang nabasag ko.

"Bakit kasi sumisigaw ka? Para kang si Russel eh"

Narinig ko naman syang tumawa. "Iinom kasi sana ako ng tubig, nagulat ako sayo at nakayuko ka dito. Mag suklay ka kaya ang gulo kasi ng buhok mo"

Natigilan ako ng bigla nyang hawakan ang buhok ko. Hinawakan ko din ang buhok ko at gulo-gulo nga.

"N-Nagutom kasi ako kaya nag pakulo ako ng tubig" tarantang sabi ko. Para naman akong nanigas ng hawakan nya ang magkabilang pisngi ko at lumapit sya sakin.

"I wonder why Patrick did that to you. He's a jerk to let go of you, Zoey" bigla nyang sabi. "If I were him hindi kita pakakawalan...." Nanglaki ang mata ko ng akma nya kong hahalikan. Just what the f!

"Wala ka talagang patawad kahit ang Freak na gaya nyan papatulan mo? Napaka baba naman ng standards mo ngayon, Blue" I took the chance to push Blue away ng may mag salita. It was Russel. Nakasandal ito sa pader while holding some beer in can on his hand.

"It's none of your business, Russel" Blue.

Ngumiti ito bago naglakad palapit samin. Tumayo naman ako ng makitang kumulo na yung tubig.

Bakit ba gising pa tong matakaw na to? Kanina pa kaya sya dyan? Bakit nainom sya?

"Kanina ko pa kayo nakikita mula sa labas" turo nya sa bintana sa may kusina. "Hindi ako makatulog..." Tumingin sya sakin at nanglaki ang mata ng makita ang hawak ko. "....Hoy! Sakin yan ah!" Turo nya sa noodles nya.

Nginitian ko sya bago mabilis na tumakbo palabas ng kusina dala ang noodles nya..base kasi sa itsura nya mukhang babawiin nya talaga ito eh!

Russel PoV

"Freak!" Sigaw ko ng bigla syang tumakbo dala ang instant noodles ko. "Hindi man lang nag paalam, may pangalan ko na yon eh!"

Narinig ko namang tumawa si Blue kaya napatingin ako sa kanya. He was smiling habang nakatingin sa kung saan dumaan si Freak.

"She's cute, right? Lalo na pag nag bu-blush.." ngumiti ulit ito. Agad ko naman syang nilapitan at hinawakan sa damit nya.

"Wag si Zoey, dude" seryosong sabi ko sa kanya. "Wag na wag"

"Relax. I'm serious about her" ngumiti ito ulit bago tumingin sakin. "Don't tell me, you have feelings for her too?" Sa tanong nyang iyon binitawan ko sya bago tumawa.

"Ako? Wag kang mag-patawa, Blue. Pamangkin sya ni Auntie. Hindi iyon matutuwa kapag nalaman nyang pati pamangkin nyan isinama mo sa mga babae mo"

"I told you, seryoso ako kay Zoey" tinapik nya ko sa balikat ko. "Mauna na kong matulog sayo ha? Goodnight" pagkasabi nya nun umalis na sya.

Seryoso sya kay Freak? Ang isang gaya nya mag seseryoso sa isang gaya ni Freak? Is that a Fucking joke??!

Kinabukasan nakita ko silang dalawang sabay na bumaba at sumakay ng sasakyan. Si Ken ang nag drive katabi ko sya kaya nasa likod si Freak kasama si Blue at Red.

"Anong nangyare dyan sa noo mo, Blue?" Biglang tanong ni Ken.

Binato nga pala sya ni Freak kagabi, bagay lang sa kanya yan. Tsk.

"Wala 'to.. nauntog lang ako kagabi" Blue.

Nauna akong bumaba sa kanila ng kotse hindi ko na sila hinintay pero bago ako pumasok ng room ko nakita ko si Freak at Blue na sabay pa din na nag lalakad.

"Sana madapa kayong dalawa" inis na bigla kong sabi.

"Nag seselos ka talaga..." Muntik ng tumalsik ang kaluluwa ko ng biglang mag salita sa tabi ko si Meredith. Oo nga pala kaklase ko itong babaeng to.

"Ano ka ba kabute?" Angil ko sa kanya bago tinakpan ng kamay ko ang mukha nya..ngumiti kasi sya ng nakakaloko. Sumigaw naman sya dahil doon.

"Yuck! Ewww..." Pag iinarte nito.

"Mas malinis pa kamay ko kesa sa mukha mo" sinuntok naman nya ko sa balikat ko sa sobrang inis nya kaya natawa ako.

Natapos ang klase papunta na ko sa Parking lot ng mahagip ng paningin ko si Blue hawak nito sa kamay si Freak at hindi sila patungo dito sa kotse.

"Saan pupunta mga yun?" Wala sa sariling tanong ko.

Biglang may tumapik sakin kaya ako napalingon. Si Ken.

"Hindi makakasabay satin pauwi ang dalawang yun. Sabi ni Blue daldalhin nya sa isang Party si Zoey kasama ang iba't ibang model" Ken.

"So bakit hawak kamay kapag mag lalakad?" Inis na tanong ko.

"Huh? Hawak kamay?" Nagpalinga-linga si Ken.

Nagsalubong naman ang kilay ko. Dadalhin sa party? Ibig nyang sabihin mga babae ni Blue? Isa pa, hindi bagay doon si Freak! Baka pag tawanan lang sya dun!

"Siguro naman pag umattend doon si Zoey ma-adopt nya mga panunuot ng mga model doon hindi ba?" Si Red.

Hindi ko na lang sila pinansin at nauna ng sumakay sa kotse, bahala na sila. Wala akong pake sa kanila.

Tahimik na kumakain kami ng Pizza na inorder namin habang nanonood kami ng TV dito sa Sala. Kami lang tatlo at hindi pa nakakauwi sila Freak at Blue. They sure to enjoy each other company huh!

"Gusto ko kumain ng luto ni Zoey" humawak si Red sa tiyan nya bago ngumuso.

Ako din, hindi sapat sakin ang pizza lang! Hindi ako mabubusog dito. Napatingin naman ako sa malaking orasan, 8:30 pm na.

"Hindi pa ba sila uuwi?" Tanong ko kay Ken.

"Wala pang reply si Blue, hayaan nyo na munang mag enjoy kahit papano si Zoey" Ken.

Nagkibit balikat na lang ako bago tumingin ulit sa TV nang biglang dumating na yung kanina ko pa hinihintay, si Freak at Blue.

Nagtatawanan ito at halata mong nag e-enjoy si Freak. May paghampas-hampas pa sa Braso ni Blue habang natawa eh!

"Zoeeeeey~" agad naman lumapit si Red kay Freak bago kumapit sa braso nito. "Nagugutom ako, Pwede mo ba akong ipagluto?"

"Ha? Oo sige ba" Zoey.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo ah? Anong meron?" Tanong ni Ken.

"Eto kasing si Blue, sa party kanina----" hindi na natuloy ni Zoey ang sasabihin ng takpan ni Blue bibig nito.

"Sssh! Wag kang maingay" Blue.

"Tssk!" Inis na tumayo ako at iniwan silang lahat doon. Nabu-bwisit ako, ewan ko ba! Ayoko makita mukha nilang dalawa nakakasira ng gabi. Baka mapaginipan ko pa si Freak at bangungutin ako! Nakakakilabot.

Continue Reading

You'll Also Like

16.7M 721K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
27.3K 1.4K 32
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
26.8K 536 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...