The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 48

22.6K 812 37
By sweet_aria

Chapter 48

Malapit na ako sa kwarto nang narinig ko ang malakas na kalabog nang bumukas na pinto. Nilingon ko ito at nakatayo siya roon.

"Don't you know how to lock the door?" he asked, and strode towards me. "Paano kapag may bigla na lang pumasok dito na hindi n'yo kilala?"

He stopped in front of me with his impassive expression.

"President, gusto kong magpahinga," pakiusap ko. I averted my gaze from him and sighed.

Tinalikuran niya ako at tumungo siya sa sala. He sat on the sofa and crossed his long legs.

"Hindi ako aalis dito nang hindi tayo nakakapag-usap. Kanina mo pa ako iniiwasan sa school!" mariin niyang sabi.

Sinundan ko siya at umupo ako sa kanyang tapat. Inangat ko ang mukha at nagtama ang aming mga mata.

"Anong kailangan nating pag-usapan?" tanong ko. "'Yong nangyari kaninang umaga? Meave kissing you on the cheek, is that it?"

Hindi siya nagsalita, napangisi ako.

"Gusto mong marinig mula sa bibig ko kung anong masasabi ko? All right! I'll be honest! I didn't like what she did! Sino ba namang girlfriend ang matutuwa na makitang hinahalikan ng ibang babae ang boyfriend niya?"

Bumagsak ang tingin ko sa aking mga palad at mapaklang ngumiti. Naramdaman ko ang pagtayo niya at paglapit sa akin. Itinuon niya ang kamay sa sofa at hinawakan ang baba ko. Hinagilap niya ang mga mata ko.

Inalis ko ang kamay niya at tumayo. Lumipat ako sa kaninang inuupuan niya. "At ang kay Sir Gael, dinala niya rito ang bag ko dahil naiwan ko sa faculty room."

Sariwang-sariwa sa isip ko ang mga nangyari sa akin sa school hanggang dito sa bahay, at hindi ko mapigilan ang matakot.

"Wala akong dapat i-explain sa nakita mo kanina dahil wala akong ginawa na dapat mong ikagalit. Pero kung nagagalit ka dahil pinuntahan ako ni Sir Gael, then okay. Hindi ko hawak ang nararamdaman mo."

Ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"I couldn't come to you earlier 'cause I don't want to worry you." Nag-init ang mga mata ko. Tumingala ako, pinipigilan ang emosyon. "I had a panic attack, Aegeus. And I don't know what exactly the trigger is."

Ramdam ko ang tuon niyang pakikinig sa akin.

"If you want to find out more about what I am experiencing, you can talk to Faerie. Ayokong sa akin mismo manggaling."

Tumunghay ako nang wala akong narinig mula sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin na tila binabalanse sa utak ang mga sinabi ko.

I rose from my seat and was about to leave him, but he held my hand. Mahigpit niya akong niyakap, hindi ko na nasupil ang pagkawala ng mga luha mula sa mga mata ko, lalo na nang hinaplos niya ang likuran ko.

Sobs escaped my mouth as he pressed my head into his chest. "Nahihirapan akong intindihin ang sarili ko. Ilang taon na akong lumalaban at maraming beses ko na rin naisipan na sumuko."

Nanginginig ang mga balikat ko. Mas lalo akong napaluha nang halikan niya 'yon.

"I'm here, Amity. I'm here, shh," he said repeatedly. Inalalayan niya akong umupo at inihilig niya ako sa dibdib niya.

"This is one of the reasons why I tried to avoid you before. Pero nakakainis dahil kahit anong gawin ko, parang may lubid na humihila sa akin papunta sa 'yo."

I felt his eyes on me. Ipinikit ko ang mga mata at muling pumatak ang mga luha ko.

Pinunasan niya ang mga ito. "Naiintindihan ko na ngayon."

Pagod akong ngumiti. "There's more of me that is hard to understand. Huwag ka munang magsalita nang tapos."

Bumuntonghininga ako at tiningala siya. I stared at his handsome face.

"Takot akong maiwan dahil bata pa lang, iniwan na ako ng mga taong mahal ko. Pero sanay rin ako. Ang sakit lang na naiiwan dito ang hindi." Itinuro ko ang dibdib ko.

Nang wala akong narinig sa kanya ay umalis ako sa pagkakahilig sa kanyang dibdib. Umayos ako ng upo at kinuha ang kanyang mga kamay.

"So if you get tired of me, just be honest with me, okay?" Pinisil ko ang mga ito. "Kasi papakawalan kita kahit alam kong masakit. Ayokong maging pabigat sa mga taong mahalaga sa akin."

His jaw tightened. Tinitigan ko ang mga mata niya at humaplos ang sakit sa puso ko nang nakita ang pagpula ng kanya.

Tumama ang realisasyon sa akin, pero hindi ko magawang ilabi sa kanya. When I could no longer bear the emotions in his eyes, I hugged him and buried my face in the crook of his neck.

"Are you jealous of Gael?"

Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya dahil sa tanong ko. Aalis sana ako sa leeg niya nang mas hinigpitan niya ang yakap sa akin.

Pagod akong natawa. Bumuntonghininga ako bago muling nagsalita, "'wag kang magselos. Mas gwapo ka sa kanya."

Tumikhim siya. "So it means if he is more handsome than me, you would've chosen him over me?"

Umiling ako.

"That's what you meant, Amity," mariin niyang sabi. "Bakit ba ang hihilig n'yong mga babae sa gwapo?"

Napangiti ako. "Bakit mainitin ang ulo mo?"

Inilayo ko ang sarili at mabuti na lang ay pinakawalan na rin niya ako. I looked at him and his face seemed cold like the usual.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi at tumingin sa mga mata niya. "Hindi lahat ng babae ang gusto ay gwapo. Nagkataon lang na sinuwerte ako dahil isa ka sa mga biniyayaan ng pinagpalang mukha."

Binitawan ko siya. Iiwanan ko muna sana siya para ayusin ang kwarto ko pero pinigilan niya ulit ako.

He tapped his lap while looking at me with so much concern in his eyes. "Come here and rest."

Bumagsak ang tingin ko sa kandungan niya ngunit agad ko ring ibinalik sa kanyang mukha.

"Come on."

Lumunok ako bago gawin ang gusto niya. Umunan ako sa kanyang kandungan at hinaplos niya ang buhok ko.

"Sleep. I won't leave you."

He breathed a sigh of relief as I slowly closed my eyes. He continued stroking my hair and I dozed off.

Nagising ako at awtomatikong tumutok ang mga mata ko sa kanya na mukhang hinila rin ng antok sa pagpapatulog sa akin.

Bumangon ako at umayos ng upo. Akmang ihihiga ko siya nang pigilan niya ang mga kamay ko.

"What time is it?" he asked and opened his eyes.

Tumingin ako sa wall clock at nabasang mag-aalas-otso na ng gabi. Gumala ang mga mata ko sa apartment, inilabas ko ang cell phone mula sa bulsa.

Ramdam ko ang panonood niya sa akin. Tinawagan ko si Faerie at ilang sandali lang ay sumagot ito.

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko.

"Hindi ako makakauwi ngayon. May kailangan akong asikasuhin sa bahay," sagot niya.

I glanced at President sideways and turned my back, so he wouldn't see the expression on my face.

"Ah, sige. Mag-ingat ka."

Matagal bago siya nagsalita. "Kumain ka na ba?"

I cleared my throat and made sure my voice wouldn't quiver. "Hindi pa."

"Kumain ka na. Sorry, hindi ako makauwi riyan."

I closed my eyes tight and swallowed hard. Kumikirot ang dibdib ko dahil pakiramdam ko iniiwasan niya ako. Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.

"Okay lang. I hope you're doing fine."

"I am. Lock the door before you sleep, okay?"

"I will. Good night!" I said, trying to keep my voice steady and resolute.

"Good night!"

I hung up and calmed myself before facing President with a strained smile. Hinawakan ko ang braso niya at dinala siya sa kusina. Binitawan ko siya at binuksan ang refrigerator.

"Gusto mo bang ipagluto kita—"

"I'm aware that you don't know how to cook," he broke in gently, and held my arm, turning me around to face him again.

His beautiful yet reserved eyes seemed like trying their best to talk to me.

"I'll order foods. Let's just wait in the living area." Hinila niya ako pabalik sa sala at pinaupo ako.

Pilit akong nangingilag sa mga mata niya. Dinampot ko ang remote control at binuksan ang TV. Napahinto ako sa paglilipat ng chanel nang muli siyang nagsalita.

"You looked bothered because of Faerie."

I laughed, but abruptly stopped as I found it myself a hollow one. Ipinilig ko ang ulo dahil sa pagpupumilit kong magkunwari na ayos lang lahat.

"May problema ba kayong dalawa?"

Nagkibit-balikat ako at pinaglaruan ang remote sa aking mga kamay. "I don't know but it feels like she's avoiding me. Nagsimula kaninang umaga. Tinatanong ko siya kung anong problema pero lagi niyang sagot ay wala."

"I'm sure she'll talk to you about it sooner or later."

"Alam ko. Hindi ko lang mapigilan ang sarili na mag-alala." Bumalik bigla sa isip ko ang nakita ko sa cafeteria kanina. "Hindi ko alam, pero naiinis ako na nag-aalala. She even has a new friend in their department. Gusto ko siyang makasama mag-lunch kanina pero mas pinili niyang iba ang kasama."

Tumunghay ako at nakita ko na nagpipigil siya ng ngiti.

Kumunot ang noo ko. Umiling siya at inilabas ang cell phone sa kanyang bulsa. May tinawagan siya na restaurant at um-order ng pagkain dito.

"Thanks, Jon!" sabi niya sa kabilang linya. Natapos siya sa pakikipag-usap at muli akong hinarap. "Are you aware that you're so cute when jealous?"

My forehead crumpled with his out of the blue utterance. "Anong sinasabi mo?"

"It's obvious that you're jealous of her new friend."

Pagak akong natawa sa sinabi niya. "Hindi ako nagseselos! Naiinis lang ako dahil kami dapat ang magkasamang kumain."

Tumangu-tango siya na parang mas mayroon pang napatunayan. "You are territorial when it comes to Faerie."

I crinkled my nose and was about to say something, but he put his index finger on my lips.

"Ang selosa mo pala."

I swallowed hard.

"All right, I am, but not selfish!" Pinagdikit ko ang mga labi ko bago muling nagsalita, "nakakaramdam ako ng kirot, inaamin ko. Sanay ako na kaming dalawa ang madalas magkasama. Sobrang komportable ko sa kanya at ganoon din siya sa akin. Pero hindi ako ang klase ng tao na gugustuhing sa akin lang iikot ang mundo ng isang tao."

Inilapag ko ang remote sa table.

"I get jealous but that doesn't mean I'd pull someone's hair or make a ridiculous scene. Just like earlier, Meave kissed you, I just make it past."

Unti-unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Isa pa 'yong si Emery. Naaalala mo bang nahuli ko kayo na naghahalikan sa opisina mo?"

Tumango siya na parang wala lang sa kanya ang sinabi ko.

"Emery is your secretary so it's normal that you're with her most of the times. I'm okay with it as long as you won't do something like what you two did before."

Dahil ibang usapan na kapag ganoon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 8.3K 24
It ended but it'll still haunt you.
527K 10.4K 55
Bawat opinyon ng mga tao sa paligid ay mahalaga. Bawat buka ng bibig ay may dalang salita. Pero paano mo mapapahalagahan ang mga salita kung ang iyon...
85.6K 1.7K 87
"Nowadays LIES can make you HAPPY and TRUTH can give you PAINS."----Shaira Andrea Jimenez Sa tanang buhay ng isang tao hindi mo mapipigilan ang nagSI...
1.6M 37.1K 61
MATURE CONTENT | SPG | R-18 Too much love is vicious, and Saintess learned that the hard way. Daunted by the animalistic and cruel way of Saint Yves...