Head Over Heels For Ezzio (Vi...

By hayillaaaaa

517K 14.8K 4.4K

[COMPLETED] Paris Belle Villaverde, a known dean's lister in campus, accidentally screams out she likes Ezzio... More

Head Over Heels For Ezzio
Prologue
Note
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Last Note

Chapter 12

9.7K 347 79
By hayillaaaaa

Paris

Kumalat ang video. I already expected it to happen but I just couldn't help but be appalled by how fast the social media platforms worked. Isang post lang, kalat na agad. And to think na Friday pa lang ngayon! Hindi man lang naabutan ng ilang araw.

Ezzio muttered a soft curse.

"That ass, though," I heard him say, grinning playfully while biting his lip. Nang-aasar na naman ang gago!

Nanlisik ang mga mata ko at tiningnan siya ng masama. He was chuckling quietly with his eyes fixed on the phone. Ngunit liningon din niya ako nang mapansin niyang tinitingnan ko siya. But instead of stopping, he just gave me a smirk.

"Oh, come on, Paris," iniharap niya sa'kin ang phone. "You look good here. Ako na mismo nagsasabi kaya dapat maniwala ka."

He laughed at his cockiness while I cringed for the nth time as I saw myself on his phone. Yep. Ang video iyon. At talagang tinitingnan 'yon ni Ezzio habang kasama ako. I'm pretty sure he's just doing that to annoy me!

Just when I thought the whole campus had forgotten about me already, 'tsaka naman kumalat ang video na 'to. So, the glances and stares were back. And this time, it's as if they look at me like I'm a different person. Dahil rin sa video'ng iyon, mas nagtaka na ang mga tao sa kung anong meron sa amin ni Z. The comments on the video were insinuating that there really was something going on. Ina-assume na rin nila na gusto na rin ako ni Ezzio. Even Venny concluded the same thing. As usual, halos hindi niya ako tinigilan sa mga tanong niya tungkol sa mga nangyari sa gabing iyon. I couldn't believe it. The dance probably put ideas in their heads, and their stares were as curious as ever. Lalo na kapag nakikita nila akong kasama si Ezzio tuwing lunchtime. Gaya na lang ngayon.

I looked the other way when I couldn't take the shame anymore. Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi. Hiyang-hiya ako. Bakit ngayon ko lang 'to naramdaman at hindi roon sa mismong gabi na ginawa ko 'yon?

"I-exit mo na 'yan," inis kong sabi. Tumawa naman siya. He leaned against the backrest of the chair.

"Why are you so embarrassed? Nandoon rin naman ako sa video pero hindi ako nahihiya," sabi niya. I scoffed.

"E, kasi nga likas nang makapal 'yang mukha mo."

Hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko na naghudyat ng pagtataka sa mukha niya. He touched his chin and looked at me with his eyes turned into slits. "Alam mo, for someone who likes me, masyado kang mataray sa'kin."

I stopped. Oo nga, no? Parang walang oras na hindi ko siya tinatarayan. E, paano ba naman kasi? Hindi ko naman talaga siya gusto?

Pero hindi nga? Masyado ba akong mataray sa kanya? Should I stop? Or at least tone it down a bit? In order to make my 'feelings' for him seem more believable?

Alright. Alam kong mali na itong ginagawa ko. I know I was going overboard this time. But like I said, I wanted more of what Ezzio's giving me. There's really something about him that fuels my courage and do something different. So, what if I pretend to be head over heels for Ezzio just a little bit more? Alam ko ang selfish na pero... tatapusin ko rin naman ito. Hindi nga lang... ngayon.

I cleared my throat. "Ganoon na talaga ang ugali ko," I said. Itinaas ko ang isang kilay. "B-bakit? Turn off ba iyon sa'yo?"

Naramdaman ko uli ang pamumula ng mga pisngi. I don't even know why I'm caring too much about hat he thinks. Hindi siya sumagot agad. Tila ba pinag-iisipan niya ng mabuti. He stared at me for a while before pursing his lips. Umiling siya.

"No," he answered. "Not really."

Our conversation ended that way. We spent the rest of the time in silence bago namin napagpasyahang pumasok na sa kanya-kanyang klase. When the class finally ended, hindi ko na nakita pa si Ezzio. Sigurado naman na diretso sa training iyon. Ang ibang students ay abalang-abala sa mga club meet-ups nila. Malapit na kasi talaga ang Founding Anniversary kaya todo practice at handa na sila para sa iba't-ibang contests na sinalihan.

Next week, magsisimula na rin ang pag set up ng booths for every departments. That, I was definitely excited about. Nakagisnan ko na kasing tumulong sa booth. Oo nga't wala akong sinasalihang contest every Founding Anniversary but I always help out during set ups. Iyon lang yung isang bagay na interesado akong gawin. At dahil puro practices lang naman ngayon, s'yempre umuwi na lang ako.

I spent the weekend more peacefully this time. Hindi katulad noong nakaraan na ang iniisip ko the whole time ay ang mga plano ko para kay Ezzio. This weekend though, I just enjoyed the time we had with kuya Max. Ibang-iba kasi talaga ang saya kapag nasa bahay siya. Mas nakakapag-bond kami.

Like I said, the booth arrangements would start immediately. This week, to be exact. Like the previous years, we were only given three days to set it all up. The anniversary would officially start this Thursday. Hanggang weekend iyon. Kaya naman kahit Monday pa lang, magsisimula na kaming magset up after class.

I didn't get to spend lunch with Ezzio. As part of the Heads for the booth, naging busy kami ng mga kasamahan ko sa pagf-finalize ng mga plano, sa hitsura nito at sa mga designs na pwede naming gawin. Hindi ko alam kung naghintay ba si Ezzio sa spot kung saan kami madalas nanananghalian o ano. Well, I could've informed him pero hindi ko rin naman siya nakita sa campus the whole day, 'tsaka wala rin akong number niya.

At dahil naging busy nga ako masyado, hindi na tuloy ako nakapaglunch. Matapos naming magplano ay dumiretso na lang ako sa afternoon class ko. Pagkatapos ng klase ay nagtungo ako sa locker para ilagay roon ang iilang libro na dala-dala ko buong maghapon. Habang inilalagay ang mga libro sa loob, batid ko ang konting pagod at gutom. The day wasn't done yet but I felt a little drained already. Ilang minuto akong nakatayo lang doon at nakatutok sa loob ng locker. I was trying to boost my energy.

Noong pakiramdam ko'y may lakas na ulit ako para gawin ang mga dapat ko pang gawin, huminga ako ng malalim at isinarado ang pinto. Laking gulat ko na lang talaga nang ang nakangising pagmumukha ni Ezzio ang una kong nasilayan!

"Hey, beautiful," bati niya, abot tenga ang ngiti. I jumped in surprise. Napahawak pa ako sa kaliwang dibdib ko dahil sa gulat. Naalala ko na 'yan rin ang mismong bati niya sa'kin noong kauna-unahan kaming nakapag-usap sa library!

Anong ginagawa niya rito?

"Trip mo ba?" giit ko, hindi mapigilan ang inis. Ni nawala na sa isip ko ang pangi-indian sa kanya kaninang lunchtime.

"Woah, easy there," he gestured his hand as if stopping me. "Napadaan lang ako, beautiful."

Hindi naibsan ang inis ko. Isa pa itong pagtawag niya sa'kin ng ganyan! Masyado siguro siyang bored ngayon, ano?

I only watched him with spiteful eyes while he leaned back against the locker next to mine with his arms crossed. Napansin ko ang isang paperbag sa kaliwang kamay niya dahil doon. For a moment, I wondered what it was. Ngunit naisip ko, ano bang pake ko kung ano iyon? Kaya naman agad kong ibinalik ang tingin sa mukha niya. Nakita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata.

"You didn't show up for lunch today," his lips slightly protruded. "Nakalimutan mo?"

Hindi ako nakasagot agad. Okay. Sadyang inakala ko lang talaga na wala lang ang hindi ko pagsipot sa kanya kanina pero nagkamali ata ako dahil heto siya ngayon at nagtatanong. And fine! I admit, what I did was a little unfair. Pakiramdam ko tuloy wala akong karapatang mag taray.

Dahan-dahan akong umiling.

"Naging busy lang," sagot ko. I then awkwardly massaged the back of my neck before asking him, "Nag... naghintay ka ba ng matagal?"

Halos hindi ako makatingin sa kanya. Naku, kung naghintay siya roon, mas lalo lang akong magi-guilty.

I saw him shrug. "Hindi naman."

Napabuntonghininga ako, parang may tinik na nabunot sa puso. Ayos na sana kaso nagpatuloy siya.

"Hindi ako naghintay ng matagal. Siguro mga... buong lunchtime lang. Ganoon." pasimple niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ako. "Just kidding," bawi niya. At ayon na nga't tumawa siya ng konti. Paanong hindi kukulo ang dugo ko dahil sa lalaking 'to?

"Alam mo ewan ko sa'yo," matamlay kong sabi. Nauubos na ang energy ko kaya wala talaga akong panahon para pansinin ang mga kalokohan niya. "D'yan ka na nga."

Nagsimula akong maglakad. I have more important things to do. Saka ko na poproblemahin ang kabaliwan ni Ezzio kapag natapos na ako sa mga dapat kong gawin.

"Hey!" I heard him call. Walang kahirap-hirap siyang sumunod sa'kin dahil sa laki ng mga hakbang niya.

"Saan ka pupunta?"

Bakit niya ba ako kinukulit? Dapat nga magdiwang siya dahil hindi ako umaaligid sa kanya ngayon, 'di ba?

"Beautiful?" aniya, hinuhuli ang atensyon ko. Hindi naman siya nabigo.
I stopped abruptly and faced him with an annoyed expression.

"Can you please stop calling me that?" I snapped. Napatigil din siya. Imbes na magulat ay kumunot lang ang noo niya, tila naguguluhan.

"Why would I?" he asked innocently. "E, pangalan mo 'yon, e."

My forehead creased in confusion as well. Anong pinagsasabi niya?

"Martinez, are you high or something?" naiinis kong tanong. Talagang wala ako sa mood makipagbiruan.

"Paris ang pangalan ko. Paris," pagtatama ko sa kanya. Ano bang meron? Did he magically forget what my name is?

I saw one of his brows move upward. Nagkibit balikat siya. 

"Oo nga. Paris. Paris Belle." may kaunting diin ang pagkasabi niya noon. He then chuckled softly. "'Belle' means 'beautiful' in Italian."

I could only blink. Hindi ko mapigilang manahimik sandali. If that wasn't the most random shit ever, I don't know what is.

I cleared my throat when I came back to my senses.

"Ang corny mo! Edi 'Belle' na lang rin itawag mo sa'kin! Ba't kasi kailangang i-english pa?" pagrereklamo ko pero ang totoo, may konting kaba na.

I averted my gaze for a second before returning it to him. I sighed. "Look, I need to go."

He stared at me for a little while. And then, I watched in shock as he handed the paper bag to me.

"Here." 

Hindi ko 'yon kinuha. Ang tanging nagawa ko lang ay ang titigan ito sa gulat. I only snapped back to reality when he reached for my hand and made me hold it myself.

"A-ano 'to?" tanong ko habang nakatingin sa hawak-hawak.

"Pagkain 'yan."

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya nalaman na hindi pa ako kumakain pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Mukhang nahalata niya naman 'yon kaya kusa na siyang nagpaliwanag.

"Kaibigan ko ang isa sa mga kasama mo sa pagpa-plano para sa booth. I know you haven't had your lunch yet."

Still, I didn't answer. Para akong tanga roon na nakatayo lang sa harap niya at tinitingnan siya. Hindi niya inalintana 'yon. Sa halip ay bumuntong hininga pa siya. He looked a little frustrated. A little. Kaunting-kaunti lang pero sapat na para mahalata ko 'yon sa kanyang mukha.

"But seriously, Paris," he started. "You should've told me. Hinatiran na lang sana kita ng pagkain."

Bakit mo naman gagawin 'yon?

Gustong-gusto kong itanong 'yon pero hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawa.

"H-hindi kita nakita at wala rin akong number mo," I said instead, finally finding my voice.

"I'll give you my damn number, then," direkta niyang sagot, hindi man lang hinahayaang pumagitna ang katahimikan sa amin. Mas lalo ko lang ikinagulat 'yon.

Speechless, I could only watch him purse his lips and cross his arms. Parang may pinag-isipan siya sandali. At nang makapag desisyon ay saka lang nagsalita.

"Also, I'm helping out. Sa booth," he said with total finality.

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 56.7K 58
| QBMNG BOOK 1 | Meet Andrea Jansen Lorenzo a.k.a 'Blandina'. The rich, the popular, and the gorgeous self-proclaimed Queen Bee ng campus nila. "May...
207K 7.7K 56
Elyse Sierra's life isn't exactly stuck in a rut but for years now, she's been living like a hermit with no dreams to chase and plans for her future...
55.6K 1.6K 26
Career Series #1 The Gonzal family are doctors, but for Aira, she found her path to pursue Architecture. Although her parents are not happy with her...
426K 8.2K 35
Book 2 of My Ex Is My Fiance Face all the trials and problems together? What if, Pain changes everything. -Fieryalih Copyright 2016 Fieryalih | All...