A Tale In Session (City Serie...

By jowybee

1M 40.2K 47.6K

City Series #1 Claude Noestro is a famous guy in a small city not only for his skill in sports but also his f... More

A Tale In Session
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
END

BEGINNING

74.8K 1.7K 1.2K
By jowybee

"Huy, gumising ka nga." Siko sa akin ni Selena. "Tapos na yung iyakan."

Tumingin ako sa paligid ko at tinignan yung mga babaeng nagsisi-iyakan. Humikab ako nang onti at sumandal sa balikat ni Vale.

"Pang retreat talaga 'yung kantang 'yon 'no? Kung nandito ang nanay mo ngayon, anong sasabihin mo sa kanya?" pangungutya ni Selena sa speaker. "Hoy may irereto ako sa'yo."

"Pass." Hikab ko ulit.

Si Vale ay naglalaro lang ng mobile legends at walang pake sa sinasabi naming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit wala pa 'tong girlfriend, eh. Siya nga lang ata pogi sa Medical Technology dito sa SLU.

Hanggang anong oras ba 'tong recollection na 'to? Nakaka-antok naman kasi. Nandito pa kami sa Mary Heights campus kaya mas nakaka-antok. Parang walang nanggugulo sa kanila.

"Girl, family oriented 'to. Basketball player. Gitarista. Okay 'to! Pogi! May car pa. Mabait."

Nang sabihin 'yon ni Selena ay tumaas agad ang dalawang kilay ko sa intriga. Sino ba 'yang pinagmamalaki niyang lalaki?

"Close kayo?" tanong ko.

Mukhang kilalang kilala niya, eh. Sabi niya mabait at family oriented.

"Hindi." She shrugged.

Kumunot naman bigla ang noo ko.

"Edi paano mo alam na family oriented siya?"

Ngumuso siya habang nakatingin sa cellphone niya. "Eh cover photo niya pamilya niya. Kung family oriented edi malamang mabait 'yan. Kita ko rin sa isang post ng mama niya tinag siyang nagdadrive. Oh diba!"

"Shunga!" Binatukan ko siya at nagpigil ng tawa dahil tumitingin na sa amin ang isang moderator. "Hindi mo naman pala kilala!"

"Hala, hindi mo ba alam? Basta may auto, pasado."

"Si Ena naman walang pinipili, e. She likes all guys." Iling ni Vale sa tabi ko.

He barely shares his sentiments, pero mahilig talaga siya mang-asar pag dating sa lovelife ni Selena.

Inismiran siya ni Selena. "Excuse me! Ikaw 'yung walang pinipili! As in wala talaga, kaya wala ka pang girlfriend!"

After a few moments, pina-alis na rin kami sa AVR. Maraming namumugto ang mga mata. Ewan ko ba, nakatulog na lang kasi ako agad kaninang nagsasalita yung speaker namin. Hindi ko napigilan.

"Uy, Saturday ngayon. Saan tayo?" tanong ni Selena habang naglalakad kami pababa.

Ang daming floors nitong building nila dito sa SAMCIS. Kumpleto pa 'yung facilities nila, may pool, basketball court, volleyball court, oval. Minsan naiinggit ako sa mga taga-SAMCIS pero naaalala ko ang layo rin naman kasi ng campus nila na 'to. Mahirap pa naman pumunta sa town kung galing ka dito sa Bakakeng.

"Uwi na 'ko," sabi ni Vale habang nakapamulsa.

Naririnig ko pa 'yung ibang block sa likod namin na kinikilig kay Vale.

Marami talagang nagkakacrush dito sa kaibigan namin. Pogi naman talaga siya, pero siyempre hinding hindi namin 'yon aaminin sa kaniya! Baka mas lumaki pa ang ulo ng matangkad na panget na 'yan.

"Ha?! Bakit?!" gulat na tanong ni Selena.

"We have an assignment. Chemistry." Vale reminded her.

"Eh sa Tuesday pa 'yon due, ah!" inis na depensa ni Selena. "Amper na mamaya daw mamaya oh sabi nina Lia sa groupchat."

Napangiwi ako sa alok ni Selena. Sobrang inaantok na talaga ako ngayon at wala akong gana na pumarty.

"Pass," sabay naming salita ni Vale.

Selena groaned in frustration. "Ang tagal tagal na nating hindi nagsasama na buo!"

Naisipan kong tignan 'yung phone ko habang palabas na kami ng building. 'Yong ibang blocks ay nagpapa-picture pa sa giant steps ng campus na 'to.

Sus! Akala mo naman walang ganyan sa main campus.

1 Text Message

"Sino nanaman 'yan?" tanong ni Selena sa akin nang makita niya rin ang lockscreen ko.

"Galit agad? Malay mo, mama ko pala."

Without any hesitation, I let my facial recognition open my phone. Ang laki na lang ng gulat ko nang makuha agad 'yon ni Selena at agad na binigay kay Vale.

"I guess tita's new name is Jaxon," pang-aasar ni Vale sa akin.

I rolled my eyes.

"Bakit pa ba 'yan nagtetext sa'yo?! Cheater!" Singhal ni Selena.

"I don't know. We're trying to be mature about it."

"Anong mature?!" Nanlaki ang mga mata ni Selena. "Hoy! Walang mature mature scenes dito! Bata ka pa! Kailan ka pa natuto niyan?!"

I sighed. Hindi ko rin alam bakit ba nagtetext sa akin si Jaxon. Matagal ko na rin siyang hindi kinakausap. Madalas kami magkita pero hindi ko na siya pinapansin. Baka miss moving on 'to!

"Hindi ka talaga makaka-move on kung ganyan." Iling ni Selena sabay hila sa aming dalawa ni Vale. "Tara nalang sa basketball court. Malapit daw si Lia doon, kanina pa siya dismissed."

I could already smell the pine trees as we walked towards the basketball court. Ang laki talaga ng campus nila dito. Parang ang layo sa city talaga.

"Uy! Raf!" Bati sa akin ng isang lalaki na nakasalubong namin.

"Ez! Long time no see." Yakap ko sa kanya.

The last time I probably saw him 2 years ago at our moving up ceremony. Super close friend ko siya noong junior high pa lang kami, pero hindi na kami masyadong nagkikita noong senior high kasi sa ibang school na siya nag-aral. Ez and I already knew each other even as kids since we went to the same elementary school.

Nanlisik naman ang mga mata ni Selena sa akin. It's as if she was trying to tell me something through eye contact.

Ahh..

"Ez, si Selena at Vale pala."

Malaki ang ngiti ni Selena kay Ezra habang nakikipag-kamay. "Hi! My name's Selena, but you can call me bab-"

"Ez, una na kami, ha!" Tulak ko kay Selena.

Ezra chuckled and waved goodbye. Naka-basketball attire siya ngayon kaya panigurado ay maglalaro 'yon ng basketball o kaya nama'y katatapos lang.

"Ikaw, ang landi landi mo!" I scolded her.

Tumawa naman siya bigla. "Akala mo naman maooffend ako! E totoo naman."

Nagulat ako nang biglang may yumakap sa aming tatlo bago pa ako makasagot kay Ena.

"I missed you guys!" Ngiti ni Lia sa amin.

"Weh? Nagkita lang tayo nung Monday, ah," sabi ni Selena kay Lia.

Inirapan naman siya ni Lia ngunit kinuha pa rin ang balikat ni Selena para hilain patungo sa basketball court.

Naramdaman ko na lang bigla ang phone ko sa bulsa ng hoodie na suot ko ngayon.

From: Jaxon

Raf?

"Wag mo na replyan," salita ng katabi kong si Vale. "Uuwi na ako. Hatid ba kita?"

"Wag na. Sayang sa gas mo, dito ka lang naman sa Bakakeng."

Tumango siya. "Sige. You'll stay here ba with them?"

I nodded back. Niyakap ko siya nang mabilis at sumunod kina Selena.

"'Yang mga 'yan, navigators. Sobrang hot, 'no?" sabi ni Lia kay Selena habang naglalakad kami pataas para makarating na sa basketball court.

"May nakita ako kanina, Ez ata pangalan, eh. Kilala ni Raf. Diba Raf?" tanong sa akin ni Selena.

Ako naman ay nakatutok lang sa cellphone ko. Kanina pa ako nagta-type at nagdedelete ng message na isesend kay Jaxon.

"Ha? Oo, sige," sabi ko nalang.

Hmm, ano kaya isesend ko? 'Yes, ano 'yun?' Or pwede rin namang, 'oh?' para mukhang mataray! Pa-hard to get, gano'n. Akala mo hard to get pero marupok pala talaga.

"Raf, watch out!"

Continue Reading

You'll Also Like

110M 3.4M 115
The Bad Boy and The Tomboy is now published as a Wattpad Book! As a Wattpad reader, you can access both the Original Edition and Books Edition upon p...
370K 9.7K 24
❝Fear makes the wolf bigger than he is❞ Darren Johnson will never understand why her only parent decided to move to a small town that is known for it...
26.8K 1.9K 12
"hm, your skin looks a little plain." ©mads a vmin fanfic.
303K 7.5K 109
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...