The Charm

By sweet_aria

1.9M 69K 5K

[AGREZOR SERIES #1] Si Amity ay guro sa isang pribadong paaralan sa probinsya ng Rizal. Madalas masangkot ang... More

The Charm
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 47

22.3K 805 48
By sweet_aria

Chapter 47

Tinalikuran ko siya. Akmang hahawakan niya muli ako ngunit binilisan ko na ang mga hakbang ko palayo.

Napansin ko ang makasasalubong kong mga co-teacher na sina Ma'am Marissa, Ma'am Dea, at Ma'am Allyssa. It seemed that they were going to his office. My two co-teachers gave me a fake smile, while Ma'am Marissa just looked at me impassively.

Nilagpasan ko sila at binilisan ko ang paglalakad pabalik sa faculty room. Nag-vibrate ang phone ko nang saktong nasa table ko na ako.

Tumatawag siya pero hindi ko ito pinansin. Mabuti nang ituon ko na lang ang atensyon sa pagharap sa mga estudyante at pagtuturo. Tumungo ako sa room ng una kong klase na parang walang nangyari.

The class went smooth as if I was not clouded with unwanted thoughts. Maya't-maya kong kinakalma ang sarili.

Palabas ng huli kong klase bago mag-lunch ay sinabayan ako ng HUMSS 1A sa corridor. Napansin ko si Carla na tahimik habang ang mga kaklase ay nagkakasiyahan sa aming likuran.

I tapped her shoulder, and she looked at me. She forced a smile and I saw the tears forming in her eyes.

Nilingon ko ang iba kong advisory sa aming likuran at tumikhim. "Hiramin ko muna si Carla sa inyo, a? May ipagagawa lang ako sa kanya."

"Okay po!" masiglang sagot ni Aris.

Nginitian lang ako ng iba niyang kaibigan na mukhang may alam kung bakit nagkakaganito siya.

Dinala ko si Carla sa conference room at pinaupo siya sa isa sa mga upuan dito. Tinabihan ko siya at halos madurog ang puso ko nang yumakap siya sa akin nang mahigpit.

"I think my parents are going to split up," her voice was shaking. "Nambabae po si Dad, nahuli po siya ni Mommy. I don't know the details about the cheating, but based on my mom's treatment towards him, it seemed that he and his mistress were really being caught in the act. Narinig ko po ang sigawan nila sa kwarto. And it's really painful to hear my mom's cry."

Pinakinggan ko ang kwento niya hanggang sa natapos siya. I wiped her tears away.

"Thank you for sharing this to me."  I heaved a sigh and looked into her forlorn eyes. "I don't have the right to meddle in your parents' affair and you know that, don't you?"

She nodded her head, and her tears continued to fall down her face.

"There are instances in our lives that we don't understand why they are happening. We have a lot of whys."

Bumuntonghininga ako at kinuha ang mga kamay niya. Mahigpit ko itong hinawakan.

"But every question has each own answer. We just have to wait until the answers are in front to us."

Inangat niya ang tingin sa akin. Kinagat ko ang ibabang labi nang nakita ang pagpipigil niya ng hikbi.

"You have to be strong, okay? You must be firm like a rock. Time will come that you'll understand why this happens. Whatever challenge we experience in life is bound to give us a great lesson." Muli kong pinunasan ang luha niya. "May mga relasyon na habang buhay at mayroon din na nagtatapos. Depende sa pagkapit ng dalawang tao. Depende sa kakayahang lumaban."

Tumango siya, mukhang naiintindihan ang nais kong iparating.

"Pero hindi ibig-sabihin na kapag ang isa ay bumitaw ay hindi na pagmamahal 'yon. Love is not all about 'staying', sometimes it also means 'letting go'."

Matapos naming mag-usap ay muli siyang yumakap sa akin. Paulit-ulit siyang nagpasalamat dahil kahit papaano ay gumaan daw ang pakiramdam niya.

Ilang minuto ang nakalipas bago ako lumabas ng conference room. Tiningnan ko ang oras sa aking cell phone at saktong alas dose na ng tanghali.

Sa cafeteria na ako dumeretso para bumili ng pagkain. Umo-order na ako nang napansin ko si Faerie na may kasamang babae sa isang table at kumakain.

Nang nakuha ko ang order ay naghanap ako ng table na malayo at tago. Inilabas ko ang cell phone ko at binalewala ang ilang messages galing kay President.

Me:

Saan ka? Nag-lunch ka na?

I sent the message to her. Nakita ko na tumingin siya sa sariling cell phone at binasa ang text ko.

Muli kong ibinalik ang atensyon sa phone ko nang nag-reply siya.

Faerie:

Cafeteria. I'm having lunch with a newbie in our department. Why?

Me:

Kaya ba hindi mo ako inaya?

Faerie:

I thought you're gonna have lunch with your boyfriend.

Me:

All right. I'll just eat alone. Enjoy your lunch!

Hindi na rin ako nakatanggap ng message sa kanya. She looked happy with the company of her new friend. Kahit walang gana ay pinilit kong kumain.

I was on my way back to the faculty room when I felt like throwing up. Agad akong lumiko sa malapit na ladies' room at sumuka rito.

Nanghihina akong nagmumog at kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko. I looked at myself in the mirror and a weak smile crept on my lips.

Nausea.

Pinilit ko ang sarili na kumalma. Nag-ayos ako at lumabas ng ladies' room na walang bakas ng kung anuman.

Nang dumating ang oras para umuwi ay hindi ko na pinag-aksayahang tingnan ang cell phone ko. Agad akong nag-time out at naghintay ng masasakyang jeep sa labas.

Maaga akong nakarating sa bahay at agad na dumeretso sa kwarto. Tinanggal ko ang sapatos at sumampa sa kama. Umabot ako ng isang unan at mahigpit itong niyakap.

I was staring into nowhere as I felt my body getting numb. Mariin kong isinubsob ang sarili sa unan hanggang sa hindi ko na napigilan ang luha ko.

I cried with no sounds but my inner self was screaming. Pahigpit nang pahigpit ang yakap ko sa unan na mas nagpahirap sa aking huminga.

Kumawala ako sa unan at ibinato ito. Hindi pa ako nakuntento at pinagbabato pa ang iba sa kung saang direksyon. Umawang ang bibig ko at pinagmasdan ang mga kamay ko. I tried massaging them but it didn't help. Hinampas ko ang dibdib ko hanggang sa  sinusuntok ko na ito, pero wala akong maramdaman na sakit.

Next thing, it wasn't only my chest that I kept on punching but also other parts of my body.

I was screaming for help in my mind because everything was getting dark. I started battling with it until I had the strength to get up and opened my drawer. Hinanap ko ang bote ng gamot ng dati kong iniinom at mas lalo akong napaluha nang nakitang wala itong laman.

Bumagsak ako sa sahig at mas tumindi ang pag-iyak. Niyakap ko ang sarili at tumungo sa aking mga tuhod.

Matagal bago ako kumalma at umayos ang paghinga. Nakaupo pa rin ako sa sahig, ngunit nakasandal na sa malamig na pader.

Bumagsak ang tingin ko sa bulsa ng uniporme ko dahil sa pagtunog ng cell phone dito. My hands were trembling as I took it out. I answered the call and cleared my throat.

"Hello, Sir Gael?"

"Ma'am Amity, where are you? Pauwi na kasi ako at mukhang ako na lang ang nandito sa faculty, pero nandito pa ang bag mo. Dalhin ko 'tong bag mo sa 'yo. Nasa library ka ba?"

Mariin kong ipinikit ang mga mata. Hindi ko akalaing naiwan ko 'yon sa faculty room.

"Nasa bahay na ako. Nakalimutan ko dahil nagmamadali ako pag-uwi kanina."

Mahinang tumawa si Sir Gael sa kabilang linya. "Sounds funny 'cause I know how you take care of your stuff, and then you forgot it all of a sudden? Text me your address. Dadaan ako dyan para dalhin 'tong bag mo sa 'yo."

"Thanks, but it's not necessary, Gael—"

"Come on, Amity," he cut me off. "Matagal na rin tayong hindi nakakapag-usap dahil sa sobrang busy natin sa trabaho. Maybe it's time for us to catch up?"

Hindi ako sumagot. Kahit sa pagsasalita ay parang hapung-hapo ako.

"Silence means yes, right? I'll hang up now and wait for your address," he said enthusiastically.

Wala sa sariling itinext ko sa kanya ang address. Pinilit kong tumayo at pumunta sa kusina. Nanginginig ang mga kamay kong kumuha ng tubig at uminom.

Nagpapahinga ako sa sofa nang narinig ko ang pagtigil ng sa tingin ko ay motorsiklo. Tumunog ang cell phone ko at nang nabasa ang pangalan ni Sir Gael ay sumilip ako sa bintana. Hindi ako nagkamali nang nakita siya roon sa labas na nakatingin sa bahay.

Napabuntonghininga ako bago siya sagutin, "palabas na ako. Wait lang."

Binuksan ko ang gate at nginitian siya. Napatingin ako sa box ng pizza at bag ko. Iwinagayway niya ang mga ito sa harapan ko.

"Pasok ka," anyaya ko.

He chuckled and followed me inside. Mabuti na lang ay nakapagbihis na ako bago pa siya dumating.

"Akala ko hindi mo ako papasukin, e," biro niya.

"Ang bastos ko naman 'pag ganoon." Isinenyas ko ang sofa.

Inilapag niya ang pizza at bag ko sa table. Binuksan ko ang TV at ramdam ko na pinanonood niya ako. I went to the kitchen and made some juice in a glass pitcher.

"Naging sobrang busy ko sa Science Laboratory, kaya hindi ako masyadong nakakapunta sa faculty. Kumusta ka naman?" tanong niya sa akin pagbalik ko.

Umupo ako sa harapan niya. "Okay lang."

Nagsalin ako sa dalawang baso ng orange juice. He opened the box of pizza, took a slice, and gave it to me.

"How about here in your house? Mag-isa ka lang?"

I shook my head. "Hindi. Kasama ko si Faerie."

Napagitnaan kami ng katahimikan. Kumuha ulit siya ng isang slice ng pizza at kumagat doon.

"You seemed preoccupied. Are you sure that you're okay?"

Inangat ko ang tingin sa kanya. Ngumisi ako. "Oo naman. Pagod lang siguro ako sa trabaho."

"Give yourself time to relax sometimes. Gusto mo bang sumama sa akin minsan? My friends and I are into hiking."

Naisip ko bigla si President. Pasimple kong ipinilig ang ulo at sumandal sa sofa.

I shrugged. "Maybe next time."

Nagtama ang aming mga mata. Agad akong nag-iwas nang ngumiti siya.

He was one of the guys I had seen with a handsome smile. Hindi nakapagtataka na madalas siyang pagkaguluhan ng mga estudyante.

"Asahan ko 'yan."

"I can't promise, Gael. Sa trabaho pa lang natin na kung minsan ay nire-require na pumasok kahit weekends dahil sa activities ng school ay kain na ang oras."

He chuckled. "Sabagay. Isang buwan na rin akong hindi nakakapamundok."

Matagal kaming nagkwentuhan hanggang sa dumilim na. Inihatid ko siya sa labas at hinintay siya na makaalis.

"Thank you sa pagdala ng bag at sa pizza. Mag-iingat ka pag-uwi," pahabol ko.

"Thanks, Amity. Nag-enjoy ako sa kwentuhan natin. See you tomorrow!"

Pinaandar niya ang guwapo niyang motor. I was not familiar with the model names of motorbikes, but I was sure his was pricey based on its features and parts.

Papasok na sana ako nang nahagip ng paningin ko ang pamilyar na sasakyan sa hindi kalayuan. Bigla akong kinabahan nang nakita si President na nakasandal sa kanyang kotse at pinanonood ako.

Itinaas niya ang cell phone na hawak at idinikit 'yon sa kanyang tenga. Tumunog ang akin sa aking bulsa, sinagot ko ang tawag niya.

"I didn't know that you had a visitor."

Kahit malayo siya ay batid ko ang intensidad ng mga mata niya, sa uri pa lang ng pagtingin niya sa akin.

"And that guy looked so happy. Did you two have a great day?"

"I'm tired, President. Wala ako sa huwisyo na magpaliwanag sa 'yo ngayon," sagot ko.

I hung up and went inside the house.

Continue Reading

You'll Also Like

85.6K 1.7K 87
"Nowadays LIES can make you HAPPY and TRUTH can give you PAINS."----Shaira Andrea Jimenez Sa tanang buhay ng isang tao hindi mo mapipigilan ang nagSI...
False Chase By DK

General Fiction

596K 5.9K 64
(Cortez Series #1) Five years ago, Ellise had only loved and chased one man: Sage Dustin Ferrero. The chase became successful and she'd managed to wi...
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
631K 23.1K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.