✔ 02 | Flames Of Madness [Soo...

By NoxVociferans

104K 8.2K 545

"The crazy thing about a fire is that it devours everything..." Detective Nico Yukishito and Detective Briann... More

NOX
PROLOGUS
CAPITULUM 01
CAPITULUM 02
CAPITULUM 03
CAPITULUM 04
CAPITULUM 05
CAPITULUM 06
CAPITULUM 07
CAPITULUM 08
CAPITULUM 09
CAPITULUM 10
CAPITULUM 11
CAPITULUM 12
CAPITULUM 13
CAPITULUM 14
CAPITULUM 15
CAPITULUM 16
CAPITULUM 17
CAPITULUM 18
CAPITULUM 19
CAPITULUM 20
CAPITULUM 21
CAPITULUM 22
CAPITULUM 23
CAPITULUM 24
CAPITULUM 25
CAPITULUM 26
CAPITULUM 27
CAPITULUM 28
CAPITULUM 29
CAPITULUM 30
CAPITULUM 31
CAPITULUM 32
CAPITULUM 33
CAPITULUM 34
CAPITULUM 35
CAPITULUM 36
CAPITULUM 37
CAPITULUM 38
CAPITULUM 39
CAPITULUM 40
CAPITULUM 41
CAPITULUM 42
CAPITULUM 43
CAPITULUM 44
CAPITULUM 45
CAPITULUM 46
CAPITULUM 47
CAPITULUM 48
CAPITULUM 49
CAPITULUM 50
CAPITULUM 51
CAPITULUM 53
CAPITULUM 54
CAPITULUM 55
CAPITULUM 56
CAPITULUM 57
CAPITULUM 58
CAPITULUM 59
CAPITULUM 60
CAPITULUM 61
CAPITULUM 62
CAPITULUM 63
CAPITULUM 64
CAPITULUM 65
CAPITULUM 66
CAPITULUM 67
EPILOGUS
About the novel

CAPITULUM 52

1.1K 100 2
By NoxVociferans

Eastwood Jewels
2:07 p.m.

---

Atty. Lelouch San Andres exited the shop with a smile. Sa kanyang bulsa, naramdaman niya ang bigat ng maliit na kahong naglalaman ng nabili niyang alahas. Today, he feels a lot more postive. Hindi tulad noong mga nakaraang araw, sandali lang siyang nakapili mula sa mga panibagong display na ipinakita sa kanya kanina ni Mr. Sauveterre.

The moment he laid eyes on it, he knew it was perfect for her.

Pleased with his choice, the shop owner even gave him a discount. Afterwards, it only took less than a couple of minutes to wrap it up and pay for it using his credit card. Huminga nang malalim ang binatang abogado at sinilip ang relo. Naka-schedule siya ngayong asikasuhin ang panibagong kaso, kaya't kailangan niyang bumalik muna sa opisina.

Every week, another case pops up at his doorstep.

As time-consuming as it is to be a public prosecutor, nauunawaan naman ni Lelouch ang responsibilidad na kaakibat ng kanyang propesyon. Bukod pa dito, nagiging abala rin siya sa paminsan-minsang mga indibidwal na kumukonsulta pa ng kanilang mga kaso sa kanya. 'Clients', he would call them, even though it wasn't necessary, especially since he provides it for free.

'Pero may mga mayayaman talagang nagpupumilit magbayad. Of course, some are even bribing me to twist their case in court. Tsk! Assholes.'

Sa hindi inaasahang pagkakataon, aksidenteng nabunggo si Lelouch ng isang lalaking nakasuot ng kulay itim na jacket.

"Sorry, pre."

Mahinang sabi nito bago nagmamadaling umalis. Sinundan ni Lelouch ng tingin ang misteryosong lalaki. His suspicious eyes narrowed at the direction he went. Ilang sandali pa, hindi na niya makita ang bulto nito. Tuluyan na siyang naglaho.

He never believed in "instincts", but right now, his instincts are warning him of an upcoming danger.

'May kung anong kahina-hinala sa kilos ng lalaking 'yon.'

O baka naman napaparanoid lang siya?

Sayang at hindi niya man lang nakita ang mukha ng lalaki. Dahil wala na siyang ibang magagawa at paniguradong matatrapik pa siya mamaya, mabilis nang sumakay ang abogado sa puting Mercedez-Benz na nakaparada sa malapit.

*

Pagod na umupo si Mr. Victoria sa kanyang office chair. The expensive material did nothing to make him feel comfortable. Sa ilang taon na niyang pamamahala sa kompanyang ito, ngayon lang niya naramdamang sinasakal na siya ng katahimikan ng kanyang opisina.

Nang dumating ang Eastwood police kanina para kwestiyunin siya tungkol sa mga ivory figurines, lalo lang lumakas ang hinala niyang pakana ito ng mga kaalitan nilang negosyante. Hindi na bago sa mundo ng negosyo ang paggamit ng "underhand tactics" para siraan ang iba--whether it'd be caused by competitiveness or personal disputes.

Noong una, mahinang minumura ng negosyante sa kanyang isipan ang mga Kingstone. Nagkaroon sila ng 'di pagkakaunawaan ni Mr. Kingstone noong nakaraang buwan, na naging dahilan para umatras ito sa pagiging stakeholder ng Victorian Pencils.

Pero nang marinig niya ang paliwanag ni Inspector Ortega tungkol sa kaso ng mga figurines, agad na nanlata si Mr. Victoria...

"Nawala ang koleksyon ng ivory figurines ni Mr. Kingstone noong gabing pinatay siya ng Robinhood Arsonist at sinunog ang kanyang opisina. We're looking for any lead that can make us shed some light on this," napabuntong-hininga ang matabang hepe at tinanggal ang suot nitong sumbrero. It revealed a slightly balding head, probably due to stress and old age, "Noong isang araw pa kami kinukulit ng media.. wala pa kaming suspect sa ngayon."

Mr. Victoria wasn't stupid. Agad niyang natunugan ang pang-aakusa sa boses ng hepe na lalong nakapagpa-stress sa kanya. Why the heck do they think that he's involved with this? Ni wala siyang alam sa mga ivory figurines na 'yan! Kung hindi nga lang nabanggit ni Inspector Ortega na patay na si Mr. Kingstone, hindi niya pa ito malalaman. His work always kept him distracted, leaving little to no time for leisure activities like watching the television.

'Pare-pareho na silang nasisiraan ng bait kung akala nilang may kinalaman ako diyan.'

To make matters worse, sinasabi nilang ang anak niya mismong si Karies ang umaming nagmula sa kanya ang mga nakaw na display!

Ayaw niyang maniwala.

Bakit naman siya ipapahamak ng sarili anak?

Still, it bothered him.

Pero nang kakausapin na niya sana nang masinsinan ang dalaga, nadatnan niyang wala ito sa kanyang silid. Ang mas nakakabahala pa ay noong makita niya ang isang kulay itim na bag sa paanan nito. Out of curiosity, he zipped the bag and gasped when he found heaps of money and jewelry inside.

'Posible kayang si Karies ang nagnakaw ng ivory figurines?'

He shook his head.

Kapag nalaman ng mga awtoridad ang tungkol dito, baka lalong magkagulo. Nakasalalay na ngayon kay Mr. Victoria ang kaligtasan ng pamilya niya. He was tired and frustrated, and their family lawyer wasn't even answering his calls! Kailangan niyang kumonsulta sa abogado, kahit sinong abogado! 'Sana lang may nahanap nang available na abogado ang sekretarya namin.'

He needed advice. He needed---

Natigil sa kanyang pag-iisip si Mr. Victoria nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. He tiredly glanced at the screen, and read the text message from an unknown number.

From: +63916.....

Good afternoon, Mr. Victoria. This is Atty. Lelouch San Andres. Your secretary informed me that you needed consultation about a case?

Agad na lumawak ang ngiti ni Mr. Victoria.

Mukhang umaayon ang tadhana sa kanya.

---

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 382K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
2.5K 299 34
Eula Chelle Payton came home one day, with her belongings packed in her bag and luggage, on the pavement in front of her father's house. Her father t...
218K 12.7K 70
Cold-blooded murder. A psychopath serial killer on the loose. Two of Eastwood's greatest detective agents in the same labyrinth of mystery. Time is r...