Secrets Beyond the Stars

By aefanfiction

60.9K 2K 133

Originally published on Facebook (01-09-20/02-23-20)🌿✨ This story is a work of π™π™„π˜Ύπ™π™„π™Šπ™‰. I repeat, 𝙁�... More

PROLOGUE🌿✨
HI KEMERUTS!🌿✨
CHAPTER 1🌿✨ -Darkest Shine
CHAPTER 2🌿✨ -Together, One
CHAPTER 3🌿✨ -Back
CHAPTER 4🌿✨ -Contract
CHAPTER 5🌿✨ -A Day In A Life
CHAPTER 6🌿✨ -Bayaw
CHAPTER 7🌿✨ -Boyz II Men
CHAPTER 8🌿✨ -The Life That We Have
CHAPTER 9🌿✨ -Treasure
CHAPTER 10🌿✨ -Mornings with You
CHAPTER 11🌿✨ -Meeting 'Her'
CHAPTER 12🌿✨ -Secret Motives
CHAPTER 13 🌿✨ -Secret Surprise
CHAPTER 14🌿✨ -Maldives Escape
CHAPTER 15🌿✨ -Mommy Na?
CHAPTER 16🌿✨ -Lamok.jPeG
CHAPTER 17🌿✨ -Unknown Fear
CHAPTER 18🌿✨ -Untrusted Destiny
HI KEMERUTS (PART TWO)🌿✨
CHAPTER 19🌿✨ -Into Something Neglected
CHAPTER 20🌿✨ -Naunang Magtampo
CHAPTER 21🌿✨ -The New York Magic
CHAPTER 22🌿✨ -Unveiling Life
CHAPTER 23🌿✨ -Fear of Priorities
CHAPTER 24🌿✨ -Mothers' Love
CHAPTER 25🌿✨ -You Almost Knew
CHAPTER 27🌿✨ -Bestfriend's POV
CHAPTER 28🌿✨ -Alagang Santos
CHAPTER 29🌿✨ -Paglaya
CHAPTER 30🌿✨ -Confessing in the Wind
CHAPTER 31🌿✨ -Flavor of the Decade
CHAPTER 32🌿✨ -Lost
CHAPTER 33🌿✨ -Daddy Pogs
CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed
CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?
CHAPTER 36🌿✨ -Her First Love
CHAPTER 37🌿✨ -Arkhin Rome
CHAPTER 38🌿✨ -No More Secrets
CHAPTER 39🌿✨ -And With This Vow
HI KEMERUTS! (PART THREE)🌿✨
PRE-NUP KUNO🌿✨
CHAPTER 40🌿✨ -Mrs. Santos
EPILOGUE🌿✨
SPECIAL CHAPTER🌿✨

CHAPTER 26🌿✨ -Motherly Instinct

956 43 1
By aefanfiction

"Okay naman si Baby, umiwas ka lang sa stress ngayon. Bawal muna ang sobrang kape at pagod pati puyat. Alam kong demanding ang trabaho mo pero sana iwasan mo muna ang mga ganoong bagay para na rin sa bata. Huwag magbubuhat ng mga mabibigat. Pero, sa ngayon congratulations ulit."

Napangiti na lamang ako ng iniabot na ng doktor sa akin ang
mga larawan at mataman ko itong pinagmasdan.

Black and white lang ito pero mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang pag asang dala niya sa buhay ko.

Para akong maiiyak sa sobrang kasiyahan at pagkamangha.

Ito na siya, ang anak ko.

Hi baby, ako ang mommy mo.

"Aaaaay ang shala 'nak oh parang butiki yung baby mo."

Natawa na lamang ako sa biglaang pagsingit ni Nanay Bianca na nasa tabi kong nakatingin din sa mga ultrasound pictures na hawak ko.

Grabe mukha bang butiki? Hindi naman. Ang cute nga eh, my little one.

"Syempre Nay, dugo pa nga lang yan kaya ganyan pa ang itsura." pagpapaliwanag ko naman

"Oo nga, dugo pa palang siya pero kamukha na kaagad siya ng tatay niya." sabi naman nito, "Tingnan mo ang ilong oh, naku Santos na Santos talaga."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

Nakakaloka talaga. Ang unfair ha, ako ang nanay pero kamukha pa rin niya?

"Baliw ka Nay, nasaan ang ilong diyan ha?"

"Ayan oh, hindi mo nakikita? Ang tangos Nakchie."

"Mana sa akin yan kasi matangos." paglaban ko naman.

Nagkibit balikat naman ito sa sinabi ko tsaka humarap lamang sa doktor

"Oh eh ano po Doctora, boylet ba o girlash? OMG excited na ako ipagshopping si bagets! Nak ha, alam mo na, ipagshashopping natin ang mini me mo nang maraming marami!"

Yung totooo, siya ba ang ina o ako?

"Shopping agad Nay? Wala pa akong budget!" pabirong sabi ko naman.

Pero pwede ba naman na wala akong maibibigay para sa anak ko? Sabi nga nila imposible daw yun. Kahit pa hindi ko inaasahan ang pagdating niya, handa na akong ibigay ang lahat para sa kanya.

Excited na kasi talaga si Nanay Bianca. Sa kanya ko lang sinabi liban sa dalawang nanay ko dahil parang ina na rin ang turing ko sa kanya.

Nang malaman niya ito ay sobrang saya ni bakla at talagang nagpumilit pa na sasama siya ngayon. Sabi ko nga ay baka mapagkamalan na siya ang tatay ng pinagbubuntis ko.

Pero ang sabi ba naman niya sa akin ay 'Gaga, mas putok pa ang labi ko sayo, paano naman nila iisipin na ako ang naglagay ng pakwan diyan sa Tiya Nena (tiyan) mo?'

Natawa naman ang doktor sa sinabi niya.

"Naku, sa ngayon po ay hindi pa po malalaman, 2 months pa lang ang bata. Maghihintay pa tayo ng 3 pang buwan para malaman natin." bumaling pa sa akin si Anne, ang doktor ko.

I smiled

Babae man o lalaki ay masaya na ako. Kahit ano pa man yan, kuntento at nagpapasalamat na ako sa bigay Niya sa akin.

"Maraming salamat, Doc Anne." sabi ko

She smiled at me before reaching for my hand "You're always welcome, Ge. Basta inumin mo yung vitamins na binigay ko sayo. Sa ngayon, yung cravings mo, normal lang yan kaya hangga't maaari ibigay niyo, ha Nanay Bianca?" sabi naman ng Doktor

"Noted madam, kaming bahala." sagot naman ni Nanay Bianca dito.

Hmmn di sila makakatanggi sa akin ngayon. Sabagay mula naman nalaman nila ang kalagayan ko ay hindi nila ako pinabayaan.

Kagabi nga ay naghahanap ako ng kwek kwek na walang kulay. Halos umiyak na ako sa harap ni Mama Bob. Kaya ayun, ginawan ako ni Ate Irene kahit na hindi nila maintindihan ang takbo ng isip ko.

Maswerte ako sa mga tao sa paligid ko. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal nilang lahat sa akin at sa anak ko.

Ngumiti naman si Doc Anne at tumingin muli sa akin.

"Babalik ka ulit next week para makamusta natin si baby ha?" she said. "...at sana sa susunod na pagbalik mo, siya na ang kasama mo" makahulugang sabi nito

Dahil sa tinuran niya ay pilit naman akong napangiti. Sana nga.

Pagkalabas namin ng check up room ay patuloy pa rin si Nanay Bianca sa pag iimagine sa mga pangarap niyang gawin sa anak ko.

"Tapos nak kapag girly, syempre kukulutin ko ang hair. Naku surlalu walang preno, manang mana nyan ang beauty mo."

"Syempre naman, ang ganda ko kaya. Pero kukulutin talaga?" sabi ko at inayos ang sumbrero at ang jacket na suot ko.

Mahirap na, baka may makakilala sa akin.

"Oo naman syempre, at sure din ako maganda ang boses. Nako dzai, panigurado nanlalamon ang kantahan niyang junakis mo paglaki. Ikaw ba naman, nanay mo si Angeline tapos ang tatay mo si Erik, ewan ko na lang talaga." sabi pa niya.

Napangiti naman ako at humawak sa tiyan ko.

Singer ka rin kaya kagaya namin ng Daddy mo paglaki, nak? Or baka dancer siguro?

Ang dami ko kaagad naiisip.

Nagsalita muli si Nanay Bianca

"Tapos isasali natin sa mga pageants, ako mag aayos palagi tapos---"

"Nay kalma, hindi pa nga natin sure kung babae o lalaki diba?" natatawa ko namang pagpipigil sa kanya.

Paano kung lalaki? Naalala ko nga, sabi pa ni Erik sa akin ang gusto niya daw lalaki ang panganay naming anak.

Haaaay

"Ah basta ang girlalu na magiging nakshie mo, papatayuan ko ng sariling parlor niya."

"So papayag kang tawagin kang lola?" biro ko naman.

"Ay nak ang chaka naman, huwag naman lola."

"E anong itatawag niya sayo aber?" pagsakay ko naman sa trip niya

"Hmmn Lolita na lang ang itatawag sa akin ng junakis mo." sabi ulit ni Nanay Bianca.

Nagtaka naman ako, "Lolita? As in lola na tita pa? Ang chaka naman lalo Nay."

"Hindi gaga, lolita short for lolang baklita. Lolita. Oh diba flangak?"

Natawa ako lalo sa sinabi niya. Hindi talaga nagpapaawat. Wala pa yung bata may supportive glam team na agad siya.

"Ay Nay, bibili nga pala ako ng gatas at vitamins ko mamaya ha? Daan muna tayo sandali sa mall." sabi ko naman

Gusto ko kasi ay ako mismo ang bibili ng mga kailangan ko.

Wala rin naman akong makakasama. Alam ko naman na busy rin si Nanay Bianca ngayon pero alam kong hindi niya naman ako iiwan.

Malakas ako diyan.

"Oo na g na kahit na may labada pa ako mamayang gabi, matitiis ko ba naman kayo? Haaay nasaan ba kasi ang tatay nyan ni kyotalet? Dapat nga kung tutuusin ay siya ang kasa kasama mo sa mga ganito eh. Sa check up mo ngayon, sa pagbili ng mga kailangan mo, kung tutuusin nga ay dapat siya ang bumibili ng mga pinaglilihian mo. Dapat kayo ang magkasama. Magkasama kayong gumawa niyan diba, dapat magkasama rin kayo ngayong may nabuo na diba?" pagkuda naman ni Nanay Bianca.

"Nay, hindi ba napag usapan na natin 'to?" malumanay kong sabi.

"Bakit totoo naman ah? Kailangan mo siya ngayon nak, kaya dapat nandito siya ngayon. Bakit din ba kasi ayaw mo pang sabihin?"

Napabuntong hininga naman ako. Ang totoo niyan ay may kaunting inis na rin sila kay Erik pero pilit kong ipinapaliwanag sa kanila ang sitwasyon naming dalawa.

Ayaw ko naman na sumama ang tingin nila sa kanya dahil lang sa mga nangyayari.

Isa pa ay ako naman ang may desisyon nito. Hindi ko pa kasi talaga alam. Natatakot pa rin ako. Paano kung ako pa pala ang maging hadlang sa kasiyahan niya sa buhay?

Afterall, I still love him and I forever will. Kahit pa masaya na siya sa iba.

Umiling naman si Nanay Bianca bago sumagot

"O siya nakchi, magsi-CR lang muna ako ah. Stay put ka lang here. Saglit lang aketch." biglang sabi naman ni Nanay Bianca at nahinto kami sa paglalakad.

Umupo naman ako sa isa sa mga upuan na nasa hallway habang hinihintay si Nanay Bianca.

Wala sa sariling tiningnan ko muli ang ultrasound na hawak ko.

Napangiti na lamang ulit ako.

Anak, wala ka pa man ay mahal na agad kita. Pangako, gagawin ko ang lahat para sayo.

Lahat ng desisyon ko ngayon, para na sa ikabubuti mo.
---------------------------
THIRD PERSON'S POV
(A/N: Sa part na 'to, pakwento ulit ang style ng narration. Wag maguluhan hihi)

"OH NANDITO na ako kanina pa, nasaan ka na ba?"

Halos sampung minuto pa lamang ang nakakaraan magmula nang dumating siya sa ospital pero para bang isang taon na ito para sa kanya.

"Chill ka lang Nay, excited ka ba masyado ha?" natatawang turan ni Dhang sa ina mula sa kabilang linya na sasamahan niyang magpacheck up sa oras na ito

"Aaay nako! Alam mo naman na ayaw na ayaw ko na nasa ospital diba? Parang lalo akong aatakihin sa kaba sa mga pasyente na nakikita ko!"

"Ang OA ha. Nay, mata ang problema sayo, hindi puso wag kang masyadong eksaherada." sabi naman ulit ni Dhang habang natatawa pa rin sa kanyang ina "At saka bakit ba kasi hindi ka na lang kay Erik nagpasama? Edi sana ngayon pauwi na kayo."

"Hay nako alam mo naman yun, ewan ko ba dyan sa kapatid mo parang palagi na lang mainit ang ulo ngayon. Kaunting kibot naiirita, tapos parang palagi na lang nagmamadali umalis ng bahay. Halos hindi mo na makausap at makita."

Napapailing na lamang siya kapag naaalala ang anak niya. Hindi niya rin kasi alam, para bang wala ito palagi sa sarili nitong mga nakaraang araw.

"Hayaan mo na Nay, baka hindi pa sila ayos ni Angge kaya ganoon. O di kaya naman baka pagod lang palagi dahil sa trabaho. Intindihin na lang natin." sabi ni Dhang sa ina.

"Ano ba naman kasi ang problema, parang ngayon lang sila nagkaganyan nang sobrang lala sa tinagal tagal nilang dalawa. May babae ba ang kapatid mo ha? Aba at ngayon pa naisipang mambabae?!"

Namayani sandali ang katahimikan sa linya.

Sa totoo lang ay hindi rin alam ni Dhang ang sasabihin.

Bagama't malapit silang magkapatid at ganoon din siya pagdating kay Angge na halos itinuring niya na ring kapatid ay hindi naman niya pinapakialaman ang dalawa.

Kaya nga nagulat na lamang siya nang makabalita siya ng tungkol sa kapatid niya at kay Keia na malamang ay hindi alam ng mga magulang niya.

Nagulat din siya nang malaman na madalas magkita ang dalawa kahit na hindi niya rin sigurado ang dahilan.

Oo, alam niyang kaibigan nito ang babae na kauuwi lang mula sa ibang bansa at hindi naman nito intensyon na madalas silang magkita dulot na rin ng mga pagkakataon na pareho lang silang naiimbitahan sa mga parties pero kahit siya ay nababahala.

Ano nga ba ang pakay ng babaeng ito sa kapatid niya?

Magsasalita na sana siya nang agad na niyang natanaw ang ospital kaya pinili niya nang magpaalam sandali sa ina.

"Aaaaay Nay, sandali ha, nandito na ako. Teka lang paparada na ako, babye na."

Wala nang nagawa si Nanay Litz kundi ang ibaba ang tawag.

Naglakad lakad na lang siya saglit upang makahanap ng mauupuan.

Nanlalabo na rin kasi ang paningin niya dahil sa salamin niya kaya nga magpapatingin siya ngayon.

Pasimple niyang pinagmasdan ang mga pasyente na nasa paligid ng bawat sulok ng koridor na tinatahak niya.

Talagang nanghihina siya sa tuwing nakikita ang kalagayan ng ibang tao.

Sa gilid niya ay may mga pasyenteng bata na iyak nang iyak, may ibang may edad na rin naman na nanghihina na, sa kabilang banda ay may mga buntis din na akay-akay ng mga asawa nila.

Tumigil naman siya sa hindi na gaaanong mataong parte ng koridor ng ospital, kung saan hindi na rin gaanong maingay.

Layo-layo na ang pagkakaupo ng mga tao, walang gaanong pasyente na nakaupo sa gilid. Kaagad niyang tiningnan muli ang ilang mga tao doon.

May lalaki na parang nagdarasal.

Mayroong isa na abala sa pagliligpit ng mga ginamit sa medical examination.

Sinundan naman niya ng tingin yung mag-asawa na lumabas sa isang pintuan at sumigaw yung lalaki ng "Yes! Magiging tatay na ako!"

Napangiti siya sa nakita.

Halata sa reaskyon at boses ng lalaki ang kasiyahan niya.

Yung tunay na kasiyahan dahil sa isang bagay na totoong regalo na galing sa langit.

Nakakatuwa lang.

Nakita niya yung reaksyon ng anak niyang si Ron noong unang beses nitong malaman na ipinagbubuntis na ng asawa nito ang una nilang anak.

Tiyak na sobrang sarap sa pakiramdam ng may sarili kang anak. Yung anak na karugtong na ng pagkatao mo habang siya ay lumalaki sa piling mo.

Napabuntong hininga siya sa mga naiisip niya. Sana sa susunod si Erik naman at si...

"Angie?" kunot noong sabi niya habang nakatingin sa babaeng maputi na nakasuot ng sumbrero at jacket na malayong nakaupo sa kanya.

Hindi niya alam pero parang may gulat sa puso niya nang makita ang babaeng nakaupo sa kalayuan na para bang sobrang pamilyar nito sa kanya.

Si Angie ba yun?

Pero bakit?

Anong ginagawa niya dito?

"Gie!" medyo malakas na sigaw niya.

Tatayo na sana siya para lapitan ang babae nang may humawak bigla sa balikat niya.

"Nay! Kanina pa kita hinahanap ah, bakit naman kasi dito ka pa pumwesto?"

"Ha?" medyo gulat na wala sa sariling sabi niya tsaka nya naalala ang babaeng dapat sana ay lalapitan niya, "Dhang, si Angie yung babaeng nakaupo doon." sabay lingon ulit sa kaninang upuan na tinititigan niya pero wala na yung babae.

Nasaan na?

"Ha? Nasaan Nay? Wala naman e. Sino dyan?"

"May babae dyan kanina, parang si Angie talaga Dhang." pagpipilit niya pa sa anak

"Oh eh nasaan nga? Wala naman."

"Meron. Nandiyan siya kanina. Nakajacket na puti na kagaya nung kay Tenten, tapos nakasumbrero. Si Angeline yun Dhang, hindi ako pwedeng magkamali."

Malabo ang mga mata niya pero ang puso niya ay hindi.

Nararamdaman niya na tama ang nalita niya. Si Angeline yun.

"Paanong hindi ka pwedeng magkamali e malabo nga ang mata mo? Hala nay ha baka may nakikita ka na hindi ko nakikita ha? Naku nakakatakot yan." sabi naman nito

Tiningnan niya lang ang anak na may halong inis. Tila hindi nito alintana ang kanyang mga sinasabi.

"Seryoso ako. Parang si Angge yung babaeng yun."

Napabuntong hininga naman si Dhang sa sinabi ng ina "E 'nay ano namang gagawin ni Angge dito? May sakit ba siya? Parang wala naman noong huli naming pagkikita."

"E pero kasi..."

"Baka hindi naman siya yun, nanlalabo lang talaga yang paningin mo Nay kaya tara na magpatingin na tayo."

Tahimik lang na napaisip si Nanay Litz sa nakita niya.

Naramdaman talaga ng puso at isip niya na kilala niya ang babaeng nakita niya kahit pa malabo ang kanyang mga mata.

Si Angge yun, walang duda. Pero bakit nga kaya?

----------------------------
PAGKAUWI nila ng bahay matapos ang saglit na check up sa ospital ay naabutan nila na parang paalis nanaman si Erik.

Agad itong lumapit sa ina para humalik nang makita niya ito.

"Oh kauuwi mo lang kanina ah, aalis ka nanaman?"

Madaling araw na kasi ito umuwi kanina. Malamang ay galing nanaman sa inuman sa kung saan.

Hindi maintindihan ng ina at kapatid kung ano ang ginagawa nito sa sarili. Hindi naman siya dating ganyan.

Bumuntong hininga ito na para bang walang gana magsalita "May show ako ngayon 'nay." tanging sagot nito.

Bigla namang sumingi si Dhang sa usapan ng kapatid at ina

"Oo nga 'nay nalimutan mo agad? Sinabi ko na yan sayo kanina lang ah. Namimiss mo na ba talaga ang paborito mong manugang?"

Bigla namang kumunot ang noo ni Erik dahil sa narinig niya mula sa kapatid dahil kilala niya ang tinutukoy nito. Hindi niya napigilang hindi magtanong "Bakit anong meron kay Angge?"

Nagkibit balikat lang ang kapatid bago nagsalita habang nagsasalin ng tubig sa baso

"Haaay nako ewan ko nga rin ba diyan kay Nanay nakikita si Angge kahit saan." sabi nito bago uminom at nagpatuloy, "Alam mo ba, kanina sa ospital sabi niya parang nakita niya si Angge doon sa hallway dahi may babae daw na nakajacket na kagaya noong jacket mo na puti at nakasumbrero pero pagtingin ko wala naman."

Jacket?

Jacket na puti na kagaya ng sa kanya? Marami silang jacket na pareho pero wala silang ganoon ang kulay. Yung jacket lang na puti na mayroon siya ay...

Meron nga. At nasa kanya yun.

(A/N: Jacket sponsored by GAP charot nasa baba yung picture para maimagine niyo)

Lalong nagtaka ang binata sa sinabi ng kapatid niya.

Ano namang gagawin ni Angge sa ospital?

Magtatanong pa sana siya sa Nanay niya nang biglang tawagin na siya ni Mark para sumunod sa kotse kaya naman pinalis niya na lang ang nasa isip niya.

Mamaya na lang siguro pagkauwi niya.

Gusto niya ring malaman kung totoo ba ang nakita ng ina o hindi na sa pakiwari niya rin ay tama nga.

Hindi naman kasi magkakaganito ang kanyang ina kung wala lang iyon. Gusto niyang makasigurado.

Pero nang paalis na siya ay agad nangsalita si Nanay Litz na lalong nagpagulo sa isipan niya.

"Malakas talaga ang kutob ko na siya ang nakita ko. Hindi ko man siya nakita nang malapitan pero ramdam ko na si Angie yun." sabi ng kanyang ina.

"Ten, may sakit ba si Angie?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 360 64
A story of flashback's love, pain and sorrow. Will fate stand in their side the present time ? Dumee fans enjoy reading πŸ˜‰πŸ’š Please vote and comment...
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
462K 5.7K 61
I just checked my wattpad app and pressed the "CREATE" button and there you go, this fan fiction was the first thing that comes to mind. For the love...
43.6K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"